The Keepers [TKS#1]

By iamrurumonster

5.8M 199K 17.1K

"Trust the power within you..." An unexpected abduction A gathering of demon slayers, archangels, shapeshifte... More

Author's Note
Prologue
1. Gate of Test
2. The Purging
3. Unsafe Route
4. Unforeseen Raid
5. The Lucky Three
The Keepers Cast
6. The Elimination
7. The House Selection
8. Undefined Keeper
9. Ardens Aftermath
10. Super Physics
11. The Clues
12. Wing Bearer
13. Between Light and Dark
14. The Power of Five
15. Lara's Feat
16. The Birth of Hwy
17. Raising Ruru
18. A Gentleman's Cop-Out
19. Tale of Arang
20. Three on Three
21. Chasing Arang
22. Tenebris- The Wicked
23. The Great Escape
24. Amber and the Festive
25. The Grand Parade
26. Musa de Cairos
27. Endgame
28. Keepers Olympics
29. The A-Team
30. Manipulated
31. Queen Amry Versus Lara
32. Keeper of Six
33. The Summons of Laurent Hale
34. A Hale in the Past
35. Tattooed
The Video Teaser
36. The Race to Gemini
37. The Tenth
38. H2H
39. Conquered
40. The Second Strike
41. Rage at the Academy
42. The Sacrificial Lamb
43. Fake
44. The Traitor
45. Escaping the Evil Queen
46. Spells Magic and Hatred
47. Dark as Ebony
48. Clash of Black and White
49. Preempt
50. Untamed Darkness
51. The King's Order
52. Ruru
53. A Keeper's Throe
54. Us Against the Darkness
55. The Perfect Duo
More Stories Coming!
56. A-Team Reunited
57. Unbroken Circle
58. The Pentagram
59. The Rescue
60. Good Versus Evil
61. Concede
62. Inevitable
63. The End of All Beginnings
Epilogue
The Keepers Published Book
10 Things U Should Know About The Keepers
Book II -The Seekers
The Keepers Under Psicom Publishing

64. Hearthopia

64.8K 2.1K 124
By iamrurumonster

Thank you for reading this story. The story is also available on www.dreame.com. You may download the Dreame App for more awesome stories.

The Keepers is also published by Psicom and the book is already out on all leading bookstores (National Book Store, Book Sale, Expressions, and Pandayan) nationwide. You may also order your copy via Shopee and Lazada.

***

"My six keeps..." naibulong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang anim na bola ng liwanag na nakapalibot saakin. Ramdam kong lalabas silang lahat.

Hindi ako nagkamali. Right there, where my shaking knees stood around the six properties, the revelation happened in an instant.

Unang lumitaw mula sa puting liwanag ang winged unicorn, kasunod no'n ay ang Earthen wolf na halos kasabay lang ng wind harpy. Mula sa kulay asul na bolang apoy, lumabas ang isang tortoise na binabalutan ng mga batong sapiro ang punglo. Ang aking water keep! Nasambit ko. Umagaw saakin ng atensyon ang paglabas din ng itim na serpyente na may gintong mata mula sa itim na bolang apoy. Huling lumitaw mula sa pulang liwanag ang fire phoenix na siyang bumuhay saakin.

Nakapalibot ang anim kong keeps, hindi ko alam ang sasabihin dahil sa sobrang pagkamangha. Sa pagpatak ng bawat segundo ay mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari ngayong nagpakita na ang anim na magical creature na matagal ding nakakulong sa aking katawan.

I heard a loud squeak sa ibabaw ng lupa kung saan ako nakabaon. Naulit pa ito ng ilang beses.

Ruru! Tinawag ko si ruru sa aking isipan. I heard him cry again as I whisper his name inside my head. Ruru, help me win this battle.

Pagkasabing-pagkasabi ko sa mga katagang iyon ay nakarinig ako ang dagundong sa ibabaw ng lupa. Tila may isang malakas na nilalang na hinuhukay ang mga lupang tumabon saakin at pinipilit sumiksik sa mga kumpol ng bato. Lumipas ang ilang minuto ay nagsibagsakan ang mga buhangin pati ang mga maliliit na bato at kasunod no'n ay ang matapang na si ruru. Siya ang kanina pang naghuhukay para sagipin ako.

"Ruru!" Malakas kong tawag dito.

