Chapter 15

69 8 0
                                    

Napatingala ako sa orasan. Ala tres na nang hapon. Kararating ko lang galing sa isang clinic. Nagpatingin ako sa isang OB para tignan kung ilang linggo na akong buntis. Ang sabi ng OB ay nasa ten weeks na daw. Ibig sabihin nito ay totoo nga na si Ully ang ama ng baby ko.

Yung nag-inuman kaming dalawa ay may nangyari talaga sa amin na hindi namin natatandaan. Siguro ay sobrang antok na ako nun, hindi nga ako nalasing masyado pero hindi ko naman naalala ang nangyari.

Pero paano na'to? Buntis ako at mahirap. Hindi ko kaya ang pag-aalaga ng baby lalo na't nag-aaral pa ako. Iisa lang din ang trabaho ko at kung magkaanak man ako ay kailangan ay dumoble ang trabaho ko dahil kasama na yung baby sa budget.

Ang dami kong iniisip, kagaya nalang nung pag-aaral ko. Sayang din kung hindi ko patapusin ang pag-aaral ko. Ilang buwan nalang at graduation ko na.

Napabuntong-hininga ako at hinilot ang gitna ng kilay ko. Bakit kasi hindi ko maalala yung nangyari na yun? Sigurado ako na wala ding naalala si Ully dahil kung mayroon man ay tiyak na pinag-usapan na namin yun.

Nakita kong dumaan ang isang sasakyan na nasa kalsada. Nasa tabi lang ako ng bintana at tinatamad kong tinignan ang mga sasakyan na nagsisidaanan. Nakatulog na ako kanina. Sinulit ko talaga yung tulog ko kaninang umaga kasi mamayang gabi ay back to work na naman.

Hindi ako pwedeng umabsent sa trabaho ko dahil mahirap maghanap ng trabaho sa panahon ngayon. Saka wala pang ibang tatanggap sa akin dahil hindi pa ako graduate ng high school, sa isang grocery store sa tabi ng apartment namin ay hindi tumatanggap ng high school level lang, dapat ay may diploma talaga na graduate ka na ng high school.

Ipagpapatuloy ko naman ang pagbubuntis ko pero ang daming consequences ko. May ipon man ako pero hindi yun sapat, kulang na kulang yun sa pang araw-araw ko.

Tinapat ko ang aking kamay sa flat kong tiyan. Hindi pa man ito malaki pero nangangamba na ako sa kung ano man ang kahihinatnan ng pagbubuntis ko. Sigurado akong magiging usap-usapan ako ng karamihan. Lalo na sa eskwelahan dahil ang tahimik ko lang at nabuntis ako. Yung iba ay sasabihin nun sa akin na nasa loob din ang kulo ko.

Ayoko mang marinig ang sasabihin ng iba pero hindi ko kayang tumayo nalang sa gilid. Alam ko rin na may karapatan akong labanin yun pero paano na kung hindi ko makaya? Ang sakit lang talaga ng sobra.

Pumasok ako sa trabaho ng gabing yun. Dahan-dahan lang ang kilos ko at hindi kagaya noong una na halos hindi na ako makahinga dahil paroon at parito ako. Dahil nasa bar counter namin ako ay okay lang na irelax ang sarili ko.

"Himala at hindi ka na ginugulo ng isang waitress dito. Diba parating pinagbubuntungan ka ng sama ng loob nun?" Pauna ni kuya Tin.

Sinulyapan ko yung babaeng sinasabi niya. "Hindi na ho kasi nababara ko palagi." sagot ko sabay bigay ng bote ng wine sa isang waitress din.

"Yun naman talaga ang kailangan mo. Insecure lang yun dati pero dahil may bagong waitress tayo ay sigurado akong siya yung pagdidiskitahan niya." aniya't nginuso yung baguhang waitress ng bar na hindi hamak na mas may itsura kaysa doon sa babaeng palaging nang-iinis sa'kin.

Maganda kasi ako kaya na-insecure yung girl na yun. Nakalimutan ko na yung name kagaya ng pagkalimot ko sa existence niya dito sa bar.

Pag-uwi ko ng alas dose ay nakatulog agad ako. May klase kinabukasan kaya diretso akong nakatulog.

Paggising ko ay muntik na akong hindi makakain dahil alas sais pasado na ako nagising. Kaya minadali ko ang kilos ko. Habang nagsasaing ako ay nasa loob ako ng banyo at naliligo. Pinagsabay ko na yun para hindi ako magtagal. Pagkatapos ko ring magbihis ay nagluto ako ng ulam.

UggoWhere stories live. Discover now