Uggo

By cultrue

3.4K 223 10

Notice: This story has explicit adult scenes (18+). ••• Mahirap nga talaga ang maging mahirap. Sa panahon nga... More

Uggo
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38

Chapter 11

95 4 0
By cultrue

Pagkagising ko ay si Ully agad ang una kong nakita. Saktong pagmulat ko nang aking mga mata ay siya yung gwapong mukha niya ang nasilayan ko. Ang ganda pa ng panahon at mas lalong gumanda dahil sa inosenteng mukha niya na parang anghel habang natutulog.

I bit my lower lip as I watched him with a small grin on my lips. He's the most beautiful sight I had seen this morning and for that it's so hard to look away from him.

Last night we just kissed. We didn't go further from that because Ully had planted a considerate manner which wasn't bad at all, kung hindi dahil sa ugali niyang yun ay baka nga pagsisihan ko pa kapag may mangyari sa aming dalawa.

I might already engaged in sex before but that was pure lust with force of my ex-boyfriend. Ayoko na sanang isipin yun pero dahil hindi ko maiwasan na maalala pa ang nangyaring yun sa'kin. Pero at least hindi ko pinabayaan ang sarili ko kahit narape na ako ng gagong lalaking yun.

Bago pa siya gumising ay dahan-dahan akong bumangon mula sa kama. Napangiwi pa ako nang makita yung nakapabalabag niyang braso na ginamit ko bilang unan. Ayaw ko sanang umunan sa braso niya pero siya ang nagpadantay sa ulo ko sa braso niya. Hindi ko naman napigilan yun dahil inaantok na ako kagabi.

Sure ako na sobrang nangangalay na yung braso niya.

Nagmumog muna ako sa banyo bago bumalik sa kwarto. At dahil wala namang pasok sa school ay hindi nataranta sa paggawa ng gawaing bahay gaya ng pagluto. Kapag sure na malelate na ako sa school ay nagluluto nalang ako ng boiled egg kasabay sa sinasaing ko kasi yun naman ang mas madaling way kaysa magluluto pa ako ng ibang ulam na late na ako sa eskwelahan. Pero hindi na yun nauulit dahil nagigising na ako ng mas maaga pa.

Nagluto lang ako ng apat na pirasong itlog saka naglagay ng mainit na tubig sa dalawang malalaking cup noodles. Habang naghihintay akong maluto yung itlog ay nagising si Ully, kinapa niya muna ang hinigaan ko pagkatapos ay nagmulat na siya ng tingin na parang nagulat na wala na siyang katabi.

Agad na lumingon siya sa may kitchenette ko at nginitian ko siya agad.

"Hello."

"Hi." sagot niya sa namamaos niyang boses at parang lutang pa ang isip niya dahil kagigising palang niya.

"Naghanda ako ng agahan para kahit papaano pag-uwi mo sa inyo ay hindi ka gutumin at pwede ka na'ring matulog ulit." usal ko.

Pumasok muna ulit ako sa banyo para maghilamos dahil ang lagkit ng tingin ni Ully sa'kin. Pagpunas ko ng mukha ay saka ko siya napansin na nasa pinto na ng banyo.

"Oh, gagamit ka ng banyo?" tanong ko.

Tumango lang siya at hindi na nagsalita at lumabas nalang ako para makagamit siya. Pero hindi pa ako nakakalabas ng tuluyan nang hulihin niya ang braso ko para patigilin sa pagpasok.

Akala ko ay ano na ang gagawin niya, yun pala ay yumakap siya sa'kin. Pinatong niya ang kanyang mukha sa maliit kong balikat.

"Morning." bulong niya sa tenga ko.

I tapped his back and smiled against his shoulder blade. "Good morning."

"I'm sorry late na akong nagising. Ang ganda kasi ng tulog ko." Paliwanag niya na hindi naman mukhang guilty.

