It's the Same Old Song (The R...

kemekemelee

4.5K 318 186

The Runaway Girls Series #4 Janna Beatrice Regalado is the breadwinner of her family. Mag-aral nang mabuti. M... Еще

It's the Same Old Song
Intro
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13

Chapter 1

286 25 17
kemekemelee

Negotiate

"Anak, may naiwan kang folder dito. Hindi mo ba kailangan ito?"

Napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni Mama. Late na akong nakatulog kagabi dahil nag-advance reading ako para naman hindi na ako mahirapan pa sa mga susunod na lecture. Ito tuloy ang naging resulta ng pagpupuyat ko! 15 minutes na lang at mahuhuli na ako sa first subject ko.

"Shit," mahina kong daing. Doon ko nga pala nilagay ang reflection paper na kailangan kong ipasa mamaya. "Wait lang po! Kailangan ko po iyan ngayon."

Halos patakbo akong bumalik sa bahay at nakita ko si Mama na palabas na rin ng bahay. Mukhang balak pang tumakbo para lang maihabol sa akin ang assignment ko.

"Mabuti na lang at nakita ko ito sa lamesa kanina. Ito ba yung ginawa mo kahapon sa computer shop?" tanong niya sa akin.

"Ito nga po iyon. Salamat, Ma!"

"Oh siya dalian mo na at baka ma-late ka pa. 7:30 ang klase mo hindi ba? Makakaabot ka pa niyan kapag nakasakay ka kaagad ng tricycle."

I swiftly kissed my mother's cheek. Salat man sa buhay pero masasabi kong swerte ako sa pamilya na mayroon ako. My parents truly are angels sent from above. Ginagawa kasi nila ang lahat para lang makapag-aral kami ng mga kapatid ko kaya naman gano'n na lang ang pagsusumikap ko na mag-aral para makabawi sa kanila.

Though it might sound cliché, I genuinely believe that education is the one treasure no one can take from us. Iba pa rin kasi kung may pinag-aralan ka. Dagdag na lang siguro kung talagang may diskarte ka.

Hindi ko napigilan na kurutin ang sarili habang naghihintay ako ng tricycle. Kung kailan talaga nagmamadali ka at saka naman punuan ang mga sasakyan! Iritado kong sinilip ang phone ko at nakita kong 7:20 AM na. If ever na makasakay ako ngayon makakarating ako ng 7:25. May limang minuto pa ako para tumakbo papunta sa room namin na nasa kabilang ibayo pa ng main gate.

"Morning, Beatrice!"

Natigilan ako sa narinig kong boses at nakita ko si Vance na nakasakay sa bike niya. Malinis na malinis ang uniform at naka-brush up pa ang buhok dahil siguro ay bagong ligo siya. He flashed me his boxy smile while waving his right hand. I looked away and ignored him.

"Mali-late ka na ba?" sunod niya pang tanong.

Hindi pa rin ako sumagot. Inabangan ko na lang yung parating na tricycle dahil nakita kong wala pang sakay yung sa likuran ng driver.

"Sungit naman! Una na nga ako."

Pinara ko na ang tricycle at sumakay sa likuran ng driver. Mula sa pwesto ko ay kita ko si Vance na nagba-bike papuntang school. Medyo bumilis na iyon kaya ilang segundo lang ay nawala na siya sa paningin ko dahil sumingit na siya sa gitna ng mga jeep.

Tama nga ang calculations ko dahil 7:25 ako nakarating sa school. Hindi ko na inalintana ang pakikipagsiksikan sa mga estudyante dahil malayo pa ang building ng senior high sa main gate! Dire-diretso ang lakad ko hanggang sa makarating na ako sa gate. Bumungad sa akin ang malaking tarpaulin at nandoon ang pagmumukha ni Vance.

