The Keepers [TKS#1]

By iamrurumonster

5.8M 199K 17.1K

"Trust the power within you..." An unexpected abduction A gathering of demon slayers, archangels, shapeshifte... More

Author's Note
Prologue
1. Gate of Test
2. The Purging
3. Unsafe Route
4. Unforeseen Raid
5. The Lucky Three
The Keepers Cast
6. The Elimination
7. The House Selection
8. Undefined Keeper
9. Ardens Aftermath
10. Super Physics
11. The Clues
12. Wing Bearer
13. Between Light and Dark
14. The Power of Five
15. Lara's Feat
16. The Birth of Hwy
17. Raising Ruru
18. A Gentleman's Cop-Out
19. Tale of Arang
20. Three on Three
21. Chasing Arang
22. Tenebris- The Wicked
23. The Great Escape
24. Amber and the Festive
25. The Grand Parade
26. Musa de Cairos
27. Endgame
28. Keepers Olympics
29. The A-Team
30. Manipulated
31. Queen Amry Versus Lara
32. Keeper of Six
33. The Summons of Laurent Hale
34. A Hale in the Past
35. Tattooed
The Video Teaser
36. The Race to Gemini
37. The Tenth
38. H2H
39. Conquered
40. The Second Strike
41. Rage at the Academy
42. The Sacrificial Lamb
43. Fake
44. The Traitor
45. Escaping the Evil Queen
46. Spells Magic and Hatred
47. Dark as Ebony
48. Clash of Black and White
49. Preempt
50. Untamed Darkness
51. The King's Order
52. Ruru
53. A Keeper's Throe
54. Us Against the Darkness
55. The Perfect Duo
More Stories Coming!
56. A-Team Reunited
57. Unbroken Circle
58. The Pentagram
59. The Rescue
60. Good Versus Evil
61. Concede
63. The End of All Beginnings
64. Hearthopia
Epilogue
The Keepers Published Book
10 Things U Should Know About The Keepers
Book II -The Seekers
The Keepers Under Psicom Publishing

62. Inevitable

50.4K 2.1K 205
By iamrurumonster

Thank you for reading this story. The story is also available on www.dreame.com. You may download the Dreame App for more awesome stories.

The Keepers is also published by Psicom and the book is already out on all leading bookstores (National Book Store, Book Sale, Expressions, and Pandayan) nationwide. You may also order your copy via Shopee and Lazada.

***

AMBER

Inasahan ko na ang mga pangyayaring ito pero hindi ko alam na magiging ganito katindi. Hindi pa ako tuluyang nahimasmasan sa pagkawala ni Mistress Fhaun pero heto't susunod na si Lara. Nasa likuran ko ang humihikbing si Kaiser na hindi pa alam kung ano na ang nangyari sa kanyang ama. Lulan kami ni Silex na nag-anyong higanteng agila pero ramdam ko rin ang kalungkutan nito kahit na wala ito sa anyong tao.

Nabigo ako! Binigo ko ang aking angkan. Hindi ko na-protektahan ang tagapagsilang ng hwy, ang bestfriend kong si Lara.

Paikot-ikot kami sa lugar kung saan nagbabakbakan parin ang mga sugo ng dilim at ang mga tagapagtanggol ni Lara. Nakuyom ko ang aking palad; bahagyang napasabunot sa balahibo ng lumilipad na si Silex. Napansin kong naramdaman nito ang kagustuhan kong magbuwis buhay at sugurin ang lapastangang si Cael.

Nang lingunin ko si Laurent ay abala ito sa pakikipagpalitan ng atake sa dark warrior na gawa sa nag-aalab na magma habang sinusubukang lumapit sa kinalalagyan nina Lara at Cael. Samantalang mabilis na nakabawi ng lakas si Alvis na agad tinulungan si ruru sa kaharap nitong kalabang nababalot ng metal ang katawan.

