THE LAST CHAPTER ( Slam Dunk)

By Zelien03

3.3K 167 97

" Hindi Tayo mananalo kung ganito Tayo Ngayon.... Para San ba lahat nang to kundi para sa basketball." ... More

AUTHOR NOTE!
PROLOGUE
INTRO
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
AUTHOR NOTE!
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
AUTHOR NOTE
CHAPTER 35
CHAPTER 37
CHAPTER 38
A/N

CHAPTER 36

53 7 5
By Zelien03

Bahagya pang napaisip Si Mith sa inusal sakaniya nang matanda, animo'y hinihimay pa ang mga katagang binitawan nito sakaniya kanina lang. Bahagya pa Siya nitong tinapik sa balikat at kunwa'y nagpati-anod papasok Ng locker room kung San Sila dapat magpapahinga.

" May anim pa tayong lamang sakanila, at kung paghuhusayan panatin maaari pang maragdagan Yon." Panimula ni ayako sa lahat... Walang Ibang maririnig sa loob Ng locker room Ng shohoku kundi Ang bilis Nang pag hingal Meron Ang mga manlalarong Nasa loob nito. Pigil hiningang napaupo si Mitsui sa may bandang gilid dahil narin sa nararamdamang pagod. Ganon Rin Sina Akagi, Kogure, Kakuta at Miyagi.

" Ayako, tig ilang fouls naba kami? " Ang natanong ni Akagi rito... Kaagad Namang kinuha ni ayako Ang notebook nito Saka tiningnan kung Tig iilang fouls naba Ang mga ito Nung first half.

" Sa Ngayon, may Tig dalawang fouls na Sina Ryota, Kogure at Mitsui... Si Kakuta Naman may Tatlo na, maliban sayo Captain na nagtamo lamang Ng Isa." Sagot ni ayako rito... Bahagya lamang napatango si Akagi sa naging sagot nito... Saka mahinang pinisil Ang kaliwang binti na tumama kanina sa paa Nung center na Si Ketsuya, matapos niyang supalpalin Ang Tira nito kanina.

Matapos Ng usapan na yon ay siyang pag pasok Nina Coach Anzai Mith sa loob na siyang nakaagaw atensiyon sa lahat.

" Coach Anzai." Ang mahinang Turan ni Mitsui habang nakaupo, bahagya pa itong tumayo upang mag Bigay galang sa matanda... Ganon Rin Naman Ang lahat.

" Hmmm... Napanood ko kanina Ang laro niyo, sapalagay ko ay mananatalo Tayo. Ho! Ho! Ho! " Wika nito matapos ay umupo sa Isang silya na naroroon. Gaya Ng dati ay tatlong beses na pumalakpak si Mith upang agawin Ang atensiyon Ng lahat, at gaya Ng dati ay tagumpay parin ito dahil lahat Ng manlalaro Ng shohoku ay Na sakaniya na ulit Ang tingin.

" Una sa lahat, binabati ko Ang lahat dahil sa ganda Ng pinakita niyo nung first half. Masaya akong sabihin na sa Araw na nakakasama ko kayo... Unti-unti kayong gumagaling. Pero gaya nga Ng sa reyalidad, Hindi pa tapos Ang laban. May second half pa, kaya Naman kahit lamang pa Tayo Ng anim sakanila... Gawin parin natin Ang lahat para madagdagan Yun. Kung maaari wag tayong makampante Ng husto, hanggat may Oras pa... Hindi pa tapos Ang laban." Bungad nito sakanila... Sa Araw na nagdaan, walang Oras na Hindi iniisip ni Suwahara Ang shohoku... Hindi Niya maatim panoorin kung sakaling Nasa finals na Ang mga ito at naglalaro para sa championship.

Ang makamit Ang bagay na yon ay siyang pinaka gusto niyang marating Nang shohoku balang Araw. Kahit sa ganoong paraan lang makabawi manlang Siya Kay Aigoma. Hindi na ito nakapag patuloy sa paglalaro dahil sa Nangyare, kaya Naman sinisisi parin Niya Ang sarili Nang mabalitaang tuluyan na itong binawian Ng Buhay. Hindi manlang ito binigyan Ng panahong magising para makausap manlang Niya.

Ang turuan at gabayan Ang team Nang Shohoku para sa kinakaharap nitong karera sa basketball, ay Ang natatangi niyang paraan para maibsan Ang pagsisising nararamdaman Niya. Hanggang Ngayon ay dala-dala parin Niya Ang pakiramdam na ito, na kahit kailan Siguro ay hindi na maaalis sakaniya.

" Rukawa, Sakuragi... Maglalaro na kayo para sa second half, kailangan ko kayo para tuluyang manalo sa larong ito. Kailangan ko Ng Isang rebounder at Taga scorer... Player na para sa opensa at Isang manlalaro na para Naman sa depensa. Para tuluyang makamit Yun, kailangan ko kayong dalawa. " Dugtong pa nito sa Sinabi... Tumango Naman Ang lahat sa sinabi nito maging si Rukawa ay napatango Rin. Matapos Niya iyong sabihin ay Bahagya pang inilibot ni Mith Ang paningin para hanapin Ang presensiya ni Sakuragi, pero ni anino nito ay Wala roon.

" Teka? Nasan nanaman ba Yung gunggong na yon? " Iritang wika ni ayako matapos ay hinanap Nang paningin nito Ang imahe ni hanamitchi Sakuragi sa loob kung asan Sila.

" Kanina pa Yun Wala eh, Hindi ata pumasok rito." Anas ni Yasuda...

" Kahit kailan talaga pinaiiral Ang pagkabata." Naka kunot Ang noo ni Akagi Ng sabihin Niya yon... Imbis Kasi na mag Plano para sa gagawing opensa ay Wala ito at Nasa labas pa.

" Si hanamitchi Sakuragi talaga." Ito Naman Ang pakamot na wika ni Miyagi habang sinasabi Ang mga katagang yon.

" Hindi ba, iishi Ikaw Ang Kasama Niya kanina? " Anas pa ni Shouzaki.

" Oo, Ang Sabi bibili lang raw Siya Ng cotton candy sa labas." Ang tanging naging sagot nito.

'toinks'

" Lumabas para lang sa cotton candy? Ibang klase talaga Ang gunggong na yon." Ang dismayado pang Turan ni Mitsui... Sino banaman Ang Hindi madidismaya, Nasa Isang tournament Sila pero ni Hindi manlang nakararamdam Ng kaba Ang lalaking Yun.

Sakabilang Banda....

Tahimik na inaantay ni Sakuragi Ang binibili niyang Cotton candy... Kulay red ito kaya Naman gustong-gusto Niya dahil kapares ito Ng buhok Niya.

" Manong? Pano niyo ba nagagawang gawing pula Ang pagkain nato? Hindi ba dapat pink Yan? " Aniya pa.

" Food color lang Kasi Yan ijo... " Sagot Naman nito sakaniya.... Pagkabigay na pagkabigay nito sakaniya ay Ibinigay narin Niya Ang bayad para sa binili.

" Kulang ito ijo... " Ang wika Ng lalaki sakaniya. Pangunggong Naman Niya itong binalingan Saka sabay Niya itong inismiran.

" Hoy manong, Ako Ang Henyo na Si hanamitchi Sakuragi... Higit pa Ang tumbas ko sa Isang all-star, swerte mo pa nga dahil binilhan pa kita diyan." Pagyayabang niyang Sabi rito...

" Henyo ka nga Siguro, pero kailangan mo munang bayaran Ng Tama Ang paninda ko..." Wika pa Ng matanda... Sa asar ni hanamitchi ay iniuntog Niya Ang noo sa noo nito Saka sabay alis tulad Ng ginagawa Niya sa apat niyang kaibigan.

Nakakadalawang hakbang palamang Siya Ng biknitin Siya kaagad ni Akagi papunta sa locker room nila. Matapos ay malakas na binatukan sa Ulo dahilan kung bat ito napaupo sa sahig.

" Gamot sa bukol? Meron kayo? " Ang kunwaring umiiyak pang Saad ni hanamitchi... Napawi lamang Ang pagda drama nito Ng magsalita si Akagi.

" Maglalaro kana sa second half kaya umayos ka kung gusto mo pang makapaglaro." Turan nito sakaniya. Biglang naging makulay Ang pandinig ni hanamitchi Nang dahil sa sinabing yon ni Akagi... Animo'y parang narating na Ang rurok Ng tagumpay kung maka react ito.

" Totoo ba Ang narinig ko? Maglalaro Nako? " Aniya pa na sabay lapit Kay Mith Suwahara na nakaupo Ngayon sa Isang silya. Pangunggong pa nitong binukas Sara Ang mga mata ni Mith na naging Daan para Hawakan ni Suwahara Ang buong Mukha Niya. Sa lapad Ng palad Meron si Mith ay nasakop nito Ang Mukha ni hanamitchi dahilan kung baket naglulumpasay ito sa sahig para matanggal lang yon.

" Hayst... " Tanging salitang maririnig Mula Kay Rukawa Saka humiga sa inuupuan nito kanina... Hindi nakalagpas sa pandinig ni hanamitchi Ang ginawang Yun ni Rukawa kaya Naman asar Niya itong binalingan.

" Anong binubuntong hininga mo riyan Rukawa? " Asar niyang Saad Mula rito. Ngunit imbis na sagutin ay ipinikit nalamang ni Rukawa Ang mga mata nito na animo'y nang-aasar pa.

" Inggit kalang Rukawa ano! Maglalaro na Kasi Ang henyong si hanamitchi Sakuragi, samantalang Ikaw... NYAHAHAHAHAHA!" Tawa nitong Saad...

" Kung sa pagkakaalam mo hanamitchi maglalaro narin Siya." -miyagi

" Kayong dalawa." -mitsui

" ANOOOOOOOOOOO?! " malakas niyang Sabi na umalingawngaw sa loob Ng kuwarto kung asan Sila... Dahilan kung bat batukan uli Siya ni Akagi...

" Tama na Yan... Kunti nalang Ang oras natin kaya Naman mag handa na Tayo para sa second half." Pagputol ni Mith sa eksena... Ang kaninang maingay na Locker room ay biglang napalitan Ng nakabibinging katahimikan.

" SHOHOKU MAGHANDA PARA SA SECOND HALF!!! " sigaw ni Akagi na sinang ayunan pa Ng lahat.

" OO!!!! " -lahat

.......

Madaling lumipas Ang Oras at ngayon ay Nasa court na uli Sila habang nagpa Plano.... Nasa Gitna si Mith habang pinapalibutan Naman Siya Ng mga manlalaro Ng Shohoku.

" Miyagi, sa pagkakataong to si Azuo Ang babantayan mo... Alam kong Siya Ang Ace Ng team nila pero alam Kong kaya mo siyang bantayan. Kung ginagamitan nila Tayo Ng taktika, Ikaw Ang gagamitin ko sakanila. Wala Ngayon sa maayos na kondisyon si Azuo, gamit Ang bilis mo pede mong mapigilan Ang opensang gagawin Niya at Alamo na kung Ano yon." Wika pa nito, tumango lamang Si Miyagi rito na para bang ginanahan bigla. Bahagya pang sumilay Ang mga ngiti sa labi nito habang nagpupunas pa Ng pawis sa Mukha. Sunod Namang binalingan ni Suwahara ay si Mitsui na nag-aabang lang din Ng sasabihin Niya.

