Ditto Dissonance (Boys' Love)

By JosevfTheGreat

926K 31.8K 20.9K

[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but... More

DISCLAIMER
Ditto Dissonance
Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Special Chapter 1
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70 (Part One)

Chapter 63

7.1K 283 202
By JosevfTheGreat

Chapter 63: Starting to Break Apart

#DittoDissonanceWP

Hello, thank you for waiting! Naging busy lang ako these past few days TvT

BY THE WAY, guys! Gumawa ako ng facebook group para sa mga readers ng DITTO DISSONANCE! Pwede tayong mag labas ng mga feels natin pero no spoiler! Pwede rin tayong magkulitan. If gusto nyong sumali nasa message board ko ang link. Hindi kasi puwede dito 'yung hyperlink kaya punta nalang kayo sa message board ko! Sali na kayo!

AND DON'T FORGET TO VOTE FOR THIS CHAPTER!!!! ENJOOOOOOY

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Tahimik akong muling nakikinig sa kuwentuhan nila. Marami-rami na rin akong naiinom. Ramdam na ramdam ko na ang alak sa aking sistema. Ilang minuto na rin ang lumipas mula no'ng naghiwalay kami ng daan ni Caiden.

Pero hindi pa rin nawawala ang init ng ulo ko dahil tingin nang tingin sa table namin ang Georgina na 'yon. Iniisip ko tuloy kung paano papasok sa trabaho si Caiden bukas. Kung ako siya, parang hindi ko kayang makitungo sa ganiyang mga tao.

Mukhang okay naman ata sila dahil wala namang naging problema si Caiden sa mga katrabaho niya before. Kaya hindi ko in-expect na may biglaang ganitong eksena.

Although, hindi naman na din siguro nakagugulat talaga, guwapo si Caiden. Imposibleng hindi siya matipuhan. Mukhang matagal ng kinikimkim 'yung kaharutan. Ang problema nga lang, palagi pa siyang binabastos. Nakakairita.

Gusto ko nga rin sanang samahan si Caiden, kaso kailangan ko pang makisama rito sa kanila. Hindi ako puwedeng basta na lang umalis dito.

Kaya nagwo-worry ako, sana okay lang naman siya. Hindi naman siya na-trigger or kung anuman. At the same time, kahit nagwo-worry ako, nakikihalo 'yung irita at alak sa sistema ko kaya hindi ko rin magawang mag-chat sa kaniya. Kung puwede lang iuntog na lang sa pader 'tong Georgina na 'to, e.

"Oh, Zern? Kanina ka pa tahimik. Ready ka na ba ikuwento sa amin 'yung nangyaring paglabas mo kanina?" Sabi ni Tita Joana 'saka sumimsim sa whiskey na hawak niya.

Mahina akong natawa. "Hindi na po siguro, Tita Joana. Baka mainis lang din po kayo. Mas magandang itawa na lang natin 'yung nangyari," sabi ko.

"May tumayong babae do'n sa table ng Ginto's, e. Umalis din 'yung lalaking nagsusundo sa 'yo palagi, 'yon ba 'yung jowa mo?" Sabi ni Jopay.

Ayaw ko sanang sumagot kaso nakatingin silang apat sa akin at wala na rin naman sigurong problema kung ikukuwento ko sa kanila. Nakakahiya rin na kanina pa ako tahimik tapos sila kuwento nang kuwento.

Humugot ako ng malalim na paghinga 'saka tumango. "Oo, si Caiden. Sumasandal kasi 'yung katrabaho niya sa kaniya at humahawak pa sa braso. 'Yun 'yung nakita ninyong sumunod sa akin no'ng sinundan ko si Caiden," sabi ko.

"Eksena!" Singhal ni Erica. "Oo, kilala namin 'yon ni Jopay. Bwisit talaga 'yang babaeng 'yan. Ang kuwento pa nga, na-meet lang 'yan no'ng kabit ng asawa ni Tita Joana sa bar, in-offer-an mag-work sa coffee shop. Wala namang problema kung sex worker siya, ang problema, nadadala niya 'yung habit," dagdag ni Erica.

