HE'S INTO HER Season 3 | COMP...

By maxinejiji

237M 4.6M 11.3M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her Season 3
CHAPTER 171
CHAPTER 172
CHAPTER 173
CHAPTER 174
CHAPTER 175
CHAPTER 176
CHAPTER 177
CHAPTER 178 : ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 179
HE'S INTO HER SERIES ON NETFLIX
CHAPTER 180
CHAPTER 181
CHAPTER 182
CHAPTER 183
CHAPTER 184
CHAPTER 185
CHAPTER 186
CHAPTER 187
CHAPTER 188
CHAPTER 189
CHAPTER 190
CHAPTER 191
CHAPTER 192
CHAPTER 193
CHAPTER 194
CHAPTER 195
CHAPTER 196
CHAPTER 197
CHAPTER 198
CHAPTER 199
CHAPTER 200 : THE UNEXPECTED 1
CHAPTER 201 : THE UNEXPECTED 2
CHAPTER 202
CHAPTER 203
CHAPTER 204
CHAPTER 205
CHAPTER 206 : FAITH
CHAPTER 207
CHAPTER 208 : THE SUFFERING
CHAPTER 209 : THE SUFFERING
CHAPTER 210 : THE SUFFERING
CHAPTER 212
CHAPTER 213
CHAPTER 214 (PRIVATE)
CHAPTER 215
CHAPTER 216
CHAPTER 217
CHAPTER 218
CHAPTER 219 : THE VENGEANCE 1
CHAPTER 220 : THE VENGEANCE 2
CHAPTER 221 : THE VENGEANCE 3
CHAPTER 222 : THE VENGEANCE 4
CHAPTER 223 : THE VENGEANCE 5
CHAPTER 224 : THE VENGEANCE 6
CHAPTER 225 : THE LAST VENGEANCE
CHAPTER 226 : THE TRUTH 1
CHAPTER 227 : THE TRUTH 2
CHAPTER 228 : THE TRUTH 3
CHAPTER 229 : THE TRUTH 4
CHAPTER 230 : THE FINAL TRUTH
CHAPTER 231 : TORMENT
CHAPTER 232
CHAPTER 233
CHAPTER 234
CHAPTER 235
CHAPTER 236
CHAPTER 237 : THE END PART 1
CHAPTER 238 : THE END Part 2
CHAPTER 239 : THE END Part 3
CHAPTER 240 : THE FINAL ENDING
HE'S INTO HER
TAGURO and SENSUI
EPILOGUE

CHAPTER 211

2.5M 54.5K 170K
By maxinejiji

MAX'S POV

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, agad na nangunot ang noo ko nang maramdaman ko ang sakit sa ulo. Nahawakan ko ang ulo ko at sandali uling napapikit. Pakiramdam ko binibiyak ang kaliwang bahagi niyon, nahihilo rin ako.

"Uminom ka ng gamot." Napakislot ako nang mangibabaw ang tinig ni Chairman. Nagugulat akong napalingon dito, ganoon na lang kaganda ang ngiti niya sa 'kin. "Naparami siguro ang inom mo?"

Wala sa sarili akong napatango. "Hwejang-nim." Gusto kong mahiya bigla, hindi ko inaasahang nandito siya. ana kaya siya katagal dito? Binabantayan niya ba 'ko? At saka...baket nasa bahay ako?

Gusto ko siyang tanungin pero nahihiya ako, hindi ako sigurado kung masasabi ko ba sa kaniya kung saan ako nanggaling.

Muli kong inalala ang mga nangyari kagabi, ang mahaba naming usapan ni Lovemir. May mga nakuha akong impormasyon, kailangan ko 'yon. Pero hindi mawala sa isip ko kung paano siyang nagpakatotoo sa 'kin, na hanggang ngayon ay hindi ko magawang paniwalaan. Lalo na nang sabihin niyang gusto niya ako, hindi ako makapaniwala ro'n. Masyadong mabilis.

Wala akong makitang maganda sa itsura ko para magustuhan mo. Mas may tiwala ako sa sarili ko kesa sa 'yo, Lovemir, pasensya na.

Malakas ang pakiramdam ko na alam niya ang pakay ko at sinasakyan niya lang ito. Alam din niyang alam ko na ganoon ang iniisip niya, baka nga kaya inilalatag niya na sa akin ang mga sagot ay dahil nararamdaman niya. Sa madaling salita ay pareho naming niloloko ang sarili namin.

"Drink this, Maxpein." Natinag ako nang iabot sa 'kin ni Chairman ang dalawang piraso ng kapsula at isang baso ng tubig. Naramdaman ko pa sa akin ang paningin niya habang iniinom ang mga iyon.

"Salamat, Chairman." Inilapag ko ang baso, hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya. Pero sa gilid ng paningin ko ay nasisiguro kong ganoon pa rin kaganda ang ngiti niya sa 'kin. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka.

"Inihatid ka rito ng nobyo mo, magdamag din siyang nagbantay sa iyo."

Gulat akong napatingin sa Chairman. "Ho?"

Kinabahan ako bigla. Paano nangyare 'yon? Pinuntahan niya ba ako sa bahay ni Lovemir? Nakita niya kame? Bigla akong nag-alala dahil baka kung ano ang inisip niya. Wala kameng ginawang masama, kelangan ko lang talaga ang tiwala niya.

Tumango ang Chairman. 'Tsaka nakangiting tumitig uli sa akin. "May problema ba kayo, Maxpein?"

"Wala naman," kaswal kong sagot. "Baket nandito kayo?"

"Binantayan kita."

Nangunot ang noo ko. "Baket ho?"

"Masama ba iyon?" Natawa siya.

"Hinde naman, ngayon niyo lang yata kase ginawa 'to." Napabuntong-hininga ako 'tsaka ako napatingin sa kamay ko. Nag-angat pa ako ng tingin nang makitang nakaswero ako.

"Mataas ang lagnat mo kagabi, sobrang taas. Si Maxwell ang naglagay sa iyo niyan, ang nobyo mo naman ang nagbantay sa iyo dahil may pasok ang kuya mo."

Hindi ako nakasagot. Panay lang ang pagbuntong-hininga ko at pag-iisip.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong uli ng Chairman.

"Ayos naman na ho, masaket lang sa ulo."

"Ganoon ba karami ang iyong nainom?"

"Medyo naparame nga ho."

"May problema ba?"

Napalingon ako sa kaniya bago nag-iwas uli ng tingin. "Ayos lang naman ho ako, napainom lang at...naparame nga. Pero wala 'to. Nagkayayaan lang kame no'ng kaklase ko."

"Kung may problema kayo ng nobyo mo, maanong magkaayos din sana kayo." Nakangiti niyang sinabi 'yon bagaman hindi ako nakatingin. "Totoong gusto namin siya para sa iyo."

May kung anong umalon sa loob ng dibdib ko. Hindi ko malaman kung tuwa, kilig o kung ano ba iyon. Basta meron.

"At masaya ako na makita na masaya ka rin sa kaniya. Hindi ako magdadalawang-isip na ipagpaubaya ka sa lalaking iyon, tutal, alam ko naman na responsableng bata ka, Maxpein."

Tumingin ako sa kaniya, nemeke ako ng ngiti. "Hinde nga ako sigurado kung matatanggap niya ang mundo na meron ako. Natatakot ako sa t'wing makikita niya akong nananakit ng tao. Pakiramdam ko pate siya ay matatakot sa 'kin."

"Hindi ka masamang tao, Maxpein. Ginagawa mo lang ang nararapat para sa pamilyang ito. Iyon ang trabaho mo. Iyon ang nasa pangalan mo."

Hindi ako nakasagot. Nadinig ko ang pagbuntong-hininga ng Chairman, nakangiti na siya nang maganda nang lingunin ko.

"Pasensya ka na, Maxpein," aniya. Kunot-noo akong tumitig sa kaniya. "Nasanay kami nang ganito ka, malakas, matalino, mabilis," humalakhak pa siya pero halatang peke. "Nakalimutan naming may oras din na nanghihina ka, nagkakasakit, nahihirapan, nalulungkot, nasasaktan..."

"Chairman," kaswal kong sabi 'tsaka tumitig sa kaniya. "Ayos lang ako."

Ngumiti siya. "Nakalimutan namin ang obligasyon bilang magulang sa iyo. At sa halip ay hinayaan ka naming kumilos para sa kapakanan nating lahat. Nagkamali kami, Maxpein." Pinigilan niya ako nang akma akong magsasalita. "At sana ay hindi pa huli ang lahat para gampanan namin iyon."

"Sinisiguro ko sa inyong hinde ako uminom nang dahil sa mga 'yan, Chairman."

Matunog siyang ngumiti. "Pwede mo bang gawin ang ipakikiusap ko, Maxpein?"

Matagal bago ako nakasagot. "Ano 'yon, Chairman?"

"Pagpahingahin mo muna ang sarili mo sa lahat ng bagay, Maxpein." Nakangiti niya 'yong sinabi, natigilan ako. "Tao ka rin. At alam kong napapagod ka. Ituon mo muna ang buo mong atensyon sa bagay na alam nating pare-pareho na gusto mong makamit. Huwag mo na munang isipin ang mga bagay-bagay na nakagugulo sa atin."

"Wala na ang mga Rewis, Chairman, wala nang dahilan para magulo ako."