Mabilis itong lumapit saakin at hindi alintana ang nakakasilaw na magic circle. Nang makaapak ito sa pinakasentro ng magic circle ay tinangka kong haplusin ang leeg nito pata amuhin. Ngunit hindi iyon nangyari. Nang akmang hahawakan ko na si Ruru ay bigla itong lumutang. Nakabuka ang mga pakpak nito at hindi maigalaw ang buong katawan. Tila kontrolado ito ng pwersang tumatakbo sa loob ng pentagram. Lalapitan ko pa sana ito nang kumawala uli ang malakas na liwanag mula sa circle. Kasunod no'n ay ang pag-ikot ng anim kong keeps kasabay ng pag-ikot din ng mga guhit sa pentagram.

Anong nangyayari?

Nasagot ang katanungan ko sa paglipas ng oras. Bumalik sa anyong fire ball ang anim na magical creature. Naglakbay ang light energy ball palapit kay ruru at dumikit ito sa likuran niya hanggang sa tuluyan na itong makapasok sa katawan ng cyfrin. Nakita ko mismo ang pag-iiba ng kulay ng kutis nito, naging puti ang balahibo ito na sing kinis ng mga perlas sa. Kasunod no'n ang pagsanib ng earthen wolf kay Ruru na naging dahilan para magkaroon ito ng metallic armour sa kanyang ulo pati na rin sa likuran at sa mga paa nito.

Sabay na pumasok sa katawan ng cyfrin ang wind harpy at ang giant tortoise. Ruru wore a golden crown and his eyes turned blue after. Mas lalong nagmukhang malakas at matibay ang baluti nito sa katawan. Kasunod no'n habang nagpupumiglas parin ang tila naninibagong cyfrin, biglang naging isang itim na usok ang kanina'y dark energy ball. Pumasok ito sa bunganga ni Ruru. Kasabay ng pangyayaring iyon ay siyang paglalakbay ng apoy na may anyong phoenix palapit sa mga pakpak ni Ruru.

Nahati ang fire phoenix sa dalawa at magkahiwalay na lumapat sa nanginginig na mga pakapak ni Ruru. Ruru's skin turned into a stripe of black and white, his tail was on golden fire. His wings became like those of the fire phoenix. His size doubled.

For the first time, ruru released his mighty roar na halos yanigin ang lupa. Sa pagbaba ng transformed cyfrin, nawala ang liwanag ng magic circle nang umapak na ito sa lupa. Nakatitig ang asul nitong mga mata. Then he bowed before me, I slowly tapped his forehead with my right palm. Then as my hand touched his head, a blinding beam of light was formed. I felt how both of our powers unite.

Namangha pa ako nang habang nakalapat ang kamay ko sa noo niya'y naglakabay ang magkakahalong mga liwanag mula kay ruru patungo sa kamay ko. Sa pag-akyat ng mga hibla ng enerhiya sa aking kamay ay napansin ko ang paglitaw ng isang napakagandang baluti na gawa sa matibay na metal. Kumikinang ang bawat balat na madaanan ng mga hibla ng enerhiyang iyon at pati ang kasuotan ko'y binago para sa nahaharap kong pakikidigma. Ilang segundo pa ang lumipas ay buo na ang makapangyarihang baluti sa aking katawan.

Ruru lowered his back as if asking me to ride on him. I spread my arms. Unexpectedly I levitated going to Ruru's back.

Hanggang sa makasakay ako kay Ruru. Tinapik ko ang likuran nito. Nagpakawala siya ng isang malakas na apoy mula sa kanyang bunganga. Nakagawa ito ng isang napakalaking hukay at naitaboy niya ang mga nakatabon saaming bato.

Then, as I heard his feet stomped on the floor, he flapped his mighty wings two times. He leaped so high and flew with a flaming wings.

Halos wala pang dalawang segundo pagkatapos kaming makalipad ay sinalubong na kami ng napakalakas na buga ng apoy mula sa itim na dragon. Nagawa namang magpakawala din ng isang malakas na light beam ni ruru mula a bibig nito.

"Isa lang ang pwedeng mabuhay saatin Lara. Ako 'yon!" Malakas na sabi saakin ni Cael.

Tinibayan ko ang loob ko. Matagal ko nang tinanggap ang katotohanan. Kinailangan ko lang ng oras para lakasan ang loob ko at paslangin ang sarili kong kapatid. "Hindi ka magtatagumpay Cael. Hangga't nabubuhay ako, sisuguraduhin kong walang matitirang bakas ng kasamaan ang mananatili sa mundong ito."

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Cael bago ito nagtawag ng mga higanteng kidlat sa kalangitan. Nagawa nitong tawagin uli ang madilim na kalangitan habang nakabaon ako sa lupa. Aatake ito habang nakikipagsagupaan ang dragon niya kay Ruru.

