MARRIED At First Sight

By Brad_Poison_Ivy

29.4K 666 65

VICERYLLE STORY More

EXPLANATION
INTERVIEW
MATCHMAKING
THE WEDDING DAY
THE HONEYMOON ( 1st night)
1 WEEK HONEYMOON
7 DAY OF MARRIAGE (Rated SPG)
PAALAM NA!
5 YEARS AFTER
NICE TO MEET YOU....AGAIN!
MULING IBALIK
PUSANG GALA!
ANG PAGBABALIK
SPY VICE
THE TRAGEDY
#ALAMNA
NEW HOME, NEW LIFE, NEW BEGINNING
ASAR TALO!
BE PATIENT
ISTORYA
Selfish Alert
Happy Moments
-_- MALING AKALA -_-
THE MAGIC WORD

MALING AKALA TALAGA

757 23 3
By Brad_Poison_Ivy

Kanina pa hinahawi ni Vice ang bagay na sumasayad sa kanyang mukha. Napilitan siyang imulat ang mga mata para makita kung ano iyon. Napabalikwas siya ng bangon nang makita ang maitim na tao na nasa harap niya habang pinapagpagan siya ng kung anong uri ng halaman.

Katamtaman ang tangkad ng lalaki at kulot ang buhok. Nagsalita ito pero hindi niya maintindihan. Paggalaw ng kanyang kanang braso ay naramdaman niyang bahagya itong kumirot. May nakatapal na dahon na tinalian ng piraso ng tela.

Inalalayan siyang bumangon ng lalaki para makaupo siya ng maayos. Sumilip siya sa bintana ng maliit na kubo na gawa sa kugon at nilibot ang paningin. Tumama sa mukha niya ang sinag ng bukang liwayway. Nakita niya ang iba pang mga kauri ng lalaking nasa harap niya. May mga bata na naglalaro at ang mga kababaihan naman ay nagtatawanan habang naghahabi sa ilalim ng malaking puno. Kung hindi siya nagkakamali ay mga aeta/ita ang mga ito.

Muling nagsalita ang matandang lalaki. May sinasabi ito sa kanya pero hindi talaga niya maunawaan.

"Pasensya na po. Hindi ko kayo maintindihan. Pero nagpapasalamat po ako sa inyo sa pagtulong sa akin," Aniyang nakangiti.

Naunawaan naman siya nito dahil ngumiti rin sa kanya ang matanda. Maya-maya pa ay may pumasok na isang matandang babae na may dalang mainit na sabaw na nakalagay sa bao. Sa hinuha niya'y mag-asawa ang dalawang ito.

"Inom," anito sabay abot sa kanya.

"Ahm, ano po ito?" Tanong niya pagkatanggap.

"Gamot. Inom mo para ganda na pakiramdam," Ngiting sagot ng matandang babae.

Ginantihan rin niya ito ng ngiti. "Maraming salamat po," aniya saka uminom.

May kapaitan ang lasa nito kaya napapangiwi siya sa tuwing lalagok siya. Nagpaalam naman ang matandang lalaki sa kanila saka umalis. Kahit papano ay naunawaan niya ito sa pamamagitan ng mga kumpas ng kamay habang nagsasalita.

"Sya asawa ko. Si Karam. Ako naman si Mihan. Pero tawag nila sakin dito ay Nanang," Pagpapakilala nito sa kanya.

"Ako naman po si Jose Marie. Pero mas kilala po ako sa tawag na Vice. Ahm, pano po pala ako napunta dito?"

"Ikaw nakita mga kasama namin walang malay. Narinig namin ingay galing kabilang bukid. Mga kasama punta doon para malaman kung ano ingay. Tapos sa daan nakita ka may dugo at wala buhay kaya dala ka nila dito." Tugon nito. "Ano nangyari? Bakit ikaw punta dito sa bukid mag-isa? Delikado lalo na sa tulad mo. Marami mga mababangis na hayop dito,"

"Sa totoo po nyan may kumidnap ho sakin."

"Kinap?"

"Kidnap po. 'Yon po ang tawag kapag may mga taong kumuha sayo at sapilitan kang ipapasama sa kanila."

"Sino kumuha sayo?"

"Mga taong walang magawa sa buhay," Naiinis na sagot niya.

"Ha? May tao bang walang gawa?" Nagtatakang tanong nito.

"Ang ibig ko pong sabihin eh mga taong walang ibang inisip kundi ang mga sarili nila. Gumagawa ng kasalanan para sa sarili nilang kapakanan." Paliwanag niya. "Tulungan nyo po akong makaalis dito. Kailangan ko na pong makabalik sa amin. Sigurado po akong mag-aalala na ang buong pamilya ko,"

"Pero hindi pa magaling iyong sugat. Mabuti pa. Magpahinga ka muna ngayong araw. Sa byernes, bababa mga kasamahan namin para magdala ng mga gulay at prutas sa bayan. Pwede ikaw sumabay sa kanila. Huwag ka matakot. Ligtas ka dito."

"B-byernes po? Apat na araw pa mula ngayon. Pwede po bang magpahatid nalang ako? Kahit hanggang sa daan lang po. Siguro naman ho eh may mga sasakyang dumadaan. Baka sakaling makahingi po ako ng tulong sa kanila," Aniya.
Hindi siya pwedeng magtagal doon dahil baka matunton pa siya ng mga siraulong kumidnap sa kanya. Inaalala niya na baka madamay pa ang mga inosenteng tao na sumagip at tumulong sa kanya.

"Malayo kalsada dito. Wala rin masyado tao pumupunta sa lugar na ito. Bihira may mapadpad na kagaya mo sa lugar na ito. Kapag ikaw bumaba ngayon,baka ikaw mapahamak. Marami mabangis na hayop na lumalabas para hanap pagkain nila. Delikado."

"Pero...malay nyo naman po may-"

"Sinasabi ko sayo. Delikado. Baka mamaya, makita ka ng mga kumuha sayo. Apat na araw lang hintayin mo. Huwag kang mag-alala. Makakauwi ka rin sa iyo pamilya,"

Wala na siyang magagawa. Kailangan niya itong sundin lalo pa at matagal na ito sa lugar na iyon kaya alam nito ang mga nangyayari doon. Sabagay, apat na araw lang naman ang hihintayin niya. Keri nya naman 'yon. Atleast ngayon alam nyang ligtas na sya kasama ang mga aeta na tumulong sa kanya.

Ang gagawin nalang niya ay ang mag-ipon ng lakas para may panlaban siya sa lakaran kapag bababa na sila ng bundok kahit na wala siyang ideya kung gaano ba kalayo ang kinaroroonan niya ngayon sa bayan na sinasabi ni Nanang Mihan.

Muli siyang tumingin sa labas. Napadako ang paningin niya sa mga batang aeta na naglalaro ng kanilang mga katutubong laro. Napangiti siya sa mga ito. Naisip niya na kahit sa bundok nakatira ang mga taong ito ay nakikita mo parin ang mga ngiti nila. Ngiti ng isang tao na kuntento kung ano man ang buhay mayroon sila.

Ang mga kalalakihan ang naghahanap ng kanilang mga makakain habang ang mga kababaihan naman ang naiiwan sa kanilang mga tirahan para alagaan ang kanilang mga anak at gumawa ng mga produktong kanilang pinagkikitaan.

"Ilan sa kanila hindi alam ang tagalog. Lalo na ang mga bata," Kapagkuwan ay wika ng matanda.

Napansin siguro nito ang pagtataka at paghanga niya sa kanilang tribu. Hinarap niya ito.

"Paano ka po natuto mag-tagalog?"

"Noong kalakasan ko pa, lagi kaming nasa bayan. Kami ang naghahatid ng gulay na ani namin sa mga nagtitinda doon. Marami gusto aming mga pananim. Dahil gusto nila sariwa. Kaya habang tumatagal, natuto kami makipag-usap ng tagalog. Pero ngayon matanda na kami. Hindi na namin kaya maglakad ng malayo. Kaya sila nalang ang pinapababa namin." Hayag nito sabay turo sa mga kalalakihang may mga buhat na kahoy panggatong.

"Ah kaya po pala. Pero bakit po si Tatang Karam? Kinakausap nya po ako kanina pero hindi ko po sya maintindihan."

"Si Karam hirap salita tagalog. Mas gusto niya gamitin ang sarili naming salita. Si Karam ay tahimik lang. Magaling sya manggamot,"

"Ah kaya po pala. Sya po ang naglagay nito?," aniya sabay tingin sa braso na may benda.

"Oo. Tingnan mo, bago ka alis dito, magaling na 'yan."

"Maraming-maraming salamat po talaga sa inyo. Hindi ko po kayo makakalimutan. Hayaan nyo po, kapag nakabalik na ako sa amin,ako naman po ang tutulong sa inyo."

"Hindi kami humihingi ng kapalit sa pagtulong sayo." Ngiting sambit nito

"Pero gusto ko rin naman po kayong tulungan. Hayaan nyo po akong suklian ang kabutihang loob nyo sa akin. Ang magiging asawa ko po eh isang nurse at nagmi-medical mission po sila sa iba't ibang lugar. Pwede ko po kayong isama sa listahan nila na kanilang pupuntahan para mabigyan ng libreng check-up sa inyong kalusugan."

Napangiti ang matanda. "Salamat. Salamat. Sigurado matutuwa ang buong tribu Mato," Masayang wika nito. "Ikaw may asawa?"

Matamis na ngumiti si Vice. "Hindi po ba halata?" Biro niya. "Sa katunayan nga po may anak na kami. Magwa-walong bwan ko palang silang kasama sa bahay. Hindi ko kasi alam noong una na nabuntis pala ang babaeng pinakasalan ko noon. Hindi nya rin po kasi ipinaalam,hanggang sa isilang nya ang anak namin at punalaki nya pong mag-isa. Pero nagpapasalamat parin po ako kasi nalaman ko na may anak pala kami." Kwento niya habang matamang nakikinig si Nanang Mihan.

"Bihira tulad mo may asawa,"

"Totoo po 'yan. Masyado lang kasing maganda at sexy ang mapapangasawa ko kaya bumigay rin ako." Natatawang bulalas niya. "Nakakaakit po kasi ang ganda nya. 'Yong tipo bang matutulala ka kapag napadaan sya sa harap mo."

Tila kinikilig naman ang matandang kausap. "Mapapangasawa palang?"

"Ah kasi ganito po 'yan. Nagkakilala po kami sa mismong kasal na namin. May show po kasi na napapanood noon sa TV. Ang pangalan po ng palabas ay marriage at first sight. 'Yong ikakasal ka sa taong ipinares sayo ng mga dalubhasa pagdating po sa pagsasama o pag-aasawa." Paliwanag niya. "Tapos po, naikasal ako sa babaeng ipinares sa akin. Pero naghiwalay po kami dahil hindi kami magkasundo sa lahat ng bagay."

"Bakit sya nabuntis kung naghiwalay kayo dalawa?" Nagtatakang tanong ng matanda.

"May nangyari po sa amin nong gabing malasing kaming dalawa. At kinabukasan nga po ay umalis na sya." May bahid ng sakit na pagkakasabi niya.

"Nangyari? Ano 'yon?" Naguguluhang tanong nito.

"Ahm, ahh..yong labing-labing po ba. Yong ano..yong ginagawa ng pag-asawa para magkaanak. Parang kayo po ni tatang Karam,yong ginagawa nyo po kapag malamig ang panahon." Nalilitong paliwanag niya.

At sa wakas ay naunawaan na siya nito. "Galing. Ako sigurado, magiging lalaki ka. Mamahalin mo iyong pamilya ng buong-buo. Ito payo ko sayo. Huwag na huwag kang gumawa ng kasalanan na pagsisisihan mo. Nakasalalay sayo ang kinabukasan ng pamilyang bubuuhin mo." Seryosong wika ng matanda.

May pagtataka namang napatitig si Vice. Parang nanunuot sa kalamnan niya ang sinabi nito. "Ano pong ibig mong sabihin?"

"Marami pa ang darating na pagsubok sayo. Sana ay maging matatag ka at huwag kang susuko." Dagdag pa nito.

"Nanang Mihan,nalilito na po ako." Aniya. Parang hindi na si Nanang Mihan ang kanyang kausap. Tila nag-iba ang aura ng matanda.

Bigla namang pumasok si tatang Karam at mabilis na nilapitan ang asawa saka kinausap sa sarili nilang paraan ng pagsasalita. Parang nagulat pa si Nanang Mihan nang yugyugin siya ng asawa sa balikat.

"Nanang Mihan? Ok ka lang po ba?" Kinakabahang tanong niya.

"Ah,pasensya na. Sige, maiwan na kita. Magpahinga ka muna," Anito at saka lumabas na kasama ang asawa.