"Georgina 'yung pangalan niya, 'di ba? 'Yun 'yung naalala ko," sabi ni Jopay.

"Oo, teh. Georgina 'yon. Ampangit ng pangalan," sabi ni Erica bago nilagok ang whiskey na nasa shot glass.

"Tapos, anong nangyari, Zern?" Sabi ni Tita Joana.

Napalunok ako't muling napabuntonghininga. "Uh. . . tapos ayon, sinabihan daw ni Caiden na 'wag sumandal sa kaniya. Itong boss naman, umeksena rin, hayaan lang daw si Georgina na sumandal sa kaniya. Kahit sinabi na ni Caiden na hindi okay sa kaniya, nag-defend pa rin 'yung Georgina na wala namang problema sa pagsandal niya kay Caiden," sabi ko.

Sabay-sabay umirap ang mga babae, habang si Cyrus ay napangiwi.

Tita Joana laughed out of disbelief. "Wala akong masabi, Zern. Talagang kung saan may makati, makikita mo ro'n lahat ng higad," sabi ni Tita.

Mahina akong natawa. "Pabayaan mo na, Tita. Nagpaplano na ngang mag-resign si Caiden. Kahit siguro ako," sabi ko.

"Go! Sabihin mo mag-resign na siya. Palipatin na lang natin siya sa Tafiti's. Mas masarap pa kape natin. Magiging tatlo na ang poging staff," sabi ni Erica.

"True!" Sabi ni Jopay.

Umiling ako. "Sinabi kong 'wag siyang mag-resign. Sabi ko maging professional siya sa ganiyang aspeto. Kung mamasamain nila 'yung pag-alis ni Caiden ngayon sa table nila, 'yon na siguro 'yung time para mamersonal na rin siya," sabi ko.

"Na-disrespect siya, so dapat niya 'yon i-take personally, Zern. Binastos siya no'ng Georgina na 'yon. Kung maisip na niyang mag-resign, lumipat na lang siya sa Tafiti's," sabi ni Jopay.

"Pabayaan na lang muna natin. Naiinis pa kasi ako. Ayaw ko rin mag-decide para kay Caiden. Kung magre-resign siya o hindi, siya ang bahala. Basta ang advice ko, maging professional siya. 'Wag siyang maki-level sa kanila," sabi ko.

"Oo, pabayaan ninyo na lang muna. Kung sakaling magre-resign si Caiden, tatanggapin ko siya sa Tafiti's. Kung anuman ang magiging desisyon niya, 'yon ang sundin," sabi ni Tita Joana.

"Isa-suggest ko rin po 'yan sa kaniya, Tita. Pero mas gusto ko pong maging professional siya kaysa maging impulsive. Para sa dulo, ginawa niya 'yung tama," sabi ko.

"Ang hirap ninyo naman ka-bonding ni Tita Joana, mga anghel. Dapat bardagulan agad! Ako na hahawak kay Georgina, tapos bugbugin ninyo," sabi ni Erica kaya nagsitawanan kami.

"Baka kasi hindi pumapatol sa babae si Zern." Umakbay sa akin si Jopay, "'Wag kang mag-alala, kami bahala sa 'yo ni Erica. Paano mo siya gusto mamatay? Sabihin mo, kami na ang gaawa," sabi ni Jopay kaya nagtawanan kami ulit.

Kung papatulan ko 'yon, baka umiyak 'yon. Baka hindi niya pa ako nakikita kung paano makipagbardagulan. Kahit magsama pa silang dalawa ng boss niya.

Nakipagkulitan ako sa kanila kaya kahit papaano nawala 'yung inis ko. Nagkaroon na rin ako ng urge magkuwento nang magkuwento. Pinili ko 'yung mga nakahihiya at nakatatawang moments para mas maging light 'yung mood ng table namin.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Lumipas ang ilang oras at hindi ko napansing isang oras na lang ay madaling araw na. Nakiahalubilo lang ako saglit sa kanila bago nag-CR 'saka nagpaalam na mauuna na.

