Boyfriend Corp.

By iamKitin

35.2M 768K 254K

Naghahanap ka ba ng perfect boyfriend? Paano kung sabihin ko sa'yong meron at pwede mo siyang rentahan sa loo... More

Boyfriend Corp
Chapter 1 : We Mean ALL
Chapter 2 : Gatorade
Chapter 3 : Weird Day
Chapter 4 : Boyfriend
Chapter 5 : Contract
Chapter 6 : First Date
Chapter 7 : P.E.
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Special Chapter #1
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
The Last Chapter
Special Chapter 2
FAQ
BOYFRIEND CORP BOOK!
BFC Part 2

Chapter 37

519K 12.4K 6.1K
By iamKitin

Chapter 37

 

 

"Point, Delos Reyes and Marilao. 4-3." Nagpalit kami ng pwesto ni Alex. Turn ko na para magserve.

"3 points left." tumango ako kay Alex.

Pag naka 3 points kami, for sure 100 na kami sa Midterms. Tinara ko ang pingpong ball at na-return naman agad ng kalaban. Sa larong table tennis, kelangan halinhinan ang tira ng partners. At para sa exam sa PE, yun ang midterms namin.

"Point! Delos Reyes and Marilao. 5-3!" Binigay ko kay Aleex ang bola. Mabilis niyang sinerve ang bola at hindi yun nareturn ng nasa kabila. "Point! Delos Reyes and Marilao. 6-3!"

"1 more."

"I want that 100%." Kinuha ko yung bola kay Alex. Ganito na talaga kami kadesperado. Well, I bet kahit yung kalaban namin, ganun din ang gusto. Pero no, I won't give any chance for them.

Ilang beses kong pinatalbog yung bola sa table nang biglang may mahagip ang mga mata ko. Isang blue. Blue head. Nginitian niya ako nung nakita niyang nakatingin ako sa kanya. The hell, wala ba siyang exam?

Tinira ko yung bola at..

"Out. Point, Ilao and Ramos. 6-4!"

Shoot!

"Sana naman hindi ikaw ang dahilan para di ko makuha yung 100% sa Midterm."

"Parang ayaw ko rin ng perfect ah! Psh." Inirapan ko si Alex pero kahit ganun kita ko pa rin sa peripheral view ko si Gatorade. Seryoso lang siyang nakatingin samin. Nanunuod siya samin.

Sinerve na nila yung bola, na return naman agad yun ni Alex. Nagkaroon ulit ng rally...

"Point, Ilao and Ramos, 6-5!" and I think my luck run away nung na-out ko na naman yung bola. 

"Gab!"

Napalakas ang tira ko. Hindi ko na ma-control ang kamay ko! Isa nalang naman ang kelangan naming point, kami na ang panalo sa match. Tie kami, pareho kaming may isang panalo. Best of 3, kaya kung sinong magkaroon ng 2 wins, sila ang magkakaroon ng 100% sa Midterms.

Maganda ang naging laro namin kanina ah..

"Don't tell me na," nakita ni Alex kung saan..mali, kung kanino ako nakatingin. He sighed, "Kung yan ang makakasagabal saming dalawa ni perfect grades para sa midterm. You left me no choice."

"What do you mean?"

"Hoy Zamora!" Nakita ko yung reaksyon ni Gatorade nung tinawag siya ni Alex. "Di makapagconcentrate 'to oh. Kaya alam mo na!"

"Hoy Alex! Wala akong sinasabing ganyan!"

"Pero halata sayong di ka makapag-focus!"

Madami na tuloy napatingin samin. Sino bang hindi mapapatingin? Narinig nila ang apelido ng isa sa mga sikat na ngayong pangalan sa CK University. Pasimple akong tumingin kay Gatorade, nakapoker face as usual. Tumango siya at naglakad palayo.

"Game and Match, Delos Reyes and Marilao!"

"Yosh!" Binuhat at niyakap ako ni Alex nung hindi nareturn ng kalaban yung tira ko. "Perfect sa Midterms at Semi finals!"

