It's the Same Old Song (The R...

By kemekemelee

4.9K 340 186

The Runaway Girls Series #4 Janna Beatrice Regalado is the breadwinner of her family. Mag-aral nang mabuti. M... More

It's the Same Old Song
Intro
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13

Chapter 2

203 23 14
By kemekemelee

Sacrifice

"Go on a date with me, and I'll let you use half of the court."

Isang minuto ko yata siyang tinitigan para lang hintayin na bawiin niya ang sinabi niya pero lumipas na lang ang halos dalawang minuto. Parang tanga kaming nakatitig sa isa't isa. Ang ngisi niya kanina na unti-unting napawi dahil hindi ako nagsasalita.

"What kind of trick are you trying to pull off, Dela Vega?" diretso kong tanong.

"Trick? Sino bang may sabing nagbibiro ako, Regalado?"

Fuck.

This is the first time he addressed me by my family name. Madalas niya kasi akong tinatawag sa pangalan ko. I don't know, but the way he called me that... it felt like he was declaring war... and something inside me churned with the urge to open the gates of hell and join the damn fight.

Eye to eye. Teeth to teeth. I could feel the damn tension building between us, but I can't look away, or else I'll lose this game.

"At sa tingin mo rin ba papayag ako sa gusto mo?"

"Pwedeng oo? Pwedeng hindi? Pero kung ako ang nasa posisyon mo..." Napahinto naman siya para tingnan ang mga kaklase kong nagrereklamo na sa init. "Iisipin ko ang sitwasyon ng mga kaklase ko na naglakad sa initan para lang mapunta sa wala?"

He sounds so damn confident. Bahagya pa niyang nilapit ang mukha niya sa akin para lang ngumisi habang panay sulyap sa mga kaklase ko at sa akin. Like he's leaving me no choice but to agree with his proposition!

Umatras ako dahil masyado na siyang malapit sa akin.

"No," matigas kong sagot.

"What do you mean by no?"

I smirked. "Rank 1 ka hindi ba? Ang simple lang ng sagot ko pero hindi mo pa makuha kung anong gusto kong iparating."

"I get it. Hahayaan mo ang mga kaklase mo na mainitan. Okay, naiintindihan ko na."

Nakakairita!

"Now, if you please, excuse me? Kailangan na kasi naming mag-practice sa loob ng court na malamig, may lilim at hindi kami maiinitan," dagdag pa niya.

Huminga ako nang malalim at tinitigan ang mga kaklase ko na naghahanap na lang ng masisilungan. Ang iba sa kanila ay nasa tindahan, nasa ilalim ng puno, habang ang iba naman ay naglabas ng payong para lang makasilong.

"Pres? Wala pa ba?" rinig kong tanong sa akin ng kaklase ko.

Nilingon ko si Vance na naglalakad na papasok ng court kaya naman naglakad ako patungo sa kaniya at hinila ang shirt niya.

"Can we please... talk about it?"

"Ano? Gusto mo na bang makipag-date sa akin?"

I rolled my eyes. "Can you please lower down your voice?"

"Okay!"

He is smiling like an idiot. For fuck's sake totoo ba talaga ang mga naririnig ko na patay na patay siya sa akin? Well... alam ko namang gusto niya ako kahit hindi niya sabihin pero hindi ko naman inasahan na sa ganitong level na iyon!

If he likes me that much... does that mean I can take advantage of his feelings?

"Ayaw kong makipag-date sa'yo."

Bigla namang nawala ang ngiti niya.

"Pero pwede naman siguro ito... na ihatid mo ako pauwi? Isang beses lang. How about that?"

It's the only thing that I can offer! Nasa iisang barangay lang kami at malapit lang ang school kaya hindi na iyon masyadong masama kaysa naman makipag-date ako.

Hindi siya sumagot. Nanatili lang ang tingin niya sa akin kaya nagsalita ulit ako.

"Kung ayaw mo naman, ayos lang. Malapit na rin naman kumulimlim dahil hapon na kaya pwede na kaming mag-practice sa kalsad—"

I heard him groan. "Oo na! Oo na! Payag na ako!"

