In A Secret Relationship?

Sha_sha0808 द्वारा

109K 9.2K 2.5K

HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking... अधिक

Prologue
Chapter 1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43

30

2.8K 220 82
Sha_sha0808 द्वारा



-----------KAITLYN'S POV--------

"Saan ka sa sem-break?" tanong niya habang nanonood kami ng balita.

"Hindi ko pa alam."

"Japan tayo," yaya niya.

"Hindi ko pa alam. Isa pa, walang budget."

"Di ko naman sinabi na gagastos ka. Syempre libre ko," sabi nito.

"Wala ka bang lakad kasama ang barkada mo?"

"Yayain ba kita kapag mayroon?"

"Syempre baka yayain ka nila."

"Nauna na kitang niyaya kaya syempre hindi na pwede," sagot niya saka ipinatong ang mga paa sa binti ko.

"Bawal ako. Hindi ako papayagan ni Tatay kapag ikaw ang kasama ko," sagot ko.

"Ipaalam kita."

"Malamang mas lalong hindi niya ako payagan," sabi ko sabay tulak ng mga paa niya. "Ang bigat!"

"Sus, parang dantay lang eh," anito.

"Ayoko! Ang bigat kaya ng paa mo."

"Sige na, Kaitlyn. Japan tayo."

"Hindi nga pwede."

"Eh di sa Nueva Ecija na lang. Maganda sa amin, promise."

"Hindi nga ako papayagan kapag ikaw ang kasama ko!"

"Ipapaalam nga kita nang maayos."

"Paulit-ulit, Orange?"

"Basta. Ako ang bahala," sabi nito.

"Tagal pa nun!" sabi ko.

"Looking forward," sabi nito saka naupo pero muling nahiga sa hita ko.

"Orange, hindi ako unan!" reklamo ko sabay tulak ng ulo niya pero nagmamatigas siya.

"Gusto kong matulog," sabi nito sabay pikit ng mga mata.

"Sa kwarto ka matulog. Maraming unan doon!"

Pero hindi na siya nagsalita pa kaya hinayaan ko na lang na mahiga siya at nag-concentrate sa balita. Napailing ako nang marinig ang paghilik niya. Naging centro pa rin siya ng topic sa school at hanggang ngayon, palaisipan ng lahat kung sino ang asawa nito dahil talagang kinasuhan niya ang vlogger.

Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog.

"Oh?" pagsagot ko kay Rose Ann.

"Gurl, nasa baba ako. May dinaanan lang ako malapit sa condo mo kaya daanan na kita."

"What? Bakit?"

"Paakyat na ako sa elevator," sabi nito.

"W—What?" natarantang sabi ko saka pinutol ang tawag. "Orange! Orange!" pukaw ko.

"Oh?" tanong niya na halatang naalimpungatan. "Nandito si Rose Ann! Tago ka!"

"Bakit?"

"Anong bakit? Dali na! Punta ka na sa unit mo! Sarado mo ang wall!" sabi ko sabay tulak sa kanya.

"Pota! Natutulog ang tao eh! Pauwiin mo na lang kaya siya," sabi nito.

Napatingin ako sa pintuan nang marinig ang doorbell.

"Orange! Isa!" galit na pagbilang ko kaya tumayo siya at parang pagong na naglakad patawid sa unit niya. "Pauwiin mo siya nang maaga."

"Oo na! Sarado mo na!" pagtataboy ko kaya dahan-dahang sumarado ang wall.

Pumunta ako sa pintuan at sinilip ang tao sa labas. Huminga muna ako nang malalim at nilingon ang wall para masigurado kung hindi na nakikita.

"Hi!" nakangiting bati ni Rose Ann nang pagbuksan ko saka nakipagbeso-beso.

"Hindi ka nagpasabi," sabi ko. "Pasok ka."

"Biglaan lang. Pwedeng maki-CR? Kanina pa ako natatae," paalam nito sabay takbo sa CR.

Tumakbo ako sa kwarto at inayos ang gamit. Isa-isa kong initsa sa loob ng cabinet ang mga damit ni Orange na dinala niya para tiklupin dahil baka pumasok si Rose Ann.

"Kait—"

"Ay, bilat!" tili ko sa gulat nang pumasok siya.

"Oh? Ba't ganyan ang mukha mo?" natatawang tanong niya. "Sorry na kung nagulat kita."

"Nanggugulat ka lang," sabi ko.

"Oh? Ba't may jersey ka?" tanong nito at napasulyap sa jersey tshirt na nasa paanan ng kama. "Number eight?"

