Miss Astig

By cursingfaeri

3.7M 55.6K 8K

PUBLISHED UNDER LIFE IS BEAUTIFUL and is available in all Precious Pages Bookstore Nationwide for only 129.75... More

About the Book
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty four
Forty five
Forty Six
Bonus Chapter
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five - The Finale
CREDITS || FAQs || SURVEY QUESTIONS || POVs
Ang huling hatol ni Diwata
SOON TO BE PUBLISHED
Published Book Version

Thirteen

60.8K 1K 131
By cursingfaeri

_____________________________________________________

Nagpatuloy ang pageant.

Pagkakatapos magwalk-out ni Ally sa debate ay nagkaroon ako ng edge sa kompetisyon. Sumikat pa kasi ako lalo. Kasabay din nun ang pagdagsa ng mas madami pang tagahanga. Lalong lalo na sa mga kalalakihan. Mapa-Freshmen man hanggang Seniors. Kumalat na din ang pangalan ko sa buong College department at dinadayo pa talaga ako ng iba para makilala lang. Kasabay din niyon ang pagdagsa ng mas madaming chicks ng mga pinsan ko... na nakakatamad ng i-elaborate dahil puro pagpapacute lang naman at papadamihan sila. Maliban kay Kuya Kurt na may pagkasuplado sa babae. Tahimik kasi. Sumasakay lang talaga minsan pag inaasar nina Kuya Justin, Kuya J at Kuya K.

May nagkakalat din ng mga pictures namin sa internet. Bago ang presentation kasi nun ay may pictorials. Doon daw ibabase ang 30% na pagkapanalo mo sa Pageant. Ang 70% naman ay sa Challenges. Paramihan daw ng likes sa Facebook Page na ginawa ng mga moderators ng pageant. Hindi na ako pinagproblema nina Charlie at Chan-Chan. Sila na daw ang bahala basta galingan ko lang daw sa mga challenge. Bukod sa hindi naman ako mahilig sa social networks, wala din naman talaga akong alam sa mga facebook na yan.

Maswerte lang talaga siguro dahil nagkataong bukod sa ilang beses na din ako nagpalipat-lipat ng schools, sa connections na meron kami nina Charlie at sa mga kapatid niya at mga pinsan ko eh malamang makakahabol naman ako sa 30% na yan kung pagbabasehan lang ay likes. Mabuti na lang pala madaming tagahanga ang mga Kuya namin nina Charlie. May pakinabang din. Hahaha.

Para sa Physical Challenge, nagkaroon kami ng tila Amazing race. May tatlong tasks kami sa loob ng dalawang oras. Pinagsuot kami ng pambahay na damit at pinagmukhang taong grasa. Pininturahan talaga kami. Ayoko na tignan itsura ko sa salamin baka kahit sarili ko eh katakutan ko. Hahaha.

 Task in 2 hours

 

1. Maghanap ng matikas na lalaki, matangkad, gwapo pero OUTSIDER (hindi nag-aaral sa UST).

2. Makipagkaibigan. Therefore, alamin ang buong pangalan, edad at ilang personal na bagay tungkol dito.

3. Ayaing kumain or more likely mag 'Speed Dating' bago siguraduhing madadala sa stage, as proof.

 

First place will have an extra credits plus exemption in the Emotional Challenge.

 

 

Timer starts now!

 


Nagsitakbuhan na sina Ally, Clarisse at Ishy palabas ng gate.

Ako? Eto, naglalakad lang. Nakakapagod. Bahala sila mag-agawan. Sinong matinong tao ang lalapit samin at makikipag-speed dating sa itsura naming 'to? Bakit kasi dapat OUTSIDER?! Thrill na naman?! Nakakapagod na 'tong pageant na 'to ha, hindi na ako natutuwa.

Sayang ang extra credits, oo. Sayang ang exemption. Alam kong kung mapapanalo ko 'to, maliwanag pa sa sikat ng araw na panalo na kami. Kung nasasayangan sila, e di sila ang pumalit sa pwesto ko! Kakabigat kayo ng bangs ha. Kala niyo naman enjoy na enjoy ako dito sa ginagawa ko. Tse!

Nakita kong nadisappoint ang ilang estudyante sa ginawa ko. Siguro umaasa silang makikipagpaligsahan ako sa tatlong babae. Hayaan mo na yung si Ally, kailangang bumawi nun eh. Give chance to others. Hahaha.

Pero seryoso, nag-iisip ako. Kailangan ba talagang lumabas? Malamang nga kasi dapat outsider di ba? Hayyst. Patamad akong naglakad patungong gate. Tinignan ko ang relo. Lampas twenty minutes na ang lumipas. Inabutan ako ng tawag ng kalikasan kaya umihi muna ako sa nadaanan kong CR. Paglabas ko ng banyo, balak ko na sanang tumakbo palabas ng gate. Husto naman na may biglang humawak sa braso ko.