Pinigilan ko ang sarili ko na mapangisi. I can really take advantage of his feelings, huh? Kanina lang ay ako itong threatened sa kaniya pero ngayon... siya itong takot na takot na kumawala sa kaniya ang opportunity na binibigay ko sa kaniya.

"You'll let us use half of the court?"

"Oo."

"For free?"

He nodded. "For free."

Poor Vance Dela Vega is now wrapped around my finger. Can you believe that?

"Thanks."

"Monday. Mag-aabang ako sa tapat ng room niyo para sabay tayong uuwi. Hindi ko dadalhin ang bike ko. Maglalakad lang tayo pauwi."

Bahala na nga. Isang beses lang naman at hindi na iyon mauulit. Magsasabay lang naman kami umuwi at wala naman sigurong magiging problema doon?

Tumango ako. "Sige."

Lumabas ako ng court para salubungin ang mga kaklase kong kanina pa naghihintay sa akin. Nakaramdam naman ako ng awa dahil nakita kong pawis na pawis sila. Hindi pa nga kami nag-uumpisa pero halos maubos na ang pera nila kakabili ng softdrinks at palamig.

Mabuti na lang at madaling bumigay sa akin itong si Vance.

"Pasok na tayo sa court pero... may kasama tayo."

Kumunot naman ang noo nila at narinig ko agad ang reklamo nila.

"ICT ang kasama natin pero ngayon lang naman ito. Half court lang din ang magagamit natin."

"Pres naman! Paano kapag ginaya nila yung cheerdance natin?!" tanong ng kaklase ko.

Umiling ako. "Ngayon lang ito. Hindi pa naman matatapos yung practice natin ngayon kaya hindi nila makokopya iyon."

"Tangina kahit practice lang ito dapat galingan niyo! Dapat makita ng mga ICT na iyan kung sinong binabangga nila," dagdag pa ng isang kaklase ko.

"Ay, oo! Gago huwag kayong papatalo. Kahit practice lang ito dapat bigay niyo na best niyo!" sabat pa ng isa na sinang-ayunan din ng iba.

Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil hanggang dito ay competitive pa rin sila!

"Walang lalambot lambot mamaya ah mga gago huwag niyo pahiya section natin!"

Hindi sila natigil sa pag-iingay hanggang sa makapasok kami sa loob ng court. Ramdam ko rin ang mga nanlilisik na mata ng ICT na nanonood sa amin na maglakad papunta sa kabilang side ng court.

Taas noong naglakad ang mga kaklase ko. Hindi man lang nilingon ang kabilang section.

"Bawal lumagpas dito, ah!"

Napatingin kami sa nagsalita at nakita namin yung isang babae na galing sa ICT. May chalk pa siyang hawak at nakita kong ginuhitan niya yung kalahati ng court bilang palatandaan na hanggang doon lang ang sakop namin.

"Hanggang dito lang kayong mga HUMSS kayo," dagdag niya pa.

"As if gusto naming lumapit sa inyo?!" sagot ng kaklase ko.

"Baka lang naman! Nagpapaalala lang ako. Ang yayabang niyo pa naman na akala niyo inyo ang lahat pero kayo naman itong nakikihati lang dito sa court."

"Ulol. Check mo yung kaliwang paa mo. Saan nakaapak? Sa teritoryo namin."

Humagalpak ng tawa ang mga kaklase ko nang makita nila ang pamumula ng mukha ng babae galing sa ICT.

"Sige ganito na lang. Kung sinong lalagpas sa linya na iyan magbabayad ng 100. G ba?" suhestyon ni Toledo. Ayan na naman siya! Hindi na nadala sa away nila nito lang.

"Gago, ang yabang mo ha!"

"Kayo itong unang naghati ng court. May pa-chalk chalk pa kayong nalalaman," sagot ni Toledo.

"100 lang? Gawin mo nang 500!" sagot ng kabila.

"500 amputa! Yabang ng mga gago pero sige!"

Si Toledo ang nakipag-shake hand sa kabilang section bilang kasunduan sa usapan nilang parang tanga. Ingat na ingat pa ang dalawa na hindi lumagpas ang paa nila sa guhit. Umiling na lang ako at nilapitan sila Rowena para makapag-umpisa na kami ng practice.

Masyadong inspired ang mga kaklase ko na galingan ang pagsasayaw para lang makita ng kabilang section. Nilingon ko ang ICT at nakita kong gano'n din sila. Parang ayaw rin magpatalo at masyadong tinotodo ang pagsasayaw.

"First try natin ng lifting. Boys alam niyo na gagawin niyo, ah? Sa girls naman magtiwala lang kayo sa boys dahil sasaluhin nila kayo."

Pumalakpak ako para matahimik ang buong section. Tinulungan ko si Rowena na i-arrange ang mga kaklase namin hanggang sa makuha namin ang tamang ayos para sa una naming stunt.

"Higpitan ang hawak at baka malaglag!" paalala ko pa.

"Okay, then after that sasaluhin niyo sila. Practice natin with music," dagdag ni Rowena.

Kinuha ko ang phone na gamit namin at saka ako nag-play ng kanta para sa part na iyon. Pinagmasdan ko nang maigi ang bawat galaw ng mga kaklase ko sa unang lifting namin.

Habang ginagawa nila iyon ay panay cheer din ang mga kaklase kong hindi parte ng una naming stunt kaya naman napatingin ang kabilang section sa ginagawa namin.

"Ey! Gago hindi niyo kaya iyon!" malakas na sigaw ni Toledo.

Matapos niyang sabihin iyon ay mas lalo kaming napahiyaw dahil naging successful ang unang try namin. Smooth na nasalo ng boys ang girls. Sumulyap ako sa kabilang section at nakita kong napahinto sila sa ginagawa nila dahil nanonood sila sa amin.

"Lifting lifting pa tapos kapag may naaksidente edi wala rin!" rinig kong sigaw galing sa kabila.

"Ayos nang walang lifting at least okay kami! Hindi namin iri-risk ang safety ng kaklase namin para lang makapagyabang!" dagdag pa nila.

"Gago gano'n linyahan ng mga inggit, eh. Tanggapin na lang kasi na hindi niyo kaya ang stunt na ginagawa namin," pasaring naman ng kaklase ko.

"Kaya rin naman namin pero ayaw lang namin na may maaksidente."

"Sus, daming dada. Puro ebas lang hindi naman magawa."

Maling desisyon talaga na mag-practice sa iisang lugar kasama ang ICT dahil hindi natapos ang araw namin nang walang nagsasapakan. Galit na galit si Toledo kanina dahil umapak siya sa kabilang linya at ayaw niyang magbigay ng 500 kaya nauwi iyon sa suntukan.

Sa susunod talaga ay hindi ko na aasahan si Blue pagdating sa ganitong bagay. Ayaw ko nang maulit ang gulo kanina kaya mas mabuti pang kami na lang ang umiwas dahil baka sa susunod ay magsaksakan na sila.

"Beatrice, gisingin mo nga ang kapatid mo! Tanghaling tapat na at nakanganga pa iyon," utos ni Mama sa akin.

"Aalis tayo ngayon sabihin mo," dagdag naman ni Papa.

"Wala ka pong byahe ngayon?" tanong ko.

"Hindi na muna. Miss ko na kayo kaya magsisimba tayo mamayang hapon tapos kakain tayo sa Jollibee."

Napatalon naman si Bella sa narinig. Favorite niya kasi ang Jollibee kaya hindi na rin nakapagtataka kung bakit gano'n na lang ang tuwa niya.

"Pa, hindi naman ba tayo mabibitin niyan? Ayos lang naman po sa akin kung take out na lang para kay Bella."

Sumimangot naman si Papa bago niya ginulo ang buhok ko.

"Ang sabi sa akin ng Mama mo rank 2 ka raw. Hindi ba dapat nating i-celebrate iyon?"

