Denying Affinity (Affinity #1)

By kissmyredlips

3.6M 100K 13.1K

To love is to sacrifice. Iyon ang paniniwala ni Avis Magdalene Sebastian. She believes that love is doing eve... More

Prelude
Sugar and Mint
Virgin
Unsafe
Walang Paki
Forbidden Fruit
Dump Him
Kahapon
Meant To Be
Can We Date
Missed
I Don't Mind
Fun
Montero Sport
Backseat
Manliligaw
Hung Up
Maybe I Could
I'll Reply
Prioritize You
Make Me Mad
Next Time
It's Positive
Papasok
Come With Me
Binabaliw
Jealous and Insecure
Let Him Go
What's This Feeling
Hindi Tayo Pwede
All You Want
My Boyfriend
Secret Girlfriend
Won't Approve
To Sacrifice
Akala Ko Ako
Fight For You
He Kissed
Dumampi
End
Epilogue

Button Up

76.8K 2K 113
By kissmyredlips

"So, sino ang isang behind the camera?"

Itinaas ko ang kamay ko at napangiwi silang lahat. "I'm not comfortable with smiling."

"Avis! Daya mo!" Savion pouted. Nagkibit balikat ako.

Itinanong nila, sumagot lang ako. Hindi ko naman kasalanan na mabagal silang magtaas ng kamay. Hindi talaga ako komportable. It's awkward for me who doesn't even smile a lot. Bukod kay Luke Dashiel at Savion, I don't think they've ever seen me smile.

"I raised my hand first. Sorry not sorry." malamig na sagot ko. Umirap si Savion sa akin.

Tumingin si Savion sa direksyon kung saan alam kong nakaupo si Luke Dashiel. Nagtagal ang titig niya doon kaya pati kami ay napalingon din. Nakaupo lang naman doon si Luke Dashiel sa buhangin at tahimik na umiinom ng bottled iced tea habang nakatingin sa dagat.Ibinalik ko ang tingin sa pinsan ko. Nang makita ko ang malaking ngiti sa mukha niya ay alam ko na agad ang ideya na pumasok sa mataba niyang utak.

"Luke!" sigaw ni Les.

Isang tawag lang ng pangalan ay lumingon agad si Luke Dashiel sa amin. Sa akin siya unang tumingin, umaasa na ako ang tumawag sa kanya pero nang maisip na hindi ako iyon ay inilipat niya ang mga mata sa pinsan ko.Kinumpas ni Savion ang kamay niya at malaki ang ngiti sa mga labi nang sinesenyas kay Luke Dashiel na lumapit. Kumunot ang noo ni Luke Dashiel pero sumunod din naman siya.

Tumayo siya at pinagpagan ang cut off shorts bago yumuko at abutin ang dalawang iced tea bottle. Sa akin ang isang iced tea, binigay niya sa akin iyon kanina pero hindi ko tinanggap dahil hindi ko siya pinapansin. I was pissed at him. Was. I'm still angry at the fact that he ditched school, but I don't mind talking to him anymore. Hindi na ako naiinis ngayon pero hindi ko alam kung bakit hindi ko pa rin siya pinapansin.

"What?" tipid na tanong niya.

Ngayon ko lang napansin ang pagkakaiba ng tono niya sa tuwing ako ang kausap mula sa tono niya tuwing ibang tao ang kausap. His tone and the way he speaks when he's talking to me was soft and calm, a little hesitant... and gentle. While the way he talks with other people was calculated. It's a blurred line between cold and disinterested. A little playful when he's really into the conversation pero bihira ko naman na makita si Luke Dashiel na may kausap na iba. Maliban sa kay Les, Savion, at yung huling naging babae niya ay wala na akong ibang nakita. I can't count the girl he was talking with at the house when he was in fourth year because he looked bored that time.

"Pwedeng ikaw na lang ang mag video sa amin?" tanong niya.

Napatiim ang bagang ko. I knew it. Damn, Savion talaga.

"Savion, ako na ang kukuha." nakasimangot na sabi ko.

"But that would be unfair for us. Tsaka better na yung makikita ka sa scene, para mas mataas ang grade mo. Tutal nandito naman si Luke."