Naalala ko kasi si Caiden na baka ang tagal ng naghihintay. Nawala rin sa isip ko dahil naging engage ako sa kuwentuhan.

'Paglabas ko tinawagan ko agad si Caiden. Nakahinga naman ako agad nang maluwag nang sinagot niya 'yon.

"Yes, love? Are you done?" Malambing na bungad ni Caiden.

Lumitaw agad ang matamis na ngiti sa aking mga labi. Tangina. . . hindi ko alam kung may tama na sa akin 'yung alak, pero parang nakahihilo naman 'yung malalim na boses ni Caiden.

"Love? Are you okay?" Nag-aalala ang boses ni Caiden.

"Oo, Caiden. I'm okay. Sorry, hindi ako nakasagot agad. Na-miss ko kasi agad 'yung boses mo, kinailangan kong i-process muna," sabi ko.

Siya naman ngayon ang natahimik. Nai-imagine ko 'yung mukha niya ngayon.

"Ah. . ." He sounded just finished laughing. "Love, nasa convenience store ako. Hindi ako puwede kiligin masyado. . ." sabi ni Caiden at mahinang natawa.

Humalakhak ako. "Sunduin mo na ako or tell me kung nasaan kang convenience store para puntahan na lang kita," sabi ko.

"Stay there. . .I'll fetch you," sabi ni Caiden.

Narinig kong kumikilos na siya. Pero hindi ko siya sinunod, naglakad ako papunta sa highway. Baka kasi makasalubong ko na siya at makita ko ang convenience store kung nasaan siya.

Nakatutok sa tainga ko ang phone habang naglalakad. Hindi rin nagsasalita si Caiden, pero naririnig ko ang yabag niya pati ang malalim niyang paghinga.

Napanguso ako nang narating ko ang highway. Napangiti agad ako nang namataan ko na si Caiden na naglalakad papunta sa akin. May convenience store nga sa hindi kalayuan.

Ibinaba ko na ang tawag. Sinuksok ko ang mga kamay ko sa aking bulsa habang pinapanood ang guwapo kong boyfriend na naglalakad papunta sa akin.

Nakangisi si Caiden habang naglalakad hanggang sa makarating sa akin. Isang hakbang na lang ang layo namin sa isa't isa. Bahagyang nakaangat ang ulo ko para mapantayan ang mga mata niyang malalim.

"Hi. . ." he said in a baritone voice.

Mahina akong natawa. Tangina, tinamaan na ata talaga ako. Hindi ko lang talaga sigurado kung sa alak o sa lalaking 'to. Ibang-iba 'yung tama sa akin, e.

"Did you wait longer?" Sabi ko.

Umiling siya. "No, it's fine. I wanted to wait for you," sabi ni Caiden.

"Anong ginawa mo ro'n sa convenience store?"

"Kumain ng kung ano-ano habang nanonood ng gameplay ng Valorant," sabi ni Caiden at mahinang tumawa.

Malawak akong napangiti at inilahad ang kamay ko. Nakangiti niya rin 'yon tinanggap. Mariin niya hinawakan ang kamay ko 'saka napabuntonghininga habang tuwid ang mga mata sa akin.

"Are you okay? Hindi ka naman nag-overthink?" Malambing kong sabi at ngumiti na parang baby.

"Hindi. I'm fine. I'm okay. Iniisip ko lang kung papasok ba ako bukas. Inaaya kasi ako ni Titus magsine. Sasamahan ko na lang siguro siya. Magpapaalam na lang ako kay Ma'am Sandra. Balak ko na rin kasi mag-resign. Hindi ko nagustuhan 'yung ginawa nila," sabi ni Caiden.

Nangunot ang noo ko. "Si Titus, inaya kang magsine? Kayong dalawa lang?"

He chuckled. "Oo, bakit? Selos ang baby ko?" Caiden smirked playfully.

"Tss!" Umirap ako. "Kina-clarify ko lang. Dahil akala ko isasama mo sina Magnus at Echo," sabi ko.

"Gusto mo ba sumama?" Malambing na sabi ni Caiden 'saka marahang pinisil-pisil ang kamay ko.

