In A Secret Relationship?

By Sha_sha0808

110K 9.3K 2.5K

HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking... More

Prologue
Chapter 1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44

28

2.9K 223 95
By Sha_sha0808





Unedited...



****Kaitlyn's POV*******






Late na akong umuwi dahil gumawa pa kami ng assignment sa library kasama sina Burhan.

Hindi na rin ako tumanggap ng bulaklak dahil bawal na nga. Isa pa, hindi ko na kailangan ng spray dahil pagbukas ko pa lang ng pinto, mahalimuyak na ang mga rosas at orchids.

"Nandito ka na pala, kanina pa kita hinihintay," sabi ni Orange na kakalabas lang sa kusina. "Kain na tayo."

"Ano ba ang pinagsasabi mo kanina sa reporters?" inis na tanong ko.

"Ah, yun ba? Sinagot ko lang ang tanong nila," sagot nito kaya gigil na nilapitan ko siya. "Bakit? Mali ba ang—"

Pak!

Sa sobrang galit, hindi na ako nakatiis at nasampal ko siya.

"Ikaw, nagdedesisyon ka na lang basta-basta nang hindi ako kinakausap!" sabi ko. "Ganyan ka ba ka makasarili, Orange, ha?"

"Galit ka?"

"Walang rason kung bakit hindi ako magalit!" singhal ko. As in high blood na yata ako. Kanina ko pa siya gustong sampalin pagkatapos nyang magpa-interview.

"Okay. Sampalin mo pa ako," sabi nito sabay lapit ng mukha sa akin. "Sa kabila pa."

Napataas ang kanang kilay ko at napatitig sa kanya. Hindi ko alam kung galit ba siya o nagbibiro? Hinawakan niya ang kanang kamay ko.

"Sige na, sampalin mo pa ako, Kaitlyn."

Hinila ko ang kamay ko at bahagyang lumayo sa kanya.

"Anong drama 'to, Orange?" nagtatakang tanong ko. "Lasing ka?" naamoy ko ang alak sa kanya.

"Nakainom lang," sagot nito. "Dali na, sampalin mo pa ako. If it satisfies you, go."

"Ugh! Ano ba ang problema mo?" Inis na tanong ko. Galit pa rin ako sa kanya dahil sa pag-amin niya na totoo ang marriage contract. Paano na kapag kalkalin nila ang totoo? For sure hahanapin nila ang tunay nitong asawa lalo na't itinanggi nito si Steffi.

"Ikaw!" agad na sagot niya. "Kasi hindi nila alam na baby dragon ang pinakasalan ko."

"Ulitin mo ang sinabi mo!" galit na sabi ko pero ngumisi ang loko habang namumungay na ang mga mata sa kalasingan.

"Baby dragon," ulit niya sabay pisil sa magkabilang pisngi ko. "Pero ang cute naman ng baby dragon ko kapag hindi pa bumubuga ng apoy."

"Tigilan mo 'ko!" saway ko sabay tabig ng kamay niya. "Matulog ka na!"

"Kumain muna tayo," yaya niya. "Nagluto ako ng masarap na kare-kare." Hinila niya ako patungo sa dining room kaya napilitan akong sumama. Nilagyan niya ng pagkain ang plato ko. "Kain ka nang marami."

Dahil gutom na nga ako, hindi na ako tumanggi pa. Ito ang maganda sa kanya, palaging nagluluto  at masarap pa itong magluto kaya hindi talaga ako nagugutom.

"Orange, kailangan nating mahanap yung nag-leak ng marriage certificate natin," sabi ko. Hindi lang ako makahingi ng tulong lalo na sa parents ko dahil malalaman nila na ako ang asawa ni Orange dahil hindi naman ako interesado sa buhay ng iba kaya magduda sila.

"Why?" tanong nito.

"Anong why? You promised me na hahanapin natin siya dahil mapapatay ko siya!" sabi ko. "Kung hindi dahil sa pakikialam niya, tahimik sana ang buhay natin ngayon!"

"Alam mo, baby dragon, tinatamad na akong mag-isip pa dahil—" Napatigil siya sa pagsalita nang mapatingin sa akin. "Bubuga ka ng apoy?"

"Shutup!" singhal ko na pigil na pigil na ihagis ang plato sa kanya.

"Eh di shut up na," sabi nito at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Bakit ka ba uminom? Alam mong mababa ang alcohol tolerance mo!" sabi ko.

"Gusto ko lang uminom," sabi nito at ngumiti saka hinawakan ang kamay kong nakapatong sa ibabaw ng mesa. "Wag ka nang magalit. Sinabi ko naman na masaya ako sa kasal natin eh."

"Ikaw lang!"

"Masaya ka naman a. Hindi ka ba masaya sa akin?" tanong niya saka pinisil ang kamay ko. "I'll make you the happiest wife on earth."

"Nevermind!" sabi ko sabay bawi ng kamay. Happiest daw. "Pero pwede naman. Magpa-annul tayo para masaya na tayo."

"Nevermind," sabi niya saka sumeryoso ang mukha. "Hindi mo 'ko maloloko kahit na lasing ako. Walang annulment na magaganap."

"Pero Orange—"

"Hindi ako nagbibiro. Kahit na baby dragon ka, asawa na kita. No! Hindi kita hihiwalayan. Magsama tayo bubuga ka man ng apoy o hindi!"

"Maghugas ka ng plato, maglaba at maglinis ng bahay pagkatapos kumain!" utos ko dahil sa inis. Talagang uutusan ko to nang uutusan hanggang sa sumuko.

"May asawa ka na, may labandero at may cook pa. Aba, tipid na tipid ka na sa buhay tapos gusto mo pang magpa-annul? Masyado ka nang heartless!" sumbat niya pero hindi ko na siya sinagot pa dahil alam kong hindi ito titigil sa kakadaldal kapag patulan ko.








******ORANGE POV*****







"Dude, lahat ay hindi mapakali sa statement na binigay mo kahapon," sabi ni Paul. "Oh, bakit ganyan ang mukha mo?"

"Wag ka nang magtanong," sabi ko dahil hinihilot ko ang pisngi kong sinampal ng dragon kong asawa. Akala ko pa naman hindi ko na maramdaman ang sakit kapag malasing ako, may amats pa rin pala kinabukasan. Battered husband na nga talaga ako.

"Pero pwede mo pang bawiin na kasal ka na. Sabihin mo na lang na joke lang 'yun kahapon," suhestiyon ni Paul.

"Oo nga, dude. Na hindi ka seryoso at hindi mo inaasahan na i-release nila ang interview na iyon," segunda ni Winter.

"Pwede bang wag ninyong sirain ang araw ko?" pakiusap ko. Sirang-sira na talaga.

"Pero bakit ba kasi iyon ang sinabi mo?" tanong ni Paul.

"Wala namang masamang magsabi ng totoo, 'di ba?" tanong ko.

"Dude, mas magulo lang kapag sinabi mong totoo ang fake na marriage contract na iyon."

"Who told you na fake iyon?" seryosong tanong ko at inagaw ang redbull na kakabukas lang niya saka ininom.

"Don't tell me na totoo iyon?" nagdududang tanong ni Paul pero hindi ko siya sinagot. "Wait, totoo iyon? Kasal ka na?"

"Wala ako sa mood makipag-usap," sabi ko.

"Orange, kasal ka na ba talaga? Kanino?"

"Hindi ko kailangan magpaliwanag," sabi ko.

"Pero sabihin mo lang kasi—"

"Nandiyan na ang guro kaya pumunta na kayo sa upuan ninyo," utos ko nang makitang papasok ang proof namin.

"Hey, baka gusto mong magpaliwanag tungkol sa kasal ninyo ni Steffi kung kasal na nga kayo?" tanong ni Paul sabay abot ng cellphone sa akin.

"Ano 'to?" tanong ko na binasa ang caption. Mas lalo akong nagalit dahil sa post ng isang vlogger na may tampuhan daw kami Steffi kaya dineny ko na sa kanya ako kasal.

"Totoo ba 'yan?" tanong ni Winter.

"No!" sagot ko saka binalik kay Paul ang cellphone niya bago ko pa mabasag.

"Alin ba ang totoo?" usisa ni Paul.

"Kung ano ang sinabi ko, iyon ang totoo," sagot ko.

"So, kasal ka na nga?" usisa ni Paul.

"Balik na sa upuan," saway ni Proof nang pumasok kaya walang nagawa ang dalaga kundi ang bumalik sa upuan nila.

Hindi ko alam kung bakit napakabilis naman magpalabas ng mga vlogger ng fake news. Bakit hindi naman sila mag-focus sa pares ni Diwata? Tutal iyon naman ang pinagkakakitaan nila. Iyong mas nauna pang mag-upload kaysa kay Diwata. At least mapagkakitaan pa nila. Pero yung makisawsaw na wala namang alam, sumusobra na sila.

Pagkatapos ng klase, tinawagan ko agad ang abogado ng pamilya. Dapat bigyan ng sample ang mga nagpapakalat ng fake news.