"Ngunit bakit pakiramdam ko ay mayroon ka pa ring inaasikaso?"

Napabuntong-hininga ako. "Gagawin ko ang sinabe niyo."

Sandaling katahimikan ang nangibabaw sa pagitan namin. Hindi ako tumingin sa Chairman bagaman nararamdaman ko pa rin sa akin ang kaniyang tingin. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya, ayaw ko siyang mag-isip nang sobra.

"Kaya mo na bang kumilos?" tanong niya.

"Oh," tumango ako.

"Kung ganoon ay lumabas tayo?" patanong niyang tugon, nagtaka agad ako. "Sa labas tayo mananghalian kasama ang mga kapatid mo."

Hindi ako nakasagot agad, matagal akong napatitig sa kaniya. "Yes, Chairman." Tumango uli ako.

Nadinig ko pa siyang bumuntong-hininga bago tumayo. Ngumiti pa uli sa akin bago lumabas sa kwarto ko. Matagal akong napatitig sa pinto, talagang nakakagulat 'yon para sa 'kin dahil ngayon lang ako niyayang lumabas ng Chairman. Masyado siyang abala sa trabaho at pagtulong sa mga tao para paglaanan ako ng ilang segundo, at nasanay ako nang ganoon.

Humupa ang sakit ng ulo ko mayamaya lang, kumilos agad ako at naligo. Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang mga sinabi ng Chairman pero nang makababa ako at makaharap ang mga kapatid ko ay ngumiti na lang ako at hindi na nag-isip pa.

Si Maxwell ang nagmaneho, katabi niya ako sa harapan. Sina Chairman at Maxrill naman ang nasa likuran. Tahimik kami sa unahan, maingay si Maxrill sa likuran. Araw-araw siyang ignorante sa maraming bagay, hindi na mawawala sa kaniya 'yon.

"Where are we going?" tanong ni Maxwell.

"Just drive," natatawang sabi ng Chairman.

"Tsh. Is this a date?"

"No, this is hanging out." Pareho silang natawa. "Sabihin na lang natin na ito ang una kong regalo sa nalalapit na pagtatapos ninyo ni Maxpein," mayamaya ay dagdag ng Chairman.

Nagkatinginan kami ni Maxwell, sabay ring napangiwi pero hindi sumagot.

"Ano ang gusto ninyong regalo sa graduation ninyo?" tanong ng Chairman pero walang sumagot. "Why aren't you answering me, Maxwell?"

"I have everything, Chairman. I got money, body, brain, looks..," mayabang na sabi ni Maxwell. Nakangising sinulyapan ang Chairman sa rear mirror 'tsaka humalakhak.

"Girls!" sabat ni Maxrill. "You don't have girls, Hyung!"

"I hate girls," seryosong sabi ni Maxwell.

"You're gay, Hyung?"

"No."

"Yes, you are!"

"Shut up!"

Nginusuhan ito ni Maxrill 'tsaka nilingon ang Chairman. "If they don't want to receive a gift from you, I do." Tumango-tango pa siya, seryosong-seryoso. "I want to have a Tamagotchi."

"You're too old for that, Maxrill Won."

"No!" ngumuso siya.

Humarap ako sa likuran, na kay Maxrill ang paningin. "Ang kelangan mo ay crossbow, at 'yon ang kelangan mong matutunan. Kapag hinde mo napag-aralan, ikaw ang gagawin naming practice-an."

"No!" inis niyang sagot.

"I think that's a good idea," nang-aasar na sabi ni Maxwell.

"No!" galit nang tugon ni Maxrill. Natawa ang lahat sa kaniya.

Nagdabog si Maxrill, pinagkrus ang mga braso at padabog na sumandal. Mayamaya lang ay ganoon na naman siya, ignorante sa mga nakikita sa kalsada. Nagsasalitang mag-isa, walang kausap, tapos tatawa.

"Treponema Pallidum!" mayamaya ay bigla na namang nangibabaw ang tinig ni Maxrill, walang pumansin sa kaniya. "Noona! Noona! Noona! Noona! Noona! Noona! Noona! Noona! Noona! Noona! Noona!" paulit-ulit niyang tawag hanggang sa lingunin ko siya. "Treponema Pallidum-ara?" nakangisi nitong tanong, inaalam kung alam ko ba ang salitang iyon.

"Ani," pagtanggi ko.

"Arasseo!" mayabang niyang sabi, ipinagmamalaking alam niya ang salitang iyon. Nag-iwas lang ako ng tingin.

"Stop messing with my stuff, Maxrill," seryosong sabi ni Maxwell. Ngayon ay mukhang alam ko na kung saan nakuha ni Maxrill ang salitang iyon, sa notes marahil ni Maxwell. Nakanguso na ang bunso nang lingunin ko.

Bumaling naman ito sa Chairman. "Where are we going?"

"Where do you want to go?" maganda pa rin ang ngiti ng Chairman.

Nakangusong nag-isip si Maxrill, sumisinghot-singhot habang bumubuntong-hininga. "I want to see animals, big or small. I want to see them moving."

"Okay, we will do that."

"I want to see birds fly, kangaroos jumping, fish swimming, and horse running...I want to see them."

"Yes, we'll do that." Tumango ang Chairman.

"I want to see..." Nakangang nag-isip si Maxrill. "Noona, give me an animal."

"Cow."

"Oh, I want to see cows moo-ing..."

"Moo-ing?"

"Moo!" Inilagay niya ang dalawang kamay, nakataas ang hintuturo, sa magkabilang sentido 'tsaka umastang sinusuwag ako. "Moo! Moo!"

"Tss." Napailing na lang ako.

Sa Manila Zoo kami pumunta, marami nga namang hayop doon. Pare-pareho naming first time 'yon kaya pare-pareho rin kaming kung saan-saan lumilingon. Kumuha ng tour guide ang Chairman, isa sa mga bantay sa lugar na iyon. Sinasabi nito sa amin kung ano-ano ang kahalagahan sa kalikasan at sa tao ng mga hayop. Maging ang kahinaan at kalakasan ng mga ito ay sinasabi sa amin ng tour guide.

Syempre, hindi ako masyadong nag-enjoy. Hindi ko magawang lapitan nang todo ang mga iyon dahil masyado silang malaki, hindi normal sa paningin ko. Ang ikinatuwa ko lang na makita ay iyong mga giraffe at elepante, sa malayuan nga lang.

Palibhasa'y isip-bata, nagyaya nang nagyaya sa kung saan-saan si Maxrill. Gusto niyang pakainin ang lahat ng hayop na madaanan namin. Ang bawat isa ay kinakausap niya. Si Maxwell naman ay halatang nalilibang sa pakikinig sa mga sinasabi ng tour guide. May nalalaman kasi siyang hindi marahil nababanggit sa mga pinag-aaralan niya. Interesado siya parating matuto.

Nilingon ko naman si Chairman, naglalakad siya sa likuran namin. Nakangiti kaming pinapanood na para bang noon niya lang kami nakitang gano'n.

Binagalan ko ang paglalakad at saka ako sumabay sa kaniya.

"Kumusta ang mga sugat mo?" tanong niya nang hindi man lang ako nililingon.

Napabuntong-hininga ako 'tsaka namulsa. "Ayos naman na, Chairman, papagaling na."

Tumango-tango siya, seryoso. "Mabuti at natagalan mo ang mga iyan?"

"Hinde naman malala, malayo sa importanteng parte ang mga tinamaan."

Natawa siya. "Tama, dederetso ka panigurado sa ospital kung malala ang tama mo."

Sandaling nangibabaw ang katahimikan. Magkasabay kaming naglalakad nang mabagal ng Chairman. Pinapanood niya pa rin si Maxrill na panay ang pagmamadali sa paglapit sa mga hayop, at si Maxwell na hindi magkanda-ugaga sa kasusunod dito.

Natawa na naman ang Chairman. "Kahit kailan ay ignorante ang batang iyan." Si Maxrill ang tinutukoy niya. "Mahigpit masyado si Maze sa kaniya kaya nang makalabas, akala mo noon lang ipinanganak."

Napailing ako nang makita si Maxrill na para bang litong-lito, hindi malaman kung alin sa mga hayop ang una niyang lalapitan at pakakainin. Lalapit sa tigre, pero nasa elepante ang paningin. Babalik sa elepante tapos kakausapin ang tigre.

Abnormal...

"Pareho kayo ni Maxrill na hindi nabigyan ng pagkakataon na makapunta sa ganito." Muling nagsalita ang Chairman. "Kung hindi ako nagkakamali ay si Maxwell lang nakapunta sa animal park, sa ibang bansa naman iyon. Masyadong naging abala ang inyong mga magulang sa mga ipinag-uutos ko, nawala sa isip naming pare-pareho na may mga tulad ninyo kaming anak na kailangang pagtuunan din ng pansin. At sa halip na gawin ang mga obligasyon namin, binigyan namin kayo ng mabibigat na responsibilidad sa mura ninyong edad. Pasensya na."

Napaismid ako sa mga narinig ko 'tsaka ako napabuntong-hininga. Huminto ako sa paglalakad, dahilan para mahinto rin ang Chairman. Nakangiti pa rin siya, nang maganda, nang lingunin ako. Nakakunot naman ang aking noo.