Umiling ako. "Hindi na, 'no. Enjoyin mo 'yung cinema date mo with Titus. Mag-kiss kayo sa pagitan ng movie. Kumain kayo sa Mary Grace, at bumili rin kayo ng Llaollao habang naglalakad sa mall," sabi ko at umirap.

Humalakhak siya. "Sarap mong halikan ngayon. . . nahihirapan akong i-resist ka kapag nagpapanggap kang masungit. . ." sabi ni Caiden at bahagyang kinagat ang ibaba niyang labi.

"Tch. . ." sabi ko 'saka umiwas ng tingin para ipagpatuloy pa ang pagsusungit ko. Chariz! Tangina lasing na talaga ako. Kung ano-ano ng ginagawa ko.

Mahinang tumawa si Caiden. "Love. . . gusto mo bang umupo sa convenience store kasama ako o gusto mong bumalik na tayo sa dorm?" Malambing na sabi ni Caiden habang ini-sway-sway ang mga kamay naming magkahawak.

Napanguso ako't dahan-dahan siyang nilingon. "Umuwi na tayo sa dorm, para makapagpahinga kana. May date pa kayo ni Titus bukas," sabi ko at umirap kaya muli siyang natawa.

Hinila niya ako palapit sa kaniya. Napalunok ako dahil nagkadikit agad ang katawan namin. May mga taong nagbebenta sa gilid-gilid kaya isang lingon lang nila, makikita nila kami ni Caiden na naghaharutan dito.

Ngumisi siya nang nakaloloko habang pabalik-balik ang tingin sa mga mata't labi ko. He licked his lips and sighed deeply.

"Tama. . . uwi na tayo sa dorm. Mas maganda ro'n, mahahalikan kita agad," bulong ni Caiden.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Sa dorm ko ako matutulog. Ayain mo si Titus sa dorm mo, tabi kayo matulog. Enjoy your date tomorrow!" Sabi ko at binawi na ang kamay ko.

Hindi niya dini-deny kaya halatang totoo 'yung sinabi niyang inaya siya ni Titus. Wala naman akong problema kung makikipag-bonding siya sa kaibigan niya. Pero. . . ang weird naman na silang dalawa lang! Or baka nababaliw lang talaga ako ngayon.

Oo, lahat na lang ginagawan ko ng meaning. Charing. Basta, weird siya para sa akin! Iba ang kutob ko. . . kapag ang kutob ko na ang nagsasabi, may ibang mangyayari panigurado. Hmm. . . Ewan ko putangina, lasing na ba talaga ako? May tama na ata ako.

Lumayo ako kay Caiden nang dalawang hakbang habang sinasamaan pa rin siya ng tingin.

"Ipagpapalit mo ako kay Titus?" Sabi ko kaya malakas siyang natawa.

"Love, I'd choose you over anyone else," sabi ni Caiden.

Inirapan ko lang siya. Nagpara ako ng taxi 'saka mabilis na sumakay ro'n. Nilingon ko si Caiden 'pagkasakay ko. Hindi siya humabol o gumalaw sa kinatatayuan niya. Hinayaan niya lang na makaalis ang taxi.

Napasimangot ako at napabuntonghininga. Hindi na ako mahal ni Caiden. Hindi na totoo ang pag-ibig. Magpapalit na ako ng itim na profile picture. Oras na para itigil ang kulay ng mundo. Titigil na ang oras. Papalitan ko na ang bio ko na walang forever.

Tumunog ang phone ko. Nag-chat si Caiden. Malungkot na ako. . . hinayaan niya akong umalis. Akala ko susunod siya. Nag-overthink tuloy ako bigla.

Dahan-dahan kong ini-slide pababa ang notification center para makita ko ang message ni Caiden. Pero hindi ko siya re-reply-an. Nagtatampo na ako. Ang sama ng loob ko. Akala ko hahabol siya. . . pero hindi man lang siya gumalaw.

my lovelove pogi:

love, why did you leave me?

