Love Calculation

By Pilyosopher

36.7K 1.4K 421

Ahuh! Ako na ang pasimuno sa magandang lovelife ng ate ko. Pero What happened to mine? Love is like a math pr... More

BLURB
PROBLEM 1 : The Past, the Fake Fiance and the Hidden Admirer
PROBLEM 2 : When is my time to shine?
Problem 3 : The Damian Conspiracy?
Problem 4: How to start again?
Problem 6: How to end the nightmares?
Problem 7 : How to train a child?
Problem 8: How to sell more?
Problem 9 : How to keep it hidden?
Problem 10: How to protect your beloved?
Problem 11 : How to lose your past?
Problem 12 : Break down the walls
Problem 13 : How to make a grand plan?
Problem 14 : When things start to get complicated.
Problem 15 : What happened?
Problem 16: Can I just melt right now?
Problem 17 : When your past comes back at you
Problem 18 : How to conceal the truth?
Problem 19 : When the truth is revealed
Problem 20: Will they reconcile?

Problem 5 : How to win the game?

1.7K 79 21
By Pilyosopher

"Nakauwi na po ako." bati ni Gig pagpasok niya sa kanilang bahay. Agad na sinalubong siya ng kanilang Ina na kasalukuyang nag-aayos ng kanilang pagkain sa mesa.

Nagmamadaling nagpunas ng kamay sa suot na apron ang Ina bago linapitan si Gig at yinakap ang kadarating na anak.

"Kumusta ang araw mo anak? Balita ko ay makakatrabaho mo si Voice?" pag-uusyoso nito.

Tumango lang si Gig ngunit napansin ng Ina ang kakaibang pag-aliwalas ng mukha ni Gig.

"Magpapalit lang ako Nay." paalam ni Gig na nagtungo sa kuwarto niya nang kararating din lang ni Bitz.

"Anak! Anak!" nagmamadaling linapitan ng Ina nila si Bitz. "Mukhang may masayang nangyari sa kapatid mo. Maaliwalas ang mukha niya ngayon, hindi siya mukhang

namatayan. Ano sa tingin mo ang nangyari?"

Gulat na napalingon si Bitz sa pintuan ng kuwarto ni Gig.

"Sigurado kayo? Teka, hindi ba ngayong araw yung punta niya kung saan ang boutique ni Voice?"

Patango-tango ang Nanay nila.

"Sa tingin mo nagkabalikan sila?" tanong ng Ina nila.

Mabilis na umiling si Bitz. "Amasona si Voice Nay. Hindi yun papayag ng ganun-ganon lang. Pero ano nga ba talaga ang nangyari?" Napahawak sa baba si Bitz.

Dahil naging kuryoso ang dalawa ay hinintay nila ang paglabas ni Gig upang samahan sila sa hapag-kainan.

Kaya naman pag-upo na pag-upo ni Gig ay agad na inilapit ng

mag-ina ang kanilang upuan. Rinig pa ang tunog ng nahihilang upuan kaya napakunot ng noo si Gig habang nakatinginin sa kuya at Ina.

"Anong meron?" tanong ni Gig.

"Ikaw dapat ang magkuwento anak. Anong meron?" pagbabalik ng tanong ng kanilang Ina.

"Wala." tipid na sagot ni Gig.

"May nangyari ba sa inyo ni Voice?" usyoso naman ngayon ni Bitz.

"Huh?" gulat na napatingin si Gig kay Bitz. "A-anong meron sa amin ni Voice?" tsaka tatayo na sana sa upuan si Gig nang hinila siya ulit paupo ni Bitz.

"Aba! May tinatago ka noh!" paratang ni Bitz. Pilit kumakalas si Gig ngunit parehas na hinahawakan na siya ngayon ng Ina at ni Bitz.

"Ano bang nakain niyo?" alburoto ni Gig. "Wala ngang nangyari."