He recently won in a Techathon held somewhere in Makati. Pride ng school iyon dahil buong bansa ang naglaban at siya ang nanalo. I heard na dadalhin siya sa Singapore para naman ilaban sa iba pang mga bansa. Hindi ko naman maikakaila na talagang magaling siya when it comes to technology. Hindi biro iyon dahil kahit ako ay nahihirapan din sa programming pero pagdating kay Vance maning-mani niya lang.

Sa sobrang laki ng tarpaulin, hindi ko rin talaga maiwasan na hindi tingnan iyon. Malaki ang ngiti ni Vance sa picture habang hawak niya yung malaking trophy. Kasama niya sa picture yung adviser nila na mentor niya rin.

"Pogi talaga ng nasa tarpaulin. Okay lang ma-late kung gan'yang mukha magwe-welcome sa akin dito sa school!" rinig kong bulong ng mga estudyante na nasa likuran ko.

"Feel ko gusto niya akong kastahin."

Umiling na lang ako sa narinig ko bago ako tumakbo papunta sa room namin. Panay ang sulyap ko sa phone ko at sa daanan ko. Bumagal na lang nga ang lakad ko nang makarating na ako sa building ng mga senior high.

Kumunot ang noo ko nang mapansin ko ang pamilyar na pigura na parang naglalakad sa buwan. May headphone pang suot at bahagya pa niyang ginagalaw yung ulo niya na para bang walang hinahabol na klase.

I guess he finally noticed me when he cocked his head in my direction. Slowly, he removed his headphones and smiled at me once more. That damn boxy smile again.

"Yakult?" The fucker even had the guts to offer me a drink!

I grimaced. "Huh? No thanks!"

"Mukha kang uhaw na uhaw. Dalawa naman binili ko kaya sige na sa'yo na."

"Hindi ko kailangan niyan," matigas kong sagot.

Napamura nga lang ako nang marinig kong nag-bell na. 7:30 na! Medyo terror pa naman ang una naming teacher. Kung hindi lang ako kinausap ng kumag na ito baka nakahabol pa ako!

"Huwag ka na magmadali. Nasa dulo pa yung building natin. Kahit tumakbo ka mali-late ka pa rin kaya tipirin mo na lang yung energy mo," swabe niya pang sinabi. Iritado ko siyang nilingon at nakita kong tinusok niya pa ng straw yung yakult na binibigay niya sa akin kanina.

"Here. Drink this." Tinitigan ko lang yung inaabot niya sa akin. Napansin niya yata na wala akong balak kunin iyon kaya hinawakan niya ang kamay ko at pinatong doon ang yakult. "Inumin mo na. Yakult everyday. Everyday okay."

Padabog kong binawi ang kamay ko bago ako sumimsim sa yakult na binigay niya. Lumawak naman ang ngisi niya nang makita niyang ininuman ko iyon. Hindi na lang ako nagsalita dahil may point naman siya. Late na rin naman ako kaya wala na akong magagawa.

"Thanks."

"Huh? Ano iyon? Hindi ko narinig?"

Pumanhik na ako hanggang sa makarating kami sa third floor. Tinapon ko na lang muna sa malapit na basurahan yung yakult dahil nakakahiya naman kung late na nga ako tapos may bitbit pa akong yakult.

"Bakit ka sumusunod? Hindi dito yung room niyo, ha?"

"May ibibigay lang ako sa teacher niyo. May inutos siya sa akin kahapon," sagot niya.

Ramdam ko ang mga mata ng kaklase ko nang makarating ako sa pinto pero alam kong hindi iyon dahil sa late ako kung hindi dahil sa lalaking kasama ko.

"Regalado, late ka. May bawas ito sa attendance points mo, ah?"

I nodded. "Pasensya na po."

"Ah, pasensya na po Ma'am Corpuz. Kasalanan ko po iyan kasi nagpatulong po ako kay Regalado kanina dahil nasa klase niya po kayo." May kinuha naman si Vance sa bag niya na mga papel. "Ito na po yung pinagawa niyo sa akin kahapon. Sinamahan niya po ako kanina na magpa-print niyan para maihatid ko dito."

