In A Secret Relationship?

By Sha_sha0808

135K 11.2K 3.1K

HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking... More

Prologue
Chapter 1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51

31

2.8K 216 103
By Sha_sha0808











*********Kaitlyn's POV*********










"What? Nasa hospital si Tatay?" bulalas ko nang sagutin ang tawag ni Nanay.

"Kait, okay na siya. Nagpapahinga na siya kaya don't worry," sabi ni Nanay.

"Ano ho ba ang nangyari, nanay?"

"Bigla kasing nahilo at naninikip daw ang dibdib kaya dinala na namin sa hospital pero okay na siya."

"Nay, ano raw ba ang dahilan ng sakit niya?"

"Mataas ang blood pressure niya at sabi ng doktor, baka stress daw pero kinukuhaan na siya ng blood sample. Binigyan lang siya ng catapress kaya bumaba ang BP niya. Mainit din kasi ang panahon tapos madalas siyang puyat kaya ayun, tumaas ang presyon ng dugo."

"Sure ka, nanay? Punta ako riyan." Nag-aalalang sabi ko kahit pa sabihin na okay na siya. Traidor pa naman ang mga sakit ngayon.

"Okay na siya. One thirty over ninety na ang Bp niya pero imo-monitor na lang muna siya twenty four hours kaya i-admit na muna," sabi ni Nanay. "Wag kang mag-alala, okay na siya. Laboratory na lang ang hihintayin."

"Basta pupunta ho ako," sabi ko saka lumabas ng classroom.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Geen.

"Saan si Prof?" patanong na sagot ko. "Nandito na ba—wait lang," sabi ko nang makitang palapit sa amin si Teacher Ma'am Mary Jean.

"Miss Luna," tawag ko.

"Oh, Kaitlyn. Is everything okay?"

Umiling ako.

"No," sagot ko. "Miss Luna? Pwede ho bang hindi ako makakapasok sa class mo? N—Nasa hospital po ang tatay ko, Miss Luna." naiiyak na pakiusap ko.

"Ha? Anong nangyari?"

"Bigla na lang daw nahilo. Please, nag-aalala ho talaga ako."

"Okay, puntahan mo na siya ha," sabi nito kaya nakahinga ako nang maluwag.

"Thank you ho," pasalamat ko. Buti at maunawain si Miss Luna.

"Baka stress yung daddy niya dahil sa nalugi nilang company," narinig kong sabi ng kaklase ko.

"Sinabi mo pa. Ikaw ba mawalan ng bilyon at empleyado, ewan ko lang kung hindi ka ma-stress. Kaya ganyan na pamumuhay nila. Look at her, wala nang bodyguards. Di na takot ma-kidnap dahil wala nang perang pantubos."

"Shutup!" sigaw na saway ni Rose Ann. "Mga tsismosa! Wala namang ambag sa lipunan!"

"Hayaan mo na," sabi ko sabay hawak sa kanang kamay niya at nginitian. "Alis muna ako. Pakopya ng lesson later ha."

"Oo, ako ang bahala," sabi ni Rose Ann kaya nagmamadaling lumabas ako sa campus at sumakay sa taxi saka nagpahatid sa hospital.

"Nay!" bungad ko nang pagbuksan niya ako ng pinto. Naka-private room si Tatay at nakahiga sa kama. "Tay?"

"Bakit nandito ka?" tanong niya.

"Kamusta na ho kayo? Ano ang nararamdaman mo?" nag-aalalang tanong ko at hinawakan ang kamay niya.

"Okay lang ako. Bakit ka pa ba pumunta rito?" salubong ang kilay na tanong niya saka napatingin kay Nanay. "Di ba sabi ko 'wag mong ipaalam sa kanya? I'm fine. Malakas pa ako."

"Wag ka hong magalit kay nanay, nag-aalala lang naman siya sa 'yo. May masakit ho ba sa inyo?"

"Okay na ako. Nahilo lang kanina pero okay na okay na ako. Don't worry."

