Chapter 20

10.8K 279 12
                                    

Star Dancer
By...emzalbino
Rated Spg

"Uncle Lauro!" nakangiting turan ni Miguel saka lumapit sa bagong dating at nagmano ito.

"Uncle!?" hindi makapaniwalang ulit ni Aleah sa sinabi ni Miguel.

"Yes mahal ko! Siya ang uncle ko na sinasabi ko saiyo na kasing gwapo ko at kamukha ko, but mas magaling ako dahil mayroon akong kayakap sa malamig na gabi eh si  Uncle Lauro ay nananatiling bachelor na hindi man lang yata nakahipo ng makinis na legs" ani Miguel na nilakipan nito ng biro samantalang si Don Lauro ay napangiti lang nito ng bahagya.

"Akala ko ay siya ang papa mo kasi magkahawig kayo sa hitsura at maging sa kulay ng inyong mga mata, Para kayong pinagbiyak na buko" hindi napigilang sabi ni Aleah.

"Yes mahal, at gaya ng sabi ko ay sa kanya ko namana ang gandang lalaki ko kaya naman nabighani kita" nagmamalaking wika ni Miguel at si Don Lauro ay tahimik lang na nakikinig sa usapan at lambingan ng dalawa at nasisiyahan siyang makitang may ngiti sa mga labi ni Miguel.

"Ay uncle, bakit nga pala kayo naparito?" maya maya ay tanong ni Miguel kay don Lauro.


"I just wanna make sure na okay ang lagay niyo rito dahil tumawag kanina si Lorenzo at sinabi nga ang pagtatalo ninyong mag ina at ng anak ni  Don Rogelio Del Prado. Miguel, you need to stop first sa pagpasok mo ng opisina at ipaubaya mo nalang muna sa papa mo dahil baka masundan ka ng mga tauhan ni Don Rogelio o kaya ay matunton ka ng mama mo rito at manganib pa ang mag ina mo. Keep them safe and away from trouble dahil maselan pa naman ang pagbubuntis ni Aleah" saad ni Don Lauro.

"But Uncle, I don't want to hide. Gusto kong lumaban at ipaglaban ang pagmamahalan namin ni Aleah. I want to tell to anybody na si Aleah ang mahal ko at gusto kong pakasalan at hindi si Erica!" giit ni Miguel kay Don Lauro.


"I understand you iho, but you have to listen. Kung hindi ka mag iingat ay mapapahamak ang mag ina mo, kailangang isa alang alang mo muna ang kaligtasan nila bago ang pride mo and eveyone knows that you're not getting married to Erica. So, you have to follow my opinion first dahil alam kong tama ang sinasabi ko saiyo. I'm telling you this because this is the only way para makawala kayo pansamantala sa gulong inyong kinakaharap" seryosong pahayag ni Don Lauro.


"Ano ang binabalak mo Uncle?" deretsahang tanong ni Miguel na si Aleah naman ay nakikinig lang sa diskusyunan ng dalawa.

"Go away here first! You go to Aleah's place first at magpalamig muna kayo at saka lang kayo babalik dito kung okay na ang lahat, kung nasa tama ang bawat bagay na dapat itama" makahulugang sabi ni Don Lauro.

"Uuwi kami ng Isabela?!" parang excited na bulalas ni Aleah at dahil doon ay parang nakaramdam agad siya ng pangungulila sa kanyang mga kapatid dahil matagal tagal ng hindi niya nakukumusta ang mga ito.


"Yes Aleah! Doon muna kayo ni Miguel para narin sa inyong kaligtasan at higit sa lahat ay para sa dinadala mo" sagot ni Don Lauro.


"Do you think uncle this is the best way para makaiwas sa gulo?" alinlangang tanong ni Miguel kay Don Lauro.

"Yes I think!" maagap na sagot ni Don Lauro.

"Sige na Miguel, pumayag kana mahal ko. Gusto ko na ring makita ang mga kapatid ko kasi nami miss ko na sila. Halos isang buwan ng hindi ko nakukumusta ang kalagayan nila, lalo na si Gina. Wala na akong balita sa kanila at hindi ko naman matawagan si Michelle dahil wala sa akin ang cellphone number niya at naroroon sa cellphone ko na naiwan ko sa club" ani Aleah saka napayuko ito ng ma realised ang huli nitong sinabi ang salitang "club".

"Bakit iha?" tanong ni Don Lauro kay Aleah.

"Ka-kasi po isa lang po akong dancer sa club ng makilala ni Miguel. Isang babaeng mangmang na walang pinag aralan na nalublob sa putikan. Pero hindi dahil sa pera ni Miguel ang dahilan kung bakit ko siya minahal kundi minahal ko siya dahil iyon ang isinisigaw ng puso ko. Mahal ko ang lalaking ama ng aking anak at kahit na sa putikan ako galing at walang sapat na pinag aralan ay tapat at buong puso ang pagmamahal ko kay Miguel at siya lang ang lalaking pinag alayan ko ng aking katawan at pag ibig." wika ni Aleah na namamalisbis ang luha nito.