******Kaitlyn's POV*******







I hate him! Kung ano na naman ang nababasa ko tungkol sa kasal. Eh di sila na magtampuhan ni Steffi!

"So totoo pala talaga na kasal na si Orange kay Steffi?" bulong ni Rose Ann.

"Baka. Alam mo naman, medyo matampuhin ang mga Villafuerte di ba? Baka hindi napagbigyan ni Steffi kaya gumanti si Orange," sabi ni Geen. Halos lahat ng vlogger ay iyon ang sinasabi. May gumawa pa nga ng review kuno sa issue nina Steffi at Orange.

"True. Grabe no? Ang bata pa nilang mag-asawa," sabi ni Rose Ann. "Siguro tinamaan talaga si Orange kay Steffi kasi nagpatali agad."

"Nagpatali? O baka nagpakasal na lang para makalimutan ang video scandal nila? Syempre alam mo naman ang mga 'yan, may iniingatang pangalan, ano?"

Ipinagpatuloy ko ang pagkain ng chichirya at hinayaan silang magtsismisan. May thirty minutes pa kasi kaming time bago magsimula ang first period ngayong hapon kaya dito na muna kami tumambay sa ilalim ng punong mangga sa tree park.

"Kung sabagay, uso naman ang annulment. Tingin ko maghiwalay rin silang dalawa," sabi ni Rose Ann.

"Ay, true. Kapag magsawa na si Orange. Tingin ko rin. Maraming babae ang handang bumukaka kay Orange kahit na kasal na siya kaya tingin ko hindi rin sila tatagal," pagsang-ayon ni Geen. Tama siya. Hindi naman talaga tatagal si Orange sa kasal pero hanggang ngayon, ayaw niyang i-process ang annulment. Samantalang sa aming dalawa, siya lang may kakayahan nun dahil kapag ako, mahuhuli ako ni Tatay kapag kumuha ako ng abogado.

"Ikaw, Kaitlyn. Kapag ba pakasalan ka ni Orange, papayag ka?" baleng ni Rose Ann sa akin.

"Bakit ako?" inis na tanong ko.

"Kung sakaling nagmamahalan kayo. For example lang. Sa ganyang edad, magpapakasal ba kayo?"

"Hindi ko alam at wag ako ang kulitin ninyo!" sagot ko.

"Hmm? Suplada naman neto. Killjoy mo, gurl." pikong sabi ni Rose Ann.

"Eh di pikon na kung pikon!" sabi ko at inirapan sila.

"Tatanda kang dalaga talaga sa ugali mong 'yan," sabi ni Geen.

"Sino ang tatandang dalaga?" tanong ni Winter na nasa likuran namin kasama sina Paul at Orange.

"Yang si Kaitlyn. Ayaw pag-usapan ang lovelife. Palibhasa wala siya," sagot ni Geen.

"Hindi siya tatandang dalaga," sabi ni Paul at naupo sa tabi ko. "Dahil handa akong pakasalan siya."

"Ayieee. Sana all papakasalan," tukso ni Rose Ann.

"Bakit ba kasal na ang topic nyo?" tanong ni Winter sabay akbay kay Geen.

"Wala lang," sagot ni Geen.

"Tanong nyo kay Orange," natatawang sabi ni Paul.

"Kasal ka na ba talaga?" usisa ni Geen sabay tingala kay Orange na nakasandal sa puno ng mangga.

"Mukha ba akong nagjo-joke?" patanong na sagot niya.

"Ah, pero kay Steffi ba talaga?" tanong ni Paul.

"Bakit ko naman siya papakasalan?" malamig ang boses na tanong ni Orange.

"Ha? Maliban kay Steffi, may iba pa ba?" tanong ni Winter. "Wait. Don't tell us yung dinala mo sa race sa Pangasinan?"

"Oh shit! Siya ba? Seryoso ka roon?" ani Paul.

"May iba ka pang babae?" tanong ni Rose Ann.

"Ayaw kong pag-usapan," sabi ni Orange.

"Maraming vlogger na nagsasabing kaya mo lang ideneny si Steffi dahil nagkatampuhan kayo," ani Rose Ann. Hindi na nailang a. Feeling close kay Orange. Palibhasa nandito sina Winter at Paul.

"Uy, may reporter na nakapasok," sabi ni Paul sabay nguso sa reporter na palapit sa amin. "Hindi ba mahigpit ang security guard?"

"I let him in," ani Orange at hinarap ang reporter saka nagpa-interview at humingi ng opinion tungkol sa pinapakalat ng mga vlogger.

"Handa akong sampahan ng kaso ang lahat ng nagpapakalat ng fake news," seryosong sabi ni Orange. "Nakausap ko na ang abogado namin at may screenshot na kami ng mga post ng mga vlogger na nagpakalat ng fake news."

"Bakit mo sasampahan talaga sila?" tanong nito.

"For my wife," sagot ni Orange sabay sulyap sa akin kaya tumayo ako.

"Sino ba talaga ang asawa mo?" tanong ng reporter.

"She's not ready na magpakilala but please be kind sa mga salitang binabato ninyo sa kanya. She's innocent and she doesn't deserve to be bashed."

"Alis muna ako," paalam ko at iniwan ang barkada ko sa tree park. Kinakabahan ako sa mga sagot ni Orange. Paano kapag madulas ito o kung biglang umamin nang hindi pa ako handa? Syempre pagkakaguluhan ako ng lahat at ayaw ko ng ganun.

"Oh? Bakit parang lutang ka?" tanong ni Elias na humarang sa daan ko.

"Elias!" masiglang sabi ko at niyakap siya.

"Hey. May problema ba?" tanong niya sabay tapik sa likod ko kaya lumayo ako sa kanya.

"Wala, na-miss lang kita nang sobra," sagot ko. "Tara, libre mo muna ako ng ice cream."

"Wala pa ba ang klase ninyo?"

"May twenty minutes pa," sagot ko.

"Oh, tara na," yaya nito kaya bumili kami ng ice cream pero take out lang.

"Kamusta sina Tito Ace?" tanong nito.

"Okay lang. Ayun, medyo malungkot pa rin ako sa nangyayari sa company pero alam kong makakabangon kami. I'll help him," sagot ko.

"Of course. May tiwala ako. I asked dad pero ayaw naman niyang magbigay ng opinion kaya hindi ko alam ang nangyayari. Masyadong mabilis ang pag-angat ng company nina Steffi."

Dinilaan ko ang ice cream sa cone.

"Syempre suportado ng Villafuerte," sagot ko.

"But I think hindi rin naman," sabi ni Elias kaya napatingala ako sa kanya.

"Anong hindi? Eh sila nga ni Orange, 'di ba?" inis na sabi ko.

"Hindi naman siya ang asawa ni Orange."

"Naniniwala ka sa sinabi ni Orange?" nakataas ang kilay na tanong ko.

"Tinawagan ko ang abogado namin kung pwedeng matingnan niya ang proposal namin pero busy sila ngayon."

"Ha? Bakit?"

"Gina-gather daw nila lahat ng data para magsampa sa vlogger mamaya na nag-release ng fake news na mag-asawa sina Steffi at Orange," sagot nito kaya natigilan ako.

"Seryoso talaga si Orange?" tanong ko.

"Maybe."

"Eh yung sa fake marriage certificate nila? May balita kang magsasampa rin sila?"

"It's not fake," siguradong sabi nito.

"Sure ka?" nakataas ang kanang kilay na tanong ko.

"Walang sinuman ang mag-release ng marriage  certificate ni Orange. Masyadong confidential iyon," sagot nito kaya napatingala ako sa kanya.

"What do you mean? Sino ang nagpakalat nun?"

"No one misses up with Villafuerte. Unless, Villafuerte ka mismo," sabi ni Elias.

"So, isa sa mga Villafuerte ang nagpakalat ng marriage certificate niya?" nagdududang tanong ko. Kung totoo man, sino?  May iba pa bang nakakaalam ng kasal namin?

"Si Orange mismo," siguradong sagot ni Elias kaya napanganga ako.

"S—Sigurado ka?"

"Opinion ko lang iyon pero parang ganun na nga."

"B—But why?"

"I don't know. Hindi ko mabasa ang utak ng mga Villafuerte. Hayaan mo na nga. Bakit ba siya ang topic natin?" natatawang tanong niya saka inakbayan ako. "Ang mahalaga, hindi tayo involved sa magulong issue nila."

Tumango ako. Hindi lang niya alam.














Continue Reading

You'll Also Like

925K 56.6K 93
Hello Duology, Book #1 || Just when I thought I got over from the ghost of the past, another person started haunting me.
127K 5.3K 11
STAND-ALONE SHORT STORY Will you ever love someone that is way out of your league, someone that is ugly, someone that doesn't fit on the high expecta...
46.3K 3.9K 30
Sa buhay ng iba maaring ako ang maldita pero sa buhay ko, ako ang bida! Palaban akong tao at ayaw kong matulad kay Cinderella na inaapi muna bago mag...
191K 7K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...