Nagkibit-balikat lang ako. "Okay lang. Ganyan ka na diba kaya hindi na kita mapipigilan pa." sagot ko na may maliit na ngiti.

Humiwalay siya sa'kin saka ginulo ang buhok ko. He only chuckled when he saw my messy hair. Inayos ko yun saka lumabas na ng banyo para bigyan siya ng privacy na gamitin yun.

Nang maging okay na yung nilulutong kong itlog ay pinatay ko na yung apoy saka umupo sa silya at naghintay kay Ully na lumabas ng banyo. Medyo natagalan siya sa loob ng banyo, paglabas niya ay diretso siya sa lababo at naghugas ng kamay.

"Gusto mo ba ng kape? Yung nasa pack nga lang yung kape at lalagyan nalang siya ng mainit na tubig. At hindi puro black coffee."

"Yeah, it's fine. May hinanda ka ng noodles kaya yung sabaw nalang ang hihigupin ko."

"Oh sige. Sabi mo eh."

Kinuha niya yung boiled eggs na niluto ko at siya yung nagbalat nun, hindi ko pa yun binalatan dahil mainit pa.

"Salamat." sabi ko nang ilagay niya sa platito ko yung boiled eggs na binalatan na niya.

"Welcome. Kumain ka na." sambit niya na sinunod ko naman.

Masaya kong kinuha ang tinidor at sinubo yung noodles, medyo mainit pa yun pero kaya ko naman. Nginisian lang ako ni Ully nang makitang para akong patay-gutom kung kumain. Nagugutom na kasi ako, feeling ko ay mauubos ko lahat ang pagkain ko kaysa sa kanya dahil sa sobrang gutom.

Sumunod na kumain si Ully nang matapos siya sa pagbalat ng boiled eggs niya. Simple lang ang hinanda ko at walang-wala yun sa agahan na hinahanda ng mga kasambahay nila sa bahay nila pero walang arte si Ully na kumain.

Simula noon sa orphanage ay hindi siya nagpakita ng kaartehan sa pagkain kaharap ang maraming bata. Sa orphanage naman ay hindi puro masasarap ang pagkain namin dahil sa naka-budget kaya kung minsan ay walang side dishes.

"So how's exam? Mahirap ba?" tanong sa kalagitnaan ng agahan namin.

Nagkibit-balikat ako. "Hindi naman masyado kasi nakapag-aral ako."

"I knew you could make it. Masipag ka sa pag-aaral kaya confident akong sabihin na makakapasa ka. Tiwala lang na makaka-graduate ka."

"Thank you. Sa susunod na examination week ay ganun din ang gagawin ko para hindi bumaba ang grades ko."

Napunta sa tanong ni Ully ang plano ko kung sakaling maka-graduate na ako. Sinabi ko lang sa kanya na wala pa akong naiisip na degree program at may ilang buwan pa naman ako para makapag-isip, gaya nga ng sabi ni kuya Tin ay marami pa akong panahon para pag-isipan yun. Ayokong hindi ko masyadong pag-isipan yung future career ko dahil ayokong mawalan ng gana at huminto edi sayang yung taon na inaral ko.

Gusto ko kapag nakapag-decide na ako sa kung anong aaralin ko sa college ay yun na talaga at hindi na ako magshishift ng ibang program.

Umuwi muna si Ully sa bahay nila para maligo. Babalik nalang siya kapag wala siyang gawin. Mayroon pa daw siyang sasagutin na mga homeworks online at kailangan niya yung ipasa bago yung klase niya.

Wala naman akong ibang lakad kaya humiga lang ako sa kama pagkatapos kong maglaba at maglinis. Kunti lang naman ang labahan ko at hindi naman maluwag yung apartment ko kaya ang dali lang ng paglinis ko, hindi nga naghalf an hour.

Hindi na nakarating pa sa apartment si Ully dahil pinilit siya ng kaibigan niya na pumunta sa bahay nito hanggang gumabi ay hindi siya nakapunta kung kaya't nakauwi ako sa apartment galing sa bar na hindi siya kasama o di kaya ay wala siya sa loob ng apartment ko.

