Jersey Number Nine

By xelebi

409K 21.6K 17.6K

It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter... More

Jersey Number Nine
00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31

15

10.8K 553 587
By xelebi

• 🏐 •

"Seb, are you okay?"

Nilingon ko si Nico na nasa tabi ko. Nandito na kami ngayon ng team sa arena at pinapanood ang Easton University na nagwa-warmup sa court. Pero sa totoo lang wala naman talaga sa kanila ang isip ko. At doon ko lang na-realize na nakatulala lang ako sa kawalan nang marinig ko ang boses ni Nico.

"Huh?" Napakurap ako at umayos ng tayo. "Uhm, ayos lang ako."

"Are you sure? Namumutla ka," sabi niya at medyo nagulat ako nang hawakan niya iyong magkabila kong pisngi.

Hindi ko alam pero bahagya akong lumayo sa kaniya. Natanggal iyong mga kamay niya sa pisngi ko at nakita kong kumunot iyong noo niya.

Tinitigan niya ako pero nag-iwas lang ako ng tingin. At buti na lang ay ginawa ko iyon kasi naabutan ko si Kuya Harold sa bandang kanan namin na masama ang tingin sa 'kin. At nang lumingon sa kaliwa ay si Coach Greg naman ang nakita kong pinapanood ang galaw ni Nico.

Nagkatinginan kami ni coach. Ngumiti siya sa 'kin pero pinakita ko sa kaniya na hindi ko nagugustuhan ang ginagawa niyang na para siyang CCTV kung i-monitor ang galaw namin lalo na kay Nico. Walang emosyon ko siyang tinignan pabalik.

At mukha namang nakuha niya ang gusto kong iparating kasi unti-unting nawala ang ngiti sa mukha niya at napalitan iyon ng pag-aalala.

Iniwas ko ulit ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ni Coach Greg pero kung ano man itong ginagawa niya na madalas ko nang mapansin ay sana itigil na niya.

Hindi na ako nagiging komportable.

At ayoko ng ganito na may kung ano akong hindi magandang pakiramdam sa isa sa mga tao sa team.

Nakaka-frustrate lang lalo na ngayong wala si Coach Al at si Coach Greg ang in-charge sa 'min. Kung may galit siya kay Nico at kung ano man ang dahilan niya, sana naman ay maging professional pa rin siya.

"Seb," si Nico ulit.

"Bakit?" Tanong ko.

Nilingon ko siya na inuubos na ang distansya sa pagitan naming dalawa.

"I'm starting to worry. You look anxious. Is there a problem? What's wrong, ba-" natigilan siya sandali saka tumikhim. "What's wrong, Seb?"

"W-Wala naman. Hindi ba ganito naman palagi ang hitsura ko?"

"No..." mas lalo siyang lumapit sa 'kin kaya pasimple kong hinakbang paatras ang isang paa ko. Iyon nga lang, mukhang napansin ulit iyon ni Nico kaya kumunot na naman ang noo niya. "Don't move, Sebastian," bulong niya.

"B-Bakit ka kasi lumalapit?"

"Am I?"

Tumango ako at tumigil din naman siya. Nilingon ko ulit ang paligid at nagsisi agad kasi nakita ko na naman si Kuya Harold na nakahalukipkip na at nakatitig sa 'min.

"A-Ayos lang ako," sabi ko kay Nico na sa 'kin pa rin ang tingin. "Kinakabahan lang sa game."

"Are you feeling sick? Gusto mo ng tubig?"

"H-Hindi. Ayos lang talaga ako. Salamat."

"Pero bakit ka namumutla?"

Bakit nga ba? Dahil ba kanina ko pa iniisip si Coach Greg at ang mga mata niyang nakamasid sa 'min? Wala pa naman siyang ginagawa talaga na hindi ko gusto maliban doon pero hindi ko lang siguro mapigilan na hindi isipin ang kakaibang kilos niya na iyon.

Kinagat ko ang labi ko. Gano'n kasi ang turo sa 'kin ni nanay. Kapag namumutla raw, kagatin ang labi para magkaro'n ng kulay.