Narinig ko naman ang impit na hiyawan ng mga kaklase ko. Kumunot ang noo ko bago ko nilingon si Vance. And for the third time, he flashed me his boxy smile. Kinindatan niya pa ako bago niya nilapitan si Ma'am Corpuz.

"I don't need the saving," bulong ko nang makabalik siya sa kinatatayuan ko.

"My fault. Papansin kasi ako sa crush ko, eh. Ayan tuloy na-late siya," nakakaloko niya pang sagot.

"Sige na, Regalado. Pumasok ka na at hindi ko na rin ito ibabawas sa attendance points mo," ani Ma'am Corpuz bago sinenyasan si Vance. "Thank you, Dela Vega. Pakisabihan na lang mga kaklase mo na maghanda ng ¼ illustration board mamaya per group iyon."

Hindi ko na siya nilingon at dumiretso na lang sa upuan ko. Binigyan naman ako ng mapanuksong tingin ng mga kaibigan ko kaya inirapan ko sila.

"Gago alam kong imposible yung sinabi ni Vance. Anong nangyari?" pangungulit sa akin ni Ria.

I ignored Ria. Binalik ko na lang ang pansin ko sa tinuturo ni Ma'am Corpuz. Late na nga tapos mag-iingay pa ako?

"Bilib din ako d'yan kay Vance. Hindi nahihiyang ipagsigawan na crush ka niya," dagdag pa ni Cayeen sa kaliwa ko.

"Pero alam kong hindi gan'yan ang tipo nitong tropa natin, right?" si Rox iyon na nakikinig din pala sa dalawa. "Feel ko bet niya si Legarda ng STEM. Pogi rin kasi tapos mysterious type. Mukhang tahimik pero halimaw sa rawr."

"Gago," bulong ko.

I usually don't feel this competitive when it comes to ranking... it's just that I am bothered that he's ranking first when I don't even see him exerting any effort. Ang yabang pa dahil akala mo kung sino dahil siya ang nangunguna! He needs to be humbled, and I will be the one to crush that fucking arrogance out of him.

Kung si Legarda iyon ay tanggap ko pa. Pwede rin si Ramos ng ABM pero si Vance? Ibang usapan na ang lalaking iyon. Masyado nang lumalaki ang ulo niya. Hindi takot ma-late? Hindi takot matulog sa klase? Dahil ano? Dahil matalino siya?

Hindi naman ako tanga para hindi mapansin na pinopormahan niya ako at nagpapapansin siya sa akin. Masyado na yata siyang kinain ng kayabangan niya at akala niya lahat ng babae makukuha niya.

"Thank you Lord at Friday na!" bulalas ni Cyril.

Hindi pa nga ako nakakasagot nang marinig ko na ang nakakarinding tugtog galing sa katabi naming section. Galing na naman iyon sa ICT!

"Puta ayan na naman sila sa mga tugtugang sila lang makaka-relate," reklamo ng mga kaklase ko.

"Hoy, hinaan niyo naman! Hindi lang kayo yung tao dito sa third floor!" sigaw pa ng kaklase ko.

Manipis na pader lang naman kasi ang pagitan namin sa kabilang section kaya kung magpapatugtog sila ay sigurado akong maririnig din namin iyon.

"Toledo may dala ka bang speaker? Pwede bang magpatugtog ka rin para marindi rin yung mga gago d'yan sa katabi nating room?" utos ni Ria sa kaklase ko.

"Oo nga! Oo nga! Lakasan mo rin para marindi sila. Lunch break naman kaya walang magagalit."

Ilang saglit lang ay nagpatugtog na rin ang mga kaklase kong ayaw rin magpatalo sa ingay ng katabi naming room. Pumailanlang sa buong room ang kanta na napagkasunduan namin. Sinabayan pa nila ng pagkanta iyon kaya sigurado akong rinig iyon sa buong third floor.

