Jersey Number Nine

By xelebi

401K 20.9K 16.8K

It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter... More

Jersey Number Nine
00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30

14

11.9K 550 342
By xelebi

• 🏐 •

Iyong mga sumunod na araw ay mabagal na dumaan. Doon ko na talaga naramdaman iyong pagod at pressure pagdating sa kung paano ko pagbabalansehin ang pagiging estudyante at volleyball player. Pero sabi nga nila, kaya nauuna ang student sa salitang student-athlete ay dapat mas priority namin ang pag-aaral.

Tama rin naman iyon. Paano naman kasi ako mala-lineup sa team kung bagsak ang mga grades ko, 'di ba?

Isa pa, ang pangit tignan no'n sa transcript kung sakaling hindi ko itutuloy sa pro ang paglalaro at mag-apply ng trabaho sa labas ng mundo ng volleyball.

Nakakasabay naman ako sa mga lessons. Nagagawa pa rin naman on time ang mga school works. Inaantok minsan lalo na kapag may morning class kinabukasan tapos late natatapos ang training sa gabi. Pero kinakaya ko pa naman.

Iniisip ko na lang na kailangan ko galingan para may maipakain akong masarap kay Bok. Hindi iyong puro bigas, mais, o pellet lang.

At syempre, para makatulong ako kina nanay at tatay sa lahat ng ginawa at sakripisyo nila sa 'ming magkakapatid simula no'ng mga bata pa lang kami. Gusto ko kasi, kapag gr-um-aduate na ako at nagkatrabaho, sa bahay na lang sila at magre-relax.

Iyong iinom na lang sila ng kape habang magkatabi sa terrace ng bahay namin at pinapanood ang pagsikat ng araw. Iyong ipapasyal ko sila sa kung saan nila gusto. Kahit sa ibang bansa pa iyan.

Gano'n lang ang gusto ko para sa kanila.

Kaya kailangan kong galingan dito sa Manila. Kailangan ay sipagan ko pa sa mga trainings. Kailangan maka-graduate ako on time.

Pero first things first. Kailangan ko munang ipasa ang sem na 'to para mag-sembreak na at makauwi na ako sa 'min sa Iloilo.

Ay, iyong off-season tournament din pala! Kailangan din naming galingan kasi may game nga pala kami ngayong araw laban sa Easton University. Ito na iyong huli naming game sa elimination round at crucial ito para sa kanila kasi dito malalaman kung sila ba ang magna-number 1 sa standings o ang Westmore. Kami naman ay kahit anong maging resulta ng game ay number 4 pa rin kami.

Pero mas maganda kung mananalo kami laban sa Easton kasi pampataas iyon ng morale ng team sa semifinals.

Ngumuso ako. Ang dami ko palang kailangang gawin. Nakakaiyak.

'Dito na kita hintayin sa lobby, Seb.'

Napatingin ako sa phone kong nag-vibrate. Message from Nico Almojer (Teammate). Tinapos ko muna ang pagsisintas ko saka iyon ni-reply-an.

'Pababa na ako,' reply ko.

'Take your time.'

'Hindi. Pababa na nga talaga ako.'

'Okay. Ingat pababa.'

Natawa ako sa huling reply niya. Ingat pababa? Anong iniisip niyang mangyayari sa 'kin habang pababa ako sa lobby? Madapa? Gumulong sa hagdan? Gano'n ba ako ka-clumsy sa paningin niya?

At speaking of Nico, napapadalas ang pagme-message niya sa 'kin nitong mga nakaraang araw. Mas madalas na ngang siya ang laman ng inbox ko kaysa kay nanay, e.

Nagre-reply naman ako. Minsan, late. Madalas ay mabilis kasi wala rin naman akong magawa sa phone ko kundi text at call lang. Naka-social media ban kasi kami.

Puro mga maiikling palitan lang naman ang mga text messages namin ni Nico.

Madalas ay uumpisahan niya ng good morning message tuwing umaga. Alangang sa gabi, Seb, 'di ba?

