A Day with the Devil

By LenaBuncaras

21.6K 810 182

WARNING R-18: SENSITIVE THEMES AHEAD. READ AT YOUR OWN RISK Sawang-sawa na sa buhay si Janica, at naisipan na... More

A Day with the Devil
The Strangers
Mr. Stranger and the Deathwish List
Mr. Stranger meets the Boss
Mr. Stranger meets the Mother
Mr. Stranger's Strange Moments
Mr. Stranger and the Last Death Wish
A Day with the Devil

Mr. Stranger meets the Ex-Boyfriend

1.7K 95 27
By LenaBuncaras

"Huy! Mr. Stranger! Huy!"

Halos hingalin na si Janica kahahabol kay Mr. Stranger. Ang laki kasi ng mga hakbang nito.

"Try mo kaya akong hintayin!" sigaw niya.

"Try mo rin kayang bilisan ang paglakad? Half past 5 na kaya."

Talo pa ni Janica ang nag-marathon sa sobrang hingal pagkasakay nila ng elevator. Masama lang ang tingin niya kay Mr. Stranger dahil pinahabol siya nito.

"Floor 17," sabi ni Mr. Stranger sa elevator boy.

"O?" Ikinagulat naman ni Janica ang pagkakabanggit ng lalaking kasama sa floor kung nasaan ang unit ni Peter. "P-Paano mo nalaman yung—"

Napatingin siya sa ibaba nang maramdamang hinawakan nito ang kaliwang kamay niya.

"Kapag naroon na, siguraduhin mo lang na gaganti ka nga. Kung hindi, ako ang gagawa ng pabor para sa 'yo."

Hindi katiwa-tiwala ang ngising ibinigay ni Mr. Stranger kay Janica. Napalunok tuloy siya dahil sa mga lumalabas sa bibig ng lalaki. Hindi na siya sigurado kung para saan ba ang ginagawa nila sa mga oras na iyon. Lalo lang siyang dinadalaw ng malalakas na kabog sa dibdib.

Idineretso niya ang tingin sa pinto ng elevator.

Ano'ng gagawin niya? Naalala niya ang ginawa niya sa ex-boyfriend nito lang umaga. Nagwala pa naman siya sa unit nito nang maabutang marami itong babaeng kasama at pulos pa nakahubad.

Hihinga sana siya nang malalim kaso nahinto.

Napahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Mr. Stranger dahil imahen lang niya ang nakikita sa reflection at hindi kasama ang lalaki. May kuyom-kuyom ang kamay niya, na sigurado siyang nararamdaman pero pagtingin sa elevator panel ay para bang nakahawak lang siya sa hangin.

At biglang bumukas ang pinto ng elevator.

"Mr. St—"

"We're here."

Tumuloy palabas si Mr. Stranger habang hatak siya. Halo-halo na naman ang nasa utak ngayon ni Janica. Ang ex, ang gagawin dapat niya rito, si Mr. Stranger at kung bakit wala ang reflection nito sa pinto ng elevator, ang ex ulit, at kung ano-ano pa.

Nilakad ng dalawa ang hallway ng isang condominium kung saan nakatira si Peter. Tahimik doon, nagtatalo ang dilim at liwanag sa nakapatay na mga ilaw sa unang bahagi ng pasilyo at reflection ng bukas na ilaw sa bandang dulo na tumatama sa puting tiles ng hallway.

Huminto silang dalawa sa tapat ng isang pinto.

"Dito ba?" tanong ni Mr. Stranger.

Tumango naman si Janica. Kumatok ang lalaki.

"Ano'ng balak mo?" tanong ni Janica.

"Ikaw? Ano ang balak mo?"

Isang katok pa at bumukas na ang pinto.

Napaatras si Janica habang nakakunot ang noo at tinitingnan si Peter na walang pang-itaas at itim na boxers lang ang suot. Pansin ang ilang mga sugat sa mukha nitong natuyuan na ng dugo na gawa niya mismo.

"Ang lakas din ng loob mo para magpakita pa rito, ha?" maangas nitong sabi sabay lipat ng tingin kay Mr. Stranger. Lalo tuloy kumunot ang noo ni Peter.

"Alam mo," saad ni Mr. Stranger, "panira ka ng imahen ng lahi mo." Hinatak nito si Janica para iharap kay Peter. "Mag-sorry ka kay Janica."

"Huh!" Natawa naman nang mahina si Peter at saka umiling. "Ako? Magso-sorry? Nakikita mo ba 'tong mukha ko, ha, pare?" tanong nito habang tinuturo ang mukha. "'Yang babaeng 'yan ang may gawa nito. Teka nga." Tiningnan nito si Janica na nakayuko lang habang tinuturo si Mr. Stranger. "Hoy, don't tell me, lalaki mo 'to. Siya ba ang rason kung bakit lagi kang tumatanggi sa 'kin, ha?"

Bakas na bakas sa tingin ni Janica ang pagtatanong kung ano ang sinasabi ni Peter.

"Kaya pala." Tumango-tango pa ito habang hinahagod ng tingin mula ulo hanggang paa ang babaeng kaharap. "Nag-iinarte ka pa, malandi ka rin pala."

Binalot ng tunog ng malutong na sampal na iyon ang buong pasilyo ng 17th floor.

Mabigat ang paghinga ni Janica habang nangingilid ang mga luha.

"Wala kang karapatang pagsalitaan ako ng kung ano-ano . . ." Naghalo na ang galit at lungkot sa nanginginig niyang boses. "Ang kapal ng mukha mo . . . ang kapal ng mukha mo! Ang kapal-kapal ng pagmumukha mo!" Sinugod na niya si Peter at paulit-ulit na binigyan ng kaliwa't kanang sampal. "Wala kang kuwentang tao! Pagkatapos ng lahat-lahat ng ginawa ko para sa 'yo, gaganituhin mo 'ko? Hayop ka! Sana hindi na lang kita nakilala! Para hindi na ako nagkakaganito dahil lang sa 'yo!"

Patuloy lang siya sa pagwawala at pananakit kay Peter na pilit namang sinasangga ang bawat sampal at palo niya. Halos manlabo na ang mga mata niya dahil sa luha. Hirap na ring huminga dahil sa sama ng loob.

"Mamatay ka na sanang hayop ka! Napakawalang kuwenta mo!"

Pagkatapos ng ginawa ni Janica mabilis niyang nilakad ang hallway papunta sa elevator.

Naiwan naman si Mr. Stranger doon na nakatingin lang kay Peter. Makikita sa mga labi niya ang kakaibang ngiti na nagbabadya ng isang hindi magandang balita.

"Kung hindi lang limitado ang oras ko ngayong araw, tatapusin ko na ang trabaho sa 'yo." Buong pagmamataas niyang tiningnan si Peter at sumeryoso na ang mukha niya. "Narinig mo ang sinabi niya. Hindi pa rito nagtatapos ang lahat. Maghintay ka lang ng mga susunod na mangyayari," huli niyang mga salita at hinabol agad si Janica para damayan.

"Janica! Sandali!"

Hindi naman huminto ang babae. Kulang na lang ay liparin niya ang elevator para lang maabutan ito.

"Wait!"

Pasara na sana ang elevator nang mapigilan pa niya at makapasok pa sa loob. Sandali niyang nginitian ang elevator boy at saka inilipat ang tingin kay Janica.

Panay ang hikbi ni Janica at pigil na pigil ang paghagulhol. Takip-takip niya ang mata para hindi makita ang pagluha.

Nagbuntonghininga lang si Mr. Stranger dahil nangyari nga ang inaasahan niya. Lumapit siya kay Janica at niyakap ito.

"Sige, iiyak mo lang 'yan." Hinagod niya ang likod nito para pakalmahin.

Patuloy lang sa paghikbi si Janica. Mabigat ang nararamdaman niya. Sa dami ng ibinigay niya para kay Peter, hindi pa pala sapat ang lahat ng iyon. Ayaw niyang sukuan ang tao pero hindi na niya kaya. Masyado nang masakit para tiisin pa niya.

Wala na siyang natitira pang dignidad na maaaring alagaan. Ibinigay niya sa isang gago ang lahat ng mayroon siya. Ano pa ang natitira?

Nagsisisi siya sa lahat. Pinagsisisihan na niya ang lahat-lahat ng nangyari sa kanila ni Peter. Ayaw na niyang mabuhay. Ang tanging bagay na dapat iningatan niya ay napunta lang sa maling kamay.

"Don't make any violent reactions, hmm?" bulong sa kanya ni Mr. Stranger.

Hindi naman niya maintindihan kung para saan iyon hanggang sa magulat na lang siya dahil binuhat na siya nito.

"Oh sh—"

"Just cover your face," dagdag pa ng lalaki kaya hindi na niya tinanggal ang pagkakatakip sa mukha.

Napalitan ng gulat at hiya ang lungkot niya dahil sa ginawa ni Mr. Stranger. Umiyak lang naman siya, hindi nag-collapse. Feeling tuloy niya, overacting na ang ginawang pagbuhat nito sa kanya.

Kaso, may iba pa siyang nararamdaman. Pakiramdam niya, lumulutang siya. Gusto niyang pumikit. Sa mga oras na iyon, pakiramdam niya ay protektado siya.

Pakiramdam niya ay may nakasalo sa kanya pagkatapos niyang mahulog.

Para siyang nasa fairy tale na sinagip ng kanyang Prince Charming.

Dama niya ang matitipunong braso nito. Ang tigas ng muscle sa dibdib. At mabango. Amoy lalaki.

Amoy mabangong, mayamang lalaki.

Amoy mabangong mayamang guwapong hot at seductive hunk na lalaki. Sapul.

Naramdaman na lang ni Janica na nakalapag na siya sa isang malambot na upuan.

Tinanggal na niya ang pagkakatakip sa mukha.

Nakabalik na pala sila sa Ferrari lang ni Mr. Stranger.

Sinilip niya ang mukha sa side mirror ng kotse. Pulang-pula na naman ang mukha niya at halos mangamatis na ang ilong kaiiyak. Mugto na rin ang mga mata niya, naghalo na ang pawis at luha sa pisngi.

"O, kamusta na'ng pakiramdam mo?"

Inilipat niya ang tingin kay Mr. Stranger na nakapasok na ng kotse. Tinitigan lang niya ito. Brokenhearted siya ngayon. Durog nga ang puso niya. Pero hindi niya maiwasang matuwa dahil sa mga oras na pinanghihinaan na siya ng loob, may nag-iisang dumaramay sa kanya kahit sagad-sagad na ang katangahan niya.

Maaaring sabihin na isang total stranger si Mr. Stranger sa kanya pero isang parte na ng buhay niya ang pinanghimasukan nito. At napakalaking bagay na niyon dahil nga dapat ay tatapusin na niya ang buhay sa ayaw na iyon kaso na-postpone pa dahil sa estrangherong kasama.

"Baka may asawa ka na ha, sabihin mo lang," naluluhang nasabi ni Janica. "Baka mamaya, may magreklamo sa aking nang-aagaw ako ng asawa."

"Single po ako," puno ng sarcasm nitong sagot.

Binuksan na naman ni Mr. Stranger ang compartment ng kotse at kinuha ang isang pack ng wet wipes at iniabot kay Janica.

"Kontento ka na ba sa ginawa mo sa ex mo?" tanong nito habang tinatanggal ang mga buhok na nadikit sa pisngi ni Janica.

"Ayoko nang pag-aksayahan siya ng oras. Naiinis lang ako kapag naaalala ko siya." At ipinunas niya sa mukha ang isang pilas ng wet wipes na bigay ni Mr. Stranger. "Bakit ang dami mong tissue? Ano 'to?"

"Pati ba naman tissue, Janica? Huwag mo na lang intindihin 'yang mga tissue na nasa kotse ko, okay? Ang intindihin mo ay ang next sa deathwish."

Sinilip ulit ni Janica ang relo. Mag-aalas-sais na. "Malapit nang gumabi."

"E, di doon na tayo sa company n'yo. Fifteen minutes lang naman ang layo rito."

At umandar na naman ang kotse papunta sa susunod nilang destinasyon.


♥♥♥

Continue Reading

You'll Also Like

141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
175M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...