The Devil's Son

By Itst4sha

852K 11.6K 3.3K

"I don't care if I will fall in love with a devil .. as long as that devil will love me the way he loves hell... More

AUTHOR'S NOTE
CHAPTER ONE
DO NOT PROCEED
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
BASAHIN NIYO :)
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
I : Ang Anim na Kasalanan
II : Ang Anim na Kasalanan
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-THREE
CHAPTER FORTY-FOUR
CHAPTER FORTY-FIVE
CHAPTER FORTY-SIX
CHAPTER FORTY-SEVEN
CHAPTER FORTY-EIGHT
OLD MESSAGES FROM MY READERS
UPDATE
CHAPTER FORTY-NINE
CHAPTER FIFTY
CHAPTER FIFTY-ONE
CHAPTER FIFTY-TWO
CHAPTER FIFTY-THREE
TO ALL THE TDS FANS/READER

CHAPTER FORTY-TWO

6.8K 149 56
By Itst4sha

[DAMON’S POV]

“What happened?” Tanong sakin ni Kathy nang makabalik ako nang hospital. I told her everything. She was surprised and at the same time, she was happy. She even cried when I told her about Kurt and Sthep. Kung swerte si Kathy kay Sthep ... ganun din naman siguro si Sthep kay Kathy.

“Damon ... what if – what if wala tayong happy ending? Magpapasalamat ka pa din ba sa relasyon na meron tayo?” Tanong niya sakin.

“Oo naman. Yung mahalin mo lang ako kahit wala na yung relasyon ... sobrang nagpapasalamat na ako.”

She smiled.

“Ako din. Yung mahalin mo lang ako ... okay na ko do’n.” Out of the blue, bigla na lamang niyang hinawakan ang kamay ko. “So even without ‘us’, without our relationship we could still be happy right? We could still be thankful ... just by ... just by merely having each other.”

“Y-yeah.” Hinalikan ko ang kamay niya habang nakawak sa kamay ko.

“Unti-unti na akong nanghihina Damon. Unti-unti nang bumabagsak ang katawan ko. Itong mga to?” Sabay angat niya sa host na nakakabit sa kanyang kaliwang kamay mula sa dextrose. “Balewala lahat ng ‘to. Wala ‘tong silbi sakin ... wala tong nagagawa para sakin. I need miracle!. Not this kind of stuffs. I need to be normal! I want to be human!”

Umiyak na naman siya.

Alam na alam ko kung anong nararamdaman niya coz I felt the same way too when I was still a devil like her. Masisisi mo ang lahat nang bagay sa mundo dahil sa sitwasyon mo. Kung bakit ikaw pa. Kung bakit hindi na lang sila. And Kathy is not used to it.

Honestly ... I regret loving her.

Kung hindi ko siya minahal ... hindi niya sana mararanasan ang mga bagay na ‘to. Kung hindi ko siya minahal, hindi siya magiging demonyo. Sa ganoong paraan, wala akong ibang pamimilian kundi ang mapunta sa impyerno. Nang ako lang, ako lang mag-isa. I regret everything ... not because I will not have Kathy in the end – but because I love her so much now.

“Nandito lang ako Kathy ... hindi kita iiwan.” Palagi ko na lang sinasabi sa kanya yun kahit ang totoo, hindi pwedeng hindi ko siya iiwan. Kapag dumating yung time na kailangan na niyang mamatay dahil sa kasunduan – wala na akong magagawa kundi ang manatili sa lupa nang wala siya.

“Hanggang kailan Damon?” She stared at me. Yung mga mata niya na palagi na lang basa ng mga luha. Yung mga mata niya na hindi na ngumingiti para sakin. Yung mga mata niya na walang ibang nakikita at pinagkukunan nang lakas kundi ako.

“Forever.”

“It’s a lie. No one could stay with someone forever. You know that.”

“Devils believe in lies. So you must believe me.”

“I do.”

I hugged her.

It’s the least I could do.

“Damon ... gusto ko nang umalis sa lugar na ‘to. Umalis na tayo dito.”

“Sige.” Nakangiti kong sabi sa kanya.

“Ngayon na.”

“Kakausapin ko ang doctor mo. Pagbalik ko – aalis na tayo. Okay?”

She nodded.

“Stay here. I’ll be back.”