Tinapik-tapik ko rin ang mga pisngi ko para mamula. Si Nico naman ay puno ng pagtataka na pinapanood ako habang ginagawa iyon.

"What are you doing?" Tanong niya.

"Uh, sabi mo kasi, namumutla ako," sagot ko saka humarap sa kaniya. "Ayos na ba? May kulay na ba ulit iyong pisngi ko?"

Natigilan siya at napakurap.

"Y-Yeah..." nautal siya.

"Uhm, itong labi ko? Kulay red na ba ulit?"

Bahagya kong nginuso ang labi ko para ipakita sa kaniya.

Napaawang ang bibig ni Nico at napakurap ulit siya nang tatlong beses. At nagulat na lang ako nang makitang biglang namula iyong buong mukha niya! Ang bilis! Parang may switch tapos instant na namula siya! Hala? Mas nauna pa yata siyang mamula kaysa labi ko.

Nico 'Kamatis' Almojer na naman ang opposite hitter namin. Ano ba 'to si sir. Pero tiga-Northville nga siya kasi sinasabuhay niya iyong color ng school namin.

Tumikhim siya. "Palagi namang red ang labi mo," sabi niya na nag-iiwas na ng tingin ngayon.

Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko. Hindi ko alam pero natuwa ako sa sinabi niya. Mamaya pag-uwi sa dorm, pasasalamatan ko iyong petroleum jelly na gamit ko kasi effective naman pala siya.

Nang hindi ako nagsalita agad ay tinignan ulit ako ni Nico. Namumula pa rin iyong mukha niya. Imposible naman sigurong dahil din sa petroleum jelly kaya namumula siya, 'di ba?

"Iyong mukha mo rin," sabi ko, hindi na napigilan na i-point out iyon. "Palaging red din."

Bigla siyang nataranta. "W-What?"

"Iyong mukha mo," ulit ko sabay turo sa mukha niya. "Namumula na naman. Bakit ka ba namumula?"

Hinawakan niya iyong pisngi niya. "No, I'm not."

"Oo, namumula ka. Madalas kong napapansin iyan kapag magka-usap tayo-"

"Hindi ako namumula, Seb," parang bata na sabi niya.

"Oo nga-"

"Hindi nga-"

"Mas marunong ka pa sa 'kin, e, ako iyong nakakakita?"

"Bakit naman ako mamumula?"

"Hindi ko alam sa 'yo," kumunot ang noo ko. "Bakit nga ba?"

Napakurap ulit siya at gusto kong matawa nang mataranta na naman siya. Ano bang nangyayari dito kay sir? Parang batang nahuli na kumukuha ng chichirya sa sari-sari store nila para may merienda.

"Uh, naiinitan ka ba? Tanggalin mo kaya muna iyang jacket mo?"

"Hindi nga ako namumula, Seb," pilit niya.

Napangiwi ako. "Oo na. Sige na. Hindi ka na namumula. Nagbu-blue ka na lang."

"What?"

"Ayaw mo rin ng blue? Ano gusto mo, purple?"

"Huh?"

Umiling na lang ako. Ito na naman kami sa mga moments namin na hindi nagkakaintindihan. Hindi ko na nga rin alam minsan kung sino ba talaga ang slow sa 'ming dalawa.

Magsasalita pa sana si Nico nang tawagin na kami para kami naman ang mag-warmup. Nag-spiking drill kami at mabilis lang din naman na natapos iyon.

Palagi ko nga lang napapansin si Nico na lumalapit sa 'kin. Siguro para ipilit na hindi siya namumula. Buti na lang ay nadadaan ko siya sa simangot kaya bumabalik din agad siya pagseseryoso sa warmup.

"And here are the starters for Northville University!"

May iilang nagsigawan para sa 'min mula sa audience. Sobrang hina nga lang no'n kumpara sa cheer kanina ng crowd ng Easton. Doon ko lang din napansin na sobrang daming tao pala ngayon sa arena. Iyon nga lang, nilamon ng mga naka-green ang kaunting supporters namin na naka-red.