Ayos lang naman sa'kin na minsan lang dumalaw si Ully sa apartment dahil naiintindihan ko ang buhay na mayroon siya. Maliban sa akin ay mayroon pa siyang ibang mga kaibigan na palagi siyang sinasama kung saan mang outings yun.

Pero bilang kaibigan niya, tinetext naman niya ako kung okay lang ako o kung may kailangan ako sa kanya. He's so thoughtful and he never said no when it came to my request or any of his friends'. Ganun siya kabait sa kahit sinong nasa paligid niya.

Pagdating ng lunes ay umaga palang ay binisita niya ako sa apartment. As in sobrang aga pa pero mabuti nalang at nakaligo na ako at nakabihis ng pambahay, hindi pa ako nag-uniform dahil kakain pa ako at maghuhugas ng pinggan kaya natatakot akong baka mamantsahan yung uniform ko. Puti pa naman yung blouse ko.

"Oh, sobrang aga mo naman dito. Baka magtaka yung mga kasama mo sa bahay niyo dahil ang aga mong umalis."

Pinapasok ko siya. Tinanggal niya yung hoodie mula pagkakapatong sa ulo niya. "I went out to jog by the way but as soon as I saw the street vendors you always get near to buy street foods, I suddenly thought to buy these rice cakes for you."

"Wow, bibingka! Naku mainit pa. Thank you Ully."

Mga limang piraso ang binili niya. Ang thoughtful niya talaga. Pumunta pa talaga siya sa apartment para lang ihatid yung bibingka sa'kin. Ang layo ng bahay niya mula sa apartment ko.

"Sumakay ka ba ng taxi? Ang layo ng bahay niyo dito kapag maglakad ka lang."

"I actually brought my bike. Hindi naman alam ni mommy na dito ako pupunta. Ang sabi ko lang sa driver namin ay pupuntahan lang akong plaza."

Napangisi ako. Binaba ko sa lamesa yung isang supot ng bibingka na binili niya saka lumapit sa kanya at niyakap. Gumanti naman siya ng yakap sa'kin at pinatakan pa ng halik ang noo ko.

"Thank you dahil naalala mo dahil sa rice cakes na yun. Nag-abala ka pa talaga."

"It's my way to make you happier and happiest girl in the world." he blurted out, he dipped his lips to mine and I catched it.

Ully and I were just friends but no strings attached.

Tanda ko naman kung bakit napunta sa ganito yung level ng friendship namin ni Ully. Tinanggap ko naman pero dapat ay tanggapin ko rin na hindi ako magiging sa kanya at hindi rin siya magiging akin.

Pumasok na ako sa eskwelahan dahil hinatid niya ako. At susunduin naman daw niya ako dahil hindi ko dala yung bisekleta ko. Pinagmadali lang niya akong kumain pero ang dami kong kinain.

"Papasok na ako. Ingat ka sa pagdrive ng motor mo." I reminded him.

"Sure. And don't waste your lunch."

"Yes sir."

Pinapasok niya muna ako sa gate bago siya nagdrive pabalik sa bahay nila. Since kakatapos lang ng klase namin ay hindi pa nagsimula yung regular classes namin. Yung first course namin ay nagcheck lang kami sa test paper namin.

Ganun din sa sumunod na mga teachers ay nagpa-check lang ng test papers namin at pati yung iba. Pero may iba naman na hindi nagpa-check kundi ay hindi lang pumasok sa classroom.

Nang hapon ay alas dos na yata nang matapos yung pag-check namin sa test paper.

"Hens, pasado ka." anunsyo ng kaklase ko na dala yung test paper ko at pinakita yung score ko.

"Talaga? Pagtingin nga." Excited kong sambit at binigay yung test paper ko.

