Substitute Mom (KathNiel) COM...

By TheBestDamnThingxx

496K 10.1K 388

FOREVER is a battle between LOVE, SACRIFICES and PAIN.. Reached: #11 in Fanfiction ©TheBestDamnThingxx Start:... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chpater 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Besties
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 16.2
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chaptet 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Dedications-Farewell
Book 2

Chapter 22

9.7K 181 6
By TheBestDamnThingxx

Happy reading! ❤ Visit my New Story The Kitchen Apprentice. Sana kung papano niyo ito sinuportahan ganoon din ang new story ko. Salamat.

Chapter 22

Daniel's Point of View

"Mama!! Huhuhu! Mamimi!!" napabalikwas ako sa pag-iyak ni Jordan.

Lumapit ako at binuhat siya. Patuloy pa din siya sa pag-iyak. Bakita kaya?

"Bakit? Umagang-umaga nag wa-wild ka na. Tigil na. Shhh. Sisipunin ka. Tahan." kumuha ako ng towel sa drawer at ipinunas sa kanya.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Kath na babagong gising pa lang.

"Nandito na si Mommy oh. Tahan na." kinuha ni Kath si Jordan sa akin at hinele.

Pinagmasdan ko siya habang pinapatulog ulit si Jordan. Halata ang antok sa mga mata niya.

Naalala ko ang pag-sigaw ko sa kanya kagabi. Hindi ko naman sinasadya eh. Sadyang ugh!! Tsk.

"Daniel, patimpla ako ng gatas. Isang scoop lang." bulong niya. Sinunod ang sinabi niya.

Matapos niyang mapa-inom ng gatas si Jordan ay naka-tulog din ito kaagad.

Napansin kong hinihilot niya ang braso nang maibaba niya si Jordan. Nilapitan ko siya para i-check.

"Ok ka lang?" tumingin siya sa akin saka tumango.

"May masakit?" tanong ko.

"Hindi. Medyo nangalay lang kasi ang bigat na ni Baby." paliwanag niya.

May ilang segundo kaming nabalot ng katahimikan.

'Yung kagabi. Hayy. May atraso pa pala ako. Kailangan kong humingi ng dispensa.

Hindi ko alam kung anong nangyari kagabi. Bigla kong naisip si Ella.

"Sorry." nagkatinginan kami kasi halos sabay kaming nag-salita.

"Kath, hindi mo naman kailangang mag-sorry eh. Ako 'yung may kasalanan kasi nagalit ako ng basta-basta." umupo siya sa couch kaya sinundan ko siya.

"Kung hindi naman ako nangulit diba hindi ka magagalit. Kaya sorry." sabi niya. Umupo ako sa tabi niya.

"Hayy. Oo na. Parehas na lang tayong mali. Pag-aawayan pa eh. Hahaha. Makulit ka, masungit ako. Pero hindi ka naman galit diba?" umiling siya bilang sagot, hinawakan ko ang dalawa niyang kamay at inilapat sa labi ko.

"Tara, mag-luto muna tayo ng breakfast bago tayo mag-bihis." inayos muna niya kumot ni Jordan saka kami bumaba sa kusina.

"Wait, may nakalimutan ako." nagtataka siyang tumingin sa akin. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang noo niya. "Good morning." narinig ko ang bahagyang pag-tawa niya.

"Ikaw ah. Panay pa-sweet ka. Hahaha. Good morning too." nag-palitan lang kami ng mga ngiti saka kami nag-simulang mag-luto.

Kathryn's Point of View

Nag-hahain na kami nang mag-simulang magsibabaan ang mga tao sa bahay. Magkasabay na bumaba ang dalawang girls at si JC.

"Good morning guys, kain na kayo." binigyan ko sila ng plato at kubyertos.

Bumaba na din si Mama at Papa kasunod si Tita na karga si Jordan.

"Good morning! Kain na po kayo. Tita, kain na po. Ako na bahala kay Jordan." pag-asikaso ko sa kanila.