Sa totoo lang, nakakalungkot talaga na walang masyadong nagchi-cheer para sa 'min. Iba pa rin kasi talaga iyong may mga supporters kayo kasi nakaka-boost iyon ng morale sa players.

Pero sabi nga ng mga seniors ko, 'wag magpapadala sa pressure ng crowd lalo na ng kalaban.

Pero hindi ko rin maiwasan minsan na isipin kung ano kayang pakiramdam makakita ng sea of red dito sa arena? Nakaka-inspire siguro.

Huminga ako nang malalim habang tinitignan ang mga tao. Sa ngayon, kami-kami na lang muna ang magchi-cheer para sa 'min. Ako na lang muna ang magchi-cheer para sa sarili ko.

"Northville University's starting setter..."

Gumalaw ako at handa nang i-high five ang mga teammates ko...

"... their team captain, wearing jersey number fifteen, Harold Villanueva!"

... nang matigilan kasi hindi ko pangalan iyong tinawag.

Napakurap ako at napabalik agad sa tabi ni Uno na nakakunot na rin ang noo sa 'kin. Hala, akala ko... akala ko, ako iyong starting setter ngayon? Iyon ang sabi ni Coach Al no'ng huling training namin...

"Hindi ikaw ang setter ngayong first set, Sebby?" Bulong ni Uno.

"H-Hindi ko alam. Akala ko rin," mahinang sagot ko, hindi alam kung narinig ba niya.

"Pinalitan ka ni coach?"

Hindi ko na nasagot pa si Uno. Tumingin ako sa mga teammates kong nasa court na ngayon. Agad na nagtama ang mga mata namin ni Nico. Nakakunot ang noo niya. Kahit siya ay nagtataka rin na si Harold ang tinawag ng announcer at hindi ako.

Sunod kong tinignan si Coach Greg. Seryoso lang siyang  nakatingin sa drawing board. Last minute niya sigurong pinalitan iyong starters niya. Naiintindihan ko naman iyon kasi Easton itong kalaban namin at kailangang veteran setter ang nasa court pero... sana sinabi man lang niya sa 'kin.

"Pahiya ka, 'no?"

Nilingon ko ang nagsabi no'n at nakita si Kuya Harold na nasa harap ko na pala. Nakangisi siya at para bang natatawa sa 'kin. Napakurap ako at wala sa sariling tinaas ang mga kamay ko para i-high five siya nang lagpasan niya lang ako at hindi na pinansin.

Hindi rin niya pinansin iyong mga kamay ni Uno.

"Napakagago talaga ng isang iyon," galit na sabi ng katabi ko habang pinapanood namin si Kuya Harold na nagja-jog papunta sa court. "Ano bang problema niya? Ba't galit na galit siya sa 'tin?"

"Hindi ko rin alam..." sagot ko saka bumuntong-hininga.

"Tangina niya. Captain pa siya ng lagay na iyan, a? Walang kwentang captain. Sana puro missets siya ngayon. Akala mo, kagalingan, e! Tae-tae naman mag-set! Kupal ang puta!"

"Uno, tama na iyan. Hayaan mo na," bulong ko sa kaniya.

Buti na lang ay hindi na nagsalita pa si Uno. Nakipag-high five iyong iba naming teammates sa coaching staff pero sa galit yata ng roommate ko ay dumiretso na siya sa bench.

Napailing na lang ako saka nakipag-high five kina Kuya Nolan. Nakipag-apir din ako sa iba naming coaching staff pero no'ng si Coach Greg na ang nagtaas ng kamay ay nilagpasan ko lang siya.

Nakita ko ang mabilis na pag-alis ng ngiti sa mukha niya pero pinanindigan ko ang ginawa ko. Alam ko namang bastos iyon pero hindi ko na napigilan lalo na't hindi talaga ako natutuwa sa kaniya ngayon.