"Even though we're goin' through it and it makes you feel alone. Just know that I would die for you. Baby, I would die for you, yeah. The distance and the time between us. It'll never change my mind 'cause baby, I would die for you. Baby, I would die for you, yeah."

Halos pumutok na ang ugat sa leeg ng mga kaklase ko maisigaw lang nila yung lyrics ng kanta pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagkanta rin ng katabi naming section!

"Dapat mo nang malaman na wala lang ang mga sinasabi ng makakating labi at bababaero pangalan ko sa kwento nilang walang pruweba puro lamang imbento. Oh bababaero bababaero bababaero daw ako. 'Di naman totoo yeah hindi naman totoo 'di naman totoo."

Napakamot na lang ako sa batok ko nang makumpirma kong hindi rin sila magpapatalo sa ingay ng section namin. Dahil competitive itong mga kaklase ko, mas lalo nilang nilakasan ang kanta nila na pakiramdam ko buong building ay nayanig na sa lakas ng boses nila.

Kaso gano'n din ang ginawa ng kabilang section! Hindi rin sila nagpatalo at mas nilakasan pa nila. Sinabayan pa nila ng pag-alog ng mga armchair kaya mas lalong naging masakit sa tenga yung ingay.

"Tanginang mga ICT iyan! Akala mo kung sino eh mga TVL lang naman!" rinig kong reklamo ng kaklase ko.

Nagkataon pa na may ICT sa tapat ng section namin na narinig yung sinabi niya.

"Hoy gago ka narinig ko sinabi mo! Ang yabang mo ah!"

"Oh? Totoo naman, ah! TVL lang naman kayo! Mga bobo na hindi nakapasok sa academic track," pang-asar pa ng kaklase ko.

Hindi ako natuwa sa narinig ko. Kaya nagkakaroon ng strand discrimination dahil sa ganitong mindset. Magkakaiba kami ng pinag-aaralan pero alam kong lahat kami ay nahihirapan!

Just because they chose to enhance their practical skills does not necessarily mean that they are just playing around! TVL is designed for those students who want to enrich their skills and knowledge for specific vocations. Just more focused on hands-on learning. Discrimination based on the chosen educational track not only undermines the value of diverse skills and talents but also perpetuates unfair stereotypes and disadvantages certain groups of students.

"Toledo, sobra na iyan," saway ko. Hinarangan ko siya dahil balak niya na sanang sugurin yung estudyante galing sa kabilang section.

"Bakit mo ako pipigilan, Beatrice? Sila naman ang nauna dito! Nakakarindi na kasi yung mga ingay nila. Araw-araw na lang akala mo sila lang ang estudyante dito!"

Umiling ako. "Choice of words mo. Bawiin mo iyon. Mag-sorry ka."

"Bakit ako pa ang magso-sorry? Nakita mo ba kung paano niya ako ambahan kanina?!"

"You provoked him! Hindi naman magagalit iyan kung hindi mo sila minaliit!" giit ko pa.

May mga kaklase na rin kami na nakahawak sa magkabilang braso ni Toledo. Pinagkrus ko ang mga braso ko bago ko nilingon yung estudyante galing sa ICT. Hindi ko napansin na nasa labas na rin pala si Vance at nanonood sa gulo.

"Pasensya na sa nasabi ko," pabulong na sinabi ni Toledo.

"Ano iyon? Hindi ko narinig? Lakasan mo naman pare! Ang yabang mo kanina tapos ngayon hindi mo mailakas iyang boses mong hayop ka?!"

"I said sorry, okay?"

"Para namang hindi sincere!" hirit pa ng lalaki na sinang-ayunan din ng ibang mga estudyante sa ICT. Sinulyapan ko naman si Vance at nakita kong tahimik lang siyang nakatingin sa akin.

I sighed. "On behalf of him, ako na humihingi ng sorry. I am their president kaya ako na rin ang haharap sa inyo. Nainis lang talaga kami sa ingay niyo dahil nakakabulahaw kayo at iyon napikon sila."