"I think that's a great idea." sabat ng isa naming ka-grupo. Isa-isa silang nagsalita at pumayag sa suggestion ni Savion. Majority wins. I'm obviously outnumbered kaya wala akong magagawa kung hindi ang sumunod sa gusto ng nakakarami.

My cousin is an ass.

"So, what do you say, Luke?" tanong ni Savion. Kahit na hindi ko siya tiningnan ay alam kong nilingon siya ng lahat para hintayin ang magiging sagot niya.Matagal na hindi nagsalita si Luke Dashiel at halatang iniisip pa ang isasagot. Hindi ko pa rin siya tinitingnan pero ramdam ko na nakatingin siya sa akin.

"I'll do whatever Avis wants," sagot niya at umungol naman si Savion.

Nilingon ko si Luke Dashiel na seryosong nakatingin pa rin sa akin.Napabuntong hininga ako. I get my cousin's point and I can't argue with rationality.

"Alright. Fine. Luke Dashiel will take over the camera." I shrugged ever so casually at them.

"Great!" ipinalakpak ni Savion ng isang beses ang kamay niya at sinimulan na nilang mag-usap tungkol sa magiging break down ng scenes. Umirap ako at nanahimik sa kinatatayuan. Naramdaman ko ang paglapit ni Luke Dashiel sa tabi ko. My mood was forgotten and I'm suddenly feeling anxious.

"Are you thirsty?" my stomach flipped at the sound of his voice. It was husky and low. A plain whisper and yet... It sounded alluring. I feel seduced. Shit.

"A little." I sound parched. And maybe I am. Hearing Luke Dashiel talk like that made my mouth feel dry. Damn. Hindi ko alam kung nag-iinit ang pakiramdam ko dahil sa araw o nag-iinit ako sa ibang dahilan.

"Here." inabot ni Luke Dashiel sa harapan ko ang bottle. I gave him a small nod and a silent thank you before reaching for the drink that he bought for me.Naramdaman ko na may gustong siyang itanong sa akin pero hindi niya alam kung paano itatanong iyon.

Bago pa makapagsalita si Luke Dashiel ay tinawag siya ni Savion. Tumingin siya sa akin at mukhang may pag-aalinlangan sa mukha niya. He doesn't want to leave my side. I know that. I don't want him to leave but that would be wrong.

"Sige na, they'll tell you what to do." tumango ako sa direksyon ng mga ka-grupo ko na nakapuwesto sa isang lamesa na may malaking umbrella. Sumimangot si Luke Dashiel pero sa huli ay tumango siya at lumapit sa kanila.

Naiwan si Luke Dashiel kasama ang mga lalaki namin na ka-grupo na hindi na kailangan magbihis. Kaming mga babae naman ay bumalik na sa kanya-kanyang room para makapag-ayos na. Muscle tee at mini-shorts ang ipinatong ni Savion sa bandeau top at bikini bottom niya. Ako naman ay pulang halter bikini top at bikini bottom na hindi kita dahil sa maikling faded jean shorts. Ayaw ko magpakita ng masyadong balat sa camera kaya nagsuot ako ng maluwag at manipis na white shirt. Hindi ko isinara ang butones at nagsilbing bilang cardigan ko.

Matapos magbihis ay bumalik kami sa lamesa. Nandoon na ang lahat at kaming dalawa na lang ni Savion ang hinihintay. Nangunguna si Savion sa paglalakad. Kanina niya pa sinasabi sa akin na excited siya samantalang ako ay hindi maipinta ang mukha.

Luke Dashiel's head turned when someone called for us as we approached. Sa akin agad tumama ang mga mata niya. Umuwang ang kanyang bibig at nanlaki ang mga mata ng makita ako. Inalis niya ang tingin sa akin at mabilis na tiningnan ang mga lalaki na kasama na ngayon ay nakatingin din sa amin. Sunod na inilibot niya ang mga mata sa paligid bago ibinalik ang mga mata sa akin. Napakagat siya sa labi at mukhang naiinis.

Problema nito?

Tumayo si Luke Dashiel at tumabi sa akin nang makalapit kami. Si Savion ang nangunguna at ipinagpaliwanag kung ano ang mangyayari sa unang scene. Hindi ko siya marinig ng maayos dahil sa lalaking katabi ko. Ramdam na ramdam ko ang madidiin na titig na binibigay niya sa akin kaya hindi nagtagal ay nilingon ko rin siya.

