Chapter 25

1.7K 42 1
                                    

Finally dalwang chapter, sorry for very slow update guys. I'll post Chapter 26 this Sunday para makabawi. Smile :))

---

~Sam's POV~

Naalimpungatan ako na may umaalog sakin "Babes gising na po, andito na tayo. Nakalabas na sila." kinusot-kusot ko pa muna ang mata ko bago ako nagmulat, kala ko Palawan ang destinasyon namin yun pala langit. Ang gwapo naman ng anghel na ito sa harap ko. I could get used to this.

Binigyan ko sya ng isang malapad na ngiti bago ako yumapos sa kanya, thank God nakilala ko ang taong ito. I can't imagine myself loving someone like this except him. Niyakap din naman nya ako agad pabalik "Ang ganda yata ng gising ng mahal ko ah."

Tumango-tango lang ako, wala naman akong badbreathe pag nagising pero naco-concious parin ako. Humiwalay sya sa pagkakayakap at tumayo tsaka sya ng lahad ng kamay sakin para tulungan naman akong tumayo "Tara na." nginitian ko lang sya, hinalungkat ko naman ang handbag ko habang naglalakad kami palabas ng plane para humanap ng menthol na candy. Buti meron, pang tanggal ng kung ano mang amoy ng bibig.

"San tayo magii-stay?" confident na akong magsalita since meron na akong nakaing candy.

"Surprise yon." he grinned then winked at me

"Lagi nalang surpise." maktol ko

"Life is even more beautiful when full of surprises babes" nagtuloy na kami sa paglakad hanggang makarating kina Meg, halos sabay-sabay na rin silang nagtayuan at naglakad palabas. Yung mga lalaki nagtatawanan at nagbibiruan, yung tatlong girls nagtetext at ineexamine yung manicured fingers nila, kami ni Zeke ay HHWW pa same as Meg and Justin. Di ko alam kung sila na since di pa kami nakakapagkwentuhan ni bessie ng masinsinan dahil nga busy these past few weeks.

Sumakay kami ni Meg, justin, Xed at Zeke sa isang black na Range Rover habang yung limang di ko kakilala ay sa van naman dahil di na sila kakasya dito.

Kami lang ni Zeke ang nagsasalita sa byahe papunta rito, ewan ko ba sa mga kasama namin. Si Xed naka-headphone na natutulog, si Justin at Meg naman magkaholding hands parin pero si Meg mangot na mangot na nakatingin kay Xed habang si Justin naman nakatingin lang sa labas ng bintana while si Zeke ang nagda-drive at ako ang nasa passenger seat.

Halos two hours pa ang binyahe namin bago kami makarating sa isang bahay bakasyunan na pag-aari nina Xed. Malaki ito, maituturing mo na nga ring mansyon kung hindi lang dahil sa design nito na pang-bakasyunan talaga. Overlooking ito sa napaka gandang white beach dito sa lugar.

Pagpasok namin nandun na yung lima, naligaw pa kasi kami dahil ayaw gumising netong si Xed para ituro ang daan. Yung driver kasi ng kabila nakapunta na raw dati rito. Pinakilala na rin nila kami sa isa't isa, si Aliaza yung matangkad na maputi, si Kim yung chinita na halos kasing tangkad ko lang, si Luna naman yung amerikana, si James yung lalaking mestiso na buff ang katawan at si Kelvin yung tisoy na laging nakangiti. Si Kelvin at James ay matagal na ring kaibigan nina Zeke samantalang yung tatlong babae naman ay mga sisiw daw nila.

"Ngayong magkakakilala na kayo, kumain na tayo may hinanda daw si Manag Rosa na dinner." usal ni Xed "Manang Rosa!" sigaw nya at lumapit naman ang matandang babae

"Hijo bakit naman nasigaw pa, andyan lang naman ako sa dining at inaayos ang makakain nyo." sikmat nya kay Xed

"Akala ko kasi nanunuod nanaman kayo ng teleserye eh" biro nya kay manag Rosa sabay yakap rito

"Ikaw talagang bata ka, nagmamadali nga ako para maabutan ko yung pinapanuod ko kaya habang nakain manunuod muna ako ha."tumango si Xed at humarap naman samin si manang "Sya mga anak parika na kayo, matatapos na rin yung hinahain ko dun na kayo maghintay sa mismong dining table."

Casanova's CinderellaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt