Jersey Number Nine

By xelebi

296K 16.1K 12.1K

It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter... More

Jersey Number Nine
00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27

11

10.2K 579 355
By xelebi

• 🏐 •

"Sebby boy, sama ka?"

Mula sa binabasa kong reviewer ay nilipat ko ang tingin kay Uno na bagong ligo, Sunday ng hapon iyon. Naabutan ko siyang pinupunasan iyong buhok niya at hindi pa nagsusuot ng damit pang-itaas.

"Saan?"

"Nag-aaya sina Kuya Nolan. Kain daw. Tapos coffee shop pagkatapos."

"Ah..." tumango-tango ako saka binalik ang tingin sa reviewer kong kanina ko pa binabasa.

Sa totoo lang, wala na akong maintindihan. Paulit-ulit ko na siyang binabasa pero hindi yata nare-retain sa utak ko. Kapag pinasadahan ko naman ulit ng basa, familiar naman na sa 'kin iyong mga concepts kaya tinatamad na akong basahin ulit.

Pero hindi naman pwedeng ang isagot ko sa exam ay hala, familiar 'to sa 'kin.

Baka ang makuha kong score ay iyong letter kung saan nagsisimula iyong salitang familiar.

Sa letrang F! Fatay ako kay nanay kapag bagsak ako.

Minor subject lang naman 'to pero masungit kasi iyong professor namin. Ang hilig pa magpa-exam. Ang balita ko pa ay mahilig din daw mambagsak. Wala raw sinasanto. Wala raw iyong pakialam kung student-athlete ka pa o ikaw ang pinaka-pride ng school n'yo.

Pero hindi ko naman sinasabing por que volleyball player ako ng Northville ay automatic na akong papasa. Kailangan ko rin paghirapan iyon. Scholar pa rin naman kami. Walang binabayarang tuition.

Pero kailangan ko talagang pumasa kasi kapag bagsak ako, hindi ako mala-lineup sa darating na in-season.

Ngumuso ako. Totoo pala talaga iyong sinasabi nila na ang papatay sa 'yo sa college ay iyong minor subjects n'yo at hindi iyong major. Idagdag ko lang din na mas napapagod pa ako sa minors namin kaysa trainings. Ang problema pa, since BS Math ang degree ko na ang involved ay puro numbers, mahina ako pagdating sa concepts at mga readings.

"Ano? Sama ka na! Sunday naman! Mamaya ka na mag-review pag-uwi," si Uno.

Pinaningkitan ko siya. "Bad influence ka talaga. May exam ako bukas."

"Stock knowledge lang iyan," humalakhak siya.

Ngumuso ako. Iyon nga ang problema. Walang naka-stock na knowledge sa utak ko. Nakikinig naman ako at nagbabasa pero kapag hindi talaga involve ang numbers, mabagal ang takbo ng utak ko.

Bigyan n'yo na lang ako ng equations at iso-solve na problems.

"Ano na, Seb? Sumama ka na. Minsan lang naman 'to," si Uno na nakapagbihis na ng itim na t-shirt.

"Sinusulit ko kasi na walang pasok at training ngayon..."

"Kanina ka pa nagre-review, 'di ba? Easy na lang sa 'yo iyan bukas. Tara na," aniya sabay hila sa 'kin patayo.

Wala na akong nagawa lalo na no'ng iabot niya sa 'kin iyong hoodie niya. Bagong laba naman daw iyon kaya tinanggap ko na kahit may hoodie rin naman ako. Isa pa, since mukhang gagabihin kami, mas gusto kong medyo malaki ang suot kong hoodie para komportable.

"Kapag ako bumagsak bukas, pahingi ako ng score sa mga exams mo ha?" Sabi ko kay Uno no'ng makalabas na kami ng kwarto. Buti na lang din ay nakaligo na ako kanina kaya hindi nakakahiyang lumabas ngayon.

"Kaunti na nga lang scores ko, babawasan mo pa."

"Lagot ka kay Kuya Harold kapag bumagsak ka ngayong semester."

Tumawa si Uno. "Baka nga matuwa pa iyon na wala ako sa team, e. Baka siya pa unang mag-celebrate kapag may bagsak akong subject."

Napailing na lang ako. "Kasama ba natin siya ngayon?"

"Hindi yata," umirap siya. "At kung kasama siya, hindi na lang ako sasama. Sinabi ko iyon kina Kuya Nolan. Mawawalan lang ako ng gana kapag nakita ko iyong mukha niya."

"Ayaw mo talaga kay Kuya Harold, 'no?"

