Chapter 3

677 32 12
                                    

Title

Vance used to like me that much when we were still in grade school. He would usually offer me help whenever I was struggling with things, or just give me loads of stuff that I can't even remember now because there was so much, I lost count of it.

He's effortlessly smart. That's something I can't really deny. If he had put in so much effort back then, I was so sure he could surpass everyone and be our batch valedictorian... but he chose not to. I ended up graduating as the batch valedictorian, but honestly, I feel like that title wasn't really mine to begin with.

But he disappeared out of nowhere.

And now he's here again. Sa Cebu niya piniling mag-highschool pero bumalik siya dito sa Laguna para dito na lang mag-senior highschool and who knows? Baka hanggang college ay dito na rin siya.

"Hindi mo naman kailangang gawin iyon," I said.

"Ang alin?"

"Iyong kanina... hindi mo na dapat pinahiram sa akin itong tsinelas..."

Kumunot naman ang noo niya bago niya mabilis na isinubo yung fishball sa bibig niya. May ilang sauce pa na natira sa labi niya but he licked it in an instant.

"Magkakapaltos ka," he answered like I wasn't aware of the possible consequences.

"Alam ko."

"Oh, alam mo naman pala kaya nga pinahiram ko muna sa'yo dahil ayaw kong magkapaltos ka."

Muntikan ko nang maibuga ang palamig na iniinom ko. How can he be so vocal about his thoughts? Parang hindi man lang nag-iisip bago magsalita.

"I didn't know you were that concerned."

"Edi ngayon alam mo na."

Padabog kong tinusok yung fishball na nilibre niya lang sa akin. Mananahimik na lang siguro ako hanggang sa makauwi kami para matapos na ang kalokohan na ito.

Minadali kong ubusin yung fishball para makauwi na kami kaso nga lang mukhang wala pa siyang balak na umuwi dahil bumili pa siya ng panibagong set ng kikiam at kwek kwek.

Tumikhim ako dahil nakita kong nagtuturo pa siya.

"May kailangan pa akong gawin."

He glanced at me. "Saglit lang."

"Bilis naman."

"Ito na nga!" sagot niya. Mabilis niyang kinuha yung panibagong baso ng fishball bago siya naglakad palayo doon sa stall.

Bumaba ang tingin ko sa suot kong tsinelas. Masyadong malaki sa paa ko iyon pero sakto na para makapaglakad ako nang maayos. Nilingon ko si Vance na ngayon ay busy na sa kinakain niya.

Laking pasasalamat ko na lang na hindi na niya piniling mag-ingay kaya naman nang makarating kami sa tapat ng bahay namin ay agad kong hinubad yung tsinelas niya.

"Thank you," tipid kong sagot.

"Kamusta paa mo?" he asked. Ang tingin niya ngayon ay nakapako na sa mga paa ko na nakaapak na ngayon sa medyo maalikabok na kalsada.

"Nothing serious." Inilahad ko ang kamay ko. "Akin na."

"Ang alin?"

"Ang sapatos ko?"

He shook his head. "Sira na iyon. Bakit kukunin mo pa?"

"Baka maremedyuhan pa. Bibili na lang ako ng mighty bond mamaya."

"No."

"Anong no? Hindi ko kailangan ng opinyon mo. Akin na yung sapatos ko."

He took a step back. Inilayo pa sa akin ang bag niya na para bang hahablutin ko sa kaniya iyon.

It's the Same Old Song (The Runaway Girls Series #4)Where stories live. Discover now