Umalis ako para kausapin ang doctor na naghahandle sa kanya.

Habang naglalakad ako sa hallway ay napadaan ako sa isang ward. Nakakita ako nang isang babaeng umiiyak habang nakatitig sa isang pasyenteng naka-tabon nang kumot. Nagmamakaawa ito.

She was grieving to death.

Natauhan lang ako nang mapalingon sakin ang babae. Agad akong lumakad palayo mula sa ward na yun.

“Damn!”

Iniisip ko pa lang na si Kathy ‘yon, hindi na ako makahinga.

Nang makarating ako sa nurse station, tinanong ko kung pwede nang marelease si Kathy. Ang sabi nang nurse ay pwede na daw. Pumayag na daw nang doctor na mailabas siya ng ospital nang may magpuntang lalaki at inasikaso ang bayarin at mga papel niya sa ospital.

Napatunganga ako.

“Lalaki?”

Wala ako sa sariling nagpasalamat sa nurse. Wala na akong ibang maisip na pwedeng gumawa noon kundi si Erick lang.

Dumaan ako sa isa pang hallway kung saan mas mabilis akong makakabalik sa kwarto kung saan naroon si Kathy.

Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang marating ko ang silid na iyon. Wala na siya. Wala na si Kathy. I ran as fast as I could to find her.

“KATHY!!!” Sigaw ko sa buong hallway.

Hinanap ko siya sa buong hospital.

“KATHY!!!”



[KATHY’S POV]

“Damon ... gusto ko nang umalis sa lugar na ‘to. Umalis na tayo dito.” Pakiusap ko sa kanya.

“Sige.” Nakangiti niyang sagot sa akin.

“Ngayon na.”

“Kakausapin ko ang doctor mo. Pagbalik ko – aalis na tayo. Okay?”

I nodded.

“Stay here. I’ll be back.”

Sinundan ko lamang siya ng tingin hanggang makalabas siya ng silid.

Wala pa halos isang minuto na nakakaalis si Damon ay dumating naman si Erick. Nagulat ako pero hindi naman ako natakot sa kanya. Simula noong naging demonyo ako ay wala na akong kinatatakutan except from my own death.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko.

“I heard that you wanted to leave this place. Inasikaso ko lahat ng dapat asikasuhin dito sa ospital. Pwede ka nang lumabas.” Aniya.

“Yeah – thank you. I’ll wait for Damon. I want to go home.”

He smiled at me. “Sa tingin mo ba magandang idea yon?” Tanong niya. “Kapag dumating yung oras na kailangan mo nang umalis. Sa tingin mo ba makakayanan nila? Sa tingin mo hindi sila mahihirapan?”

Hindi ako nakapagsalita.

Tama siya. The more I choose to be with them the more it prolongs their agony. Pero kung lalayo ako ... masasanay sila. Masasanay silang wala ako.

“Hindi ka ba nagsasawa sa ginagawa mo Erick?”

“Hindi.”

“Bakit?”

“Why don’t you ask Damon the same thing?”

Hindi ako sumagot.

Bakit kasi hindi ko magawang mahalin ka Erick? Tanong ko sa sarili ko. Bakit nga ba? Siguro kasi’y alam kong demonyo siya. Nagbago siya. Pero kung nanatili siyang ganoon sa dati? Maybe ... just maybe, there’s a possibility na mahalin ko din siya – kahit kaunti lang.

“So ... are you coming with me or not?” Tanong ni Erick sakin.

“I ... I’ll come with you.”

Gusto ko pa sanang mag-iwan nang note para kay Damon pero mas lalo lang siyang magpupursigi na hanapin ako. Mas mabuti na yung ganito – bigla na lamang akong mawawala nang walang paalam. Sigro naman hindi ako dadalhin ni Erick sa lugar na madali akong makikita nang mga taong importante sakin.

Binuhat ako ni Erick.

“Kumapit ka okay?” Sabi niya sakin.

“Okay.”

Hindi ko alam kung saang parte kami nang ospital dumaan. Pumikit ako.

Idinilat ko lamang ang mga mata ko nang maramdaman kong ibinababa na ako ni Erick sa loob nang kanyang sasakyan.

“Kailan ka pa natutong magkotse?” Tanong ko sakanya.

“I’m trying to be normal para hindi ka matakot sakin.” He smiled.