"Tignan mo ako sa mata anak at sabihin mong walang nangyari." pangungulit ng Ina nila. Agad na tinignan ni Gig sa mata ang ina at sinunod ang sinabi nito.

"Satisfied?" tanong ni Gig na nakatayo na ngayon dahil humina ang pagkakahawak nila.

"Sige na. Umupo ka na at hindi ka na namin kukulitin." tsaka hinatak ng mag-ina ang kanilang mga upuan pabalik sa dati nilang posisyon. Hindi maiwasang magsenyasan ni

Bitz at ng kanyang Ina habang kumakain sila. Pinag-tsitsismisan pa rin nila ang tungkol kay Gig at sa posibilidad na may magandang nangyari nga dito.

Tatayo na sana para huhugasan ni Gig ang kinainang plato nang pinigilan siya ng Ina. "Ako na anak. Pagod kayong dalawa ng kapatid mo kaya magpahinga na lang kayo."

Sumunod si Gig at nagtungo na sa kanyang kuwarto. Pagkaupo niya sa harap ng desk ay tsaka niya inilabas mula sa drawer ang luma niyang cellphone. Kasabay ng paghawak

niya dito ay ang pagbalik ng mga memorya nila ni Voice. Kung paano siya kinukulit ni Voice dati at kung paano naging parte ng buhay niya ang kanyang cellphone.

"Huli ka!" malakas na sambit ni Bitz mula sa kanyang likod. Halos mapatalon si Gig na nagmamadaling ibinalik ang cellphone sa drawer.

"Ba-bakit ka ba biglang pumapasok na lang Kuya?" hindi sumagot si Bitz kundi ay linapitan niya si Gig at tsaka kinuha mula sa drawer ang cellphone. Hawak hawak nito sa

ere na iwinagayway ni Bitz.

"Tapatin mo nga ako Gig. What made you give up something so precious to you? Itong cellphone na ito, kung tutuusin gumagana pa ito. I always see you turn it on at

least once a week. Binabayaran mo rin ang bills nito kahit hindi mo naman siya ginagamit. Ano ba talaga ang nangyari noon huh?"

"I won't answer that question." seryosong sagot ni Gig tsaka inagaw ang cellphone mula sa kapatid at ibinalik ito ulit sa drawer.

"Fine! I'll just ask JK." nagulat si Gig sa sinabing pangalan ni Bitz kaya pinanlakihan niya ng mata ang kapatid.

"Ngayon nakuha ko na atensyon mo?" sumbat ni Bitz. "Alam kong alam mo ang tungkol kay JK dahil hindi mo ako tinanong kung sino siya."

"I don't wanna talk right now."

"Kung ang rason na hiniwalayan mo si Voice at malungkot ka ngayon ay ang tungkol sa Tatay natin then I think you made your worst decision ever." umiiling si Bitz na

lumabas ng kuwarto ni Gig habang naiwan si Gig na tuliro at punong-puno ng galit.

***

Kinaumagahan sa Queen Esther Boutique...

"Boss mukhang hindi ka nakatulog huh?" tanong ni Chill nang mapansin niya si Voice na pahikab-hikab habang abala silang lahat sa pagbubukas ng boutique. "Nangingitim

ang eyebags mo oh." itinuro pa ni Chill ang baba ng mata ni Voice. Agad na sinipat ng dalaga ang mga daliri ni Chill.

"Ito ang uso ngayon! Kung ayaw mo sa babae dahil may eyebags siya eh di hindi mo talaga gusto yung babae." sermon ni Voice.

"Ganun ba?" pilyong ngumiti si Chill. "Pero Boss bakit maganda ka pa rin sa paningin ko?"

"Huh?"

Dumaan sa likod ni Chill si H at sadyang ibinagsak sa ulo ng binata ang mga buhat-buhat nitong mga damit.

"Ano ba!" alburoto ni Chill.

"Ayaw mo bang mag-apply ng cream sa mata mo?" tanong ni H kay Voice.

"Huwag na." sagot ni Voice nang tumunog ang bell na nakasabit sa pintuan at sunod na pumasok si Gig kasama si Chesca.