"Tumaas ang blood pressure niya kanina."

"Tay naman, wag kang masyadong magpaka-stress. At bawas-bawasan mo na ho ang pagiging workaholic mo," sabi ko.

"Walang kinalaman ang trabaho ko sa nangyari sa akin," sabi ni Tatay.

"Pero nay, wala namang highblood si Tatay, di ba?" tanong ko saka nilingon si Nanay.

"Nagkaroon na!" sagot ni Tatay na salubong ang kilay.

"One hundred sixty over one hundred (160/100mmhg) kanina nang dumating kami dito tapos nag 130/90 at last na kuha, 130/80mmhg na. Kaya siya nilagyan niyang 24 hours BP and ECG monitoring."

"Bakit ka ba na-highblood? May nakausap ho ba kayo na nagpa-highblood sa 'yo?" tanong ko.

"Wag mo nang itanong!" sagot ni Tatay. "Please lang, I'm fine kaya wag kayong mag-alala."

"Nay? Sino ang huling nakausap ni Tatay? Or may balita ba siyang narinig na ikinataas ng Bp niya?" usisa ko.

"Please, Kaitlyn. I'm fine. Okay na ako. Ang init lang ng panahon kaya tumaas ang BP ko."

"Oo nga, anak. Ang init lang kaya inom ako nang inom ng tubig," segunda ni Nanay.

Kung sabagay, malakas naman ang loob ni Tatay. Hindi nga siya na highblood noong na-anunsyo siya ng bankruptcy at iniwan ng malaking investors niya, ngayon pa kaya? Ang init lang talaga ngayon sa Pinas.

"Magpahinga ka lang po at wag magpaka-stress at magpuyat," payo ko. "Baka naipon na ang pagod at puyat mo. Wag mo na hong intindihin ang company. Alam ko pong makakabangon tayo. Isa pa, kaya ko naman hong buhayin ang sarili ko. Ako ho ang bahala sa kapatid ko. Aalagaan ko ho kayo. Kung maghirap man tayo, okay lang po basta magkasama at buo tayong pamilya. In time, makakabangon din ho tayong magpamilya."

Maghapon akong nasa hospital pero nang sabihin ng doktor na okay naman ang lab result niya at stable na ang vital signs lalo na ang BP ay umuwi na ako.

"Sabi ni Rose Ann, na-hospital daw ang tatay mo," bungad ni Orange.

"Oo pero okay na rin naman na siya. Baka i-discharge na siya bukas."

"Thanks God. Akala ko malala na kaya balak ko sanang bisitahin," sabi niya.

"Para ano?"

"Syempre nag-aalala na ako, ano. Second father ko na siya kaya dapat lang na magpakita ako ng suporta. Ano pala ang nangyari sa kanya?"

"Na-highblood daw."

"Ay, baka sa weather," aniya.

"Baka nga. Pero ang sabi ni dok, stressed din ang reason."

"Ha? Stressed sya?" tanong niya.

"Malamang! Na-bankrupt lang naman kami," nakasimangot na sabi ko.

"I'm still here na hindi kayo iiwan," sabi nito.

"Mataas ang offer sa kabila," sabi ko. For sure ino-offeran siya nina Steffi.

"I don't care kung mataas ang offer nila. Mas mahalaga ang pamilya," sabi nito.

"Tsk! Pamilya," ulit ko.

"Why? Pamilya naman na tayo e. Ang parents mo ay parents ko na rin."

Hindi na ako umimik.

"By the way, wag ka nang umuwi ngayon wala naman ang parents mo sa bahay," sabi niya dahil Sabado bukas.

"Ikaw? Uuwi ka ba?"

"Yes pero sa bahay lang ni Lolo Black dahil sina Nanay ang luluwas bukas," sagot niya. "Sama ka sa bahay?"

"Para ano?"

"Eh? Syempre para makilala mo na sila."

"Kilala ko na sila."

"As second family mo," anito.

"Tigilan mo nga ako!" saway ko. "Bukas may commercial taping kami."

"Ow, really? Good luck," sabi nito. "Tara, kain na tayo. Nagluto ako ng menudo."

Dahil nagugutom na ako, nauna na akong naglakad patungo sa kusina.




















*******ORANGE POV**********













Tulog pa si Kaitlyn nang umalis ako pero nagluto naman ako bago siya iniwan. Hindi na ako kumain  dahil sabay raw kaming mag-breakfast. Nang dumating sa bahay nina Lolo Black, nandito na ang parents ko at mga kapatid.

"Morning po," bati ko sa mga ito na nag-aalmusal. "Uy, sarap ng ulam."

"Maghugas ka ng kamay mo!" saway ni Kuya Green Maroon kaya napailing ako at naghugas ng kamay gamit ang Safeguard dahil baka mapatay ako nila ako ni Tatay.

"Kain ka na," sabi ni Nanay kaya nagsimula na akong kumain. Ang tahimik yata ng hapag-kainan kaya alam kong may something sa kanila kaya pinakiramdaman ko na.

"Gaano ka totoo na kasal ka na, Orange?" seryosong tanong ni Tatay kaya napatingin silang lahat sa akin. "Who gave you the idea na magsinungaling ka sa media?"

"Anak, ano ba ang nangyayari?" mahinahong tanong ni Nanay.

"Totoo pong kasal na ako," pag-amin ko na ikinagulat nilang lahat.

"Talaga, kuya?" masiglang tanong ni Purple. "Kasal ka na? Woah! Kailan pa?"

"Akala ko ba nagjo-joke ka lang?" tanong ni Ate Fuchsia. "Kay Steffi ba?"

"Ate naman, bakit ko siya papakasalan?" inis na tanong ko. Makimarites nga lang, mali-mali pa.

"Ewan ko. Kaya nga nagtatanong kami eh," sabi ni Ate Fuchsia.

"Kanino? Bakit hindi mo sinabi sa amin?" tanong ni Lola Nathalie. Wala palang nakakaalam sa pamilya ko maliban sa triplets na lolo ko.

"Sorry ho pero ang bilis lang po ng pangyayari. Basta," sagot ko.

"Kung hindi kay Ate Steffi, kanino ka nagpakasal?" usisa ni Purple.

"Kaitlyn," sabat ni Kuya Green Maroon kaya nagulat silang lahat.

"Hindi nga?" bulalas ni Fuchsia. "Kay Kaitlyn ba? Yung anak ng na-bankrupt?"

"Grabe ka naman sa bankrupt!" pikong sabi ko.

"Ay, hindi ba?" ani Ate Fuchsia.

"Totoo bang kay Kaitlyn?" seryosong tanong ni Tatay sabay pahid ng tissue sa bibig.

"Yes ho," pag-amin ko. Tutal wala na rin naman akong kawala e. Kaysa sa iba pa nila malaman.

"What?" hindi makapaniwala na tanong ni Tatay. "Nababaliw ka na ba, Orange?"

"She's my first kaya dapat lang na panagutan niya ako," pabulong na sabi ko.

"Yuck! May nagpakasal sa 'yo?" nandidiring sabi ni Ate Fuchsia kaya pinandilatan ko siya.

"Maka-yuck ka! Ikaw nga riyan eh, habol nang habol kay Kuya Ismael."

"Tahimik!" saway ni White. "At ano naman ang pumasok sa kukute mo at nagpakasal ka agad? Baliw ka na ba?"

"Seryoso ka ba anak? Hindi kami nagbibiro," tanong ni Nanay.

"Mukha ho ba akong nagbibiro?" tanong ko.

"Orange naman, ang bata mo pa!" ani Tatay.

"Kailangan ho ba kapag senior na ako magpakasal?" pikong tanong ko at tumayo. "Busog na po ako."

"Kinakausap ka pa namin, Orange!" galit na sabi ni Tatay.

"Ayoko pong makipag-usap ngayon. Please, sa susunod na ho kapag mahinahon na ang lahat," pakiusap ko saka iniwan na sila at sumakay sa ducati ko at pumunta sa hospital.

Tinuro niya sa akin ang private room. Sinamahan pa nga ako ng nurse pero nang nasa tapat ng pinto, pinaalis ko na at binuksan matapos kumatok ng tatlong beses.

"Morning po, tay," magalang na bati ko saka lumapit sa kanya na nagkakape. "Si Nanay?"

"Hindi kita pinapunta rito."

"May dala ho akong prutas para lumakas ka," sabi ko sabay lapag ng basket sa bedside table. "Ano ho ang nangyari? Parang ang lakas mo naman ho kahapon?" usisa ko. "Biglaan naman po."

"May mahalaga ka bang sasabihin at napadalaw ka? Kung wala umalis ka na."

"Binibisita lang ho kita," sabi ko.

"Makakaalis ka na," sabi nito.

"Wait ko na lang ho muna si Nanay para may kasama ka. Saan ho ba siya pumunta?"

"Umalis ka sa harapan ko, Orange! Utang na loob!" pakiusap niya.

"Baka kasi mapano ka kapag mag-isa ka lang. Ang sabi ni Kaitlyn, nahihilo ka pa raw."

"Kaya ko ang sarili ko kaya hindi kita kailangan!" galit na sabi niya. Nakaramdam naman ako ng awa. Alam kong gusto niyang ipakita sa pamilya niya na malakas siya pero ang totoo ay weak siya inside. Minsan ma-pride talaga kapag padre de pamilya ka. "Oh? Umalis ka na sa harapan ko, please lang!"

"Mahalaga ka ho sa akin kaya samahan muna kita, tatay," sabi ko.

"Utang na loob, Orange!" pasigaw na sabi niya na halatang nanginginig ang katawan sa galit kaya napaatras ako. Grabe! Sya na nga itong inaalala ko, siya pa ang galit. Kasing ugali talaga ni Kaitlyn.

"Okay po. Pero ako na ho ang bahala sa hospital bill mo, tatay. At kapag kailangan mo ng tulong, tawagan mo lang ako ha."

"Wag ka nang magsalita, pakiusap!" sabi niya kaya tumango ako at iniwan siya pero dahil nag-aalala talaga ako, pinakiusapan ko ang nurse na silip-silipin siya.

Muli akong nagmaneho ng motor saka pinuntahan ang asawa ko sa taping niya.














*******KAITLYN'S POV*********










Hindi ko inaasahang si Steffi pala ang kasama ko sa commercial na gagawin namin.

Kakarating ko lang kaya nag-ayos ako ng gamit.

"Hi, wala ka yatang kasama?" tanong ni Steffi.

"Mahirap na kami," sagot ko na para bang normal na ang pagiging mahirap.

"Kahit PA wala ka?"

"Wala akong pambayad," sagot ko saka inilapag ang malaking bag na may dalang makeup set.

"Ikaw rin ang mag-make up?"

"Yes. At hindi na ako mag-makeup dahil hindi naman kailangan," sagot ko. As in literal na solo ako ngayon dahil may biglaang lakad ang manager ko. Facial wash ang i-endorse namin kaya hindi naman necessary na mag-makeup. Isa pa, maghihilamos lang naman kami. Napatingin ako sa mga babaeng nandito. Iba-iba kasi ang kulay na magtestify na mabisa ang product kahit na ano man ang lahi mo.

"Sana all mataas ang confidence," sabi niya.

"Hindi naman. Ayaw ko lang mag-makeup gaya ng napag-usapan," sagot ko. Endorser o hindi, gumagamit talaga ako nito. Syempre hindi ako mag-i-endorse ng product na hindi ako user.

"Okay," sabi nito. Actually, naiirita ako sa kanya. Why? Feeling ko silent enemy kami dahil sa ginawa nila sa company namin. Obvious naman na inagaw nila ang endorser, buyer at investors namin. Alam kong aware din siya roon.

"Uy, Steffi. Kamusta ang pagiging Misis Villafuerte?" tanong ng black beauty model na lumapit sa amin.

