Uggo

By cultrue

3.5K 224 10

Notice: This story has explicit adult scenes (18+). ••• Mahirap nga talaga ang maging mahirap. Sa panahon nga... More

Uggo
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38

Chapter 05

78 5 1
By cultrue

"Naipasa mo na ba ang project mo?"

Ito ang unang bumungad sa akin pagbukas ko ng pinto ng apartment ko. Kakarating ko lang galing eskwelahan at pagdating ko sa apartment ay si Ully na agad ang sumalubong sa akin.

Napahawak ako sa bag na nasa harap ng dibdib ko nakasabit. Umuulan at takot akong baka mabasa ang mga notebook ko sa loob ng bag, may libro din akong dala dahil may homework akong kailangan trabahoin.

"Nakakagulat ka naman." At yun ang sagot ko nang makita ko siya.

Tumabi siya at niluwagan ang pagbukas sa pinto para makadaan ako papasok.

"Sorry." he mumbled.

My shoes made a rattle noise as I made a beeline through the kitchenette. Nagsalin ako ng tubig sa may pitsel sa baso saka uminom na hindi ko pa binababa ang bag ko.

Hinugasan ko ang baso bago ako umupo sa silya saka tinanggal ang bag ko.

"Bakit nandito ka na naman? Hindi ka ba nag-aaral? Parang palagi ka nalang nandito." reklamo ko sa mahinang boses.

Nakapamewang siya nang umupo sa silya. "Ayaw mo bang nandito ako?" tugon niya.

"Hindi naman sa ayaw kitang nandito—"

"Yun naman pala eh, so pupunta ako dito hanggang kailan ko gusto." sabi niya at pasalpak na umupo sa kama ko, tinukod pa ang dalawang kamay rito at nakataas ang kilay na tumingin sa akin.

Kinuha ko lang ang lunch box ko na inilagay sa loob ng bag at saka nilagay sa ibabaw ng lamesa, kailan ko yung hugasan para hindi bumaho ang amoy.

"Aalis ka ulit papunta sa bar? Diba may exam ka na next week? You should set a goal to pass your exam not to earn more money in the middle of your examination week. You can go back to work tomorrow if you want to but it's Friday, you should take some rest for a while and maybe get ready for your coming exam." he literally suggested it but I stayed quiet for a moment before spewing an answer.

"Wala naman talaga akong balak na pumasok ngayon, kinausap ko na si kuya Tin na baka hindi ako pumasok ngayon pero hindi ko pa kinumpirma sa kanya na papasok nga ako sa bar ngayon."

"Well now is the right time for you to confirm to that Tin guy that you're not gonna make it to work today because you're getting ready for your upcoming exam. Bukas pumasok ka pero sa Sunday, baka gusto mong huwag nalang din munang pumasok kasi diba kinabukasan na ang exam mo."

Nagtaas ako ng tingin sa kanya na may stoic look na nakatakip sa mukha ko. He only shrugged his shoulders and looked away.

"I'm merely suggesting that instead of going out for work on that day, maybe you should use that time to study. You know you said it to yourself that you're not as smart as me so you've too work your damn ass to get pass on your exams. Hindi man malaki ang points sa exams dahil palagi kang bumabawi sa projects at iba pang activities sa school pero importante pa'rin na makapasa ka sa exam. Diba ang liit nga ng scores mo sa quizzes mo sa quarter na'to, so you have to pass your exam."

Naalala ko na bumaba ang scores ko sa quizzes ko dahil hindi ako nakakapag-aral ng maayos tuwing gabi kasi wala akong spare time para makapagstudy ng maayos dahil nasa bar ako palagi at kumakayod para may kitain.

It didn't mean Ully bought something for me in my apartment I had to live like a retired woman with a pension knocking on my door every month. It didn't work there, so that's why I had to work for myself, to fend myself because no one would have to. Si Ully ay hindi siya permanente sa buhay ko, balang araw ay hindi niya rin ako masusuportahan.

Kahit pa man pinipilit na ipapasok ni Ully sa akin na hindi niya ako iiwan at tutulungan niya ako palagi ay kumikirot ang puso ko dahil sa kanya dahil sa katigasan ng ulo niya. Paano kapag magkaroon siya ng sariling pamilya balang araw at makahanap ng babaeng selosa at hindi marunong umitindi, paano na ako?