Pero iyon nga, araw-araw iyon. Syempre sinasagot ko rin siya ng good morning. Sinasamahan ko pa nga ng emoji na nakangiti pero mukhang ayaw niya iyon kasi ang sunod niyang message ay nagtatanong kung galit daw ba ako.

Iyon ang hindi ko maintindihan. Naka-smile na nga, e. Paanong galit iyon? Ewan ko ro'n kay Nico.

Minsan ay ganito ang mga messages niya:

'Seb, are you in your class already?'

Kapag sinabi kong oo, sasabihan niya ako ng study well. Sasagutin ko lang siya ng salamat tapos hindi na siya magre-reply.

'Seb, free cut mo, 'di ba? Where are you?'

Kapag sinabi ko kung nasaan ako, for example, sa cafeteria o 'di kaya sa library, magugulat na lang ako na nando'n na rin siya. Madalas pa nga ay nililibre niya ako ng pagkain tapos ay ihahatid niya pa ako sa room ko kung may klase pa ako ng araw na iyon bago siya tumuloy sa klase niya.

'Seb, umuulan. May payong ka?'

Kapag sinabi kong wala akong dala, maya-maya ay susulpot na siya tapos bibigyan ako ng payong. Kapag nagdala naman ako ng payong, susulpot pa rin siya pero hoodie niya naman ang ibibigay sa 'kin. Kapag sinasauli ko, akin na lang daw. Kahit anong pilit ko, ayaw na niya talagang kunin pabalik.

'Seb, tabi tayo sa bus. Hintayin kita sa lobby o sa labas ng kwarto n'yo?'

Iyon naman ang message niya tuwing may game kami. Sa lobby ko na lang siya pinaghihintay pero sinisiguro ko na hindi lalagpas ng limang minuto ko siya paghihintayin. Nakakahiya rin naman kasi. Medyo nakaka-pressure pero wala akong choice kundi bilisan ang kilos.

Bukod pa iyong mga messages niyang iyon sa mandatory hello ko sa kaniya bago magsimula ang training namin. Tapos palagi rin siyang naggu-good night tuwing bago yata siya matulog.

Sa totoo lang, nakakatuwa na ganito si Nico.

Hindi ko akalaing... may ganito siyang side. Iyong... ano bang tamang word... sweet? Maalaga? Iyon nga yata.

Basta, para siyang si tatay kay nanay. Para rin siyang si nanay sa 'ming magkakapatid.

Kasi kung titignan mo siya, sa unang tingin, nakaka-intimidate ang hitsura niya. Malaking tao, matangkad, tapos grabe pa tumingin. Kaya don't judge the book talaga by its cover.

Hindi ko alam kung ganito rin ba siya sa iba naming teammates pero hindi ko na masyadong inisip. Baka kasi hindi ko lang napapansin o nakikita. Ang mahalaga lang sa 'kin ay hindi siya badtrip lalo na nitong mga nakaraang araw.

Isa pa, nasanay na lang din ako na may message siya o 'di kaya ay kapag nilalapitan niya ako sa campus man o training at games namin.

Nakakatuwa lang din kasi mas established na iyong connection namin sa court ngayon kumpara dati na nag-a-adjust pa siya sa mga sets ko sa kaniya.

Iyon nga lang, hindi ko rin minsan maiwasan na bawasan ang interaction ko kay Nico lalo na kapag sa trainings namin kasi naiilang talaga ako sa mga tingin nina Kuya Harold at Coach Greg.

Iyong kay Kuya Harold, naiintindihan ko pa. Palagi rin naman kasing masama ang tingin niya hindi lang sa 'kin pero sa iba rin lalo na kay Uno.

Pero iyong kay Coach Greg... hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako sa tuwing mahuhuli ko siyang masama ang tingin kay Nico. Tapos kapag ako ang titignan niya ay biglang magbabago ang ekspresyon sa mukha niya. Ngingitian niya ako na para bang hindi ko siya nakitang sinasamaan ng tingin ang ace spiker namin.