Ano ba naman iyong i-inform niya ako na hindi pala ako iyong starting setter? Paano kung nagdire-diretso ako sa court kanina? Muntik na akong mapahiya.

"Sana matalo tayo ngayon. Tanginang Harold. Gago," bulong ni Uno nang tabihan ko siya.

"Uno, 'wag ka nang maingay. Baka may makarinig pa sa 'yo," saway ko sa kaniya.

"Tangina kasi ni Harold, Sebby boy. Paano ba naging team captain iyan? At paano rin ba tayo napunta rito sa Northville? Gusto ko na mag-transfer."

"Uno..." nilagyan ko na ng pagbabanta ang boses ko.

"Hindi hamak namang mas magaling ka pang mag-set sa kaniya, e. Bakit ba siya ang nasa loob ngayon? 'Di ba, ikaw dapat?"

"Hayaan mo na. Alam iyan nila coach ang ginagawa nila," sabi ko kahit ako rin ay nagtataka. "Kumain ka na lang nito para kumalma ka," sabay abot sa kaniya ng saging.

Napailing na lang siya saka kinuha iyong saging at nakasimangot na umupo sa sahig. Minsan talaga ay parang malaking bata itong si Uno, e.

Nilingon ko ulit ang court. Si Kuya Harold ang unang magse-serve at nando'n na siya sa service line. Nang ilipat ko ang tingin kay Nico ay naabutan ko siyang nakalingon sa 'kin, kunot pa rin ang noo.

Kaya ang ginawa ko, nginitian ko siya saka tinaas ang kamao na nagsasabing galingan niya.

Nakita kong nawala iyong kunot sa noo niya at maliit siyang ngumiti sa 'kin saka tumango.

Pumito ang referee. Iyon nga lang, mukhang mas kailangan yata ni Kuya Harold ng good luck kasi hindi pumasok iyong serve niya. Dumiretso iyon sa net at muntik pang tamaan iyong likod ng ulo ni Kuya Oliver.

"O, tangina, error si gago! Niyabangan mo kanina si Seb tapos service error ka ngayon? Umuwi ka na, Harold," si Uno na tawang-tawa. Kulang na lang ay pumalakpak siya.

"Uno-"

"Naku, Sebby boy, hindi mo ako mapipigilan ngayon i-trashtalk iyang captain n'yo. Anong klaseng serve iyon? Akala mo, hindi volleyball ang sport, e. Pauwiin n'yo na iyan! Maglaro na lang kamo siya ng volleyball sa phone niya. Bano!"

Buti na lang talaga ay hindi gano'n kalakas ang boses niya kaya hindi siya masyadong naririnig ng iba naming teammates. Ang kulit talaga ng isang 'to.

Pumito ulit ang referee para sa serve ng Easton. Jump serve ang ginawa niya pero maayos na na-receive iyon ni Kuya Benny. Iyon nga lang... nag-double contact violation si Kuya Harold. 2-0 agad in favor of Easton University.

Huminga ako nang malalim. Iyong 2 points na iyon, walang ginawa ang Easton. Namigay kami ng dalawang libreng puntos sa kanila.

Nagsigawan ang Easton crowd habang tahimik naman ang buong team maliban kay Uno.

"Error na naman si gago!" Halakhak niya. "Tuloy mo lang iyan!"

"Uno, tuwang-tuwa?" Si Marky na tumabi na pala sa 'min.

Nilingon ko si Coach Greg. Pinapakalma niya iyong starters namin. Nag-sorry si Kuya Harold habang napapailing na si Kuya Benny sa kaniya. Si Nico naman ay tahimik lang pero magkatinginan ulit kami ay lumambot ang ekspresyon sa mukha niya.

"Two serving zero!" Sabi ng announcer.

Pumito ulit ang referee. Jump serve ulit ang ginawa ng outside hitter ng Easton at gaya kanina ay swabe lang na na-receive iyon ni Kuya Benny. Halos hindi na gumalaw si Kuya Harold sa pwesto niya pero sabay-sabay na nagsigawan ang ibang kong teammates nang i-set niya iyon papunta mismo sa first referee! Hala!

