Jersey Number Eleven

Per xelebi

2.1M 81K 35.7K

It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes. Més

Jersey Number Eleven
00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Epilogue 01
Epilogue 02
Epilogue 03
Epilogue 04
Special Chapter 01
Special Chapter 02
Special Chapter 03
Side Story : C × J (Part 2)

Side Story : C × J (Part 1)

41.3K 1.7K 3K
Per xelebi

Happy 1M reads Jersey Number Eleven! 😭🥳🥂🎊✨️

Thank you so much po! Kai and Roen's story couldn't have done it without you, guys. To celebrate, here's an extra special chapter. Hope you enjoy this one. Again, thank youuu! :)

• 1️⃣3️⃣ •

"Cute ka, Kaizen, pero hindi ikaw ang type ko. No offense meant," sabi ko sa pinakamamahal ng bestfriend kong si Roen 'lover boy' Alejo.

Iba kasi iyong type ko.

Oo, bestfriends kami ni Roen pero magkaiba kami ng taste pagdating sa mga crush namin. Mas gusto no'n ay iyong mapuputi tulad ni Kai. Parang keychain na pwede niyang i-baby tulad ni Kai. Nagba-bounce ang buhok tulad ni Kai. Libero tulad ni Kai. At nakasuot ng jersey number eleven tulad ni Kai. In short, si Kai talaga ang gusto ng gago noon pa man. Wala na talaga tayong magagawa ro'n.

The jerk is down bad when it comes to his baby Kai.

Ako naman, simple lang naman ang mga tipo ko.

Ano nga ba... gusto ko iyong moreno. Tapos malapad at maganda iyong balikat at dibdib. Suplado kung tumingin. Nagtu-twinkle iyong mga mata sa tuwing ngumingiti siya. Student-athlete. Setter at team captain ng men's volleyball team ng Creston University. Teammate ni Kai. Nakasuot ng jersey number twelve.

Iyong nasa court ngayon na kalaban ng school ko. Hindi naman siguro magagalit si Roen kung sa Creston muna ako magchi-cheer, 'no? Pero wait, wala rin naman pala akong masyadong pakialam kung magalit ang teammates ko.

Sorry, guys. Crush muna bago ang school pride.

At higit sa lahat, ang tipo ko ay iyong Jerome Christopher Lorenzo ang pangalan.

Haba ng pangalan niya, 'no? Nahiya iyong akin na Carlos Yu lang. Feeling ko, iniiyakan niya dati iyong pangalan niya no'ng kinder pa lang siya kasi hindi kasya sa papel kapag sinulat.

Pasalamat na lang siya at two letters lang ang madadagdag sa apelyido niya. Pero okay lang din naman kung apelyido niya ang idagdag sa pangalan ko.

Kaso Lorenzo? Parang 'di bagay kasi chinito ako, e. Well, mapag-uusapan naman namin iyan sa takdang panahon. Sabi nga ni Kai, i-manifest natin iyan.

Pero iyon nga, gano'n lang naman ang mga tipo ko. Hindi naman masyadong specific.

"You like Kai's teammate?" Gulat na tanong ni Roen nang sabihin ko na sa kaniya iyon.

"Yes," sagot ko at mula sa IG profile ni Jerome ay nilipat ko ang tingin sa bestfriend ko. Sinimangutan ko siya. "Baka pati si Jerome, crush mo, a? May Kaizen ka na."

"What the fuck?" Aniya sabay tabi sa 'kin sa kama ko rito sa dorm. "Since when?"

"Uh, since rookie year natin?"

"What?!" Si Roen na ang OA rin minsan. "Why didn't you tell me?"

Nagkibit balikat lang ako saka tumawa. Tinitigan naman ako ni Roen pero hindi ko na siya pinansin. Bumalik ako sa pag-i-scroll sa profile ni Jerome. Tsk. Hindi pa ba siya magpo-post ng bago? Kahit picture lang ng dibdib niya, okay na sa 'kin iyon. Kabisado ko na kasi lahat ng pictures niya dito, e. Lahat din, na-heart ko na. Nakakatampo nga kasi hindi pa niya ako fina-follow back.

Dapat kahit hindi pa niya ako kilala, fina-follow back na niya ako. Gano'n ang rule, 'di ba? Hindi ba siya aware do'n?

Ginandahan ko pa naman iyong profile ko. Nagpalit din ako profile picture. Topless ako ro'n para mapansin niya agad iyong abs ko. Naghintay ako ng followback at heart react kaso wala. Sabi nga ng iba kong teammates, olats.

Pasalamat ka talaga, Lorenzo, crush na crush kita.

"So... you're gay?" Tanong ulit ni Roen pagkatapos niya akong titigan.

"Yeah," ngumiti ako sa kaniya. "Just like you. Mag-bestfriends talaga tayo. Parehong bading. Pa-kiss nga ako-"

Pero mabilis na siyang nakalayo sa 'kin. "Fuck off, Yu. Only Kai can kiss me."

Humalakhak ako saka nagpunta sa Youtube para maghanap ng audio ng latigo. The asshole is so whipped!

"Si Kai lang? Paano si tita?" Tukoy ko sa mommy niya.

"That's different," sagot niya at napailing na lang ako.

"Confess ka kaya muna? Paano ka iki-kiss ni Kai kung hindi ka pa umaamin?"

Sinamaan niya ako ng tingin. "I will!"

Pero ngumisi lang ako. "Why do I have this feeling na mauuna pa si Kai umamin sa 'yo?"