Nagkaroon kasi kami ng deal ng professor namin sa PE na kung sino mang makakakuha ng 100% sa Midterms, ipe-perfect na din niya sa Semi finals. Of course that's a big privilege since written at game ang magiging semis.

That's why we're so eager to win.

"Oy Gab san ka pupunta!?"

Tumakbo na ako palabas nung gym nung nakuha ko yung bag ko. Di ko na nilingon si Alex. Deep down, nagi-guilty ako. Hindi dapat ginawa ni Alex yun, it sounded unfair for him. Pero hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa sa nangyare.

Ba't kasi nagkaganun ako nung dumating siya at nanuod ng game!

Kinuha ko yung phone ko at dinial ang phone number niya, "Pick up, blue head."

Last day of exams na for Midterms kaya napakalaking luwag na ulit para samin. Pede na kaming mag-paeasy easy ulit since SportsFest at Foundation week namin next week. Lumiko ako sa may JP building pero di ko makita si Gatorade. San ba pumunta yun?

Wala na siyang NSTP dahil nagtake na siya ng exam kahapon. Sinabi niya sakin yun kahapon nung kakatapos lang ng exam namin sa Accounting. Kahit si Marcus, nagtake na din. Pinakausapan niya yung prof niya kung pede na siyang mag-take kasabay ng ibang klase kasi may plans kami para ngayon.

Naaalala ko yung sinabi niya kahapon, "Monthsary natin bukas."

Napakagat ako sa lower lip ko. Yung mga matang yun nung sinasabi niya sakin na monthsary namin ngayon kaya niya ginawa yun. Tsk! No time of reminiscing Gab! Must find Blue head!

"San ka pupunta?"

Napatigil ako nung marinig ko ang reject tone ng tawag ko at narinig ko ang boses niya sa may tapat ng Admin Building. Tumingin ako sa side ko at nakita siyang nakaupo dun isa sa mga bleachers.

"Gatorade, sorry kanina!"

"Hep. Di ba may conditions tayo?" Tumayo siya at lumapit sakin. Kinuha niya yung bag sa likod ko. Yumuko siya at pinagdikit ang mga ilong namin, "You'll call me 'that' throughout this day, remember?"

Napalunok ako nung naalala ko yung condition na sinasabi niya. Dahan dahan akong tumango. Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko, "Now repeat."

  

"Pinapahirapan mo ko." Tiningnan niya lang ako, nagiintay. Kung hindi ko lang sinabi sa kanya kahapon na dapat may gawin din ako sa araw na ‘to hindi sana ako nahihirapan! Tsk. Andito na e. "Ano, sorry kung pinaalis ka ni Alex kanina dun sa gym."

Nakita ko yung pagtaas niya ng kilay nung narinig niyang kulang ang sinabi ko.

I rolled my eyes. Fine! "...baby."

Iniwas ko agad ang tingin ko. Nakakainis! Lumabas na kasi yung ngiti niya!

"Tara," Naramdaman ko yung palad niya sa kamay ko. "Baby?"

I managed to nod ng hindi nakatingin sa kanya. Kasi naman hindi ko maiwasang mapatitig sa mga matang yun. Yung mga matang paborito ko sa kanya. Nagpahila lang ako kay Gatorade palabas ng school.

"Nanalo kayo?" tumango ako. "So kasalanan ko nga?"

"No. It's not your fault."

"Pero sabi ni Alex, hindi ka daw makapagconcentrate."

"Wag mo nalang kasing pansinin!"

"You're not looking at me." Pumunta siya sa harapan ko at hinawakan ako sa pisngi. He smirked, "Sabi na e."

"Ano ka ba! Wag ka ngang magisip na kung ano ano dyan." Umiling ako para matanggal ang mga palad niya sa pisngi ko. "Nadidistract lang ako sa kulay ng buhok mo."

Tinaasan niya ako ng kilay pero iniwas ko ang tingin ko. I brushed my hair using my fingers. Isa kang dakilang sinungaling Gab. At sinong maniniwala sa sinasabi mong nadistract ka sa kulay ng buhok niya?

Isa kang malaking WEH.

"Gusto mong magpakulay ako ng buhok?"