"Hetong sayo!" Dinig kong sabi niya sabay kumpas ng mga kamay niya patungo sa direksyon ko.

Nag-ipon ako ng lakas. Pinaghalo ko ang lakas ng tubig at lupa para makagawa ng isang malakas na panangga kaya bago pa tumama ang mga malalaking kidlat mula kay Cael ay nababalot na kami ni ruru ng panangga. Mabilis akong bumawi at muling inipon ang kapangyarihan ng liwanag at apoy sa iisang bola. Tatlong magkakasunod na kombinasyon ng light and fire keeps ang hinagis ko kay Cael.

Nang sanggain niya ito gamit ang kanyang brasong nababalot ng bakal ay biglang sumabog ang mga hinagis kong energy ball. Nagpumiglas ang itim na dragon dahilan para samantalahin ito ni ruru at tamaan ito sa leeg.

Hindi parin natinag sina Cael at ang itim na dragon. Mula sa itaas ay sumugod uli ang halimaw upang lapain ang cyfrin.

"Ruru! Ilag!" Asik ko.

Ruru flew backwards and dodged the dragon's dark flare. Hindi namin namalayang kasunod pala no'n ang paghampas ng mga buntot nito sa tagiliran ni ruru. Tinamaan ang huli at kumawala tunog mg kirot sa bibig nito.

We were both distracted and we did not notice the Cael's huge conflagarant lighting bolt was thrown upon us. The dragon roared so deep before releasing a massive amount of fire thread. Mabilis. Magkasabay. Magkasunod.

Ang akala ko'y iilag so ruru pero nanatili ito sa kinaroroonan. Napayakap ako sa leeg nito at napapikit dahil akala ko'y wala na kaming pagkakataong umilag at huli na para makagawa ako ng panangga. Hindi ko inaasahan ang mga sumunod na ginawa ni Ruru. Nilihis ako nito patungo sa kanyang harapan habang nakayakap parin ako sa kanya. Binalot ako nito mg kanyang mga binti kasunod ng mga pakpak niyang nag-aalab.

Hindi ko naramdaman ang init ng apoy sa balahibo nito, marahil ay dahil saakin nanggaling si Ruru kaya iisa ang pakiramdam namin. Nang masiguro ng cyfrin na protektado na ako ng mga pakpak nito ay saka ito nagsimulang umikot. Sa una ay marahan ang pag-ikot nito hanggang sa pabilis ng pabilis. Nagmistulan itong isang whirlwind bullet na sumalubong sa magkasunod na atake nina Cael at ang dragon.

Nang maramdaman ko ang paglapit ng lightning bolt at ng itim na apoy ay mabilis kong pinagapang ang aking kapangyarihan palibot kay Ruru. Nakamulat parin ang aking mga mata sa kabila ng mabilis na pag-ikot kaya nakita ko mismo kung paano nito binangga at nilusutan ang lightning bolt pati at dark fire na mula sa dragon. Bumuo ng isang lagusan sa gitna ng malaking bola ng kuryente at itim na apoy ang ginawang pag-ikot ni Ruru.

Nagulat si Cael nang ilang talampakan na lang ay babanggain na sila ni Ruru na animo'y isang napakalakas na ipu-ipo. Ruru crashed on the dragon's neck. Napansin kong sinadya niya 'yon dahil doon mismo nagmumula ang binubuga nitong apoy at tinangka niyang wasakin.

Napaatras at gumawa ng nakakabinging ingay ang itim na dragon lulan si Cael. Pero hindi parin sila natinag.

"Lara, hindi mo nakakalimutang kaya kong pigilan ang kapangyarihan mo. Dahil matigas parin ang ulo mo at ginagalit mo ako, tatapusin ko na ang labang 'to!" Malakas ang pagkakasabi nito. Naalala kong kaya niyang i-void ang kapangyarihan ko sa oras na magkaroon ito ng pagkakataon hilain ang mga hibla ng aking enerhiya. Nabahala ako.

Naramdaman 'yon ni Ruru kaya mabilis itong dumistansya sa kalaban pero huli na ang lahat nang maramdaman kong hawak na ni Cael ang mga hibla ng aking kapangyarihan.

The taker's power... lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hanggang sa pati pagtibok ng puso ko'y hindi ko na maramdaman. Nagawa na niya ito dati. Nagawa niyang muli.

Pinilit kong gumalaw. Pinilit kong utusan ang isip ko. Pinilit kong patakbuhin ang anim na enerhiya sa aking katawan pero parang walang nangyayari. Hawak ni Cael ang kapangyarihan ko at hindi ko ito magamit.

Narinig ko ang pagtawa nito habang namamanhid ang katawan ko. Wala akong makita kundi madilim na kapaligiran. Nasa kawalan ako. Cael totally voided my keeps. Tanging ang pandinig ko lang ang iniwan nitong nakabukas.

Sa pagtigil ng malakas na halakhak na 'yon, bigla akong hinampas ng isang matigas na bagay. Hindi ko naramdaman ang sakit pero sigurado akong napuruhan ang aking katawan. Kasunod no'n ay narinig ko uli ang pagbagsak ng katawan ko sa lupa at ang nasasaktang alulong ni Ruru.

My friends were calling me.

"LARA!" Malakas ang sigaw ni Laurent. Naramdaman ko ang pasakit sa boses nito. Naramdaman ko rin ang matinding pag-aalala at pagmamahal niya.

Para saan ba ang lahat ng 'to? Para kanino ba ang buhay ko? Para saan ba ang lahat kung bakit sa kabila ng lahat ay pinipilit ko paring mabuhay?

"Miss Hearthopia, isa kang malakas na babae. Alam kong mapagtatagumpayan mo ito sa kabila ng hirap at sakit na dinadala mo. Pakawalan mo ang sakit at hayaan mong mangibabaw ang malinis mong layunin. Pakawalan mo ang natitirang takot sa puso mo. Nasa puso mo ang tunay na kapangyarihang magwawakas sa digmaang ito. Isa kang Hearthopia, ang natatanging tagapagmana ni reyna Elmaea...." isang pamilyar na boses ang narinig ko sa gitna ng nanlalabo kong ulirat.

Mistress Fhaun! Naramdaman ko ang mainit na likido sa gilid ng aking mga mata, kasunod no'n ay ang pagkalat ng kirot sa aking katawan. Bumalik na ang pandama ko at unti-unti nang bumabalik sa dati ang paligid. Sinubukan kong pagapangin ang aking healing energy sa buo kong katawan. Pinilit ko hanggang sa maramdaman kong unti-unti nang nawawala ang kirot.

Ruru roared. Nakita kong nakatayo na ito sa harapan ko at tila pinaghahandaan ang isang atake. Isang malakas pang alulong nito ang kumawala bago sumambulat saakin ang napakalakas na kombinasyon ng dark fire at dark lighting bolt. Sinalubong ni ruru ang nakakatunaw na kapangyarihan at halos magkabitak-bitak ang lupang kinatatayuan namin. Nilipad ang mga piraso ng bato at lupa habang magkasagupa ang dalawang malakas na pwersa.

Sinubukan kong bumuo ng energy ball sa aking mga palad. Sa una kong subok ay usok lang ang lumabas. Sa pangalawang subok ay gano'n din. Nakailang ulit ako at hindi ako tumigil pero sadyang walang nangyayari.

Tinanaw ko kung nasaan sina Cael at ang itim na dragon. Magkasabay nilang nilalabanan ang flaming beam mula kay ruru. Tila nahihirapan na si ruru sa laban. Sa gitna ng salpukan ng malakas ma pwersa ay muling sumagi sa isip ko ang sinabi ni Mistress Fhaun... Pakawalan mo ang sakit at hayaan mong mangibabaw ang malinis mong layunin. Pakawalan mo ang natitirang takot sa puso mo. Nasa puso mo ang tunay na kapangyarihang magwawakas sa digmaang ito. Paulit-ulit hanggang sa tuluyan na dumaloy ang luha sa aking pisngi. "C-Cael, kailangan kong gawin ito. Kailangan kong tapusin ang lahat ng ito pero hindi nangangahulugang dito natatapos ang pagmamahal ko sa'yo bilang kapatid mo. M-mahal na mahal ka ni ate."

Kasabay ng sunod-sunod na paglabas ng di mapigilang mga butil ng luha ay siya namang pagbulusok ng apoy mula sa anim kong keeps. Lumaki pa iyon hanggang sa halos buong typraz ay nasilaw. Pinagdikit ko ang aking mga palad dahilan para lalong mas lumakas ang hawak kong enerhiya. Mabilis akong tumabi kay ruru habang hindi parin matigil ang aking pag-iyak.