"Good morning!" masayang bati ni Chesca. Sa gulat ng lahat ay pati si Chill ay nagmadaling tinanggal ang mga damit na nakapatong sa ulo niya.

"Chesca and I will work together starting today." imporma ni Gig.

"Oh! Isn't he your fiance?" turo ni Chesca kay H.

"Tara H." nagmamadaling hinawakan ni Voice ang kamay ni H.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni H.

"Mag-aapply ng eye cream at make up at ng hindi ako magmukhang gurang sa tabi ng babaeng ito. I will not lose." tsaka hinatak ni Voice si H papunta sa stockroom.

"Wow! They are such lovers." natutuwang komento ni Chesca.

"They are not." diin ni Gig na seryosong nagtungo sa isang mesa. Linapitan naman ni Chesca si Chill.

"Hi! I'm Chesca." pakilala ng dalaga.

"Chill."

"I am looking forward to working with you all. Saglit lang huh." tsaka linapitan naman ni Chesca ngayon si Gig. "What do you like to drink? I saw some coffee shop

nearby."

"Just regular coffee." tipid na sagot ni Gig.

"Okay! Anything for you." tsaka kinindatan ni Chesca si Gig at saglit na umalis sa boutique.

"Mukhang may rason bakit galit sa iyo ang Boss namin huh." parinig ni Chill habang nguso nguso ang kakaalis na si Chesca.

"We are not in a relationship."

"I don't care. You two look great. You should be in a relationship." pagbibiro ni Chill.

"Anong biro ito?" galit na tinitigan ni Gig si Chill.

"Hindi ako nagbibiro. Nakita ko noon ang Boss namin na araw-araw umiiyak dahil sa iyo. We became friends because she was so mad at you. I don't have any intention to

give her back to you." seryosong sambit ni Chill.

"She does not belong to you." napatayo si Gig.

"So are you."

Matagal na nagkatitigan ang dalawang binata nang maalala ni Chill sina Voice at H.

"If you excuse me, I'll just check what those two are doing." tsaka umalis si Chill para silipin kung ano ang ginagawa na ni H at Voice sa stockroom. Halos

bumungisngis sa tawa si Chill nang buksan ang pinto dahil abala si H sa paglalagay ng eye cream kay Voice.

"Bagay sa iyo H." biro ni Chill habang dali-daling ibinato ni H sa kanya ang eye cream.

"Ikaw na gumawa." amok ni H.

"Ui! Nagbibiro lang ako."

"Tumigil na nga kayo. Maglalagay pa ako ng make-up." sunod na hinalungkat ni Voice ang lipstick sa bag niya tsaka naglagay ng katamtaman sa bibig. Ilang beses na

pinatunog-tunog niya ang labi habang pinagmamasdan lang siya nina H at Chill.

"Ngayon lang kayo nakakita ng babaeng naglalagay ng lipstick?" sarkastikong tanong ni Voice.

"Hindi dahil dun. Hi-hindi bagay sa iyo yung kulay boss. Masyadong mapula." sambit ni Chill.

"Mapula ba?" dali-daling naghanap ng salamin si Voice at tinignan ang bibig dito. "Mukhang mapula nga."

Nagulat naman si Voice nang sunod na pinunasan ni H ang bibig niya ng panyo nito. "That should fix it. Ok na yan." mabilis din na isinuksok sa bulsa ni H ang panyo.

"Ui! Ba-bakit mo pinampunas yung panyo mo? Akin na at lalabahan ko." pinalakihan ng mata ni Voice si H.

"Just shut up." asik ni H na lumabas na mula sa stockroom.

"May period ba yun?" tanong ni Voice.

"Huwag mo na siyang pansinin Boss. Labas na rin tayo."

Magkasabay na lumabas si Voice at Chill nang matigilan si Voice dahil nakaupo sa tabi ni Gig si Chesca at nakahawak ulit ang dalaga sa braso ni Gig.