Kaya habang kaya ko pa ay gagawin ko ang lahat para ma-iprovide ko ang pangangaiangan ko. Lahat ng gusto ko.

Tinext ko si kuya Tin na hindi ako papasok muna sa bar dahil may exam ako at kailangan ko talagang bumawi. Yung homework ko ay tinapos ko agad nang gabing yun dahil sa lunes ay ichecheck ng teacher ko yun pero yung yung mismong exam ng teacher ko na yun ay sa Wednesday pa kaya nagpa-homework siya sa amin.

Alas dyes na ako nakatapos sa pag-aaral. Kahit pagod ako galing sa eskwelahan ay hindi ako makatulog, parang nawala ang antok ko pagkatapos kong magbasa.

Binuksan ko lang muna ang bintana para papasukin ang malamig na hangin. Umupo ako sa silya at nagmunimuni.

Umuwi na si Ully bago pa man maghapunan, sa bahay na nila siya magdidinner dahil may klase pa siya. Inabot ko ang cellphone ko na nasa lamesa lang at tinignan ang oras.

"Ten-thirteen." I muttered. "May klase pa ba kaya siya ngayon?"

It's too quiet tonight. The empty street outside had filled with serenity, it's obviously quiet because people were probably resting or sleeping in their own apartments. It's eerily euphoric.

Dinantay ko ang aking mukha sa may frame ng bintana habang ginagawang unan ang braso ko, nakatingin din ako sa labas. Ang sarap mamuhay ng payapa lalo na kung walang problema na iniisip. Kung hindi lang ako namomroblema sa pera ay mas maayos sana ang buhay ko. Siguro kung anak mayaman lang ako kagaya ni Ully ay okay sana.

Sa sobrang bored ko ay hindi ko na natiis pang itext si Ully.

Henriette:
Gising ka pa ba?

Nasend ang text ko sa kanyang numero saka kinuyom lang ang cellphone ko habang tahimik na nakatanaw sa labas. Humangin at pumasok lalo ang mababang temperatura sa kwarto ko. Sumasayaw ang puno at malakas ang hagaspak ng mga dahon ng mga puno na nasa kalsada.

It's creepy to be outside but in my case, there's no time to be afraid of. I was willing to risk anything just to live. Mayroon lang akong spray ng pabango bilang depensa ko, hindi ko naman afford yung fountain pen na may kuryente o ano pa diyan kaya yung pabango nalang ang binili ko. Hindi ko alam kung effective siya pero ayos na yun kaysa wala.

Umayos ako ng upo hanggang sa tumunog ang cellphone ko mula sa nakakuyom kong kamay.

Ullyseus:
About to sleep, why? Matter?

Henriette:
Wala naman. Sige tulog ka na.

Hindi ko na sana siya irereply pero curious ako sa sagot niya.

Ullyseus:
Gusto mo bang pumunta ako ngayon diyan?

Napangiwi ako sa reply niya.

Henriette:
Di na. Tulog ka na. Sorry sa istorbo. Matutulog na'rin ako.

Hindi ko maibaba ang cellphone ko lalo na nang sunod-sunod na reply ang pinadala niya.

Ullyseus:
Talaga bang hindi mo ako kailangan diyan?

Ullyseus:
Just text me and I'll be there.

Napangiwi ako sa reply niya. Nagsisi ako na tinext ko siya edi sana hindi niya ako kinukulit.

Henriette:
Okay na ako. Matutulog na ko kaya huwag mo na akong istorbohin.

I put down my cellphone on the table then I closed the window depriving the cold wind to get inside. Nagsuot ako ng makapal na jacket bago pinatay ang ilaw sa apartment ko at bago pa ako tuluyang makatulog ay nakita ko pang umilaw ang cellphone ko. Hindi ko na inabala pa ang sarili ko na replayan siya dahil alam ko na hindi yun titigil hanggang hindi siya nakakakuha ng sagot na gusto niya.

Pinapabayaan ko ang cellphone ko na tumunog sa ibabaw ng lamesa hanggang sa nakatulugan ko nalang yun.

Pagdating ko sa bar kinabukasan ay hindi maganda ang pakiramdam ko. Umaga palang kasi ay nag-aral na ako para hindi ko may maisagot naman ako sa exam ko. Ngayong gabi lang ako papasok at bukas ay hindi ako papasok sa trabaho dahil may exam na kinabukasan.