Imbes na matuwa ako sa resulta ng score na nakuha ko ay umasim ang mukha ko nang masimot ko yung pabango ng kaklase ko na nagbigay ng text paper ko.

Napatakip ako sa ilong at bibig ko nang maamoy yung sobrang tapang ng pabango niya. Feeling ko ay mahihilo at masusuka ako sa pabango na yun.

Agad kong kinuha yung tumbler ko na may tubig pang laman saka agad na uminom. Kinalabit ko rin ang katabi ko na kanina lang ay kumakain ng mint candy.

"May candy ka pa ba? Parang masusuka ako eh."

"Ha? Bakit ano bang kinain mo?"

"Adobong manok naman ang ulam ko kanina pero parang nag-aagrabyado ang sikmura ko."

"Ganun ba? Oh heto mayroon pa ako." Binigay niya sa'kin yung mint candy.

I said my thank you to her and I hurriedly ate my candy.

Akala ko ay tatalab pero parang masusuka pa'rin ako. Inayos ko ang mga gamit ko at pinasok sa bag. Tumayo ako at pinasa sa guro namin yung test paper ko, pagdating ko sa harap niya ay nagpaalam ako kung pwedeng pumunta sa banyo.

"Ma'am pwede po bang magcr?" Pagpaalam ko.

Mabuti nalang ay pinayagan niya ako. Tinakpan ko ang bibig ko nang makalabas ako classroom at patakbong pumunta sa comfort room ng mga babae. Agad akong pumasok sa isang cubicle at doon ko binuhos yung suka ko. Dalawang beses kong inilabas yung kinain ko.

Nanghina ako nang inilabas ko ang kinain ko ng tanghali. Hindi ko alam kung anong mali sa kinain ko dahil hindi naman yun panis. Pumunta ako sa canteen para bumili ng tubig dahil hindi ko dala yung tumbler ko, yun lang ang ginamit ko para makamumog ako.

At naglakad din ako papunta sa clinic dahil hihingi sana ako ng gamot para sa nahihilo kong ulo.

Pagdating ko doon ay walang ibang tao kundi yung school nurse lang. Pagpasok ko ay nginitian ko niya ako. May sinusulat siya pero binati niya ako.

"Good morning po nurse, gusto ko lang po kasing humingi ng gamot para sa pagkahilo."

"Hmm, nahihilo ka? Bakit anong nangyari sayo at nahilo ka? Wala ka bang nararamdaman na parang nilalagnat ka?"

Agad akong umiling pero nagsisi ako dahil mas lalong nahilo ako nang ginawa ko yun kaya tinulungan niya akong humiga lang muna para maipahinga ko ang sarili.

"Wala po pero nagsuka po kasi ako kanina at nilabas ko po ang kinain ko kaya siguro nahilo ako ng ganito."

The nurse tilted her head as she observed me. "Nagsuka ka kanina? Bakit ano bang nakain mo at nagsuka ka?"

Napamura ako sa isip ko dahil ang dami niyang tanong. Pero sinagot ko lang siya kung ano ang nakain ko.

"Kanina ka pa sana susukahin kung may mali sa pagkain mo pero wala ka bang ibang nakain na iba maliban sa lunch mo o may iba pa bang dahilan kung bakit ka nalang nagsuka kasi sabi mo biglaan lang."

"Opo. Magmula nung nakasinghot ako ng pabango ng classmate kong lalaki kasi sobrang tapang po. Before ko pong nasinghot yung pabango niya ay maayos pa po ang pakiramdam ko."

Malalim na bumuntong-hininga ang nurse habang mataman akong tinitignan. At parang may mali sa tingin niya.

"Bukod sa ngayon, nakaramdam ka ba nito dati?"

Napatigil ako pero nang may maalala ko na hindi ito ang unang beses na nahilo ako ay umamin ako.

"What about yung pagkain mo? Mabilis ka bang magutom o di kaya ay malakas kang kumain?"

