Guys yung chapter 6 po naputol pero naayos ko na, paki basa nalang po ulit yung bandang gitna hangang dulo.
~•~•~•~
"That hell is made by me"
But then I realized what I did. I killed ... AGAIN
Napatulala nalang ako ng maalala ko yung mga ginawa ko. Nakapatay nanaman ako, hindi ko na naman nakontrol ang galit ko. Ito na nga ba ang ikinatatakot ko, ang malamon ng galit ko, ang mawala sa sarili ko.
"Flame, are you okay?"-charm
Ng tingnan ko si Charm walang bakas ng takot sa kanya, hindi kagaya ni Trixie dati na natakot ng sobra matapos makita ang ginawa ko.
"S-sorry hindi ko s-sinasadya" naluluhang sabi ko
"No no it's okay, kung hindi dahil sayo hindi mawawala yung mga Dark creatures na yun. Knowing them, di sila mauubos hanga't hindi mapatay ang master nila" mahabang paliwanag nya
Hindi sya galit sakin. Nakahinga ako ng maluwag sa isiping yun.
"Ang kailangan nalang nating alamin ay kung bakit gusto kang patayin nang lalaking yun" seryosong saad ni Von
"I think we should go back to the Academy"-Frost
"Arrgh! That bastard ruined our picnic!"-Jeanne
Tama sya nasira ang lahat, yung mga pagkain natapon na lahat. Sayang=_=
Gaya ng sinabi ni Frost bumalik na rin kami agad sa Academy para ireport yung nangyari kay Sir.Dylan, sya kasi ay isa sa 3 head ng Academy. Pero iba pa sa kanila yung mismong principal wich is the king, sabi nila bihira lang daw sya magpunta dito.
*Faculty
Kanina akala ko si Sir Dylan lang ang kakausap sa amin pero nandito rin pala si Maam Rein at isang lalaking nakasalamin na hindi ko kilala. Hanga rin ako sa kanilang tatlo, ang babata pa nila pero sila na agad ang head ng SA. They look like 24-26.
"I think hindi mo pa ako kilala Ms.Forrester, I'm Sheen Caster and ako ang doctor dito"
Kaya pala hindi ko pa sya nakikita, doktor naman pala. May hospital din kasi dito sa loob ng Academy, weird right? Sa obang school clinic lang ang meron pero dito isang buong hospital na. What do you expect? This is not a normal school after all.
"So, ano bang nangyari talaga?"-Sir Dylan
"Weird creatures attacked us"-axel
"May isang lalaki na naka cape ang nagutos sa kanila at... si Flame talaga ang pakay nila"-von said while looking at me
"Oh-kay, bakit ka naman nya gustong patayin Flame? Kilala mo ba sya?"-Sir.Sheen
Haaay yan din ang tanong nila Charm sa akin kanina.
"Hindi ko po sila kilala"
"About the weird creatures your telling, ano bang itsura nila?"-tanong ni Maam Rein na nakahawak pa sa baba nya
"Their whole body is made of rock and their eyes are black. And the weird thing is, they crushed into pieces ng mapatay na ni Flame yung leader nila wich is the cape guy"-Frost
"They are made of rock? May violet lines rin ba sa katawan nila?"-gulat na tanong ni Sir Dylan
"Opo meron"-sky
Nang sabihin yun ni Flame bigla namang nagkatinginan yung tatlo na merong sobrang gulat na expression.
"Kami ng bahalang mag imbestiga tungkol sa nangyari. Wag na muna siguro kayong lalayo hanga't maaari, masyadong delikado"-Sir Sheen
Nagtaka naman ako sa ikinilos nila, I'm feeling something with these three. Parang may alam sila na ayaw nilang sabihin sa amin.
~*~
DYLAN's POV
Sobrang nabahala ako sa sinabi ng mga student ko, pinagtangkaan ang buhay nila.
"They're back"-bulalas ni Rein
"Anong dapat nating gawin?"-Sheen
"I think we should tell this to the king"
"Yeah, we really need to"-Rein
"Pero sa tingin nyo, bakit nya kaya pinapapatay si Flame?"
"Di kaya si Flame ang matagal na nating hinahanap?"-Sheen
Maaari nga kayang sya na ang matagal na naming hinihintay?
"There's a big possibility but for now sabihin na muna natin to sa hari"-Rein
~*~
Flame's POV
"Haaaaaaaay sayang super excited pa naman ako sa picnic na yooooooooooooonn!!"-Charm
"Ako nga rin, first time ko kasi maka experience mag picnic"
"Hmmph! Panira talaga ng moment yung lalaking yun!"-Charm
Nandito na kami sa kwarto namin pero hangang ngayon ay pinag uusapan parin namin yung nangyari kanina.
