Chapter 9

1.7K 51 1
                                    

~Sam's POV~

"Talaga naman yan si Mr. Zerinllo wala ng dinala kundi gulo!" Galit na galit na sabi ni ma'am Reyes. Pano kasi inalisan nga sya ni loko ng walang paalam.

Napatingin naman ako kay Louise at nakita kong namumula sya. Bakit?

**
"Sam" kakalabas ko lang ng classroom at nakita kong naghihintay si Justin sa labas.

"Uy Justin" bati ko sa kanya with matching very wide smile.

"Anung sunod mong klase? Hatid na kita"

"Naku vacant ako ngayon, papunta akong library para mag-aral" sagot ko

"Ganun ba?" Medyo tumahimik sya saglit tapos binigyan ako ng nakakasilaw na ngiti "vacant din ako eh, tara samahan nalang kita sa library"

"Ah sige"

"So anu ang dahilan bakit gusto mong maging doctor?" Bigla nyang tanong

"Gusto kong tumulong sa mga walang pera, sa mga taong kagaya ko. Yung hindi nila kayang magpagamot kaya nalala nalang ang sakit nila hanggang sa ikamatay na nila ito. " siryosong sagot ko

"Pano kang yayaman pag ganun?" Siryoso din na tanong nya, by this time nakapasok na kami sa library. Malapit lang kasi mula sa classroom ko kanina.

Napatingin ako sa kanya dahil sa tanong nyang yun. Para sakin hindi naman kelangang lahat ng tao mayaman eh, ok na yung maginhawa ang buhay mo at ng pamilya mo. As long as nakakatulong ako at nasusuportahan ko ang pangangailangan ng mama ko ok na. Yun ang nasa utak ko pero hindi ko sinabi kay Justin.

Naghanap lang kami ng upuan at ng makaupo ay tsaka ako nagsalita ulit.

"Ikaw ba Justin anung course mo?"

"Business Management, why?"

"Bakit yan ang napili mo? Yan ba talaga ang gusto mo o pinilit ka lang ng mga magulang mo dahil ikaw ang taga-pagmana ng business nila?" Tanong ko sa kanya habang nagfi-flip ng page ng libro.

"Ako talaga ang may gusto nito, ayokong kunsumihin pa ang parents ko. Tanggap kong ako naman talaga ang magmamanage ng mga business namin someday eh. Gusto din ni Louise maging doctor at ayoko syang pigilan don kaya una palang hindi na ako nagdalwang isip na magBM." Kita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sya sakin while sinasabi yan.

"Mabait ka Justin." Hindi ko napigilang sabihin yon ng diretso sa kanya

"Hindi Sam, mali ka. Tulad din ako ng iba, nagagalit at nakikipag-away. Kagaya nalang nung huli, sorry ulit dahil nakasali ka pa sa gulo na yun." Medyo ilang na sabi nya, napapahimas pa sya sa leeg nya habang sinasabi nya yan.

"So kamusta kayo ni Zeke?" Tanong ko

"Ayun magtatatlong linggo na kaming hindi nagpapansinan, nagkikita parin naman kami dahil kelangan magpractice ng banda. E kayo kamusta?" Pagbabalik nya ng tanong sakin

"Kami?" Ulit ko habang nakaturo sa sarili ko at medyo napalakas ang sabi ko non ha.

"Walang kami hehe" nagtuloy nako sa paglilipat ng page ng libro kahit hindi ko alam kung anu bang hinahanap ko.

"I'm serious here Sam, kamusta yung panliligaw nya?"

Napalunok naman ako sa tanong nyang yon "makulit at mapilit, sinabi ko na naman sa kanyang wala syang pag-asa sakin e pero hindi talaga nya ako tinitigilan."

Hindi sya sumagot, madami na akong nabasa ng muli syang magsalita.

"Anung oras ang sunod mong klase?" Justin

Tumingin ako sa orasan ko, almost 2:10 palang "3:30 pa, lampas 1 hour pa akong tambay muna dito. Kung may klase ka pa una ka na. Ok lang ako dito."

Casanova's CinderellaWhere stories live. Discover now