Natigilan naman siya. "Do you think he also likes me?"

"Sa bagal mo, I think, hindi na siya magkakagusto sa 'yo. Give up na, dude."

"Shut the hell up!"

Naghampasan kami ng unan do'n. Ang sarap talaga pikunin ng isang 'to, e. Mukha lang talagang patay na bata itong si Roen pero pagdating sa baby niya, lumalabas lahat ng emosyon niya.

"But, seriously, are you really gay?" Tanong niya ulit nang mapagod na kami maghampasan.

"Oo nga. Willing nga ako na halikan ka, e. Lips to lips pa. Pero walang malisya! Bestfriend type of kiss lang. Hindi ko rin sasabihin kay Kai-"

Naputol nga lang ang sinasabi ko nang batuhin niya ako ng unan. Success! Galit na galit na naman ang future baby damulag ni Kaizen!

"Does he know?"

"Sino? Si Jerome? Na gusto ko siya?"

Roen rolled his eyes. So sassy! "Who else, idiot?"

Tumawa ako at binalik ko ang tingin sa picture ni Jerome.

I suddenly remembered the first time I saw him. That was also the first time I played against him inside the court. Matagal ko nang alam na hindi ako straight. Bata pa lang ako. I think, grade 4 ako no'n nang ma-discover ko. Pero growing up, wala akong sinabihan. Closeted sabi nga nila. Pero hindi ko rin kinaya. Sinabi ko sa mom ko no'ng mismong graduation ko no'ng high school. And thank God because He gave me the most supportive and coolest mom ever.

I also told my older brother and he's also cool with it. Maging responsable lang daw ako. As for my dad, well, he's already in heaven right now. But I'm sure, kung nabubuhay siya ngayon, susuportahan niya rin ako.

Si Roen lang ang hindi ko pa nasasabihan not until our sophomore year. Unfair nga sa kaniya kasi mas nauna pa siyang magsabi sa 'kin kahit feeling ko ay mas una akong naging bading.

At para wala siyang maisumbat sa 'kin pagdating ng panahon since mag-bestfriends nga kami, pinili ko na ring sabihin sa kaniya. Tiwala rin naman ako kay Roen. Tahimik lang naman iyan. Umiingay lang kapag si Kaizen na ang pinag-uusapan.

Maliban sa immediate family ko at kay Roen, wala na akong ibang sinabihan. Why? Well, first, I don't owe anyone an explanation about my gender identity. Second, I'll come out kung kailan ko gusto at hindi kung kailan gusto ng ibang tao.

But if someone asks if I'm part of the rainbow community, kung may respect ang pagtatanong niya, I'll answer them naman. Loud and proud.

Ang akala ko pa nga no'n ay bisexual ako kasi nagkakagusto pa rin naman ako sa girls and I find some guys interesting.

But the moment I laid my eyes on Jerome, I knew right there and then that he's the one. Naks! But kidding aside, grabe agad iyong lakas ng tama ko sa kaniya no'n.

Ang lakas kasi talaga ng appeal sa 'kin kapag moreno.

At hindi lang siya moreno, e. Siya iyong tipo na kapag tinamaan ng sikat ng araw ay alam mong maggo-glow.

Mukha pang suplado dahil sa kilay niya. At iyon na nga ang problema. May something talaga sa mga suplado-looking ang hinang-hina ako. What the hell, right? Pero gano'n talaga. Kani-kaniyang preference naman iyan.

Pero may isa pang problema. Straight si Jerome.

A moment of silence, please, for my broken heart.

Yep, unfortunately, he's straight.

Kasi kung hindi siya straight, e, 'di sana kaming dalawa rin ang nasa split screen sa arena tuwing may game at hindi lang sina Roen at Kaizen?

Tsk.

Ang general rule, hindi mo pwede i-assume ang gender ng isang tao unless sa kanila mismo manggaling.

Pero sabi nila, lahat ay pwede nang mabali sa panahon ngayon.

Pero sabi ko naman, hindi magandang ikaw pa ang maging dahilan ng identity crisis ng isang tao.

Kaya iyon, sinunod ko ang general rule pati iyong sinabi ko. Hindi ko pinansin iyong sinabi nila kung sino man sila.

Isa pa... torpe rin ako, e. Mag-bestfriends nga kami ni Roen. Pareho na ngang bading, pareho pang torpe. Ang gandang combination.

Actually, straightforward naman talaga akong tao. Pero siguro nga ay may mga case na hindi mo agad masabi ang gusto mong sabihin. Tulad no'ng kay Jerome. Naks. Only exception!

Ka-batch namin si Jerome at rookies pa lang kami, gusto ko na siya. Pero dahil nga straight siya at dinadaga rin akong umamin just in case bading din siya, sinarili ko na lang ang feelings ko. Ginawa ko na lang siyang happy crush. Sounds corny, 'no? Pero wala, e. Nakuntento na lang ako no'n na kinikilig every time na sila ang makakalaban namin at sa pagtambay sa IG niya.

Iyon lang talaga ang plano ko. Tamang sulyap lang kay Jerome. Tamang admire lang from afar. Okay na talaga ako ro'n kasi nga wala naman akong pag-asa. Hangga't wala akong nababalitaang girlfriend niya ay ayos na sa 'kin. Ang nasa isip ko na lang din no'n, sana lang ay maunahan ko siya magka-partner kasi malulungkot talaga ako kapag may nagugustuhan na siya tapos hindi ako.