Kaharap ni Master Uran ang dalawa pang malalakas na dark warriors. Marami nang buhay ang nabuwis dahil sa digmaang iyon. Mangilan-ngilan na lang ang mga magigiting na kawal ng hari na nakikipagbakbakan parin sa mga tenebris. Kung susumahin ay lamang ang kalaban sa bilang at malaki ang posibilidad na maubos kaming lahat.

Master Uran threw his crucifix for the second time. He extended his arms sideways as a strong blast of wind came around him. Seconds past, he was covered by a strong luminous box made from a frame of lights. Tila nabalot ito ng isang babasaging kahon na kumikinang sa kahit anong sulok. Nang tangkain siyang sugurin ng dalawang kalaban ay saka ito biglang yumuko habang nakahalukipkip ang dalawang braso nito sa kanyang dibdib.

Then, with enough distance, he stood up strong and extended his arms again. An outward force coming from his body burst causing the luminous box to break like a glass. Naging matutulis na salamin ang mga nabasag na glass-like box. The pointed ends of every piece targeted the two dark warriors. Nasilaw ang dalawang kalaban sa mga papasugod na kumikinang na bubog kaya natigilan ang mga ito.

As the two stood still, the broken pieces traveled in the air with a perfectly patterned direction -synchronized. Randomly, the glass pieces hit the two dark warriors. Sunod-sunod, mabilis, at walang tigil. Halos dalhin sa hukay ng mga bubog na yo'n ang dalawang kalaban dahil sa walang humpay na pagdurog sa kanilang katawan. Binalot ng usok at alikabok ang lugar kung saan pinagpiyestahan ng mga bubog ng salaming gawa sa liwanag ang katawan ng dalawang kalaban.

Walang sinayang na oras si Master Uran. Nang nasiguro nitong wala na ang dalawang kalaban ay agad itong kumaripas ng lipad patungo sa kinaroroonan ni Lara. Hindi ito natinag ng mga sumasalubong sa kanyang mga tenebris. Bawat madaanan nito ay ginagamitan niya ng magkakahalong magical technique.

"Silex..." I heard Kaiser na nanginginig pa ang boses. "Iligtas natin si Lara. It's a do or die!"

Bilang pagsang-ayon ay tinapik ko ang likuran ng higanteng agila. "Para kay Mistress Fhaun, sa mahal na hari at kay Lara!" Nasambit ko.

Wala pang tatlong segundo matapos kong sambitin ang mga katagang iyon ay mabilis na lumipad pababa patungo ng talampas si Silex. Pasugod na rin si Master Uran at ang iba pang mercenary keepers sa talampas. Napansin na rin ng mga ito ang pamumula ng blood moon at ang kalagayan ni Lara.

"Lara!" Laurent was screaming his throat out from behind us. Siguro ay nagapi na nito ang kalabang taong-magma kaya napasugod na rin.

Bahala na kung sinong mauna saamin sa talampas. Napadukot ako sa aking poku bag. Napaisip ako kung anong pwede kong kunin mula doon para mapigilan si Cael. Nakapa ko ang isang maliit na bote. Isang likidong pinakaiiwasan kong madukot mula sa poku bag dahil sa walang kasiguraduhang bisa nito. Maaring ikasira ng katawan ko ang magic potion na hawak ko kapag hindi ko nakayanan ang sobrang lakas nito. Bahala na. Gagawin ko parin.

Ilang metro na lang! Malapit na rin si Master Uran pati ang ibang mga miyembro ng magic council. Iinumin ko na ba 'to?

Halos dalawang metro lang ang layo ni Laurent mula sa likuran. Mukhang kailangang ako na lang ang sumunggab kay Cael.

My hands were shaking habang hawak ko ang vial na nagtataglay ng makapangyarihang likidong maaring magligtas kay Lara. Napabilang ako sa sobrang kaba. "On three, tatalon ako at ililigtas ko si Lara. Kayo na ang bahala kay Cael at sa dragon!" Utos ko kina Silex at Kaiser.

"One!" I gasped for an air.