Pinatay ko ang phone ko. 'Saka binalingan na lang ang labas. Hindi ko 'yan bati si Caiden. Hindi niya ako hinabol. . . ang bigat tuloy bigla. Hindi ko tuloy alam kung nag-iinarte ako o kung anuman. Nago-overthink na ako. Anong nangyayari? Bakit hindi siya humabol?

Kahit anong hagilap ko ng paghinga, mabigat pa rin.

Hanggang sa ibinaba na ako sa tapat ng university, mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Madilim na ang paligid at ang iilang poste na lang ang nagbibigay liwanag sa ibang parte ng university.

Bumuntonghininga ako bago naglakad papasok. Tuwid lang ang mga mata ko't lumilipad ang isip.

Hindi ko alam kung biro ba 'yon or inaasar lang ako ni Caiden. Hindi ko alam. Hindi ko nga rin alam kung bakit sila magsisine ni Titus bukas. Ewan ko. Wala lang naman 'yon sa akin kanina at inaasar ko lang si Caiden, kaso ngayon iniisip ko na nang maigi.

May problema ba? Dapat ba mas kinumusta ko si Caiden? Ano kayang iniisip niya? Nawawalan na ba siya ng amor sa akin? Baka may nagawa ako. . .

Dahil ba hindi ko siya sinamahan sa convenience store? Bakit ba. . . anong nangyayari? Dapat ba hindi ko siya iniwanan? Dapat ba hindi ako nagpanggap na masungit? Akala ko kasi talaga hahabol siya kaya nagkusa akong nagpara ng taxi para kunwaring iiwanan ko siya.

Did I go too far? Mali ba 'yung joke ko? Dapat ba hindi ko na siya inasar? Ayaw ba ni Caiden 'yung gano'ng klase ng joke?

Hindi ko napansin na namuo na ang luha sa mga mata ko nang nagsimulang lumabo ang paningin ko. Napalunok ako't pinahid 'yon. Natatanaw ko na ang building ng dorm namin.

Kinuha ko ang phone ko't sinindi 'yon. Bumungad sa akin ang maraming missed calls ni Caiden. May text na rin siya at tadtad na chat sa messenger. May chat na rin si Leroy sa akin, baka nagsabi na si Caiden sa kaniya.

cute bb ni caiden:

caiden, are you mad?

my lovelove pogi:

no. where are you? kababa ko lang ng univ. nasan ka? answer me.

cute bb ni caiden:

malapit sa tapat ng building natin. caiden, sorry. baka hindi mo nagustuhan yung joke ko. bukas na lang tayo mag usap. umiikot na rin bigla yung ulo ko dahil sa nainom ko. sorry po.

my lovelove pogi:

love, wait for me. please. i'm worried about you. wait for me there. tatakbo na ako.

Ibinalik ko na sa bulsa ang phone ko't nagmamadaling naglakad papunta sa building. Tinakbo ko na rin ang pag-akyat sa hagdanan hanggang sa dorm ko. Mabilis kong isinarado ang pinto. Wala si Mishael kaya binati ako ng katahimikan at kadiliman.

Wala na ako sa wisyo. May tama na nga ako. Hindi ako puwede humarap kay Caiden nang ganito ako. Bukas ko na lang siya kauusapin. Baka wala rin akong masabing matino at hindi ko siya maintindihan nang mabuti.

Naghahalo-halo pa 'tong nararamdaman ko. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. This isn't the best time to talk to him. Nagsabi naman na ako sa kaniya na bukas na lang. Sana maintindihan niya.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Alas-nuebe pasado na ako nagising kinabukasan kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at kumilos agad ako dahil alas-diez ang pasok ko. Ni hindi ko na rin nagawang mag-check ng messages, basta bumangon na ako agad at naligo.

Ramdam ko ang pagkahilo dahil sa ininom ko kagabi. Pero mawawala rin 'to kapag kumain na ako-which is magagawa ko pa mamayang lunch.

'Pagkarating ko sa room, nando'n na si Leroy. Nakakunot ang noo niya sa akin. Mabuti at wala pa rin namang professor.