At dahil nga nagta-taekwondo na ako, masyado ng mabilis ang dati ko pang mabilis na reflex kaya napa-'Aray' siya ng pilipitin ko ang kamay niya. Syeks. Amputi at ang lambot. Anak mayaman 'to.

"Hey! Bitawan mo ang kamay ko, ano ba!"

Inangat ko ang mata ko ng marinig ang baritonong boses ng lalaki. At literal na nahiya ako sa ginawa ko. Ang gwapo niya kasi. Mga kaedad din yata nina Kuya J at Aidan.

"Hehehehe. Sorry po ah. Hindi ko po alam eh. Ba't ka po kasi nanghahawak ng kamay bigla. Hehe!" Nakakahiya talaga. Mukha pa namang artista. Nakita kong nagkulay itim na din yung kamay niya na hinawakan ko. Kahit washable pa 'yun, nadumihan ko talaga siya. Patay!

"Wala akong mapagtanungan. Ang kukulit ng mga babae sa school niyo. Saan ba canteen niyo? Nagugutom ako eh," sagot nito na tila binalewala ang itim na pintura sa kamay. Gutom nga siguro. Hahaha. Mga babae? Tinignan ko ang palibot at napansin ang mga nagkukubling mga babae na pasimpleng kinukunan 'to ng litrato. Ay wow. Sikat nga yata si Kuya.

Nakita kong may humahangos na tumatakbo ang isang babae. Mukhang... weirdo. At.. ayoko na magsalita. Hehehe. "Matthew! Hays. Hinahanap ka na ni Direk ah. Saan ka ba nagpupupunta, pinahihirapan mo na naman ako," sabi ng kakarating lang na babae.

"Nagugutom ako pangit. Hindi ko na kasalanan na ang kupad mong kumilos." Aroganteng sagot ng lalaki. Nyee? Yabang naman nito. Di ko na nga sinabing pangit si Ate na dumating eh. Hahahaha.

Parang sanay na naman si Ate. Ngumiti na lang 'to sakin. Parang ngiwi pa nga. Nginitian ko din 'to.

"Uhm, ano po... doon po sa...."

"Samahan mo kami." Sagot ng nagngangalang Matthew at hinila ang kamay ko na pasimple kong kinuha. Bibingo na 'to sakin, isa na lang. Nangangaladkad ka na 'pre!

Tinignan ko ang relo. Hala! Halos 1 hour and twenty minutes na lang pala. Tinignan ko si Kuya Arogante at si Ate uhmm.. Matanong na nga lang bago pa magkasala ang bibig ko. Hehe. "Ate, ano pong pangalan niyo?"

"Ay oo nga pala, ako si Felicity," sabi nitong nangingiti at nakipagkamay pa sakin. Ambait niya infairness. Nakipagkamay na din ako. Inabot na niya eh. "Sorry po may pintura. Washable naman po yan."

Habang naglalakad, napag-alaman kong kasalukuyang may shooting si Kuya Matthew. Model pala 'to. Dito lang talaga naisipang gawin ang pictorials. Nasa college na din ito at siya ang tutor slash PA nito. Madami-dami na din ang nakwento niya ng maalala kong nasa kalagitnaan ako ng Pageant.

"Ay Ate! Kuya! Kasi po, uhm, kasalukuyan po akong may challenge ngayon. May time limit po kasi eh. Pwede po bang pakibilisan natin?" Nahihiya kong sabi kay Ate Felicity. Baka masinghalan ako ni Kuya Arogante eh, baka di ko mapigilan at mabigwasan ko pa siya sa talas ng dila niya.

"Naku Matthew! Nakakahiya ka talaga. May laro pa 'tong bata pala," away dito ni Ate. Lumingon naman ito sa gawi ni Ate at tinignan lang ng masama. Grabe! Ang yabaaaaang! Pigilan niyo ko! Pigilan niyo kooo!

"Ano ba yung laro mo? Tara bilisan natin sa canteen," sabi nito tila walang pakialam.

"Ahm, ano po eh, parang..." Pabalik-balik ang tingin ko kay Kuya. Lumingon-lingon ako dito habang magkaagapay kami.

"Parang?" Naghihintay pala ng sagot ko 'to. Hehehe. Sandali, nagche-check pa nga ako eh.

Task Number 1: Matikas na lalaki? Check. Gwapo? Check. Outsider?

"Kuya, hindi ka po tagarito no?"

"Hindi. Kaya nga nagtatanong ng canteen di ba?"

"Hmp. Sungit." Okay, check ang outsider.

"Pasensya ka na diyan ha?" hinging paumanhin ni Ate.

"Naku wala po yun." Mas pinoproblema ko kung pano ko madadala 'tong si Kuya. Kainis.