"Ay, kay Elias 'yan," sabi ko sabay dampot ng tshirt. Buti at nakatiklop sa upper part kaya natakpan ang Villafuerte na naka-print.

"Madalas bang nandito si Elias?" tanong nito.

"Minsan dito siya natulog dahil pinagalitan siya ng dad niya kaya ako na ang naglaba ng damit niya," sagot ko saka inilagay sa cabinet ang damit.

"Sana all may pinsan na ka-close tapos rich at pogi pa," sabi nito. "Sila na ba ni Faith?"

"Hindi ko alam."

"Madalas naman silang magkasama pero hindi pa nagkaaminan eh, obvious naman."

"Baka. Ewan ko sa kanya," sabi ko.

"Oh siya, uuwi na ako," paalam nito. "NaC-CR lang talaga ako kaya dumaan ako. Tingin ko di na ako aabot ng condo ko eh."

"Sige, ingat ka," bilin ko at hinatid siya sa pintuan.

"Saviour talaga kita ngayon," nakangiting sabi niya. "Eh? Glass pala ang wall mo? Hindi ko napansin ah."

"Oo, g—glass siya," kinakabahang sagot ko.

"Hmm? Wala bang tao sa kabila?"

"Malay ko."

"Nako, ingat ka. Baka nakikita ka sa kabila," sabi nito saka naglakad pabalik.

"Anong gagawin mo?" tanong ko at humarang sa kanya.

"Wait lang, check ko kung nakikita ka sa kabila. Baka mamaya may nambubuso na sa 'yo."

"Wala ah," tanggi ko. Hala, baka malaman niya.

"Check ko."

Nilagpasan niya. Hindi ko na maisip ang sasabihin ko.

Nasa tapat na siya ng wall glass at sinisipat. Paano kung maaninag niya ang sa kabilang unit?

"Sure ka ba na hindi ka nakikita sa kabila?"

"S—Si Daddy ang nagpalagay niyan kaya sure ako," pagsinungaling ko.

"Oh, I see," sabi niya. "Mukhanhmg wala naman. Basta wag kang maghubad dito ha. Delikado na." Tumunog ang cellphone niya kaya sinagot niya. "Oh, sige na po. Baba na. Wait, five minutes. Bye."

Nang matapos makipag-usap, hinarap niya ako.

"Nasa baba na ang dad ko. Sige na, ingat ka palagi." Dali-dali na siyang lumabas kaya nakahinga ako nang maluwag. Ini-lock ko ang pinto at naghanda ng hapunan sa mesa na naluto na ni Orange.

Nang matapos, tinawagan ko siya pero nasa tabi lang pala ng rice cooker ang cellphone niya kaya kinuha ko.

"Baby dragon?" bulalas ko nang makita ang tumatawag sa kanya. Pinatay ko ang tawag saka tinawagan siya ulit dahil baka hindi naman ako pero nag-ring ulit ang cellphone niya nang tawagan ko at baby dragon nga ang nakalagay.

"Naiwan ko pala ang cellphone ko," sabi niya na nasa likuran ko kaya inis na hinarap ko siya. "At bakit baby dragon ang pangalan ko, ha?"

"Ah..." aniya sabay hablot ng cellphone na hawak ko. "Wala lang. Di ba ayaw mong malaman nila na ikaw ang asawa ko?  Kaya iyon ang ipinangalan ko."

"Orange! Palitan mo 'yan!"

"Kaitlyn? Okay."

"Iba!"

"Kung hindi Kaitlyn, hindi ko 'to papalitan!" giit niya.

"Bahala ka sa buhay mo!" inis na sabi ko at naupo. "Kumain ka na!"

"Thanks," aniya at nginitian ako.

"Bakit ba pakalat-kalat ang jersey mo sa sahig?"

"Nahulog ata," sagot nito. "Bakit?"

"Nakita ni Rose Ann."

"Eh di inamin mo na—"

"Ang sabi ko kay Elias 'yun."

"Okay," sabi niya at nilagyan ng ulam ang plato ko. "Kain ka nang marami para medyo tumaba ka."

"Mataba na ako."

Nang matapos kaming kumain, siya na ang nagligpit ng pinagkainan. Nanood muna ako ng teleserye habang gumagawa ng assignments.

"Orange?" tawag ko nang matulog na ako pero wala siya kaya pumasok ako sa kwarto matapos patayin ang TV. Nakahiga na siya sa kama kaya napailing ako. Nang matapos ang ritwal bago matulog, tumabi ako sa kanya. "Ano ba? Magdala ka nga ng sarili mong kumot?" inis na sabi ko sabay hila ng kumot dahil sinosolo na niya.

