Jersey Number Nine

By xelebi

885K 40.1K 28K

It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter... More

Jersey Number Nine
00
01
02
03
04
05
06
07
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38

08

19.5K 1K 862
By xelebi

• 🏐 •

Tahimik lang ang buong team habang pabalik sa Northville.

Maliban na lang kay Uno at Marky na nag-aaway na yata sa may likuran. Madalas pagkatapos ng game ay si Uno ang katabi ko rito sa bus pauwi ng dorm pero ayos na rin na hindi ko siya katabi ngayon kasi wala na akong energy para sa mga kwento niya. Para na rin may oras ako na isipin iyong game kanina.

Bilang setter na nakalaban ang isang Lance Ventura ng Westmore University ay masasabi kong ang dami ko pa talagang dapat matutunan.

Pina-realize niya sa 'kin na ang dami ko pang kakaining bigas para lang mapantayan ang skills na meron siya. At sa totoo lang, wala akong masabi kundi ang galing, galing niya. Sobrang taas ng volleyball IQ niya na hindi mo alam kung kanino niya ise-set iyong bola. Mamamalayan mo na lang, nakapalo na pala iyong spiker niya at naka-score na sila.

Bumuntong hininga ako habang nakatingin pa rin sa dinaraanan namin.

Mukhang kailangan ko na yatang sabayan si Bok tumuka ng bigas para maging kasinggaling ni Lance.

Naisip ko tuloy bigla iyong sinabi niya kanina. Kailangan daw nila ng setter sa Westmore. Nagbibiro lang naman siguro siya, 'di ba? Hindi pa naman siya ga-graduate para mag-recruit ng setter.

Pero grabe... sa rami ng magagaling na setter ngayon sa men's collegiate volleyball, ako ang nire-recruit niya? Kahit pa sabihing biro niya lang iyon, nakakatuwa pa rin.

"Magpapa-recruit ka?"

Napakurap ako nang biglang marinig iyong sinabi ni Kuya Nico kanina sa isip ko. Hala...

Pero... oo nga, 'no? Kung sakali ba na totoo ngang kukunin ako ng Westmore o kaya ng ibang school, magta-transfer ba ako?

Iiwan ko ba ang Northville?

Ngumuso ako at agad inalis ang idea na iyon sa utak ko. Syempre hindi ako lilipat. Ang Northville ang nakakita ng kakayahan ko. Sila ang unang nagtiwala sa 'kin. Maayos din naman ang trato nila sa 'kin. Inaalagaan naman nila kami nang maayos.

Isa pa, nandito na ako, naka-adapt na ako sa sistema ni Coach Al. Nasimulan na namin kaya bakit ako lilipat?

Tumingin ako sa harap. Natatanaw ko ang ulo ni Coach Al mula rito sa kinauupuan ko. Pero natigilan nga lang ako nang ilibot ko ang tingin at makitang nakalingon sa 'kin si Coach Greg.

Pero pasimple akong nag-iwas ng tingin.

Iyon na naman siya. Nakatingin na naman.

Bakit ba siya nakatingin?

Para siyang si Kuya Nico. Ang kaibahan nga lang nila ay may kung ano sa tingin ni Coach Greg na hindi ko maipaliwanag. May kakaiba na hindi ako komportable.

Iyong kay Kuya Nico naman... hindi rin ako komportable minsan pero... hindi ako natatakot na tignan din siya pabalik kahit pa nakakalunod siya tumingin.

At doon ko lang naalala na si Kuya Nico ang katabi ko ngayon. Pasimple akong nagnakaw ng tingin sa kaniya pero halos mapatalon ako gulat nang maabutan siyang nakatingin na pala sa 'kin!

Ang word of the day yata ngayon ay tingin!

"What the hell?" Sabi niya na nakakunot agad ang noo.

"S-Sorry," sabay ayos ko ng upo.

Ramdam ko iyong lakas ng kabog ng dibdib ko. Pero bakit naman kasi siya nakatingin din? Kanina pa ba niya ako pinapanood? Nagmumuni-muni pa naman ako kanina. Nakakahiya!

"Is there a problem, Seb?" Rinig kong tanong niya.