"Ha?" Di ko mapigilang di mapatingin ulit sa kanya. He sounded serious. Inayos niya ang pagkahawak sa mga bag namin.

"Sabi mo nadi-distract ka.."

"Hindi! Hindi!" I shook my head. That's not what I really meant!

Napatungo ako pero nung narinig ko siyang magchuckle, nagkaroon ako ng dahilan para pasimple siyang tingnan. Hindi na siya nagsalita, imbes hinawakan niya ulit ang kamay ko at hinila palabas ng university.

Mas napansin kong mas madaming taong nakatingin samin. Kahit nga sina manong guard nakita kong nakatingin nung lumabas kami ng gate. Oo, napapansin kong may tumitingin kay Gatorade pero ganito ba talaga sila kadami?

Pagdadaan kami, it's either titigan nila o magbubulungan yung mga tao. Ang bilis sumikat ng lalaking 'to. Pano nga ba naman hindi mangyayare yun? Here are some reasons:

1. He has a very distracting hair color. (Siya lang ang kilala kong may blue hair.)

2. Maputi siya. (Mas maputi pa siya sakin!)

3. Matangkad siya. (I asked him, 5'10 or 11 daw siya.)

4. He's good in Basketball. (Tinanong siya ng coach sa CK kung pede siyang sumali sa Basketball Varsity Team!)

5. He excels in Acads. (Matalino siya period.)

Lastly, he's good looking. VERY OBVIOUS.

Kaya hindi na talaga nakakapagtaka.

Nakadating na kami sa apartment at nakita namin sina bebs na may dala dalang bag. San sila pupunta? Tatanungin ko dapat sila pero tinulak na agad ako ni Gatorade. Problema nito? Tinawanan lang kami nina bebs. Narinig ko pang sumigaw si bebs ng,"Ohmydee. Cute!"

"Pati gamit mo okay na."

"Ha? Gamit para saan?"

"Wala munang tanong tanong, pasok sa kwarto." tinulak niya ako papasok sa kwarto. "Go change. Nasa kama yung damit."

Magsasalita pa sana ako pero sinara na niya yung pinto. Lumapit ako dun sa kama at tinitigan yung tshirt at yellow shorts na nakahiga dun. Tinakpan ko yung bibig ko para pigilan ang ngiti ko pero useless. Mukhang ewan akong nakangiti dito.

"Ano bang ginagawa mo sakin, Gatorade?"

Ano na naman kayang pakulo 'to?

 [Flashback. What happened yesterday, night.]

Bed, at last! Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. I really really really need some sleep. Wala akong naging proper sleep kahapon dahil sa pag-aaral sa Accoutnign 101. Ang sakit sa ulo pero good thing di ako masyadong nahirapan.

All thanks to my handsome blue head tutor, you know who.

"Magpalit ka muna." tinapik tapik niya ako sa binti ko pero bumaluktot ako para di na niya ako maabot. Kahit nakapikit alam ko ang mga expressions sa mukha niya. Ano? As usual, nakapoker face yan. "Alexa."

"Sleep." I murmured, finding no energy left.

"Alexa." He called me again.

"Mamaya na, promise. I just need to sleep."

"Isa."

"Gatorade... No." Kinapa kapa ko yung unan sa tabi ko at niyakap yun. "I want domokun in my dreams."

"Alexa," naramdam kong gumalaw yung kama. I don't care because all I just want is to sleep. "Basang basa ka na ng pawis."

"Matutuyo din yan." Please stop talking, Gatorade. Please..

"Alexa naman e."

Gumalaw ulit ang kama at naramdaman ko siya sa gilid ko. Inalis niya yung mga buhok na nakaharang sa mukha ko. He patted my head gently, putting more gentleness to my pre-sleep. Minulat ko ang isang mata ko. Nakatingin lang siya sakin.

"I thought you're sleeping?"

"Di mo na ko pinipilit magpalit."

"Gusto mong pilitin kita?" I shook my head. "At alam ko namang di ka papayag na ako ang magbihis sayo."

"Baliw."

Mahina siyang tumawa at pinagpatuloy ang pag-caress ng buhok ko. As much as I wanted to sleep, hindi ko magawa kasi nakatingin siya. Actually, he's staring. His deep black eyes staring at me.

"Nakakainis. Hanggang ngayon wala parin akong maisip para bukas." Amin ko. Tutal wala rin naman talaga akong maisip at alam niyang nagiisip ako dahil narinig niya kaming naguusap ni bebs nung isang araw.

"Di naman kasi kelangan." Humiga na din siya at katapat ko na siya ngayon. Hindi pa rin niya tinitigil ang paglalaro sa buhok ko. "Knowing that you want something special for tomorrow is enough, baby."

"It's unfair."

"You're always unfair." He chuckled. Kung hindi lang ako inaantok, baka nahampas ko na naman siya sa braso. "Pero okay na talaga."

"Pero, I still want to do something."

"Gusto mo ba talaga?" Oo. Kahit di ko alam kung bakit. Medyo tumingala siya na para bang nag-iisip. Saglit niyang binitawan ang buhok ko at ginawa niya yung mannerism niya. "Okay."

"Okay?"

Ngumiti siya sakin at dahan dahang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Nilagay niya ang palad niya sa likod ng ulo ko at hinila ako papalapit sa kanya. I felt his lips touching my forehead, "You should call me baby tomorrow."

Tinulak ko siya sa dibdib pero kinulong na niya agad ako sa braso niya, "That’s your monthsary present, okay baby?"

[End of Flashback.] 

Lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko sina bebs na nakangiti at tinuturo si Gatorade. Sabay pa silang nagsalita ni Marcus ng 'Couple Sht.' Naging joke na namin yun pag nakakakita kami ng couples na may suot na kaparehong shirt, shoes, necklace and likes. Imbes na couple shirt, tinanggal namin yung letter r.

"San ba tayo pupunta?" tanong ko, removing the awkward aura.

Pero hindi sila sumagot kasi parehong tumingin sina bebs at Marcus kay Gatorade. Hinawakan ni Gatorade ang kamay ko at hinigit palabas ng apartment. Nakita ko yung Minica sa labas. Sinong nagdrive nun palabas ng garage? At pano nila nakuha yung susi?

Walang tanong tanong ay sumakay kaming dalawa ni Gatorade sa back seats. Nasa driver's seat si Marcus at sa shotgun seat si bebs. So I'm not driving? That's very obvious. At hindi ko alam na marunong palang mag-drive si Marcus.

"San ba tayo pupunta? Bebs!"

"Wala rin akong idea bebs. But I know this will be fun." Sumilip siya sakin at kinindatan ako.

*After 30 minutes*

Hindi nagsasalita si Gatorade sa buong byahe. Hawak hawak lang niya ang kamay ko habang papasok kami sa hindi ko malamang gubat. Ang dami kasing puno. Ngingiti lang siya pag nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya.

"Andito na tayo!" masiglang sinabi ni Marcus. Tumingin ako sa paligid at ang masasabi ko lang, napakaraming puno.

"1..2..3!" Napatingin ako kay Gatorade.

"Labas!"  sigaw ni Marcus.

What the heck!

Mabilis silang lumabas ni Marcus sasakyan kaya agad agad din akong lumabas. I even saw bebs trembling. Nagulat siguro sa sigaw ni Marcus. Wala din talaga siyang alam dito. Ni-lock ni Marcus yung sasakyan at  nakita ko nalang na hawak hawak ako ni Gatorade sa kamay ko.

Seryosong seryoso ang mga mata niya.

"Takbo!" nataranta na naman ako sa sigaw ni Marcus.

Ano daw! Bakit ba kami tatakbo? May humahabol ba sa amin?!

Tumingin ako sa likod ko at nakitang tumatakbo din sina Marcus, kasunod namin. Di ko maintindihan kung anong meron at ang alam ko lang ay tumatakbo ako at kinakabahan. Pano ba naman ako hindi kakabahan? Seryoso din ang mukha ni Marcus!

"Bilis!"

"Ano bang meron?"