"Uso na ata ang lahi ng ahas ngayon." bulong ni Voice sa sarili. "Kahapon lang ay hinalikan niya ako tapos ngayon may ibang babaeng nakapulupot sa kanya?"

"Selos ka Boss?" tanong ni Chill.

"Magtrabaho na kayo!" bulyaw ni Voice tsaka linapitan niya sina Chesca at Gig. Malakas na kinalampag pa niya ang mesa na gamit ni Gig. "Uhmmm...Chesca, akala ko ba

tutulong ka magtrabaho? Kulang na lang eh bumili ako ng bulldog na glue at pagdikitin ko kayong dalawa." diin ni Voice habang iniirapan si Gig.

"Gig doesn't want me to help him in his work." sagot ni Chesca.

"Eh bakit ka dinala dito?" lumaki ang mata ni Voice.

"Uhmmm...I guess he needs inspiration." maarteng sagot ni Chesca.

"Inspiration? Hahaha! Inspiration daw oh! Chill! H! Inspiration daw oh." malakas na tumawa si Voice. Napapangiwi naman sina H at Chill sa nakikitang reaksyon ni Voice.

"Ah, Chesca hindi kailangan ang inspiration dito ang kailangan dito ay hard-work sa tagalog magbanat ka ng buto! Aba! Lahat kami dito nagtratrabaho ng mahirap."

"How about him?" itinuro ni Chesca si H na papaupo na para matulog sa dati niyang puwesto.

"Si-siya?" itinuro rin ni Voice si H. "Ah Siya? Trabaho niya yan. Mahirap kaya ang matulog at itapat ang mukha sa bintana para maka-akit ng kustomer."

"I guess you meant playing when you mentioned hard-work." buwelta ni Chesca.

"Huh?"

"You have customers." nakangiting itinuro ni Chesca ang mga bagong pasok na customers. Wala na ring nagawa si Voice kundi ang magtrabaho. Hindi rin niya mapigilan ang

sarili na mapatingin kay Gig na wala mang lang reaksyon sa pagkakapulupot ni Chesca sa binata.

"Bagsakan sana kayo ng bulalakaw mamaya." bulong ni Voice sa hangin.

"Halatang nagseselos ka Boss." bulong ni Chill na napadaan sa likod ni Voice.

"Hindi selos ito. Kukulamin ko yang dalawang yan."

"Alam mong mangkulam?" umarteng natatakot si Chill.

"Che! Baliw! Shoo! Out of my face!" pagtataboy ni Voice. Hindi naman tumigil sa kakatawa si Chill habang tinataboy siya ni Voice. Napansin rin ito ni Gig na napasulyap

sa masayang biruan ni Voice at Chill.

"Chesca, can you get your hands off me." mahinang sambit ni Gig.

"Huh?"

"It feels numb already and I can barely type on my laptop. You are not helping at all." diin ni Gig.

"Okay." dali-daling kumalas si Chesca. "You know what Gig, I did a research about you by the way."

Nagulat na napatingin si Gig kay Chesca.

"Anong ibig mong sabihin?"

"I find you interesting so I dug facts about you." sagot ni Chesca.

"Wala kang makikitang interesante tungkol sa akin."

"Nah-ah! Mali ka. I find you interesting and the fact that you are just five meters away from your first love and still you can act coldly. That's very interesting to

me."

Natigilan sa pagta-type si Gig at napatingin kay Chesca.

"Stop there." seryosong banta ni Gig.

"Okay. I don't care anyway. I find you interesting now but I might find another guy in the future."

Umiling-iling na lang si Gig nang may kakaibang lalake na pumasok sa boutique. Isang matandang lalake na napako kaagad ang paningin kay Voice. Maayos pa rin ang tindig

ng matanda at parang isang aktor nung dekada setenta ang ayos nito. Naka-amerikana at may hawak na tungkod.

"Ikaw ba ang fiance ng apo kong ito?" itinuro nito si H na biglang napabaikwas pagkarinig ng boses ng lalake.

