Star Dancer (rated spg)...

By Emmz143

485K 10.8K 248

Ang kwentong ito ay kailangan ng patnubay ng magulang...not suitable for young audiences and be open minded... More

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9..
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12..
Chapter 13
Chapter 15..,
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19...
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23...,
Chapter 24...
Chaoter 25..
Chapter 26..
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29..
Chapter 30
Chapter 31..,
Chapter 32...
finale

Chapter 14...

14K 329 5
By Emmz143

Star Dancer
By...emzalbino
...rated spg...

Nagmamadaling binuksan ni Miguel ang kanyang kotse at saka isinakay ang walang malay na si Aleah. Agad niyang pinatakbo ang kanyang kotse para dalhin sa pagamutan si Aleah ngunit maya maya lang ay biglang nagbago ang kanyang isip at bigla niyang iniliko ang kanyang sasakyan patungo sa ibang direksiyon.


"No, hindi kailangang sa publikong ospital dalhin si Aleah dahil halos alam ng sambayan na ako ay ikakasal kay Erica at kilala ang kanilang pamilya at lipunan kaya hindi pu pwedeng sa basta bastang ospital dalhin si Aleah!" ani Miguel habang palingon lingon sa dalagang walang malay.

Ilang sandali pa ay nasa tapat na si Miguel ng isang malaking bahay at doon ay bumubusina. Nang makilala ng guardiya ang kanyang kotse ay agad ding binuksan nito ang malaking gate kaya nakapasok ang kanyang kotse sa loob ng bakuran ng mansiyon.


"Mang Egme andiyan ba si Uncle?" agad na tanong ni Miguel sa matandang guardiya.


"Ah Oo Miguel, kararating lang niya galing ng trabaho" sagot ng matanda saka muli nitong isinara ang gate.


"Asan siya?" muling tanong ni Miguel sa matanda.


"Bakit iho anong kailangan mo at gabing gabi na ay napasugod ka pa?" kapagkuwa'y sabat ng dumadagundong na boses sa may pinto ng mansiyin kaya naman napatingin si Miguel doon at napangiti ng makilala ang nakatayo roon.


"I need your help uncle Lauro!" ani Miguel saka nito binuksan ang kabilang pinto ng kotse at binuhat nito si Aleah.


"Who is she?!" kunot noong tanong ni don Lauro.


"I'll tell you everything uncle but now please help her, she need your help badly" may pagmamakaawang turan ni Miguel habang papasok ng mansiyon.


"Okay bring her to my clinic!" agad namang utos ng don kay Miguel na agad namang tumalima ang binata habang karga karga nito ang walang malay pang si Aleah.


Nang maibaba na ni Miguel si Aleah sa kama ay agad namang sinuri ni don Lauro ang pasyenteng dala dala ni Miguel habang tahimik na nakamasid ang binata.

Ilang sandali ang lumipas matapos ang pagsusuri ng doktor na si don Lauro Sandejas, ang kapatid na matandang binata ng papa ni Miguel na si don Lorenzo.Hindi ito nakapag asawa dahil iginugol nito ang panahon niya sa pagta trabaho hanggang maging isang ganap na beteranong doktor.

"Uncle how is she? Is she's pregnant?" may pag aalalang tanong ni Miguel sa kanyang tiyuhing doktor.


"Yes, going to five weeks already at medyo maselan ang kanyang pagbubuntis dahil mas malakas ang bata sa kanyang sinapupunan kesa sa kanya. Kailangan niya ng kaunting pahinga upang magkaroon siya ng sapat na lakas" sagot ni don Lauro sa pamangkin.


"Sabi ko na nga ba eh!" nakangiting turan ni Miguel na nababanaag sa kanyang mga mata ang kasiyahan.


"Iho, ikaw ba ang ama ng bata sa sinapupunan ng babaeng ito?" may pagdududang tanong ni don Lauro.


"Opo, ako po uncle" masayang sagot ni Miguel saka nilapitan niya si Aleah at ginagap nito ang kamay ng dalaga na kasalukuyang nasa kasarapan pa ng tulog.


"Gulo ang pinasok mo iho!"....iiling iling na sabi ni Don Lauro....."Ikakasal kana bakit gumawa ka pa ng ganitong milagro? You know your mama right! Alam kong hinding hindi niya hahayaang may hahadlang sa lahat ng mga plano niya diba?!" may pag alalang saad ng matandang binatang doktor.



"Yes uncle, Pero naririto na ito at hindi ko naman hahayaan si mama na pigilan niya ako sa gusto ko sa buhay" sagot ni Miguel habang gagap nito ang kamay ni Aleah at nakatitig sa dalaga.


"Papaano ba kasi ang nangyari? I know na wala kang nobya but papaano mo nabuntis ang babaeng ito?" ani don Lauro.