First time ko pa naman magpipicnic tapos nasira lang ng ganon, sabagay kasalanan ko rin naman. Ako kasi ang habol nya..
"Charm sorry ah"
"Huh? Bakit naman?"-charm
"Kasi kasalanan ko kung bakit nasira yung picnic natin kanina" nakayukong sabi ko
"Ano ka ba Flamee~ wala kang kasalanan okay? Walang sumisisi sayo"
Pagtingin ko naman sa kanya, nakangiti na sya kaya napangiti na rin ako. She's really kind at kahit na ilang araw palang ako dito ay napalapit na ang loob ko sa kanya.
*TokTok*
"Uy may bisita!"
Agad agad syang tumayo ng kama at lumabas ng kwarto para pagbuksang ng pinto yung kung sino mang kumakatok.
"Flame!" sigaw ni Charm sa baba
Sino naman kaya yun?
Pagkababa ko naabutan kong nakaupo sa mahabang sofa sila Axel, Von, Johanne at Jeanne. Sa katapat naman nila ay sina Charm,Sky at Frost kaya umupo na rin ako sa tabi ni Charm.
"Anong meron?" Tanong ko
"Ahh ano, ano kasi yung ano paanong naano dun sa ano..." parang nalilitong tanong ni Axel
"Huh?"
Puro 'ano' lang naman yung naintindihan ko=_= Kagulo nyang kausap
"Tss! It's about your power" pocker face as always na sabi ni Frost
Kapangyarihan ko? *sigh* I know this would happen. Nakita na nila ang itinatago ko
"May magic ka pala hindi mo sinabi sa amin"-sky
"Pasensya na" nakayukong sabi ko
I feel guilty
"Pasensya pasensya, puro ka nalang sorry!"-jeanne
"Jeanne! You're not helping you know"-Charm
Napairap nalang naman si Jeanne sa sinabi ni Charm.
"Bakit mo itinago Flame?"-axel
"K-kasi ... Natatakot lang naman ako. Sa tuwing nagagalit kasi ako nawawala ako sa sarili at may nagagawang hindi maganda. Kagaya kanina, nakapatay ako"
"You shouldn't be scared of your power you know. You're so lakas kaya!"-jeanne
"Oo nga, nandito naman kami para tulungan ka noh"-charm
"At kung hindi mo napatay ying lalaki kanina, baka tayo pa yung nasaktan nila"-Johanne
Buti nalang talaga nandito sila at handang tumulong sa akin kung hindi, ewan ko nalang kung ano ng nangyari sa akin.
"Salamat" nakangiting sabi ko
"Weeeeeeeeeeeeeeh Group hug!"-axel
"Wait wait wait! May itatanong pa ako!"-sky
"Oh ano? Bilis panira ka naman ng moment eh!"-axel
"Moment ka jan. Ang sabihin mo gusto mo lang yakapin si Charm!"-sky
"Pakshou dude! Baka ikaw"-axel
"Oh sige away pa more. Ano ba itatanong mo kay Flame, Sky?"-charm
"Ay oonga. Flame, saan mo natutunan yung fire ball mo? Galing eh"-sky
"Wala. Bigla ko lang nagawa"
Napa 'ow' naman sya sa sinabi ko.
"Oh group hug na guys!" Sigaw ni Axel
At hinila na po nya kaming lahat para sa 'Group Hug' daw pero parang si Charm lang naman ang niyakap nya. Hmmm may something siguro sa dalawang to. Todo asar tuloy sa kanya si Sky haha ang saya talaga nilang kasama, feeling ko tuloy kahit magkaroon ako ng mabigat na problema basta kasama ko sila kayang kaya ko:)
Someone's POV
"Kung ganoon totoo nga'ng nagbalik na sya"
"Opo, kitang kita po namin ng mapatay nya ang isa nating tauhan"
"Sa iyong palagay, malakas ba sya?"
"Kung ikukumpara po sa lakas na mayroon kayo, hindi po"
Napatawa naman ako ng malakas sa sinabi ng isa sa mga tauhan ko.
Maghintay ka lang mahal na prinsesa, tatalunin kita at sisiguraduhin kong makukuha ko ang kapangyarihang matagal nang dapat ay sa akin.
~•~•~•~
I think hindi ko na muna itutuloy to, parang wala naman kasing nagbabasa eh.xD
I need votes para ituloy to, kahit wala nang Comment! =]
- Jian