"Hindi na, ako ang bahala. Kumain ka na lang para makapag-bihis ka na." hindi na lang na ko nag-pumilit at sinunod na lang si Tita.

"DJ, kain na." aya ko sa kanya. Umupo na siya sa tabi ko at kumain na kami.

---

"DJ, may ipapa-plantsa ka ba?" tanong ko.

"Itong polo ko." inabot niya sa akin ang damit. Papaalis nasana ako nang harangin niya ang daan.

"Bakit? Oy. Tatanghaliin tayo." sita ko sa kanya.

"Patingin muna ng damit mo." inilahad niya ang kamay kaya inabot ko nag dress ko.

Itinaas niya iyon at sinuri.

"Hanggang saan ang haba nito?" tanong niya.

"Below knee. Bakit ba? Gusto mo din bang mag-dress?" asar ko sa kanya. Tinignan niya lang ako ng seryoso. Ayy ayoko ng ganyang tingin. Galit ata siya eh.

"Baka kasi kung ano na namang isuot mo eh. Bilisan mo na. Para hindi tayo ma-traffic." minsan talaga natural na lumalabas ang pagiging boss sa kaniya.

Nagpunta na ako sa may laundry room para ipalatsa ang mga damit. Hindi naman masyadong gusot eh kaya na plantsa ko din ng madali.

Binuksan ko ang kwarto ni DJ at narinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Isinabit ko na lang sa handle ng cabinet niya.

Tumakbo na ako sa ko para maligo.

Ano kayang mangyayari mamaya? Ano kayang itsura ng Tagaytay ngayon? Magenjoy kaya kami? Sana maganda ang panahon ngayon.

Grabee!! Nakaka-excite talaga.

Nang makapag-bihis ako ay nag-lagay ako ng light make up. Naka-flats lang din ako. Kaya ang pandak na naman ang itsura ko. Kaway kaway ang hindi din biniyayaan ng mataas na height.

Inayos ko na ang gamit na dadalhin ko. Isang jacket at isang pares ng damit para kung sakaling madumihan ako. Inilagay ko sa sling bag ko, hindi masyadong malaki kasi konti lang naman ang dala ko.

Tumingin ulit ako sa salamin for the final look saka ako lumabas para tignan ang mag-ama. Binuksan ko pinto ng kwarto ni DJ.

Napangiti ako kasi magkatulad naman sila ng damit. 'Yung damit ay padala ng store kung saan kami nag-model (at Chapter 3) ang name niya is ahm. Ano nga 'yun? Scarlet, ay tama. Scarlet ung tatak sa tag eh.

Actually may ganoo din akong polo pero hindi daw nadala kasi naubos 'yung stock.

I don't know kung bakit sila nag-papadala ng mga damit. Sabi nung nag-deliver hintayin na lang daw sa Feb.

"Ang gugwapo naman po." masayang komento ko sa dalawa. Lumapit ako kay Jordan na nakahiga sa kama at umiinom ng gatas.

"Syempre. Maganda ang Mommy eh." bolero as ever.

"Ewan ko sa'yo. Hindi ka pa ba tapos? Excited na kami." sabi ko kay Daniel.

Nag-pulbos lang siya ng muka at saka nag-ayang bumaba na.

"Tara na?" binitbit niya ang gamit ni Jordan. Lumapit ako sa kanya para ayusin ang pagkaka-pulbos niya. Hindi naman kasi ayos eh.

"Ang sweet ng Mommy mo, baby. Ang ganda pa." pakabolero talaga. Hahaha.

"Oh tama na. Hahaha. Tara na?" akmang bubuhatin ko si Jordan pero inunahan ako ni Daniel.

"Ako na ang mag-bubuhat. Baka kasi mangalay ka na naman." sabi niya habang papalabas kami ng kwarto niya.

"Oh sige. Akin na lang 'yung bag niya para naman may dala ako."

"Ako na din. Kaya ko na 'to. Ok?" tumango na lang ako.

Pagkababa namin ay nakita ko sina Mama, Papa at Tita pati na rin ang mga bata na nag-aabang. Parang pupunta naman kami sa ibang bansa. Hahaha. Tagaytay lang po iyon.

