The Keepers [TKS#1]

By iamrurumonster

5.8M 199K 17.1K

"Trust the power within you..." An unexpected abduction A gathering of demon slayers, archangels, shapeshifte... More

Author's Note
Prologue
1. Gate of Test
2. The Purging
3. Unsafe Route
4. Unforeseen Raid
5. The Lucky Three
The Keepers Cast
6. The Elimination
7. The House Selection
8. Undefined Keeper
9. Ardens Aftermath
10. Super Physics
11. The Clues
12. Wing Bearer
13. Between Light and Dark
14. The Power of Five
15. Lara's Feat
16. The Birth of Hwy
17. Raising Ruru
18. A Gentleman's Cop-Out
19. Tale of Arang
20. Three on Three
21. Chasing Arang
22. Tenebris- The Wicked
23. The Great Escape
24. Amber and the Festive
25. The Grand Parade
26. Musa de Cairos
27. Endgame
28. Keepers Olympics
29. The A-Team
30. Manipulated
31. Queen Amry Versus Lara
32. Keeper of Six
33. The Summons of Laurent Hale
34. A Hale in the Past
35. Tattooed
The Video Teaser
36. The Race to Gemini
37. The Tenth
38. H2H
39. Conquered
40. The Second Strike
41. Rage at the Academy
42. The Sacrificial Lamb
43. Fake
44. The Traitor
45. Escaping the Evil Queen
46. Spells Magic and Hatred
47. Dark as Ebony
48. Clash of Black and White
49. Preempt
50. Untamed Darkness
51. The King's Order
52. Ruru
53. A Keeper's Throe
54. Us Against the Darkness
55. The Perfect Duo
More Stories Coming!
56. A-Team Reunited
57. Unbroken Circle
58. The Pentagram
59. The Rescue
61. Concede
62. Inevitable
63. The End of All Beginnings
64. Hearthopia
Epilogue
The Keepers Published Book
10 Things U Should Know About The Keepers
Book II -The Seekers
The Keepers Under Psicom Publishing

60. Good Versus Evil

58.3K 2K 88
By iamrurumonster

Thank you for reading this story. The story is also available on www.dreame.com. You may download the Dreame App for more awesome stories.

The Keepers is also published by Psicom and the book is already out on all leading bookstores (National Book Store, Book Sale, Expressions, and Pandayan) nationwide. You may also order your copy via Shopee and Lazada.

***

SILEX

Muntik na! Kung nahuli lang ng ilang segundo sina Mistress Fhaun, marahil ay napuruhan na kami ni Cael. Naramdaman ko kung gaano naging kalakas ang huli. Hindi ko inakalang gano'n katindi ang pwersang magmumula dito.

Hinila kami ni Mistress Fhaun gamit ang kanyang spell hanggaang sa umabot na kami sa dakong likuran ng mga kawal. Napansin kong nasa limampong kawal ang nasa harap namin na halos nakapalibot sa hari at kina Mistress Fhaun.

"T-they gathered some of the powerful mercenary keepers at ang ilang miyembro ng magic council just to prevent the prophecy from coming! Oh my goodness!" Amber sounded in awe. Halos hindi ito kumurap dahil sa sobrang pagkamangha nang makita ang mga mercenary keepers at ang magic council sa iisang lugar.

"Cael..." narinig kong bulong ni Lara sa hangin. Halatang nabahala ito bigla nang makita kung gaano kalakas ang pwersa ng haring Holoma kasama ang mga makapangyarihang keepers. Nangingilid na ang mga nagbabadyang luha sa mga mata nito.

Then, the war started. We felt that death was upon us.

Bago pa man umatake sina Master Uran ay mabilis nang nakalutang sa ere si Cael. Lumalakas ang ihip ng hangin na halos tangayin lahat ng bagay sa paligid.

Cael extended his arms sidewards and instantly released dark bolts of electricity with his hands. Sumunod na lumutang sa ere ang anim na natitirang dark warriors na tila lalo pang lumakas dahil sa itim na enerhiyang pinagkaloob ng dark master sa katauhan ni Cael. Halos lumuwa ang puso ko sa aking lalamunan nang sa isang mabilisang pagpapakawala ni Cael ng malakas na itim na enerhiya ay nagkumpol-kumpol ang mga buhangin sa paligid at bumuo ng apat na bulto ng katawang tao.

Ilang minuto pa ang lumipas, napagtanto naming binuhay ng dark master ang apat na nalipol na dark warriors -ang unang apat na disipolo ng dilim.