"Hinde ko kelangan ng zoo, park, o kahit na anong lugar para mapangalanan kung anong klase kayong magulang. Kahit anong tinde nang inabot ko, kahit anong hirap nang pinagdaanan ko," marahan ko 'yong sinabi, hindi ko alam kung saan nagmumula dahil basta na lang nagkusa. "Hinde ako mamimili ng ibang pamilya, masaya ako kung nasaan ako, Chairman."

Nawala ang magandang ngiti ng Chairman. Hindi agad siya nakasagot, kukurap-kurap pa siyang tumitig sa akin na para bang inuulit sa isip ang mga sinabi ko. At nang makuha iyon ay 'tsaka siya ngumiti, mas magandang ngiti. Pero hindi siya nagsalita, nanatili siyang ganoon. May magandang ngiti habang nakatingin sa akin.

"Hinde naging madali ang lahat, pero wala akong pinagsisisihan, Chairman."

Ngumiti siya at saka humakbang papalapit sa 'kin. Natinag ako at nagbaba ng tingin. Bahagyang umangat ang mga balikat ko nang tapikin niya ako sa ulo, iyong paraan na ginagawa ng matatanda sa bata. Iyong paraan na para bang natutuwa.

Nang mahinto siya ay 'tsaka ako nag-angat ng tingin. Humakbang uli siya papalayo at saka nakangiting tumingin sa akin.

"Nasabi ko na ba sa iyo kung gaano kaming humahanga sa iyo, Maxpein?" sinabi niya ang mga iyon nang may diin, napalunok ako. "At gusto kong ipagmalaki ang aking sarili dahil alam kong apo kita."

"Chairman..."

"Hindi rin ako hihiling ng iba pa dahil hindi ko matatawag na pamilya ang Moon kung wala ka. Hindi ko masasabing kompleto kami, kung wala kaming Maxpein."

Hindi ko maintindihan. Hindi ko naramdamang nangilid ang luha sa mga mata ko. Kaya bahagya akong nagitla nang tumulo na lang 'yon nang kusa at magkakasunod. Nagbaba ako ng tingin, hindi kagalang-galang sa pamilya naming ang tumitig nang matagal sa mata ng kagalang-galang na tao at sa mataas na myembro ng pamilya.

"At kung nabubuhay lamang ang iyong lola, nasisiguro kong araw-araw ay ipagmamalaki ka niya. Nasisiguro ko rin na nagbubunyi siya kung saan man siya naroon. Dahil mabuti kang tao, Maxpein. Mabuti kang anak at kapatid. Totoo kang tao."

"Chairman..." Muling nangilid ang mga luha ko.

"Ikaw ang bayani namin, Maxpein." Ngumiti siya na parang matatawa pa. "Hindi ako magdadalawang-isip na patayuan ka ng rebulto, gaya ng biro ng kaibigan mong si Zarnaih."

"Tss."

"Kahit sinong pamilya ay matatawag na swerte kapag naging miyembro ka. Masaya kami na dumating ka sa aming buhay."

Napatitig ako sa kaniya. Nahirapan na akong pigilan ang emosyon maging ang mga luha ko. Mabilis na nangunot ang noo ko, kasunod no'n ay ang pagtulo na naman ng mga luha ko. Masarap sa pakiramdam ang mga sinasabi ng Chairman. Pero may kaunting kirot din iyon, na unti-unti namang pinapalis ng masarap na pakiramdam.

"Bakit ka umiiyak?" nakangiti pa rin niyang tanong.

Umiling ako, napapahiyang nagbaba ng tingin. "Dahil buong buhay ko ay kabaliktaran ang nasa isip ko." 'Tsaka ko lang uli siya nagawang tingnan. "Pakiramdam ko ay isa akong salot na itinapon sa bahay ninyo. Na kahit anong pagpapaalis ang gawin ninyo, paulit-ulit lang na nagdudulot ng perwisyo."

Kunot-noong umiling ang Chairman. "Hindi iyan kailanman nangyari, Maxpein. Nagkaroon ng pagkakataon na nagalit ako sa iyo, totoo. Pero hindi umabot sa punto na inisip kong isa kang salot o perwisyo. Totoong masaya kami nang dumating ka sa aming buhay. At alam ko, saksi ako, kung paano naging mahirap para sa iyo na kilalanin at pakisamahan ang bawat isa sa amin. Napakarami mong pinagdaanan sa murang edad, para lamang mabuhay."

Bigla ring naging emosyonal ang Chairman. Pero pinilit niya pa ring ngumiti.

"Ngunit sa kabila nang lahat ng iyon, nanatili kang matatag. Nagawa mo pa ring gampanan ang tungkulin mo sa amin. Hindi madali na maging ikaw. Hindi madali na proteksyunan ang pamilya natin."

Matagal akong napatitig sa kaniya. Pinahid ko ang mga luha ko. "Hinde ko maintindihan kung baket sinasabe ninyo sa 'kin 'to ngayon." Nangunot ang noo ko 'tsaka muling tumingin sa kanya.

"Dahil hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na masabi ang mga ito noong mga nakaraan. Sinasabi ko sa iyo ngayon dahil karapatan mong malaman. We are all so proud of you and all your accomplishments in life, Maxpein. You have made us all proud. If you haven't heard this yet...I am proud of you." Paulit-ulit niya 'yong sinabi, mas tumitindi ang sinseridad.

Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam. May kung anong umaalon sa dibdib ko, pinanlalaki ang ulo ko, pinatataas ang mga balahibo ko. Noon ko lang iyon narinig, mula sa taong espesyal sa akin. Espesyal sa akin ang Chairman, kahit hindi ko nagawang ipakita 'yon nang lantaran, at kahit hindi ko nagawang sabihin 'yon nang harapan.

"Gamsahabnida, Hwejang-nim." Matagal akong tumango sa kaniya, pinigilan ko ang mga luhang tumulo.

Nagkangitian kami nang umayos ako ng tayo, napabungisngis pa habang nakatingin sa isa't isa. Awkward, pero masaya talaga. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam. Totoong noon niya lang sinabi sa akin iyon, nang may ganoon pang ngiti. Pakiramdam ko ay nawala ang lahat ng negatibong laman ng isip ko. Lahat ay gumanda dahil sa mga sinabi ng Chairman.

"Noona! Noona! Noona! Noona! Noona! Noona! Noona! Noona! Noona! Noona! Noona! Noona!" Muling nangibabaw ang malakas na pagtawag ni Maxrill.

Napaiwas agad ako sa gawi niya para punasan ang luha ko sa mata at pisngi. Pilit na ang ngiti ko nang lingunin siya. May dala siyang mahabang kawayan na may net sa dulo, panghuli.

"What?" inis kong tanong.

"Come with me," aniya na inabrisiete ang braso sa 'kin at hinila ako.

Nilingon ko ang Chairman, tatango-tango lang itong isinenyas na sumama ako. Nakasalubong din namin si Maxwell na inis na inis, hingal na hingal sa kasusunod kay Maxrill.

"Saan ba nagmana ng kakulitan at resistensya 'to?" inis na singhal ni Maxwell, na kay Maxrill ang paningin.

"Samahan mo na muna ang Chairman," nakangiting sabi ko. Kumunot ang noo niya 'tsaka tumitig sa mga mata ko. "Patatahimikin ko lang ang isang 'to."

Nagpahila lang ako kay Maxrill, lakad-takbo ang ginawa namin. Nagmamadali siyang makarating sa kung saan, halos kaladkarin ako dahil para bang excited siya na hindi malaman.

"Tadaaa!" aniya pa na ipinakita sa akin ang isang malaking puno.

Malaki iyon pero hindi ganoon kataas. Baliko ang ibabang katawan bagaman makapal.

"Ano 'to?" tanong ko sa sarili naming salita.

"Go on," aniya na itinutulak ako papalapit sa puno.

Hinayaan ko siyang gawin 'yon hanggang sa mapunta ako sa ilalim ng puno. Pinatingala niya ako, sumunod naman ako. At nagulat ako nang makita ang isang malaking agila, hindi pa rin normal ang laki no'n dahil di hamak na mas malaki kaysa normal nitong laki.

Nanlaki ang mga mata ko at biglang napalayo sa puno. "Michisseo! Michisseo!" pinagpapalo ko siya sa braso. Humagalpak naman siya ng tawa.

Ilang sandali pa kaming nanatili ro'n, si Maxrill ang pinakanaglibang nang husto. Matapos no'n ay dumeretso kami sa isang hotel at doon nag-lunch. Seafoods ang pagkain, malalaki pero hindi ko 'yon alintana dahil sa sobrang sarap. Nakatatlong mangkok tuloy ako ng kanin.

"Grabe, ang sakit ng tiyan ko," reklamo ko habang nakatayo sa tabi ng silya at hihimas-himas ng tiyan. "Ang sarap ng pagkain."

"Naddo," nakasimangot na sabi ni Maxrill, masakit din ang tiyan dahil mas marami nang di hamak ang kinain kaysa sa 'kin.

"Ngayon ko lang kayo nakitang kumain nang ganiyan karami, natuwa naman ako," anang Chairman.

Hindi doon natapos ang araw na 'yon. Gumala pa kami sa kung saan-saan bago nagdesisyong umuwi. Sobrang sarap sa pakiramdam, para akong nakalutang. Hanggang sa makauwi ay para akong baliw na ngingiti-ngiti.