Pero mukhang nag-smile sa 'kin si Lady Luck kasi nalaman ko na lang the following year na gusto pala ni Roen iyong rookie libero nila Jerome, si Kaizen.

Nabuhayan ang loob ko no'n!

At last, nagkaro'n din kami ng connection ni Jerome my love so sweet!

Pero muntik ko nang batukan ang sarili ko no'ng kay Kaizen ako nagpakilala imbes na sa kaniya! Nagmukha pa tuloy akong may gusto sa baby ni Roen! Buti na lang din talaga ay hindi nanood nang live iyong isa kundi mabubura ako sa mundo nang wala sa oras tapos hindi man lang naka-amin kay Jerome.

"Sino iyon?" Rinig kong tanong niya kay Kaizen.

Well, what the fuck, Carlos. Look!

Tinanong niya kung sino ka!

Na-curious siya sa 'yo!

Kaya sobrang sising-sisi ako ng mga oras na iyon na inatake ako ng sakit ni Roen na pagiging torpe. E, 'di sana nahawakan ko iyong kamay niya! Feeling ko, magaspang iyon... pero kahit na! Malambot naman iyong akin kaya match kami!

Pero nakakalungkot lang din kasi... hindi pala niya ako kilala?

Palagi kaming naghaharap sa net tapos hindi niya ako kilala kahit sa mukha man lang? Samantalang ako, kabisado ko na kung saan lahat nakapwesto iyong mga nunal niya sa mukha! Magka-batch kaya tayo, hello?

Kaya mas na-convince talaga ako no'n na mas straight pa siya sa straight, e.

Mali iyong sinasabi nila kung sino man sila. Hindi lahat, pwedeng mabali. Ruler ang crush ko. Hindi magiging protractor.

At gano'n lang ang naging story namin ni Jerome. Hindi pa siya matatawag na love story kasi ako lang naman ang may feelings kaya story pa lang. Nakakaiyak.

Mukha na nga ako minsang ewan kasi talagang pinapanood ko iyong games ng Creston nang live para lang masulyapan siya. Walang mintis iyon. Feeling ko nga, kilala na ako no'ng nagtitinda ng ticket sa arena kasi never talaga ako um-absent sa mga games nila. Hindi ko sinasabi iyon kay Roen kasi mas gusto ko ng mapayapang viewing sa pinaka-favorite kong view. Naks!

At akala ko, hanggang do'n na lang talaga kami ni Papa Jerome.

Buti na lang at hindi pa oras para lisanin ni Roen ang mundo. Nag-birthday ang gago. Masayang-masaya siya kasi syempre kasama niya mag-celebrate ang baby Kai niya. Nagkayayaan sa La Union. Hindi ko nga lang sure kung masaya rin ba siyang kasama ako sa celebration niya.

Well, hindi naman talaga ako sasama para may alone time silang dalawa na lovebirds. Nakakainggit na rin kasi minsan. Buti pa si Roen, may lovelife na. Ako, single pa rin tapos kamay lang ang nagpapasaya... you know.

Pero nang mabalitaan ko kay Kai na sasama raw si Jerome at iyong iba nilang teammates, hindi na ako nagpatumpik tumpik pa.

'Cause, tell me, anong karapatan kong hindi sumama kung kasama rin pala namin ang taong gusto ko for 3 years na?

Kailangan na niyang malaman ang existence ko at ng feelings ko!

"Carlos, itong mukhang mabait pero gago talaga, si Vince. Ito namang kambal na hindi magkamukha at hindi galing sa iisang bahay-bata pero parehong magaling sa kalokohan, si Kiko at Paul. Ito namang legit na good boy, si Drew. At syempre," si Kai sabay turo sa mukhang suplado. "Ang team captain namin. Mabait din 'to. Wala ako masabi. Si Jerome."

Alam ko na pangalan niyan, Kai. Matagal na.

Pati pangalan ng second cousins niyan, alam ko na rin.

"Guys, si Carlos. Bestfriend ni number eleven. Opposite hitter ng Westmore."

Nakipag-shake hands ako ro'n sa apat na teammates ni Kai. Hinuli ko talagang pinansin iyong moreno na nasa gilid lang at nakangisi sa 'kin. Para naman hindi niya mahalata na patay na patay ako sa kaniya.

Pero tanginang ngisi iyan...

Sarap iuwi tapos pagsilbihan.

'Wag mo akong nginingisihan, babe. Please lang. Kahinaan ko iyan, e... pero number one pa rin iyong dibdib mo.

Tanaw na tanaw ko nga sa suot niyang polo, e. Ang ganda talaga ng pagka-moreno. Tsk. Bakit naman kasi naka-expose iyan, Jerome? Kung binubutones mo kaya iyan? O gusto mo, ako na lang ang magbutones?

"Nice to meet you," sabi niya nang siya na ang kamayan ko. At mali ako ng akala na magaspang ang kamay niya. Nakalimutan ko yatang setter nga pala siya. Ang lambot! Mas malambot pa yata sa kamay ko! Nakakahiya tuloy.

"Same here," pa-cool kong sagot.

Same here?! Anong klase iyon, Carlos? Ang lame, dude!

Hindi pa nakakatulong itong katabi kong si Roen na pigil na pigil ang tawa!

Pasimple ko siyang inapakan sa ilalim ng table namin. This fucker! Gusto pa yata akong ilaglag nito!

At kung inaakala ko na magiging close kami ni Jerome ng araw na iyon ay isang malaking kahibangan. Pagkatapos kaming ipakilala sa isa't isa, aba, hindi na ako binalikan ng tingin! Kahit isang beses, wala!

Ilang beses ako nagpapansin. Bumangka na nga rin ako sa kwentuhan. Ang dami kong jokes na sinabi. Nagpasarap na rin ako. Nag-topless ako tapos pasimpleng flex pa ng muscles pero ano? Wala! Olats! Nganga!

Si Roen pa ang mas nakakapansin ng ginagawa ko. Ilang beses niya akong nahuhuli sa mga kagaguhan ko tapos tatawa ang hayop. Tsk. Nawawala iyong angas ko kay Jerome. Iba siya. Manhid! Ubod nang manhid!

Doon ko na-realize na kung gusto kong mapansin niya ako, kailangan ko nang kumilos. Bahala na kung mainis siya. O kung magalit siya. O kung suntukin niya ako. Ang mahalaga, makapag-confess na ako.

What happened to your 'don't be the reason why someone would have an identity crisis', Carlos?

Well, sabi nga nila, desperate times call for desperate measures.

Isa pa, hindi ko naman ipipilit ang feelings ko. Ipapaalam ko lang! I'm just going to inform him what I feel. Iyon lang ang gagawin ko. Kung straight nga talaga siya, e, 'di straight! Wala naman akong magagawa ro'n, e. Masakit, oo, pero walang choice kundi mag-move on.

Paano kung ma-bend mo iyong ruler?

Well... wait. Bigla akong kinilig sa thought na iyon.

Ah, basta! Aamin na ako no matter what!

Buti na lang ay nagkaro'n ng time na kami na lang ang naiwan sa table namin. Sina Roen, Kai, at iyong mga teammates nila ay nasa dagat na habang nagpaiwan si Jerome kasi mamaya na raw siya magsi-swimming. Kaya heto, nagpaiwan na rin ako.

Tumikhim ako kaya napatingin siya sa 'kin. Iyon nga lang, saglit na saglit lang niya akong tinignan. Nilingon niya agad iyong dagat. Tsk. Bakit ba ayaw nitong tignan ako nang malagkit? Hubaran mo ako gamit ang mga mata mo, Jerome. Okay lang sa 'kin. Hindi ako papalag. Tulungan pa kita.

Tumikhim ulit ako saka pasimpleng uminom sa baso kong may lamang sparkling water.

Saglit akong nag-isip ng topic na pwede kong i-connect sa pag-amin ko. Hanggang sa makita ko ang naghaharutan na bestfriend ko at ang baby niya.

"Sweet nina Kai at Roen, 'no?" Umpisa ko.

Nagkatinginan kami ni Jerome. No'ng mga oras na iyon, gusto ko nang magdabog. Tumingin siya sa 'kin! Pwede na yata akong bumalik sa hotel tapos matulog nang mahimbing.

"Oo nga, e," sagot niya.

Tipid naman sumagot.

"Gusto mo rin ba ng ganiyan?"

Napatingin ulit siya sa 'kin at nagkunwari naman akong chill lang. Gusto ko ring palakpakan iyong sarili ko kasi ang smooth ng pagkakasabi ko no'n. Maybe it's the sparkling water talking. Pero gusto ko na rin maihi sa kaba kasi ito na, malapit na akong umamin.

"Ha?"

"Kaya ko rin iyan."

"Lasing ka ba?"

Natawa ako. Pero kahit ano naman yata ang word na lumabas sa bibig niya, tatawa ako para lang ma-please siya. Partida pa nga 'to, e. Wala pang alak sa katawan ko pero ang lakas ng loob kong umamin. Ano pa kaya kapag lasing nga talaga ako?

"Do you have a girlfriend?"

Nakita kong kumunot ang noo niya tapos medyo ngumuso siya. At iyon na nga. Naramdaman ko na iyong puso ko na kanina pa kumakabog nang malakas at mabilis pero hindi ko lang pinapansin.

Tsk. Ang pula ng labi niya. Nakakaakit.

Oh, what I'd do just to kiss those lips of his.

"Wala," sagot niya. Tinipid ulit.

How about boyfriend?

Pero hindi ko na tinanong. Kung (emphasis sa word na kung) straight nga siya, malamang wala siyang boyfriend.

Hindi ko tuloy makuhang sumaya nang tuluyan. Oo, wala nga siyang girlfriend pero hindi naman guarantee iyon na boyfriend ang hanap niya.

Pero focus sa goal, Carlos. Aamin ka lang naman. Hindi rin ibig sabihin no'n ay magiging kayo na ngayong gabi pagkatapos mong mag-confess.

"Ako rin. Wala," sabi ko, naghahanap ng tamang timing.

"Bakit?"

Aba, nagtanong! Curious?

Ngumisi ako. Hindi naman kasi girlfriend ang hanap ko. Ikaw, Jerome. Ikaw ang gusto ko.

"I don't do girlfriends."

"Ah," tumango tango siya. "One night stands lang, gano'n?"

Muntik akong mapapikit. What the hell. Na-misinterpret pa nga niya! Tsk. Kakahanap ko ng tyempo, iba pa ang pumasok sa isip niya. Naku, hindi pwede 'to.

"No," sagot ko saka tinignan siya nang diretso sa mga mata. "I... don't like girls."

His lips parted at muntik pa akong ma-distract dahil do'n. Focus, Los! Matitikman mo rin iyang labi na iyan kung gagalingan mo ang diskarte at kung papanig din sa 'yo ang swerte!

"Uhm..." hindi niya alam ang sasabihin niya. Cute pala niya mataranta?

Pero hindi ko muna pinansin iyon. This is it. I am finally telling him how I feel.

"I don't like other boys, either," I added slowly emphasizing the word other. "I only like you, Jerome."

There.

I said it.

I finally confessed.

Nakatingin kami sa isa't isa. Nakaawang ang labi niya at hindi agad siya nakapagsalita. Tahimik lang kaming dalawa at sa palagay ko ay ang tunog ng alon ang naririnig niya ng mga oras na iyon. Pero ako... wala akong ibang naririnig kundi ang malakas na tibok ng puso ko.

Iyon nga lang... pinanood ko kung paanong mula sa pagkalito ay naging galit ang emosyon na nasa mukha ni Jerome.

Well, in-expect ko naman na pwedeng ganito ang maging reaksyon niya, 'di ba?

Pero... shit. Kinukurot yata iyong puso ko.

"Hindi magandang joke iyan," seryoso niyang sagot.

"Do I look like I'm joking?" Mas seryoso kong sabi.

Nagtitigan kami ro'n. Ako nga lang ang unang sumuko kasi hindi ko pala kaya na ganito kaseryoso ang mga mata niya. Nanghihina ako. Tapos unti-unti ring nawawalan ng pag-asa.

I already saw this coming but still...

"Tangina," sabi niya na natatawa pagkatapos ng ilang segundong katahimikan. Tinignan ko ulit siya at nakitang nakalingon siya sa dagat. "Ayos tayo, pre. Muntik mo na akong mapaniwala-"

"Hindi nga sabi ako nagbibiro. Gusto nga kita, Jerome."

Natigilan siya at nagkatitigan na naman kami. Iyan na naman iyong mga mata niyang seryoso. Sana naman seryosohin niya na iyong sinabi ko.

"Hindi nga?" Tanong niya.

"Oo nga," sagot ko.

"Tangina... badi-"

"Yes. Bading na bading sa 'yo."

Nagulat ako no'ng bigla siyang tumayo. Galit na galit iyong tingin niya sa 'kin pero ewan ko. Baliw na nga yata ako kasi hindi man lang ako nasindak. Imbes na matakot kasi ako, I find him hot lalo na ngayong tanaw ko na naman iyong dibdib niya. Parang ang sarap hawakan. Parang ang init.

"Tangina mo! Kakakilala pa lang natin tapos ganito mga biro mo? Magsuntukan na lang tayo!"

"Papayag akong suntukin mo, basta hahalikan kita pagkatapos. Deal?"

"Hindi ka titigil?!"

"Ayoko nga. Ba't ko titigilan na magustuhan ka-"

"Gago!"

Humalakhak ako nang bigla siyang mag-walkout. Pinanood ko siyang humalo sa mga teammates niya. Isang beses pa niya akong nilingon at tinignan nang masama kaya ngumisi ako saka siya kinindatan.

Hindi ko alam kung nadadala lang ba ako ng nararamdaman ko ng mga oras na iyon... o baka nag-i-ilusyon lang ako... pero nagkaro'n ako ng pag-asa nang makitang galit lang iyong nasa mga mata niya.

Walang... pandidiri.

Walang... judgment.

Magkahalong gulat at galit lang siguro kasi ay sa point of view niya ay halos magkakakilala pa lang kami a few hours ago. Pero paano ba iyan, Jerome? Sa point of view ko, matagal na tayong mag-boyfriend.

Kaya iyon ang pinanghawakan ko.

After that epic confession, sinimulan ko na iyong Operation: Landiin si Jerome.

Nandiyan iyong ime-message ko siya sa IG hanggang sa pansinin niya ako. O 'di kaya ay sa iba niyang social media accounts. Siya rin ang may kasalanan kasi pwede naman niya akong i-block pero hindi niya ginagawa. Iyan tuloy, nagiging delulu ako.

Tapos kapag magtatagpo ang mga landas namin, palagi ko siyang inaasar. Tuwang-tuwa at kilig na kilig naman ako kapag nakikitang napipikon siya. Doon ko na-discover na ang sarap pala niyang asarin! Ang cute kasi ng mga reaction niya. Hindi malaman kung tatakbo palayo sa 'kin o susuntukin ako, e.

Well, papasuntok naman ako. Basta siya ang susuntok. Walang problema. Kahit igapos pa niya ako. Kahit ilang beses ko pa siyang tawaging master.

Pero mas masaya sana kung baby ang itatawag ko sa kaniya.

Tsk. Sabi ko pa naman dati, hindi ako gagaya kay Roen na patay na patay sa baby niya. Pero tignan mo ako ngayon. Kung saan-saan na umabot ang imagination at delusion pagdating sa sarili kong baby. Mag-bestfriends nga kami ng gago.

Gano'n lang ang ganap namin ni Jerome hanggang sa maka-graduate kami. Ako na ginugulo siya. Siya naman na halos sakalin na ako. Pero wala naman iyon sa 'kin. Iniisip ko na lang, gano'n ang love language niya. Naks!

Siguro iisipin ng iba na walang improvement iyong ginagawa ko. Pero sabi ko nga, dapat kay Jerome ko mismo marinig na tigilan ko na siya at hindi niya ako magugustuhan kasi straight siya ay hinding-hindi mababali. Kapag dumating na ang puntong iyon, titigilan ko naman siya. Mabilis naman ako kausap... minsan. Ta-try ko pero not sure.

Pero iniisip ko rin, paano ako titigil? E, sa tuwing makikita ko siya, hulog na hulog ako palagi?

Ang unfair, 'di ba? Ako, patay na patay sa kaniya pero siya ay hindi. Dapat sinasalo niya ako, e. Nahuhulog ako tapos pinapanood niya lang akong mahulog sa kaniya? Hindi iyon dapat pwede.

At sa gitna ng panggugulo ko sa kaniya, sinisiksik ko pa rin naman sa isip ko na 'wag isagad ang pag-asa. 'Wag masyadong umasa. Na okay nang ganito lang kami. Na hanggang ganito lang kami. Parang aso't pusa sabi nga nila Kai. Minsan nga, umaabot na rin ako sa point na okay na sa 'kin ang ganitong setup. Iyong mahal ko siya tapos tuwang-tuwa na ako kapag kinakausap niya ako kahit most of the time ay halos saksakin na niya ako.

Grabe, 'no? Kahit ako minsan, hindi ko inaakala na magiging ganito ako pagdating sa kaniya.

Na kuntento na sa kung ano ang maibigay niya.

Para lang kahit paano ay ma-satisfy iyong feelings ko.

Sa isip ko kasi, siya iyong toyoin kong boyfriend na palaging galit sa mundo tapos nadadamay lang ako. Tapos ako naman iyong boyfriend niya na sobrang pasensyoso. Naks!

At gano'n ang mga naiisip ko, saka naman ngumingiti sa 'kin ang tadhana. Kakampi ko talaga iyon, e. Lakas ko sa kaniya. Kasi nito lang, nalaman ko na nag-retire na pala iyong opposite spiker ng team ni Jerome sa pro. Nagkataon pa na tapos na rin iyong kontrata ko sa team ko. Balak pa sana nila akong i-renew pero ako na mismo ang nag-tryout sa team niya para ma-experience ko naman na maging teammates kami.

At iyon na nga! Finally! Teammates na kami ni Jerome!

Tignan mo nga naman! Makikita ko na rin siya sa wakas na naka-training shirt at shorts!

Hinding-hindi ko makakalimutan iyong hitsura niya nang ipakilala na ako sa buong team. Sabi pa ni Kai sa 'kin, muntik na raw ipa-terminate ni Jerome iyong kontrata niya. Tsk. Arte pa! If I know, tuwang-tuwa iyan kasi palagi na kami magkikita sa mga trainings.

Iniisip ko pa lang na siya ang magse-set sa 'kin, kinikilig na ako, e.

Dami ko na nga agad plano para sa next conference. Pagkatapos ng training namin, aayain ko siya lumabas. Kakain kami, gano'n. Friendly date para sa kaniya pero may-malisya-date naman para sa 'kin. Tapos ihahatid ko siya sa condo niya. Mga gano'n ba. Simpleng bagay pero sobrang big deal sa 'kin kasi makakasama ko siya... makaka-bonding.

"Anong ginagawa mo rito?"

Ngumiti ako kay Jerome pagkababa ko ng bintana ng sasakyan ko. Nandito ako ngayon sa tapat ng condo building kung saan siya nakatira. Birthday ngayon ni Kai at doon sa rest house nina Roen sa Zambales namin iyon ise-celebrate.

But first, look at my baby. Aga-aga pero nagsusungit na agad. Ganiyan niya talaga ako kamahal, e. Makita niya pa lang ako, idi-disguise na niya agad iyong kilig niya sa galit.

"Good morning!" Bati ko sa kaniya.

"Anong ginagawa mo rito?" Ulit niya sa tanong niya saka ako sinamaan ng tingin. Hindi man lang nag-good morning pabalik! "Bakit ikaw iyong nandito? Nasaan sina Kiko?"

"Sa 'kin ka sasabay-"

"Ayoko nga! Kina Kiko ako sasabay! Umalis ka na!"

Natawa ako sa ka-cute-an niya. Galit na galit na naman po ang baby ko. Buti na lang, mabait ako. Match made in heaven talaga kami, e.

Bumaba ako sa sasakyan saka siya nilapitan. Ang hot niya ngayon sa suot niyang short-sleeved polo at shorts. May dala rin siyang malaking backpack. Mukhang mabigat kaya kukunin ko sana pero nilayo niya agad iyon sa 'kin.

"Sino may sabing sa 'yo ako sasabay?"

"Ako," ngumisi ako.

"Tangina mo."

"I love you, too."

Umamba siyang susuntukin ako pero pinikit ko lang ang mga mata ko saka hinintay iyong kamao niya. Iyon nga lang, hindi dumating.

Pagdilat ko, nakita ko siyang malapit na yatang magdabog do'n habang nagkakalikot sa phone niya. Tatawagan yata sina Kiko. Pero hindi na sasagot ang mga iyon kasi sinabihan ko na. Kaya pinanood ko na lang na magmura ro'n si Jerome habang galit na galit.

"Hindi kayo kasya sa sasakyan ni Kiko. Wala kang choice kundi sa 'kin. Tara na," malambing kong sabi pero ano pa nga ba? Tinignan lang ulit ako nang masama. Kulang na lang ay maglabas ng laser iyong mga mata niya. My scary baby!

"Hindi na lang ako sasama," sagot niya. "Humanda sa 'kin ang apat na itlog na iyon!"

Natawa ako. Ang arte talaga nito minsan.

"Lagot ka kay Kai kapag hindi ka sumama."

"Maglalakad na lang ako papunta ro'n."

"Sasakit paa mo."

"Wala kang pakialam."

"Okay, then. Kung maglalakad ka, simulan mo na."

Umamba na naman siyang susuntukin ako pero hinuli ko na iyong kamay niya. Mabilis ko na ring kinuha iyong backpack niya saka dumiretso sa likuran ng sasakyan ko para ilagay iyon doon. At habang ginagawa iyon ay hawak ko pa rin ang kamay nitong isa.

Napangiti ako. Ano kayang sabon nito? Ang lambot kasi talaga ng kamay niya.

At sayang nga, e, kasi napansin niya na magka-holding hands pala kami. Kinuha niya iyong kamay niya saka ako hinampas sa balikat. Napapikit naman ako sa sakit. What the hell? Setter pero parang spiker kung humampas!

"Smile na. Birthday ni Kai tapos nakasimangot ka riyan?" Sabi ko pero tinignan lang ulit ako nang masama saka siya pumasok sa passenger seat.

Natawa na lang ulit ako. Sasama rin naman pala, e. Minsan napapaisip na rin talaga ako. Bakit ba ako nagkagusto kay Jerome na pinaglihi yata sa pagiging hard-to-get?

Kung minamahal na niya kasi ako? E, 'di masaya na kaming lahat ngayon? Tsk.

"Do you want coffee? Daan tayong drive-thru," sabi ko no'ng nasa daan na kami. Nakasunod sa 'min sina Kiko at muntik pa nga kaming mabangga kasi galit na galit na naman si Jerome nang makita iyong apat sa likuran.

"Ayoko. Sasakit tiyan ko. Hindi pa ako nag-a-almusal," supladong sagot niya habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Bakit hindi ka pa kumakain?"

"Ayoko lang."

"Dapat kumakain ka sa umaga. Breakfast is the most important meal of the day, you know?" Sabi ko pero hindi na siya nagsalita. Sungit! "May sandwich ako sa backseat. Do'n sa thermal bag. Kunin mo."

"Ayoko nga kumain-"

"Hindi pa rin kasi ako kumakain."

Nilingon niya ako. Saglit ko naman siyang tinignan saka nginitian bago ko ibalik ang mga mata sa daan.

"Sige na," malambing ang boses ko. "Kain na tayo. Mahaba pa 'tong byahe natin."

At halos mapunit ang pisngi ko nang sinunod niya ako. Naks. Isa talaga 'to sa mga napansin ko sa kaniya, e. Nadadaan siya sa malambing na usapan.

"O," aniya sabay abot sa 'kin no'ng isang sandwich.

"Nagda-drive ako. Subuan mo na lang ako-"

"Gago! Ano ka, walang kamay? Kunin mo 'to!"

Napanguso na lang ako at wala nang nagawa. Ilang seconds lang yata iyong kilig ko. Tinapos niya agad. Hanep. Nakikita ko na talaga ang future namin. Under ako nito. Okay lang naman pero gusto ko rin naman ng lambing minsan. Itong si Jerome, hindi marunong makiramdam, e.

Pasalamat talaga siya, mahal ko siya.

"Gusto mong music?" Tanong ko.

"Ikaw bahala. Sasakyan mo naman 'to."

"Radyo?" Suggestion ko at nagkibit balikat lang siya.

Iyon nga lang, pagbukas ko no'n, This Guy's In Love With You Pare ni Parokya ni Edgar ang tugtog!

Malakas akong natawa at halos magbugbugan kami ni Jerome do'n. Gusto niyang ilipat iyong station pero pinipigilan ko siya. Sa huli, hinayaan ko na lang kasi baka maaksidente pa kami. Syempre, kailangan kong maging maingat sa pagmamaneho lalo na't kasama ko siya.

"Tawagan natin si Kai," sabi ko no'ng nag-settle na kami na playlist na lang niya ang patugtugin namin. Gusto ko nga sanang magreklamo kasi puro sad songs iyon pero baka masapak na niya talaga ako for real.

Binati ko si Kai pagsagot niya. As usual, inasar ko si Roen. Mga mukhang bagong gising lang iyong dalawa. Mukhang napasarap ang tulog kagabi, a?

"I'm with Jerome," sabi ko kay Kai nang tanungin niya kung mag-isa lang ba akong nagda-drive. Nilingon ko itong katabi kong mabubura na yata ang noo kakakunot. "Dude," tawag ko sa kaniya kahit dapat ay baby talaga iyon. Soon, Carlos, soon. "Mag-hello ka naman sa birthday boy."

Sinamaan niya ako ng tingin pero ngumisi lang ako. Sungit talaga! Pero at least, sa 'kin lang siya masungit.

"Happy birthday, Kai," sabi niya sa hindi enthusiastic na paraan kaya natawa ako.

"Thank you, cap! Sino pa kasama n'yo riyan?"

"Kami lang dalawa. Nando'n sa kabilang sasakyan iyong apat," ako na ang sumagot.

Nakarating din naman kami sa Zambales nang hindi ako bugbog sarado kay Jerome. Iyon nga lang, hindi na ako pinansin lalo na no'ng dumating na rin sina Kai at Roen. Inuutusan ko pa nga minsan sina Kiko na asarin kaming dalawa pero mas lalo lang nagagalit. Pero mas lalo ko tuloy siyang gustong asarin kasi hindi ba niya alam na ang hot niya sa paningin ko kapag galit siya?

