Chapter 2

19.6K 387 6
                                    

Star Dancer
By...emzalbino

4 years later...

Masayang masaya si Aleah dahil kahit na papaano ay napagtapos niya ang kanyang dalawang kapatid ng sabay sa elementarya na kahit na patigil tigil ang mga ito sa pag aaral ay nairaos din niya sa pamamagitan ng pagsama sama nito kay aling Myrna sa palengke bilang pa extra extra roon.

Nagluto siya ng usang kilong pansit at bumili siya ng dalawang bote ng soft drinks bilang handa ng dalawa niyang kapatid.

"Aling Myrna halika na po kayo at ng mapagsaluhan po natin ang kaunting handa nila Memi at Gina! tawag ni Aleah kay aling Myrna na siyang parang ina inahan na nilang magkakapatid.

"Ah oo salamat naman" sagot ni alung Myrna at nagmamadaling lumipat sa bahay nila Aleah.

"Halika na po kayo sa mesa aling Myrna at nakahanda na ang pansit na niluto ko, pagpasensiyahan nalang po ninyo dahil ito lang po ang nakayanan kong handa na para sa mga kapatid ko" ani Aleah sabay abot ng plato na may pansit kay aling Myrna saka nito nilagyan ng soft drinks ang baso ng matanda.

"Naku naman Aleah, hindi naman ako mapili eh! Nagpapasalamat nga ako dahil kahit papaano ay inimbita ninyo ako" sagot ni aling Myrna saka nito nilantakan ang pansit.

"Kayo nalang po aling Myrna ang itinuturing naming ina dahil alam naming may pagpapahalaga kayo sa amin at kung hindi sa inyong gabay ay malamang na kung saan saan na kami napadpad" maluha luhang saad ni Aleah.

"Oo nga po aling Myrna" segunda ni Memi.

"Anak narina ng turing ko sa inyo dahil napakabait ninyo, lalo kana Aleah. Kay bait mong kapatid, hindi mo man lang pinabayaan ang mga kapatid mo. Lagi mong iniisip ang kapakanan nila bago ang sarili mo. Sana ay lagi kang ganyan at wag na wag kang magbabago dahil kahit na wala na ang inyong mga magulang ay alam kong masayang masaya sila sa pagkakaroon nila ng anak na katulad mo at ng mga kapatid mo" maluha luhang sagot ni aling Myrna saka nito niyakap ang magkakapatid na noon ay lumuha narin.

Naging emosyonal ang pagsasalo na iyon sa bahay nila Aleah. Nang Matapos ang salo salo ay nagkwentuhan pa silang apat bago nagpaalam ang dalawang kapatid ni Aleah na matutulog na dahil mag aalas otso na ng gabi at napagod din sila sa maghapong paghahanda nila sa graduation.

Naiwan sina Aleah at aling Myrna sa munting sala ni Aleah habang umiinom ng kape...."Aleah iha, ngayong tapos na ang dalawa mong kapatid sa elementarya ay ano na ang susunod mong balak sa kanila? deritsahang tanong ni aling Myrna na nakatitig kay Aleah.

"Aling Myrna, iyan nga po ang iniisip ko sa ngayon. Gusto ko pong makapag aral silang dalawa para kahit sila lang ang makatapis ay masaya na ako dahil wala na akong pag asa pang mag aral dahil matanda na ako kaya gusto ko sana sa kanila ko nalang ibuhos ang lahat ng aking makakaya para naman maging masaya ang aming mga magulang kahit na wala na sila" saad ni Aleah.

"Eh saan ka kukuha ng pang matrikula nila? Ang ibibili ng gamit nila at mga kakailanganin nila sa eskwelahan? Iba ang elementarya sa high school dahil magiging doble ang gagastusin mo? Saan ka kukuha nun?alalang tanong ni aling Myrna.

"Iyon nga po ang pinu problema ko sa ngayon aling Myrna. Sana nga po eh makahanap ako ng matinong trabaho para may pantustos ako sa kanilang pag aaral. At ayaw ko namang tumigil sila sa kanialng pag aaral dahil masyadong mahuhuli nila sila kung sakali. Si Memi ay kinse na magha high school at si Gina naman ay trese kaya dapat lang na makapasok na sila sa pasukan" naguguluhang wika ni Aleah dahil sa totoo lang ay ito ang malaking problema sa kanya. Hindi man siya nagsasalita ay kitang kita naman sa mga mata niya ang pag aalala at sobrang pag iisip.

"Alam kong nahihirapan kana Aleah ngunit kung kaya mo ay ipagpatuloy mo lang ang iyong mga pangarap at lagi akong naririto upang gumabay sa inyo" naaawang turan ni aling Myrna at noon din ay bumuhos ang mga luha ni Aleah.

Star Dancer (rated spg)......by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon