Jersey Number Nine

By xelebi

407K 21.4K 17.4K

It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter... More

Jersey Number Nine
00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31

17

12.4K 656 454
By xelebi

• 🏐 •

"Sebby boy, may lakad ka? Bihis na bihis, a!"

"Uh, oo," sagot ko kay Uno.

Pinasadahan ko ulit ng tingin ang sarili ko sa salamin. Pagbalik namin dito sa dorm, pinaalala ni Nico na kakain daw kami kaya nagpaalam ako na ibababa muna ang gamit sa kwarto at para makapagpalit na rin ng damit.

Since nakaligo na ako sa dugout kanina after the game, nagpalit na lang ako ng kulay light yellow na t-shirt na may design na maliit na araw na naka-smile sa kaliwang dibdib. Medyo maluwag iyon sa 'kin na gusto ko para komportable.

Nagpalit din ako ng kulay dark brown na cargo pants at white sneakers tapos nagdala na rin ako ng maliit lang na duffel bag para sa cellphone, wallet, alcohol, wet wipes, tissue, at ang pinakaimportante sa lahat, ang mini fan.

Baka kasi biglang mamula na naman si Nico kaya dapat ay handa ako.

Tinanong ko kasi siya kanina kung sa malapit lang ba kami kakain pero ang sabi niya ay sa Binondo raw kasi gusto niya raw ng Chinese food. At sa totoo lang, na-excite ako kasi first time kong makakapunta ro'n. Buti na lang ay bukas pa ulit ang resume ng training namin.

Ngumuso ako habang tinitignan pa rin ang sarili sa salamin. Kinagat ko ang labi ko kasi parang wala na naman iyong kulay.

Ayos na ba itong hitsura ko?

Pero kakain lang naman kami, e. Ayos na 'to.

"Ikaw lang mag-isa? Gusto mo, samahan kita?" Tanong ulit ni Uno, nakaharap na sa 'kin, hindi na ro'n sa mga activities na ginagawa niya na malapit na raw ang deadline.

"Kasama ko si Nico."

Natigilan siya sandali. "Si Boss Nico?"

"Oo," sabi ko saka inayos ang buhok ko.

"Saan kayo kakain at bihis na bihis ka? Ang daya! Kapag ako ang kasama mo, palagi ka lang naka-bagong gising look! Tapos kapag kay Boss Nico, naka-sapatos ka pa."

"Sa Binondo raw niya gusto kumain, e. Nakakahiya naman kung nakapang-bahay ako."

"Binondo?! Sama ako!"

"Ayaw niya raw ng may kasama."

"Ang daya n'yo naman! Gusto ko rin mag-Binondo! Ba't ikaw lang inaya niya?"

Nagkibit balikat na lang ako.

Pero sabi ni Nico kanina, gusto niya raw ng peace. Baka mukha akong kapayapaan sa paningin niya. Sabagay, sina Uno kasi, mukhang kaguluhan, e.

Ngumuso ako habang tinitignan iyong buhok kong hindi ko sigurado kung naayos ko ba. Nag-decide kasi ako na itago ang noo ko. Hindi naman iyon malapad pero may bumubulong sa 'kin na hayaan ko lang na nakabagsak ang buhok ko. Medyo nanibago nga ako sa hitsura ko pero ayos na iyan para maiba naman.

"Lately, napapansin ko, nagiging close na kayo, a? Parang dati, takot ka pa sa kaniya. Nagseselos na ako, Sebby boy! Akala ko, tayo ang mag-bestfriends?"

"Bestfriends naman talaga tayo," sagot ko na lang para manahimik na si Uno saka siya nilingon para ipakita sa kaniya iyong buhok ko. "Bagay ba?"

"Kahit kalbo ka pa, Sebby, feeling ko bagay pa rin sa 'yo."

"Sira," natawa ako. "Hindi nga? Hindi ko ba kabuhok si Justin Bieber no'ng kabataan niya?"

"Hindi, gagi. Kabuhok mo iyong mga oppa sa k-drama. Ang pogi mo, Sebby boy," sabay thumbs up niya. "Magkasing-pogi talaga tayo."

Natawa ako saka humarap ulit sa salamin. Hindi ko alam pero kapag galing talaga kay Uno, nakakataas ng self-confidence. Siguro kasi ay alam mong genuine iyong pagkakasabi niya.

"Ikaw rin," sabi ko. "Bagay sa 'yo iyong buhok mong kulot," subok ko na bigyan din siya ng compliment kahit hindi ko sigurado kung nababasa ba iyong buhok niya o water proof iyon.

"Ayoko nga nito, e. Ang hirap suklayin sa umaga!"

"Ayos lang iyan. Ikaw naman iyong kulot na hindi salot."

Malakas na natawa si Uno kaya natawa ulit ako. Sabi kasi nila, kapag kulot daw, salot, 'di ba? Pero hindi naman salot si Uno. Makulit madalas pero gano'n na talaga siya, e. Mas magtataka siguro ako kapag hindi siya maligalig.

"Pero Sebby, kayo lang talaga dalawa ni Boss Nico?"

"Oo nga."

Hindi agad sumagot si Uno. Pagtingin ko salamin ay nakita kong nagtagal ang tingin niya sa 'kin. Nakakunot na ang noo at para bang may malalim na iniisip.

"Nakakainis kayo. Hindi man lang kayo nag-aya!"

"Gusto mo ba sumama talaga? Tanungin mo si Nico. Tapos ayain na rin natin sina Kuya Nolan para marami tayo."

Medyo nagulat nga lang ako nang biglang sabunutan ni Uno ang sarili niya. Grabe, minsan talaga ay unpredictable ang mga susunod na galaw ng roommate ko na 'to, e.

"Gusto ko sana pero ang dami ko pang gagawing activities!"

"Sabi ko kasi sa 'yo kahapon, gawin mo na iyan, e."

Bumalik si Uno sa pagmumukmok sa mga gagawin niya kaya napailing na lang ako. Kapag ito talaga, hindi pumasa ngayong semester, hindi ko na hihintayin na si Kuya Harold ang babatok sa kaniya. Ako na mismo ang gagawa no'n.

Nagpaalam na ako kay Uno. Nagpabili na lang siya ng pasalubong na fried siopao at egg tart kaya nanghingi ako ng pera sa kaniya. Iyon nga lang, paglabas ko, halos mapatalon ako sa gulat nang maabutan na ro'n si Nico. Nakasandal siya sa may pader habang abala sa phone niya.

Lumingon siya sa direksyon ko. Umayos siya ng tayo at nakita kong napaawang iyong labi niya habang diretso ang tingin sa 'kin. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng hiya habang lumalapit sa kaniya.

Iyon na naman kasi ang malalim na tingin ni sir.

"Uh, tara na?" Sabi ko.

Pero hindi nagsalita si Nico. Nakatitig lang siya sa 'kin kaya mas lalo tuloy naging awkward. Ano ba iyan...

"Bakit?" Tanong ko.

Napakurap siya. "N-Nothing," sagot niya. "Bagay sa 'yo."

"Iyong alin?" Pagtataka ko.

"Ako," mahina ang boses niya.

"Huh?"

Nakita kong nataranta siya at namula. Hala, ang aga naman ng pamumula niya! Mukhang mauubos yata agad ang battery ng mini fan ko, a?

"I mean, your hairstyle. Bagay sa 'yo."

Ako naman ang napakurap. Wala sa sarili kong hinawakan ang buhok na tumatakip nyayon sa noo ko saka maliit na ngumiti sa kaniya. Naniniwala na talaga akong bagay iyon sa 'kin kasi dalawa na silang nagsabi ni Uno.

Kung pwede lang na iyon ang palaging ayos ng buhok ko sa training at games pero ang hassle kasi kapag pinagpawisan. Baka dumikit iyong buhok ko sa noo ko dahil sa pawis.

"Thank you," sagot ko saka siya pinasadahan ng tingin. Nagpalit din pala siya ng damit. Naka-gray siyang hoodie na may puting t-shirt sa loob, relaxed-fit denim jeans, at white sneakers. "Tara na?"

Tumango siya saka kami dumiretso sa hagdan pababa. Tahimik lang si Nico pero nando'n pa rin iyong pamumula ng mukha niya.

Naiinitan na naman? Magsi-six na ng gabi, a? Bakit kasi nag-hoodie pa siya kung madali naman siyang mainitan?

"Uh, malayo ba iyong Binondo rito?" Tanong ko.

"Twenty minutes away," sagot niya.

Tumango ako. "Anong sasakyan natin papunta ro'n? Jeep?"

Nilingon niya ako saka siya ngumiti. "Magmo-motor tayo, Seb."

Napakurap ako at kumunot ang noo. Magmo-motor daw... paano iyon? Magbu-book kami? E, 'di magkahiwalay na motor iyon? O pwede kami umangkas na dalawa sa iisang motor lang? Kakasya ba kami? Ang laking tao pa naman nitong si Nico. Pwede ko kayang i-suggest na mag-jeep na lang kami?

Kakaisip no'n ay hindi ko na namalayang nakababa na pala kami sa lobby. Iyon nga lang, nagulat ako nang makita ro'n sina Coach Greg at Kuya Harold na magkausap. Mabilis nila kaming nilingon. Hala, ano pang ginagawa rito ni coach?

At halos mamangha ako sa kanilang dalawa kasi mabilis din ang transition ng emosyon sa mga mukha nila. Mula sa seryoso ay naging iritable iyon.

Yumuko na lang ako at bahagyang nagtago sa likuran ni Nico.

"Nico, Seb, saan kayo pupunta?" Tanong ni Coach Greg.

"Kakain lang kami," sagot ni Nico.

"Kakain? Hindi n'yo ba nakuha iyong recovery food n'yo kanina?"

"Hindi kumakain si Seb ng manok."

"Ha? Bakit?" Nawala ang pagiging iritable sa boses ni Coach Greg. Napalitan iyon ng pag-aalala. "May allergy ka ba sa manok, Seb?"

"Hindi lang siya kumakain no'n," si Nico ang sumagot.

Sandaling natahimik si Coach Greg. Tiningala ko sila at naabutan kong titig na titig siya sa 'kin habang si Kuya Harold naman ay mariin ang tingin kay Nico.

"Saan kayo kakain?" Tanong ni coach.

"Diyan lang. Babalik din kami agad," sabay lingon sa 'kin ni Nico. "Let's go."

At natigilan ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko saka ako hinila palayo ro'n. Hindi ko na nilingon pa iyong dalawa kasi sigurado rin naman akong sinusundan nila kami ngayon ng tingin.

"Okay ka lang, Seb?" Tanong ni Nico nang huminto na kami sa paglalakad.

At doon ko lang napansin na hindi pala kami lumabas ng compound ng dorm. Nandito kami ngayon sa parking area.

"Uh, oo. Ayos lang ako," napakurap ako. "Bakit pala tayo nandito?"

"Nandito kasi iyong motor ko."

"Huh?"

Maliit na ngumiti si Nico saka niya tinuro iyong kulay itim na motor na nasa harap namin. Hala, ngayon ko lang iyon napansin! Ang ganda! Tapos may kalakihan din. Wala akong alam sa mga motor pero alam kong mamahalin iyon.

"Sa 'yo 'to?" Kumpirma ko kasi hindi ako makapaniwala na may motor pala siya at marunong siyang magmaneho ng gano'n.

"Yeah."

"Wow..." hindi ko na napigilang sabihin. "Ang ganda."

"Thank you," namula iyong pisngi niya.

"Marunong ka pala mag-motor?"

Tumango siya. "Ikaw?"

Umiling ako. "Hindi, e. Pero gusto ko matuto."

"Gusto mo... turuan kita?"

Ngumiti ako. "Wala pa naman akong sariling motor, e. Kapag may pambili na ako."

"Pwede mo namang hiramin itong akin. Anytime. Just tell me kung kailan mo gusto."

Hala, kung makasabi naman siya no'n, akala mo, hoodie lang itong pinapahiram niya.

"Ayoko. Baka magasgasan ko."

Simpleng bisikleta nga, sumesemplang pa ako, e. Ano pa kaya kapag motor? Pero sabi naman nila, mas madali raw matutunan ang motor kaysa bike pero kahit na.

"That's fine. E, 'di ipaayos."

"Wala akong pera pampaayos."

"Ako nang bahala ro'n, Seb," sabi niya saka tumingin nang diretso sa 'kin. "Okay lang kahit ibangga mo pa."

Ngumuso ako. "Gusto mo akong mabangga?"

Doon niya lang yata na-realize iyong sinabi niya. Pinigilan kong matawa nang makitang mabilis ulit siyang namula at nataranta. Umawang din iyong labi niya na hindi malaman ang sasabihin. Ngayon, sigurado na ako kung anong dahilan ng pamumula niya.

"T-That's not what I-"

"Biro lang," putol ko sa kaniya na natatawa na.

Ngumuso naman siya ro'n. Hala, parang malaking baby.

"Pero akala ko, no'ng sinabi mong magmo-motor tayo, magbu-book lang tayo sa app..." sabi ko.

Nakita kong nagtaka si Nico no'ng una pero natawa rin siya pagkatapos. Inangat pa niya iyong kamay niya at inasahan ko nang guguluhin niya iyong buhok ko pero hindi niya tinuloy.

"Ayoko palang sirain iyong buhok mo," sabi niya.

Natawa rin ako. "Masisira rin 'to kapag nag-helmet ako," sabay turo ko iyong dalawang helmet na nakasabit sa motor niya.

"Oh, right," sabi niya. "Ayusin na lang natin mamaya."

Kinuha niya iyong kulay puting helmet. Akala ko ay ibibigay niya sa 'kin iyon pero natigilan na lang ako nang lumapit siya at siya mismo ang nagsuot no'n sa ulo ko.

"Hala, ako na-"

"Let me, Seb," marahan ang boses niya.

Hindi na ako nakaangal. Napapakurap na lang ako habang tinitingala siya.

Siya naman ay diretso lang ang tingin sa 'kin habang inaayos ang helmet sa ulo ko.

Umihip ang malamig na hangin. Napansin ko rin ang pag-aagaw ng mga kulay sa langit dahil pagabi na. May kulay orange. Merong yellow. May pink. At may blue. May iilan na rin akong nakitang mga stars at ang buwan ay maaga ring nagpakita ngayon. At hindi ko alam pero... kasabay no'n... ay ang pagbilis ng kabog ng dibdib ko.

At mas lalo iyong bumilis nang ngumiti si Nico.

Hala... ano iyon?

Pero hindi na ako binigyan ng pagkakataon na makapag-react. Umalis na si Nico sa harapan ko at pinanood ko siyang sinusuot no'ng isa pang helmet. Kung iyong akin ay kulay white, iyong kaniya naman ay kulay black. Pagkatapos ay sumakay na siya sa motor at maya-maya lang din ay pinaandar na iyon.

"Sakay na, Seb," sabi niya.

Nakakahiya pa nga kasi medyo nataranta pa ako. Hindi naman ito ang unang beses na aangkas ako sa motor pero parang biglang nanghina iyong mga tuhod ko.

Pakiramdam ko, madadapa ako at gugulong sa sahig.

Nang makaupo na ako nang maayos sa likuran ni Nico ay kumapit ako sa likurang parte ng motor niya. Pero nagtaka na lang ako nang hindi pa kami umaandar.

Nilingon niya ako. "Kapit ka."

Napakurap ako. "Huh?"

"Kapit ka, Seb. Baka mahulog ka."

"Uh, nakakapit na."

"Saan?"

"Huh?"

"Saan ka nakakapit?"

"Uhm, dito sa may likuran."

"Bakit diyan?"

"S-Saan ba?"

At nagulat na lang ako nang kunin niya iyong mga kamay ko at ilagay iyon sa bewang niya.

Hala... sa bewang talaga? Hindi ba pwedeng sa balikat na lang niya?

Pero teka, bakit ba ang bilis pa rin ng kabog ng dibdib ko?

"Higpitan mo iyong kapit mo, Seb," rinig kong sabi niya.

"H-Hindi ba pwedeng sa balikat mo na lang-"

"Hindi pwede," putol niya sa 'kin.

Iyong pagkakasabi niya no'n, parang magagalit talaga siya kapag sa ibang parte ng katawan niya ako kumapit.

Kaya imbes na makipagtalo pa ay hinigpitan ko na lang ang kapit sa bewang niya. Napatingin ako sa salamin ng motor niya at nakita ko siyang nagpipigil ng ngiti.

Hanggang sa magkatinginan kami ro'n.

Inayos niya iyong salamin at tinapat iyon sa 'kin kaya pareho ko nang nakikita ang repleksyon naming dalawa.

Nakita ko siyang ngumiti.

Kaya ngumiti rin ako sa kaniya.

Binasa niya iyong labi niya at bahagyang yumuko pero mas lang lumaki ang ngiti.

"Let's go," sabi niya at maya-maya lang din ay nasa kalsada na kami.

Walang mabigat na traffic ng mga oras na iyon kahit pa rush hour na. Pero kahit na gano'n ay hindi mabilis ang pagpapatakbo ni Nico. Tama lang. Hindi rin siya mahilig sumingit at malayo pa lang ay babagalan na niya ang takbo kapag nag-yellow na ang traffic light.

"Look at the stars... Look how they shine for you..."

Napalingon ako sa katabi naming jeep habang nakahinto kami sa red light. Medyo malakas ang music ni manong driver pero hindi ako magrereklamo kasi iyong kanta na pinatutugtog niya ngayon ay iyong isa sa mga paborito ko.

At doon ko biglang na-realize na sakto iyong title ng kanta sa kulay ng damit ko ngayon. Tapos pagtingala ko ay ang dami nang stars sa langit.

Napangiti ako. Ang galing lang.

"And everything you do..."

Napakurap ako nang marinig si Nico na biglang sinabayan iyong kanta sa malalim na boses. Mula sa langit ay nalipat ang tingin ko sa salamin ng motor niya... at doon ay naabutan ko siyang nakatingin na pala sa 'kin.

Napaawang iyong labi ko.

At naramdaman ko na naman ang pagkabog ng dibdib ko.

"Yeah, they were all yellow..." pagsabay pa rin niya sa kanta habang diretso ang tingin sa mga mata ko.

Continue Reading

You'll Also Like

495 46 7
The sinking ship represent Leiro Dewey Salazar's life, he always see his life as battleship fighting his own unpredictable waves, but when his ship s...
69.6K 2.4K 38
Eli, a warmhearted boy dreaming of experiencing romance on his youth. He's a good student, works at a coffee shop, and has a massive crush on a young...
1M 36.1K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
444K 13.3K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.