"But that doesn't give you the right to belittle us? Oo, maingay kami pero dapat pinagsabihan niyo na lang kami. Jina-justify mo pa yata yung ginawa ng kaklase mo!" sabat pa ng babae na galing sa section nila.

"No, I'm not trying to justify what he did. I just told him to say sorry because I know what he did was wrong."

Tinapik naman ni Vance yung balikat ng kaaway ni Toledo. Ilang saglit lang ay nilapitan niya na ako.

"Pasensya na rin sa ingay namin, Beatrice. Ako na bahala sa kanila," sabi niya.

"Bakit ka nagso-sorry sa kanila, Vance?! Kaya yumayabang mga HUMSS na iyan!"

"Ayos lang magpatugtog pero please lang? Huwag naman yung tulad kanina na masyado na kayong nakakabulahaw," I replied back. Siya rin kasi ang president ng section nila kaya tama lang na malaman niya ang sentiments ko.

He nodded. "Uh huh. Kumain ka na?"

My forehead creased in confusion. Hindi naman iyan ang usapan namin pero bakit biglang napunta sa kung kumain na ako?

Bumaba ang tingin ko sa hawak niya. Milktea iyon na binili sa tapat ng school namin at may kasama pang footlong.

"Sa'yo na iyan. Mainit ngayon kaya kailangan mo ng malamig."

"Hindi mo talaga ako titigilan, ano?"

He grinned. "Buy 1 take 1 kasi kaya sa'yo na iyan."

Kumain na ako pero parang bigla akong nauhaw nang makita ko ang hawak niya. Napalunok ako at kinuha iyon sa kamay niya. Hindi naman ako gano'n ka-bastos para hindi tanggapin iyon. Mainit pa naman sa labas kaya tatanggapin ko!

"Salamat. Huwag na sana maulit."

Sumimsim ako sa milktea habang naglalakad papasok ng room. Napansin agad ng mga kaibigan ko ang bitbit ko dahil lumabas ako nang walang dala at pumasok ako ngayon na may bitbit na milktea at footlong!

"Tindi mo talaga, Vance!" komento ni Cyril.

"Kung ako rin, tatanggapin ko iyan! Sayang din kasi pagkain iyan," ani naman ni Ria.

I nodded. "Yeah, sayang kapag tinanggihan ko."

Last semester pa pinagsisigawan ni Vance na gusto niya raw ako. Weird dahil sa ibang tao niya sinasabi pero sa akin mismo? Hindi niya masabi. Puro bigay lang siya sa akin o kaya naman compliment pero yung mismong pag-amin? Wala.

"May update na ba sa cheerdance niyo?" tanong sa amin ng teacher namin sa PE.

I raised my hand. "Nakaisip na po kami ng theme at naka-ready na rin po yung steps na ituturo. Practice na lang po kami by this weekend."

"Good. Next month na iyan. Makakalaban niyo ang ibang mga section na hina-handle ko kaya galingan niyo!"

Dahil may practice kami bukas, hindi ko muna pinauwi ang mga kaklase ko para masabihan ko sila tungkol sa magiging daloy ng practice namin.

"Since may mga assignment pa tayo na need tapusin, hindi ko sasagarin ng umaga yung oras ng practice. Sa 7/11 ang kitaan bukas! 3 PM ha. Kapag wala pa kayo ng 3, iiwanan na namin kayo. Maghanda na rin kayo ng ambag para sa pailaw kasi gagamitin natin yung covered court sa barangay namin."

Tumango naman sila. "Noted, Pres!"

Saglit pa kaming nag-usap tungkol sa mga props na gagamitin namin. May mga kaklase rin ako na nakatoka sa pagtuturo ng sayaw kaya sila muna ang kinausap ko. Hindi naman kasi ako gano'n kagaling sumayaw kaya pinagkatiwala ko na iyon sa mga dancer kong kaklase.