Umiling agad ako. Binabawi ko na iyong sinabi ko kanina. Uno, tabi na ulit tayo. Ayoko rito kay Kuya Nico.

"Bakit gulat na gulat ka?" Tanong niya ulit sa mababang boses.

"Uhm," napakurap ako. "N-Nabigla lang."

"Nakakabigla ba iyong mukha ko?"

"H-Hindi. Nagulat lang ako kasi... nakatingin ka."

Bakit ka pala nakatingin?

Gusto ko sanang idagdag pero hindi ko na tinuloy.

Hindi agad nakapagsalita si Kuya Nico. Nagkatinginan kami at nakita kong lumambot ang ekspresyon niya sa mukha. Wala na rin iyong kunot sa noo niya pero napansin ko ang unti-unting pagpula ng mga tenga niya.

"Hala, namumula iyong tenga mo..." iyon ang hindi ko na napigilang sabihin.

Siya naman ang napakurap. Napahawak siya sa tenga niya at nag-iwas ng tingin. Huminga siya nang malalim at tumikhim.

"Uh... naiinitan ka ba?" Tanong ko.

Nilingon niya ulit ako. "What?" Halos pabulong iyon.

"Gusto mo... itapat ko sa 'yo iyong aircon?"

Umawang ang labi niya at napansin kong mas lalong namula iyong mga tenga niya. Hindi ko na siya hinintay na magsalita at in-adjust ko na iyong aircon. Tinapat ko iyon sa kaniya kasi mukhang init na init iyong mga tenga niya.

Pero mukhang hindi yata iyon umepekto kasi iyong mga pisngi naman niya ang namumula ngayon.

"Namumula na rin iyong... pisngi mo," sabi ko.

Nakita kong nataranta si Kuya Nico. Umayos siya ng upo at nag-iwas ulit ng tingin. Umubo pa nga siya kahit hindi naman siya nasamid. Pagkatapos ay kinunot niya iyong noo niya at medyo nagulat ako kasi bigla na lang naging suplado iyong mukha niya.

Iyon iyong mukha niya na madalas kong makita lalo na kapag nasa training kami. Iyon din iyong mukha na dahilan kung bakit kinakabahan ako sa kaniya kapag nahuhuli ko siyang tumitingin sa 'kin.

Kung paano niya nagawang palitan iyong ekspresyon niya nang gano'n kabilis ay hindi ko alam.

Pero hindi ko magawang kabahan ngayon sa suplado face niya kasi namumula pa rin talaga siya.

Para siyang supladong kamatis.

"Uhm, mainit pa rin ba?" Tanong ko kahit parang nag-i-snow na rito sa loob ng bus namin. "Uh, meron ako ritong portable fan..."

Naramdaman kong nilingon niya ulit ako habang nilalabas ko sa duffel bag iyong mini fan ko. Buti na lang ay fully charge pa iyon. T-in-urn on ko saka tinapat kay Kuya Nico na kamatis pa rin.

Nagkatinginan kami. Maliit akong ngumiti sa kaniya. Iyon nga lang, mukhang hindi sapat iyong mini fan ko kasi mas lalo lang siyang namula.

Anong nangyayari sa 'yo, sir? Bakit namumula ka?

Pero hindi ko na tinanong. Baka kasi normal na iyon sa kaniya paminsan minsan lalo na't mestizo siya.

Halata naman sa kaniya, e. Sa apelyido pa lang niya na Almojer.

Para hindi siya ma-awkward na nakikita ko siyang kamatis ngayon ay lumingon na lang ako sa labas ng bintana at pinanood ang bumibigat na daloy ng traffic. Bumuntong hininga ako. Sana makabalik na kami agad sa dorm kasi may iilan pa akong activity na hindi pa nagagawa. Tapos may training pa kami ulit mamayang gabi. Gusto ko sanang makapagpahinga muna...

"Seb."

"Hm?"

Napalingon ulit ako kay Kuya Nico nang bigla niyang tawagin ang pangalan ko. Muntik ko pa ngang masabi iyong word na po pero buti ay napigilan ko.

Naabutan ko siyang nakasandal ang ulo sa upuan niya. Ang ulo niya ay nakatingin sa harap pero ang mga mata ay nasa 'kin.

"Sino si Bok?"

Napakurap ako. "Si... Bok?"

Hala... mukhang madadamay na naman ang anak ko. Hindi talaga maalis sa isip niya si Bok? Inaano ba siya ng manok ko?

Tumango si Kuya Nico saka tumikhim. Nando'n pa rin ang pamumula ng mukha niya. "Yeah. Is he your boy..."

"Boy...?"

"Boy... bestfriend?"

Hindi agad ako nakapagsalita. Napaisip ako sa tanong niya. Para sa 'kin kasi, anak ko si Bok. Pero siguro pwede ko rin siyang bestfriend kasi nagshe-share din ako minsan ng mga kwento sa kaniya. Hindi ko nga lang alam kung nakikinig siya o sawa na siya sa mga kwento ko.

"Uh, oo," sagot ko.

Binasa ni Kuya Nico ang labi niya at umayos ulit ng upo. Hindi ko alam pero kumpara kanina na parang naninigas siya sa kinauupuan niya, ngayon ay relaxed na siyang tignan.

"Bestfriend," sabay tango niya. "Bestfriend lang?"

Napaisip ulit ako. Hindi ko maintindihan iyong tanong niya. Bestfriend lang? Nila-lang niya ang pagiging bestfriends namin ni Bok?

Ngumuso ako saka tumango.

Tinignan ko ulit si Kuya Nico at naabutan siyang nakatingin sa... hala, nakatingin yata siya sa labi ko...

Na-realize niya siguro na nahuli ko siyang titig na titig sa parteng iyon ng mukha ko kaya nag-iwas siya ng tingin. Naging kamatis ulit ang mukha saka napahawak sa batok niya.

Ano ba iyan... nagiging awkward na.

Malayo pa ba kami sa dorm? Ayoko na katabi itong si Kuya Nico. Hindi ko na siya maintindihan kasi. May mga oras na supladong kamatis siya pero may mga pagkakataon din na para siyang batang nahuhuli mong kumukupit ng chichirya sa sari-sari store nila.

"Bestfriend na pumupunta sa kwarto mo?"

"Huh?"

"I heard it from your mom the other day."

Kumpirmado. Nakikinig nga siya ng araw na iyon. May pagka-chismoso rin pala itong si Kuya Nico.

"Oo, pumupunta si Bok sa kwarto ko."

"Why?"

"Anong... why?"

"Bakit siya pumupunta sa kwarto mo?"

"Uh, bakit... hindi?"

"I don't know. Iyong bestfriend ko, hindi pa nakakapunta sa kwarto ko."

"May... bestfriend ka pala?"

Nagsisi nga lang agad ako nang mabilis niya akong tignan habang magkasalubong ang kilay. Hala, na-offend ko yata siya! Pero hindi naman sa wala siyang kakayahan na magkaro'n ng bestfriend... siguro ay mas lamang lang iyong gulat ko no'ng malaman na may konsepto rin pala siya ng gano'n.

"Of course, I have."

"S-Sorry," sabi ko na lang para hindi na siya magalit.

Nagtagal ang tingin niya sa 'kin pero nakita kong nawala rin agad iyong pagkaka-offend sa mukha niya.

"Back to my question," tumikhim siya. "Why is Bok going to your room? And your mom just simply allows him?"

Grabe... paano kami napunta sa usapan na 'to? Bakit parang naiinis si Kuya Nico na pumupunta si Bok sa kwarto ko? Pati ba iyon ay ipagdadamot ko sa manok ko?

May galit ba talaga siya kay Bok?

Ni hindi pa nga sila nagkakakilala, e.

Hindi ko alam pero naawa ako bigla kay Bok. Isa lang naman siyang simpleng manok pero may isang tao na agad ang may ayaw sa kaniya. Hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon ni Kuya Nico na i-prove ang sarili niya na siya ang pinakamabait at pinaka-sweet na manok sa buong mundo.

Bigla tuloy akong nainis kay Kuya Nico.

Animal cruelty itong ginagawa niya.

"Uhm, w-wala namang problema iyon," sagot ko. "Doon din naman nakatira sa 'min si Bok."

Bahagya akong napaatras nang mabilis niya akong lingunin. Nakakagulat naman itong si sir!