Palaisipan naman sa kanya ang sinabi ng matanda. Hindi mawala sa isip niya ang mga sinabi nito. Ano kaya ang ibig ipahiwatig ni Nanang Mihan? Hindi kaya may kakayanan ito na makita ang mangyayari sa future? Napahugot siya ng malalim na hininga.

●○●○●○●○●○●○●●○●○●○●○●○●○●○●○○●○●○●○●○●●○●○●○●○●○●○●○●○●●○●●○●○●○●○●○●●○●●○●○●○●●○●●○●○●○●○●○●

Naipanawagan na ni Ginang Rose sa Telebisyon at sa radyo ang pagkawala ni Vice. Naglaan rin ang ginang ng malaking pabuya kung sino man ang nakakaalam o makakapagsabi kung nasaan si Vice. Ngunit magtatatlong araw na ay wala parin silang natatanggap na magandang balita.

Halos hindi na sila makatulog sa pag-aalala kay Vice. Humingi na rin sila ng tulong sa lahat ng mga kakilala nilang may kakayahang makatulong sa paghahanap nila.

Kasalukuyang nasa sala sina Karylle kasama ang kanyang ina at anak pati na rin si ginang rose. Sina Dingdong at Bea naman ay umuwi na sa kanila dahil may pasok pa si Nathan. Makikibalita nalang umano ang mga ito sa kanila tungkol kay Vice.

Nasa kusina naman sina Manang Puring at Lalaine habang inihahanda ang kanilang hapunan. Habang naghihintay na maluto ang ulam ay saglit na kinuha ni Lalaine ang kanyang cellphone at sumilip sa kanyang facebook.

Nagtaka pa ang dalaga dahil halos umabot sa 114 ang kanyang notification gayong hindi naman siya gaanong active sa social media. Maliban nalang kung may nag-floodlikes sa kanya.

Laine hindi ba si Vice 'to? OMG! Ibig sabihin hindi sya nakidnap? Sumama sya sa ibang babae! (Image)

Di ba amo mo si Vice? Nakakahiya. Nanawagan pa mandin ang nanay nya sa Tv tapos malalamang hindi naman pala nawawala ang anak nya. (Same image)

Ate Lalaine, may ibang babae si Vice? Ano sabi ng asawa nya? (Same image)

Ano ba yan! Pati bakla babaero na rin. Kawawa naman si miss Karylle at anak nila. (Same image)

Kakaturn-off. Idol pa mandin kita tapos manloloko ka pala. Kung ako sa asawa mo,iiwan na kita at maghanap nalang sya ng totoong lalaking mamahalin sya pati anak nyo! Manlolokong bakla! (Same image)

Sa ginawa nya. Mas lalo lang nyang pinatunayan na walang forever sa baklang hindi takot kay kumander (happy face) (Same image)

NAPANGANGA si Lalaine habang binabasa ang caption sa pare-parehong larawan na naka-tag sa kanya. Larawan kung saan makikita ang tulog na si Vice at may kayakap na babae. Makikita rin sa larawan na parehong walang damit ang dalawa at tanging kumot lamang ang takip ng mga ito.

Naroon rin ang petsa kung kelan kinuha ang larawan. Iyon ang petsa na isang araw nang wala si Vice. Nagpatuloy pa siya sa pagbabasa ng mga kumento. May ilang nagalit at may ilan rin manang nagtatanggol sa amo niya.

BITBIT ang tasang pinagkapihan ay pumasok si Teddy sa kusina. Naabutan niya ang seryosong si Lalaine na tutok na tutok sa cellphone habang si Manang Puring ay nagtutuyo ng mga hinugasan ni Lalaine na ginamit nila sa pagluluto.

"Hoy! Seryoso tayo ah," Agaw atensyon ni Teddy kay Lalaine. "Katxt mo jowa mo?"

"Ano ka ba Kuya Teddy, hindi. Tingnan mo 'to," Mahinang tugon ng dalaga at ipinakita kay Teddy ang picture sa kanyang cellphone.

"Bakit ano ba-" Natigilan ito nang makilala ang nasa larawan. "Si sir? Bakit? Teka..." Pahinto-hinto nitong sabi habang napapaisip. "Pero..."

"Oh di ba pati ikaw nagulat," - Lalaine

"Mukhang seryoso kayong dalawa dyan ah. Ano ba 'yang tinitingnan nyong dalawa ha?" Singit ni Manang Puring saka lumapit sa kanila.

"Eh Nay Puring, m-may kumakalat pong picture si Kuya Vice sa facebook," Sagot ni Lalaine.

"Anong facebook? Patingin nga ako," - Manang Puring

"Ito po oh. Puro mga 'yan po ang lamang ng Timeline ko." Ani Lalaine at ipinakita rin sa matanda ang larawan.

"Ano bang mga sinasabi mo. Hindi ko naman maintindihan ang mga timeline-timeline na 'yan." Anito habang kinukuha ang cellphone sa dalaga. "Si Tutoy ito ah!" Bulalas nito. "Bakit may kasama syang ibang babae?"

"Yan rin nga po ang ipinagtataka namin. Mukhang kaka-upload lang po ng picture na 'to ngayong araw." Sagot ni Lalaine.

"Teka,teka. Hindi walang lalaki si Sir, sino 'yung gwapo at chinitong lalaking sinamahan nya?" Wala sa sariling tanong ni Teddy habang nag-iisip.

"Ano bang pinagsasabi mo dyan kuya Teddy, eh wala naman talagang lalaki si Kuya Vice." - Lalaine

"Umayos ka Teddy, baka marinig ka ni Ma'am Rose lahat tayo malalagot dito," Ani Manang Puring.

"Kasi po Nay Puring, ganito po 'yon.,nakunan ko ng Video si Sir Vice na may kasamang ibang lalaki noong araw na nawala sya. Kaya naisip ko po na may lalaki si Sir," Pag-amin nito.

"Ano!?" Sabay na tanong ng dalawa.

"Oo. Nandito parin nga sa cellphone ko 'yong video eh. Teka..." Anito saka kinuha sa bulsa ng pantalon ang cellphone. "Ito oh,panuurin nyo,"

"Hindi kaya sya 'yong lalaking nakunan ng CCTV na nakatalikod?" Tanong ni Manang Puring habang pinapanuod ang Video.

"Tama! Sya nga 'yon! Magkapareho ng suot na damit 'yong nakunan ng CCTV at sa video na ito ni Kuya Teddy," Sagot ni Lalaine.

"Bakit ngayon mo lang ito sinabi?" Tanong ni Manang Puring kay Teddy.

"Eh nag-aalala po ako sa magiging reaksyon nina ma'am Karel at ma'am Rose kapag nalaman nilang may lalaki si Sir," Katwiran ni Teddy.

"Kahit na. Dapat ipinaalam mo. Isa pa,hindi naman natin sigurado kung lalaki nya nga 'yang lalaking 'yan. Tapos ngayon,may lumabas pang larawan na may kasiping na babae si Tutoy. Hindi natin alam kung ano ang totoo. Kaya huwag mong pangunahan." - Manang Puring

"Sorry po Nay Puring kung hinusgahan ko agad si Sir. Kahit sino naman po kasing makakita sa kanila, iisiping may relasyon sila. Dahil nakita nyo naman po na umakbay pa kay Sir 'yong lalaki." - Teddy

"Oh sya tama na ang drama. Ang importante ay sinabi mo na kung ano ang alam mo," - Manang Puring

"Paano na po ngayon 'yan? Sasabihin na po ba natin ito sa kanila?" Singit ni Lalaine

"ANO ANG SASABIHIN NYO?" Curious na tanong ni Karylle. Nasa bungad siya ng pinto ng kusina para ikuha ng tubig si Nathalie nang marinig niya ang sinabi ni Lalaine.

Napalingon sa kanya ang tatlo. Bakas sa mukha ng mga ito ang pag-aalala. Nagkatinginan pa ang mga ito.

"Nay Puring? May dapat po ba kaming malaman?" Ulit niya habang palapit sa mesa kung saan naroon ang tatlo.

"Ahm.,oo sana. Pero huwag kang mabibigla ha?" Tensyunadong sagot ng matanda.

Nakaramdam siya ng kaba. "Ano po 'yon?"

"Ano kasi...si Tutoy..."

"Ano po ang tungkol sa kanya? May nakakaalam na po ba kung nasaan sya? Kung nasa mabuti syang kalagayan?"

"Ahm,,hindi. Wala pang nakakaalam kung nasaan sya," - Manang Puring.

"Eh ano po ang gusto nyong sabihin? Kinakabahan naman po ako sa inyo eh," Aligaga niyang sagot.

Hinawakan ng matanda ang kamay niya. "Si Tutoy...may..may..."

"May kumakalat pong picture si Sir sa facebook ngayon na may ķatabing babae sa kama!" Walang pakundangang singit ni Teddy sa usapan ng dalawa.

"Ano!?" Awtomatikong namuo ang luha niya pagkarinig sa ibinunyag ni Teddy. Iiling-iling na umupo siya sa katabing upuan. Tila nanghina siya sa nalaman.

"Ano ka ba naman Kuya Teddy! Bat mo binigla si Ate K!?" Ani Lalaine.

Nakatikim naman si Teddy ng mahinang batok kay Manang Puring.

"Eh tinulungan lang naman po kita Nay Puring.,kasi mukhang hindi mo kayang sabihin eh," Nagkakamot ng batok na sagot ni Teddy.

"Che! Manahimik ka nga jan!" Sermon nito. "Ikuha mo muna ng tubig ang Ate K mo," baling ng manang kay Lalaine na mabilis namang kumilos.

"H-hindi totoo ang sinabi nyo di ba? Manang please, sabihin mong nagbibiro lang si Teddy," Nangangatal na wika ni Karylle.

"Uminom ka muna ng tubig," Ani Manang Puring sa kanya.

Matapos makainom ay pinakalma niya ang kanyang sarili. "Hindi nya magagawa 'yon. Kaya hindi ako naniniwala," Garalgal niyang sabi.

"Sana nga ay hindi ito totoo," Sagot ng matanda. Iniabot nito sa kanya ang cellphone ni Lalaine. "Ito tingnan mo,"

Napailing siya habang minamasdan ang larawan. Gustuhin man niyang maniwala pero iba parin ang pakiramdam niya. Naniniwala siyang hindi iyon magagawa ni Vice. Kung lalaki pa siguro ang kasiping nito ay baka paniwalaan pa niya. Pero kung babae? Magdadalawang isip siya. Sa kanya pa nga lang ay may panahon na diring-diri ito sa kanya tuwing nilalambing niya sa babae pa kayang ito?

"No! Hindi ako naniniwala. Nay Puring,hindi 'to kayang gawin ni Vice. Kung tutuusin mas kilala mo po sya kesa sakin kaya alam ko na alam mo po na hindi nya 'to magagawa,"

"Naniniwala rin naman akong hindi nya 'yan kayang gawin. Kaya kailangan na natin syang matagpuan bago pa lumala ang sitwasyon. Baka bukas o makalawa,may mga ganyang larawan pa ulit ang lumabas," - Manang Puring

"May video nga po pala na kuha si Kuya Teddy nong araw na mawala si Kuya Vice," Sabat ni Lalaine sabay abot ng Cellphone kay Karylle.

Matamang pinanood niya ang Video. Doon siya nakaramdam ng kaba. "Mang Teddy? May alam ka pala sa nangyari bakit ngayon mo lang ipinakita 'to?" Aniya matapos mapanood ang video.

"Yon nga rin ang sinabi ko eh," - Manang Puring

"Eh ma'am kasi po nag-aalala lang ako sa inyo. Naisip ko po kasi na baka lalaki po ni Sir 'yong kasama nya dyan," Napapakamot sa ulong sagot nito.

"Kahit na,dapat sinabi mo parin,"

"Sorry po talaga ma'am,"

"Oh sige sige.,ang mahalaga sinabi mo na ngayon. Kelangan natin itong ibigay sa mga pulis. Malaking tulong ito para makilala ang lalaking 'yan at matunton kung saan sila." Aniya

Iniwan na ni Karylle ang tatlo sa kusina. Nagmamadali siyang bumalik sa sala para ipakita kay Ginang Rose at sa kanyang ina ang tungkol sa Video at sa kumakalat na larawan ni Vice online.

Maging ang mga ito ay nabigla rin sa nakita. Malaking palaisipan sa kanila kung sino ang lalaki at ang babae na katabi sa higaan ni Vice.

Agad silang tumawag sa Subic Police Department para ipaalam sa mga ito ang tungkol sa nasabing video. Mabilis naman ang naging tugon ng mga ito at agad na pumunta sa kanila para kunin ang ebidensya na maaari nilang magamit sa paghahanap kay Vice at sa mga taong nasa likod ng pagkawala nito.

○●●○●○●○●○●●○●○●●●○●○●○●○●●○●●○●○○●○○●○●●○●●○○●●○●●●○○●○○○●●○○●○○○●●○○●●●○○●○○●●○○●●●○○●●●○○●●

SA WAKAS ay dumating na ang araw ng byernes. Ito ang araw na bababa sa bundok ang mga kalalakihang aeta para ipagbenta ang kanilang mga produkto. Magkahalong saya at lungkot ang naramdaman ni Vice.

Masaya sya kasi sigurado siyang makakauwi na siya sa kanila at makikita na niya ang kanyang pamilya. Sobrang miss na miss na niya ang mga ito lalo na ang kanyang anak at si Karylle. Pero may bahagi sa kanyang puso na nakaramdam ng lungkot.

Sa apat na araw na pananatili niya sa tribong kumupkop sa kanya ay napalapit na sa puso niya ang mga ito lalo na ang mga batang aeta. Sa maiksing panahon na nasa poder siya ng mga ito ay marami siyang natutunan. Naranasan niya kung paano mamuhay ang mga ito. Mahirap pero masaya. Hindi mababakas sa mukha nila ang hirap kapag nakikita niya silang nakangiti. Nagkukwentuhan kahit na wala siyang maunawaan.

Naging libangan rin niya ang pagtuturo sa mga batang aeta ng ilang mga salitang tagalog. Syempre pa, maging siya ay may natutunan ring ilang salita na ginagamit ng mga ito.

Napangiti siya nang makitang papalapit sa kanya si Nanang Mihan. May dala itong basket na may lamang mga prutas at gulay.

"Para sa iyong pamilya ito. Sabihin mo sa kanila na matatamis ang mga 'yan at masustansya." Wika ng matanda.

"Naku nag-abala pa po kayo eh sa pagkupkop nyo palang po sa akin ay malaking utang na loob ko na po 'yon. Idagdag nyo nalang ho ito sa mga ibebentang prutas,"

"Marami naman 'yong mga ibebenta. Tanggapin mo na ito para matikman naman ng pamilya mo ang mga itinanim namin,"

"Napakabusilak po ng inyong kalooban. Hayaan nyo po't masusuklian ko rin ang kabutihan nyo," Sagot niya at hindi napigilan ang sariling yakapin ang matanda. "Hindi pa ho ito ang huli nating pagkikita pero mami-miss ko po kayong lahat,"

"Ganun rin kami sayo," Sagot nito. "Oh sige na, magsimula na kayong lumakad para hindi kayo tanghaliin," Mando ni Nanang Mihan sa mga kasamahan.

Kanya-kanyang buhat ng mga sako at kaing ang mga lalaking aeta. Binitbit na rin ni Vice ang basket na ibinigay sa kanya ng mga tagaroon. Kumaway pa siya sa huling pagkakataon sa mga naiwan at gumanti rin ang mga ito ng pagkaway. At nagsimula na nga silang lumakad pababa ng bundok.

Makailang beses silang tumigil sa paglalakad para magpahinga. Hindi siya sanay sa malayong lakaran kaya mabilis siyang mapagod. Ilang saglit pa ay muli silang nagsimulang maglakad at sa wakas ay nasa kalsada na sila.

Ilang minuto lang silang naghintay ng truck na kanilang sasakyan papuntang bayan. Mabibilang lang ang mga dumadaan doon kaya maswerte parin sila dahil saglit lang ang kanilang pag-abang at nakasakay agad sila.

Tahimik lang si Vice habang minamasdan ang mga kasama. Nakaupo sila sa likuran ng truck na puno rin ng mga prutas at gulay.

Sumandal siya sa isang sakong puno ng dahon ng saging para mairelax ang katawan. Habang nasa byahe ay samo't sari ang nasa isip niya. Miss na miss na niyang makita ang kanyang pamilya. Isang linggo siyang nawala sa tabi ng mga ito pero pakiramdam niya'y isang taon siyang nahiwalay sa mga ito.

Sigurado siyang maraming mga katanungan ang naghihintay sa kanya at handa naman siyang sagutin ang mga ito. Bigla niyang naalala si Jovy. Ano na kaya ang nangyari sa kanya? Wala siyang kahit na anong ideya sa babaeng tumulong sa kanya para makatakas sa kakambal nito. Ang tanging dasal lang niya ay sana'y ligtas ito.

Noong napunta siya sa poder ng mga katutubong aeta, marami sa mga ito ang sumama sa kanya para balikan ang lugar kung saan siya ikinulong nina Jovit at ng mga kaibigan nito ngunit wala na silang inabutan pa roon. Marahil ay umalis na ang mga ito noong gabing nakatakas siya.

Bumalik sa isip niya ang masasayang oras nang huli silang nagkasama ng kanyang pamilya. Nakikinita na niya ang masayang mukha ni Karylle na sasalubong sa kanya. Ibang klase talaga ang babaeng ito. Si Karylle lamang ang babaeng nakakapagparamdam sa kanya kung paanong minsan ay nakakalimutan niyang bakla siya.

Pero dahil malaki ang respeto niya sa dalaga ay umiiwas muna siyang tuluyang mapalapit ng husto dito dahil baka hindi niya mapigilan ang kanyang sarili at masundan ng wala si oras si Nathalie. Kaya nagtiis muna siya kahit na gustong-gusto na niyang makatabi ito sa kama. Tabi lang naman,wala nang iba. Pero hindi yata niya maipapangako na walang magwawala kapag nangyari iyon.

ILANG saglit pa ay nakarating na sila sa bayan. Tinulugan na muna niya ang kanyang mga kasama sa paghahatid ng mga prutas at gulay sa mga tinderang suki ng mga ito.

Mukhang hindi siya nakilala ng mga taong nakakasalubong niya. Alam naman niyang hindi lahat ng mga tagaroon ay napapanood siya sa telebisyon. Pero imposible naman yatang kahit isa sa kanila ay walang makakakilala sa kanya.

Napadaan sila sa mga nagtitinda ng salamin. Huminto siya saglit at sinipat ang sarili sa malaking mirror. Maging siya ay hindi rin nakilala ang sarili. Sinilip pa niya ang likod ng salamin para siguraduhing walang tao sa likod nito at muling tumingin sa harap. Hinawakan niya ang kanyang mukha. Sarili nga niya ang kanyang nakikita. No wonder na walang nakakakilala sa kanya.

Para kasi siyang mukhang palaboy. Sariling damit parin naman niya ang kanyang suot pero madumi na ito. Nilabhan naman niya ang kanyang suot sa sapa noong ikatlong araw niya sa tribu pero marumi parin. Wala siyang pambili ng sabon na ariel na 7.50 pesos nalang. Maging ang sapatos na suot niya ay puno rin ng putik sa paglalakad nila kanina pababa ng bundok. At ang hair extension niya ay wala na rin kaya maluwag ang paghinga ng noo niya. Wala rin siyang make-up kaya malaki ang ipinagbago ng hitsura niya.

Bago siya tuluyang umalis sa harap ng salamin ay inayos na muna niya ang kanyang buhok na bahagyang nagulo. Inalis rin niya ang ilang dumi na dumikit sa kanyang mukha.

Matapos mai-deliver ang mga gulay at prutas ay tumungo na sila sa police station na nasa tapat lamang ng palengke.

●○●○●○○●●○○●○●○●○○●○●●○●○●○●○●○○●●○○●○●○●○●○●▪○●○●○●○●●○●○●○●●○●○●●○●○●○○●○●○●●○○●○●○●○●○●○●○●

BUMALIK ng Subic sina Karylle kasama ang kanyang ina at si ginang Rose. Hindi na niya isinama ang kanyang anak. Ihinabilin na muna niya ito kay Lalaine at Manang Puring.

Kasalukuyan silang nasa istasyon ng pulis dahil tinawagan sila ng mga ito para kumpirmahin na alam na nila ang saktong lugar na pinagtaguan ng mga suspek. Sa kagustuhan nilang sumama na puntahan ang nasabing lugar ay pinilit nila ang hepe na isama sila sa gagawing operasyon. Nagpaplano pa lamang silang kanilang gagawin nang may mga katutubong aeta ang kumatok sa pinto ng prisinto.

Isang pulis ang humarap sa mga ito. Ipinagpatuloy naman ng hepe ang pagpapaliwanag sa kanyang mga tauhan sa gagawin nilang paglusob.

Humahangos na lumapit sa kanila ang pulis na humarap sa mga katutubo at maaliwalas ang mukha na nagsalita.

"Sir, magandang balita po! Nasa labas si Sir Vice kasama ng mga katutubong aeta!" Masayang wika nito habang sinisenyasan ang mga katutubo at si Vice na pumasok sa loob.

"SiVice kamo? A-ang anak ko?" Ani Ginang Rose.

"Opo Madam. Ligtas po sya,"

"Modra! Ang Nanay ko!" Malakas na tawag ni Vice sa kanyang ina at umiiyak na lumapit sa ina saka niyakap ng mahigpit.

"Tutoy! Anak ko! Ang anak ko! Ano bang nangyari sayo?" Tumatangis na tanong ng Ginang.

"Vice! Diyos ko! Salamat at ligtas ka!" Maluha-luhang sabi ni Ginang ChaCha at niyakap rin si Vice.

"Mamaya ko na po ipapaliwanag lahat-lahat ng nangyari. Miss na miss ko na kayo!" Mahigpit niyang yakap sa dalawang ginang.

Hindi na nakapagsalita si Karylle sa sobrang saya na kanyang nararamdaman. Emosyonal niyang niyakap si Vice nang humiwalay ito sa dalawang ginang.

Mahigpit niya ito niyakap at ganun rin ito sa kanya. Hindi maawat ang pagtulo ng kanyang mga luha. Nagpapasalamat siya dahil ligtas itong nakabalik sa kanila.

"Shhhh...huwag ka nang umiyak. Andito na ako oh," Nakayakap paring sabi ni Vice. Ramdam niya ang pag-aalala ni Karylle sa kanya. Halos ayaw nga siya nitong bitiwan sa pagkakayakap. "K? Tahan na. Ayokong nakikita kang umiiyak diba?"

Umangat ng tingin si Karylle kay Vice. "Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil walang masamang nangyari sayo,"

"Malakas yata ako kay Bro dahil hindi nya ako pinabayaan,"

Suminghot si Karylle. "Pero alam mo ba kung bakit hindi maawat ang pag-iyak ko?"

"Dahil na-miss mo ako ng sobra?" Hula ni Vice.

"Hindi! Dahil sa amoy mo! Kelan ka ba huling naligo?" Humihikbing tanong niya.

"Ha?" Sabay amoy sa sarili. "Ah eh.,noong isang araw pa eh." Ngiwi niyang sagot.

"Kaya pala amoy panis ka na," - K

"Aray ko naman! Buti nga amoy panis lang at hindi amoy bulok,"

"Tama na nga 'yan. Ang mahalaga ngayo'y nandito ka na." Singit ni ginang Rose.

"Si Nathalie nga pala? Bat hindi nyo kasama?" Tanong ni Vice.

"Iniwan namin sya kina Manang. Balak kasi sana naming sumama sa mga pulis sa paghahanap sa inyo pero hindi na matutuloy kasi nandito ka na," paliwanag ni Karylle.

"Ah Sir,pwede na po ba akong magbigay ng salaysay? Para makauwi na kami. Miss na miss ko na ang anak ko eh," Aniya

Umabot ng mahigit isang oras ang pagbibigay ng statement ni Vice. Ipinakilala rin niya sa kanyang pamilya ang mga katutubong aeta na tumulong at nag-alaga sa kanya. Sinabi rin niya sa mga pulis na wala na sa lugar na iyon sina Jovit. Pero kahit ganun ay gusto paring puntahan ng mga alagad ng batas ang naging hideout ng kanyang mga kidnappers para masuri at mapag-aralan ang lugar.

Humingi rin ng tulong si Vice para mailigtas si Jovy sa kakambal nito dahil malakas ang kanyang kutob na nasa panganib ang dalaga.

Matapos ang mahaba-habang salaysay niya ay emosyonal siyang nagpaalam sa mga katutubo at nangakong babalik at tutulungan ang mga ito sa lahat ng kanilang kailangan para makabawi sa kabutihang loob na ginawa ng tribu sa kanya.

●○●○●○●●●○○●○●○●○●○●○●○●●○●○●●○●●○●●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○○●●○○●○●○●●○○●○●●○●○●○●○●

Mabilis ang naging byahe nila pauwi. Sabik na sabik na talaga si Vice na makita ang kanyang anak kaya pagkababa palang ng sasakyan ay patakbo na siyang pumasok sa kanilang bahay at tinawag si Nathalie.

Narinig niya ang mga munting yabag ng tumatakbong bata papunta sa kanya.

"Daddy!?" Masayang tili ni Nathalie. Alam niyang nasa likuran niya ito. Pumihit siya paharap sa anak. Pero bago pa niya ito mayakap ay lumayo sa kanya ang bata.

"Aaahhhh!!!! Monster!!! Monster!!!" Sigaw nito habang tinuturo siya.

"No baby, ako ito, ang daddy mo,"

"No! Panget ka! Hindi ikaw ang Daddy ko! Mommy!!!"

Nagtatakbo namang pumanhik sa bahay sina Karylle kasunod ang dalawang ginang. Manang sina Manang Puring at Lalaine ay napatakbo rin papunta sa kanila.

Napasimangot si Vice hindi dahil sa hindi siya nakilala ng anak kundi dahil sa pagkakasabi nitong pangit siya. Naku! Kung hindi lang siguro niya ito anak baka hinagis nya na ang bubwit na ito palabas ng kanilang bahay.

"Nathalie anak, ang daddy mo 'yan. Nakabalik na ulit sya sa atin. Mukha lang syang monster pero sya talaga ang Daddy mo," Paliwanag ni Karylle nang makalapit sa bata. "Ngayon lang sya panget kasi hindi pa sya naliligo ng tatlong araw," Bulong pa niya dito.

"Wow K ha! Pati ba naman ikaw? May pabulong-bulong ka pa eh narinig ko rin naman," Kunwa'y tampong sabi ni Vice.

Iningnan ni Nathalie mula ulo hanggang talampakan si Vice. Tila sinusuri kung ito nga ba talaga ang kanyang ama.

"Bakit po ganyan ang hitsura nya? Kamukha nya po si Mang Puldo." Ang tinutukoy ni Nathalie ay ang matandang nangangalakal ng basura sa kabilang kanto.

Natawa ang mga nakarinig sa sinabi ng bata. Maging si Karylle ay napahalakhak.

Napangalngal si Vice. "Naku! Kung hindi lang kita anak baka natiris na kita!"

"Hahaha! Binibiro lang naman po kita Daddy eh," Sagot nito

Lumapit na sa kanya si Nathalie. Paluhod siyang umupo para magpantay sila ng bata.

"Daddy I miss you so much! Saan ka po ba galing?" Parang magic lang na nagbago ang tono ng pananalita. Mula sa masaya ay biglang naging seryoso at may pag-aalala sa tinig nito.

Hinawakan niya ang kamay ng anak at pinisil-pisil iyon. "Awh, I miss you too. Kung alam mo lang kung ganu ko kayo na-miss. Laging kayo ang laman ng isip ko sa mga panahong nasa panganib ako at dahil sa inyo may dahilan ako para hindi panghinaan ng loob. Dahil gusto ko na makasama pa kayo ng matagal na panahon. Kaya ito ako ngayo,ligtas na nakabalik sa inyo," Emosyonal niyang sagot.

"Ano po ba ang nangyari sayo? Bakit ka po umalis nang hindi nagpapaalam sa amin?" Inosente nitong tanong.

"Ganiti kasi 'yon Baby, may mga bad guy na kumuha kay Daddy. Napilitan akong sumama kasi kapag hindi ako sumama sa kanila, kayo ang kukunin nila sa akin."

"Bakit po nila kami kukunin?"

"Kasi nga gusto nila akong sumama sa kanila. Pero kapag hindi ako sumama, sa inyo sila gaganti. Ayoko namang may mangyaring masama sa inyo kaya minabuti kong ako nalang ang kunin nila."

"Ha? Bakit po? May kasalanan ka po ba sa kanila?"

"Hindi. Wala. Ang tanging kasalanan ko lang ay ipinanganak akong poging bakla. At 'yon ang dahilan kaya may isang babaeng nagkagusto sa akin maliban sa mommy mo. Pero dahil ang mommy mo ang kasama ko ngayon, nagalit yong kuya ng isang girl kaya gumawa sila ng paraan para makuha ako sa inyo. Ang hirap pala maging pogi noh?" Kinindatan niya ang anak.

Natatawang nilingon ni Nathalie ang kanyang mommy pati na rin ang kanyang mga lola na nanunuod sa kanilang mag-ama.

"Kaya nga love na love ka ni Mommy eh. Kasi ikaw lang ang baklang pogi na nagawa nyang mahalin ng totoo at tapat," Pambubuko nito sa kanyang ina.

"Talaga!? Pano mo naman nasabi 'yan?"

"Sabi ni Mommy!"

May panunuksong tiningnan ni Vice si Karylle. May pakinabang rin pala ang pagiging madaldal ng kanyang anak.

"Tama na nga muna 'yang pag-uusap nyo. Mabuti pa maligo ka na muna at magpalit ng damit," Naiilang na singit ni Karylle. "Baby come here, I have pasalubong for you,"

"Oo nga Daddy, maligo ka na. Iba na amoy mo eh." Huling hirit ni Nathalie bago sumama sa kanyang mommy.

●○●●●●●○●○●○●○●●○●○●○○●○●○●○●○○●○●○●○●○●○●●○○●○○○●°●○●○●○●●○●°○●°○●○●○●○●○○○●●●●○●○●○●●○○●○●○●●

TULAD ng inaasahan, dumagsa ang mga taga media sa bahay ng mga Viceral nang malaman ng mga ito na nakauwi na sya. Lahat ay gusto siyang ma-interview hinggil sa kumakalat na larawan sa social media kung saan may kasama siyang ibang babae sa kama.

Nais rin nalaman ng lahat kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa kanya. Iba't ibang balita kasi ang kumakalat na umano'y gimik lamang ang kanyang pagkawala. May ilan ring nagsasabing nakipagtanan siya sa ibang babae.

Dumating rin ang mga kaibigan ni Vice na kung tawagin ang kanilang grupo ay team Vice. Maging ang mag-asawang sina Dingdong at Bea ay dumating rin kasama si Nathan.

Unang hinarap ni Vice ang kanyang mga kaibigan pati na rin sina Bea at Dingding na nag-alala ng sobra sa kanya. Mahaba-haba ang kanilang naging pag-uusap. Halo-halong emosyon ang kanilang naramdaman habang kinikwento sa kanila ni Vice ang kanyang karanasan.

Bandang alas-tres na ng hapon nang sabihin niyang handa na siyang magpa-interview sa mga taga-media. Sa sala nila ginanap ang interview. Lahat ay sabik na mahirig ang kanyang pahayag.

"Una sa lahat,nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko,Sa Team Vice,sa mag-asawang Dingdong at Bea,sa lahat ng mga sumusuporta at nagmamahal sakin at lalong lalo na sa buong pamilya ko na mahal na mahal ako at buo ang pagtitiwala sakin. Humarap ako sa inyo ngayon para sagutin kung ano man ang inyong mga katanungan. At para na rin linawin ang mga kumakalat na maling balita tungkol sakin na hinusgahan agad ng marami gayong hindi pa naman nila alam ang totoong nangyari." Panimula niya. "Pwede na kayong magtanong ng kahit ano at handa akong sagutin 'yan."

Isang reporter ng ABS-GMA ang unang nagtanong sa kanya.

"Marami ang nagulat at nagtaka nang ibalita sa telebisyon at radyo at sa lahat ng pahayagan ang biglaan mong pagkawala. Ano ba talaga ang totoong nangyari? May ilang nagsasabing gimik mo lang raw 'yon para magpapansin. Totoo ba ito?"

Huminga muna siya ng malalim. "Hindi gimik ang pagkawala ko. Bakit ko naman kailangang magpapansin? Ang totoong nangyari ay na-biktima ako ng kidnapping,"

Isinalaysay ni Vice ang mga nangyari nang araw na magpakilala sa kanya si Jovit at kung paano siya tinakot ng mga ito para sumama sa kanila. Pati na rin kung saang lugar siya dinala at kung anong hirap ang pinagdaanan niya para lang makalayo sa ginawang hide out nina Jovit.

Nabanggit rin niya ang ang ginawang pagtulog sa kanya ni Jovy. At ang tulong na ibinigay sa kanya ng mga katutubong Aeta na nakakita sa kanyang walang malay sa gitna ng kakahuyan.

Isiniwalat rin niya ang mga pangalan ng kanyang kidnappers. Pero dinepensahan niya si Jovy na wala namang kinalaman sa pagkidnap sa kanya.

"Kung na-kidnap ka nga, bakit may mga kumalat na larawan mo sa social media na may kayakap kang babae sa kama at wala pa kayong mga suot na damit?"

"Ito ba ang larawan na sinasabi nyo?" Ipinakita niya ang ipina-print niyang picture sa press. "Sya si Jovy. Sya ang tumulong sakin kaya ako nakatakas sa kakambal niya. Sinadya naming gawin ito dahil ito lamang ang paraan para hindi ikandado ang pinto ng bodega kung saan nila ako ikinulong."

"Sinadya nyong may mangyari sa inyo?"

"Hindi. Walang nangyari sa amin. Parte ito ng naging plano namin. Nang gabing iyon, sa tabi ko natulog si Jovy at nagtanggal kami pareho ng pang-itaas na damit para palabasing may nangyari sa amin. Naramdaman namin na papalapit sa bodega si Jovit kaya nagkunwari kaming tulog at magkayakap. 'Yon marahil ang oras na kinunan kami ng litrato nang hindi namin alam." Pagtatapat niya.

"Nasaan na pala ang mga Kidnappers mo? Nahuli na ba sila?"

"Sa ngayon, bumuo na ng special force ang mga kinauukulan para mahuli si Jovit at ang dalawa pa niyang kasama. Ang inaalala ko ngayon ay ang kaligtasan ni Jovy. Malaki ang utang na loob ko sa kanya sa ginawa nyang pagtulong sakin. Alam kong kailangan niya ngayon ang tulong ko para mailigtas siya sa kapatid niya."

"Ibig mong sabihin maaaring hindi siya ligtas si Jovy sa mismong kakambal niya?"

"Ganun na nga. Dahil nakita ko kung pano siya sinaktan ni Jovit nang malamang tinutungan nya akong makatakas."

Marami pang naging katanungan sa kanya ang press hinggil sa nangyari sa kanya. At tulad ng sinabi niya'y isa-isa niyang sinagot ang mga 'yon.

"Maiba naman tayo ng tanong. Ano ang balak mo ngayon?"

"Anong ibig mong sabihin?" Ngiting tanong niya.

"Tungkol sa pamilya mo,sa sarili mo at sa binubuo mong pamilya."

"Ahh,ok. Sa ngayon,siguro...siguraduhin ko muna ang kaligtasan ng pamilya ko. Ang daming nangyari sa amin ngayong taon. Magdadagdag pa siguro ako ng security." Biro niya.

"Tuloy-tuloy na ba ang relasyon nyo ni Miss Karylle?" Singit ng isang reporter.

"Ngayon pa ba kami hihinto gayong may anak na kami?" Maluwag ang ngiting sagot niya.

Kinikilig naman ang mga nag-iinterview at nadagdagan pa ang mga tanong tungkol sa kanila ni K.

"Nakaka-excite talaga kayong dalawa. No wonder na marami ang interesadong malaman ang tungkol sa inyo eh. Pero ito talaga ang gustong itanong ng karamihan."

"Ano 'yon?" - Vice

"Kelan nyo naman balak magpakasal ulit? Siguradong maraming susubaybay sa inyo kapag dumating ang araw na 'yon,"

"Ahahhahaa...nakakaloka," Aniya sabay sulyap kay Karylle na halatang nahihiya dahil namumula ang mukha nito.

Nagtuksuhan naman ang mga naroon.

"Ito lang ang masasabi ko ngayon, DARATING rin tayo dyan." May halong pagbibiro na sagot niya. "Sa ngayon kasi marami pang dapat asikasuhin. Isa pa,wala pa kami ni K na pormal na pag-uusap tungkol sa bagay na 'yan. Basta ang alam ko ngayon ay mahal ko sya pati na rin ang anak namin at gagawin ko ang lahat para proteksyunan sila." Seryoso na niyang wika.

"Awww...ang sweet naman," Hiyaw ng iba.

"Aabangan namin ang kasal nyo ha?" Hirit ng isa pang reporter at napuno ng tawanan at biruan ang tahanan ng mga Viceral.




Exit ----------------------------------------->>>>>>>>>>>>>

Continue Reading

You'll Also Like

138K 3K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
103K 1.3K 17
Si-siguraduhin kong magiging akin ka at pagkatapos non, ra-rape in kita ng bonggang bongga! Humanda ka Mr.Yan! Ipapa-mukha ko sa'yong, Tama ako! YAN...
130K 1.6K 46
Si Terrence Emmanuel Lee, nanakit ng damdamin, pinaalis at muling bumalik para humingi ng tawad sa kanyang mahal na si Miadelle Imee Tiu na ikakasal...
492K 770 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