"What?" kunot noong tanong ko.

"Button up, please?" malambing na pakiusap nito.

"Ha?" tiningnan ko ang suot niyang damit at napansin na naka-butones naman lahat iyon.

"Your shirt." pinasadahan niya ang katawan ko bago inangat ang mga mata niya sa mukha ko. Namumula ang buong mukha niya at parang nahihiya. "You're showing too much skin. They're looking, Avis."

Biglang nag-init ang buong mukha ko. Tiningnan ko ang paligid at mukhang wala naman nakatingin sa amin dahil abala silang lahat sa pag-uusap. Ibinalik ko kay Luke ang mga mata ko. Nakatayo siya malapit sa akin halos magkadikit na ang katawan naming dalawa.

"Okay naman, a?" tiningnan ko pa ang suot ko para makasigurado. I think I'm dressed okay. Nasa beach kami at kung ikukumpara sa ibang babae ay balot pa ako ng lagay na ito.

"It's not okay. I don't like it." sumimangot si Luke Dashiel. Halos magkadikit na ang dalawang kilay niya sa pagkakunot ng noo. Madidiin ang mga mata at halatang seryoso sa kanyang sinasabi.

Hindi ako sumagot. Hindi rin ako gumalaw. Tiningnan ko lang siya at blangkong pinanuod ang lahat ng kilos. Pati ang reaksyon niya.

Nagbuntong hininga si Luke Dashiel. "Please?"

Gusto kong mangiti sa kanya. He was being alpha. Or at least trying to be. I feel like his queen. Na kahit anong gusto ko ay gagawin niya. I guess that was possessive Luke Dashiel. I like it.

Itinago ko ang ngiti na pilit na tumatakas sa labi ko at tumango. "Alright. Button it for me."

"Avis," he gasped.

Ngumuso ako. "You don't want? Okay..." tumalikod ako at balak na siyang iwan nang hawakan niya ang pulso ko at pinigilan.

Hindi siya nagsalita nang sinimulan niyang i-butones ang damit ko. Nanatili ang tingin niya doon at hindi inangat ang tingin sa akin. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya at halos malusaw sa lapit nn mukha naming dalawa. Nakayuko si Luke Dashiel at amoy na amoy ko ang mabango niyang mainit na hininga. My stomach clenched.

Luke Dashiel kept his eyes glued on my body until he was done buttoning everything. He cleared his throat before stepping back.

I was disappointed for an unknown reason. Pakiramdam ko ay may hinihintay ako na mangyari. Inalis ko na lang sa utak ko ang pakiramdam na iyon. Mahinang nagsabi ako sa kanya ng thank you bago umalis at iniwan siya para lapitan ang ka-grupo.

Nagawa naming tapusin ang shoot ngayong araw. Hindi naging mahirap dahil wala naman kaming line at dadaanin namin sa magandang video edit.

Mas lalong sumaya ang lahat dahil sa event na magaganap mamayang gabi. Pati ako ay excited dahil isa iyong beach party. Ang huling napuntahan kong beach party ay last year pa. Tandang-tanda ko pa na si Logan ang kasama ko noon.

Around nine nagsimula ang concert. May ilang performer pero hindi namin naabutan. Mas pinili namin sa mismong oras na ng party pumunta.

Malalim na ang gabi at marami nang tao na nagkukumpulan malapit sa stage kung saan nandoon ang DJ. Malakas ang music. Tumutunog mula sa naglalakihang speakers ang Bass Down Low.

"Here." inabot ni Savion ang bote ng alak sa akin at kay Luke Dashiel. Kinuha ko agad iyon at pinanglahati. I just want some buzz for tonight. Wala akong balak magpakalasing.

Sumimangot si Luke Dashiel sa akin habang umiinom ako. Napangiwi ako nang maalala na wala pa nga pala siyang eighteen.

"Can you drink?" my nose was crunched when I asked him.

Hindi niya ako sinagot at uminom na lang sa bote na inabot ni Savion kanina. Walang kahirap-hirap na napangalahati niya iyon. He didn't even make a face. Umiling ako at tumalikod bago niya makita ang ngiti ko.

Sinundan ko si Savion na naunang maglakad sa amin at ramdam ko naman ang pagsunod ni Luke Dashiel sa likod ko.