"What? Sa bahay n'yo siya nakatira?"

"Oo..."

"Bakit? Wala siyang bahay?"

"Uhm, meron dati pero naawa kasi ako kaya-"

"Naawa?" Natawa siya kahit hindi ko alam kung may nakakatawa ba.

Hindi ko na napigilan. Kumunot na ang noo ko sa kaniya. Nai-imagine ko kapag siya ang nagkaro'n ng manok. Ikukulong niya lang siguro at hindi man lang paaarawan. Kawawa naman ang manok na mapupunta sa kaniya.

O ang masama pa, baka gawin pa niyang tinola.

"Kawawa naman kasi siya..." sabi ko.

"Wala na ba siyang magulang? Relatives?"

"Meron. Ako."

"What?"

"Ako iyong tatay ni Bok."

Kumunot ang noo niya na para bang may sinabi akong language na hindi niya maintindihan.

Kaya ang ginawa ko ay nilabas ko ang phone ko saka pumunta sa mga pictures. Nakatingin pa rin sa 'kin si Kuya Nico pero determinado na akong ipakita sa kaniya si Bok. Para naman mabigyan niya ng chance ang anak ko at hindi niya agad husgahan.

Pinili ko iyong pinaka-cute na picture namin ni Bok. Kuha iyon mula sa bakuran ng bahay namin. Nakaupo ako habang si Bok naman ay nasa kandungan ko, bagong ligo ng mga panahon na iyon.

Pinakita ko iyon kay Kuya Nico.

"Iyan si Bok," sabi ko kahit halata naman kung sa picture kung sino ako at sino ang manok.

Pinanood ko ang mukha ng opposite hitter namin. Titig na titig siya ro'n sa picture at kitang-kita ko kung paano dumaan sa mukha niya ang halos lahat ng klase ng emosyon.

Mula sa inis hanggang sa pagkalito na nauwi sa pag-awang ng labi niya at pamumula ulit ng mga tenga.

"Bok... is a chicken?" Tanong niya.

Tumango ako. "Oo. Mabait iyan. Maamo," pagmamalaki ko.

Pero hindi na nakapagsalita si Kuya Nico. Nakatitig na lang siya ro'n sa picture namin ni Bok. Gusto ko na nga sanang itago ulit iyong phone ko lalo na no'ng nagsitayuan na iyong iba naming teammates kasi nakarating na pala kami sa dorm nang hindi ko man lang namamalayan... pero paano ko gagawin iyon kung kulang na lang ay isubsob ni Kuya Nico iyong mukha niya sa screen ng phone ko?

"Uy, ano iyang pinapakita mo kay Boss Nico, Sebby boy?" Si Uno na biglang sumulpot at nakisilip din. "Ay, si Bok iyan, a? Nice! Nakilala na pala ni Boss Nico ang anak mo-"

Pero natigilan nga lang kami nang biglang tumayo si Kuya Nico dala ang duffel bag niya at mabilis na bumaba ng bus.

Continue Reading

You'll Also Like

6.1M 146K 54
Meet Samantha Mett, Ice queen and Queen Bee of the most popular private high school in New York. She has the power to scare people around her, she ha...
13.8K 454 18
How will the ace of the great Shiratorizawa deal with the fact that the love of his life is not only going to a different school but will he be able...
508K 18.9K 34
❝ 𝐇𝐄 𝐒𝐀𝐓 𝐀𝐂𝐑𝐎𝐒𝐒 𝐅𝐑𝐎𝐌 𝐌𝐄 𝐎𝐍 𝐓𝐇𝐄 𝐒𝐔𝐁𝐖𝐀𝐘 ❞ [AKAASHI KEIJI x FEMALE READER] y/n and akaashi take the same subway to school, w...
4K 46 1
⠀⠀⠀⠀⠀⠀ ⠀⠀īš™đŸ™īšš;; ę´´ëŦŧ ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀ ⠀" you're so pretty ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀ for someone ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀ ⠀ with an attitude. " ⠀ ⠀ ⠀ ⠀ ⠀ ⠀ ⠀ ⠀ ⠀ ⠀ ⠀ ⠀ ⠀⠀⠀...