"Nang nakaraang buwan lang po nangyari ang lahat. Napag desisyunan ng dalawa kong kaibigan na bigyan ako ng surprise gift para daw sa aking kaarawan at isinabay nila ang stag party para sa nalalapit kong pagpapakasal kay Erica. Noong una ay tumutol ako but naging makulit ang dalawa kong kaibigan hanggang sa napapayag nila ako at nakonsensiya naman ako sa kanila sadil nagbayad pa sila ng kalahating milyon upang makahanap ng babaeng panregalo sa akin. At si Aleah, she needs money that time dahil kailangan niyang mapaoperahan ang kanyang kapatid at kaya siya pumayag sa alok ng dalawa. But then, the first time i saw her ay humanga na ako sa kanyang kagandahan at ng matapos ang nangyari sa amin ng gabing iyon na magdamag kaming magkasama at ng mabasa ko ang kanyang munting liham na iniwan niya ay parang nakadama ako ng guilt sa aking sarili dahil sa nagawa nitong ibenta ang kanyang dangal para kang sa kanyang kapatid. Pero habang tumatagal ang mga araw na lumilipas ay lagi na siyang laman ng aking isipan hanggang na natuklasan ko nalang sa aking sarili na i've been missing her, i want to see her, to find her para muli ko siyang mayakap. Halos bawat minuto kong ipinagdarasal na sana ay muli kaming magkita hanggang kanina ng isama ako ng dalawa kong kaibigan sa Universal club dahil nais ko din sanang kausapin ang babaeng nakahanap sa kanya para malaman ko kung saan siya matatagpuan but so bad dahil ang sabi sa akin ay may pinuntahan daw ang manager ng bar na nakakaalam ng kinaroroonan ni Aleah. Nagtungo ako ng toilet upang magbanyo at ng palabas na ako ng toilet ay may nakita akong babaeng nakayuko sa lababo na panay panay ang pagsuka nito. Lalagpasan ko na sana but when i saw her that she's not okay ay agad ko siyang nilapitan at hinagod hagod ko ang kanyang likod upang kahit papaano ay maibsan ang kanyang dinaramdam but i was shocked ng lingunin niya ako dahil ang babaeng nais kong makita at aking hinahanap hanap ay siya pala ang babaeng iyon at in a few seconds ay bigla nalang siyang nawalan ng malay tao kaya nagmamadali ko siyang binuhat at dadalhin ko nga sana siya sa ospital ngunit naalala kong magiging delikado ang lahat kaya sa inyo ko siya naisip na dalhin dahil alam kong magiging okay ang lahat dito sa inyo" salaysay ni Miguel sa kanyang tiyuhin.



"Kung sa aking bahay ay walang magiging problema iho dahil kontrolado ko lahat ang aking mga kasambahay at tapat sila sa akin but i tell you honestly na hindi parin magiging safe ang babaeng ito sa bahay dahil minsan ay bigla nalang dumadalaw ang mama mo at ang papa mo rito kaya it's better to bring her in another place na iyong hindi nalalaman ng iyong mama dahil wala naman akong nakikitang problema sa iyong papa" saad ni Don Lauro.



"But where can I bring her?" alalang sagot ni Miguel.


"Bakit seryoso kaba sa kanya huh Miguel?" maya maya ay pormal na tanong ni Don Lauro.


"Yes uncle, at siya ang gusto kong maging kasama habang buhay kasama ng magiging baby namin" agad na sagot ni Miguel.



"Papaano ang kasal mo kay Erica?" muling tanong ng don.


"May kasunduan po kami uncle na basta makuha lang ni Erica ang kanyang mga mana ay ipapawalang bisa din namin ang aming kasal dahil ayaw din daw niyang magpatali sa lalaking hindi niya mahal" sagot ni Miguel.


"Eh papaano kung biglang magbago ang ihip ng hangin at unti unting mapanahal saiyo ang Ericang iyon? Papaano na ang mag ina mo kung sakali?"


Biglang natahimik si Miguel sa tanong na iyon ng kanyang tiyuhin, bigla siyang nakadama ng takot na baka nga magkatotoo ang sinabi ng kanyang tiyuhin dahil nitong mga nakaraang mga araw ay bigla nalang mas naging malambing sa kanya si Erica na kahit alam ng dalaga na parang may pagbabago sa kanya ay pilit parin siya nitong nilalambing.


"Ano Miguel, it's possible to be happen right?" iiling iling na turan ng don.


"What if i'll cancel the wedding uncle?" tanong nito sa kanyang tiyuhin.


"The decision is yours dahil ikaw lang ang nakakaalam ng lahat ng ito, then ikaw lang ang nakakaalam ng tunay mong nararamdaman but kung ano ang magiging oasya mo ay dapat mo itong panindigan and don't worry dahil naririto lang ako para suportahan ka" anang doktor saka tinapik tapik nito ang balikat ng pamangkin.