"Where have you been?" nakangiting bungad ni Maze sa amin nang makarating sa mansyon. Syempre, si Maxrill ang nagbumidang magkwento, iyon nga lang ay lamang ang imbento. Ipinagmalaki niya sa ina kung gaano siya kagaling sa pagpapakain ng mga hayop.

Nakangiti akong bumaling sa Chairman na noon ay nakangiting pinakikinggan si Maxrill. "Thanks for today, Chairman."

"Oh," umiling siya 'tsaka ngumiti sa akin. "Thank you for today."

Napangiti rin ako. "Maghinga na ho kayo. May trabaho pa yata kayo bukas."

"Kayo rin. Maaga ang pasok ninyo kaya magpahinga na kayo." Agad na umalalay si More sa Chairman, inihatid ito sa kwarto.

Sandali naman akong nanatili sa sala para makipagkwentuhan kina Maze, More at Maxrill. Si Maxwell ay umuwi sa sarili nitong bahay, marami raw itong tatapusing case presentation para sa duty nito.

Nang makaakyat naman ako sa kwarto ay sandali akong nagpahinga bago naligo. Mahihiga na sana ako nang biglang pumasok si Naih at naupo sa kama ko.

"Kumusta ka naman?" nakangiwi niyang tanong, tiningnan ko lang siya at hindi ako nagsalita. "Alam mo ba kung gaano kameng nag-alala sa 'yo? Baket ka ba sumama sa Lovemir na 'yon?"

Napabuntong-hininga ako. "Alam mo naman ang rason."

"Pero hinde ko maintindihan ang rason mong 'yon. Ano ba kase talaga 'yang kelangan mo kay Lovemir?"

Tumitig ako sa kaniya. "Naih, alam mong hinde ko ugali ang magsabe."

"Okay," bumuntong-hininga siya at isinuko ang parehong kamay. "Oo at hinde lang ang isasagot mo sa mga tanong ko. Delikado ba 'to?"

Matagal akong tumitig sa kaniya bago ako tumango. "Oo."

Natigilan siya, parang kinabahan pa. "Masamang tao ba si Lovemir?"

Napabuntong-hininga uli ako 'tsaka umiling. "Hinde ko pa alam, hinde ako sigurado. Hinde ko masabeng hinde, hinde ko masisigurong oo."

"My God," bulong niya pa 'tsaka muling tumingin sa akin. "Kelangan ba talagang makipaghiwalay ka ke' Sensui nang dahil dito?"

"Oo," deretso kong tugon, muli siyang natigilan. "Pero hinde lang dahil dito. Kundi dahil sa ginawa niya."

"Mapapatawad mo pa ba siya?"

"Hinde ko sigurado."

"Max..."

"Naih, pagod ako. Marame kameng pinuntahan ngayon at karamihan sa mga 'yon ay nilakad namen. Pagod talaga ako."

"Last na," hirit pa niya. Tiningnan ko siya nang masama. "May tao ba ro'n sa attic?" pabulong niyang tanong, kabado. "Natatakot kase ako, Max, parang gabe-gabe ay may naririnig akong naglalakad."

Nanlaki ang mga mata ko. "Naglalakad?"

"Oo, parang paroo't parito! Paikot-ikot! Gano'n! Me' tao ba ro'n?"

"Wala," pagsisinungaling ko. "Bawal kayong pumuta ro'n," seryoso kong sinabi. Natigilan siya at napatitig sa akin. "Sige na, magpahinga ka na. Maaga pa tayo bukas."

"Sige, good night." Alam kong hindi naniwala si Naih sa sinabi ko. Halata naman dahil bukod sa kilala niya na ako ay mababasa sa kilos niya 'yon. Nakatingin siya sa 'kin, bahagyang nakanguso hanggang sa makalabas ng kwarto ko.

Nagpapaikot-ikot? Muli akong napatingin sa pinto kung saan lumabas si Naih. Paano nangyare 'yon? Nakatali siya ro'n, hinde niya pwedeng gawin 'yon.

Bigla akong kinabahan. At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla rin akong kinilabutan.

Nang maramdaman ko siyang pumasok na siya sa sariling kwarto ay 'tsaka ako tumayo at nagsuot ng roba. Kinuha ko ang baston sa likod ng pinto at saka tahimik na nagtungo sa attic.

Binuksan ko ang pinto gamit ang susi, 'tsaka ko iyon tahimik na binuksan. Sandali akong natigilan nang makitang nakapatay ang ilaw. Nasa loob mismo ang switch niyon, hindi gaya sa karamihan ng kwarto na nasa gilid mismo ng pinto. Kinailangan ko pa munang pumasok bago mabuksan ang ilaw.

Mahigpit ang kapit ko sa baston habang tinatalunton ang switch, napadilat pa ako nang tuluyan ko iyon mabuksan. Parang nasanay bigla sa dilim ang mga mata ko.

Ngunit agad ding nanlaki ang mga mata ko nang makitang wala si Taylor sa silya o sa kama nito! Napalingon ako sa banyo nang biglang bumukas ito. Gano'n na lang ang gulat niya nang makita ako, ngunit agad ding bumawi. Nakita ko siyang palihim na itinago ang parehong kamay sa likuran, lalo kong nahawakan nang maigi ang baston.

Nakaangat na ang gilid ng labi niya nang titigan ako. "Gabing-gabi naman yata ang pagdalaw mo, Miss Moon?" 'ayun na naman 'yong sarkastiko niyang tinig.

"Sinong nagkalag sa 'yo?"

Lalong umangat ang gilid ng kaniyang labi at saka tuluyang lumabas sa banyo. "Nakiusap ako sa iyong lolo na kung maaari ay bigyan ako ng kalayaan kahit papaano. Hindi sa lahat ng oras ay tinutugunan nila ang mga pangangailangan ko. Wala sa oras ang pagkain ko, kung umihi ako ay t'wing may kakatakot lang na tao."

Hindi ako makapaniwala na pinayagan siya ng Chairman. Imposible! "Sino ang nagkalag sa 'yo?" muling tanong ko.

"Masyado ka na namang mainit, Miss Moon?" lalo pa siyang ngumisi 'tsaka humakbang papalapit sa 'kin. 'Tsaka siya nagbaba ng tingin. "At ano iyang hawak mo?" nakangising tanong nito.

"Paano kang nagpapalakad-lakad dito? Nakatali ka lang, hinde ba?"

"Gaya nang sinabi ko, humingi ako ng kalayaan," aniya 'tsaka tuluyang ipinakita ang malayang mga kamay.

Nanlaki ang mga mata kong napatitig sa mga kamay niya. Nang mag-angat ako ng tingin ay pinandidilatan niya na ako. Pinalalaki ang mga mata niya at saka biglang sumugod!

Yumuko agad ako at pinatid siya, mabilis siyang natumba. Sinakal ko siya gamit ang baston, agad naman siyang naubo at nagpumiglas.

"Nakakalimot ka yata kung sino ang 'yong kaharap?" mahinang sabi ko. "Bago ka makatakas dito ay dadaan ka sa kamay ko--" Natigil ako sa sinasabi nang mag-ring ang cellphone ko. Napasinghal ako sa inis at saka kinuha iyon at sinagot. "Hello?"

Hindi ko inalis ang paningin kay Taylor. Iiling-iling siya habang nakangisi at nakatingin sa akin. "Kakaiba ka, Miss Moon," mariing bulong niya.

"Hi," tinig ni Lovemir.

"You called to say hi?" inis kong tugon.

"No," natitigilan nitong sagot. "I want to know if you're okay. Are you all right?"

"I am."

"How are you feeling? You were burning hot last night, Maxpein." Natawa pa 'to sa huli.

"I'm okay, I have to go." Sa t'wing ito ang kausap ko ay napapa-Ingles ako, hindi gaya kapag si Maxwell ang kaharap ko. Kahit anong isagot ko, kampante ako.

"Alam ba niyang kausap mo na may ilegal kang ikinulong dito sa inyong bahay, Miss Moon?" Sinadya ni Taylor lakasan ang boses. Tinutop ko ang bibig at panga niya gamit ang tuhod ko. Nagpumiglas agad ito ngunit dahil halata ang panghihina nito ay wala siyang nagawa.

"Are you with someone?" tanong ni Lovemir.

"I'm okay, I'll call you later--"

"Maxpein."

"I said, I'll call you later--"

"Tulungan niyo 'ko!" sigaw ni Taylor! Nanlaki ang mga mata ko at napilitang putulin ang linya ni Lovemir.

"Gusto mong makawala?" tanong ko. Tumitig siya sa 'kin nang may madilim na tingin. "Pagbibigyan kita, pero hinde ka pa man nakalalayo ay huhulihin na kita at ibabaon sa lupa."

"Hindi ko maintindihan kung saan...nanggagaling ang galit mong iyan, Miss Moon." Sinisikap niya pa ring maging sarkastiko bagaman hirap na hirap nang magsalita.

"Pinasok ninyo ang teritoryo namen, hinde mo alam kung ano ang ginawa ng pamilya ninyo sa pamilya naman. Malala. Nakakaubos ng pasensya. Nakabubuhay ng galit."

"Natural." Naningkit ang mga mata niya. "Buhay ang nawala sa amin, sino ang hahayaan na lang iyong mabale-wala?"