Sa totoo lang, natatakot ako sa kaniya.

Para siyang naglalakad na may dalawang mukha.

"Sebby boy, sino iyang ka-text mo at ngiting-ngiti ka?"

Napatingala ako kay Uno na nakatayo sa harap ko. Nakakunot ang noo niya at parang nawi-weird-uhan sa 'kin. Nakabihis na rin siya at sukbit na ang backpack niya.

"Wala," sagot ko at nilagay ko na iyong phone sa bulsa ng duffel bag ko. "Tara na. Baba na tayo," tumayo na ako saka kami sabay na lumabas ng kwarto.

"Hindi nga? Sino iyan? Imposibleng si tita!" Tukoy niya kay nanay. "Hindi ka naman ganiyan ngumiti kapag ka-chat mo nanay mo, e."

"Wala nga," sagot ko. Tsismoso talaga ng isang 'to. "Tinitignan ko lang iyong picture ni Bok."

"Sus! Nasa gallery ka tapos nagta-type?"

Napakurap ako at natawa naman si Uno. Ano ba iyan... hindi talaga ako magaling magpalusot, e.

Pero bakit ba kasi ayaw kong sabihin na lang sa kaniya na si Nico ang ka-text ko? Oo nga, 'no? Para namang may kung ano kaming pinag-uusapan. Natawa lang talaga ako kasi pinag-iingat pa niya ako kahit pababa lang naman kami sa lobby na tatlong palapag lang naman ang pagitan.

"Okay, fine. Kahit naku-curious ako, hindi na kita kukulitin," tumawa si Uno sabay gulo sa buhok ko. "Pero tabi ulit kayo ni Boss Nico sa bus?"

"Uh, oo."

"Ang daya talaga!" Bigla siyang nagdabog. "Miss na kitang katabi, Sebby boy! Ayaw mo na ba akong katabi? Ayoko na kay Marky at ang likot ng isang no'n. Parang kiti-kiti!"

"Kiti-kiti ka rin kaya," sabi ko na natatawa. "Kung gusto mo ng tahimik, tabihan mo si Kuya Harold. Wala siyang katabi, 'di ba?" Biro ko kahit alam ko namang magwawala itong si Uno.

"At ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit walang tumatabi sa isang iyon? Napakaarte! Akala mo, bigay ng tatay niya iyong bus natin para wala siyang katabi! Kahit sina coach, ayaw sa kaniyang dumikit, e."

Napailing na lang ako at sakto rin namang nakarating na kami sa lobby. Naabutan namin doon si Kuya Nico na naka-headphones at nakaupo sa sofa. Nang makita na niya kami ay tumayo siya saka lumapit sa 'kin.

Napansin ko agad iyong mga mata niya na nasa duffel bag ko. Naku, iyan na naman siya. Hihingin na naman iyong bag ko para siya na raw ang magdala sa bus.

"Akin na iyang bag mo."

Sabi na, e. Pero umiling agad ako. "Bakit mo ba kinukuha palagi itong bag ko?"

"Mukhang mabigat."

"Kaya ko naman."

"I know you can but let me carry it for you."

Nagkatinginan kami. Maliit siyang ngumiti sa 'kin pero napaawang lang iyong labi ko. Hindi ko alam pero ramdam ko ring bumilis iyong kabog ng dibdib ko. Hala...

"Boss Nico, pwede iyong bag ko rin?" Rinig kong sabi ni Uno kaya naputol iyong tingin ko kay Nico.

Tumikhim ako pero hindi pa rin binigay ang bag sa kaniya. Ano ba naman itong si sir. Para naman akong may sakit kung tratuhin. Kasama naman niya akong mag-workout at magbuhat ng weights sa training... naliliitan ba siya sa braso ko? Ang gaan, gaan lang nitong bag ko, e.