"Kaitlyn," sabi niya sabay yakap sa akin.

"Hindi ako makahinga! Umusod ka—" napatigil ako sa pagtulak nang mahawakan ang kamay niya. "Hey, ang init mo ah."

"Pakipatay naman ng aircon, please," pakiusap niya.

"Hindi pa nakabukas ang aircon," sabi ko sabay kapa sa leeg at noo niya. "Adik ka! May lagnat ka ah."

"Hayaan mo na, mawala rin naman 'yan."

Inalis ko ang kamay niya saka tumayo. Napabaluktot na siya kaya kinuha ko ang thermometer saka inilagay sa kilikili niya.

"Thirty eight point nine. Uy, may lagnat ka. Uminom ka na ba ng gamot?" tanong ko.

"Hayaan mo na."

"Anong hayaan?" tanong ko at kinuha ang medicine kit saka kumuha ng Paracetamol 500mg.  "Uy, inumin mo 'to!" sabi ko.

"Ayoko."

"Wag kang tumabi sa akin kung hindi mo iinumin!" pagbabanta ko. "Open your mouth!"

Parang batang binuksan niya ang bibig matapos maupo kaya pinainom ko na ng gamot.

"Oh, tubig pa."

Muli siyang nahiga sa kama at ipinikit ang mga mata. Kinapa ko siya, ang init talaga kaya kumuha ako ng face towel saka binasa at pinunasan siya.

"Kaitlyn," usal niya pero nakapikit. "Payakap. N—Nilalamig ako."

Kinumutan ko siya at nahiga sa tabi niya saka sinubukang matulog pero panay naman ang gising ko para i-check siya at palitan ang face towel. Bumaba na ang lagnat niya sa 37.6°C kaya nakatulog na ako.

Naalimpungatan ako nang tumunog ang cellphone ko kaya nakapikit na kinapa ko at sinagot ang tawag.

"Hello?" antok na sagot ko.

"Sino ka?" tanong ng boses babae.

"Ikaw ang tumawag eh. Sino ka ba?" tanong ko at sinubukang tingnan ang pangalan. Steffi! Agad kong pinutol ang tawag. Ang lakas ng kaba ng dibdib ko lalo na't tumawag ulit pero pinatay ko na naman. Cellphone pala ni Orange ang nasagot ko. Niyakap ako ni Orange saka isiniksik ang mukha sa balikat ko kaya ibinalik ko na ang cellphone niya sa bedside table. Psh! Alas tres ng madaling araw, tumawag? Ano na naman kaya ang kailangan niya? Di pa rin siya tumitigil kaya ginising ko na si Orange.

"Uy! Tumatawag si Steffi mo!" sabi ko sabay tulak sa kanya at ibinigay ang cellphone. "Sagutin mo."

"Inaantok—"

"Sagutin mo sabi!" pikong sabi ko sabay hampas sa dibdib niya kaya napatingin siya sa cellphone na hawak ko. "Sagutin mo!"

Inis na hinablot niya ang cellphone at sinagot ang tawag.

"Don't ever call me again! I'm fucking my wife!"

Napatingin ako sa kanya. Tinapon niya ang cellphone sa gilid niya saka niyakap ako.

"Pinagsasabi mo sa kanya?"

"Damn, Kaitlyn! Let me sleep. I'm so tired."

"Baka mahalaga—"

"Walang mas mahalaga at mas emergency ngayon kung hindi lang naman tungkol sa 'yo kaya please, matulog na tayo," pakiusap niya kaya pasimpleng kinapa ko ang leeg niya. Wala na siyang lagnat kaya sinubukan kong bumalik sa pagtulog.













*******ORANGE POV*******











Sana lagi na lang akong may sakit para alagaan niya ako.

"Morning," bati ko nang bumangon siya. "Breakfast is ready."

"Nakausap mo na si Steffi?"

"Wala akong paki. Bakit ba siya ang bungad mo?" tanong ko.

"Tumawag siya. Alas tres ng madalig araw! Imagine alas tres!" lumalaki ang butas ng ilong niya habang nagsasalita kaya gusto kong matawa. "Natutuwa ka, Orange?"

"Wala ah. Ligo ka na tapos kain na tayo, okay?"

Inirapan niya ako saka tinalikuran. Nang marinig ko ang shower, pumasok ako para sabayan siya.

"Bakit nandito ka?" bulyaw niya. "Labas!"

"Sabayan lang kita."

"May lagnat ka pa eh. Bawal kang maligo."

"Sus, sige na, sabay na tayo."

"Labas sabi!" sigaw niya sabay tulak sa akin kaya nadulas ako at napaupo.