"Shit!" Nasapo ko ang aking bibig nang makita ko kung paano binuhay ni Cael ang apat na dark warriors. "A-anong gagawin nina Master Uran ngayon?"

"Tignan niyo! Pati ang mga ordinaryong tenebris ay pinapalakas ni Cael." Hindi napigilang tinuro ni Kaiser ang mga nagsilutangang kampon ng dilim. Mahigit sa dalawang daan ang bilang ng kalaban. We were out numbered.

Sa mabilis na pagtakbo ng segundo, isa-isang tinubuan ng itim na pakpak na hawig sa mga paniki ang mga tenebris. Nang tanggalin ng mga ito ang itim na manto na nagkukubli sa kanilang mga mukha ay unti-unting nag-iba ang kanilang anyo -wrinkled face with dark eyes and an unpursed mouth unable to cover the huge sharp fangs. They look terrible!

"Hindi maaari. Papaano niya nagawang palakasin ang mga kapwa niya tenebris? Hindi kaya dahil hindi pa natin nakikita ang tunay na lakas ng dark master?" Laurent held Lara's back. Halatang nagulat din ito sa ipinamalas ni Cael.

"Look at the mercenary wizards and the magic council!" Alvis said in a calm tone.

Nagulat din ako sa nakita. The magic council formed a multi-rayed star inside a magic circle. Kumpara sa ginawa naming pentagram ay triple ang detalye ng magic circle na ginawa ng mga ito- mas detalyado, mas malakas.

Kaiser voluntarily explained what we were seeing. Nasa likuran ito pero dinig parin ang boses niya. "The original unison magic raid. Tanging highly ordained keepers lang ang kayang gumawa ng ganyang kadetalyadong magic circle..."

"That's the level three magic circle. Ang nagawa nating unison para makabuo ng pentagram ay ang five-pointed star o level one magic circle. Oh my gosh, hindi ko akalaing matutunghayan ko ang ganyang unison." Bigla ay napakapit si Amber sa braso ko, bagay na kinagulat ko at marahil ay pati si Kaiser na nasa likuran namin. Hindi ko alam kung napansin nito ang pamumula ng aking pisngi nang pilit kong iniwas ang tingin.

Bago pa man ako makakilos ay narinig ko na ang boses ni Alvis. "Kailangan na nating ilayo si Lara dito. Hangga't hindi pa nagsisimula ang digmaan."

"Yes. We better get going," Laurent seconded.

"Kumapit kayo..." Alvis commanded while trying to concentrate.

Sinubukan nitong gamitin muli ang lighting transmission nang agaw eksenang sumigaw si Mistress Fhaun para magcast ng spell. "Potestatem bullæ metali!"

"Ahhh!" Maarteng sigaw ni Amber nang makaramdam kami ng isang bilog na pwersang sumaklob saaming anim pati na rin si Ruru.

Habang umaangat ang bilog na pwersang sumasaklob saamin ay biglang nawala ang pahilang pwersang galing sa lupa. The gravitational pull was set to zero causing us to levitate ang feel lighter. I can no longer feel the sensation of standing on the ground as the giant metallic balloon grew around us.

"Nasa loob tayo ng isang giant bubble." Lara exclaimed trying to escape. "Hindi pwede, kailangan kong iligtas ang kapatid ko. "

Lumutang pa ang giant bubble kasama kami na nakalutang rin sa loob nito. Lumipad ng ilan pang talampakan ang bilog na pwersang nakabalot saaming lahat hanggang sa humigit kumulang walumpong talampakan na ang taas namin. The dark warriors tried to break the shield around the bubble by throwing electric spears on it but the energy bounced back and hit the ground to fire.

Nagpakawala na rin ng malakas na enerhiya sa katawan ang mga mercenary keepers kasama ang Haring Holoma. Nagsimula nang lumitaw ang nakakasilaw na liwanag mula sa magic circle. Sabay-sabay na itinaas ng mga miyembro ng magic council ang kanilang mga kamay dahilan para lalo pang lumakas ang nakakasilaw na liwanag sa bilugang pigura kung saan nakatayo sina Master Uran, Mistress Fhaun at mga kasama nito.

Sa kabilang dako ng malawak na lupaing iyon ay sabay-sabay nagsiliparan ang mga itim na tenebris. Pinalibutan ng anim naa dark warriors si Cael samantalang nagsimula nang sumugod ang mga lumilipad na tenebris kasama ang apat pang itim na mandirigma.