"Sino ba may gusto ro'n? Ikaw ba, Sebby, gusto mo siya?"

Napakurap ako. "Uhm..."

"See? Hindi ka makasagot!"

"Mabait naman siya nitong mga nakaraan..."

"Umamin ka nga, Seb. Magkano binayad sa 'yo ni Harold para sabihin mo na mabait siya?"

Napalakas ang boses ni Uno kaya sinenyasan ko siyang manahimik na pero tinawanan niya lang ako. Kulit talaga ng isang 'to. Mabuti sana kung nakaalis na kami ng compound ng dorm. Baka mamaya, marinig pa siya ni Kuya Harold.

Isa pa, mas gugustuhin ko naman si Kuya Harold na makasama sa iisang lugar kaysa kay... Coach Greg.

Hindi ko alam kung tama ba itong nararamdaman ko sa assistant coach namin pero hindi talaga ako komportable sa kaniya. Lalo na sa mga tingin niya na pakiramdam ko ay may ibang kahulugan.

Siya lang kasi ang tumitingin sa 'kin nang gano'n. Iyong para bang... hindi ko maipaliwanag. Basta, hindi talaga ako komportable.

Gaya na lang kahapon no'ng training namin. Mula nang pumasok ako sa gym, sa akin na ang tingin niya. Ako na lang din ang naiilang. Tapos madalas pa niya akong lapitan kaya ang ginagawa ko ay pasimple akong tumatabi at humahalo sa iba kong teammates para lang hindi kami mag-usap na kaming dalawa lang.

At kapag nararamdaman kong hahawakan niya ako ay pasimple lang din akong umiiwas. Kunwari ay makikipagtawanan ako kina Uno. Kunwari ay magpupulot ako ng bola. O 'di kaya ay tatakbo ako paikot sa court at mag-i-stretching.

At sa tuwing gagawin ko iyon ay pasimple ko ring titignan ang reaksyon niya tapos mapapaiwas ako ng tingin kapag maaabutan siyang parang iritable.

Tapos ang sama pa ng tingin niya kay Kuya Nico kapag sa opposite hitter namin ako lalapit.

Actually, dalawa pala sila ni Kuya Harold na masama ang tingin sa 'min ni Kuya Nico. Kaya ang ginagawa ko ay pasimple na lang din akong lumalayo sa ace spiker namin at tumatabi na lang sa iba.

Hindi ko na nga alam ang gagawin minsan.

At aaminin ko, naaapektuhan na iyong galaw ko lalo na kapag nasa court na.

Para kasing bawat kilos ko, may nakamasid.

Nagkakatinginan din naman kami ng iba pero hindi naman ako kinakabahan pwera na lang talaga kay Coach Greg. Si Kuya Harold kasi, wala na iyong kunot sa noo niya kapag hindi kami magkatabi ni Kuya Nico.

At speaking of Kuya Nico, isa rin naman siya sa mga nahuhuli kong nakatingin sa 'kin pero siya yata ang kinakabahan sa 'ming dalawa.

Namumula siya kada magtatama ang mga mata namin.

At hindi ko talaga maintindihan kung bakit.

Malamig naman sa gym... naiinitan ba siya? Mukhang kailangan ko na yata siyang bilhan talaga ng sarili niyang mini fan.

Pero naisip ko na lang din, ayos na rin iyon kaysa namumutla siya. Ayoko rin naman na maging kulay blue siya kasi magiging kamukha niya si Sadness ng movie na Inside Out.

"Tayo lang? Nasaan iyong iba?" Tanong ni Uno pagkababa nina Kuya Nolan, Kuya Pat, Kuya Oliver, at Marky sa lobby.

"KJ no'ng iba, e," sagot ni Kuya Nolan.

"Nice, mukhang bagong ligo ka, Uno, a? Marunong ka pala no'n?" Umpisa ni Marky sa palagi niyang kaasaran.

"Gago, itutulad mo pa ako sa 'yo na makakita lang ng sabon, umiiyak na?" Syempre hindi papatalo si Uno.

Napailing na lang ako no'ng magbangayan na sila.

"Pat, niyaya mo si Harold?" Tanong ni Kuya Oliver.

"Kailan ba sumama si Harold sa mga ganito? Alam mo naman ang isang iyon. KJ na nga, ubod pa nang GC. Puro aral lang kapag walang training."

"GC?" Hindi ko na napigilang itanong.

"Grade conscious, Seb," si Kuya Oliver sabay gulo sa buhok ko.

Tumango-tango ako. Iyon pala meaning no'n. Akala ko, group chat.