"Mahal na mahal kita Cael..." matapos kong bigkasin ang mga katagang iyon ay itinapon ko ang flame of six patungo sa itim na dragon. Pumulupot 'yon sa flaming beam ni ruru at mas lalong naging malakas ang abante nito patungo kay Cael.

Animo'y may isang malakas na bagyo sa pinangyarihan ng sagupaan. Malakas ang sipol ng hangin. Halos liparin ang mga puno at malalaking bitak ng lupa at bato.

"Haaah!" Isang malakas na sigaw ang narinig ko mula sa aking kapatid. Bumulusok ang itim na pwersang bumabangga sa pinagsamang kapangyarihan namin ni ruru. Sa sobrang lakas ng tulak nito ay halos mabaon ang aking mga paa sa lupa.

Napapikit ako. Pinadaloy ko ang huling enerhiya mula sa anim na property na nasa loob ng aking katawan patungo sa aking mga palad. Lalong lumakas ang pinagsama naming pwersa ni Ruru. Tumulo ang dugo sa aking ilong pero hindi ko 'uin naging dahilan paran tumigil ako. Pinakawalan ko ang ilan pang patak ng kapangyarihan sa aking katawan. Dumoble ang lakas ng pwersa na halos lamunin ang pinagsamang kapangyarihan ng dragon at ni Cael. Umabante pa ang atake namin ni ruru. Nang pakawalan ko na ng tuluyan ang lahat ng aking lakas na halos yanigin ang buong typraz ay mabilis na bumulusok paakyat ang flaming beam.

"Ate!" Narinig ko ang huling sigaw ni Cael bago ito tuluyang nilusaw ng liwanag.

Isang pagsabog.

Isang nakakasilaw na liwanag.

Isang paghikbi.

Bumagsak ang tuhod ko sa lupa. Kasunod no'n ay ang unti-unting pagyakap saakin ng katotohanang tapos na ang lahat.

T-tapos na....

Wala na ang itim na dragon. Wala na si Cael at ang dark master. Mawawalan na rin ng buhay ang mga dark warriors kasama ng mga tenebris.

Nasundan ng pag-iyak ang pigil kong paghikbi. "Cael..." 'yon lang ang salitang kayang banggitin ng mga labi ko. Wala na ang kapatid ko.

Sa gitna ng aking pag-iyak sa malamig na gabing iyon ay isang mainit na bisig ang yumakap saakin. Lalo akong nilunod ng aking hagulgol nang maramdaman ko ang yakap niya. Sumandal ako sa matipuno nitong dibdib at di alintana kung mababasa ang damit nito ng aking luha.

"Shhhhh... tahan na." Mahina ngunit madamdamin nitong sabi bago ako hinalikan sa bumbunan at lalong hinigpitan ang pagkakayakap nito saakin. "Papa lulu will be here. I promise."

Hindi ako umimik pero ramdam ko ang sinseridad sa mga salita nito.

"Lara..." sa basag na tinig, narinig kong sabi ni Amber sa aking likuran bago ko naramdamang yumakap din ito.

"Sasali din ako." Sabi ni Silex na hindi ako ang niyakap nang lumuhod palapit kundi ang nakayakap na si Amber.

Nang i-angat ko ang aking paningin mula sa pagkakayakap ni Laurent ay nasamyo ko ang malaanghel na amoy ni Alvis. Nakatayo ito sa likod ng nakaluhod na si Laurent. Napansin niyang nakita ko na siya at hinaplos nito ang aking buhok ng marahan. He brushed his hand on my hair afterwards and painted a sympathetic smile.

Naroon din sina Master Uran at nasa likod nito ang mga magigiting na mercenary keepers at ang mga nakaligtas na kawal. Nasa di kalayuan naman si Kaiser at ng sugatang hari. Tila may nais sabihin ang hari at ang anak nitong prinsipe. Nginitian ko ang mga ito. Agad naman silang tumango bilang pagbati. Alam kong kakausapin ako ng mga ito kapag bumalik na sa dati ang lahat.

Laurent, Silex, Amber and Alvis hugged me and kept me warm. I closed my eyes.

It's over. Finally...

###

Continue Reading

You'll Also Like

677K 41.4K 51
A world where magic is everything. A world where anything is possible. A world where any creatures exists. And a world without the greatest witch of...
2.2M 122K 71
GIFTED SERIES #2 Hide. Hide yourself. Hold your breath and don't make a sound. Look at your surroundings and watch your step. The hunters are here. G...
1.5K 550 43
Jonalise Esceva had a almost perfect life in her mind, in her heart and for herself but the word 'perfect' is shattered into pieces. God from above c...
172K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...