"Mayroon pa ba sa storage?" Narinig kong tanong ni kuya Tin sa isang bartender din na ibinaba ang isang case ng beer.

"Wala na pre, mamaya ay dadating na yung inorder ni boss." sagot nito, magkaibigan kasi sila at yung boss namin ay isang hands-on at naging kaibigan din nila kuya Tin.

"Oo sige. Pero teka lang pupunta ako sa opisina niya para mag-order pa ng maraming case ng tequila kasi mauubusan tayo." Mahina akong tinapik ni kuya Tin kaya napalingon ako sa kanya. "Ikaw lang muna ang bahala dito, Hens, punta lang ako sa opisina ni boss." pagpaalam niya.

Tumango ako habang nagpupunas ng baso. "Okay po." sabi ko sa kanya at binaba ko na ang tingin ko sa pinupunasang baso.

Hindi pa ayos ang bar para buksan pa. Isa pa ay hindi pa naman oras para buksan yun.

Pagbaba ko sa isang baso ay may humarap sa akin sa counter. Isang waitress yung humarap sa akin na may makapal ang make-up. At hindi siya yung tipo na gusto akong kaibiganin.

Yung makapal na mapulang labi niya ay hindi maitago ang ngiwi. Hindi ko alam kung bakit ako ang kinaiinisan niya samantalang ang dami namang kakompetensya niya sa bar. Isa lamang akong assistant bartender ni kuya Tin dahil ayokong magtrabaho dahil ayokong mabastos pero yung kagaya niya ay ayaw sa'kin.

"Mas maganda talaga kapag nagiging waitress dito dahil kapag nagkakaroon pa ng customer na maraming pera... malaki ang tip. Hindi kagaya diyan sa pagbabartender mo."

Hindi ako nag-angat ng tingin sa kanya dahil nakakainis lang na makita ang pagmumukha niya.

"Maayos na ako dito sa pagbabartender ko. Saka baka kapag maging waitress ako ay mayroon ka namang kakompetensya sa mga customer na gusto ka, kaya huwag mo akong bigyan ng ideya na maging kagaya mo... dahil malalaos ka."

Nagtaas ako ng kilay habang nakayuko lang ako. I didn't have to look up to her because I already knew her reactions.

Napangisi nalang ako nang maramdaman na umalis siya sa harap ko. Sakto naman at bumalik agad si kuya Tin.

Ilang saglit lang nang matapos kaming lahat na maglinis at ayusin ang bar ay nagbukas na ito. Nagbihis na'rin ako ng damit na uniporme namin.

Nagsimulang bumulaga ang malakas na musika mula sa second floor at hanggang sa first floor. We're all busy and I tried my best to keep up with kuya Tin kasi maraming customers na ang nasa loob. Marami ding parokyano ang pumasok.

Hanggang alas dyes ay para akong robot kung kumilos hanggang sa mapagod ako. Sumakit ang ulo ko dahil nakakahilo na. I was just trying to get going because I needed to work everything out and get more tips.

"Ayos ka lang? Namumutla ka ah." Napansin ni kuya Tin ang lagay ko.

"Masakit po ang ulo ko." amin ko.

"Oh sige, ako na ang bahala kay boss. Nandito naman si Jermaine kaya mayroon akong kasama. Pahinga ka na at baka mahimatay ka pa dito."

Tumango agad ako pero nagsisi ako dahil parang naalog ang utak ko kaya mas lalo akong nahilo.

I muttered a simple thank you before I went inside to the locker room but before that, I stopped by in front of the fridge in the kitchen to get a bottle of water.

Uminom muna ako sa loob ng locker room. Inayos ko ang bag ko at ipinasok ko nalang ang damit ko at hindi na ako nagbihis pa dahil lalabhan ko naman ang uniporme ko.

Siguro ay sumakit lang ang ulo ko dahil sa kakastudy pero kailangan ko rin yun dahil hindi ako matalino kagaya ni Ully at kapag bumagsak ako ay parang bumagsak din ang mundo ko. Ilang buwan nalang ang hihintayin ko para makapag-graduate.

Nang makapagpahinga ako ng maayos ay sinukbit ko ang isang strap ng bag sa balikat at saka ipinasok sa isang bulsa ng bag ang bottled water. Paglabas ko ay napahinga ako ng malalim dahil sa lamig ng hangin.