"Hinahanap ka sa akin ni Caiden kagabi. Pati kaninang umaga. Hindi ka rin nagre-reply sa amin. Anong nangyari? May problema ba kayo?" Sabi ni Leroy.

Umiling ako. "Sorry, nag-inom kasi kami ng mga ka-work ko, 'di ba? So, nasobrahan 'yung tulog ko. Tungkol naman kay Caiden, ako na ang bahala ro'n. May hindi lang siguro kami napag-usapan nang maayos. Ewan, may tama na rin kasi ako kagabi," sabi ko.

Umirap si Leroy. "Hay nako. Hiwalayan mo na 'yan si Caiden kung pinago-overthink ka, ah? Hindi 'yan tama!" OA na sabi ni Leroy kaya napangiwi ako.

"Ang aga mo namang maging OA, beh?" Sabi ko.

"Totoo naman! Mas mabuting maghanap ka na lang ng ibang lalaki na mas iisipin 'yung nararamdaman mo kaysa 'yung ganiyan!" Ganap na ganap na sabi ni Leroy kaya nangunot ang noo ko.

"Ano bang sinasabi mo, Ler? Para kang tanga. Hindi kami maghihiwalay ni Caiden. Nago-overthink lang ako kagabi dahil mismo rin sa kagagawan ko. Mamaya mag-uusap kami," sabi ko.

"Tss! Hay nako. Kailan kayo mag-uusap? 'Wag na kayo mag-usap, Zern. Kung ako sa 'yo hinihiwalayan mo na 'yan. Hanap ka na lang iba, beh. Hindi 'yan maganda sa relasyon, palagi kang pinago-overthink," OA ulit na sabi ni Leroy.

Mas lalo akong napangiwi. "Gago ka ba? Kung ano-anong sinasabi mo, Leroy. Masakit ulo ko at hindi pa ako kumakain. Nakakairita ka," sabi ko.

"Sinasabi ko lang, Zern. Para humupa 'yang inis mo at 'yang ino-overthink mo, bakit hindi na lang tayo mag-mall nila Ashton? Tayo na lang ang mag-bonding, beh. Mas mahalaga kami kaysa kay Caiden. Subukan mong humindi, FO na!" Sabi ni Leroy at idinuro pa ako bilang pagbabanta.

"Ewan ko sa 'yo, Leroy. Siraulo ka na. Sinapian ka ba? Iba 'yung tama mo today. Ang aga mo humithit, teh," sabi ko at nag-iwas ng tingin.

"Hoy! Sumama ka na sa amin ni Ashton mamaya, ah! Kapag hindi ka sumama, magtatampo kami ni Ashton," nagbubugnot na sabi ni Leroy.

Muli ko siyang nilingon habang nakangiwi pa rin. "May pasok ako sa work, sira. Mga 1 p.m. so paano ako sasama?" Masungit kong sabi.

"Ipagpapaalam kita kay Jopay. Wala ka bang tiwala sa akin, Zern? Parang hindi mo naman ako kilala. . ." sabi ni Leroy at ngumiti.

Inirapan ko lang siya. Naiirita ako kay Leroy. Sobrang hyper. Kulang na lang alugin niya ako sa sobrang harot niya. Nahihilo pa man din ako baka masapok ko 'to.

Nananahimik ako buong klase at busy lang din ako mag-notes kung may kailangan i-notes. Hindi naman na ako ginulo ni Leroy hanggang sa matapos ang klase.

Pero sinimulan niya ako ulit daldalin 'pagkalabas namin ng room. Nando'n na rin si Ashton at hinihintay kami. Nag-tandem sila sa pag-aaya sa akin pero puro si Leroy lang ang nagpaplano kung anong gagawin mamaya sa mall.

"Bakit ba ngayon ninyo naisipan mag-mall?" Naiirita kong sabi habang naglalakad kami palabas ng building.

"Kasi. . . deserve natin 'to, Zern. Kailangan natin mag-mall para mas ma-energize tayo sa pag-aaral natin. Magugulat ka na lang finals na. Oh, October na ngayon, sa November finals na!" Sabi ni Leroy.

"Paano mo naman ako ipagpapaalam kay Jopay?" Sabi ko.