Sa pag-angat ng dalawang kamay ni Cael ay siyang mabilis na pagbaba naman ng mga kidlat mula sa itim na langit patungo sa mga palad nito. Halos mabingi ang mga kawal sa ingay na dulot ng malalakas na kidlat.

"Iniipon ni Cael ang lakas mula sa itim na langit!" I almost screamed. Nagsimula na akong pagpawisan dahil sa sobrang kaba.

"L-Look..." Kaiser stuttered. His voice was shaky. Fear was covering his face.

Tinignan ko ang tinutukoy nito. Cael and his six dark warriors formed a dark magic circle with a gloomy purple lights flashing all over it. Nagawa din nilang mag-unison raid at mukhang tinatapatan nila ang kapangyarihan ng magic council. Tinaas uli ni Cael ang kanyang mga kamay at bumagsak sa palad nito ang mga malalaking hibla ng kidlat mula sa nag-ngingitngit na langit.

Nang maubos na ang enerhiyang mula sa langit ay biglang nagliwanag uli ang dark magic circle. Dark lightning bolts started to run around the dark pentagram tracing all the circles and angles.

Napasigaw si Cael. Isang higanteng itim na kuryente ang kumawala mula sa katawan nito at kumalat sa buong dark pentagram. Umikot ang bilog na pigura sa paligid ng mga dark warriors at isang malakas na enerhiyang may anyo ng itim na dragon ang kumawala.

Animo'y isang usok na punong-puno ng napakalakas na pwersa ang lumabas mula sa dark circle pasugod sa level three magic circle nina Master Uran. Ilang metro na lang ang layo ng dragon mula kina Mistress Fhaun ng isang puting dragon na nababalot ng nakakasilaw na liwanag ang kumawala mula sa level three magic circle.

Nagbanggaan ang dalawang dragon na animo'y mga mababangis na serpenteng nagpapatayan sa ere. Bawat pag-atake ng dragon ay isang malakas na pwersa ang kumakawala dahilan para maitaboy ang ilan sa mga kawal pati na rin ang bulang kinalalagyan namin.

Nagsimula na ring sumugod ang mga tenebris. Magkakasunod na ililabas ng mga kawala ang kanilang mga sandata. Ang apat na dark warriors na nasa labas ng dark circle ay hinarap ng mga magigiting na mercenary keepers. Naging kaliwa't kanan ang pagsabog sa paligid. Isang anyo ng digmaang una't hiniling kong huli ko nang makikita.

Halos naging iyak ang paghikbi ni Lara habang pinagmamasdan ang madugong sagupaan. Mabilis itong nalapitan ni Amber at niyakap para pakalmahin. Nang lingunin ko si Laurent ay napansin ko ang pagpigil nito sa nangingilid niyang luha na nagbabadyang kumawala sa anumang oras. Alvis clasped his hands and hardened his jaw. Nanatili itong tahimik gano'n din si Kaiser.

"Ama!" Sigaw ni Kaiser nang mapansin niyang susugurin na ng pinakalamalaking dark warrior ang haring Holoma.

Balewalang itinapon sa ere ng dark warrior ang mga kawal na humaharang sa kanya para protektahan ang hari. Nang halos limang metro na lang ang layo nito kay King Theodore ay biglang kumawala ang malakas na daloy ng enerhiya mula sa katawan ng hari. Tatapunan na sana ito ng dark warrior ng isang malakas na dark fire ball nang biglang lumaki ang katawan ng hari. Hindi lang doble o triple ang nilaki ng anyo ni Haring Holoma kundi isandaang beses na mas malaki pa sa orihinal nitong anyo.

Naging higante si King Theodore at kapansin-pansin ang mga mata nitong sing liwanag ng araw. Malakas nitong hinampas ang papasugod na malaking dark warrior at malakas din ang pagbagsak nito sa lupa. Hindi pa nakontento ang hari nang tunawin nito ang kalaban sa pamamagitan ng pagpapakawala ng laser beam sa mga mata nito.

The king of transformation. Naibulong kong muli.

Nang masigurong wala na ang katunggali nito ay matapang na hinarap ng hari ang malaking itim na dragon mula sa pwersa ng dark magic circle. The giant King grappled his arms around the dragons body helping the white dragon to take advantage. Nagpumiglas ang itim na dragon at halos hindi kayanin ng hari ang lakas nito. We heard King Theodore's deafening cry of agony as he strangled the powerful dragon.

"Ama!" Malakas at nanginginig na sigaw ni Kaiser nang mapansing hindi na kakayanin ng hari ang lakas ng dragon.