Task Number 2: Makipagkaibigan? Mukhang imposible 'to ah. Buong pangalan at personal na bagay? Mas na 'to. Pero teka, narinig ko na ang iba kay Ate Felicity. Bahahaha.

Task Number 3: Ayaing kumain... siya na naman nag-aya eh. Di ba? Hahaha. Eh pano naman ang pagdadala ko sa stage? Hays. Nakakita na sana, mukhang hindi pa para sakin. Pag minamalas nga naman.

Napatingin na naman ako sa relo ko. One hour left. Kailangan kong mag-isip ng mabuti, arogante pa naman 'tong si Kuya. Huminto ako sa paglakad.

"Ba't ka huminto?" Sabi ni Kuya Arogante.

"Gutom na po kayo di ba?" Tinignan lang ako nito. "Alam niyo po kasi sa hirap ng buhay ngayon wala ng libre..."

"Pangit, bigyan mo nga ng pera 'to!" Humalakhak ako sa sinabi niya.

"Kuya, hindi pera ang kailangan ko. Ganito lang ang itsura ko dahil kailangan sa durasyon ng challenge. Anyway, ikaw ang kailangan ko. Makikipagcooperate ka ba sakin mamaya pagkatapos kitang samahan? Sigurado akong madami ang aaligid sa inyo dito sa school. Mukha pa naman kayong sikat. Pag ako nakita nilang kasama mo, pihadong walang lalapit na babae sa inyo," paninigurado ko dito at maangas na kinumbinsi.

Nangunot ang noo nito. "Ano ba yan?"

Sinabi ko ang tungkol sa tatlong task ko.

"Pageant? Pero may kapalit din 'to ha."

"Shooore. Tara na po. Mukhang gutom ka na eh." Sabi kong nangingiti na. YES! Ang galing ko talaga. Hahahaha.

Mabilis namang kumain si Kuya kaya nakarating kami sa stage at may natitira pa akong 30 minutes. And guess what? Bakit wala pa sina Ally? Pinaupo ko na si Kuya sa upuan habang naiwan naman sa baba ng stage si Ate Felicity. Naririnig ko ang pagsinghap ng ilang estudyante.

"Oh my God! Si Matthew Chua yan di ba?!"

"Oo nga! Yung sikat na model!"

"Nandito ang crush ko?!"

Bwahahahahaha. Ang genius ko talaga. Nakabingwit ako ng malaking isda. Hahahahaha.

Napangiti ang host sakin habang namemesmerize naman siya kay Kuya Matthew. Kinuha nito ang mic.

"Freshmen Department got the first place!"

Naghiyawan na naman ang mga Freshmen.

Pagdating ni Ally, halos maghisterya na naman 'to. May kasama itong Half-American na lalaki, gwapo din.

"IKAW NA NAMAN?!" Galit na galit na sigaw nito. "W-Wait, kailangan pa niyang magbigay ng personal na bagay at siguraduhing nagdate nga sila."

Tumayo ako at inabot ang mic. Ngiting tagumpay. "Everyone, I can see that almost all of you know who the person I am with right?" Sumigaw naman ang mga estudyante sa pagsang-ayon, lalong lalo na ang mga babae. Mabuti pa sila, ako hindi ko 'to kilala si Kuya eh. Ngayon lang talaga. Hahaha.

"For additional information, I'd like you to meet Mr. Matthew Chua. 19 years of age, and is attending his 3rd year in College. He is the youngest son of Business Tycoons that is base in China. His elder brother's name is Skye Cloud Chua. He loves eating a lot and his favorite color is black. And girls, he hates it pag nagpapakita kayo ng obvious interest sa kanya, naiirita daw po si Kuya kaya, please daw. Hahaha."

Nagtawanan naman ang ilang mga estudyante. Si Kuya Matthew? Ayun, poker face. Tumatango lang ito sa lahat ng sinabi ko as confirmation.

"Eh saan kayo nagdate?" Nakataas ang kilay na tanong ni Ally.

"Sa Canteen niyo, bakit? May reklamo?" Asik ni Kuya Matthew na ikinahagikhik ko at ng iba pang estudyante. Bahahaha. Sapol na naman si Ally-Parrot.

That's what you get for being a big EPAL. Hahahaha.

____________________________________________________________

Announcement:

May POV na po si Kuya Matthew: She's Ugly by AkoSiWapols407

Continue Reading

You'll Also Like

922 75 20
Sa hindi inaasahang pagkakataon, napunta si Zaina kasama ng iba pa niyang kaibigan sa madilim na lugar na magiging hudyat upang magbago ang kanilang...
12K 553 35
When the world seems to be more difficult when the world seems to be darker when everything seems to be impossible when we seems to be fear to the un...
471K 7.7K 63
-- "Totoo ba ang vampires?" "Sinong una niyong kakagatin if naging vampire kayo?" "SYEMPRE YUNG CRUSH KO! para eternity kaming magsasama!" ~Julien Ch...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...