Moving Next Door

By nininininaaa

22.1K 1.2K 270

A Spin-Off of New Classic Series Dawn, an avid fan of the chart-topping band New Classic and an advertising a... More

Moving Next Door
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8

Chapter 5

1.3K 132 41
By nininininaaa

#MovingNextDoor

Chapter 5
Slowburn

"Bakit hindi mo ako ginising?!"

I slept in and was a huge mess when I left the guest room. I didn't bother to look in the mirror. Nang makita kong mag-aalas dose na ng tanghali, dire-diretso akong lumabas ng kwarto, lalo na't nakita kong may tatlong missed call mula sa maintenance.

Hindi ko alam kung sino ang sumapi sa akin at kung bakit nabuksan ko ang silent mode ng cellphone. I even set up my alarm at seven in the morning para makapag-ayos at makapagluto pa ng umagahan bago dumating ang maintenance ng alas otso. Lutang na siguro ako kagabi.

"Kinakatok kita kanina, pero hindi ka sumasagot. I figured you were having a good sleep kaya hindi na kita inistorbo," Kaleb reasoned as he set plates and utensils on the small dining table. May nakahain na ring hapunan doon na mukhang binili niya sa labas.

"Dapat sinipa mo ako kanina o hinulog sa kama para magising ako," sabi ko habang nakasimangot na naupo.

"I would never do that," seryoso niyang sabi. "Besides, I can't enter your room while you were sleeping without your permission."

Sandali akong napatulala nang bigla siyang naging seryoso. At that moment, it seemed to me like he was raising a green flag while saying those words. Biro ko lang naman pero masyado niyang sineryoso. Hindi na tuloy ako makasagot.

"And there's nothing to worry about. Ako na ang kumausap sa maintenance at sinamahan ko na rin siya sa loob ng unit mo," sabi niya saka naupo na rin sa harapan ko.

"Sinamahan mo? Paano ninyo nabuksan ang unit ko?"

"You left your keys on top of the center table last night. Napansin ko lang no'ng nagliligpit ako kagabi pagkatapos mag-aral," paliwanag niya. "Sinabit ko sa key holder sa tabi ng pinto pagkatapos gamitin kanina."

I did? Ganoon na ba ako kaagad kakumportable sa kanya para maiwanan 'yung susi ko?

"Uhm, ano pala sabi ng maintenance? Gawa na ba? Bakit daw ako nawalan ng kuryente?" tanong ko.

"Nag-short circuit lang daw ang breaker. They were able to fix it in a couple of minutes."

"Ayon lang pala. Buti hindi malala ang nangyari."

Nakahinga ako nang maluwag sa nalaman. Hindi nga lang ako ganoon kasaya. Parang ang bilis naayos ang problema ko sa kuryente. I kind of wanted to stay more in his unit, but at the same time, nakakahiya ring makitulog ulit.

"Let's eat. Bumili na lang ako ng pagkain sa labas," aya niya.

"Okay..."

Ngumuso ako at tiningnan ang dalawang ulam na nakahain. May buttered chicken, seafood broccoli, and yang chow pa ang kanin. Halatang sa labas niya nga binili.

"Next time, ako na ang magluluto ah?" sabi ko habang sumasandok ng ulam. "Mag-grocery na rin tayo mamaya kung wala kang pasok ngayon."

"Sure. Wala akong pasok at duty ng weekend." Binuhat naman ni Kaleb ang bowl ng kanin para mapadali ako sa paglalagay sa aking pinggan. "Is that enough?" he asked when I stopped putting rice on my plate.

I nodded. "Mamaya na lang ulit."

"Okay. Tell me if you want more," he said, placing the bowl back on the table.

Iyon na ata ang pinakamabagal na pagkain ko. Kulang na lang ang pa-slow motion pa ang gawin kong pagsubo at pagnguya para lang tumaga kami sa hapag. I didn't want to finish eating lunch.

Hindi tumayo si Kaleb kahit na tapos na siya sa pagkain. He waited until I finished my food. Tumulong ako sa pagligpit at nag-ayos kahit papaano bago lumabas ng kwarto dala-dala ang aking tote bag.

Being a gentleman by nature, kahit na nasa kabila lang ang unit ko, he insisted on seeing me off. Sabi ko sa kanya maliligo lang ako tapos pwede na kami umalis para mag-grocery.

"Thank you. Balik ako ah?" Nilingon ko siya ulit nang makalabas ako ng unit.

He smiled and nodded. "Okay."

"Donnabelle?"

The familiar voice of my mother rang in my ears. Nanlaki ang mga mata ko. Kaleb's eyes went past me, looking at the person standing behind me.