"Ouch!" daing ko nang tumama ang kanang braso ko sa gilid ng bathtub.

"Hindi k—ko sinasadya," natarantang sabi niya sabay tulong sa akin sa pagpatayo. "Masakit ba?"

"Sobra," sagot ko. Nagkapasa tuloy ang braso ko. Mula nang magkita kami nito muli, sakit sa katawan lang ang napala ko.

"Wala akong kasalanan ha."

"Oo na," sabi ko. "Maligo ka na."

Pasimpleng tinitigan ko ang kabuuan niya. Eh? Ito ang katawang kahit yata pagod ako, tatayuan pa rin ako.

"Hey! Lumabas ka na!" aniya sabay takip ng kahubaran nang mapansing nakatingin ako sa kanya.

"Psh! Nakita ko na po 'yan," ani ko at lumabas saka sa unit ko nag-halfbath.

Nauna na akong umalis sa kanya para pumunta kay Tito Ace.

"Bakit nandito ka?" tanong nito na nagkakape sa pavilion.

"Morning, tatay," bati ko.

"Ano ang masamang hangin na nagdala sa 'yo rito?"

"Ipaalam ko lang ho si Kaitlyn for summer vacation sa Nueva Ecija," paalam ko.

"Hindi pwede."

"Asawa ko naman ho siya."

"Asawa mo pero alam mo ang limit sa inyo!"

"Hindi ko po alam ang limit namin kasi we did a lot of things naman na po," magalang na sagot ko. For me, wala na talaga maliban sa pag-amin sa publiko.

"Gusto mo bang sirain ang araw ko?" galit na tanong niya. Umuusok na naman ang ilong niya at salubong ang kilay.

"Tatay—"

"Utang na loob, Orange! Umalis ka sa harapan ko!"

"Payag na ho ba kayo?"

"No!"

"I'll bring her po. Ako naman po ang first guardian na niya so ako na rin ho ang magde-decide."

"Bakit tinanong mo pa ako?"

"Pinapaalam ko lang ho para malaman mo," magalang na sagot ko.

"Ikaw—" hindi na niya natuloy ang sasabihin nang lumapit si Tita Kate.

"Hello, Nanay. Good morning po," bati ko at humalik sa pisngi niya.

"Napano ang braso mo?" tanong ni Tita Kate.

"Nanay, sinaktan ho ako ni Kaitlyn," sumbong ko kaya nagulat sila. "Tinulak niya ako kaya nagkapasa ako."

"What?" hindi makapaniwalang tanong ni Tita kaya tumango ako.

"Sinasaktan mo naman siguro—"

"I didn't," tanggi ko. "Never ko talaga sinaktan si Kaitlyn. I swear. Iyon ang hinding-hindi ko gagawin sa anak mo po. Eversince, ako na po talaga ang sinasaktan at sinisigawan niya. Kita nyo naman ho ang ebidensya, tatay oh." sumbong ko kaya kung may patalim lang ang titig niya, baka nakailang saksak na ito sa katawan ko.

"Umalis ka sa harapan ko!" pagtataboy ni Tito habang nakahawak sa ulo. "Utang na loob!"

"Sige po. Basta nakapaalam na ho ako, tatay." magalang na paalam ko at umalis na. Of course, wala silang choice kundi pumayag sa gusto ko. Alam naman nila na si Kaitlyn ang may pananagutan sa akin e.






Flashback...





"Ulitin mo ang sinabi mo!" galit na sabi ni Tito Ace kaya napaatras ako.

"I'm serious po. We did it," sagot ko kahit na gusto ko nang umuwi sa Nueva Ecija at magtago sa saya ng nanay ko.

"Liar!"

"I'm not!" sagot ko. "We really did it."

"Paano 'yan?" sabat ni Lolo Sky. Oo, bitbit ko ang tatlo kong lolo dahil baka mapatay niya ako. "May pananagutan na ang anak mo sa apo namin."

"Paanong anak ko ang may pananagutan? Eh, babae ang anak ko!"

"Tito Ace," ani ko para lakasan ang loob. "She took my virginity kaya dapat lang na panindigan ako ni Kaitlyn."

"Virginity?" hindi makapaniwalang tanong nito na para bang ako na ang pinakasinungaling sa mundo.

"Y—Yes po," nahihiyang pag-amin ko. "I was virgin. She was my first kaya dapat na panagutan talaga niya ako."