"Two!"

Gosh!

"Three!" Napasigaw ako. Sampong metro ang layo namin mula kay Cael at sa walang malay na si Lara. Tumalon ako at inilabas ang bote ng mysterious potion saka ko binuksan. Pabagsak na ako sa lupa at akmang iinumin ko na ang potion.

Nakanganga na ang aking bibig at tutunggain ko na ang likidong iyon. I saw master Uran leaped high habang nakahanda na ang hawak niyang krusipiho. Kaiser is about to release his dark fire ball while Silex transformed into a vicious metallic jaguar. The rest of the allies were holding their energy ball and Laurent was behind us with his monstrous arms covered by dark fire.

Nang lalagukin ko na ang likido at hahagisan na si Cael ng mga mercenary keepers, Cael lit the dark circle again with its gloomy purple lights.

We were stunned.

We froze.

Paralyzed.

Nakikita ko kung anong nangyayari sa paligid pero hindi ko maigalaw ang kahit anong bahagi ng aking katawan. Master Uran was stunned and petrified as well even the powerful mercenary keepers and members of the magic council. Nanatili kaming nakalutang sa ere na tila tumigil ang oras.

Anong nangyayari? Papaanong nagawang patigilin ni Cael ang lahat pati na ang mga makapangyarihang keepers? Ito na ba ang tunay na kapangyarihan ng dark master?

Sa mga oras na 'yon, habang nararamdaman kong wala na kaming pag-asa para sagipin si Lara, nangilid ang mga luha ko. Lumipas pa ang ilang segundo habang pinagmamasdan ang pagtubo ng dark energy dagger mula sa kamay ni Cael, kumawala ang mga luha sa aking mga mata at bumagsak iyon sa pisngi ni Lara. Lara... I'm so sorry.

Tanging mga luha lang ang gumagalaw mula saakin. Ilang beses kong pinilit pagalawin ang aking katawan pero sadyang wala akong laban sa kapangyarihan ng dark master.

Nang itinaas ni Cael ang mga kamay habang hawak ang punyal na siyang tatapos sa buhay ni Lara, pinilit kong ipikit ang aking mga mata. Ayokong masaksihan ang kamatayan niya.

Hindi ko nagawa.

Nanatiling nakabukas ang aking mga mata na marahil ay naranasan din ng iba. Ang masilayan mismo ang kamatayan ni Lara. Tama na naman si Jolly. Sana kung may isang pangitain si Jolly na pwede kong baguhin, ito 'yon. Kahit na hindi na ako makapangasawa ng gwapong tulad ni Silex, huwag lang mamatay si Lara. Kakayanin ko naman sigurong mabuhay na gaya ni Mistress Fhaun, huwag lang habang buhay na dadalhin ko ang kalungkutan dahil sa pagkamatay ng matalik kong kaibigan.

Hinog na ang pulang buwan. Nakatutok na ang dulo ng punyal sa dibdib ni Lara. Mangyayari na ang nakasulat.

Pinilit kong sumigaw at tumutol habang nilalakbay ng dulo ng punyal ang distansya patungo sa dibdib ni Lara pero nanatili ang pagtutol at sigaw na 'yon sa aking utak.

Nakadilat ang aking mata.

Nakita ko.

Naramdaman ko ang sakit nang itarak ni Cael ang punyal sa dibdib ni Lara. Halos matigil ang aking paghinga. Tanging ang sunod-sunod kong pagluha lang ang hindi natigil.

Nang masaksak ni Cael si Lara sa dibdib ay nabuo ang isang nakakasilaw na liwanag. Isa ring malakas na pwersa ang kumawala mula sa magkapatid na Hearthopia dahilan para maitaboy kaming lahat na nakapalibot sa kanila. Tumilapon ako, ganundin sina Master Uran.