Jollibee.

Nasa ganitong edad na ako pero para sa akin sobrang rewarding pa rin sa pakiramdam sa tuwing kakain kami sa Jollibee. May birthday? Kakain kami sa Jollibee. May award ako? Doon din ang punta namin. Sweldo ni Papa? Didiretso kami agad sa Jollibee.

Rewarding dahil hindi kami madalas nakakakain doon. Lalo na dahil talagang kinakapos kami sa buhay. Bus driver si Papa habang si Mama naman ay naghahanap lang ng extra sa paglalabada. Habang ako naman ay kung minsan ay nagtu-tutor para may pandagdag sa baon at gastusin namin sa bahay.

"Pa naman. Hindi na kailangang i-celebrate iyon."

"Mahirap kaya ang mag-aral kaya dapat lang na kumain tayo sa labas mamaya! Galing galing mo anak. Sa akin ka nagmana, ano?"

Natawa naman si Mama. "Hoy, Richard! Sa akin nagmana iyan si Beatrice. Panay cutting ka noong highschool kaya asang sa'yo nagmana iyan?!"

"Anong Richard? Kailan mo pa ako tinawag na Richard ha Isabella? Mahal ko dapat hindi Richard."

Humagalpak naman ako ng tawa dahil sa landian ng magulang ko sa harapan ko.

"Sus, mukha mo! Baka may babae ka d'yan. Basta driver daw sweet lover."

Ngumuso si Papa. "Ikaw lang naman babae ko."

"Ang lalandi naman! Kalma mo iyan, Pa." Hirit ni Blue na pupungas-pungas pa dahil kagigising lang.

Kinurot ko naman si Blue dahil masyado na siyang tinanghali ng gising.

"Hoy, may kasalanan ka pa sa akin."

"Ano na naman?! Aga aga naman oh tinotopak na naman."

I smacked his abdomen.

"Anong maaga sa ala una?!" singhal ko.

"Ay, ala una na ba."

"Bakit sila Vance ang nasa court kahapon?! Akala ko ba pinuntahan mo na sa barangay!"

"Eh, ewan ko na sa kanila. Bahala ka d'yan, Ate. Init init oh maliligo muna ako. Try mo rin baka sakaling mawala init ng ulo mo."

Pagdating ng hapon ay nagsimba kaming buong pamilya. Hindi kami madalas na nakakapunta ng mall dahil nga kinakapos kami kaya kung gagala man kami hanggang simbahan lang tapos tatambay kami sa plaza at kakain ng street food.

"Jollibee!" Tinuro ni Bella ang Jollibee na katabi lang ng simbahan.

"Yes, kakain tayo sa Jollibee."

"P-paborito ko ang Jollibee. E-excited ako sobra," sagot pa ni Bella.

Ngumiti naman ako at mahigpit na hinawakan ang kamay ng kapatid ko. Pumasok kami sa loob at kami ni Blue ang naghanap ng mauupuan habang sila Mama naman ang pumila para umorder ng pagkain namin.

Ilang minuto lang dumating sila na bitbit ang isang bucket ng fried chicken. Anim lang iyon at sapat na iyon para sa aming lima. Ang sobra... sigurado akong kay Bella iyon mapupunta.

Umuwi na rin kami pagkatapos naming kumain. Hindi nga lang namin inasahan na nag-aabang pala sa amin si Tita Lavinia. Galit na galit at parang sasabog na habang papalapit kay Mama.

"Hoy, Isabella! Anong sabi mo sa akin kahapon? Due date na nitong bahay niyo pero hindi ka pa rin bayad!"

"Ate naman... magbabayad naman kami. Ito nga oh nakasahod na si Richard kaya makakabayad na kami ng renta."

Kinuha ni Papa ang wallet niya at naglabas ng pera. Ilang segundo pang binilang ni Mama iyon bago niya inabot kay Tita.

"Tatlong libo lang?! Kulang ito! Dalawang buwan na kayong hindi nagbabayad kaya bakit isang buwan lang ito?!" sigaw pa ni Tita.

"Tita, pwede po bang pumasok na muna tayo sa loob?" singit ko sa usapan nila.

"Bakit niyo ako pinapapasok? Nahihiya kayo na hindi kayo nakakabayad?" Bumaba ang tingin niya kay Bella na kasalukuyang kinakain ang sobrang fried chicken. "Oh, nagawa niyo pang kumain sa Jollibee tapos makabayad ng utang hindi?!"

Nagulat naman ako dahil bigla niyang tinampal ang kamay ni Bella kaya nalaglag ang fried chicken sa sahig.

"Ate!" singhal ni Mama.

Ilang saglit lang ay humagulgol si Bella. Masyadong malakas iyon at sigurado akong rinig na rinig iyon ng mga kapitbahay namin kaya naman lumuhod ako para mayakap ang kapatid ko.

"Bad ka! Bad ka! S-sabi ni Father mapupunta sa hell lahat ng mga bad!" iyak ni Bella habang nakatingin kay Tita. "Bad ka po!"

"Tingnan mo itong sinto-sinto mong anak. Para fried chicken lang at gan'yan na umasal. 12 years old na pero para pa ring bata. Ang bobo!"

"Hindi po sinto-sinto ang kapatid ko!" giit ko.

"Anong tawag mo d'yan?! 12 years old na pero hindi pa rin kayang mag-aral?! 12 years old na pero kung magmaktol parang 3 years old?! Eh mas matalino pa d'yan yung anak kong 7 years old!"

"Hindi lang po talaga kayang intindihin ng utak mo ang mga tulad ni Bella."

"Aba at sumasagot ka pa! Akala mo kung sino kang matalino, Beatrice?!" sagot pa ni Tita.

Matalim kong tinitigan si Tita bago ko inakay si Bella para makapasok sa loob ng bahay. Sumunod din si Blue sa amin kaya naiwan na lang sa labas sila Mama at si Tita.

"Fried chicken ko po..." hikbi pa ni Bella.

Kumikirot ang puso ko sa tuwing binabato nila ng mga gano'ng panlalait ang kapatid ko dahil hindi naman totoo ang lahat ng sinasabi nila. Marahan kong pinunasan ang luha ni Bella bago ko siya niyakap.

"Palitan na lang ni Ate ang fried chicken, ha?"

"P-promise po?"

I nodded. "Promise."

"I love you po."

"I love you so so much, Bella ko."

Pinugpog ko ng halik ang kapatid ko bago ko siya binihisan. Dahil sa pagod, madali ring nakatulog ang kapatid ko.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko, Richard. Kaya pag-isipan mo ang sinabi ko sa'yo."

"Ano pang pag-iisipan ko ha? Eh sa ayaw ko ngang malayo sa'yo!"

"Sige, nasa Pinas nga ako pero parehas naman tayong gutom. Mas gusto mo ba iyon?"

Hindi ko namalayan na nakapasok na pala sila Mama. Parehas na mainit ang ulo at nagtatalo ngayon. Parang kanina lang ang sweet pa nila pero ngayon... parang aso't pusa na. Alam ko naman kung anong puno't dulo ng lahat ng ito.

Pera.

"Maghahanap ako ng paraan basta hindi ka aalis. Hindi mo kami iiwan ng mga anak mo!" sigaw naman ni Papa.

"Hindi ko naman kayo iiwan. Richard. Magtatrabaho lang ako sa ibang bansa. Ano bang mahirap intindihin doon? Tanggapin mo na lang kasi na hindi na tayo kayang buhayin ng pamamasada mo."

"Hahanap ako ng raket. Kung pwede lang na 24 hours akong bumyahe ayos lang!"

