Chapter 5

170 17 5
                                    

Challenge

"Magpapakabait kayo habang wala ako, ah? Huwag niyo masyadong bigyan ng sakit sa ulo itong si Richard dahil baka lalong dumami ang uban niyan."

Papa jokingly glared at Mama. "Mahal naman. Wala pa nga akong uban pero baka magkaroon na ako sa sobrang pagka-miss ko sa'yo."

"OA na naman niya. Kami ngang anak hindi naiyak oh," sabat ni Blue na kanina pa pakamot-kamot sa ulo niya.

"K-kailan po babalik si Mama?" tanong naman ni Bella.

Lumuhod naman si Mama para mapantayan ang kapatid ko na hanggang ngayon ay para pa ring walang malay na aalis si Mama. Nanatili lang ang tingin niya sa sahig habang yakap ang stuffed toy niyang aso. Kunot na kunot ang noo at parang naguguluhan sa paligid dahil maraming tao dito sa airport.

"Next year. Babalik ako next year," sagot ni Mama.

"One year po? 365 days?"

Tumango si Mama. "Oo, tama."

"O-okay! Magka-countdown po ako."

Napansin ko ang pangingilid ng luha ni Mama bago niya pinatakan ng halik sa noo si Bella na ngayon ay nakakunot lang ang noo habang nakayuko.

"Papalitan na natin si Mr. Bob ng mas malaki pa. Gusto mo ba iyon, anak?"

Umiling si Bella. "A-ayaw ko palitan si Mr. Bob baka umiyak siya. Kawawa naman kaya ayaw ko po." Humigpit ang yakap niya sa stuffed toy niyang tinatawag niyang Mr. Bob.

"Bigyan natin ng kalaro?"

"Sige po para hindi na siya sad kapag wala si Bella. Para hindi na mag-isa si Mr. Bob," sagot ni Bella.

Yumakap si Bella kay Papa bago ako pinuntahan ni Mama at mahigpit na niyakap. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang sarili na mapaluha. Hindi ako sanay na wala si Mama pero kung para lang din ito sa ikabubuti ng lahat, kailangan kong magtiis.

She only wants to give us a good life, even if it means sacrificing the distance between us.

"Mag-aral ka nang mabuti, anak. Huwag mo kaming gagayahin ng Papa mo. Kailangan mong magtapos dahil ikaw lang ang inaasahan namin ng mga kapatid mo."

While some may oppose the belief that it's our parents' responsibility to provide us with a quality education, I genuinely believe that it's only right for me to repay them for everything they've done for me. Malaki na ang sinakripisyo nila para sa akin, sa amin ng mga kapatid ko. Tama lang na ako naman ang bumawi sa kanila kapag nakapagtapos na ako.

"Huwag niyo pong alalahanin iyan. Nag-aaral naman po ako nang mabuti," I assured her.

"Pasensya ka na sa inaatang kong responsibilidad sa'yo," mahinahon niyang saad. Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin bago niya marahang hinaplos ang mukha ko. "Alam kong malayo ang mararating mo, anak. Ayaw ko lang na matulad ka sa amin kaya pinagsusumikapan kong makatapos ka para naman mapag-aral mo rin ang mga kapatid mo."

I nodded. "Alam ko naman po iyon."

"At isa pa, hangga't kaya mong iwasan, huwag na huwag ka munang magbo-boyfriend. Nakita mo naman ang nangyari sa amin ng Papa mo. Unahin mo munang magtapos dahil iyang mga lalaki na iyan? Nand'yan lang iyan. Mas marami pa iyan kapag nakatapos ka na."

"Wala naman po akong balak na mag-boyfriend sa ngayon."

"Ano iyong naririnig ko na may gusto raw sa'yo yung anak ni Alice? Si Vance ba iyon? Classmate mo iyon noong elementary ka diba?"

"Ay, huwag po kayo maniwala d'yan. Hindi ko rin naman po gusto si Vance."

Mama sighed. "Kung hindi mo naman maiwasan na ma-inlove, alamin mo pa rin ang priorities mo."

It's the Same Old Song (The Runaway Girls Series #4)Where stories live. Discover now