"Aleah iha, sa pag ibig ay walang pamantayan! Lahat tayo ay may kanya kanyang kahinaan at wala akong sinasabing labag sa nakaraan mo dahil nakikita ko ang katapatan ng iyong pagmamahal kay Miguel at masaya akong nakikita siyang masaya sa piling mo. Ang mahalaga sa akin ay ang katapatan ninyo sa isa't isa at hindi mahalaga ang nakaraan dahil ang nakaraan ang siyang tanging daan para marating ang kasalukuyan". nakangiting turan ni Don Lauro.

"Salamat po uncle at napakabuti ninyo, ni wala kayong pag aalinlangan na tinanggap niyo ako para kay Miguel kaya ipinapangako ko po sa inyo na pakamamahalin ko siya hanggang sa huling hininga ko at gagawin ko ang lahat para maging karapat dapat sa kanyang pagmamahal" luhaang sabi  ni Aleah.


"Salamat iha, ang makita ko kayong masaya at nagmamahalan ay sapat na sa akin" nakangiting tugon ng matandang don saka tinapik tapik ang balikat ni Aleah......" Miguel dalhin mo siya sa klinika ko sa mansiyon bukas para maki check up ko siya at mabigyan ko siya ng mga bitaminang kailangan niyang inumin bago kayo luluwas ng Isabela" baling ni Don Lauro kay Miguel.

"Okay uncle at pumapayag na rin akong pumunta sa Isabela para makilala ko ang mga hipag ko roon" nakangiting sabi ni Miguel saka niyakap niya ang luhaang si Aleah at sabay pahid ng mga luha nito....."Tahan na mahal ko, baka mamaya niya'n eh nakasimangot paglabas ng baby natin dahil sa palagi mong pag iyak" pagpapakalma ni Miguel kay Aleah na medyo biniro pa nito kaya natawa tuloy sila maging ang don.


"Kaligayahan kong makita kang may ngiti sa iyong mga labi Miguel" bulong ni Don Lauro sa isip nito habang nakamasid sa dalawang magsing irog na naglalambingan.

.......

Gabi na ng makauwi ng mansiyon si Don Lauro mula sa bahay niya na tinutuluyan nina Miguel at Aleah. Pagkarating niya  sa kanyang kwarto ay agad niyang idinayal ang landline telephone.

Kriiinnng!....Kriiinng!...Sunod sunod na ring ng telepono bago may sumagot sa tawag ni Don Lauro.

"Hello po Don Lauro, magandang gabi po. Bakit po kayo napatawag, may maipaglilingkod po ba ako sa inyo?" sagot ni Dencio kay Don Lauro.

"Dencio, natapos mo na ba ang pinapagawa ko sa iyo para sa mga kapatid ni Aleah?" walang paligoy ligoy na tanong ng don.

"Mga tatlong araw nalang po at tapos na po Don Lauro" sagot naman ni Dencio.

"Okay good! Bukas ay pumunta ka sa munisipyo nila Aleah at kunin mo ang lahat ng mga kopya ng dokumento gaya ng kanyang kapanganakan at ipadala mo agad sa email ko para matawagan ko agad si Attorney Luz Mendoza dahil may mahalaga akong ipapagawa sa kanya at siguraduhin mo rin na matatapos ang lahat diyan sa linggong ito dahil sa susunod na linggo ay pupunta diyan sina Miguel at Aleah at pansamantala silang maninirahan diyan habang magulo pa rito" saad ni Don Lauro.

"Opo Don Lauro, masusunod pi ang gusto ninyo at bukas na bukas din ay lalakarin ko ang pinag uutos ninyo sa akin" ani Dencio.


"Salamat Dencio at magnadang gabi, sige pahinga ka na at matutulog narin ako" paalam ng don at ng magpaalam na rin si Dencio ay pinatay na ni Don Lauro ang linya ng landline saka napabuntong hininga ito.


"Pasensiya na Benita ngunit mayroon akong dahilan kung bakit ko ginagawa ito. Dahil alam kong nasa akin ang karapatan upang iligtas sa kapahamakan si Miguel" bunyong hiningang wika ni Don Lauro sa kawalan.

Ano ang ibig sabihin ng mga binitiwang salita ni Don Lauro patungkol kay donya Benita?

Anong lihim ang bumabalot kay Don Lauro?...At bakit ipinapakuha ni Don Lauro ang mga kopya ng dokumento ni Aleah?

....itutuloy.

Star Dancer (rated spg)......by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon