TKP II: Am I Wrong?

By SexyKisser

277K 9.3K 6.9K

Am I Wrong (The Knightless Princess Book 2) By SexyKisser More

Introduction
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7

Chapter 1

36K 1.2K 572
By SexyKisser

AIW 1

Change always happens.

It's inevitable.

Noon pa man, iyon na talaga ang nakatatak sa utak ko. Kaya nga siguro iyon ang nangyari.

Nothing stays the same. You're in love with this guy today, you can fall out of love days later. Could take shorter time, could be longer.

Hindi ko matignan ng maayos si Pierce dahil halos sumabog ang puso ko sa kaba! But God, I know exactly what his face looked like years ago. Of course I do. His jaw.. nose.. eyebrows.. his facial expression.. those lips. Nothing really changed except those cold eyes.

God, his eyes went colder..

"Hello, Princess.." Ngiti ni Irene at umabrisiete kay Pierce.

"Hi.." Nag-iwas ako ng tingin kay Pierce nang maabutan ko s'yang nakatingin kay Irene. Nalunok ko ang laway ko. I think he forgot that I'm still here. Oh.. same old Pierce when it comes to his girlfriend.

Biglang siniko ni Irene si Pierce. "H'wag ka ngang tumitig sakin! Isang linggo lang na-miss mo agad ako!" Biro ni Irene. "Ipakilala mo naman s'ya saakin ng maayos, I never knew you had a girl friend, sila Yvo at 'yung boys lang ang kilala kong kaibigan mo." Aniya kay Pierce na mukhang tinatamad na at gusto na s'yang solohin. He doesn't even want to look at me, or maybe, he just doesn't care.

"I told you.. she's Princess." Pierce said calmly, pinagapang n'ya ang kamay sa bewang ni Irene.

Umirap si Irene kay Pierce at ngumiti ulit saakin.

Pierce sighed. "She's my classmate back in high school."

"Close kayo?" Excited na tanong ni Irene. Hindi ko alam pero sa tingin ko ay hindi naman na n'ya ako dapat pang kausapin. She looks so excited about Pierce having a girl friend.

Napangisi na lang ako dahil hindi ko alam ang isasagot. Natawa naman s'ya.

"Pasensya na, wala kasi s'yang close na babae eh. I'm curious lang." Aniya na mukhang iiwan na sana ang subject na iyon.

Nakagat ko ang labi ko. "Ah.. oo. Friends kami ni Pierce noon." Para matapos na ito.

Clearly, hindi ako kilala ng girlfriend n'ya. Siguro ay binaon na lamang n'ya sa limot ang lahat. Ang lahat ng nangyari noong high school kami ay hanggang doon na lang.

"Talaga!" Hiyaw n'ya na at talagang nagulat s'ya! Siguro ay bukod sa kan'ya, wala nang ibang babae na kinakausap si Pierce. She's lucky. Panatag ang kalooban n'ya kung ganun.

Ngumiti ako at hindi na muling tumingin kay Pierce. Ni isang sulyap ay wala na akong naani mula sa kan'ya. Kun'sabagay, aalisin n'ya pa ba ang atensyon n'ya kay Irene. My God, she looks flawless.

"Sige ah, kailangan ko na rin kasing umalis.." Ngumiti ako kay Irene.

"Ayaw mo bang sabayan kami?" Biro n'ya. "Pero sige, nice meeting you ate Princess."

Tumango ako. "Bye Irene. Uh.. see you around, Pierce."

Sandaling lumingon saakin si Pierce habang pinagbubuksan ng pinto si Irene papunta sa loob ng coffee shop. He lightly nodded his head. "Okay." And then the door closed.

"Okay.." Buntong hininga ko at umalis.

Kukuhanin ko na sana ang phone ko para tawagan si Loraine nang makita ko s'ya paparating na. Nanlaki ang mga mata n'ya.

"OH MY GOSH!"

Tumakbo s'ya papalapit saakin at hinintay ko lamang s'yang makalapit. Kung kanina ko pa sana s'ya nakita, excited pa ako. Pero ngayon, parang nanlalambot ang tuhod ko. Nakakabadtrip naman kasi. Ang tagal n'ya masyado.

"Ang tagal mo masyado.." Ngumuso ako.

"Sorry! Si Yvo kasi kanina pumunta sa bahay namin. Nakakahiya naman kung aalis agad ako. Tska diba sabi mo, wala akong pagsasabihan na dumating ka? Kaya hindi ko alam ie-excuse ko sa kan'ya."

Napatango na lang ako. "Nagde-date parin pala kayo ni Yvo." Sabi ko at natawa.

Ngumisi lang s'ya at tinuro ang coffee shop kung saan pumasok sila Pierce. "Doon na lang tayo?"

"Huh? H'wag na. Hindi ko gusto masyado 'yung drinks nila." Sabi ko at naglakad na.

Abalang nagte-text si Loraine habang kumakain kami. Nang ibaba n'ya ang phone n'ya ay nahuli n'ya akong nakatingin.

"Ano?" Natatawang tanong n'ya.

"Seryoso ba 'yon sa'yo?" Tanong ko. Tinutukoy si Yvo.

Bago kasi ako umalis ay wala namang meron sa kanila. Nung second year college na s'ya, wala pa rin. Hanggang sa nag third year ay doon lang s'ya sinimulang pormahan ni Yvo. Naike-kwento n'ya iyon saakin.

Nagsimula na s'yang magkwento. Madami na pala akong namiss dahil simula noong nagbreak kami ni Pierce, dinelete ko ang facebook ko at pinutol ang komunikasyon sa lahat ng kaibigan ko sa Pilipinas. Nakapaggawa na lang ulit ako pagkatapos ng ilang buwan. Mas maganda kasi kung buburahin ko na lang. Ni hindi ko tinignan o kahit minsan vinisit ang profile n'ya. That's how I moved on. Ni hindi ko s'ya nakikita sa pictures. Ang huling kita ko sa kan'ya ay noong nagbreak kami at ngayon na lang ulit iyon naulit.

"Eh si Pierce? Hindi mo ba kakamustuhin?" Ngisi ni Loraine.

Natawa lang ako. "Nagkita nga kami kanina eh."

Nanliit ang mga mata n'ya. "Weh?"

Tumango ako at tumingin sa labas ng bintana. "May girlfriend na pala s'ya. Ganda pa no?"

"Sinabi mo pa. Si Irene, dalawang taon tanda natin don. Mabait rin.." Kibit balikat n'ya habang nakatitig saakin at nanliliit parin ang mga mata.

"Oh? Talaga, gaano na sila katagal?"

"Matagal na rin yata eh? Kung hindi ako mali.. dalawang taon at higit pa?"

Napatango na lang ako.

"So.. anong nangyari? Nagkita kayo kanina? Tapos..?" Curious na tanong n'ya.

Tumango ako at umirap. "Sa sobrang tagal mo kase, nagkita pa kami!"

"Oh.. so affected ka?" Tawa n'ya.

"Hindi ah!" Tinignan ko s'ya mula baba hanggang taas at tumawa na naman s'ya.

"Ano nga? Anong nangyari! Gusto ko sanang makita reaction ni Pierce! Sayang naman!"

"Anong sayang? Baliw ka talaga." Natawa ako.

"Aba, sigurado ako gulat na gulat 'yon. Tska hindi ako magkakamali!" Tinaas n'ya ang index finger n'ya. "Paniguradong may spark!"

Nalaglag ang panga ko at nangisi. "Baliw!" Irap ko.

"Eto naman! Magkwento ka na kasi! Ano nga?" Pangungulit n'ya.

Nagbuntong hininga ako at tumingin ulit sa labas. Ang kulit.

"Nginitian n'ya lang ako. Ta's binati ko lang s'ya tas tumango s'ya. Ta's dumating 'yung Irene pinakilala n'ya ako. Iyon lang." Tamad na kwento ko.

"'Yun lang? Walang hindi-s'ya-makatingin-sa'yong tingin?"

Umiling ako. "Maayos nga 'yung tingin n'ya. Ni hindi s'ya awkward."

Nalaglag ang panga n'ya. "At pinakilala ka pa! Wow!" Umalog pa ang ulo n'ya na parang manghang-mangha s'ya.

Tumawa ako at tinignan ang phone ko. Mayroon na doong chat si Jack.

Jackson: How is the Philippines? :)

Princess: Great! I miss you :(

"All I can say is.. naka move on na s'ya." Tumango pa s'ya na parang siguradong-sigurado. "I mean.. baliw na baliw sa'yo si Pierce noon, hindi natin maipagkakaila 'yon. At kung gusto ka parin n'ya, paniguradong magugulat 'yon o manginginig! Pero maayos naman pala s'ya sa'yo? Which means.." Nagkibit balikat s'ya.

Lumunok ako at ngumisi. Nagkwentuhan na lang kami ni Loraine tungkol kay Jackson. Sa mga ginawa namin sa Canada, kung paano ako sinuyo ni Jack at kung paano kami nagsimula.

"Anong height? May abs ba? Tska malaki ba 'yung ano?" Tawa ni Loraine.

Natawa na lang ako at umirap. "Hmm.. matangkad rin si Jackson eh. Siguro, compared kay Pierce.. I can't remember his height, ang alam ko ay 5'9 s'ya noong high school. I think, Pierce now is 6 foot tall and something baka nga ka-height n'ya na si Jack. And.. his built body. Nagy-gym ba s'ya ngayon? I think yes! Lumapad at lumaki ang katawan n'ya ah? Kapid n'ya siguro si Irene.."

Pinanuod ko ang pagngiwi na ginawa ni Loraine.

"For someone who already moved on, ikaw 'yung mukhang hindi. Hello? Kanina pa natin pinag-uusapan ang EX mo. Ang sabi ko po, let's talk about your current boyfriend. Past is past!" Humagalpak s'ya, nang-iinis.

Hindi ako nakapagsalita doon. Nagtatanong lang naman s'ya about kay Jack at pinalapiwanag ko sa kan'ya 'yon, nagagamit ko lang si Pierce para maipaliwanag ng mabuti!

"G-gusto ko lang ipaliwanag ng mabuti!" Irap ko.

"Yeah? Kasama ba doon ang pagcompliment sa katawan ni Pierce Jimenez? We are talking about his height." Tumaas ang kilay n'ya. "Nagsisisi ka na ba, girl?"

"Loka-loka!" Tumawa ako. "Ba't naman ako magsisisi!"

"Kasi hindi na totoy si Pierce? And he's matured already!" Tumawa s'ya. "Kunsabagay, ikaw naman ang nakipagbreak.. ba't ka magsisisi." Ngumisi s'ya at nagpatuloy sa pagkain.

Nagpatuloy na lang rin ako.

"Grabe naman kasi," Napunta kay Loraine ang tingin ko nang bigla na naman s'yang nagsalita.

Naghintay ako sa sasabihin n'ya. Mukha s'yang bigo.. at nanghihinayang.

"Ang tagal nyo rin.. Almost one year rin kayo ni pierce? Wala talagang forever, ganun?" Tumawa sya. "Talagang anniversary nyo pa kayo naghiwalay? I mean, hindi 'yung almost one year n'yo ang nakakahinayang eh. 'Yung love n'yo para sa isa't-isa. Especially his love for you.."

"Alam ko, Loraine.." Tumingin ako sa baba at nakagat ang labi. "Pero nakakasakal.."

Continue Reading

You'll Also Like

67.8K 1.1K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
25.5M 908K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
35.1K 719 56
Eanah Devon Inieno was contented with her peaceful life, she is independent and fearless. Not until the person she least expected entered her life. B...
11.7M 474K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...