Prologue

2.8K 144 33
                                    

#MovingNextDoor

Prologue

"I'll just send my draft sa email. Okay lang ba? Matatapos na rin naman ako. Promise! Mamayang gabi i-se-send ko!" nagmamadali kong sabi nang malingunan ko ang oras.

Thirty minutes na lang at six o'clock na ng gabi. Hindi na ako puwedeng magtagal sa labas. I had to get home and prepare myself for tonight. Ayaw kong paghintayin ang boyfriend ko at baka magtampo sa akin.

"Okay lang naman, pero bakit madaling-madali ka? May emergency ba?" nagtatakang tanong ni Lyka, isa sa mga kagrupo ko sa thesis.

"Oo! Sobrang emergency baka ma-late na ako sa date namin ng boyfriend ko!" sagot ko at ipinasok na ang laptop at drawing tablet sa bag.

Umirap si Lyka nang ma-realize kung ano ang tinutukoy kong emergency. "Hay nako! Akala ko kung ano na. Inaatake ka lang pala ng pagiging delulu mo," sabi niya bago bumalik sa pag-da-drawing.

I chuckled and quickly hugged her. "Love you! Bye!"

"Oo na, sige na! Take care!"

"I will! Baka magalit si Ike kapag 'di ako nag-ingat!"

"Hay nako talaga!"

Muli akong natawa bago tuluyang tumakbo palabas ng coffee shop. Walking distance lang ang condo ko mula sa pinanggalingan. Sinadya kong doon kami mag-meet para madali lang ako makakauwi at hindi ako matatakot na ma-traffic. Gusto nila sana sa library ng school para tahimik at hindi na kami gagastos, but I still had to ride the jeepney for that. Ang kinakatakutan ko talaga noong araw na 'yon ay traffic, so I desperately tried to avoid that at all costs.

Mabuti na lang at hayok sila sa libre. When I told them I'd buy coffee and pastries for us just so we could have our group meetup at the coffee shop, they immediately agreed. Walang nagdalawang-isip. Nagmamadali pa nga ang ibang magkita-kita.

I was half-running with the leftover iced coffee in my hand. I smiled at the familiar security guard who greeted me. Nang palapit sa elevator, kinapa ko ang access card ko, ngunit hindi ko 'yon naramdaman sa bulsa.

My eyes widened in panic. Ibinaba ko muna ang iced coffee sa gilid nang nasa harap na ako ng elevator. I checked my bag pockets, but to no avail. Kahit sa wallet ko, wala roon 'yung access card.

"Shit. Naiwan ko ata sa kwarto," inis kong bulong habang isa-isang binabalikan ang pangyayari kung saan ko huling nakita ang access card.

I hoped I just really left it in my room. Ayaw kong magbayad ng two thousand para lang mapalitan 'yon dahil naiwala ko. For now, I can just ask the reception desk to tap the access card on the elevator for me.

Bigo akong tumayo, dala-dala ang iced coffee. Sakto namang bumukas ang pintuan ng elevator. A tall, handsome guy wearing a plain white shirt and jogger pants stepped out into the hallway. I didn't get into much detail about his looks dahil mas may gwapong naghihintay sa akin. And besides, the access card in his hand had stolen my attention from his face. Iyon ang mas importante sa akin no'ng mga oras na 'yon.

"Excuse me, Sir!" Gamit ang isang kamay hinawakan ko ang kanyang braso upang pigilan sa paglagpas sa akin. "Pwedeng pa-tap lang ng access card sa elev? Nakalimutan ko kasi sa unit ko 'yung akin. I just really need to hurry."

The stranger looked at me very suspiciously. Even with his specs on, I could see the distrust in his gaze clearly. Siguro ay inaakala niyang gusto ko lang makaakyat kahit na hindi ako taga-rito sa condo.

"Please?" I added and held his arm tighter.

However, instead of helping me, he seemed to have stuck to his prejudgment. Binawi niya ang braso at mabilis na ipinasok sa bulsa ang access card na kala mong balak ko pang nakawin sa kanya.

Moving Next DoorOnde histórias criam vida. Descubra agora