At since hindi niya ako masapak talaga, aba, ang baby ay bumawi no'ng nagbi-beach volleyball kami. Mukha ko ang target kapag nag-i-spike! Anong akala niya, hindi ako gaganti? Lalo kitang gagalitin kasi nga ang cute, cute mo magalit.

"Due to insistent public demand, kiss mo si Captain Jerome!" Utos ni Kiko no'ng sa 'kin natapat iyong bote.

At nakakita na naman ako ng panibagong opportunity para galitin ang Jerome!

At syempre, opportunity rin iyon para mahalikan siya.

And success! Final na yata talaga na papatayin niya ako pagkatapos ko siyang nakawan ng halik. Nagsisi ba ako kahit sasakalin niya ako? Hindi. Kinilig ba ako? Isang malaking oo! Pwede na yata akong mamatay ng mga oras na iyon.

Pero binawi ko rin agad. Hindi pa pala ako pwedeng mamatay kasi hindi pa kami nagiging kami ni Jerome.

Overall, masaya ang araw na 'to. Masaya kasi birthday ni Kai. Masaya kasi magkakasama kami. At sobrang saya kasi nakikita kong masaya rin si Jerome.

"Sweet nila Kai at Roen, 'no?"

Iyon ang sabi ko nang abutan ko siya na nasa balcony ng rest house nina Roen. Mukhang hindi yata makatulog. Malalim na ang gabi. Nakaidlip na ako pero ewan ko ba. Bigla akong nagising at ang unang hinanap ng mga mata ko ay si Jerome. At dito ko nga siya nakita habang pinapanood iyong dalawa naming kaibigan na nasa dalampasigan ngayon at... nagtutukaan.

Tsk. Mga walang respeto sa mga single.

Pero sa tinanong kong iyon kay Jerome ay bigla kong naalala iyong gabi na nag-confess ako sa kaniya no'ng nasa La Union kami. At doon ko lang din na-realize na halos ilang taon na rin pala ang lumipas simula no'n.

Damn, so, more than 5 years ko na rin palang mahal si Jerome? Hindi ko naman din kasi talaga binibilang. Kapag kasama ko kasi itong isa, wala na ako halos pakialam sa paligid ko. Sa kaniya lang ang focus ko kahit ang goal lang niya palagi ay sapakin ako.

Parang gusto ko tuloy sabitan ng medal ang sarili ko. Tagal na rin pala simula nang magustuhan ko siya.

At hanggang ngayon, siya pa rin talaga.

Walang iba.

"Oo nga, e," maikling sagot niya.

Natawa ako kasi gano'n na gano'n din ang sagot niya sa 'kin no'n. Ano ba iyan... all these years, wala pa rin palang improvement kaming dalawa.

Pero sabi ko nga, 'di ba? Masaya na ako na ganito kami.

Masaya na ako na mahal ko siya.

Napatingin ako sa mga kamay niyang nakapatong sa railings. Pangarap kong mahawakan iyon. At gusto kong hawakan iyon ngayon. Magagalit kaya siya kung... maglalakas loob akong hawakan iyon?

Well, magagalit naman talaga siya. Pero bahala na kung magalit nga siya. Basta mahawakan ko lang iyong kamay niya.

Tsk. Kasalanan talaga 'to nina Roen, e. Ang lalakas maglandian sa ilalim ng buwan! Na-inspire tuloy ako bigla para landiin si Jerome.

Nilingon ko itong katabi ko para maumpisahan na sana ang balak kong landiin siya. Natigilan nga lang ako nang abutan siyang nakatingala sa langit. At napaawang ang labi ko nang makitang hindi nakakunot ang noo niya. Ang... payapa ng mukha niya. Lalo na iyong mga mata niya kung saan nagre-reflect iyong maliwanag na buwan. Na sinamahan pa ng tunog ng alon ng dagat bilang background music.

Shit... what a view.

Tumikhim ako. Ano ba iyan... nakakawala naman ng pagiging cool ang isang 'to.

Pero... tsk. Ang sarap niya talagang landiin ngayon. Probably it's because of the moon. Or maybe it's because of the waves. Or the cool wind. Or the peacefulness of the night...

Or maybe... it's because of my heart beating so loud and fast right now.

"Gusto mo rin ba ng... ganiyan?"

At sa dinami-rami ng pwede kong sabihin ay iyon pa talaga ang lumabas sa bibig ko. Siguro kasi ay nadala na ako na gayahin iyong mga sinabi namin no'ng una akong umamin sa kaniya.

Nagkatinginan kami.

At bigla na lang akong nanghina nang ngumiti siya... at unti-unting lumapit sa 'kin.

"Gusto ko," sagot niya. "Kaya mo rin iyan, 'di ba?"

Napalunok ako. Well... what the hell.

Continua llegint

You'll Also Like

Cruel Summer Per j

Novel·la juvenil

4.7K 173 32
When carefree Nicolas Florentino surprises his best friend with his early departure to Australia, he expects Saint Rodriguez to hate him for two mont...
2.6K 230 47
𝗩𝗜𝗥𝗧𝗨𝗔𝗟 𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧𝗕𝗘𝗔𝗧 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 1/9
9.3K 342 115
I'amore Dello Scrittore Epistolary Series #5 The writer's twisted words of love.
172K 4.1K 54
What will you do if you end up in someone else body?