"Maka Misis Villafuerte ka naman," ani Steffi.

"Deny ka pa eh," anito.

"Syempre. Back to work na tayo," ani Steffi na hindi man lang tinama ang kasama namin. Hindi ako interesado sa mga model na kasama ko. Para sa akin, trabaho lang. Kapag gusto nila akong makasama, eh di makipagkaibigan.

"Uy, asawa mo," sabi nito kaya napatingin kami sa bumaba sa motorsiklo. Si Orange.

"Hi," bati ni Orange habang papalapit na nakatingin sa amin. Lumayo ako sa kanila at inayos ang mga gamit sa bag para maghanda sa gagawing commercial.

"Hello," nakangiting sagot ni Steffi. "Orange, bakit hindi ka nagpaalam na pupunta ka?" sinalubong niya ito at hinalikan sa pisngi. Ewan ko ba pero bakit pakiramdam ko sa lips dapat iyon kaso gumalaw lang si Orange.

"Gusto ko lang surpresahin ang asawa ko," sagot ni Orange na sa akin ang mga mata kaya inirapan ko.

"Sana all sweet," sabi ng half-american na kasama namin.

"Sana all may asawa," segunda nitong half-african kaya napa-rolled eyes ako.

Lumapit si Orange sa akin.

"Kaitlyn," bati niya.

"Wag kang gumawa ng eksena, mapapatay talaga kita!" mahinang pagbabanta ko. Buti natatakpan niya ako kaya hindi ako nakikita ng mga nasa likuran niya.

"Asawa naman kita," pilyong sabi niya kaya pinandilatan ko. "Miss me?" mahinang dagdag niya.

"Isa pa at sa labas ka talaga matutulog!" sobrang hinang pagbabanta ko.

"Nandito ka rin pala? Himala, nagtatrabaho na ang unica hija ng mga Arguela," natatawa at malakas na sabi niya kaya naikuyom ko ang kamao. "Gusto ko lang ikumpirma. Ikaw nga."

Tinalikuran niya ako saka bumalik sa tabi ni Steffi.

"Wala namang problema kung magtrabaho ako!" inis na sabi ko kaya ngumisi siya.

"Right. Pero akalain mo 'yon? Nagmo-model kami sa inyo pero ngayon ikaw na ang nagmo-model sa ibang products," may mapang-asar na sabi niya kaya ramdam ko ang pag-init ng ulo ko.

Hindi ko na siya pinatulan lalo na't tinawag na kami ng director.

Sa sobrang busy namin, hindi ko napansin na umalis na pala si Orange. Malilintikan na naman siya sa akin mamaya.

Nang matapos kami, kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Nanay para kumustahin si Tatay.

"Nay? Anong oras ho kayo lalabas? Sabay na tayong umuwi," tanong ko.

"Hindi pa raw makakalabas ang tatay mo," sagot ni Nanay sa kabilang linya.

"Ha? W—What do you mean na hindi pa makakalabas?" kinakabahang tanong ko. "Nay? Anong nangyari kay tatay?"

"Tumaas na naman kanina ang blood pressure niya kaya baka sa Lunes pa raw makakalabas sabi ni Dok."

"Ano ba 'yan? Pero okay na ngayon?"

"Okay na. Kailangan lang niyang magpahinga."

"Sige po, dadaan ako riyan," sabi ko at nagpaalam na. Kawawa naman si Tatay, akala ko makakalabas na siya ngayon.















Continue Reading

You'll Also Like

47.2K 3.9K 30
Sa buhay ng iba maaring ako ang maldita pero sa buhay ko, ako ang bida! Palaban akong tao at ayaw kong matulad kay Cinderella na inaapi muna bago mag...
4.7M 170K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
1.2K 53 22
Okay na sana eh kaso pinaalam pa ni mama. Masaya na sana eh. kung ikaw ba ang nasa posisyon ko mapapatawad mo ba ang totoo mung mga magulang kung bas...