Seducing Drake Palma (PUBLISH...

Por beeyotch

79.1M 1.5M 526K

"Drake Palma, humanda ka! I'm going to get you by hook or by crook!" Ito si Alys Perez, may pagka-loner, main... Mais

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Bonus Chapter
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Epilogue (1st Part)
Epilogue (2nd Part)

Chapter 41

1.2M 24.6K 11.3K
Por beeyotch

Chapter 41

-Alys-

Wow. Parang ang saya lang natin kahapon, Drake? Ano'ng nangyari?

Sorry, hindi ko naman gustong maging mausisa pero pwedeng magtanong? Bakit... mo kayakap si Shaira? Gusto kong itanong yun sa kanya pero pano? Kanina nga hindi man lang siya tumigil para kausapin ako. Ni wala din akong number niya.

Napaupo na lang ulit ako sa swing. Bakit palagi na lang may hindi magandang nangyayari pag pumupunta ako sa swing na 'to? May sumpa ba 'to?

-flashback-

"Kanina ka pa ngiti ng ngiti jan," sabi sa akin ni Aya. Nandito kasi kami ngayon sa amin kasi weekend pa din naman tsaka hinihintay ko pa din si Tripp. Kainis! Imbes na nagpapahinga ako ngayon, napilit pa akong pumuntang QC! Ang layo kaya...

Ngumiti lang ako tapos tinignan ko yung phone ko kasi nag vibrate siya. Syempre hindi si Drake yun kasi wala naman akong number ni Drake. Huhuhu. Ako lang ba o talagang abnormal yung relationship namin??

From: Tripp

Papunta na ko. San ka na?

=_______=

To: Tripp

Hindi ako sasakay sa motor mo, fyi!!

Bigla akong sinundot ni Aya sa gilid, "ayie!! Grabe, besh! Improving. Halos mabutas na yang keypad ng BB mo ah. Si Drake ba yung katext mo??"

Napabuntong hininga na lang ako. Sana nga kasi si Drake yung katext ko eh!! Eh hindi naman, si Tripp kasi napakakulit! Kung hindi niya lang ako binlackmail, asa pa siya to the moon na sasamahan ko siya sa QC! Nasa Makati ako tapos mapupunta ako sa QC? Are you kidding me?? Isama mo pa na may pasok na naman ako bukas. Huhuhu. Bakit kasi may 7 am class ako? 

"Hindi no," sabi ko tapos nireplyan ko si Tripp ng hanggang 3 pm lang ako. May practical test kasi kami bukas kailangan kong magpractice!

Binaba ko na yung BB ko tapos tumingin na ko kay Aya. Huhuhu. Grabe namiss ko si Besh! One week din kaming hindi nagkita ah! To think na magkatabi lang yung school namin pero hindi ako makahanap ng time makapuslit papuntang Brent. Hectic kasi ng schedule ko, 2 year course lang kasi yung Culinary kaya busy forever ako.

"Kamusta sa SCA?"

Nagshrug lang si Besh, "okay lang..."

"Okay lang?"

Huminga siya ng malalim tapos... "Huhuhu, besh ayoko na dun!! Ang talino ng mga tao, nahihirapan akong sumabay!" sabi niya tapos niyakap niya ako. Tsk. Akala ko ako lang ang nahihirapan, nahihirapan din pala 'tong abnormal kong best friend.

Hinahagod ko yung likod niya tapos sinabi ko, "bakit? Mahirap ba yung inaaral mo?"

Tumango siya, "akala ko madali lang kasi clothing technology lang naman pero huhuhu, first week pa lang, pinagpapasa na kami ng portfolio na due next week!!" sabi niya tapos kinuha niya yung orange juice sa table at mabilis na ininom.

Hinawakan ko yung dalawa niyang kamay, "kaya mo yan, Besh!"

Umiling siya, "hindi ko na kaya!!"

"Hindi ba sabi mo gusto mong maging kagaya ni mommy?" sabi ko sa kanya, pinaalala ko sa kanya yung weirdo niyang pangarap na maging fashion designer kagaya ng PMS kong nanay.