Pero hindi niya ako nilingon. Hila hila niya lang ako papunta sa di ko alam kung saan. Ang bilis niyang tumakbo at pasalamat nalang ako at hindi ako mareklamo sa takbuhan pero si bebs. Sinubukan kong tumingin sa likod pero nagsalita ulit si Gatorade.

"Pag sinabi kong talon, talon! Maliwanag?"

"Ha? Labas, takbo tapos talon?! Ano bang nangyayare!"

"Malapit na.."

"Gatorade!" Nilingon niya ako at sinamaan niya ako ng tingin. Napalunok ako ng wala sa oras. Hanggang ngayon hindi niya makalimutan yun! May kasunduan kami! "Sorry! Sorry, baby!"

Nakita ko ang pagcurve ng labi niya. Ngumiti na naman siya. What a very sensitive Gatorade.

"Bilis!"

Mas bumilis ang takbo ni Gatorade kaya wala akong nagawa kundi sabayan ang pagtakbo niya. Pakiramdam ko may humahabol samin. Lumingon ako sa likod ko at kita kong buhat buhat na ni Marcus si Bebs (Bridal style).

Seryoso ang mga mata ni Marcus at Gatorade. At kita ko ang takot sa mata ni bebs.

"Talon!"

"Ano—Ahhhhh!" Napapikit ako nung naramdaman kong nahuhulog ako!

Naramdaman ko ang braso ni Gatorade, niyayakap ako hanggang sa…bumagsak kami sa tubig.

Sinubukan kong gumalaw pero mas humigpit ang pagkakayakap sakin ni Gatorade. Minulat ko ang mata ko. Anong nangyayare?! Nasa ilalalim kami ng tubig! Nginitian ako ni Gatorade at hinila pataas.

"Ah!" I breathe in. Oxygen! Oxygen! Oxygen! "Oh.. my.. dee."

Maya maya nag-pop na din ang mga ulo nina bebs sa surface ng tubig. Bebs coughed for oxygen. I was waiting for her oh-so famous line pero mukhang di siya makarecover. Nakangiti pa rin si Gatorade. Napatingin ako kung saan siya nakatingin. Tumingala ako at nakita kung saan kami galling.

Ang taas. Sa taas ng falls! 

"Happy Monthsary." Hindi agad ako nakapagreact sa halik ni Gatorade sa pisngi ko.

Don’t blame. I’m still on my shocked state.

*

Inayos na nina Gatorade yung mga kakainin namin. Bumabad muna kami ni bebs sa may tubig. Pero kung tutuusin hanggang ngayon di pa rin kami makagetover sa nangyareng talon kanina. They deserve some pats on their backs. Nice move, Marcus at Gatorade.

"I thought I killed myself." Kanina pa siya nagra-rant since may takot si bebs sa heights. "Ang taas kaya nun!"

Tumingala ulit ako at pinanuod ang pagbaba ng tubig mula sa taas. Dun kami galing.. Tumalon kami galing dun ng biglaan. Risky move. Ang lakas talaga ng tama ng dalawang yun. Pano kung may sakit kami sa puso?

Mumultuhin ko silang dalawa, panigurado.

  

Umahon na kami ni bebs nung tinawag kami ni Marcus. Nakakapagtaka kasi hindi man lang kami nainis o nagalit sa ginawa nung dalawa. What I felt was accomplishment, never thought na mapapatalon mo ako ng almost 30 ft para magdive sa tubig.

"I hate you!" Bebs pouted pero nawala agad yun nung hinalikan siya ni Marcus. "Love naman e. Nagtatampo nga ako kunyari!"

Pinisil lang ni Marcus and ilong ni bebs. Namumula ang tenga ni bebs. Kinikilig yan. Hehe. Tumingin ako sa paligid. Walang masyadong tao. At oo, ang dami talagang puno pero civilized. May mga kubo or cottage. Para ngang nasa isang resort kami.

Pano kaya nila nalaman ang lugar na 'to?