"At ano? Unti-unti mong papatayin ang sarili mo? Gano'n ba, Richard?! Isipin mo naman ang mga anak natin. Hindi ka ba naaawa sa kanila? Si Beatrice malapit na mag-college iyan pero tangina ni isang sapatos hindi natin mabilhan ng bago. 'Yung gamit niya noong grade 7 hanggang ngayon iyon pa rin ang gamit niya. Si Blue naman puro pinaglumaan ng mga pinsan ang uniform na gamit. Si Bella? Hindi natin mapatingin sa doctor dahil wala tayong pera!"

Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili ko na gumawa ng ingay. Pinunasan ko ang luha ko habang nakikinig ako kay Mama at Papa.

"Basta gagawa ako ng paraan..." namamaos na sagot ni Papa.

"Tanggapin mo na lang kasi na hindi na tayo mapapakain ng trabaho mo, Richard! Kung pupunta ako ng ibang bansa, mas gaganda ang buhay natin. Please? Hayaan mo na ako. Mas maigi na ito kaysa naman pare-parehas tayong mamatay sa gutom."

Hindi ko na tinapos ang pakikinig sa usapan ng mga magulang ko. Pumasok na lang ako sa kwarto namin ni Bella at doon ako tahimik na humikbi.

Parang hindi ko kayang isipin na pupunta si Mama ng ibang bansa para lang mabigyan kami ng magandang buhay. Masyado lang kasi akong nasanay na nand'yan lang siya kaya naman pakiramdam ko hindi ko kakayanin kung sakali.

Kaso may punto rin si Mama. Hindi na sapat ang sahod ni Papa para sa amin. Malapit na rin akong mag-college at kahit laptop wala ako. Ang phone na gamit ko ay galing pa sa giveaway na napanalunan ni Papa two years ago. Mumurahing android phone nga lang ito pero binigay niya na sa akin dahil mas kailangan ko raw.

Matamlay si Mama at Papa kinabukasan. Hindi nagpapansinan kahit pa naglalapag si Mama ng kanin at ulam sa harap niya. Itlog at tuyo ang almusal namin para sa araw na ito. Sanay na rin ako sa ganitong pagkain. Pinipili ko na lang na kumain dahil mas mahirap kapag gutom ako.

"Alis na ako," pagpapaalam ni Papa.

Hindi man lang hinalikan ni Papa si Mama tulad ng nakagawian niya tuwing umaga.

"Ma, ayos lang po ba kayo?" tanong ko.

"Ayos lang ako, anak. Kumain ka lang d'yan."

"Narinig ko po yung usapan niyo ni Papa kagabi. Anong trabaho po at saang bansa?"

Pilit na ngumiti si Mama bago niya ako tinabihan. Nanatiling tahimik si Blue habang nakikinig sa amin.

"Hong Kong sana. Domestic helper."

I nodded. "Kung para po sa ikabubuti ng lahat... ayos lang po sa akin."

"Ayos lang din po sa akin," sagot din ni Blue.

Namuo ang luha sa mga mata ni Mama na agad niya ring pinunasan.

"Mamimiss ko kayo mga anak ko."

Hirap maging mahirap. Kung walang sakripisyo hindi talaga aayos ang buhay mo. Lalo na dito sa bansa natin na masyadong binabarat ang minimum wage earners. Kaya hindi ko makuwestiyon ang mga taong pinipili na sa ibang bansa magtrabaho.

Sacrifice, huh?

"Hoy, ikaw ba hinihintay ni Vance?!"

Nagising ako sa mga iniisip ko nang kalabitin ako ni Ria. Lumingon ako sa may bintana at nakita kong nakaabang doon si Vance. Hindi ko naman napigilang mapairap dahil muntik ko nang makalimutan ang usapan namin.

"Oo."

"Ano tangina?! May hindi ba kami nalalaman?!" OA na sigaw ni Cayeen.

"Chill lang. Sabay lang naman kami uuwi."

"Sabay kayo uuwi?!"

Nagkibit ako ng balikat bago ko niligpit ang mga gamit ko.

"Oo, sabay kami."

"And you're acting like it's not a big deal!"

I scoffed. "Dahil hindi naman talaga."

"At hindi mo man lang ba kami kukuwentuhan?"