Napa-sigh na lang din siya, "sino ba naman kasi ang mag aakala na mahirap pa lang maging designer?? Akala ko mejo drawing here and there lang!"

Natatawa na lang ako sa frustrations ni Aya. Akala niya lang madali. Hahaha! Kung madali yun, eh di sana hindi laging bad trip si mommy pag umuuwi galing boutique.

Nag usap muna kami ng tinext siya ni Sheen at Kent, may triple date yata sila. Gusto kong sumama eh!! Bwisit to the infinity talaga minsan si Tripp eh!

"Alis na ko," sabi niya tapos kinuha niya yung bag niya. In all fairness, mejo nagiging babae na si besh simula nung nag college kami. Weird nga eh. Isang linggo pa lang naman.

"Gusto kong sumama..."

"Next time. May pupuntahan ka, di ba?"

"Pwede namang sabihin ko na may bigla akong kailangang puntahan?"

Bad Alys! Kailan pa ako natutong magsinungaling??

Nag shrug si Aya, "ikaw bahala. Ano, sama ka ba?"

Haaaaaaay. I hate you, heart. Bakit ang bait mo?? Sana naging wicked heart ka na lang kagaya ni Pugits!!

Umalis na din si Aya after niyang ubusin yung breakfast ko. =______= Minsan talaga PG si Aya. At teka nga, nasan na ba si Tripp?? Kanina pa siya nagtext na papunta na daw siya ah!!

"Hey, princess."

"DAD!!" Literal na tumayo ako at tumakbo papunta kay Dad. Huhuhu. Last month ko pa yata siya huling nakita! "Why are you here? Nag away na naman kayo ni Tita Liana?" I asked him. Minsan kasi kaya lang yan uuwi sa Philippines pag nag away sila ni Tita Liana, which is madalas mangyari.

Nginitian niya lang ako tapos umupo siya sa inupuan ni Aya kanina, "no, hindi kami nag away ng Tita mo. I just went home to ask you about your first week in school. So, how was school?"

"School was... fine."

"Fine? Nothing superb?"

Nag shrug ako. Eto gusto ko kay Dad eh, nakakausap ko ng matino. Si daddy kasi, puro kalokohan lang ang tinuturo sa akin. Magseseryoso lang yun pag umiyak na ako. Palibasa mas mahal niya si Dane sa akin!!

"I don't know, dad. It's just that... wala dun yung friends ko. School feels kinda lonely without my friends around," I admitted. Totoo naman. Sobrang miss na miss ko na si Sheen, Aya, Kent, at Drake. Minsan nga sa pagka desperada ko, pati si Kei namimiss ko na. Huhuhu. I'm so pathetic!

Ngumiti lang ulit si Dad. Palagi na lang 'tong nakangiti. Nakaka good vibes tuloy. Bakit nga kaya hindi si Dad ang pinakasalan ni mommy? Ang alam ko nagpropose din si dad eh. Oh, well. 

"Things would go just fine, Alys. Anyway, another reason why I'm here is to ask you about your debut. Anything you want?"

O________O

OMG. Malapit na nga pala akong mag 18. Malapit na nga pala akong mawala sa proteksyon ng DSWD!

"Alys?" tawag ni dad sa akin kasi mejo na lost in thought yata ako.

"H-ha?"

"I said, anything you want for your birthday? Nagtatanong kasi yung Tita Liana mo," he said with a smile on his face. Mahal na mahal talaga ni dad si Tita Lian kahit na wala silang anak. Sana nga meron eh. Malay mo may baby girl naman ako, nakakasawa kasi minsan kausap si baby boy Dane. Hehehe.

"Uhh, hindi ko pa po alam, eh."

"Well, tell me kung ano ang gusto mo. Your mom would prolly throw a party so I would just give you anything na hindi mo makukuha sa birthday mo, alright?"

I smiled as a response.

Biglang may lumapit na maid sa amin, "Miss Alys, si Tripp daw po..."

Ay shems. Si Tripp nga pala! Nakalimutan ko. Masyado akong na overwhelm sa idea na malapit na akong pwedeng makulong!