Sina Gatorade at Marcus ang nagready ng lahat kahit pagkain. Pero ramdam kong hindi sila ang nagluto nun. Maybe sa BFC. Pabayaan mo nalang Gab. Ikain mo nalang ang lahat. Sinusuyo ni Marcus si bebs kasi daw kunyari nagtatampo siya dito.

Arte ng bebs ko.

"Sorry ha?"

"Bakit?"

"Natakot ka."

I smiled at him. I shook my head, "Okay lang."

He titled his head to his righ.. Tumulo tuloy sa pagkain ko yung tubig galing buhok niya. Iniwas ko agad yun. Napatingin ako sa blue head niya. Mas nahalata na yung black na buhok. Mahaba na pero hindi naman panget tingnan. Para ngang design e.

Napansin niya atang nakatitig ako sa buhok niya kaya sinuklay niya yun gamit ang mga daliri niya.  This is the second time na nakita ko ang noo ni Gatorade.. Grabe, kahit ano atang hairstyle bagay sa kanya. 

"Nasa Batangas pa rin ba tayo?" Tumango siya. Kaya pala mabilis lang ang byahe. I wonder kung asan kaming lupalop ng Batangas.

"Tara?"

"Saan?"

"Crazy.."

"Ano?"

Hindi na niya ako sinagot. Kinuha niya ulit ang kamay ko at hinigit na niya ulit ako. Ako naman to, pahigit ng pahigit. Enjoy this. Yeah, should enjoy this. Napansin kong pataas na kami ng pataas hanggang sa makarating na naman kami sa taas ng falls.

"Tatalon ulit tayo?" Pero umiling siya. "Anong gagawin natin?"

"Crazier." kumuha siya ng isang baging na malapit samin.

"Uy Gatorade ano yan!" sinamaan niya agad ako ng tingin. Sabi ko nga, baby ko siya!

"Easier or the hard way baby?"

"Pero hindi bay an delikado?"

"Trust me." Nilahad niya yung free hand niya sakin. He assuringly smiled at me. Trust him? Kelan ba ako nagsimulang magtiwala kay Gatorade?

"Please don't kill me."

Ngumiti siya at inabot ang kamay ko, "We're just gonna fall, baby."

Fall…

Naglakad kami palikod para bumwelo. Nilagay ni Gatorade ang isang braso niya sa bewang ko at yung isang kamay niya nakahawak sa baging. Ipinulupot ko ang braso ko sa leeg niya at yung free hand ko nakahawak sa baging. Wag sana kaming mamamatay.

"Game!" Sabay kaming tumakbo hanggang sa di ko maramdaman ang lupa sa paa ko. "Ah! Open your eyes!"

Sinunod ko siya pero di ko mapigilang mapasigaw. Parang may kung anong umiikot sa tiyan ko. Ang taas namin! Napahigpit ang pagkakahawak ko sa leeg ni Gatorade. Nagpadala lang kami sa baging.

"I’ll let go!"

Sa takot at excitement, hindi na ako nakapagreact. Bumitaw na siya!

"We're falling, falling, falling! Wooo!" Niyakap ako ni Gatorade. Pinikit ko ang mga mata ko at hinihintay na bumagsak ang katawan namin sa tubig. "We're falling, baby."

*

Pass eight o'clock na kaming nakadating sa apartment. Dumiretso agad sina bebs at Marcus dun sa kwarto. Magpapalit na din siguro. Si Gatorade ang nagsara ng gate kaya naman nasa labas pa siya. Pumasok na din ako sa CR para makapagpalit agad.

Pagkalabas ko, sumunod naman si Gatorade para siya naman ang makapagpalit. Naabutan ko si Marcus na inaayos yung gamit namin. Lumapit ako sa kanya at tumulong.

"Bagsak agad si Love."

"Nakakapagod naman kasi talaga." Nilagay ko yung mga plato sa dishwasher. "Thanks for this day too, Marcus."

"Anything for our girl friends." Ginantihan ko ang ngiti ni Marcus.

Anything for their girl friends.

Nang matapos, pinanuod ko lang pumasok si Marcus sa kwarto ni bebs. Kahit sa isang masayang araw, hindi mo pa rin mapipigilang mapaisip ng against dun. Kung ibang babae ang nasa posisyon namin, ano kaya?

Pareho lang. Gagawin din nila 'to. Kasi sila ang girl friends nila. Yun ang trabaho nila bilang boy friends.

Ba't ganun Aly? Nageenjoy naman ako pero bakit ganun?

"Anong iniisip mo?" muntik ko nang mabitawan yung baso nung biglang pumasok si Gatorade sa kusina. "Di ka pa ba matutulog?"

Umiling ako. "Magaayos pa ako."

"Bukas na yan."

Gusto ko pa sanang makipagtalo pero wala na rin akong lakas. Wala na akong nagawa kundi sumunod kay Gatorade. Pumasok ulit kami sa kwarto. Mamaya aalis na ulit sila ni Marcus para umuwi. Tulad ng dati, uuwi sila pag matutulog na kami.

"Nagenjoy ka?" Tumango ako. Totoo naman kasi e. "Good."

"Thank you."

"You're welcome." Umupo ako sa kama. "Tulog na."

"Hindi pa naman ako inaantok."

"Eh anong gusto mong gawin?"

Nagkibit balikat ako pero di ko inaalis ang tingin sa kanya. Bigla kong naalala yung ginawa ko.  Pumunta ako sa may closet ko at kinuha yung regalo ko para sa kanya. Binato ko sa kanya at nasalo naman niya.

"Sorry, walang damit. I like him that way. Mas cute."

"Anong pangalan niya?"

Pangalan? Umupo ulit ako sa kama. "Ikaw yan e."

"Pansin ko nga. Blue hair." Hinawakan niya yung kulay blue part ng plushie, yung buhok. "Thank you."

Lumapit siya at lumuhod siya sa harap ko. Nilagay niya yung plush sa ibabaw ng kama. Nirest niya yung braso niya sa mga tuhod ko. I smiled at him. Tinanggal ko yung buhok na humaharang sa mga mata niya, "I love staring at your eyes."

"Love?" Uminit ang mga pisngi ko pero nagawa ko pa ding tumango. Mas nilapit niya ang mukha niya sakin. "Kahit ganito kalapit?"

Tumango ulit ako.

He inched forward again. "Ganito kalapit?"

Tumango ulit ako.

Mas lumapit siya hanggang sa magdikit ang mga ilong namin. "Pano kung ganito?"

"Yes."

Who would have thought I'll find myself staring at his eyes? Yung dating sinasabi kong go with the flow noon, yung sinasabi kong arogante, tinitigan ko sa mga mata ngayon. Yung blue head na hindi ko makasundo.

"Baby.."

I said it confidently and comfortably.

"Yes, baby?" He smiled as I cupped his face.

Who would have thought that a romantic bone will pop inside me eventually?

"I think I like you."

Mas lumapit siya sakin at hinalikan ako. I closed my eyes, giving in. That only lasted for some second pero pakiramdam ko tumigil ang pag-andar ng relo. Nang iminulat ko ang mata ko, andun pa rin ang mga mata niya.

His deep brown eyes.

"TGWSGLG."

"Ano?"

"The girl, who slapped Gatorade, likes Gatorade."

Di ko mapigilang mapatawa.  I nodded, agreeing on what he said. Ako nga yun. Ako nga si TGWSGLG. "Happy Monthsary, baby."

Continue Reading

You'll Also Like

23.3M 463K 56
PUBLISHED UNDER POP FICTION BOOKS "I'm breaking up with you, Gab." Tapos na ang kontrata. Hindi na boyfriend ni Gab si Gatorade at ni Dominique...
122K 5.6K 44
Hindi ko siya gusto no'ng una dahil alam kong hindi kami magtutugma. Pero loko-loko talaga ang tadhana. Ngayon, ayaw ko na siyang mawala.
13.6K 370 28
"I love to hear lies when i already know the truth" - Sierra Lexine Carter Ragucci
14.4M 502K 56
AIWG Sidestory featuring Misty Kirsten Lee (Kurt's younger sister) and France Zion Madrigal (Wayne's younger brother) "Ma-fa-fall na nga lang ako, sa...