"Do-Don Hector?" bulalas ni H na napatayo na.

"Ako nga hijo." nginitian ni Don Hector si Voice tsaka linapitan ang dalaga. Pinagmasdan niya mula ulo hanggang paa si Voice bago pinatunog nito ang dila.

"Wala ka man lang suot na make-up?" tanong ni Don Hector.

"Po? Natuon lang po na wala akong make-up pe-pero hi-hindi po ako pangit everyday. Promise po." nauutal na sagot ni Voice na hindi maiwasang kabahan na rin.

"Huwag ka ng mag-abala. Ayoko sa babaeng kulay espasol." seryosong sagot ni Don Hector na nakatuon ang tingin kay Chesca.

"A-ako ba tinutukoy niya?" malungkot na tanong ni Chesca kay Gig.

"Probably." seryosong sagot ni Gig na hindi mapakali.

"U-upo po kayo Don." alok ni Voice nang mapansin niyang sumesenyas si H na huwag niyang alukin si Don Hector.

"Napakabuti mo naman Hija." nakangiting umupo si Don Hector.

Dahil hindi naiintindihan ni Voice ang senyas ni H ay napilitang lumapit si H kay Voice.

"I told you that he should not like you." bulong ni H kay Voice.

"Ah! Oo nga pala. Talaga bang ipapakasal niya tayo kung magustuhan niya ako?" tanong ni Voice nang umubo si Don Hector.

"Gusto kong imbitahan ka sa hacienda namin Hija." malakas na alok ni Don Hector.

"Po? Pe-pero may trabaho po ako."

"Kahit ba sabado may trabaho ka?" tanong ni Don Hector.

"Opo."

"Kung ganon bumisita ka sa susunad na holiday. Hindi naman kayo siguro magbubukas nun?" hirit ulit ni Don Hector.

Nagkatinginan naman ngayon si Voice at H.

"Anong sasabihin ko?" kinakabahan na tanong ni Voice.

"Say no."

"Pwede rin po ba kaming sumama?" singit ni Gig.

"At sino ka naman Hijo?" tanong ni Don Hector.

"Gusto ko rin po kasing makakita ng isang hacienda. Kung pwede lang po sana."

"Aba! Matutuwa ka sa hacienda namin! Sige pumunta ka rin basta huwag mo lang isama yang babaeng espasol." pagtutukoy niya ulit kay Chesca.

Hindi napigilan na ngayon nila Voice na bumungisngis sa komento ng matanda.

"Kung ganon ay hihintayin ko kayo sa susunod na bakasyon." tsaka tumayo si Don Hector at nagmamadaling umalis sa boutique.

"Phew! Akala ko mawawala na yung kaluluwa ko." hawak-hawak ni Voice ang dibdib.

"It's hard to say no to him." bulalas ni H.

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Gig kay H.

"What do you want to talk about?" tanong ni H.

"Sa labas tayo mag-usap." diin ni Gig. Tahimik na lumabas ang dalawa at humanap ng lugar kung saan walang makakarinig sa kanila.

"Gusto mo talagang magustuhan ng Lolo mo si Voice?" tanong ni Gig. Seryosong tinitigan naman siya ni H.

"Bakit natatakot ka? She is not the same person that went crazy for you before. Maybe the two of you weren't meant to be but she might be for someone way better than

you."

"At ikaw yun?" tanong ni Gig.

"Who knows." ngumisi si H. "My name is Hunter, I hunt!" diin ni H na malakas na itinulak si Gig palayo sa kanya bago pumasok ulit ang binata sa loob ng boutique.

Continue Reading

You'll Also Like

5.3M 134K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...
2.8M 110K 77
Highest Rank Achieved: #1 in HUMOR CATEGORY! • • • • • • Pauper turned into Princess. Ganyan ang naging buhay ng bading na si Fita nang mag-asawa mul...
5.2M 183K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
1.3M 134K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...