Miss Astig

By cursingfaeri

3.7M 55.6K 8K

PUBLISHED UNDER LIFE IS BEAUTIFUL and is available in all Precious Pages Bookstore Nationwide for only 129.75... More

About the Book
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty four
Forty five
Forty Six
Bonus Chapter
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five - The Finale
CREDITS || FAQs || SURVEY QUESTIONS || POVs
Ang huling hatol ni Diwata
SOON TO BE PUBLISHED
Published Book Version

Ten

62.6K 1K 83
By cursingfaeri

____________________________________________________

 "Ate magkano po ang fishball?"

Kasalukuyan akong nasa labas ng gate ng school kung saan nakahilera ang mga streetfoods. Bente pesos lang ang pera ko dahil hindi naman talaga ako nagbabaon ng pera. Budget ko lang pambili ng streetfoods yun simula ng madiscover ko ang mga trip nina Charlie. Masarap pala. Pero twice a week lang ako pwede magstreetfoods. Natatakot kasi sina Tita na magka-amoeba ako. Yung disease na nakukuha sa mga streetfoods nga.

Hindi ko alam bakit ang tagal sumunod nina Charlie. Kakatapos lang kasi ng lunch time at sinabi kong bibili ako sa labas.

"Ate, pwede po bang mixed yung sawsawan ko? Yung sweet tapos spicy po sana," tanong ko dito at inabot ang sampung piso. Ngumiti naman si ate at tumango. Sinawsaw ko na ang limang stick ng fishball at inumpisahan ng lantakan. Mamaya na ako bibili ng buko juice pag naubos ko na ang pagkain ko.

Nasa pangalawang stick pa lang ako ng malaglag ang natirang apat sa kamay ko at natapunan ng sauce ang uniporme ko. Binato lang naman ako ng kung sino. Medyo masakit nga bukod sa mainit-init pa ang fishball, masakit din ang tama ng bola sa bandang tiyan ko. Bola ng softball ang ginamit pambato sakin. Lilingon sana ako ng may humintong itim na sedan sa harap ko at lumabas ang lalaking naka-coat and tie sa passenger seat niyon.

"Here, take this." Sabay abot ng wet wipes. Hindi na ako nagdalawang isip na kunin iyon mula dito pagkat ramdam ko na ang panglalagkit at pagpaso na din ng sauce sa damit ko.

"Salamat po."

Hinintay nitong matapos ko ang paglilinis ng damit at nagtanong.

"By any chance, are you Louie Antoinette Kwok?"

Kinabahan ako sa tanong niya kaya nasabi kong, "No. My name is Charlotte Flores." Bahala na. Pinaghalo ko ang pangalan ni Charlie at apelyido ni Chan-Chan. Hahahaha.

Tumango-tango naman ang lalaki bago sinipat ang tila wallet size picture at binalik sa bulsa. Gusto ko pa sanang silipin. Sayang. Haha. "Okay." Sabi nito bago binalingan si ate na nagtitinda ng fishball at binigyan ng 500 pesos. "Give her anything she wants to eat," sabi nito at sumaludo sa akin bago umalis. Hindi ko na nagawang magpaalam at magpasalamat sa gulat pagkat umalis din agad ang sasakyan pagpasok nito. Pero ramdam kong may nakatingin sa akin sa backseat. Masyadong tinted kasi ang sasakyan.

Kumuha ako ulit ng limang fishball kay ate at buko juice. Ayos 'to, fiesta. Hahaha. Saktong katatapos ko lang ubusin ang kinain ko ng lapitan ako ni Ally. As usual, kasama ang mga alipores niya. This time, anim na sila. Ito yata may pakana ng pagtapon ng pagkain ko kanina eh. Nagulat ako ng bigla niya akong sampalin.

Pak!

Napahawak ako sa mukha sa sobrang sakit. Ang sakit talaga!

"Anong problema mong babae ka?!" Galit kong sigaw dito. Pinagtitinginan na din kami ng mga tao. Malay ko ba na sasampalin ako nito?! Gusto ko sana siyang suntukin, nahiya lang ako gumawa ng eskandalo. Pero promise, nakakaiyak ang sampal niya. Gaaahd. Napahiya din kasi ako ng husto.

"Masakit ba?" tanong nito at hinila ang buhok ko.

"Tigilan mo na yan!" sigaw ko dito. Baka hindi ko na talaga mapigilan at masapok ko siya. Kanina pa ako pinapahiya nito ah!

"Bakit? Napapahiya ka na ba? I know how much you value your reputation in school kaya hindi ka naman talaga papalag 'pag sa harap ng madaming tao eh hahaha!" 

"Inaano ka ba Ally?!" singhal ko dito.