"Kaming bahala ro'n ni Ashton," sabi ni Leroy at nag-thumbs up pa.

Nginiwian ko siya. "Ang hyper mo, Leroy. Naiirita ako sa 'yo," sabi ko.

Bumuntonghininga ako nang humalakhak lang si Leroy at hindi ako sinagot. Lumipat naman sa tabi ko si Ashton 'saka ako inakbayan. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya kaya nginitian niya ako.

"Gutom ka na?" Malambing na sabi ni Ashton.

Tumango ako. "Oo, may kaonting hilo rin akong nafe-feel. Ang ingay pa nito ni Leroy. Sobrang hyper. . ." Sabi ko.

Mahinang tumawa si Ashton. "Sige na, kain na muna tayo para hindi ka na ma-bad mood," sabi ni Ashton.

Napanguso ako't bahagyang na-comfort sa sinabi ni Ashton. Kailangan ko na nga talagang kumain. Hindi ako magfa-function nang maayos.

Dumeretso na lang kami sa cafeteria dahil 'yon ang suggestion ni Leroy. Marami rin namang masarap dito, kaso mas trip lang talaga naming kumain sa labas.

Pinaghanap na ako ng mauupuan ni Ashton 'pagkatapos kong mamili ng ulam, sila na raw ni Leroy ang bibili.

Hindi naman gaano matao rito sa cafeteria na 'to kaya hindi ako nahirapan maghanap ng mauupuan. Kinuha ko na lang din muna ang phone ko habang hinihintay silang dalawa.

Napabuntonghininga ako't kinuha ang phone ko. Bumigat agad ang dibdib ko nang nakita ko ang messages ni Caiden na naka-unsent. Ang natitira na lang ay 'yung nakita kong chat niya kagabi na hintayin ko siya. The rest lahat naka-unsent.

cute bb ni caiden:

love... :( sorry, galit ka ba? usap na tayo please. if may work ka, after ng work mo. sorry hindi ako nakapagreply sayo kagabi kasi natulog na ko agad. tuloy ba kayo ni titus? nasan ka po?

Hinintay kong mag-seen si Caiden dahil nag-deliver naman 'yon agad. Ilang minuto lang ang lumipas ay nag-reply na siya.

my lovelove pogi:

Hindi ako papasok. Nagsabi ako sa boss ko. Kasama ko na si Titus. Nasa biyahe na kami.

cute bb ni caiden:

galit ka po? :( sorry love. after niyo po diyan, chat mo ako. Wait mo po ako matapos sa work ko. Gusto rin akong ayain ni Leroy mag mall, ipagpapaalam ako nila :( usap po tayo later please?

my lovelove pogi:

Okay. Ingat kayo. Maya na. Ayaw ko mag-phone.

cute bb ni caiden:

sorry love. sige, ingat po kayo. update mo po ako, ha?

Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko nang hindi na 'yon nag-deliver. Habang tinititigan ko pa ang huli niyang chat, parang hinahalukay 'yung tiyan ko na hindi maintindihan.

Hindi ko alam kung hahayaan kong mamuo ang luha sa mga mata ko o kung anuman. Hindi ko alam kung anong nangyayari. . . sana pala kinausap ko na lang siya kagabi kahit magulo 'yung utak ko. Although, hindi na rin ako makapag-isip nang maayos kagabi. . . kaya hindi ko na rin alam ang pinakagagawin ko.

Paano 'to. . .? Hindi naman magsisimulang manlamig si Caiden sa akin, 'di ba?

Don't forget to vote for this chapter!! Thank you :)

Continue Reading

You'll Also Like

33.4K 1.7K 76
ONLINE LOVE DUOLOGY #1 An Epistolary (Chat Fiction) Landiang nabuo't nagsimula online, mauuwi kaya sa totohanan?
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
360K 5.4K 23
Dice and Madisson
Cruel Summer By j

Teen Fiction

4.7K 173 32
When carefree Nicolas Florentino surprises his best friend with his early departure to Australia, he expects Saint Rodriguez to hate him for two mont...