DAMA: The Princess Bitch

Od JhingBautista

24M 371K 67.4K

Published under Summit - Pop! Fiction. Dirham series #2 Více

READ! (Important note)
DAMA Blurb
Prologue
Prologue 2.0
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note
Special Chapter: Interview With Meg (Questions)
Special Chapter: Interview With Meg (Proper)
Special Chapter: Interview With Dani (Questions)
Special Chapter: Interview With Dani (Proper)
Special Chapter: Interview with Oliver (Questions)
Special Chapter: Interview With Oliver (Proper)
Special Chapter: Interview With The Barkada (Questions)
Special Chapter: Interview with the Barkada Part 1
Special Chapter: Interview with the Barkada (Eli)
Special Chapter: Interview with the Barkada (Keeme)
Special Chapter: Interview with the Barkada (Eula)
Special Chapter: Mrs. Danielle Marie Dirham-Balutan
All About The Published Version
Portrayers

Chapter 41

318K 5.6K 589
Od JhingBautista

I want your heart, baby straight--no chaser.


--



Mahimbing pa rin ang tulog ng binata dahil sa pagod ito sa trabaho. Halos umaga na ito nang nakauwi. Idagdag pa ang stress nito dahil nasundan ito ni Dama. Dahil dito, hindi namalayan ng binata na naka-Indian sit na ang dalaga sa gilid niya. Pinapanuod lamang sya nitong matulog.

Had it not been for his alarm ay hindi pa sana ito magigising.

Unang bumungad sa dito ang mukha ng dalaga na nakatungo. Nakangiti si Dama.

"Good morning!" she greeted.

Zelo grunted saka sya nito tinalikuran. Nagtalukbong ito ng unan at nagsimulang matulog uli. Pero hindi nya hinayaang matulog ng binata. Niyugyog nya ito at kinulit-kulit hanggang sa wala na itong nagawa kundi bumangon.

"Bumangon ka na. Malilate ka na."

"Wala akong pasok!" iritado nitong sabi.

"Ah... wala ba? Eh di okay! Date tayo?"

"Magtatrabaho ako," he answered blandly.

"Trabaho na naman?" Sumimangot ang dalaga. There she was, thinking that Zelo would be ecstatic upon seeing her. Yung tipong aayawan nitong mapahiwalay sa kanya.

Talk about failed expectations.

"Hindi kase ako mayamang katulad mo."

"Kasalanan ko bang ipinanganak akong mayaman?" tanong niya dito.

Hindi ito sumagot. Instead, he got up from the couch and went straight to the bathroom. Mga labinglimang minuto rin ito doon. Pagkalabas nito, paligo na ito.

Dama blushed when she saw him half-naked. Parang hindi na sya nasanay eh madalas nya naman itong makita na nakahubad noong nasa bahay pa sila ng mga Nasino. Ang kaso nga lang ay dadalawa na sila ngayon. Feeling nya tuloy nasa honeymoon stage sila.

Napansin ata iyon ng binata kaya agad itong nagbihis.

Next stop, nagtimpla ng kape si Zelo. Para sa sarili lang nito. It's as if she's not in the house with him. Sinundan niya ito sa maliit na kusina ng apartment at saka sya nagtimpla ng sariling kape.

"Labas naman tayo," aya niya dito.

"May trabaho nga ako."

"Di ba pwedeng umabsent ka muna? Ano bang trabaho mo?" tanong nito sa binata.

"Waiter. May malapit na Chinese restaurant dito. Dun ako nagtatrabaho," sagot ng binata.

"Preparation na ba yan?" nakangisi niyang tanong.

"Preparation saan?" kunot-noong tanong ng binata.

"Para sa future natin," sagot ng dalaga. "Nag-iipon ka na para kapag kinasal tayo eh may pambuhay ka sa 'kin?"

Natawa ang binata sa sinabi niya. "Tingin mo papakasalan kita?"

Agad siyang napasimangot. "Bakit? Hindi ba?"

"Ayoko sa 'yo. Wala kang alam sa gawaing bahay."

"Meron kaya! Marunong akong magsaing!"

Inirapan sya ng binata. "Marunong? Alin? Yung pang-isang barangay tapos hilaw pa? Aksaya ka sa bigas!"

"Matututo rin ako!" buong paninindigan nyang sabi.

"Kelan pa?"

"Kapag kasal na tayo!"

"Hindi nga tayo ikakasal."

Kinapitan niya ito sa braso at sukat yugyugin. Nangangatapon tuloy ang kape nito kaya lalo itong nainis sa kanya.

"Ano ba! Wag ngang malikot!"

"Ang sama talaga ng ugali mo! Akala ko ba mahal mo 'ko?"

"Porket mahal papakasalan agad?" taas-kilay nitong tanong.

"Dun naman talaga ang punta nun di ba? Bakit? May iba ka pang balak?" Medyo tumataas na rin ang boses ng dalaga. Nagsisimula na rin kase syang mainis kay Zelo.

Hindi na lang sumagot ang binata. He finished his coffee at saka nito kinuha ang bag.

"Aalis na 'ko."

"Pasama kase!" habol ng dalaga.

"Ni hindi ka pa nga naliligo!"

"Eh di maliligo!"

"Matagal kang maligo. Malilate ako."

"Bibilisan ko," pagpupumilit niya.

"Five minutes."

"Grabe! Ano yun, wisik lang? 30 minutes naman!"

"Bat ang tagal? Nagdadasal ka ba sa CR?!"

"Babae kaya ako!" dahilan nya.

"Sa lahat ng babae, ikaw ang pinakamabagal. Tingin mo kagusto-gusto yan? Lalong hindi kita papakasalan. Ayoko sa mabagal kumilos," tuloy-tuloy nitong sabi.

Lalong bumusangot ang dalaga.

"Sige na! 10 minutes lang..."

Tumango ito. "Sige. Oorasan kita ha. Kapag lumampas ka sa 10 minutes, iiwanan talaga kita."

Agad na kumaripas ng takbo ang dalaga papuntang banyo. Akala mo'y may hinahabol na deadline sa sobrang bilis maligo. Halos magkasugat-sugat na nga sya sa bilis maghilod. Tapos ay kasama rin pala sa sampung minuto ang pagbibihis at pag-aayos. Buryong-buryo na sya ng bilangan siya ni Zelo on the last minute.

Dala ang suklay ay sumunod sya dito paglabas ng apartment. Ayun, habang naglalakad sila papunta sa restaurant ay nagsusuklay siya.

--

Pagdating sa resto ay agad syang pinaupo ng binata sa sulok. Naintriga yata ang may-ari kaya tinawag ito at tinanong kung sino sya. Hindi nya marinig kung anong pinag-uusapan nila dahil medyo malayo pero alam nyang sya yun dahil patingin-tingin ang dalawa sa kanya.

One girl na tingin nya ay server din ang kumaway sa kanya. Maliit na babae ito na singkit na singkit. Simple syang ngumiti dito saka sya nagpalinga-linga ng tingin sa lugar. Maaga pa at mukhang kabubukas lang ng resto.

Mga 15 minutes siguro syang nakatunganga doon ng buksan ng may-ari ang lugar. Wala pa sigurong limang minuto ay may pumasok na isang grupo ng mga babae.

Mukhang mga estudyante rin ang mga ito dahil sa mga librong dala. All are Chinese-American.

Naimbyerna sya agad sa mga ito nang mahalata nyang nagpapa-cute ang mga ito kay Zelo. Ito kase ang kumuha ng order ng mga ito. Halos sampung minuto nang nakatayo si Zelo sa tabi ng table ng mga dalaga habang hindi kuno sila makapag-decide kung ano ang kakainin.

Ngali-ngali nga nyang lapitan ang mga ito kundi lang sya tiningnan ng masama ni Zelo, as if he already knew what she's thinking of doing.

Naiinis syang nagpirmi sa upuan.

After 20 minutes, nakuha na rin nito ang order nila at dinala sa kusina. Sunod siyang nilapitan nito. Binaliktan nito ang upuan na nasa tapat nya at naupo ito doon. He propped is elbow on the back of the chair.

"Nakasimangot ka agad umagang-umaga," puna nito.

She crossed her arms. "Nagpapalandi ka kase," nakanguso niyang sabi.

"Nagtatrabaho lang ako."

"Trabaho? Tss. Nilalandi ka na kaya! Payag na payag ka naman."

"Alam mo kumain ka na lang. Gutom lang yan. Gusto mong siopao?"

"Ayoko."

He rolled his eyes at her. "Bahala ka nga." Tumayo ito at akmang aalis nang magsalita sya ulit.

"Gusto ko lauriat. Bilisan mo, gutom na 'ko," utos niya.

--

Nauna pa ang order niya dahil nag-iisa lang sya. Pagkahatid ni Zelo ng pagkain ay pinaupo niya ito at pinipilit nyang subuan ng pagkain. Nagkape lang kase ito kaya alam niyang hindi pa ito kumakain.

Tanggi ito ng tanggi pero mapilit sya. Pilit na may kasamang pagdadabog. Kaya bago pa sya mag-tantrums ay pinagbigyan nya ito.

Hindi pa nakuntento ang dalaga. Bago niya paalisin si Zelo ay nagpahalik pa sya sa pisngi. Hindi naman sya binigo ng binata. Natatawa na lang ito sa kababawan nya.

Nang umalis ito para mag-serve sa iba ay agad niyang tiningnan kung ano'ng reaksiyon ng mga babaeng lumalandi dito kanina.

Pare-parehong nakataas ang kilay ng mga ito. Unable to stop the urge, dinilaan niya ang mga ito. Take that, he's mine! She wanted to say.

--

Hindi na niya inantay hanggang sa mag-out ang binata dahil bukod sa nakakasagabal sya sa pagtatrabaho nito dahil sa kakulitan nya, ay marami ring customer. Unless kakain na lang sya maghapon, she better go home.

So she went home.

Wala naman syang magawa sa bahay kaya sinubukan nyang maglilnis. But after five minutes of dusting the imaginary dust off the shelves, she quit. She ventured to the kitchen but for fear of creating fire, hindi na niya itinuloy ang balak na pagluluto.

Sumunod niyang naisipan ang paglalampaso. Tiled naman ang buong apartment kaya hindi masyadong madumi. Kumuha sya ng isang timbang tubig at basahan. Binasa niya ang pamunas at saka nagsimulang maglampaso mula sa pinakasulok ng apartment.

Sa sobrang sinop niya, kinse minutos ang nagugugol niya sa isang tile. Gumabi na't lahat ay hindi pa rin sya nangangalahati.

Sa may pintuan na sya naglalampaso nang dumating si Zelo. May bitbit itong hapunan para sa kanila. Bahagya itong nagulat nang makita syang nakalupasay sa semento at nagpupunas ng sahig.

"Tumayo ka nga dyan!"

Hinila sya nito patayo. "Wait! Matatapos na 'ko!"

"Nalinis ko na yan! Nagdadamsak ka lang eh."

Napasimangot na naman ang dalaga. Heto sya, tagaktak ng pawis at amoy basahan pero hindi man lang naappreciate ni Zelo yung efforts nya.

Mangiyak-ngiyak siyang nagpahid ng pawis na tumutulo sa gilid ng mukha niya.

"Ano? Iiyak ka na naman?" he asked.

"Ikaw kase!"

Bigla siya nitong niyakap. "Ang akin lang naman kase, nagpapakapagod ka lang eh hindi naman kailangan," paliwanag nito sa kanya. Saka sya nito hinalikan sa noo. "Maligo ka nga. Ang baho mo," dagdag nito.

"Mabaho ka rin noh."

Amoy pawis kase sila pareho. Parehong pang pagod at gutom.

Yumakap din siya dito. "Namiss talaga kita."

Hindi ito umimik.

"Ako ba hindi mo namimiss?"

Still, no response.

"Hoy sumagot ka!"

"Hindi."

"Weh?" Ayaw nyang maniwala.

"Hindi nga," pag-uulit pa ng lalaki.

Humiwalay siya rito. Her eyes impose questions. Lots of them.

"Hindi ba talaga?" malungkot nyang tanong.

Her eyes widened in surprise nang bigla syang halikan nito.

"Hindi talaga."

xxxxx

AN: Bumati lang ako ng Happy April Fool's--joke na agad? Di ba pwedeng bumati muna? Hahaha... Sa mga nagtatanong at nagtatangkang mangumbinsi ng BS, I'm telling you now, WALA PONG BS sa DAMA. I think it's inappropriate at hindi naman kailangang lagyan. Hindi lahat ng kabataan ay ganyan ang takbo ng utak. Open-minded ako, yes. Pero... tingin ko naman hindi kabawasan sa story kung walang BS, tama? ^_^v

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

16.8M 210K 31
Mars Ochoco wishes for nothing but to have her treasured first kiss with her crush, Ezekiel Bautista. Just as she thought her chance finally came, he...
5.1M 145K 49
Nathalie Miru Mariano's Story August 8, 2015 - December 22, 2015
704K 3.1K 1
[One Shot Story] Masisira na sana ang araw ko, buti na lang nakasabay kita...
17.7K 982 28
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...