Sinubukan pa iyon gawan ng paraan ni Nico pero hindi na niya nahabol iyong bola. Napatayo pa nga ako nang makita siyang natumba at napunta sa court ng Easton.

"Gago, kanina natatawa pa ako sa error ni Harold, ngayon, hindi na. Tangina, lahat ng score ng Easton, error niya!" Sabi ni Uno na napatayo na rin.

"Wala yatang laro si captain ngayon," sabi ni Marky.

"Anong yata? Wala talaga!" Sabay lingon sa 'kin ni Uno. "Sebby boy, ikaw na magkusang pumasok sa loob! Palitan mo na iyang Harold na iyan!"

Pero hindi ko na iyon pinansin. Mas nakatutok ang atensyon ko kay Nico na tinutulungan na ngayong tumayo nina Kuya Oliver. May binulong sa kaniya si Kuya Benny at tumango naman siya. Kinausap din siya ni Kuya Harold pero hindi na siya nag-react.

Ayos lang ba siya?

Hindi siya umiika sa paglalakad at mukha namang wala siyang iniinda pero... nag-aalala pa rin ako.

Sobrang delikado ng ginawa niyang paghabol sa bola kanina. Kaunting pagkakamali lang ay pwede siyang ma-injure.

Nagpatuloy ang game na sunod-sunod na ang score ng Easton. Sobrang taas ng confidence ng mga players nila at mas lalo pa silang ginaganahan sa tuwing magchi-cheer nang malakas ang crowd.

Hanggang sa mamalayan ko na lang na first technical timeout na pala at ang score ay 8-1.

Iyong 1 point pa namin ay galing sa service error ng Easton. Grabe... kung hindi pa sila mag-e-error ay wala pa pala kaming score.

"Thank you," sabi ni Nico pagkatapos kong iabot sa kaniya iyong tumbler at towel niya. Ginulo pa niya iyong buhok ko saka ako nginitian.

Napansin ko ang paglingon sa 'min ni Kuya Harold pero nagkunwari akong hindi nakita iyon. Hindi ko nga lang sigurado kung nakita rin ba iyon ni Nico pero mukhang hindi naman.

"Boys, we need to pass!" Sabi ni Coach Greg no'ng timeout.

Nang marinig ko iyon ay hindi ko maiwasan na kumunot ang noo ko. We need to pass? May receive naman kami, a? Ang gaganda nga ng pasa ni Kuya Benny, e...

Hindi ba niya nakikita na setting ang problema?

Hindi makapatay ang spikers namin kasi kung hindi mataas ang set ay masyado namang dikit sa net iyong bola. Anong we need to pass ang sinasabi ni Coach Greg?

Tumunog ang buzzer na nagsasabing tapos na ang technical timeout. Kinuha ko ulit iyong tumbler at towel kay Nico. Nagpasalamat ulit siya sabay gulo na naman sa buhok ko at bumalik na sa court.

"Greg, ipasok na natin si Seb. Off-game si Harold," rinig kong sabi ni Coach Jeka, iyong isa pa naming assistant coach.

Natigilan ako no'ng sabay silang napatingin sa 'kin. Nagkatinginan kami ni Coach Greg. Madalas ay ngumingiti siya sa 'kin kapag ganito pero ngayon ay hindi. Seryoso niya akong tinitigan hanggang sa mapunta ang tingin niya sa hawak kong tumbler at towel ni Nico.

Hindi ko alam pero wala sa sarili kong tinago iyong number 8 na naka-print doon.

"Ayoko," sagot ni Coach Greg kay Coach Jeka.

Continue Reading

You'll Also Like

23.7K 1.5K 4
It all started when business student Ish Ocampo watched middle blocker Theo Yu play for the very first time.
3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
460K 17.2K 48
Saellyn Yosjua was born with golden spoon in her mouth, being spoiled with all the things she want, and was even trained to act like a princess. But...
447K 13.3K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.