Chapter 04

54 5 0
                                    

It just so refreshing to bath in the sea. Wala akong ibang pagkakataon dati na makaligo sa dagat dahil hindi ko kailanman naisip yun sa pakikipagsapalaran para mabuhay lang.

May dalawang buwan akong bakasyon dahil at kapag matapos na yung bakasyon ko ay babalik na ulit ako sa Davao para magtrabaho. I was working in Martinee Inc, isang furniture company pero hindi siya malaking kompanya pero lumalago dahil sa magandang quality ng furtinures na ginagawa. And I was a part of that company as a furniture maker.

Nasa enrollment day ako noon sa university na pinapasukan ko nang makita ko yung interior and furniture design kaya yun ang pinili ko. I wanted to try something different and also closed to what I loved—which was making arts out of woods or papers.

Sa panahon ngayon ang common ng nurse, teacher, engineer, doktor, lawyer, architect, account, business majors, at iba pa. Gusto ko yung iba naman na parang imposibleng gawin para sa mga babae pero walang imposible, if other women could be an engineer, police, soldier, firefighter, or any masculine careers—I could also be someone who'd be choose a masculine career like furniture making.

Sa apat na taon ko sa Martinee Inc kina ma'am Rocel ay marami akong natutunan bilang isang furtinure maker. At gusto ko ring magkaroon ng isang furtinure company na sarili kong design ang mismong naka-exhibit sa store ko.

I had enough money to build my own business pero isang taon pa ang kailangan ko bago mag-expire ang contract ko sa Martinee Inc., pagkatapos ng contract ko ay pwede ko ng gawin ang gusto kong gawin; ang magtayo ng sarili kong business.

At itong bakasyon ko ay isang malaking tulong para makapag-brainstorm ako sa una kong gagawin kapag matapos yung kontrata ko. Mabilis lang ang panahon kaya kailangan ay may plano na ako.

Pag-ahon ko sa tubig ay inayos ko ang suot kong bikini. Kahit maghubad ako na naliligo ay walang makakakita sa akin pero hindi ko kailangan gawin yun agad dahil hindi lang ako nag-iisa. Mula sa kinatatayuan ko ay sumilip ako mula sa malaking bato ang lalaking nasa terrace ng beach house na tinutuluyan niya.

He's wearing black Nike shorts na hanggang sa kalahating hita niya at kita ang mabalahibong binti niya. He's wearing a white t-shirt but the sleeves were folded up against his biceps. Sa nalaman ko ay may tatu siya sa pelvic. And I already saw that tattoo of him years ago. It's a sign of his rebellion against his mother.

He was younger back then and I knew that he'd already passed that juvenile act.

Naglakad ako papunta sa kabatohan at kinuha ang tuwalya ko. Bago ko yun itinapis sa katawan ko ay pinunasan ko muna ang buhok ko para hindi masyadong tumulo ang tubig saka naglakad ako papunta sa beach house na tinutuluyan ni Uggo.

Iisang beach house lang ang tanging nakapigtan sa beach house na tinutuluyan niya at sa'kin. Paghila ko sa silya ay saka lang siya nag-angat ng tingin. Hindi niya kasi ako narinig na palapit sa kanya dahil naiwan ko ang tsinelas ko sa labas ng pinto ng bahay ko.

"Busy?" I started as I took a sit.

"You swam... in a very cold weather?" He sounded like he couldn't believe I stayed in the water in a very cold temperature.

Nagkibit-balikat ako. "Hindi malamig ang tubig kaya naligo ako. Pumunta nga ako dito sa beach para maligo diba hindi para manuod ng sunset—na wala naman dahil sa panahon." sabi ko saka tumingin sa isang linya sa malayo kung saan palaging nagtatago ang araw bago sumapit ang dilim.

Nagpakawala siya ng buntong-hininga kaya napatingin ako sa kanya ulit. Sinarado niya ang laptop niya at medyo na-guilty ako dahil baka may gagawin siya at naistorbo ko siya.

"Pwede bang magbihis ka muna? Don't you feel cold? To tell you honestly, it's freezing out here and you're wearing what? A towel and bikinis underneath? My goodness your really unbelievable!"

UggoWhere stories live. Discover now