"Sure tayo bukas sa court sa inyo, ha? May liga kasi sa amin kaya hindi magagamit court namin," sagot ni Rowena, kaklase ko na nakatoka sa pagtuturo ng sayaw.

I nodded. "Oo, nasabihan ko na yung kapatid ko. Sa atin na yung court bukas."

"Buti naman. Hindi rin hassle kasi malapit lang kayo sa school kaya ayos lang lakarin bukas."

Nagmadali na rin akong umuwi pagkatapos kong kausapin ang mga kaklase ko. Marami pa akong kailangang tapusin na schoolworks. Isa pa, malapit na rin yung press conference kaya magiging busy pa ako lalo sa school paper pati na rin sa mga sunod-sunod na training!

Pakiramdam ko masisiraan na ako ng bait kakaisip kung paano ko pagkakasyahin sa oras ang lahat ng responsibilidad ko. Buti na lang nga at tinanggihan ko na ang pagpasok sa student council dahil baka pinaglalamayan na ako ngayon.

"Hoy, Blue. Nasabihan mo ba yung secretary sa barangay? Gagamitin namin yung court bukas, ah!" singhal ko sa kapatid ko na kararating lang. Pawis na pawis pa at mukhang galing pa sa kung saan dahil bukas na bukas na ang polo niya.

"Hindi pa pero sigurado naman na bakante iyon kasi wala naman kaming liga!"

Tinadyakan ko naman siya. "Anong hindi mo pa sinabihan?! Puntahan mo ngayon!"

"Ang arte mo naman, Ate. Wala ngang gagamit ng court bukas kaya huwag ka na mag-overthink d'yan."

"Sabihan mo pa rin! Mahirap na at baka pagdating namin doon may nagamit pala."

"Ano ba?! Pagod pa ako. Oo na pupuntahan ko na mamaya!"

"Mamaya? Ngayon na, Blue. Kahapon ko pa inutos sa'yo iyan."

Aambahan na sana ako ng kapatid ko nang biglang pumasok si Mama kasama si Bella. May bitbit sila na tinapay at softdrinks. Ngumiwi naman ako nang makita kong kinuha agad ni Blue yung mga bitbit ni Mama kaya naman binato ko siya ng unan.

"Bastos nitong bata na 'to! Mano muna bago lamon. Magpalit ka na rin ng damit. Ang asim asim mo," saway ko bago ko siya batuhin ulit ng isa pang unan.

"Kuya Blue baho!" panggagaya pa ni Bella kaya napahalakhak naman ako.

"Tamo pati bunso natin nababahuan na sa'yo."

Nilapitan ko naman si Mama at agad na nagmano sa kaniya.

"Bella akala ko kampi mo si Kuya Blue?" panlalambing pa ni Blue kay Bella.

Natawa naman si Mama. "Naku magbihis ka muna doon, Blue!"

Umiling na lang si Blue at sumunod kay Mama. Tumalon naman si Bella bago niya ako tinabihan at agad na niyakap.

Maaga akong pumunta sa kitaan namin kinabukasan. 2:45 pa lang nang dumating ako sa 7/11 at nakita ko na rin doon ang ilan ko pang mga kaklase. Binati ko naman sila bago ako pumasok sa loob at bumili ng makakain.

"Beatrice may isawan ba doon sa may court?" tanong sa akin ni Cayeen.

Tumango ako. "Oo, kaso mga 5 pa sila nagbubukas."

"Sakto! Ilang araw ko nang cravings iyan tangina tapos may palamig gago solid!"

Ilang minuto pa kaming nanatili sa 7/11 bago mag-alas tres. Hindi ako fan ng Filipino time na iyan na dahil ayaw kong binabastos ang oras ng usapan. Nag-effort ako pumunta ng maaga kaya dapat gano'n din sila.

"Guys, 3 PM na alis na tayo."

"Hala! Saglit lang may mga wala pa rito," hirit ng kaklase ko.

I raised my eyebrow. "So? Pasunurin niyo na lang sila. 3 ang usapan, hindi 3:01 o 3:02."