Itinaas ko naman ang kamay ko habang naglalakad palayo sa kanila.

"Bukas na. Una na muna ako."

Sinalubong ako ni Vance sa pinto. Hindi ko siya pinansin at dire-diretso lang akong naglakad. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa akin. Nanatili lang akong tahimik habang nasa tabi ko naman siya.

Hindi nakatakas sa mga schoolmate namin ang paglalakad namin ng sabay kaya naman umurong ako ng kaunti.

"Bag mo," bigla niyang sinabi.

"Huh?"

"Bitbitin ko na."

Kumunot ang noo ko. "Bakit mo bibitbitin?"

"Para hindi ka mabigatan?"

"Hindi na kailangan."

Saka lang ako nakahinga nang makalayo kami sa school. May mga ilang estudyante ring naglalakad dito na galing school pero hindi na rin iyon gano'n karami tulad ng kanina.

"Kamusta araw mo?" tanong niya pa.

"Ayos lang."

"Hindi mo ba ako tatanungin kung kamusta araw ko?"

Umiling ako. "Hindi ako interesado."

"Ouch."

Muntik na akong mapamura nang makita kong natanggal ang swelas ng black shoes ko. Sa lahat ba naman ng pagkakataon, ngayon pa talaga nangyari?!

Napahinto ako sa paglalakad. Yumuko ako at nanatili ang tingin ko sa sapatos kong gusot na gusot na. Halatang ilang taon na ring ginamit at ngayon ay tuluyang bumigay na.

"Anong nangyari?"

Hindi ako sumagot. Sumikip ang dibdib ko dahil naalala ko ang usapan ni Mama at Papa kagabi. Ang pangmamaliit ni Tita Lavinia sa amin. Lahat iyon biglang bumuhos sa alaala ko.

Kinagat ko ang labi ko dahil naramdaman ko ang pamumuo ng luha ko. Simula pa grade 7 ito na ang gamit ko. Grade 11 na rin ako ngayon kaya hindi na rin nakapagtataka kung bibigay ang sapatos ko. Nakita ko naman ang pagpatak ng luha ko sa sapatos.

"Uwi na tayo," sabi ko.

Pilit kong pinatatag ang boses ko pero nagulat ako nang lumuhod si Vance sa harap ko. Binaba niya yung bag niya at may nilabas siyang tsinelas. Dahan-dahan niyang tinanggal ang sapatos ko pati na rin ang medyas ko. Iginilid niya iyon bago niya isinuot sa paa ko ang tsinelas na masyadong malaki para sa akin.

"Hindi ka makakapaglakad nang maayos kung ganito ang sapatos mo."

Umangat ang tingin niya sa akin. Bakas sa mukha ang pag-aalala kaya nag-iwas ako ng tingin.

"B-bakit may dala kang tsinelas?"

"Sa computer shop ako nadiretso kaya nagbabaon na lang ako ng tsinelas."

"Tss."

Hindi rin nagtagal bago siya tuluyang tumayo habang bitbit ang sapatos kong gutay gutay na. Nakakahiya na ngayon pa talaga nangyari na kasama ko si Vance.

"Kain muna tayo ng kwek kwek bago umuwi. Ayos lang ba?"

And there he is, imbes na asarin o laitin ang nangyari sa sapatos, niyaya niya pa akong kumain ngayon ng kwek kwek. Malayo sa inaasahan ko dahil talagang nakakahiya naman itong nangyari sa akin.

He's smiling... that damn boxy smile again.

But I'm glad he never asked, because I know I can't afford to answer that.

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 54.5K 73
[SLOW EDIT] For most people, hell is just a concept or a place where the evils fall into after death. But for the registered nurse, Maurice Severina...
60.4K 451 1
Completed in Patreon! Majannah Sotomayor is the kind of fierce, feisty, and liberated woman that knows what her fighting for. She might give you the...
2.1M 113K 96
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
1.5M 108K 58
18 years old Sirisha Mathur, is an intelligent, straight-A, and straightforward yet introverted girl. She had never even imagined that she would fall...