"I told you not to mess with me pero nakikipaglandian ka pa rin kay Aidan!" nanlilisik ang mga matang sabi nito. Naloloka na yata 'to eh. Hindi ko naman natandaang 'nakipaglandian' ako. Balak pa lang naman. Chos. Hahaha.

Dinuro duro ako nito sa dibdib. "Aray naman! Ano ba?!" Bibingo na talaga 'to sakin. "Tandaan mo 'to tomboy, YOU WILL NEVER HAVE HIM," sabi nito bago ako binigyan ulit ng isang malakas na sampal. Gustuhin ko mang gumanti pero masyadong madami siyang kasama. Baka pagtulungan lang ako. Nagpupuyos tuloy ako sa galit ng mapag-isa. Pinagtitinginan na din ako ng mga tao kaya tumakbo na lang ako pabalik sa classroom. Dumiretso muna ako sa CR at tahimik na umiyak. Humanda talaga yun, gaganti ako huhuhu. Langya siya. Nakakahiya! Nagpapadyak ako sa inis.

"L-Louie.. uhm, napano yang nguso mo? D-dumudugo," tanong ni Chan-Chan ng maupo ako sa upuan katabi nito.

"Wag mo akong kausapin Chan, baka masuntok kita, galit ako," sagot ko dito at pasimpleng dinama ang kilid ng labi. Nakakainis dumudugo nga. Pagagalitan ako nito sa bahay eh huhu. Hindi naman 'to kumibo at lumabas. Pagbalik ay may dala na 'tong yelo.

"O yan, ilagay mo para 'wag lumala," abot nito.

"Bakit ba kasi ang kulit mo Chan?! Matalino ka ba talaga?! Anong mahirap intindihin sa WAG MO AKONG KAUSAPIN?!" tanong ko dito saka binirahan ng alis.

Nagpasya akong umabsent ng hapon kaya nagpasundo ako kay Tatay Tonyo. Sinabi kong nadapa ako kaya ako nagkaganon. Nagtataka man dahil alam nilang hindi naman ako ganun kalampa, tumahimik na lamang sila. Pinapunta naman agad ang family doctor para matingnan ako.  Pagkatapos ng hapunan ay tinawag ako ng mga pinsan ko.

"Louie, tara laro muna tayo sa poolside. Food trip tayo habang nagcha-Chinese Checkers," sabi ni Kuya Justin.

"Kayo na lang po Kuya. Matutulog na po ako," paiwas kong sagot. Knowing them, magtatanong lang ang mga 'to. Numero unong mga chismoso pa naman.

"Halika na," sabi ni Kuya K at hinila na ako patungong pool. Nakaupo lang kaming lahat sa sahig.

"Sino may gawa sayo niyan? Magsabi ka ng totoo Louie," tanong ni Kuya J. Sabi na nga ba. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na naman ako.

"Nag-away ba kayo ng tomboy mong bestfriend?" tanong ni Kuya K. Umiling ako.

"O sinapak ka na sa wakas ng bakla mong kaibigan?" napanguso ako sa tanong ni Kuya Justin.

"Duh Kuya! As if ha," sagot ko habang nangingilid ang mga luha at todo iling. Anu-ano ba tong pinag-iisip nila!

"Sshh tahan na. Ikwento mo yung buong pangyayari," alo sakin ni Kuya Kurt.

"L-Lumabas po kasi ako kanina sa school eh, bumili nung fishball. Tapos binato ng bola ng softball yung pagkain ko kaya natapon sa damit ko. Tapos may lumapit sakin na lalaki, nagtanong kung ako si Louie Antoinette Kwok daw.."

"Anong sabi mo? Ano itsura?" nakakunot-noong tanong ni Kuya Justin.

"Naka-coat and tie. Parang.. respetado nga eh. Syempre natakot ako kaya sabi ko, "No. I'm Charlotte Flores."

Nagkatinginan ang mga pinsan ko.

"Sino yung Charlotte Flores?" tanong ni Kuya Kurt.

"Pangalan ni Charlie yun at apelyido ni Chan-Chan hehe!"

"Smart-Ass," sabi ni Kuya J. "O tapos?"

"Umalis din, pero binayaran niya yung nagtitinda ng fishball ng 500 pesos at sinabihan na bigyan ako ng gusto kong kainin bago umalis... Kakatapos ko lang ubusin yung kinuha ko ng lapitan ako ng grupo ni Ally," huminga muna ako ng malalim at nagsimula na naman akong humagulgol."D-Dalawang beses niya akong sinampal at sinabunutan niya din ako. Hindi ako makaganti kasi ang dami ng tao. Pinagduduro niya pa talaga ako," sumbong ko dito.

Tumiim ang baga ng mga pinsan ko.

"Amina nga, patingin," sabi ni Kuya J. "Ba't hindi ka nagpa-guidance?"