Natigilan ako ngunit hindi nagpahalata. "Sabihin mo nga sa 'kin. Saan 'to nagsimula?"

"Sa pagsabog." Galit siya nang sabihin 'yon.

Pagsabog? "Anong pagsabog?"

Ngumisi siya. "Wala ka talagang ideya? Nagmamagaling ka lang!"

Biglang humupa ang galit ko, napuno ako ng tanong. Anong pagsabog ang sinasabe niya? "Sabihin mo sa 'kin ang lahat!" utos ko.

"Pakawalan mo muna ako. At umalis ka sa ibabaw ko. Hindi ka magaan."

Hinila ko ang damit niya at pilit siyang itinayo. "Sabihin mo sa 'kin ang lahat nang nalalaman mo."

"Ano ang kapalit?"

"Mas hahaba ang buhay mo."

Ngumisi siya. "Sino naman ang may sabi sa iyo na ikaw ang hahatol sa buhay ko? Kaya kong tumakas dito, Miss Moon."

Nangunot ang noo ko. "Baket hinde mo ginagawa kung gano'n?"

"Dahil nag-e-enjoy pa ko," aniya na bigla akong itinulak dahilan para mapaatras ako.

Muli ko siyang hinampas ng baston, gaya kanina ay tinamaan siya at napahampas sa dingding. Dahil gawa 'yon sa kahoy ay nakagawa kami ng ingay. Agad kong naramdaman ang mga pagkilos sa 'baba.

"Wala kayong kinalaman sa pagsabog," muling ani Taylor. Nakangisi siya, tinutulungan ang sariling umayos ng tayo. "Pero dahil narito ako, at dahil sa pakikialam ninyo, nadamay kayo. Huwag kang mag-alala, Miss Moon, magandang laro ito."

Sa inis ko ay basta ko na lang siyang binalya. Malakas iyon kaya hindi na kataka-takang nakatulog agad siya. Biglang bumukas ang pinto, agad na pumasok si Mokz. Kasunod niya sina Daddy at Chairman.

"What is going on here?" kunot-noong tanong ni daddy.

Bumaling ako kay Mokz. "Paanong nakakagala-gala dito sa kwarto 'yan?" itinuor ko si Taylor gamit ang baston.

Walang sumagot sa 'kin, sa halip ay naupo si Mokz sa harap ni Taylor at pinulsuhan ito. Nag-angat siya ng tingin sa amin bago sinipat ang mga kamay at paa ni Taylor. Nang makitang wala ang rehas na nakatali sa mga galamay nito ay 'tsaka siya nag-angat ng tingin sa amin.

"Paano nga namang nakawala sa pagkakatali ito?" seryosong tanong ni Mokz.

Nasapo ko ang noo ko. "Nasa'n si Maxrill?" napapapikit kong tanong.

"He's already sleeping," sagot ni daddy.

Masama na ang tingin ko nang magmulat. "Kausapin niyo 'yan, kapag ako ang kumausap sa kaniya ay masasaktan pa siya."

Matapos sabihin 'yon ay kinuha ko ang dalawang paa ni Taylor 'tsaka hinila ito papalapit sa kama at muling itinali. Sabay-sabay kaming bumaba at nagtungo sa kusina. Lahat sila ay nakatingin sa akin.

"May sinasabe siyang pagsabog, doon daw nagsimula ang lahat," 'tsaka ako tumingin kay Mokz. "Kelangan kong makausap si Heurt."

"Pagsabog?" nalilito ring tanong ni Mokz, tumango ako. "Ano naman kayang pagsabog iyon?"

Umiling ako. "Hinde ko alam. Wala akong naririnig na gano'n."

"Magpahinga ka na muna," anang Chairman, tumango ako sa kaniya. "Bukas na bukas pagkauwi mo galing sa klase ay kausapin nating lahat si Heurt."

"Kelangan nateng makausap si Chairman Enrile." Tumingin ako sa kanilang lahat. "Ang lakas ng kutob kong me' kinalaman siya dito."

"Gagawin natin iyan," ani Chairman at saka lumapit at hinaplos ang buhok ko. "Matulog ka na," nakangiti niyang sabi.

"Walang aakyat sa attic, lalo na kapag wala kame ni Heurt," habilin ko.

"Walang aakyat sa attic," nakangiting pag-uulit ng Chairman.

"Kausapin ninyo si Maxrill."

"Kakausapin namin si Maxrill."

"Magpalagay kayo ng bantay sa labas ng attic," sabi ko at saka sila tinalikuran.

Napapabuntong-hininga akong nahiga sa kama, puno na naman ng katanungan ang isip ko. Anong pagsabog ba ang sinasabe nang lintek na 'yon? Pakiramdam ko ay may pumipitik sa sentido ko dahil sa sobrang pag-iisip. Natinag na lang ako nang muling mag-ring ang cellphone ko. Si Lovemir na naman 'yon.

"What happened? You're not answering my calls, are you all right?" magkasunod niyang tanong.

Napabuntong-hininga ako. "Ayos lang ako."

"Nandito ako sa labas ng bahay niyo."

"Ano?" nagugulat akong napatayo. "Anong ginagawa mo diyan? Umuwe ka na, gabe na."

"Gusto kong malaman kung ayos ka."

"Ayos lang ako."

"Gusto kong makita."

"Ang alen?"

"Ikaw. Tch."

Sumeryoso ako. "Umuwe ka na."

"Bumaba ka muna."

"Umuwe ka na sabe, ayoko sa makulet."

"Kahit hindi ako makulit ay ayaw mo sa akin, bumaba ka na."

Napabuntong-hininga ako. "Pagkababa ko ay uuwe ka na, malinaw?"

"Okay." Batid kong nakangisi na naman siya nang isagot 'yon.

Napaismid ako 'tsaka ibinaba ang linya. Hinagilap ko ang roba ko 'tsaka ako lumabas ng kwarto. Nakasalubong ko pa ang ilan sa mga tauhan habang pababa ako. Hindi ko naman na sila pinansin at saka ako dumeretso sa labas.

Kumaway si Lovemir nang makita ko. Nakasandal siya sa kotse at nakapamulsa ang isang kamay. Lumabas ako at naglalakad na ako papalapit sa kaniya nang ilabas niya ang isang paperbag mula sa sasakyan.

"For you," lahad niya.

"Ano 'yan?" tanong ko nang hindi iyon tinatanggap. Pero agad na nangalingasaw ang mabangong amoy, mukhang alam ko na kung ano 'yon.

Sa halip na sumagot ay kinuha niya ang kamay ko at pilit na isinabit doon ang paperbag. Nakatingin na siya sa akin nang mag-angat ako ng paningin. Pinagkrus niya ang mga braso at saka tumitig sa akin. Walang emosyon na mababasa sa mukha at mata niya, nangunot tuloy ang noo ko.

"Salamat dito, umuwe ka na," sabi ko.

"Wait," hinawakan niya ako sa braso dahilan para matigilan ako sa akmang pagtalikod.

Nagbaba ako ng tingin sa kamay niya bago tumingin sa kaniyang mga mata.

"I'm always for you, okay?" aniya sa papahinang boses.

Kumunot ang noo ko. "I can take care of myself, Lovemir."

"I know," naramdaman ko nang pisilin niya ang kamay ko. "Basta 'wag mo kalimutan 'yong sinabi ko."

"Okay, salamat." Wala sa plano kong pahabain ang usapan.

Muli na sana akong tatalikod nang bigla na naman niya akong hilahin. Pero mas nagulat ako nang ganoon kabilis niyang nasapo ang parehong pisngi ko. Nalaman ko na lang, nahalikan niya na ako sa noo. Hindi pa man ako nakakakilos ay niyakap niya na ako. Lalo akong natigilan, hindi ko nagawang gumalaw.

"'Wag ka na uli magkakasakit," mahinang aniya bagaman malayo sa tenga. "Hindi bagay sa iyo." Bumungisngis siya sa dulo at saka lumayo. Ngumiti siya. "Pumasok ka na, 'tsaka ako aalis."

Hindi ako sumagot, matagal ko siyang tinitigan bago tuluyang tinalikuran. Napapabuntong-hininga na lang akong naglakad papasok, hindi na ako nag-abalang lingunin pa siya.

Nagagawa mo 'yan dahil me' kelangan ako sa 'yo. Kung wala ay paghihiwalayin ko 'yang katawan mo.

Binuksan ko ang paperbag at inilabas ang lugaw na nakalagay sa styro. Inilapag ko 'yon sa kitchen island 'tsaka ako naupo. Nangangalingasaw ang mabangong amoy nito. Nakakatakam. Nakakagutom. Hindi ko man ugaling magsayang ng pagkain, sadyang busog ako. Wala akong nagawa kundi ang titigan na lang iyon.

"Noona?" mayamaya ay nangibabaw ang boses ni Maxrill, naglapat ang mga labi ko. "What's that smell? Hmm?"

Basta pagkaen, nagigising... Inis ko siyang nilingon. "Baket gising ka pa?" Ngumuso siya at hindi sumagot. "Upo," inginuso ko ang silya sa aking harapan.

Nakangisi siyang sumunod at saka mabilis na hinila ang mangkok na styro papalapit sa kaniya. Mas mabilis pa sa hanging binuksan ang styro at akma nang susubo nang tapikin ko siya sa braso.