"Per—"

"Parang hindi niyo naman ako kilala. Kung ano ang usapan iyon ang susundin ko."

Hindi sila magtatanda kapag laging pinagbibigyan. Kaya lagi silang namimihasa noon na ma-late sa usapan dahil alam nilang hihintayin sila kaya ngayon? Kapag late sila, iiwan ko sila para next time hindi na sila magpapahuli dahil alam nilang wala silang madadatnan na kapag na-late sila.

Narinig ko pa ang iilang bulungan at mga reklamo nila pero isinantabi ko na iyon. 10 minutes lang naman na lakaran iyon hanggang sa makarating kami sa covered court. Napahinto nga lang ako nang mapansin kong may mga tao sa tapat ng court.

Shit.

"Anong ginagawa ng ICT dito?!" reklamo ng mga kaklase ko.

"Hoy bakit may mga HUMSS dito?!" rinig ko ring reklamo ng kabila.

Lagot ka sa akin mamaya pag-uwi ko, Blue!

Mabilis akong naglakad papunta sa pwesto ni Vance na ngayon ay binubuksan na ang gate ng court.

"Bakit nandito kayo?" agad kong tanong sa kaniya.

Hindi niya ako sinagot agad. Binuksan niya muna yung gate bago niya inangat ang isa niyang kamay at bahagya siyang sumandal doon. Bumaba ang tingin niya sa akin dahil matangkad siya at hindi naman ako gano'n katangkaran.

He's looking down on me, and I hate it. I hate the fact that I need to look up at him, to crane my neck, just so I can have a proper conversation with him.

"Uh kasi binayaran namin ang pailaw dito?" inosente niyang sagot.

"We reserved this place. Sa iba na lang kayo!"

He cocked his head. "Huh? Reserve? Nasabi nga sa akin pero kami naman ang naunang magbayad kaya sa amin ang place na ito."

"Alam mo naman pala na naka-reserve na pero bakit mo pa rin pinilit?!"

"Because this is not a private property, Beatrice. Ang barangay natin ang may-ari nito kaya hindi pwede ang reserve reserve na iyan lalo na kung hindi niyo pa naman pala nababayaran. Edi sana binayaran niyo na agad para hindi na namin naagaw."

Kinurot ko ang sarili ko sa inis. "Kami pa rin ang nauna! Respeto na lang sana kaya nga nagsabi ako sa secretary dahil gagamitin namin ang court na ito!"

"Edi sana binayaran niyo nga agad?" pag-uulit pa niya. Mas lalo akong nairita dahil kalmado pa rin ang boses niya at sa hindi malamang dahilan ay nakakapikon iyon!

Graphic shirt ang suot ni Vance na tinernuhan niya lang ng jogging pants namin sa school. Nagawa ko pang bilangin ang bracelet niya sa kamay. Dalawang silver sa kaliwa at kulay black sa kanan. May tig-isang singsing din sa magkabilang kamay.

"But I can negotiate if you want. Sayang naman ang effort ng mga kaklase mo dahil naglakad pa sila sa initan," sagot niya. Nagawa niya pa na lingunin ang mga kaklase ko sa malayo.

"Spill."

"Go on a date with me, and I'll let you use half of the court."

Продолжить чтение

Вам также понравится

216K 2.7K 14
A composition of erotic stories for my black women. Read the introduction
The Heaven's Wildcard Maii🦋

Любовные романы

2M 51.7K 73
[SLOW EDIT] For most people, hell is just a concept or a place where the evils fall into after death. But for the registered nurse, Maurice Severina...
Exclusively Mine Mahak♡

Любовные романы

1.5M 105K 58
18 years old Sirisha Mathur, is an intelligent, straight-A, and straightforward yet introverted girl. She had never even imagined that she would fall...
61.8K 1.8K 30
Cassidy has spent years running from bad memories, but when she's forced to confront them, she finds support in unexpected places.