Nang pinaandar niya ang kotse ay napatingin ako sa exit nang ospital. Darating kaya si Damon para mabawi ako?

“Let’s go?” Tanong ni Erick.

“L-let’s go.” Sang-ayon ko sa kanya.

Nilisan namin ang lugar na yon.

Hindi ko nakita si Damon.

Napabuntung hininga na lamang ako.

“I know it will be hard for you to let him go – but you have to, as early as now.” Sabi ni Erick. “Nakita mo naman, even Sthep is willing to sacrifice her life just for you. Madaming madadamay na tao dahil sa’yo. At alam ko namang ayaw mong mangyari yun.”

“Oo. Ayoko.”

“So you just did the right thing Kathy. Don’t worry about them. Okay?”

Hindi ko napigilan ang mga luha ko. For the nth time, gumawa na naman ako nang desisiyon na hindi na naman involve si Damon. I know he’ll find me. Hindi siya susuko hanggang hindi ako nahahanap. Alam ko sa mga oras na ‘to ... hinahanap na niya ako.

“Saan nga pala tayo pupunta?” Tanong ko kay Erick.

“Sa Tagaytay.”

“Bakit doon?”

“Enjoy coldness while you can.” He winked at me.

“Ah I see.”

Oo nga pala. Kapag nasa impyerno na kami – wala na kaming ibang choice kundi ang damahin ang init nang paligid.

Pinilit kong makatulog sa biyahe. Malayu-layo din ang biyahe mula Manila hanggang Tagaytay. Nanghihina pa ako. Kailangan kong bumawi nang lakas.

“Anong ginagawa mo Kathy?” Tanong sakin ni Sthep habang nakasubsob ako sa pagsusulat.

“W-wala.” Pinilit kong itago yon mula sa kanya.

“Anong wala? Patingin nga!”

“Wala nga sabi!”

“Patingin!”

Sa pag-aagawan namin ni Sthep sa papel ay napunit yon.

Napunta sa kanya ang unahang bahagi nang papel.

“Ano to?” Tanong niya.

Binuklat niya ang kusut-kusot na papel.

“Dear Damon. Alam mo ba noong una kitang makita crush na talaga kita eh. Hindi nga ako makatulog kakaisip sa’yo ... ano to? Sulat para kay Damon? Pampalaki nang ulo niya?” Tanong niya sakin.

“H-hindi!”

“Hindi daw pero may Dear Damon na nakasulat!”

“Alam mo naman pala eh! Ba’t tinatanong mo pa?”

“Oo nga ano?” Napakamot siya sa ulo niya. “Pero bakit mo nga naisipang sulatan siya?”

“Eh kasi naman eh ... baka sakali pansinin niya na ko.”

“Baliw! Hindi ka papansinin nun! Tsura neto!”

Nakaramdam ako nang awa sa sarili ko nang marinig ko yun mula kay Sthep. Pakiramdam ko kasi ang panget-panget ko.

“Alam mo chum, hindi naman sa dinadown kita pero ayoko lang masaktan ka. Mamaya kapag sinagot niya tong sulat mo umiyak ka lang. O kung hindi man, baka katakut-takot na pagaassume ang gawin mo! Paano kung hindi mo makuha ang sagot na gusto mo? Sino bang masasaktan bukod sa sarili mo? Ako di ba? Alam mo naman na ayokong nalulungkot ka.”

Tumingin ako sa kanya nang diretso.

“Yung totoo Sthep tomboy ka ba?”

Nanlaki ang mga mata ni Sthep nang sabihin ko yun.

“Slight lang!” Atsaka siya humagalpak nang tawa. “Gagang to! Kahit panget ako hindi ko naisipang magpakatomboy no!”

“Naniniguro lang!”

“Naniniguro ka diyan! Tigil-tigilan mo to ha?” Sabay angat niya sa kapirasong papel na hawak niya.

“Oo na.”

Sabay irap ko sa kanya.

“Tignan mo to ... galit ka pa sakin niyang lagay na yan? Concern lang naman ako sa’yo.”

“Hindi.”

“Yung totoo?”

“Hindi nga!”

“Kiss mo nga ako ...” Sabay nguso niya sakin.

“Yuck!”

 Tumawa kami pareho.

