Chapter 8

1.6K 142 30
                                    

#MovingNextDoor

Chapter 8
Decided

"Mag-Grab na lang ako, Zendie para hindi na kayo malayo ng kuya mo," sabi ko kay Zendaya nang uwian na namin.

Sinundo siya ulit ng kapatid niya. Tuwing ginagabi kami ay lagi siyang may sundo. Madalas hinahatid nila ako, pero mukhang pagod ang kapatid niya ngayon at ayaw kong maging abala. Mapapalayo sila kapag hinatid pa ako.

"Sure ka ba? Ayos lang naman na ihatid ka namin," nag-aalalang sabi niya.

"Oo naman. Naka-book na ako," sabi ko at ipinakita ang cellphone sa kanya. Mayroon na akong nakuhang driver sa Grab.

"Okay, then..." Bahagya siyang ngumuso. "Share mo sa akin 'yung tracker at plate number. Text mo rin ako kapag nakauwi ka na. I'll wait for your message."

"No worries. Mag-message ako agad."

Ngumiti si Zendaya sa akin bilang paalam. She hugged me before entering her brother's car. Ilang minuto lang din ay dumating na ang Grab ko. Sumakay ako sa sasakyan at agad na isinuot ang earphones bago nagmuni-muni.

It was almost ten in the evening when we called it a day. Bumili pa kasi si Sir Joel ng dinner at inayos on the spot ang revisions para hindi na kami kulangin sa oras. Approved na ang lahat ng fanprojects at designs kaya sa production na kami mag-fo-focus.

Nakakapagod din kahit papaano ang maging admin at officers ng official fan club, pero napaka-worth it tuwing nakikita namin kung paano nito napapasaya ang kagaya naming fans at mismong New Classic members. We are also well compensated by Top Star kaya para ko na rin 'tong part-time job. Madami ring perks gaya ng complimentary tickets, signed albums, at official merchandise. At ang pinaka-inspiration ko sa lahat, we have the opportunity to bond and talk to all New Classic members.

I could say that we were totally living every fangirl's dream. Kaya kahit na nakakapagod, hinding-hindi ko 'to bibitiwan. I wouldn't take this once-in-a lifetime opportunity for granted.

Tumigil ang tugtog na siyang dahilan kung bakit ako natigil sa pag-iisip. Napalitan 'yon ng ringtong ko. My mother was calling. Sasagutin ko na sana ang tawag, ngunit saktong pagkapindot ko ay namatay ang cellphone.

"Shit?" Ang tanga ko naman!

Sobrang lutang ko ata ngayong araw. Hindi ko man lang napansin na lowbat na ako. Nagawa ko pang magpatugtog! Buti na lang at nakasakay na ako sa Grab.

Hinalukay ko ang bag ko at halos mapahilamos na lang ako sa mukha nang makitang hindi ko dala ang powerbank, pero nagdala ako ng cord. Nangyari na rin 'to sa akin nung first concert ng New Classic. Zendaya lent me hers kaya swerte ako noon.

Bahala na nga! Mag-message na lang ako kay mama pagkauwi.

Ipinasok ko na lang sa bag ang cellphone ko kasama ng earphones. Isinandal ko bahagya ang ulo saka pinanood ang bawat establishments na aming nadadaanan. We even passed by a huge billboard of New Classic for a local clothing brand. Naalala kong pinuntahan ko pa 'yon kasama ng ibang mga First Class. We took group pictures in front of the billboard. Kumuha rin ako ng magandang litrato no'n para i-post sa official fan account.

Nang makarating sa tapat ng condo ay agad akong lumabas ng sasakyan. Bayad na 'yon kaya nag-thank you na lang ako sa driver bago isinara ang pinto.

Once I turned around to walk inside the lobby, I found Kaleb rushing his way to me. Malalaki at mabibilis ang paghakbang niya. He looked anxious and worried. His eyes quickly scanned my body before they landed and stayed on my face.

"Ano meron, Kaleb? Ayos ka lang ba?" tanong ko.

"I should be the one asking you that," sabi niya. "Ayos ka lang ba? Where have you been? Bakit ginabi ka ng uwi?"

Moving Next DoorWhere stories live. Discover now