Naging mabilis ang mga pangyayari at hindi namalayan ng lahat ang parang mabilis na kometang paglipad ng isang dark warrior patungo sa likuran ng hari. Bago pa makakurap ang lahat ay limang higanteng buster swords na gawa sa dark energy ang lumutang sa ere at nakatutok sa likuran ng hari. Sa paggalaw ng kanang kamay ng kalaban na siyang may kontrol sa giant buster swords ay mabilis na kumilos ang mga ito patungo sa walang kamalay-malay na hari.

Pigil ang aking paghinga habang nakatanaw sa naglalakbay na espada na siyang kikitil sa hari. Hindi ko nagawang kumurap at parang naging singbilis ng pagtibok ng aking dibdib ang oras. Bago pa man tumarak ang mga espadang 'yon sa likuran ng haring Holoma ay mabilis na nakalipad si Master Uran sa harapan ng dark warrior na may kontrol sa giant buster swords. Naitusok nito ang dulo ng kanyang krusipiho sa dibdib ng kalaban dahilan para sumabog ang itim na mandirigma.

The dark warrior controlling the swords disappeared like a useless dust in the wind; all swords diffused as well except for the very last one. Hindi napigilan ni Master Uran ang pagtarak ng espada sa likuran ng hari.

Kasunod no'n ay isang malakas na sigaw mula sa hari ang kumawala bago ito bumalik sa dating anyo.

"Ama!" Kaiser held a huge energy ball to break the bubble. Sinubukan nitong pasabugin ang bulang kinalalagyan namin pero nabigo ito -parang walang nangyari dahil sinipsip lang ng bola ang pinakawalan niyang kapangyarihan. "Mistress Fhaun! Pakawalan mo ako dito ngayon din!" Sigaw pa ni Kaiser na hindi na mapigilang humagulgol.

The metallic bubble remained intact.

Dahil sa paglabas ni Master Uran sa magic circle ay nawala ang bisa nito at naglahong parang bula ang puting dragon. Sinamantala ni Cael ang pagkakataon at muling itinaas ang kamay bago nagpakawala ng mga boltahe ng kuryente sa kanyang mga palad. The dark dragon grew bigger and stronger.

Hindi parin natigil ang bakbakan. Sa paglipas ng oras ay unti-unting nalalagasan ang magkabilang panig.

Napuruhan na ang karamihan sa mga kawal at pati na rin ang mga mercenary keepers. Napansin 'yon ni Master Uran kaya agad nitong iwinagayway ang kawak na crucifix. Kumalat na parang mga munting kometa ang mga liwanag mula sa crucifix at lumipad ang mga ito patungo sa mga sugatang kawal at kasamahan. Mabilis silang binalot ng liwanag at nagkaroon ng panibagong lakas.

Habang nagsasagupaan parin ang magkabilang pwersa ay mabilis na lunaki ang itim na dragon. Sa pagtigil ni Cael sa pagpapakawala ng boltahe ng itim na kuryente, natuon ang pansin nito sa kinaroroonan namin. Nakatitig ito kay Lara at ganoon din ang huli na nagpupunas pa ng luha dahil sa pag-iyak. Nanlilisik ang mga mata ni Cael.

Nakadungaw na ang pulang buwan na halos lamunin ang anino ng tore ngs typraz. Kailangan na nila si Lara para isakaruparan ang propesiya.

Nabahala ako. Nalaman ko ang binabalak nito. Naramdaman kong kami ang susunod nitong target. Kukunin na niya si Lara.

"Mistress Fhaun! Dadakpin na niya si Lara! Move this fuckin' ball!" Malakas kong sigaw na halos ikaputol na ng litid ko.

Alam kong narinig 'yon ni Mistress Fhaun. Lumingon ito sa dako namin. Almost all of us freaked out nang lumingon din saamin ang itim na dragon.

"Bilis!" Sigaw ni Amber nang mapansin ang pagbwelo ng itim na dragon upang sakmalin ang metallic bubble.

###



Continue Reading

You'll Also Like

6.2K 516 87
[ COMPLETED ] Tulog, kain, anime, at school--- iyan ang buhay ng eighteen-year-old high school student na si Roma hanggang sa magdesisyon ang parents...
4M 190K 61
GIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke. It can burn like a fire and have letter...
172K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
112K 8.7K 40
VOLUME 2 1 out of 4 chess pieces. 3 more left. New areas and Game Generals. New teams and players. Don't trust your eyes, Everyone is in disguise. Ea...