Casanova's Cinderella

By prismkatx

74.9K 1.6K 42

"Hanggang sa hindi na lamang laro ang lahat." - Zeke Zerinllo More

Casanova's Cinderella
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29 (Ending)
AUTHOR'S NOTE

Chapter 13

1.7K 50 1
By prismkatx

~Sam's POV~
"Ma, sure ka okay ka langa maiwan dito? Pede naman ako umabsent muna sa school tapos magpapaalam nalang ako kay sir na-"

"Sabi ko naman sayo anak na okay lang ako diba? Maayos na ang pakiramdam ko, at tsaka meron namang mga nurse dito e." Three days na si mama dito sa hospital, isang linggo syang kaylangan magstay para macheck ng doctor ang progress sa health nya.

Monday ngayon kaya kaylangan ko pumasok at magreport sa trabaho. Medyo nagdadalwang isip din ako na iwan sya dahil sabi ng doctor bawal daw syang ma-stress at mag-gagalaw.

"Basta tatawag ka agad ng nurse pag may nararamdaman ka ha. Pindutin mo lang yun ma." Turo ko sa button sa may tabi ng kama

"Anak, nakailang paalala ka na. Sige na, uamalis ka na at baka malate ka pa nyan."

I kissed her sa cheeks at nagpaalam ng aalis. Agad kong nakita si Zeke na naka-sun glasses, nakasandal sa kotse nya at suot ang kanyang billion dollar smile. Nginitian ko din naman sya dahil the last time I check, okay naman kami.

"Morning beautiful"

"Hi good morning"

"Let's go" pinagbuksan nya ko ng pintuan ng kanyang karwahe "sakay na"

Maayos na kaming nakakapag-usap ngayon. Halos wala ng ilangan, kung meron man ay kaunti nalang.

"Nga pala Zeke, tungkol dun sa bayad sa ospital" sya kasi ang nagbabayad sa lahat ng gastusin ni mama, ultimo gamot. Kaya nga naging mabait na rin ako sa kanya kasi yun nalang ang magagawa ko sa ngayon dahil wala pa kong pera na pangbayad sa kanya.

Lagi din nyang dinadalaw si mama at dinadalhan ng mga bulaklak at prutas. Sabi nya liligawan daw nya pati si mama and guess what, mauuna pa yatang maging sila kaysa kami. Super close na kasi nila at palagay na ang loob ni mama sa kanya.

Ang sabi nga nya ay wag ko daw masyadong phirapan si Zeke dahil mabait daw ang loko. Pati si Megan close na din si Zeke, madalas kasi silang nagkakasabay ng dalaw.

Nung una nga parang aso't pusa kung magkagalit pero ngayon... Ganun padin. Pero close na sila kaya hindi na masyadong madalas ang asaran. Madalas kaming apat nagmomovie marathon pag nadalaw ang dalwa. Sa tatlong araw na nilagi ni mama sa ospital, malaking improvement naman ang nangyari dahil maayos na sya.

Dahil na rin yun sa magandang ospital na kinalalagyan nya ngayon at yun ay sa tulong na din ni Zeke.

"Bakit may bago ba si tita na gamot? Sige ako na bahala." Sagot nya habang palinga-linga upang humanap ng parking space. Kakarating lang din namin dito sa school.

"Hindi yun. Ah... Tungkol sa pera na ginastos mo para kay mama"

"Anong tungkol dun?" Bat ba ang hina nya makagets

"Labas na, baka malate pa tayo. Ayokong umabsent ngayon." Sabay tawa ng loko at lumabas na nga ng sasakyan, lumabas na rin ako at nakita syang naglalakad na palayo.

Hinila ko ang laylayan ng kanyang damit dahilan para mapatigil sya "babayaran kita" nahihiyang pahayag ko

"Hindi na kaylangan" hinawakan nya ko sa magkabilang braso at tinignan ng diretso sa mata "gusto ko ang ginagawa ko Jill, masaya ako kaya wala akong kaylangang kapalit."

"Pero-"

"Zeke!" Sabay kaming napatingin sa pamilyar na boses...

Si Louise.

"Louise" saby naming bigkas, sinamaan naman ako ng tingin ni Louise pero nagbago ang ekspresyon ng muka nya ng tumingin na sya kay Zeke.

"Pede ba kitang makausap? Importante lang" nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni Zeke

"May kaylangan akong aminin sayo." Dagdag pa nya na lalo pang ikina-kunot ng noo ni loko

"Sure"

Naglakad na sila palayo ng di manlang nagpapaalam. Para akong manikin na basta nalang iniwan. At ganun na lamang ang pagsikipng dibdib ko ng makita ko pang hinawakan ni Louise ang kamay ni Zeke.

"Zeke" sigaw-bulong kong tawag, napalingon naman sya "what?"

Pilit kong hinanap ang boses ko para sagutin ang tanong nya pero hindi ako nagtagumpay. Parang pipe akong tumingin ng makahulugan sa kanya para maipahayag ang mga salitang ayaw lumabas sa mga labi ko.

Ngunit sa kasamaang palad ay hindi nya naintindihan ito.

"Tsaka na tayo mag-usap" bakas sa mga salita nyang yon ang panlalamig, parang sya yung Zeke nung una kaming nagkita.

Bakit biglaan naman yata nagbago ang mood nya? Anong tsaka? Kaylan ba yun? Petsa ba yun? Mamaya ba yun o bukas? Hindi ko kasi alam e kaya sana manlang niliwanag nya.

Alam kong hindi importante sa kanya ang pera pero hindi naman nya ko kaylangan iwan ng ganon. May sasabihin pa ko sa kanya eh.

'Bakit Sam ano nga ba ang sasabihin mo?' Rinig kong sabi ng utak ko. Ano nga ba? Wala naman diba? Sadyang ayoko lang na makitang magkasama sila ni Louise lalo pa't magkahawak ang mga kamay nila habang lumalayo sa paningin ko.

'Bakit naman ayaw mo? Eh hindi naman kayo diba?'

'Kasi gusto mo sya.'

'Nagseselos ka diba?'

'Wala kang kaylangan sabihin sa kanya pero tinawag mo padin sya kanina hoping that magstay sya sayo kaysa sumama kay Louise diba?'

Ilan lamang yan sa sinasabi ng utak ko habang tulala akong naglalakad papunta sa aking first subject.

"Oy tulaley!" Di ako nagulat, sahalip, I gave her a disgusted look.

"Ano meron bat ang panghe ng muka mo? Hahahahahha Is it the time of the month already?" Eto nanaman si Megan sa pangungulit nya.

"Malalate nako. Tsaka na tayo mag-usap."

"Seriously? Tsaka? Kaylan yun? Date ba yon?" Imbis na sumagot, tuluyan nalang akong naglakad papunta sa classroom.

Ganun din ang tanong ko diba? Kaya pano kong malalaman ang sagot.

**********
"...and with that, discharge na po kayo mamayang 4:00p.m mrs. Sebastian. Congratulations." Yan ang napakagandang balita na hatid ni doktora ngayon araw.

11:00a.m na rin kaya sandali nalang ang iintayin na oras. Nag-ayos na kami ng mga gamit ni mama, si Megan na ang susundo samin mamaya.

"Ma, uuwe daw po si kuya mamaya. Nagtext sya."

"Baka naman maubusan na si Andi ng pera nyan, nunh isang araw nya lang akong binisita tapos babalik na agad sya. Sabihin mo okay na naman ako kaya wag na syang mag-aksaya ng pamasahe dahil wala pa akong pambigay pag naubusan sya ng pera. Pag nagkatrabaho na ulit ako papadalhan ko sya roon kahit kaunting halaga lang." Ayan nanaman si mama, palabas pa nga lang ng hospital trabaho na agad ang iniisip.

"Hindi na kayo magtatrabaho ma, napagusapan na natin yang tatlo nina kuya diba? May trabaho naman po ako kaya may mapapang-gastos tayo kaya lang tipid-tipid pero okay na yun." Napagdesisyunan namin na hindi na magpapagod si mama, sa bahay nalang sya.

Scholar naman kaming pareho ni kuya at pareho ding may trabaho kaya pagtutulungan nalang namin ang gastusin. 50 na si mama kaya mabilis na syang mapagod at yun ang kabilin-bilinan ng doktor na iwasan nya.

"Anak si Zeke kamusta na? Matagal na din syang hindi nakakadalaw ano? May tampuhan ba kau?" Nasamid naman ako sa sinabi tanong ni mama na yon, kung may iniinum ako siguro nabugahan ko na sya.

"Wala ma, busy lang yun sa project nya."

"Ganon ba talaga ha? Baka naman inaaway mo Samuel? Nako yang kamalditahan mo talaga."

"Ma hindi po. Okay kami. Okay na okay nga eh." Kasinungalingan.

Its been 5 days since THAT day. Hindi nya ko kinukulit, walang laging nakasunod sakin at masasabi kong naging tahimik ang buhay ko pero masaya ba ko? Hindi.

Hindi ko gustong ganto kami, minsan magkakasalubong kami sa hall way at ngingiti ako pero mag-iiwas sya ng tingin. Madalas nasa cafeteria ako at andun din sya pero kahit sulyap wala syang ibinabato sakin. At ang masakit pa e yung lagi ko silang nakikitang magkasama ni Louise, lagi nya tong hinahatid sa classroom at sinusundo.

Wala naman akong nakikitang body contact sa kanila pero di pa rin napapalagay ang puso ko. Tinry ko syang itext at tawagan pero nagpalit na yata sya ng number.

"Hello? Earth to Samuel." Napatingin naman ako kay Megan "tara na, naibaba na namin lahat ng gamit nakatulala ka pa rin dyan. Tsaka mo na isipin yung prince charming mo, umuwe muna tayo sanyo okay?" Nun ko lang napansin na tulala nanaman ako, naging hubby ko na ata ang isipin si Zeke.

*****

"Go! Talk to him." Pilit akong itinutulak ni Megan sa table kung san nakaupo si Zeke dito sa cafeteria. Sabi nya wag ko na daw patagalin to dahil baka maloka lang ako sa kaiisip.

Sabi ko okay pero hindi ko naman naisip na dito nya sakin ipapakausap si Zeke, dito sa cafeteria kung san nagkukumpulan ang mga estudyante. Aba ayoko yatang maging tampulan ng tsismis.

"Ayoko nga best.." Angal ko

"Sabi mo kaya kahapon oo"

"Pero hindi naman dito." Malapit na kami sa table nila pero di pa kami pansin, mas pansin kasi ang ingay ng barkada nila eh.

"Whatever..." Akala ko aalis na kami "HOY SIKO!" Sigaw nya, syempre napatingin naman lahat pati na ron si Zeke. Hinila nya ko palapit sa kanila habang ako nakayuko lang.

"Hindi ko pa nasasabi kay Justin. Wag kang atat Megantron." Pang-iinis nya kay Megan. Sabi ko sanyo close sila e, si Megan pinapansin pero ako wala lang sa kanya.

Siko at Megantron ang tawagan nila. "Haha nakakatawa." Sabay irap ni megan "Pede ba alam naman natin kung anung pinunta namin dito, tumayo ka dyan at magusap kayo ni Sam!" Utos nya dito. Nakayuko pa rin ako.

"Sige" tumayo sya at naglakad na palabas ng cafeteria, itinulak naman ako ni Megan pasunuod sa kanya. "Sige na best magusap na muna kayo, itetext nalang kita later okay?"

I gave her a nod at sumunod na kay Zeke. Ramdam ko ang pagbubungan at tingin ng mga tao habang naglalakad kami. And as usual, dito nanaman kami napunta sa loob ng kotse nya.

"Ah eh.."

"Sorry" sambit nya "Sorry kung hindi manlang ako nagparamdam netong mga huling araw, naging busy kasi ako." Busy kay Louise?

"Okay lang" t@nga ka ba Samuel? Anong okay lang ang sinasabi mo dyan?

"Baka hindi pa rin kita masundo at maintindi muna ngayung mga susunod na araw kasi madaming project eh." Dagdag nya

"Ah okay." Diba marami akong katanungan at sasabihin sa kanya? Pero bat okay lang ang nalabas sa bibig ko? Napagpasyahan ko din na sabihin sa kanya na gusto ko na sya pero wala namang lumalabas sa bibig ko kundi okay.

"Once na okay na yung mga ginagawa ko papaalam ko sayo agad." Gusto kong itanong kung kelan pa kaya magiging okay yun at kung anung bang project ang ginagawa nya ng ganung katagal pero pinili kong manahimik.

"Sige" siguro dahil kita ko sa mga mata nya ang lungkot at pagkabahala kaya hindi ko na sya pipilitin pa.

"Babalik na tayo dun. Baka makita pa tayo ni Lou- I mean baka may makakita pa sating magkasama tapos matsismis ka nanaman." Una na akong bumaba ng kotse nya at hinintay sya sa labas.

Naisip kong itanong sa kanya pag naglalakad na kami kung ano ba yung project nya but I didn't got a chance to. Dire-diretso syang naglakad palayo pagkalabas nya ng sasakyan. And Once again, I was left.

I was left dumbfounded. Ansakit. Ramdam na ramdam ko yung pagsikip ng puso ko. Parang hindi ako makahinga. I just found my self sitting helplessly at the ground, crying.

That's when I realize my true feelings. I'm in-love with him.

I love Zeke Andrew Zerinllo.

And if space is what he really want, I'll give it to him. As long as he's happy I don't care if he's lying to me. Because at this certain moment,

I've fallen selflessly for the Casanova.

Continue Reading

You'll Also Like

22.6K 569 30
Life and death are everywhere. Sophia can see spirits or ghosts - whether they are good or bad. When she got in trouble because of a spirit, she met...
84.6K 1.1K 162
Verena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at l...
163K 4.3K 60
Book 2 of Bad Boy's Wife. *Kung hindi niyo pa po nababasa ang book 1, please pakibasa muna. Continuation lang po kasi ito.
30.8K 967 54
A story about a Girl who lost her memory about her first love who turns out to be the guy she hate the most. Who is also the ruler of the famous gang...