"Who's Tripp?" tanong ni Dad sa akin, throwing me a curious glance.

"A friend," sabi ko. Bakit naman kasi ngayon pa siya dumating?? Ayoko nga siyang ipakilala sa kahit na sinong parte ng pamilya ko eh!! Syempre si Drake nga wala pang formal introduction kay Dad tapos mauunahan niya?? Ano siya, boyfriend?? Kainis talaga 'tong Tripp Marco na 'to eh!

Tumango tango si dad, "a friend, you say... I would like to meet your friend, then," sabi ni Dad tapos tumayo siya at nagsimulang maglakad palabas ng bahay. Huhuhu! Mommy, nasan ka ba?? Patigilin mo nga si dad!

"Tito Cyriel?" naguguluhan na tanong ni Tripp nung pumunta si Dad sa harap niya.

Ngumiti bigla si Dad, "oh, ikaw pala, Tripp. Kilala mo si Alys?"

Tumango si Tripp, "opo. Kayo po?"

Ngumiti si dad and said, "my daughter." Tumango ulit si Tripp, "small world?"

"So, what brings you here?"

"Pupunta po sana kami ni Alys sa Art exhibit sa QC eh," paliwanag ni Tripp sa nosy kong tatay. 

"So, you decided to pursue Fine Arts, after all?"

Umiling si Tripp, "no, Tito. Business Ad, as my dad specifically ordered. Pupunta lang ako dun to unwind."

Wow. Close pala sila ni dad? So, close si Tripp kay dad, close si Drake kay daddy? Wow ha. Ano next? Close si Sheen kay mommy?

"Alright, then. Aalis na ko, Alys. Pakisabi na lang kay Dana at Andy na babalik ako bukas," sabi niya tapos lumingon siya kay Tripp, "take care of my daughter, Tripp."

"Of course, Tito," sabi naman nitong feelingerong lalaki.

Nung wala na si Dad sa earshot, hinampas ko si Tripp, "aray! Napaka amazona mo talaga!"

"Amazona ka jan! Ikaw nga feelingero eh! Bakit kayo close ng dad ko??"

"A-aray wag mo nga akong hampasin! Business partner sila ng tatay ko,okay?! Wag ka ngang mang hampas! Napaka amazona talaga nito!" sabi niya habang tinitignan yung braso niyang hinampasan ko ng bag ko.

"Tss. Bakit nga pala ngayon ka lang?? Pinaghintay mo ako!!" sabi ko. Syempre OA lang yun. Okay lang naman sa'king maghintay eh, ang problema ko, nag abot sila ni Dad.

"Sabi mo kasi ayaw mo sa motorbike ko eh. Bumalik ako sa bahay kaya natagalan ako. Naghintay ka ba? Sorry..." sabi niya tapos nilagay niya yung kamay niya sa batok niya AT HOLY CAYOTE, NAGPACUTE BA SIYA SA AKIN???

"H-hindi, okay lang. Sige, tara na," sabi ko na lang. Huhuhu. Medyo na distract ako dun ah! Marunong palang mag aegyo 'tong lalaking 'to. Delikado.

Lumabas kami at, "after you," sabi niya tapos pinagbuksan niya ako ng pinto ng sportscar niya. =___= Show off. Mas mahal ko pa din yung sasakyan ni Drake forever!

Pumasok ako at nagsimula na siyang magdrive. Matulog muna kaya ako? Good idea. Malayo layo pa naman yun.

-Eydee-

Habang natutulog si Alys ay pumunta muna tayo kay Drake. Hindi ko kasi magawan ng point of view si Drake sa kadahilanan na baka ma bored lang kayo. Nagawan ko na siya dati at... hindi na ako magtatangkang umulit pa.

Kasalukuyang nag aaral si Drake ng pumunta si Tito Steve sa condo niya. Weekly kasing pumupunta si Tito Steve para magdala ng groceries and stuff. Alam niyo na, concerned father. 

"Kamusta nag first week?"