Unti-unti akong lumingon. As soon as I met my mother's eyes, I knew I was done. Mabilis ding nalipat ang tingin niya kay Kaleb na mukhang hindi pa alam kung ano ang nangyayari at kung sino ang nasa harapan namin.

"Ma..." bati ko gamit ang maliit na boses.

"Your mom?" Kaleb asked.

"Pumasok kayong dalawa ngayon sa loob at magpaliwanag kayo," matigas na sabi ni Mama at binuksan ang unit ko gamit ang spare key. Nauna siyang pumasok sa loob at pabagsak na sinara ang pinto.

I bit my lip. Nahihiya kong nilingon ulit si Kaleb. Nagulat ako nang makita siyang tuluyan na ring nakalabas sa unit niya at kakasara lamang ng pinto.

"Wait! Saan ka pupunta?" bigla akong nataranta.

"Your mother wants to talk to us. I'm guessing she has the wrong idea. I'll help you explain what happened," he said.

"No need! Ako na ang bahala mag-explain kay Mama—"

"Nasaan na kayo?!" sigaw ni Mama mula sa loob.

Pumikit ako nang mariin. Nakakahiya si Mama.

"Uhm, I don't think your mom would like that," sabi ni Kaleb. "Sasamahan na kita."

Hindi pa ako nakakapag-decide, nauna nang pumasok si Kaleb sa aking unit. He waited for me by the door, though. Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya.

My mother looked so intimidating as she sat with her legs and arms crossed. Bahagya pang nakataas ang kilay niya. Para siyang iyong mga kontrabida sa mga teleserye na willing magbigay ng sampung milyon para lang layuan ako ni Kaleb.

"Ma—"

"Maupo kayo diyan," mataray niyang sabi.

Napalunok ako at umupo sa lapag dahil parang sakop niya na ang maliit na couch ko. Feeling ko rin ay hindi kami puwedeng maupo sa tabi niya habang hindi pa kami nakakapagpaliwanag sa kanya.

"Good afternoon, Ma'am," pormal na bati ni Kaleb kay Mama bago naupo sa tabi ko.

I had no idea how he could still stay so calm and composed in front of my mother. I guess that's just really his personality.

"Ano'ng pangalan mo, hijo?" Nakataas ang kilay ni Mama nang magtanong.

"Kaleb po."

"Kaleb?"

"Kaleb Abello."

"Abello..." Bahagyang napakunot ang noo ni Mama. Mukhang may gusto siyang itanong kay Kaleb na isinantabi niya upang magpatuloy. "Ganito, hijo, walang kaso sa akin ang magkaroon ng boyfriend itong si Dawn. Nasa tamang edad na ang anak ko at may tiwala ako sa kanya. Ang sa akin lang, gusto kong makilala ang boyfriend niya. At saka bakit mukhang sa unit mo pa natulog ang anak ko? Madalas ninyo ba gawin 'yon?"

"Ma!" nahihiya kong suway sa kanya. Kung ano-ano na ang lumabas sa bibig niya.

"I'm sorry po. I'm here to explain what happened and tell you the exact relationship I have with your daughter," Kaleb started to explain with so much patience for my mother. "We just got on good terms after a misunderstanding. Nasira po ang breaker sa ng unit niya kagabi at wala ng maintenance na available until this morning. I have a guest room, so I invited her to stay in my unit..."

Nagpatuloy si Kaleb sa pagkwento kay Mama tungkol sa mga nangyari kagabi. My mother's expression gradually softened when she finally learned what happened. Her eyes were now filled with gratitude toward Kaleb.

"That's what happened po," sabi ni Kaleb nang matapos ang kwento.

"Nako! Buti na lang pala at nandyan ka, hijo." Mom smiled in relief. "Alam mo na, madalas nag-aalala rin ako dahil mag-isa lang siya rito tapos babae pa. Kaya kapag hindi nauuwi 'to sa amin at hindi nagsasabi, sinasadya kong puntahan—gaya na lang ngayon."

Napakunot bahagya ang noo ko. Bakit parang medyo may halong parinig pa siya sa akin?

"Taga-Maynila ka ba talaga, hijo?" kuryosong tanong ni Mama kay Kaleb. Mukhang interasado siyang makilala 'to.

"No po. I'm actually from Cavite," sagot niya.

A small gasp escaped my slightly parted lips. I turned to him with my eyes wide open.

Taga-Cavite din siya?

"Sa Cavite ka lang din pala! Saan ka sa Cavite?" Tumaas ang boses ni Mama. Halatang excited siya sa nalaman.

"Sa Dasma po."

"Dasma?! Saan doon mismo?"

"Sa Greenwoods po."

What the fuck?

Hindi na ako makapaniwala. Parehas na kaming taga-Dasma tapos nasa iisang village lang din kami nakatira. How come I never saw him before? Madalas akong mag-bike sa village. Although, hindi ko naman naiikot iyon ng buo dahil kahit doon ako lumaki, ang hirap pa ring kabisaduhin ang paikot-ikot.

Pero kung kasing gwapo niya, malabong hindi ko siya kilala. His face would surely be known in our community. Dapat kilala rin siya ng mga kaibigan at pinsan ko roon.

"Ano nga ulit ang apelyido mo? Abello?" tanong ni Mama.

"Yes po."

"Anak ka ba ni Kristine?"

Tita Kristine? Impossible—

"Opo."

Halos malaglag na ang panga ko sa sobrang gulat. I know Tita Kristine! Isa siya sa mga ka-chismisan ni Mama sa clubhouse. She's been to our house before at tanda ko pa, magkaklase sila mula grade school hanggang high school.

"Sabi ko na!" Mas lalong umaliwalas ang mukha ni Mama. "Kaya namumukhaan kita, e! Sabi ko na pamilyar! Ikaw nga 'yong anak ni Kristine!"

"You know my mom po?" Kaleb was also taken aback a bit by the huge coincidence.

"Magkaklase kami noon!" Natatawang kwento ni Mama. "Ang kapatid mo lang na si Kylie ang lagi kong nakikita. Sabi ng mama mo no'n, hindi ka pala-labas ng kwarto mo. Puro aral lang daw ang kinakahiligan mong gawin."

Kapatid siya ni Kylie? Kilala ko si Kylie! Madalas din siyang bumisita sa amin kasama ng Mama niya at nagko-coloring book kaming dalawa. She also has a huge interest in arts kaya naging kasundo ko.

"Nakooo! Matutuwa ang Mama mo kapag nalaman niyang magkapitbahay kayo nitong si Dawn! Sasabihin ko agad sa kanya pagkauwi!" Mom didn't even try to conceal her excitement and let her intrusive thoughts win. "Hindi na rin ako mangangamba na mag-isa rito si Dawn. Ikaw na ang bahala sa anak ko, Kaleb, ah?"

"Ma!" suway ko dahil mukhang hindi man lang siya nakakaramdam ng hiya. "Nakakahiya po kay Kaleb."

We weren't even close yet. I wanted to ease in, but my mom seemed to have a different plan. Ayaw niya ata ng slowburn. Gusto niya sumugod agad ako.

"Hay nako, Dawn. Hindi mo alam kung gaanong pag-aalala ang nararamdaman ko dahil mag-isa ka lang dito," pagalit niyang sabi sa akin. "Kaya ngayong alam kong nandito si Kaleb kasama mo, panatag na ang loob ko."

"Pero, Ma—"

"It's okay, Dawn." Kaleb smiled reassuringly. "I don't mind granting her a simple request."

Simple request? Nagkakamali siya!

Nakakunot-noo akong lumapit sa kanya upang bumulong. "Hindi mo alam ang pinapasok mo. Puwede mo pang bawiin ang sinabi mo."

"Don't worry. I got this," he said. His smile didn't even waiver. He meant everything. "And besides, this is the least I can do to repay you. Gusto mo akong ipagluto, 'di ba?"

"Ipagluluto ka ni Dawn?" Muling tumaas ang tono ng boses ni Mama sa sobrang tuwa.

I shut my eyes tightly. Mali na naman nang napiling sabihin si Kaleb. That would only give her crazier ideas.

"Yes po," Kaleb answered honestly.

Nagmamadaling tumayo si Mama upang lumapit kay Kaleb. She sat beside him on the carpet. Pinipilit siyang tumayo ni Kaleb, ngunit hindi siya nagpapigil sa pagsasalita.

"Masarap magluto 'yang si Dawn! Mana sa akin! Sabihin mo lang sa kanya kung ano ang mga gusto mong kainin. Siya na ang bahala sa lahat!" sunod-sunod niyang sabi.

Napabuntonghininga na lang ako, lalo na nang makita ang pagtango ni Kaleb sa kanya. Hindi niya talaga alam kung ano ang ipinapasok niya.

Continue Reading

You'll Also Like

9.9K 423 6
(Ongpauco Series #5) Lake Ongpauco is back... but he's not here to stay. After staying away for almost a decade, it's just easier for Lake to keep e...
148K 2.7K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
347K 9.7K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
162K 408 2
FP #3: Forest (Epistolary with narration)