"Napahiya na ako eh. Umuwi na lang ako, naghalfday lang kaya ako. Nasinghalan ko nga si Chan-Chan sa inis eh, magso-sorry na lang ako bukas," sabi ko.

"O sige na, magpahinga ka na," sabi ni Kuya J. Iniwan ko na sila na patuloy na nagkwentuhan.

Naalimpungatan ako bandang alas dose ng gabi kaya bumaba ako at kumuha ng fresh milk sa kusina. May narinig akong tila nagsisigawan sa poolside. Nag-uusap pa rin mga pinsan ko?!

Dahan dahan akong naglakad at nakiramdam. Narinig kong nagtatalo sina Kuya J at Aidan?!

"Pagsabihan mo yang si Ally, talagang papatulan ko na yan Aidan! Hindi na nakakatuwa ang ginawa niya kay Louie!" mabagsik na sabi ni Kuya J.

"Sinabihan ko na yan J, bakit ba ako ang pinagsasabihan mo hindi ko naman girlfriend yun?!"

"Wag ka na kasing lapit ng lapit kay Louie! Siya napeperwisyo eh. Nakita mo ba ang mukha niya?! Sinampal siya ni Ally ng dalawang beses! Namamaga ang mukha niya, iyak ng iyak kanina habang nagkukwento. Parang gusto kong manuntok ng babae kanina. Kaya ayusin mo yan," pinal na sabi ni Kuya J.

"She what?! At ano? L-Layuan?!"

Hindi ko na kaya pang marinig ang iba pang sasabihin nina Kuya kaya nagmamadali na akong umakyat sa aking silid.

***

 "Chan-Chan!" 

Tawag ko dito habang papasok ng classroom.

"Okay ka na?"

Tumango ako at bahagyang ngumiti. Ang bait talaga nito.

"Chan, sorry kahapon ha, nasinghalan kita," sabi ko dito.

"Wala yun, andun si Charlie sa labas kanina ka pa hinihintay, nagtatanong kung bakit ka umuwi kahapon," nguso nito kay Charlie na kumakaway. Sabay kaming lumabas at pumunta sa paboritong bench namin sa lilim ng puno.

"Ahahahaha anong nangyari sa nguso mo? Ba't ka nga pala umuwi?" Tanong ni Charlie.

"Wow ha? Salamat sa pagmamalasakit, tinawanan pa talaga ako," sagot ko dito at inilahad ang nangyari kahapon.

"Grabe naman yang si Ally! Ang tindi siguro ng selos nun sayo," sabi nito. "Pero plano mong gumanti no?" tanong nito. Nagkibit-balikat lang ako.

"Ay teka Louie, may Miss Intramurals Pageant pala tayo. Tingin mo sino ang magandang i-suggest na representative natin sa first year? May meeting mamaya ang buong officer ng freshmen eh," singit ni Chan-Chan na tila problemado.

"Ba't ako tinatanong mo? Ewan ko. Ayan si Charlie. Hahahaha!"

"Ano ka?! Ba't ako?! Ba't hindi si Chan-Chan?! Siya naman ang maganda ah hahahahaha!" sagot ni Charlie na ikinalukot ng ilong ni Chan-Chan.

"Sino ba ang representative sa ibang year level?" tanong ko.

"Si Clarisse del Rosario daw sa second year, hindi pa final sa third year at si Allison Yapchiongco ang sa fourth year," sagot ni Chan-Chan.

"Maganda nga yang si Clarisse. Di ba nagte-table tennis yan?" tanong ko dito. Tumango naman ito. "Eh sino yung Allison? Hindi ko kilala."

"Tanga, si Ally yan," sagot ni Charlie. Oo nga pala, captain ball niya pala 'to kaya alam niya ang buong pangalan. Napaisip ako ng ilang segundo.

"Talaga lang ha? O isuggest mo na ako diyan," sabi ko kay Chan-Chan na halatang nagulat.

"Sure ka? Pag napili ka walang bawian na 'to ha?" pangungumpirma nito.

"OO NGA. Ang kulit lang?"

At nag-apiran sila ni Charlie.

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 69.9K 33
Gorgeous, Rich, and Bitch-- Three words describe this girl. Her dad sent her in their own university for her to study. Then, she pretend to be a nerd...
6.6K 277 55
"Sabi nila hindi daw totoo ang love at first sight pero bakit ganun ako lang ba ang tinablan nun o naranasan niyo na din na ma - love at first sight...
174K 4.1K 53
Mean Girls: Ang grupo ng mga babaeng ito ay ang kadalasan na kinaiinisan ng lahat. The things they say and do receive a lot of hateful comments. Sa k...
40.5K 1.6K 24
Casa de Jardin, isang lumang mansyon na matatagpuan sa tutok ng bundok sa Isla Katalim. Ang bahay ay pagmamay-ari ng isang byudo at mayamang lalaki n...