Nagkumpulan ang mga itim na ulap sa langit. Animo'y sumasayaw paikot ang mga ulap na 'yon at nasa sentro ang nakahandusay na si Lara at ang nakatayong si Cael kasama ang itim na dragon. Nagpakawala ng sunod-sunod na kidlat ang madilim na kalangitan.

"Naganap na. P-patay na si Lara!" Nangangatog ang mga tuhod ko kasabay ng panginginig ng buo kong katawan.

"Laraaaaaaah!" Isang pamilyar na boses mula sa kalayuan ang sunod kong narinig kasunod ng nananaghoy na huni ni Ruru. It was Alvis na lulan ni Ruru.

"Ahhh!" Isang sigaw ng magkahalong galit at kalungkutan ang narinig ko mula kay Laurent. Sa tono ng boses nito ay tila wala na itong sasantohin pa at handa nang durugin si Cael kahit na ikapahamak pa niya.

Kasabay ng kumawala kong paghikbi ang mabilis na pagsugod nina Laurent at Alvis kay Cael. Alvis was holding his lightning sword samantalang nababalot naman ng dark flame ang nag-ibang anyong kanang braso ni Laurent. Both flew towards Cael ang threw an enormous energy shot.

Pero sadyang malakas si Cael. Isang kumpas lang ng daliri nito ay naitaboy niyang pareho ang dalawang arkanghel. May kung anong pwersang bumalibag sa dalawa dahilan para tumilapon ang mga ito. Sumunod si Silex at Kaiser na mabilis na nakatakbo palapit kay Cael. Silex threw a solid energy punch sa likod ng dark master pero nailagan ito ng huli. Nahawakan ni Cael sa leeg si Silex at parang isang basahang iwinasiwas palayo sa kanya.

Kaiser used his skill to petrify the dark master. Hindi naman gumalaw ng ilang segundo si Cael kaya sinamantala iyon ni Kaiser sa pamamagitan ng pagpapakawala ng isang higanteng dark energy ball. Hindi pa man napapakawalan ni Kaiser ang kapangyarihan ay nahawakan na ito ni Cael sa leeg. Gamit ang kanang kamay, sinakal nito ang prinsipe ng walang kahirap-hirap.

Kaiser turned pale and was choking.

Tatakbo pa sana at susugod ang iba pang mga keepers ngunit bago sila makahakbang palapit ay naikumpas na ni Cael ang kaliwang palad para itaboy ang mga ito. An outward circular force pushed us away. Parang isang malakas na hampas ang nagtaboy saamin.

"Cael! Huwag! Huwag mong patayin ang kapatid mo!"

Isang boses lalaki ang unagaw ng atensyon sa aming lahat. Ang haring Holoma na inaalalayan ng dalawang kawal.

Cael searched where the king was. Tinitigan nito ang hari nang makita kung nasaan ito. The king was standing six meters infront of him. Blanko ang ekspresyon ng lalaking Hearthopia habang nakatitig sa hari. Tila balewala para sa kanya ang malamang ama niya ang nasa harapan.

"Kapatid ko itong lalaking nasa bingit ng kamatayan ngayon?" Seryoso ang mukha nito. Halatang walang pakialam sa sinabi ng hari. "Gusto mo bang ubusin ko lahat ng mga kadugo ko kasama siya?"

"Cael, anak. Itigil mo na 'to." Sumamo ng hari. Hindi ko pa nakitang naging ganto ang hari -nagmamakaawa at handang bitiwan ang titulo at kapangyarihan para sa anak.

"At ikaw ang walang kwentang amang nagpatapon saamin sa kagubatan?"

Sa gitna ng pag-uusap na 'yon, nagawang itaas ni Kaiser ang mga kamay para hawakan si Cael sa kamay at tanggalin ang pagkakasakal nito sa kanya. Hinigpitan pa lalo ng dark master ang pagkakasakal sa kanya hanggang sa halos hindi na makahinga ito.

"Anak! Huwag!" Sigaw ng hari na halos matumba na nang subukang tumakbo para malapitan ang dalawang anak.