Kinuha ko ang bisekleta ko at dinala papunta sa may kalsada. Ang lakas pa'rin ng musika mula sa loob ng bar. Kung hindi lang sumasakit ang ulo ko ay baka nagpaabot ako hanggang sa magsara ang bar tutal wala namang pasok bukas dahil Linggo pero hindi kaya ng katawan ko.

Pasakay na ako ng bisekleta ko nang may kumalabit sa'kin. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko kilala ang lalaking kumalabit sa'kin.

"Hi miss, nagkita na naman tayo. Nakita kita sa loob, galing mo pang humalo ng inumin. Yun talaga ang tipo kung babae, magaling sa paghalo ng alak."

I almost puke at the disgusting smell of alcohol from his mouth. Lasing siya at sa palagay ko ay parang narinig ko na ang pamilyar na boses niya, hindi ko lang marecall kung kailan yun.

"Sorry sir pero pauwi na po ako. At kayo rin dapat ay kailangan ng umuwi dahil lasing na po kayo."

Nakita ko siyang umiling saka hinawakan ang siko ko kaya ginalaw ko ang braso ko para matanggal ang hawak niya kaya lang ay mas lalong humigpit kaya nagreak agad ako.

"Sir pakitanggal po ng kamay niyo. Kung hindi ay tatawag po ako ng bouncer at ipapa-ban kayo dito sa bar na'to."

Ngumisi lang siya na parang nagbibiro lang ako. "Ihahatid lang naman kita. Noong isang gabi kasi ay hindi kita naihatid dahil may siraulong lalaki ang kumuha sayo. Pero ngayon.. tayo nalang. Ihahatid lang kita sa inyo o di kaya..."

Umiwas ako ng ilapit niya ang mukha niya sa'kin.

"Kung gusto mo ay sa paraiso kita dadalhin."

"Excuse me lang mister pero wala po akong balak na sumama sayo!" May pwersa ang pagpumiglas ko kaya natumba ako kasabay pa ng pagtama ng ulo ko sa may poste.

Tumawa ng parang demonyo ang lalaki dahil sa pagkatumba ko. Payuko na sana siya para hilahin ang kamay ko nang may tumulak sa kanya kaya ay natumba siya at napaupo sa kalsada.

Narinig ko ang pagmura ng estranghero na yun. Hindi ko lang masyadong napansin ang lasing na yun dahil naramdaman ko ang paghawak ng isang pamilyar na lalaki sa braso ko para tulungan akong makatayo.

"Ully?" bulong ko nang mapansin na siya pala ang tumulong sa'kin.

"You should've called me." Naiinis niyang sabi, sasagot na sana ako nang malakas akong napasigaw nang suntukin siya ng lasing.

"Oh my gosh Ully!" singhap ko.

"Punyeta! Ikaw na naman?! Panira ka talaga sa diskarte ko!"

Aambang susuntukin ulit siya ng lasing nang masalo ni Ully ang kamao ng lasing saka mabilis na tinambagan ng suntok sa panga ang lasing.

"You son of a bitch! Girlfriend ko ang pinupuntirya ko! Girlfriend ko!" sigaw din ni Ully at tinadyakan ito sa tiyan.

Parang tumigil sa pag-ikot ang mundo dahil sa narinig ko mula sa bibig ni Ullyseus. Siguro naman ay hindi niya sinasadyang sabihin yun pero narinig ko ang malakas na pagtibok ang puso ko.

Bago pa makalapit si Ully sa'kin ay umikot bigla ang paningin ko. Saktong sinalo niya ako nang makita niya akong bumagsak sa semento. Tinawag niya ako pero pinikit ko ang mga mata ko dahil sa sobrang hilo. At bago pa ako lamunin ng kadiliman ay yung salitang girlfriend ang umukit sa isip ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 34.2K 52
R-18|Mature Content Alliciana Acosta ran away from home. She was sick from everything including her parents. Her father was pushing her for a pragmat...
676K 13.2K 23
Krizza Mae Cloropio's life was perfectly fine even she'd to struggle hard for her loved one. But one day, she accidentally bumped with the well-known...
675K 14.5K 47
MATURE CONTENT! DON'T READ IF I WERE YOU BECAUSE FOR THE FIRST PLACE I.DID.NOT.FORCE you to read this! He just smirked widely before he leaned close...
30.4K 1.3K 40
Warning: SPG/R-18 (Slight lang) KOLEHIYALA 3 And she just found herself married to the black sheep of the Montecillo's, Kendrick.