"Ingat kayong dalawa ha. Huwag magpapagabi." bilin ni Papa.

"'Yung request mo DJ na foods nasa kotse na. Kayo ha, si Jordan babantayan. Baka makatakbo kung saan." sabi naman ni Tita.

"Ingatan mo 'yang dalawa, Daniel." bilin din ni Mama.

"Kuya, pasalubong." sabay na sambit ng dalawang girls.

"Kalma po. Hindi ko po papabayaan ang dalawa. Sa Tagaytay lang po ang punta namin, hindi honeymoon vacation." nagulat ako sa sinabi niya kaya siniko ko siya.

"Hehehe. Joke lang po, Tito." sabi ni DJ habang nakatingin kay Papa. Sinamaan kasi ng tingin eh.

"Alis na po kami." nag-mano kami sa mga magulang namin ni DJ saka kami lumabas ng bahay.

"Ingat, baby." kumaway si Tita sa amin. Hinatid nila kami sa may gate.

Inilagay ni DJ si Jordan sa backseat, may lalagyan siya doon para hindi mahulog kung sakaling mag-preno o makatulog.

Pinagbuksan ako ni DJ ng pinto saka ako sumakay.

Kumaway ako sa kanila ng mag-simulang umandar ang sasakyan.

First 'Family' date namin 'to na hindi sa mall ang destinasyon. Sobrang nakaka-excite lang.

Tumingin ako sa backseat para i-check si Jordan. Baka kasi hindi siya komportable na mag-isa.

"Kung sakaling magutom ka may pagkain sa likod. May mga foods akong pina-prepare." saglit siyang napalingon sa akin. "Gusto mo bang tabihan si Jordan?" tanong niya.

"Ok lang. Baka kasi hindi siya komportableng mag-isa or baka mahilo sa byahe." sagot ko habang nakatingin pa din kay Jordan.

"Eh, sige tabihan mo na lang." sabi niya at itinigil sa may tabi ang kotse.

"Ok ka lang na mag-isa dito?"

"I'm fine." nginitian ko siya saka ako bumaba ng sasakyan at tinabihan si Jordan.

"Ok na?" tanong niya.

"Ok na. Tara na."

Hindi naman nagtagala ng byahe dahil hindi naman traffic. Mga nasa 2 hours lang ang byahe. Dinala kami ni DJ sa Pinic Grove.

"We're here!" sabi ni DJ.

Bumaba siya at tinulungan kaming bumaba ni Jordan. Naramdaman ko kaagad ang malamig na simoy ng hangin. Namiss ko 'to.

"Grabe, ang sarap dito." sabi ko habang pinagmamasdan ang paligid.

"Namiss ko ding pumunta dito eh. Tara na. Para mas maenjoy natin." dala ni DJ ang basket na may lamang food at 'yung gamit ni Jordan. Ako naman inakay siya.

Tuwang-tuwa siya sa mga sarangola na pinapalipad ng mga bata. Nakakatuwa na nage-enjoy din siya.

"Nakapagbayad na aka sa entrance. Pasok na tayo." hawak ni DJ ang kamay ko habang buhat ko naman si Jordan.

Sarap sa sa pakiramdam may kasama kang mag-ama na ubod ng gwapo. Hahaha. Feeling ko nga ang daming taong napapa-second look sa kanilang dalawa.

Naglatag kami ng kumot para may maupuan kami. Kitang-kita sa view namin ang taal volcano.

"DJ, samahan mo muna si Jordan doon sa mga bata. Kanina pa gustong tumakbo papunta doon eh." sabi ko habang tinatalian ang buhok ni Jordan na tumatakip sa muka.

"Sige, tara baby. Manood tayo sa mga kite. Tara dali." hinayaan ko nang magtatakbo si Jordan, pinasundan ko na lang kay DJ.

Habang nakatanaw ako sa kanila, hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Sana lang maging maayos ang relasyon namin ni DJ.

Gusto ko si DJ at sigurado ako doon. Minsan hindi ko maiwasang mangamba na baka dahil sa ako lang ang nakikita niyang babae araw-araw kapag gumigising at bago matulog. Na baka dikta lang ng isip niya na mahal niya ako.

Papano kapag may nakita siyang higit pa sa akin? Natatakot akong maiwan na naman.

Sa araw-araw kong pagdadasal, isang dasal ang hindi ko malimot-limutan.

Ang sana siya na. Siya na ang panghabang buhay ko.

Gusto ko siya na. At sana ako din ang gusto ni DJ sa panghabang buhay niya.

Sana kaming dalawa na talaga.

"Baby! Tama na, pagod na si Daddy." reklamo ni DJ habang hinahabol si Jordan.

Nakitang patakbo siya sa akin kaya binuka ko ang mga braso ko para abangan siya ng yakap.

Niyakap niya ako at nagtago sa akin. Parehas silang hingal ng tatay niya.

"Hoo! Jordan, pinagod mo ako." sabi ni DJ at umupo sa tabi ko.

Naglagay ako ng tubig sa baso at iniabot kay DJ. Pinusan ko si Jordan sa likod.

"Pawis mo baby. Tama na ang takbo. Baka hikain kayo parehas." inilagay ko na lang sa likod niya ang towel. Kumuha pa ako ng isa.

"DJ, lapit. Pupunsan din kita." inuupo ko muna si Jordan saka ko siya pinusan sa likod.

"May iku-kwento ako sa'yo." bulalas ni DJ nang matapos ko siyang punasan.

"Tungkol saan?" tanong ko. Umupo siya sa tabi ko sumandal sa puno.

"Tungkol ka Ella." napatingin ako bigla sa kanya.

"Dj hindi naman kailangan eh. Baka napilitan ka lang." sagot ko.

Daniel's Point of View

"Hindi ah. Naisip ko din naman na walang masama kung i-kwento ko sa'yo ang past ko." sabi ko sa kanya.

"'Yung tanong mo kung papano kami nagkakilala. Nagsimula 'yun ng 5th year-college kami. Sumali siya sa Ms. Campus. Doon ako sobrang nagandahan sa kanya. Araw-araw lagi akong humahanap ng paraan para makalapit sa kanya. Pero hindi ko magawa kasi bantay sarado siya ng boyfriend niya. Dakilang playboy ang bf niya that time. Karamihan ng babae ay insecure sa kanya, madaming hater. Then one time, may kumalat na scandal. Siya at ng boyfriend niya. Simula noon tinigilan ko na ang paghanga sa kanya. Hindi dahil sa hinuhusgahan ko ang pagkatao niya, kundi dahil nakakahalata na ang boyfriend niya sa paglapit ko. Isang araw inaya ako ng dati kong kaklase ng high school na mag-bar. Dahil inisip ko na minsan lang naman, sumama ako. Hindi ko alam na kasama namin si Ella. Hanggang sa...."

'~'~'~'~'~'~'
Fast update!!! Hihihi. Sinipag ako eh. Salamat sa mga heavy voters. Naka-screenshot kayo sa phone ko kayakahit papano kilaka ko kayo. May FB Group po tayo search niyo lang -> Substitute Mom (Readers)

Votes, comments and being a fan is HIGHLY appreciated.

❤Alyssaxx

©2015

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 31.8K 65
I hate you! I hate you! I really really hate you Adam Inigo Alvarez!!! That's what she's been telling herself. Pero ganun padin ba kapag naramdaman n...
1.6K 143 42
Nagmahal,nasaktan ganyan ang parang rollercoaster na pagmamahalan nina Justin at Scarlet.Marami ang pumigil sa kanilang pagmamahalan,ninais ng pamily...
1.2M 19.1K 41
( Suplado Trilogy - Book III) We started with nothing. You're the snob guy who changed my life. In a snap, I just knew. I fell in love with you. Time...
22K 756 33
"Liligawan kita!" sabi ng weirdong babae sakin. Dale Fontanilla, a handsome young student had a normal life when suddenly came a girl who announced t...