Nakanguso siyang tumingin sa 'kin. "What?"

"Umaakyat ka pa ba sa attic?"

"Ani!"

"Umaakyat ka pa ba sa attic?" muling tanong ko, hindi ako naniniwala sa sagot niya.

Lalo siyang ngumuso. "Aniyo! Ah, wae! Wae! Wae! Wae! Wae!" naiinis niyang sabi.

"Totoo ba 'yan?" paniniguro ko, ngumuso siya. "Sige, kumain ka na." Paismid kong inalis ang paningin sa kaniya.

Ipinatong ko ang magkabila kong siko sa kitchen island 'tsaka iginala ang paningin ko sa labas ng mga bintana.

Kung hinde si Maxrill ay sino?

Imposibleng kalagan si Taylor ng pamilya ko, maliban kay Maxrill dahil kalaro ang tingin niya rito. Nasisiguro kong hindi umaakyat doon sina Maze at More nang walang dahilan. Si Chairman ay hindi aakyat nang mag-isa ro'n. Si Maxwell ay hindi rin nagagawi roon. Si Mokz at ako lang ang tanging nakakapasok sa attic nang walang takot. Nagawa rin 'yon ni Maxrill pero dahil sa kakulitan lang 'yon, hindi niya matandaan kung sino si Taylor.

KINAUMAGAHAN ay nagising ako sa maingay na bibig ni Naih. Pagmulat ko ay maliwanag na, tinanghali na naman ako ng gising. Hindi na ako nagpapilit, kusa na akong kumilos para maligo at magbihis. Nag-agahan lang kami at mayamaya lang ay nasa school na.

Agad akong sinalubong nang magandang ngiti ni Lovemir nang makarating sa classroom. Syempre, nag-alinlangan agad ako dahil naramdaman ko agad ang masamang tingin sa 'kin ni Naih. Palihim ko na lang siyang nginitian nang makaupo na ako.

"Okay ka na?" pabulong niyang tanong.

"Kahapon pa," tipid kong sagot.

Hindi na kami nakapag-usap pa nang pumasok ang lecturer. Nagbigay agad ito ng pointers to review para sa periodical exam namin. Sa susunod na buwan na 'yon. Maaga ang huling periodical exam dahil bukod do'n ay may dalawang major exam pa, Proficiency at Exit Exam.

Bukod din sa mga major exams, inanunsyo sa ibang subjects ang ilang projects kaya talagang magiging abala kami sa mga susunod na buwan. Maging ang baby thesis namin sa ilang subjects ay minamadali na ng ibang lecturer.

Kaya nang bumaba kami para sa lunch break ay pare-pareho kaming ngarag. Halos hindi nakakain nang ayos dahil may kani-kaniya pa kaming inaasikaso para sa mga subjects sa hapon.

Absent nang hapon na 'yon si Miss Agaser. Pero gaya nang nakaraan, nag-iwan ito ng excercises na kailangan naming gawin at ipasa sa table nito bago matapos ang araw na iyon. Sabay-sabay kaming nagpunta sa library at agad na hinanap ang libro na kakailanganin. Syempre, tahimik ang lahat, maliban kay Naih na panay ang pakikipagbulungan kay Michiko.

"Patingin nga niyan," pabulong kong sabi 'tsaka tiningnan ang librong ginagamit ng mga kaibigan ko. "Tss. Kung ito ang gagamitin ko ay baka magkapare-pareho ang mga sagot naten," isinauli ko iyon kay Michiko.

Tumayo ako at naghanap ng ibang libro na magagamit. Inilagay ko ang hintuturo at pinadaan iyon sa bawat madaanan kong libro. Hanggang sa mahinto nang kusa ang daliri ko dahil may kumuha.

Agad akong bumaling sa harapan. Si Sensui. Natigilan ako at napatitig sa kaniya. Hindi naman siya nagsalita at sa halip ay inilagay ang likod ng palad sa noo ko. Matapos ang ilang segundo ay iniiwas ko ang mukha ko.

"Mabuti naman at magaling mo na." Ngumiti siya.

"Busy ako," sabi ko na muling itinuon ang paningin sa mga libro.

"Taguro," pabulong 'yon pero mahihimigan ang pang-aagaw niya ng atensyon. Hindi ko pa rin siya nilingon. "Taguro, ayusin na natin 'to. Sige na."

"Baket pa?"

"Anong bakit pa?"

Paismid ko siyang nilingon. "Niloko mo na 'ko, hinde malayong umulit ka. Baka nga magpaulit-ulit pa."

"Taguro naman?"

"Me' ginagawa ako, Deib, 'wag mo 'kong guluhin."

"Sige, pero magkita tayo mamaya?"

"Uuwe ako agad, marame akong gagawin."

"Eh, di ihahatid kita? Pwede rin kitang tulungan. Wala ako masyadong gagawin ngayon."

"Kaya kong mag-isa."

"Taguro naman..."

"Please?" nakikiusap kong sabi 'tsaka lumingon kung may nakakakita sa 'min.

"Nami-miss na kita," malungkot niyang sabi, titig na titig sa mga mata ko. "Bumalik ka naman na sa 'kin." Hindi ako nagsalita at sa halip ay kinuha na lang ang librong nadapuan ng kamay ko. "Taguro..."

Bumuntong-hininga ako 'tsaka siya nilingon. "Matuto kang rumespeto sa desisyon, Sensui." Iyon lang at iniwan ko na siya. Hindi na ako lumingon pa hanggang sa makaupo uli ako.

Napapikit ako sandali at nang magmulat ay nakatitig na lang ako sa blanko kong work book. Napabuntong-hininga ako at nilingon kung nasaan si Sensui, nandoon pa rin siya at nakatingin sa 'kin. Muli akong nag-iwas ng tingin at saka nagsimulang magbasa. But I'm already distracted. I can't focus anymore. Lalo na at nararamdaman ko ang paningin niya sa 'kin.

"Hey," natinag ako sa bulong ni Lovemir, masyado 'yong malapit sa tenga ko. Maingat niyang hinila ang silya sa tabi ko at naupo ro'n. "I'm done, how's yours?"

"Magsisimula pa lang ako," pabulong kong sabi, iniiwasang tingnan siya dahil makikita ko si Sensui. Alam kong naro'n pa siya at paniguradong masama na ang tingin sa amin.

"Kailan natin sisimulan 'yong thesis?" tanong niya.

"Sshh!" agad kaming sinaway ng librarian.

"Tch," sambit ni Lovemir 'tsaka inilabas ang notebook niya. Nagulat na lang ako nang ilapit niya sa 'kin ang notebook mayamaya.

Lovemir: Kailan natin sisimulan 'yong thesis?

Napalingon ako sa kaniya nang makitang isinulat niya 'yon sa notebook. Pasimple akong sumulyap sa gawi ni Sensui, na noon ay talagang masama na ang tingin sa amin. Nagsulat din ako sa notebook.

Max: Kelan ba dapat?

Lovemir: Ikaw lang ang hinihintay ko, kailan ka ba pwede? Mas maganda siguro kung maaga nating masisimulan para maaga ring matapos. Busy na tayo sa mga susunod pang linggo.

Max: Sige.

Lovemir: Kailan nga?

Max: Kailan mo ba gusto?

Lovemir: Pwedeng mamaya na agad? Saan tayo gagawa?

Max: Pwede rin dito sa library.

Lovemir: Paano kapag nagsara nang maaga?

Max: Ang dami mong dahilan, ah?

Lovemir: Pwede sa bahay ko, yayain na lang natin ang mga kaibigan mo.

Max: K.

Lovemir: Ang tipid naman ng sagot mo.

Max: Busy kasi ako, hinde mo ba nakikita?

Lovemir: Paano ko makikita, eh, nasa 'yo ang paningin ko?

Matapos basahin 'yon ay napalingon ako sa kaniya. Nakatingin nga siya sa 'kin habang nakapangalumbaba pa. Pasimple kong iginalaw ang mga mata ko, wala na ro'n si Sensui. Napabuntong-hininga ako at muling itinuon sa ginagawa ang atensyon.

Pero hindi ko malaman kung ano ang trip ni Lovemir. Yumuko siya sa sariling braso at tumitig sa akin. Napalingon tuloy ako sa kaniya, seryoso siyang nakatingin. Napatingin ako kay Naih na masamang-masama na ang tingin, mas masama pa ang tingin niya nang isenyas si Lovemir. Para bang tinatanong niya kung ano ang ibig sabihin ng iniaasta nito.

Sinamaan ko ng tingin si Lovemir. "Umayos ka," bulong ko.

Umayos naman siya at muling nanglumbaba. Deretso pa rin ang tingin sa 'kin. Hindi ko na siya pinansin pa, tinapos ko na lang ang ginagawa. Naunang lumabas si Lovemir, doon niya kami hihintayin.

"Nababaliw ka na ba talaga?" pabulong na asik ni Naih, hindi ipinaririnig sa mga kaibigan namin ang sinabi. "Baket ka pumapayag na ganunin ka ni Lovemir? Ano ba, Max?"

"Thank you," sabi ko sa librarian 'tsaka siya hinarap. "Kung iniisip mong me' gusto ako sa kaniya, eh, nagkakamali ka."

"Paano siya? Halatang me' gusto siya sa 'yo, Max."