"Thanks uncle! And right now ay nakapag decide na ako na mas pipiliin ko ang makasama ang magiging mag ina ko. I want to stay with them at kahit na anong klaseng babae pa si Aleah ay tanggap ko dahil alam ko na ako lang ang unang lalaki sa buhay niya at hindi ko na kailangan pang itanong kung ano ang ginagawa niya sa lugar na iyon but i want to know the reason kung bakit iyon ang napili niyang lugar upang kumita ng pera" saad ni Miguel saka hinaplos haplos nito ang buhok ni Aleah at hinagkan nito ng masuyo ang labi ng dalaga.


"Here's the house key! Hindi alam ng mama mo o ng papa mo ang lugar na ito, you can bring her there and stay there hanggang sa hindi mo pa natatapos linisin ang kalat sa paligid mo" ani Don Lauro kay Miguel.


"Salamat uncle!" maluha luha sa sayang turan ni Miguel saka niyakap ng mahigpit ang kanyang tiyuhin.

.....

Nagising si Aleah na parang giniginaw siya, iginala niya ang kanyang mga mata at nagulat siya ng nasa isang lugar siya na napakalaki. Kayganda at ang mga gamit sa loob nito ay makikita mong mga mamahalin at hindi basta basta.


Natuon ang kanyang paningin sa orasang nakasabit sa may pader ng kwarto at nagulat siya dahil mag aalas tres na ng madaling araw. Maya maya ay biglang sumagi sa kanyang isipan ang nangyari kanina sa may toilet sa bar at doon ay biglang kumabog ang kanyang dibdib ng maalala niya na nakita niya si Miguel at ito pa nga ang humagod sa kanyang likuran upang pahupain ang kanyang pagsusuka.

Dahan dahan siyang bumaba sa malambot na kama upang tingnan ang kabuuan ng lugar na kanyang kinaroroonan ng mula sa banyo ay lumabas ang lalaking nakatapi ng tuwalya at nanlaki ang mga mata ni Aleah ng malamang si Miguel nga iyon at hindi nga siya namamalikmata.


"Gising kana pala?" nakangiting tanong ni Miguel saka lumapit sa kanya at ginawaran siya ng halik sa labi nito at natulala si Aleah at hindi makapagsalita......"Finally i found you" bulong ni Miguel habang nakatitig sa magandang mukha ni Aleah na noon ay unti unting namumula ang mga gilid nito at kapagkuwa'y kusa ng dumaloy ang masaganang luha.


Pinahid ni Miguel ang luha ni Aleah saka niyakap niya ito ang mahigpit. Nang napakahigpit na para bang ayaw na niyang mawalay sa kanya ang dalaga. Biglang napahagulgol si Aleah at maya maya pa ay tumugon narin ito ng yakap habang panay ang hikbi nito at maya maya pa ay isinubsob nito ang mukha sa dibdib ng binata na para bang doon humuhugot ng lakas.


"Aleah, i miss you so much" bulong ni Miguel sa dalaga saka nito iniangat ang ulo ni Aleah.

"Mi-Miguel!" sambit ni Aleah habang nakatitig sa gwapong mukha ng binata.


"I miss you Aleah, kaytagal kong pinananabikan na makita kang muli at ngayong nasa bisig na kita at yakap yakap ko ng mahigpit ay hindi ko na hahayang lumayo ka pa sa piling ko" madamdaming pahayag ni Miguel saka nito dahan dahang hinagkan ang labi ni Aleah.

Nang maramdaman ni Aleah ang pagdampi ng mainit na mga labi ni Miguel ay napapikit na lamang siya at buong pananabik niyang tinugon ang mga halik na iyon ni Miguel at mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa lalaking laging laman ng kanyang isipan, ang lalaking kanyang pinanabikang makita muli at maramdaman ang mahihigpit nitong yakap, ang matatamis nitong mga halik at ang masusuyo nitong mga haplos na nagdudulot ng ibayong ligaya sa kanya.

Tuluyan na nga kayang maging masaya sina Aleah at Miguel?

Ano ang mangyayari kung sakaling malaman nga ng mama ni Miguel at ni Erica ang tungkol na ugnayan ni Miguel at Aleah?



.....itutuloy.

Continue Reading

You'll Also Like

71.7K 849 23
Debora Alonzo - a transwoman together with her boyfriend Zackery Rafael Montero was desperate to have a child so they hire a baby maker. They hire S...
190K 2.4K 35
LUCIAN GREEN & LUCIA SUAREZ Date Started: Year 2019 Date Finished: August 14, 2022 ©LemoanMae
324K 6.1K 22
Papasok na sana ako ng kwarto nang marinig kong may kausap si Justin sa phone. "So kelan mo siya ipapakilala kila mommy?" Nakaloudspeaker ito kaya ma...
26.3K 550 45
And she is the only innocent girl, that I ever wanted. (YELLOW HEART SERIES) [UNEDITED]