"Uh, lately po palagi po akong nakakaramdam ng gutom saka ang dami ko pong nakakain."

Huminga ulit siya ng malalim at tumango. "Ito yung sinasabi ko sa inyong mga teenager, dapat nag-iingat kayo." Marahan niyang sambit, hindi ko rin makuha kung ano ang ibig niyang sabihin.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa harap ko at binuksan yung kabinet. May kinuha siyang isang box at tapos ay may kinuha siyang dalawang stick tapos ay binigay niya sa'kin.

She remained stolid but I knew she's calm.

Pagkakita ko kung ano ang binigay niya ay napaawang ang labi ko. Ay bumugso ang kaba sa dibdib ko. I didn't born yesterday not to know what she gave me. It's a pregnancy test. A damn pregnancy test stick.

"Pero nurse—"

"Alam kong kinakabahan ka pero kailangan na'ting makasiguro. Hindi lang ikaw ang unang estudyante na pumasok dito sa clinic na may ganung symptoms. At base din sa symptoms mo ay baka, buntis ka." Mahinahon niyang saad.

Para akong maiiyak sa sinabi niya. Hindi ako buntis at hindi pwedeng mabuntis ako. Wala akong matandaan na nakipagsex ako sa ibang lalaki dahil hindi ako nalasing sa bar pwera nalang noong nalasing kaming dalawa ni Ully sa apartment dahil sa problema niya pero natandaan ko pa na hindi ako masyadong nalasing kaya bakit ako mabubuntis?

Tandang-tanda ko pa na sinabi niya sa'kin ang problema niya sa nanay niya. Siya pa nga ang mas nalasing kaysa sa'kin. At pagkagising ko ay suot ko pa ang maluwag kong t-shirt.

Tinulungan ako ng nurse na makatayo at makapasok sa loob ng banyo dahil sa pagkatulala.

Ginawa ko ang sinabi ng nurse sa'kin kung paano gamitin yung pregnancy test. Pagkatapos ay natulala ulit ako dahil biglang may pumasok na alaala sa isip ko. Pagkagising ko nang umaga ay may kakaiba akong naramdaman sa pagitan ng hita ko pero hindi yun ang basihan kung may nangyari sa amin ni Ully dahil may saplot din siya nang magising ako, although magkatabi nga kaming nakahiga sa kama ko pero hindi yun ang basihan.

Lumabas ako ng banyo at hinayaan ng nurse na siya nalang ang tumingin nun dahil kinakabahan ako. I felt anxious and I didn't know what to do.

Binigyan ako ng nurse ng tubig para kumalma pero hindi yun nakatulong.

Ilang minuto lang ay pumasok sa banyo ang school nurse namin at paglabas ay dala yung resulta na siyang magiging krus ko.

Bumalik siya sa pagkakaupo sa stool at pinakita sa akin ang dalawang pregnancy test. Hindi ko alam kung anong resulta pero nang sabihin niya sa'kin ay gumuho na talaga ang mundo ko.

"Each of them shows positive results, miss. It means you're pregnant." Nanatili kalmado ang boses niya pero ako, pagkasabi niya sa resulta bumuhos ang luha mula sa aking mga mata.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 21.9K 51
--Book version is published under Red Room-- Marami ang hindi nakakaalam tungkol sa maruruming kalakaran sa loob ng mundo ng show business. At isa si...
543K 11.7K 27
"Looking for this?" agad syang napatigil sa paghahanap ng marinig nya ang boses ng isang lalaki. Parang binuhusan sya ng malamig na tubig ng makita n...
32.7K 577 41
Zephyr was not ready to give up his active and steamy sex life. Nasanay siya sa kanyang bachelor life kung saan iba't-ibang babae ang nakakasama niya...
964K 16.7K 51
Oh boy, Zarrick is a forbidden one. Erriah knows that. At such a young age, she shall not think of any kind of obscene things pero masarap talaga ang...