"Baka sa 'yo me' gusto? Ikaw ang nakahalata, eh."

"Seryoso ako, Max."

"Seryoso rin ako, Naih. Alam mo kung ano ang dahilan ko." Ipinakita ko sa kaniyang seryoso talaga ako. Napabuntong-hininga na lang siya sa inis.

"Paano si Sensui? Paano kapag nakita niya 'to? Ano na lang ang sasabihin niya sa 'yo? Masasaktan mo 'yong tao."

"Ibang usapan na 'yon, hiwalay na kame, Naih."

"At wala kang balak na makipag-ayos?"

"Wala."

"Grabe naman, Max! Hinde ko na maintindihan 'yang galit mo, eh. Kakaiba na masyado!" nagagalit na talaga siya sa 'kin. "Payong kaibigan lang, ah? Sana 'wag mo pagsisihan 'tong ginagawa mo." Nauna siyang lumabas sa inis sa akin.

Napabuntong-hininga na lang uli ako 'tsaka sumunod. Nandoon nga si Lovemir, nakangiting naghihintay sa akin. Hindi na ako hinintay ni Naih, nauna na siya kasama ng mga kaibigan namin. Sumunod naman kami ni Lovemir papunta sa faculty kung saan iiwan ang work book namin.

"Pwede ba kitang yayain na lumabas?" tanong ni Lovemir, mabagal ang paglalakad namin.

"Baket?"

"Ganoon yata kapag nanliligaw?" patanong niyang sagot 'tsaka ngumisi.

"Pinayagan na ba kita?"

"Hindi, pero mukhang hindi ka rin tumatanggi."

"Tss."

"Ano, pwede ba tayong lumabas?"

"'Tsaka na, marame pa tayong gagawin."

"Kahit dyan lang sa coffee shop."

"Magkikita pa naman tayo bukas."

"Tch." Napapahiya itong nag-iwas ng tingin sa 'kin. Napangisi na lang ako 'tsaka kami nagtuloy sa paglalakad.

Hindi pa rin kami hinintay ni Naih, nagmamadali itong lumabas habang papasok kami. Dumeretso na sila sa locker at mukhang mauuna na rin siyang umuwi. Hindi na ako naghabol pa, hindi niya rin naman kasi ako maiintindihan kung magpapaliwanag ako.

"Hindi ba talaga kita pwedeng yayain?" pangungulit ni Lovemir nang makalabas kami sa campus. "Kahit coffee lang."

"Baket ba ang kulet mo?"

"Ewan," inosente niyang sagot 'tsaka tumawa.

Napabuntong-hininga ako. "Sige, kape lang."

"And bread."

"Whatever," nanguna akong maglakad, dere-deretso hanggang sa makapasok sa BIS Coffee Shop. Um-order agad siya nang makapasok bago naupo sa harap ko. "Seryoso ka ba talaga sa ginagawa mo?" pamamrangka ko sa kaniya. Nanatili lang siyang nakatitig sa 'kin. "Wala akong makitang dahilan para magustuhan mo 'ko, Lovemir."

"Pareho pala tayo," sinabi niya 'yon habang titig na titig pa rin sa 'kin.

Napairap ako. "Paano kapag nalaman 'to ng asawa mo?"

"You don't have to worry," nakangisi niyang tugon.

"Hinde sa nag-aalala ako."

"Sabihin mo lang sa 'kin kung nagkabalikan na kayo ng boyfriend mo," naging peke ang ngiti sa kaniyang labi.

"Hinde na mangyayare 'yon." Eksaktong dumating ang waiter at isinerve ang order namin. At ganoon katagal din kaming nakatitig ni Lovemir sa isa't isa.

"Niyaya kita para pag-usapan ang thesis." Ngumisi ito. "Saan sa tingin mo tayo dapat na magsimula?"

"May guidelines naman, doon nalang tayo sumunod."

"Tingnan mo 'to," inilabas niya ang isang folder. "Pagkauwi mo, basahin mo. Iyan ang ilan sa mga na-research ko."

"Kung galing sa internet, hinde ako interesado."

"Hindi ako pala-internet. Galing ang mga iyan sa libro."

'Tsaka ko binuklat iyon at ini-scan. "Mm, mukhang okay nga 'to. Sige, babasahin ko pagkauwe."

"'Tsaka doon sa isang project, magka-partner din tayo. Sa isang linggo na ipapasa 'yon at wala pa tayong nasisimulan."

"Kung gsuto mo ay iimbitahan kita sa bahay namen, doon na lang tayo gumawa."

"Okay, isama mo na lang 'yong mga kaibigan mo," nakangiti niyang sabi.

Marami pa kaming pinag-usapan. Marami na kasi talaga kaming gagawin sa mga susunod pa na buwan. Tatlong buwan na lang, ga-graduate na kami. At sa t'wing maiisip ko 'yon ay napapangiti na lang ako.

"Ah, mauna ka na, susunod ako," sabi ko nang mag-ring ang cellphone ko, lalabas na sana kami sa shop.

"I'll wait for you outside," aniya at saka lumabas.

"Heurt?" sagot ko sa tawag.

"Anong oras ang uwi mo? Nandito ako sa mansyon, ipinatawag ako ng Chairman. Ang kaso ay kailangan ko ring umuwi agad dahil darating ngayong gabi si Kev."

"Papauwe pa lang sana ako. Pero pwede naman nateng pag-usapan dito."

"Tungkol saan iyon?"

Nilingon ko si Lovemir, tahimik siyang nagse-cellphone sa labas. "Nakausap ko si Taylor, me' nabanggit siya sa 'kin tungkol sa pagsabog."

"Pagsabog?"

"Mm, ang sabe niya ay doon daw nagsimula ang lahat ng ito. Me' nalalaman ka ba tungkol sa pagsabog?"

"Maliban sa nangyari sa Palawan, wala na."

"Hinde, paniguradong hinde 'yon ang tinutukoy niya."

"Oo, dahil iyon na ang paghihiganti nila."

"Pwede mo bang alamin ang mga nangyareng pagsabog dito sa Laguna nang nakaraang taon hanggang sa taon na 'to?"

"Sige, gagawin ko iyan. Magbabalik ako bukas dito, mag-usap tayo."

"Marame 'kong gagawin bukas. Sa weekend, kung ayos lang?"

"Sige."

"Ingat ka pauwe," sabi ko 'tsaka pinutol ang linya.

Ngunit agad akong natigilan nang pagbaling ko papalabas ay nandoon na si Sensui, kausap si Lovemir. Nagmadali akong lumabas para harapin sila.

"Deib," untag ko.

"I want to talk to you." Bagaman masama ang tingin ay sinikap niya akong kausapin nang malumanay.

Tiningnan ko si Lovemir, bahagya itong lumayo. "Ano 'yon?" baling ko kay Sensui.

"Taguro, alam mong ayaw kong makakasama mo ang lalaking 'yan." Seryoso pa rin siya. "Ano ba ang dapat kong gawin para mapatawad mo 'ko?"

Kunyari akong nag-isip. "Wala naman na," pormal kong sabi. Mas sumama ang tingin niya. "Hinde na ako galit, pero hinde na rin ako babalik."

"Taguro, patawarin mo na 'ko."

"Hinde gano'n kadali ang hinihingi mo. At naiinis ako sa pangungulit mo."

"Sige, titigil ako, tigilan mo rin ang pagsama sa lalaking 'yan dahil nagseselos ako."

"Wala ka nang karapatan na diktahan ako, hiwalay na tayo at nagkasundo tayong gawin 'yon."

"Dahil nasaktan ako masyado sa mga sinabi mo, kaya ako pumayag."

"Hinde ko kasalanan."

Humakbang siya papalapit. "Alam mo namang mahal na mahal kita, 'di ba? At nasasaktan ako dahil nasaktan kita. Taguro, maniwala ka sa 'kin, nagsisisi na ako ro'n sa nangyari."

"Tigilan mo na ang kapapaliwanag, Sensui, ilang beses ko ba dapat na marinig 'yan?" inis kong tugon.

"Hindi mo na ba talaga ako mahal?" seryoso niyang tanong.

Ngumisi ako. "Matitiis ba kita kung mahal pa kita?" 'tsaka ako tumingin sa mga mata niya.

Deretso siyang tumitig sa 'kin at gusto kong manibago. Inaasahan kong mangingilid na ang mga luha niya ngayon, dahil ganoon siya kaemosyonal. Pero bagaman kunot na kunot na ang kaniyang noo ay hindi nawawala ang masamang tingin sa 'kin. Humugot siya nang malalim na hininga 'tsaka muling humakbang papalapit sa 'kin.

"Kung ginagawa mo 'to para maiparamdam sa 'kin 'yong sakit na naramdaman mo dahil sa katarantaduhan ko, titiisin ko. Kung ang pananakit sa 'kin ang daan mo para makapaghiganti, tatanggapin ko. Sabihin mo lang na babalik ka sa 'kin kapag natapos 'to."