“Kathy ... Kathy gising na. Nandito na tayo.” Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Panaginip lang pala. Sana hindi na lang ako nagising.

Binuksan ni Erick ang pintuan nang kotse saka ako inalalayang bumaba.

“Dahan-dahan lang.” Sabi niya sakin.

Inalalayan niya ako hanggang sa makapasok kami sa loob nang bahay.

“Ang laki naman nang bahay na ‘to! Kanino ‘to?” Tanong ko.

“Kahapon ko lang binili ‘to. Sabi ko sa sarili ko, bahala na. Kung sasama ka eh di mabuti. Pero kung hindi, eh di sayang.” Tapos ay ngumiti siya sakin.

Ibang-iba s Erick ngayon.

Parang bumalik yung dating siya.

Yung dating Erick na nakilala ko.

“Patawa ka?” Sabi ko.

“Hindi naman masyado. Gusto ko lang maging palagay ang loob mo sakin.” Muli siyang ngumiti. “Halika, may pagkain na sa loob. Nagpahanda ako. Wag kang mag-alala. May kasama tayo dito. Kumuha ako nang kasambahay para hindi ka mailang sakin.”

Sa unang pagkakataon na kasama ko si Erick – ngumiti ako.

“Manang ...” Tawag ni Erick.

Lumapit ang isang babaeng nasa singkwenta anyos na yata ang edad. Ngumiti siya sakin. “Magandang hapon po sa inyo Ma’am ... Sir.”

“Okay na ba yung hapunan?” Tanong ni Erick.

“Opo Sir. Nakahanda na po.”

Tumingin sakin si Erick. “Halika na.”

 
Nang makarating kami sa kusina ay nanlaki ang mga mata ko sa sobrang dami nang pagkain na nakahain sa mesa. Daig pa ang pasko, bagong taon at fiesta.

“A-ang dami naman nito.” Sabi ko.

“Para sa’yo lahat yan.”

Maging sa pag-upo ay inalalayan ako ni Erick.

“Salamat. Pero hindi mo naman kailangang gawin lahat ng ‘to. Hindi pa naman ako baldado. Kaya ko pang kumilos mag-isa.” Prangka kong sabi sa kanya. Hindi kasi ako sanay na ganon siya ka-gentleman sa akin, na ganun siya kabait.

Yumuko siya. “Sobrang saya ko lang kasi na nakasama kita. Hindi ko maitago. Saka, gustung-gusto ko talagang pagsilbihan ka.”

“Please, wag sobra.”

Ngumiti siya. “Sige.”

Sa dami nang pagkaing nakahain sa harapan ko, hindi ko alam kung anong uunahin. Pero kahit ganon, hindi pa rin ako nakakain nang madami, nang maayos. Tumatakbo pa rin kasi sa isip ko si Damon. Naiisip ko pa rin kung anong ginagawa niya sa mga oras na ‘to. Kung hinahanap niya pa rin ba ako ... kung natutuliro ba siya o nagagalit.

Pinipilit ko namang alisin yun sa isip ko ... kaso, hindi naman yun ganun kadali.

Nang matapos kaming maghapunan ay nagpaalam na ako kay Erick na magpapahinga na ako. Agad naman niya akong pinaalalayan kay Manang sa magiging silid ko sa bahay na iyon.

“Salamat Manang.” Sabi ko sa matanda.

Ngumiti lang ito sa akin.

Nang wala na ang mga tao sa paligid ko. Nang ako na lang mag-isa. Doon ko naramdaman ang lungkot. Kasabay nang pagkirot ng marka sa kanang kamay ko.

Kung may nag-iisang bagay na makakapagpagaan ng loob ko bago ako mapunta sa impyerno, yun ay ang mawalan ako ng pakiramdam. Ayoko nang makaramdam ng kahit na anong emosyon dahil iyon ang nagpapahirap sa akin.

Nasan ka ngayon Damon?
Anong ginagawa mo?

Hinahanap mo ba ako?

Umiiyak ka ba?

Galit ka ba?

Ganito pala ang pakiramdam kapag naging tao siya. Ganito pala ang pakiramdam ng mag-isa. Wala kang aasahan na laging magtatanggol sa’yo.

Sana kunin na ako ng impyerno nang mas maaga. Para matapos na rin ang lahat ng ito.

Continue Reading

You'll Also Like

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...