Pagkatapos ng isang bote ay hindi na ako tumanggap ulit. Si Luke Dashiel naman ay nakaubos ng pangalawa at ngayon ay nasa pangatlo na.

Hindi ko alam kung nakailan na ang pinsan ko pero halatang-halata na nakainom na siya. Tumunog ang Yeah 3x ni Chris Brown at bigla namang tumili si Savion.

"I like this song! Let's dance!" hinawakan ni Savion ang kamay ko at pilit ako na hinatak.

Tumingin ako kay Luke Dashiel na mukhang napaayos ng tayo at naalarma sa paghatak na ginagawa sa akin ni Savion. Napansin ng pinsan ko ang pumipigil sa akin sa pagsama sa kanya at ngumuso.

"Don't worry, LD! I'll bring her back in one piece!" bungisngis na ngumiti si Savion. Wala nang nagawa si Luke Dashiel at tuluyan na akong nagpahatak sa pinsan ko.

Pinagbigyan ko si Savion at sumayaw kahit na hindi ako ganoon kalasing para sumayaw sa harap ng maraming tao. Ang tanging consolation ko na lang ay wala naman nakatingin dahil nagsasayaw rin ang karamihan.

Napalitan na ang kanta ng panibago ay wala pa ring balak si Savion na tumigil aa pagsayaw. Hindi naman niya ako pinapaalis kaya wala akong magawa. Patapos na ang kanta nang biglang may bumuhos mula sa ere.

Everyone squealed and howled as the beer foam poured down on us. Maging ako ay napatili. Tawa ng tawa si Savion at ako naman ay nakasimangot. Hindi ako nakaiwas kaya nasalo lahat ng katawan ko. It was really sticky.

"Ohmigosh. This is fun!" tili ng pinsan ko na tumatalon sa malakas na music.

Dumidikit sa balat ko ang damit kaya tinanggal ko ang butones at inalis iyon. Sumipil si Savion sa ginawa ko at umirap na lang ako. Itinali ko sa bewang ang long sleeves at iritadong pinunasan ang braso ko.

"Alis na ako." sigaw ko malapit sa tenga ni Savion. Tinaasan niya ako ng kilay. Biglang may lumapit na lalaki sa gilid niya at nang makita na may itsura iyon ay ngumiti siya at tumango sa akin.

Isiniksik ko ang sarili ko sa napakaraming katawan para makaalis. Dumeretso ako sa lugar kung saan iniwan namin ang ibang mga kasama. I think I'm going to call it a night.

Binilisan ko ang paglakad nang makita si Luke Dashiel na nakatayo kung saan ko siya iniwan. He's topless and he's holding the shirt he was wearing earlier. Siguro ay nabasa rin siya tulad ko.

Wala na ang mga kasama namin doon at siya na lang mag-isa... Napahinto ako nang biglang may kamay na humawak sa dibdib niya. Lumipat ang mga mata ko sa may-ari ng kamay na iyon at napanganga nang may makitang hindi pamilyar na magandang babae.

The girl's wearing a two piece bikini. Mahaba ang buhok at maputi. She's pretty. And sexy too. Isinara ko ang bibig at kumuyom ang panga sa pagkainis.

Nakangiti ang babae habang hinihimas ang dibdib ni Luke Dashiel na parang pinupunasan ito habang si Luke Dashiel naman ay tipid na ngumiti. Naiilang na tumingin siya sa paligid at sakto na nagtama ang mga mata namin.

Bumilig ang mga mata ni Luke Dashiel nang makita ako. Alam ko na kitang-kita ang galit sa mukha ko ngayon. Wala akong balak itago ang pagkainis ko pero wala rin akong balak na harapin siya.

Hindi ko na hinintay na makalapit sa akin si Luke Dashiel. Tumalikod na agad ako at nagmamadaling tumakbo pabalik sa resort.

Continue Reading

You'll Also Like

27.9M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
4.8M 130K 53
[ARDENT SERIES #3} I loved him but being with him was very lethal. It may not kill me physically, but it was killing me emotionally. Our relationship...
1M 45.2K 51
The S #4 Kaia Persephone Ziegler is an actress, not just by profession but also in real life. After all, she needs to act if she wants to survive the...