"'Wag mo isiping gumagante ako sa 'yo," ngumisi ulit ako. "Nasasaktan ka lang talaga dahil ikaw ay me' nararamdaman pa, ako, wala na." Natigilan siya, bumagsak ang mga balikat at saka nagbaba ng tingin. "Ako na ang makikiusap sa 'yo, tigilan mo na 'to. Tama na. Mabigat din sa pakiramdam ko na nasasaktan ka pa kahit hinde naman 'yon ang intensyon ko. Hinde ako tulad mo na nananadya--"

"Taguro!" pigil niya sa 'kin. Kunot na kunot ang kaniyang noo, masamang-masama na ang tingin sa 'kin. "Paano mo nasasabi 'yan habang nakatingin sa mga mata ko, Maxpein?"

"Gano'n yata talaga kapag totoo ang sinasabi mo."

"Maxpein..." Lumapit siya at akmang hahawak sa 'kin, lumayo ako. "Please, come back to me."

"Hinde ako ang kelangan mo, Deib."

"Taguro, ikaw ang mahal ko."

"Alam ko." Sumeryoso rin ako. "Nararamdaman ko namang mahal mo pa ako, hinde mo na kelangang ipaalam. Sayang nga lang kase wala na akong pakelam." 'Tsaka ako ngumisi.

"Taguro..." Tinitigan niya ako na para bang hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko. "'Wag mo 'kong saktan nang ganito, nakikiusap ako sa 'yo. Hindi 'to kaya ng puso ko."

"Ano ang magagawa ko? Ito na lang ang paraan na meron ako para masabe sa 'yo ang totoo, nang magising ka na dyan sa bangungot mo."

"Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi mo, Taguro. Parang hindi na kita kilala."

"Kwits," ngumisi ulit ako. "Parang hinde rin kita nakilala no'ng gabing enjoy na enjoy ka sa pagkakasala mo. Dahil do'n, nawala lahat, Sensui. Lahat."

"Ang daya mo naman?" Noon palang namasa ang mga mata niya, halatang pinipigilan niya 'yon. "Wala pa tayong ilang buwang nagkakahiwalay, ganiyan ka na agad?"

"Siguro ay dahil sanay na 'ko?" Ngumisi ako. "Ilang beses mo na nga bang ginawa 'to? Hinde ko na tanda. Magkakaibang level ng intimacy sa mga babae, nakakatuwa," sarkastiko kong sabi.

"Alam mong hindi ko kayang makipaghiwalay sa 'yo, Taguro. Ikaw ang mahal ko at hindi ko na kayang magmahal pa ng iba. Inaamin ko na nagkamali ako. Parang awa mo naman na, patawarin mo na ako."

"Tigilan mo na sabe," ipinakita ko ang galit ko. Nang matigilan siya ay 'tsaka ako ngumisi. "Baket ba ipinagpipilitan mo pa ang sarili mo sa 'ken? Napakaraming magagandang babae ang nagkakandarapa sa 'yo, Deib. Baket hinde ka na lang sa kanila mamili? 'Yong pinakamaganda na ang piliin mo, 'wag 'yong sa me' itsura lang na gaya ko. Kase baka isa 'yon sa dahilan kaya naghahanap ka ng iba."

"Mas gugustuhin ko pa na mamatay kesa magmahal ng iba, Taguro."

Nakangiwi akong nagkibit-balikat. "Eh, kung iyon na lang ang paraan na meron ka, eh, di..." Tumitig ako sa mga mata niya, nangunot ang kaniyang noo at galit na tumitig sa 'kin. "Magpakamatay ka na."

"Taguro..."

"O kaya naman ay sumama ka na lang kay Eerah, hanapin mo siya. Malay mo kaya hinayaan ng tadhana nang mangyare 'to para magkatuluyan kayo? Bagay naman kayo, eh, iisa lang ang gusto." 'Tsaka nawala ang ngisi sa mukha ko.

Siya naman ang ngumisi. "Ang sakit mo nang magsalita ngayon, ah?"

"Date na, Deib," kunot-noo kong sabi. "Nabigyan ka lang ng panandaliang special treatment."

"Taguro..." Lumapit siya at humawak sa mga balikat ko. "Nakalimutan mo na ba 'yong pinagsamahan natin?"

"Natandaan mo ba ang mga 'yon habang ginagago ako?"

Nangilid ang mga luha niya. "Taguro..."

"Bitiwan mo 'ko."

"Nakikiusap ako sa 'yo," bigla niya akong niyakap kaya nagpumiglas ako.

"Bitiwan mo 'ko!" angil ko at saka siya sapilitang inilayo. "Nababaliw ka na ba? Kapag sinabe kong bumitaw ka, bumitaw ka!" singhal ko. "Dahil sa oras na 'to ay hinde na 'ko magdadalawang-isip na saktan ka."

"Maxpein, are you okay?" Hindi ko naramdaman ang mabilis na paglapit ni Lovemir.

"I'm okay," iniiwas ko ang akma niyang paghawak sa pisngi ko.

"Umalis ka, nag-uusap pa kami," baling ni Sensui kay Lovemir.

"I can stay here," pagmamatigas naman nito.

"Kaunting respeto."

"What do you know about respect, Deib Lohr?" nakangising ani Lovemir.

"Shut up."

"Ikaw dapat ang tinuturuang rumespeto, ikaw ang nagloko."

"I said, shut up, Lovemir. Hindi ka parte ng relasyon na 'to, lumayo ka sa 'kin kung ayaw mong masaktan."

"A woman's heart is not a toy, Deib Lohr. Anyone who treats it as such is not a man, but a boy," nakangising pang-iinsulto ni Lovemir, nang walang ano-ano ay sinapak siya ni Sensui.

"Deib!" awat ko pero walang nangyari.

Hinablot ni Sensui ang kwelyo ni Lovemir at saka magkakasunod na sinapak ito. Hindi lumaban si Lovemir, nakangisi pa habang tinatanggap nang tinatanggap ang kamao ni Sensui.

"Ito ba ang ipinagmamalaki mo?" pasigaw na ani Sensui. Nakaturo na siya kay Lovemir nang mag-angat ako ng tingin. "Siya ba ang dahilan kaya gano'n kadali na lang para sa 'yo na talikuran ako, Taguro?"

"Kung sasabihin ko bang "oo", titigilan mo 'ko?" tiim-bagang na tanong ko. "'Wag mo nang pahirapan ang sarili mo, Deib, dahil mas magiging masakit sa 'yo kapag pinakiusapan pa kitang itigil 'to."

"Hindi mo sinasagot ang tanong, Taguro." Seryoso siya, nagtatangis ang mga bagang. "Siya ba ang dahilan kung bakit gano'n na lang kadali sa 'yo na kalimutan ako?"

"Hinde," agad kong sagot. "Mahirap kang kalimutan kaya pinadali ko," makahulugang sabi ko. Gaya ng inaasahan ay mukhang hindi na naman niya 'yon nakuha. "Umalis ka na," utos ko 'tsaka ako bumaling kay Lovemir. "Let's go," anyaya ko.

"Hindi ko kaya," nangibabaw ang tinig ni Sensui sa likuran namin dahilan para matigil kami sa paglalakad ni Lovemir. "Nasasaktan ako, Taguro. Nahati na ang puso ko, dinudurog mo pa."

Umatras ako at saka humarap sa kaniya. "Puro puso mo na lang ang iniitinde mo, eh, 'no? Anong akala mo sa puso ko, bato?" sinabi ko 'yon sa mismong mukha niya. 'Tsaka ako ngumisi. "Pulutin mo 'yong ilang piraso ng durog mong puso, 'tsaka mo ipamigay sa mga babae mo."

"'Wag mo gawing biro ang puso ko, Taguro." Seryoso na siya.

"'Buti nga ako, biro lang, eh. Ikaw, naglaro."

"Taguro--"

"Pare, tama na," pigil ni Lovemir sa kaniya. "Tara na," hinawakan niya ako sa braso at inakay.

Pero hindi pa man kami nakalalayo nang hablutin ni Sensui ang braso niya at muli siyang sapakin. Nag-init ang ulo ko at pilit na pumagitna sa kanila. Nang hindi mahinto si Sensui ay ako ang humablot sa kwelyo niya at saka siya sinapak.

Hindi siya natinag sa lakas niyon. Nanatiling nakabaling sa kanan ang mukha niya, ang paningin ay nasa baba. Nagawa niya munang hawakan ang pisngi niyang sinapak ko bago ako dahan-dahang nilingon. Tumitig siya sa 'kin, wala akong mabasa na emosyon sa mukha niya, lalo na sa kaniyang mga mata.

Kunyari siyang natawa. "Hindi ko inaasahan na darating uli ang pagkakataon na masasapak mo ako." Ngumisi siya 'tsaka sumeryoso. "Pasensya na kung ipinilit ko pa ang sarili ko," mahinang aniya, iyong ako lang ang makaririnig. "Hinding-hindi na mauulit." 'Tsaka niya kami tinalikuran.

Pinanood ko siyang maglakad papalayo, pero hindi ko rin iyon kinaya. Ako rin ang kusang nagbaba ng tingin.

I'm sorry, Sensui...

~To Be Continued. . .~

Continue Reading

You'll Also Like

M By Maxine Lat

Historical Fiction

6.4M 291K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...
17.8K 1.1K 8
The death of Riza, an Architecture student brings devastation to the whole campus. She was known as friendly to everyone and famous for being a stude...
1.1M 32.1K 32
(R-18) JAKE MONTERELAOS_BOS (Beast of Stars) 》Never be ashamed of how much you love,or how quickly you fall. Love fully,love completely,but most...
607K 21.8K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...