"Are you fucking serious?" bulalas ni Tito Ace. "At ano ang tingin mo sa anak ko? Ilang lalaki na ang—"

"She was virgin naman ho," dali-daling sabat ko. Ayaw ko namang masira si Kaitlyn. "Kaya dapat lang na—"

"Ano ang gusto mong mangyari?" gigil na tanong ni Tito Ace. "Mayaman na kayo pero kung kailangan ninyo ng pera—"

"Hindi ho pera ang habol ko," sagot ko. "Panagutan lang ako ng anak mo, okay na ho sa akin. I really valued my virginity pero—"

"Virgin din ang anak ko!" giit niya.

"Kaya nga ho kung pwede, magpakasal na lang kami," suhestiyon ko na lalong ikinagalit niya.

"Lalaki ka! Ano ang value ng virginity mo?"

"Hindi porket lalaki ang apo ko, wala nang karapatang makamit ang hustisya!" sabat ni Lolo Sky.

"Let's promote the gender equality," sabat ni Lolo Black. "Just because he is a man, doesn't mean na hindi na okay lang na pagsamantalahan siya ng babae."

"What the heck! Hindi ba't ako ang dapat na magreklamo dahil agrabyado ang anak ko?"

"Si Kaitlyn ho ang mas matino ang pag-iisip sa amin. I was out of control dahil sa alcohol kaya siya ang mas may control sa sitwasyon," sabi ko.

"My daughter is inosent at 'wag mong baliktarin ang sitwasyon!" depensa niya.

"Kung hindi ka papayag, ipapakalat namin ang video nilang dalawa," pagbabanta ni Lolo Sky na ikinagulat ko.

"W—What video?"

"Hotel CCTV," sabi ni Lolo Sky sabay pakita ng CCTV sa hallway kung saan naghahalikan kami ni Kaitlyn hanggang sa pumasok sa hotel room kaya putlang-putla si Tito Ace.

"Can I talk to Orange?" mahinang pakiusap niya kaya napatingin ako sa tatlong lolo ko.

"Labas lang kami," sabi ni Lolo Blue at dinala na sina Lolo Sky at Black sa labas.

"Bakit ho— aw!"

Sunod-sunod na suntok ang natanggap ko. Ni hindi na ako makakilos dahil sa bilis ng pangyayari.  Pinagmumura ako ni Tito Ace pero ang tanging nagawa ko na lang ay takpan at depensahan ang mukha ko hanggang sa mapagod siya.

"Hayop ka! Inalaagan kong maayos ang anak ko tapos babuyin mo lang siya!" sumbat nito.

"K—Kaya papakasalan ko ho ang a—anak ninyo sa ayaw at sa gusto mo," sagot ko sabay daing sa sakit. Tumayo ako pero lumayo na sa kanya.

"Tingin mo papakasalan ka ng anak ko?"

"Of c—course," sagot ko. "At hindi ko ibon na kinukulong si Kaitlyn. Give her freedom."

"Kinukulong?"

"L—Let her free ho. S—Sana bigyan mo siya ng pagkakataong mamuhay ng normal kagaya ng iba. H—Hindi 'yung kahit saan siya pumunta, may bodyguards."

"Anong pakialam mo?"

"She w—will be my wife po kahit na ayaw ninyo," sagot ko. "

"Hindi ako papayag!"

"Then, let's see kung ano ang masasabi ng publiko kapag lumabas ang video namin."

"Wala ka talagang galang!"

"I'm sorry po but as what I have said, hindi ko po basta-basta na tinatapon ang virginity ko," seryosong sabi ko at paika-ikang lumabas kaya nagulat ang tatlo nang makita ang sitwasyon ko.

"Dalhin natin siya sa hospital!" sabi ni Lolo Sky.

"K—Kaya ko pa ho," sabi ko habang nakahawak sa sikmura.

"Malaking gulo 'to kapag malamang si Ace ang bumugbog sa 'yo," sabi ni Lolo Blue.

"Sa Westbridge ninyo siya dalhin," sabi ni Lolo Black.

"Bakit sa Westbridge?" tanong ni Lolo Sky.

"Basta," ani Lolo Black at tinawagan si Kuya Green Maroon at iba ko pang pinsan para sumalubong sa akin. Kung bakit sa Westbridge ako dinala, hindi ko rin alam dahil sobrang sakit na talaga ng aking katawan! Mamamatay na yata ako. No! Kakawala pa lang ng virginity ko.








-------------End of Flashback--------













पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

46.3K 3.9K 30
Sa buhay ng iba maaring ako ang maldita pero sa buhay ko, ako ang bida! Palaban akong tao at ayaw kong matulad kay Cinderella na inaapi muna bago mag...
191M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
3M 145K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
191K 7K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...