Ngumisi si Cael. Halatang hindi nito nagustuhan ang nalamang anak siya ng hari. Ang akala nami'y tutuluyan na nito si Kaiser pero nagkamali kami. Walang kahirap-hirap nitong hinagis ang kapatid sa harap ng haring nakaluhod saka bumawi ng tingin na parang walang nangyari.

Tumingala sa itim na kalangitan si Cael at huminga ng malalim bago nagsalita. "Ngayong patay na ang total keeper na si Lara, matutupad na ang itim na propesiya!"

Nakalahad ang mga kamay ni Cael habang tumatawang nakatingala sa langit. Nagsimula na naman magtawag ito ng mga naglalakihang kidlat. Nang sumigaw ito ay isang napakalaking hibla ng kidlat ang bumagsak mula sa itaas. Tinamaan ng malakas na kidlat ang katawan ni Lara. Malakas ang naging pagsabog no'n na halos ikagulat ng lahat dahil sa biglaang pag-apoy sa paligid ng katawan ni Lara.

N-nasusunog si Lara.

"Lara! Hindi!" Sigaw ko.

Nagliyab pa ang apoy na nakapalibot kay Lara. Halos madurog ang puso ko habang pinagmamasdan ang pangyayari. Nilamon ng napakalakas na apoy na yo'n ang katawan ng babae. Unti-unti, hanggang sa hindi ko na maaninag ang katawan ni Lara.

Wala na siya. Wala na si Lara.

***

Nanlalabo man ang mga mata ko dahil sa luha, kitang-kita ko ang paghupa ng apoy at paglantad ng puting abo mula sa nasunog na katawan ni Lara. Napailing-iling pa ako pagkatapos kong kumurap upang masigurong abo na lang ni Lara ang nakikita ko.

Napatakda ako. Nang pihitin ko ang maliit na bagay sa aking kaliwang kamay ay naramdaman kong hawak ko parin ang bote ng mysterious potion, kalahati na lang ang laman nito. Naisip kong maari ko pa itong inumin para maipaghiganti ang best friend ko.

Hahakbang na ako palapit kay Cael nang biglang umihip ang malakas na hangin na halos tangayin ang mga abo ng yumao kong kaibigan. Nilipad ng malakas na hangin ang abo ng kaibigan ko. Sa di maipaliwanag na dahilan, naramdaman kong tila may paparating na siyang babago sa mga pangyayari.

Hindi ako magkamali.

As the strong gush of the wind stopped, pure, white, crystal powder fell like a ray of sand. Unti-unting naipon ang mga puting buhangin na 'yon, na hinala ko'y abo ni Lara, sa aking harapan. Hinintay kong matapos ang pagbagsak ng mga abo. Nararamdaman ko ang presensya ni Lara.

Then.

Nang maipon ang mga abo ni Lara na parang kumpol ng puting buhangin, biglang nabuo ang isang magic circle na may eleven-pointed star mula dito. Kasunod no'n ay ang paglitaw ng simbulo ng anim na properties: wind, water, earth, fire, light and dark. Luminous lights from all corners of the magic circle came flashing ramdomly. As the circles around the eleven-pointed star moved, Lara's ash became glittery.

Oh my gosh! Parang nabasa ko na 'to... Oh my, Lara!

###

Continue Reading

You'll Also Like

60.1K 2.5K 32
✯ONGOING | The Alpha Goddess (Demigod Trilogy Book 2 of 3) After Heshiena, the daughter of Poseidon and Artemis refused to accept the Olympian thron...
676K 41.3K 51
A world where magic is everything. A world where anything is possible. A world where any creatures exists. And a world without the greatest witch of...
2.2M 122K 71
GIFTED SERIES #2 Hide. Hide yourself. Hold your breath and don't make a sound. Look at your surroundings and watch your step. The hunters are here. G...
1.4K 550 43
Jonalise Esceva had a almost perfect life in her mind, in her heart and for herself but the word 'perfect' is shattered into pieces. God from above c...