Nilingon ko ulit iyong dalawa at natakot ako para sa buhay ni Uno nang makitang kumunot ang noo ni Nico sa kaniya. At mukha rin namang napansin niya iyon kaya awkward siyang tumawa.

"Sabi ko nga, e! Bag ko, buhat ko! Bag ni Sebby boy, buhat ni Boss Nico!"

"Sira," sabi ko sa kaniya. "Tara na," dagdag ko at tinalikuran na silang dalawa.

"Boss Nico, tabi pa rin kayo ni Sebby?"

"Yes."

Parang hinipan ni Hanging Amihan ang batok ko sa lamig ng pagkaka-yes ni Nico. Ang suplado naman! Badtrip ba siya kasi hindi ko binigay iyong bag ko?

"Hindi pwedeng mahiram muna siya? Palagi na kayong tabi, e. Ako naman, please?"

"No."

Hanggang sa makarating kami sa bus ay kinulit nang kinulit ni Uno si Nico pero hindi niya talaga napilit.

Buti na lang ay wala pa si Kuya Harold at Coach Greg kaya magaan para sa 'kin ang naging pagpasok ko sa bus. Dumiretso agad ako sa palagi kong inuupuan, iyong pangatlo sa dulo, tabi ng bintana. Naupo naman agad si Nico sa tabi ko habang nagmumukmok namang naupo sa likuran namin si Uno.

"Banana," sabi ni Nico sabay bigay sa 'kin ng saging na galing pa sa bag niya.

"Mini fan," sabi ko naman saka ko iyon inabot sa kaniya.

Para kaming nag-exchange gift. Saging ang gift niya sa 'kin at mini fan naman ang gift ko sa kaniya. Lugi yata ako kung sakaling totoong siya ang makakabunot sa 'kin sa Monito Monita.

T-in-urn on niya iyon saka tinutok sa 'ming dalawa habang kinakain ko iyong bigay niyang saging.

Hindi rin naman nagtagal ay dumating na rin iyong iba naming teammates. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana nang makita ang automatic na sama ng tingin sa 'min ni Kuya Harold. Nilingon ko si Nico kung napansin din ba niya pero nakapikit siya habang nakikinig ng music sa headphones niya.

Sumunod namang pumasok iyong coaching staff. At gaya ni Kuya Harold ay sa 'min agad ang tingin ni Coach Greg.

"Guys, wala si Coach Al ngayon," rinig kong sabi niya kaya nilingon ko ulit ang assistant coach namin. "Sinugod siya sa ospital kaninang umaga."

Napakurap ako ro'n. Kani-kaniya ring reaksyon ang mga teammates ko maliban kay Nico na nahuhulog na iyong ulo kasi nakatulog na. Wala sa sarili kong pinatong ang ulo niya sa balikat ko.

Pero, teka, anong nangyari kay Coach Al?

"Bakit po, coach?" Si Uno ang bumoses sa tanong ko.

"Dehydrated," sagot ni Coach Greg. Kitang-kita ko ang mabilis na pagbabago ng timpla ng mukha niya nang ilipat naman niya ang mga mata kay Nico. "Ako muna ang in-charge. Galingan natin, a? Para may good news tayo kay Coach Al paglabas niya ng ospital."

"Copy, coach!" Sigaw ng boys.

Tumango si Coach Greg pero hindi pa rin inaalis ang tingin sa 'min ni Nico. Nilingon ko na lang ulit ang labas saka bumuntong-hininga.

Hindi ko alam pero kinakabahan na ako hindi dahil sa game kundi dahil siya ang magiging coach namin mamaya.

Continue Reading

You'll Also Like

2.1K 189 14
On the quest to send the arrow that the woman he likes gave him, Cupid meticulously looked for the man who captivated her. Upon taking the shot while...
23.3K 1.5K 4
It all started when business student Ish Ocampo watched middle blocker Theo Yu play for the very first time.
1M 33.4K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
484 45 7
The sinking ship represent Leiro Dewey Salazar's life, he always see his life as battleship fighting his own unpredictable waves, but when his ship s...