"E, si Nico, Oli?" Si Kuya Nolan.

"Umalis iyon kanina, e. May bibilhin daw sa mall-" si Kuya Oliver na biglang natigilan saka may tinuro sa entrance nitong dorm. "O, nandito na pala si Nico, e."

Napalingon kaming lahat at bago pa humarang sa harap ko ang matangkad na si Kuya Pat ay nakita ko si Kuya Nico na may dalang paper bag. Mukhang galing nga sa mall.

"Aalis kayo?" Rinig kong tanong niya.

"Boss Nico, sama ka?" Si Uno na ang nagtanong.

"Saan?"

"Kakain kami. Magka-kape na rin," si Kuya Oliver.

"Hindi na. Kayo na lang," sagot niya. "Ingat kayo. 'Wag kayong papagabi. May curfew tayo."

Ay... hindi siya sasama?

"Yes, boss!" Si Uno ulit.

Sumilip na ako mula sa likuran ni Kuya Pat at doon lang kami nagkatinginan ni Kuya Nico. Nakita kong umawang ang labi niya at bahagyang namula ang mga tenga niya. Mukhang nagulat pa yata siya na nando'n pala ako.

Tumikhim siya. "Sasama na pala ako."

Natawa si Kuya Nolan. "Bilis magbago ng isip, a?"

"Lagay ko lang 'to sa kwarto," wala sa sariling sabi niya sabay taas sa pinamili niya.

Nagkatinginan ulit kami saka siya pumanhik. Hindi rin naman siya nagtagal. Bumaba rin agad siya at nakasuot na rin ng itim na hoodie gaya ng suot ko.

Maliit akong ngumiti sa kaniyang nang tumabi siya sa 'kin. Ngumiti rin siya pero nando'n pa rin iyong pamumula. Hindi ko na lang pinansin kasi mas na-excite ako sa thought na first time ko siyang makakasama sa ganito na hindi ako nag-aalala na baka badtrip siya at napipilitan lang sumama sa 'min.

"Saan tayo?" Tanong ni Kuya Nolan no'ng nakalabas na kami sa compound ng dorm.

Nauunang maglakad sina Kuya Oliver at Kuya Pat. Kasunod nila si Kuya Nolan, Uno, at Marky. Habang magkasabay naman kami ni Kuya Nico sa likuran.

"Sa masarap!" Si Uno na tawang-tawa.

"Gago. Hindi nga? Saan tayo? Ano bang gusto n'yo?"

"Tangina, ngayon pa lang pala kayo magde-decide kung saan tayo kakain?"

"Basta iyong sa malapit lang. Iyon hindi na tayo sasakay pa ng jeep."

"Ngek? E, 'di sana hindi na tayo lumabas kung sa malapit lang. Nagluto na lang tayo ng pancit canton sa dorm."

"Oo nga, 'no? Tapos may soft-boiled egg."

Nagkakagulo sila ro'n habang tahimik lang akong nakikinig kung saan nila balak kumain. Wala namang problema sa 'kin kahit saan. Papakaladkad na lang ako sa kanila.

Tahimik din si Kuya Nico sa tabi ko. Iyon nga lang, ilang beses ko siyang nahuhuli na nakakunot ang noo habang tumitingin sa... hala, tinitignan niya ba iyong katawan ko?

"Bakit?" Tanong ko, hindi na napigilan no'ng mahuli ko na naman siyang nakatingin doon.

Inangat niya iyong tingin niya sa mga mata ko. "Is that your hoodie?"

Ah, sa hoodie pala na suot ko ang tingin niya. Akala ko naman, sa katawan ko na. Medyo kinabahan ako ro'n.

Umiling ako. "Kay Uno 'to. Pinahiram niya."

"Why?" Mas lalong nagsalubong iyong mga kilay niya.

Napakurap ako. "Anong... why?"

"Bakit?"

"Uhm, tinagalog mo lang iyong why."

"What?"

"Huh?"

Hala, hindi na yata kami nagkakaintindihan.

"Ibig mo bang sabihin, bakit ko suot itong hoodie ni Uno?" Tanong ko. Ako na ang nagbalik sa topic namin.

Tumikhim siya. "Yes. Bakit mo suot ang hoodie niya?"

"Uh, hindi ko rin alam. Inabot niya lang sa 'kin 'to kanina, e. Pero sinuot ko na lang kasi mas komportable."

Pero parang hindi niya yata nagustuhan iyong sagot ko.

"Mas komportable?"

"Uhm, oo. Mas malaki kasi 'to kaysa sa mga hoodie ko."