Nag shrug lang si Drake. Shrug mean okay. Keri lang naman niya kasi yung first week niya. Habang nilalagay ni Tito Steve yung stocks ni Drake sa cupboard, "alam mo ba na yung pinsan mo na si Tripp nandun sa Brent? Sayang nga eh. Akala ko pa naman baka sakaling maging classmates pa kayo nun. Nagkakausap pa ba kayo nun?"

"I saw him last week," sabi ni Drake.

"Oh? Kinausap mo ba?"

"Why would I? Are we close?"

"Anak naman, galit ka pa din ba sa pinsan mo?"

"I'm not angry. I just... don't care," sabi ni Drake, nonchalant. Patuloy pa din siya sa pagsasagot sa Advance Calculus. Nagtake kasi siya ng APE kaya advance Math na siya agad. Talino talaga ng Drakey baby ko!

Umupo si Tito Steve sa tabi niya, "magpinsan kayo eh, magbati na kayo, please?"

Binaba ni Drake yung sci-cal niya at tinignan yung tatay niya, "I'm not upset. What's so hard to understand?"

"Eh bakit kayo hindi nag uusap, sige nga?? Pag may family reunion tayo, hindi kayo nagkikibuan. Malulungkot ang mommy mo sa nangyayari sa inyo ni Tripp!"

Tumayo si Drake, "I don't care."

"Hindi naman naging sila ni Shaira, di ba? Tsaka may girlfriend ka na. Magbati na kayo?"

"Tss," sabi ni Drake bago tuluyang lumabas at iniwan yung tatay niyang stressed sa kanilang magpinsan. Alam niyo kasi... close dati si Tripp at Drake. Kaya lang, nagkaproblema kasi nagkagusto si Tripp dati kay Shaira pero si Shaira ay forever in love kay Drake. Then one thing lead to another then boom! Man's ego cannot be tampered in any way. Cold war sila ever since. Mga grade 6 pa naman nangyari yun pero hanggang ngayon hindi sila nag uusap. 

Lumabas si Drake papunta sa 711 sa baba. Bored siya eh, bakit ba? Saktong pagbaba niya, nandun si Shaira, umiinom ng Slurpee.

"Drake!" nabuhayan bigla si Shaira nung nakita niya si Drake. "You left me yesterday!"

Nag shrug lang si Drake at pumunta sa lalagyan ng Slurpee.

"Why did you left me?" sabi ni Shaira. 

"I was with my girlfriend."

"You can't be serious, right? You know I've been waiting for you..." nanghihinang sabi ni Shaira. In denial kasi siya na girlfriend nga ni Drake si Alys. Naman kasi, almost all her life, si Drake ang mahal niya. Wala siyang pinansin na ibang lalaki para kay Drake tapos biglang one day, biglang may susulpot na Alys? Joke ka ba? Kung si Shaira ang nauna niyong makilala, siguro si Alys ang kontrabida para sa inyo.

Nag shrug lang si Drake.

"Are you serious with her?"

Natigilan si Drake sa tanong ni Shaira. Kasi... indecisive din si Drake. Almost there? Sino bang nakakaalam kung yung almost there ay magiging already there? Or worse, yung almost there maging never there.

Dahil hindi nakasagot si Drake, nabuhayan ng loob si Shaira.

"Ano? Kanina aayaw ayaw ka, ngayon ayaw mong umalis dito?" Tanong ni Tripp kay Alys. Ayaw kasing umalis ni Alys sa exhibit kasi natuwa siya. Puro portrait kasi ng tao yung naka exhibit. Black and white lahat kaya parang ang classy tignan.

"Wait lang naman, Tripp," sabi niya tapos tinignan niya ng isang beses pa lahat ng portraits. Hindi niya alam, habang naglalakad siya, pini picture-an siya ni Tripp.

Napailing na lang si Tripp at naisip, 'maaulit na naman?'

Nakailang shots siya bago nakuntento si Alys. Bago sila umalis, dumaan muna sila sa mall para kumain. All expense paid nga ni Tripp kaya sinulit ni Alys. Sa eat all you can sila kumain. =___= Feeling naman nila masusulit nila yun.

"Dahan dahan naman!" sabi ni Tripp sabay abot ng tubig kay Alys. Nabulunan kasi nagmamadaling kumain, "hindi naman tatakbo yang kinakain mo," sabi ni Tripp.

"Eh kasi sayang naman yung binayad mo kung hindi masusulit. Aba minsan ka lang kayang manlibre! Dapat sulitin!" sabi ni Alys tapos kumain ulit siya habang napapailing na lang si Tripp. Kala mo hindi babae si Alys kung makakain eh. Asan ang poise?

Pagkatapos nilang kumain, nagdrive na si Tripp pabalik sa kanila.

"Sa park muna tayo?" sabi ni Alys. Ayaw muna niyang umuwi sa kanila kasi wala namang tao dun kasi wala yung parents niya.

Habang naglalakad sila, nakita ni Alys si Drake at Shaira na... magkayakap?

"D-Drake?"

Napalingon si Drake kay Alys pero naglakad din sila ni Shaira agad at sumakay sa taxi. Ano'ng nangyari?

-present-

"Oh," sabi ni Tripp sabay abot ng panyo kay Alys, "eto ba talaga yung role ko? Tiga abot ng panyo tuwing umiiyak ka?"

Kinuha ni Alys yung panyo kay Tripp at dahan dahang pinamunas sa luha niya. "K-kasalanan ko ba na lagi kang nanjan pag gustong tumulo ng luha ko?"

Napabuntong hininga na lang si Tripp at naupo sa tabi ni Alys, "pwede akong kausap ngayon. Ano? Game akong makinig."

"Ano mapapala ko sa'yo? Wala ka namang alam sa love."

"Tss. Masyado mo naman akong minamaliit. Sige na, malay mo may matulong ako sa'yo,"sabi niya sabay kindat kay Alys.

Bumigay na din si Alys at nag confide kay Tripp, "bakit kasi siya... ganon? Girlfriend naman ako so entitled naman siguro akong magtanong di ba? May kayakap siyang iba kaya siguro pwede akong humingi ng paliwanag?" Medyo tumigil siya kasi may tumulo na naman na luha, "sabagay, siya nga hindi nagtatanong sa akin eh, siguro dapat hindi din ako magtanong sa kanya no?"

Napailing na lang si Tripp, "hindi bagay drama sa'yo. Amazona ka kaya."

Hahampasin sana ni Alys si Tripp, "tignan mo ayan oh, nanghahampas ka na naman!"

"Bwisit ka kasi! Nagsasabi ako ng problema kung anu ano sinasabi mo."

"Sabi mo nga wala akong alam sa love problems kaya gagawin ko na lang yung bagay na magaling ako," sabi ni Tripp.

"San ka ba magaling?"

"Sa patawanin ka."

Napahinto si Alys sa pag iyak at napatingin kay Tripp.

Nahiya ng kaunti si Tripp, "bakit ka ba ganyang tumingin?"

"A-ano sabi mo?"

Tumayo si Tripp pero nakatalikod siya kay Alys na nakaupo pa din sa swing, "alam ko weird kasi one week pa lang tayong magkakilala. Pero sa one week kasi na 'yon, dalawang beses na kitang nakitang umiyak. Hindi ko alam pero... pwede bang ako na lang? Hindi kita papaiyakin."

Continuar a ler

Também vai Gostar

6.1K 195 11
Will you take risk for the sake of love?
ALORA Por Mars

Espiritual

462 102 21
Ipinanganak si Alora sa Lupain ng Paglikha. Bilang isang Dahor, sila ay maglakbay patungong Lupain ng Kaluwalhatian upang makamit ang isang layunin...
119K 3.6K 11
The 366 Days is too many parts so, I decided to write another book to continue it. I can't able to add part. I'm forced to do this separated one. Tha...
5.4M 76.7K 51
*WARNING* Wrong grammar at kung anu-ano pa ang pwedeng makita dito. Please huwag niyo akong i-bash. Bear with my 16 years old self. Ayusin ko na lang.