"Naghihiraman kayo ng damit?"

"Hoodie lang naman ang pinapahiram niya," sagot ko agad kasi baka isipin niya na pati briefs ni Uno ay hinihiram ko. "Hindi na kasali iyong ibang damit. 'Tsaka minsan lang din naman. Pero ako lang iyong humihiram kasi, uh, medyo maliit sa kaniya iyong mga hoodie ko."

Pero hindi yata talaga convinced si Kuya Nico. Nakakunot pa rin ang noo niya at parang galit pa nga yata. Hala, siya yata iyong tipo na hindi nanghihiram ng hoodie. Siguro para sa kaniya, unhygienic iyon. Nahiya tuloy ako bigla.

"Guys, ano, sa unli-wings na lang ba tayo?"

Napatingin ako kay Kuya Nolan na nakaharap sa 'min habang naglalakad paatras. Mukha nakapag-decide na sila kung saan kami kakain. Alam kong sinabi kong ayos lang sa 'kin kahit saan pero ayoko nga pala sa unli-wings.

Hindi na kasi ako kumakain ng manok simula nang dumating sa buhay ko si Bok.

Ang pangit naman kasi tignan kung kumakain ako ng kalahi niya, 'di ba? Hindi ko ginalang si Bok no'n.

Nagkatinginan kami ni Uno. Awkward akong ngumiti sa kaniya at mukhang nakuha niya agad ang gusto kong sabihin.

"Ekis sa unli-wings," sabi niya kina Kuya Nolan. "Hindi kumakain ng manok si Sebby boy."

Napatingin silang lahat sa 'kin. "Ay, oo nga pala! May anak na manok si Seb," sabi ni Kuya Nolan. "Ano nga ulit pangalan no'n?"

"Si Bok po," nahihiyang sabi ko. Ano ba iyan, mukhang ang tagal pa naman bago sila nakapag-decide kung saan kami kakain. "Pasensya na po."

"Okay lang iyon, Seb," si Kuya Oliver.

"Let's just eat somewhere else," sabi naman ni Kuya Nico na nakasimangot na.

Nagkatinginan kami at nahuli ko na naman siyang namumula ang mukha.

Bandang huli ay nauwi kami sa Korean barbecue kahit kagagaling lang doon nina Kuya Oliver no'ng nakaraan. At dahil nahihiya ako na hindi sila nakakain ng chicken wings ay nag-offer ako na libre ko na. Iyon nga lang, hindi pumayag si Kuya Nico. Sagot na raw niya iyong bill. Pero syempre, hindi naman ako basta papayag.

"Ako na ang magbabayad," sabi ko sa kaniya no'ng sumabay siya sa 'kin sa banyo. "Nakakahiya sa kanila kasi mukhang gustong-gusto talaga nila mag-chicken wings, e."

Nagkatinginan kami sa salamin. Nagpupunas na ako ng kamay gamit ang tissue pero siya ay naghuhugas pa. Hindi agad siya nagsalita kaya hindi ko na dinagdagan iyong sinabi ko. Actually, kanina pa nga rin siya tahimik habang kumakain kami.

Badtrip yata.

Hindi ko nga lang alam kung saan pero hindi kasi talaga ako papayag na siya ang magbayad.

"Don't worry about it, Seb. Ako na."

Napaayos ako ng tayo. "Hindi. Ako na-"

"Sebastian," seryoso niyang tawag sa 'kin.

Natigilan ako. "B-Bakit?"

Hindi agad siya sumagot. Pinanood ko siyang matapos sa paghuhugas ng kamay hanggang sa humarap siya sa 'kin.

"Marami akong hoodie," sabi niya and as if on cue, naging kamatis ulit ang mukha niya.

Kumunot naman ang noo ko at napakurap. Ano... raw? Hoodie? Iniisip pa rin niya iyong sa hoodie? Hala, iyon pa rin ang nasa isip niya?

"Malalaki rin iyong hoodie ko," dagdag niya na nag-iiwas na ng tingin.

"H-Huh?"

"Komportable rin sila suotin."

"Uhm-"

"Iyong akin na lang ang hiramin mo, Seb."

Continue Reading

You'll Also Like

347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
17.4K 670 74
a n e p i s t o l a r y Facebook user Asher wants a friend, and Carter loves to befriend everyone. A simple hey, and the signal was sent. An online...
184K 3.2K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
170K 5.6K 32
Mauv, a gay nerd-overthinker writer who is good at romanticizing his life through his books and novels, but finds himself hopeless in finding real ro...