" Napakahirap Ng ipagagawa ko sayo Mitsui, at alam ko naring pagod na pagod kana... Alam Kong kalabisan nato para sayo pero Ikaw lang Ang tanging manlalarong makagagawa nito sa Ngayon. Si Imashi, Siya Ang babantayan mo." Wika nito, bahagya pang namilog Ang mga mata ni Mitsui Nang sabihin iyon ni Mith sakaniya, pagod na Siya kaya baket Si Imashi pa Ang babantayan Niya? Kung pede Namang si Miyagi Ang magbantay rito. Gaya Ng isipan Niya ay tila umalma narin si Miyagi sa naging desisyon ni Suwahara... Hindi na kasi kaya pang maglaro ni Mitsui at Lalo na kung Ang point guard na Si Imashi pa ang babantayan Nito. Lalo lamang itong mapapagod.

" Baket si Mitsui? Pagod na Siya all-star, Hindi na Niya kaya pang bantayan Ang Imashi na yon." Reklamo ni Miyagi subalit natigil lamang ito Ng magsalita si Mitsui.

" At sino Namang nagsabing Hindi ko kaya Miyagi? Kaya Kong bantayan Ang Imashi nayan, baka nakakalimutan mo... Ako si hisashi Mitsui." Wika nito... Kakaibang ngiti Ang sumilay sa labi ni Suwahara Ng sambitin ni Mitsui Ang mga katagang Yun.

" Mabuti, Mitsui ganito Ang gagawin... Hindi mo na kailangang makipagsabayan sa bilis na Meron Siya, Ang gagawin natin, Siya Ang makikipagsabayan sayo. Ibahin natin Ang takbo Ng laro, Hayaan natin siya ang mapagod imbis na Ikaw. Naiintindihan mo Naman ata Ang Ibig Kong sabihin Hindi ba?" Ani Mith rito... Tumango Naman si Mitsui na para bang alam na alam na Ang gagawin. Oo nga Naman at Tama ito, bukod sa team Ng Miyaka ay si Imashi nalang Ang Hindi pa masiyadong pagod. Kaya Naman ginamit ni Suwahara Ang galing ni Mitsui sa depensa para pagurin ito Ng Hindi Naman ito napapagod. Sa ikli Ng panahon na nakasama ni Suwahara Ang mga manlalaro Nang shohoku, Nakita na Niya Ang kahinaan Ng mga ito... Kung saan Ang mga ito magaling at sa kung saan ito Hindi. Gamit Ang mata Niyang mapag obserba ay madali lamang niyang nakilatis Ang mga ito.

Sunod Naman niyang binalingan ay si Akagi.

" Akagi, sa pagkakataong ito... Ipaubaya mo na Ang scoring point sa mga kakampi mo. Ang gagawin mo lang ay Ang depensa Yun lang." Mabilis na Saad nito, na ikinatango lamang ni Akagi rito. Mabuti narin ito para sakaniya dahil Hanggang Ngayon ay nararamdaman parin Niya Ang pananakit Ng paa Niya. Sunod nitong binalingan ay si  Hanamitchi na pansamantang kumakain Naman Ngayon Ng Cotton candy.

" Sakuragi... " -Suwahara

" Hmmm? Sabihin mo na all-star at madali lang sakin lahat Ng ipagagawa m--- ARAYYYYYY!!!! SINO YUN--" -hanamitchi.

" Ako baket? Imbis na maghambog ka riyan Hanamitchi Sakuragi makinig kanalang ok?! " Banat kaagad ni Ayako... Kung Hindi pa Kasi ito papaluin tiyak na tatalak lang ito Ng tatalak.

" Pede ba ayako, kung papaluin mo ko magsabi kanaman at Nang makapag handa Ako." Wika pa nito habang sapo-sapo Ang Ulo.

" Ok back to the discussion, Sakuragi... Bukod Kay Akagi Ikaw Ang pangalawa Kong defender. Wala Kang ibang gagawin kundi Ang Kunin Ang rebound. Lagi mong ihanda Ang sarili mo para makuha yon, tandaan mo Hindi lang Basta sa puntos kinukuha para maging magaling na player... Kundi sa rebound Rin. The more you control the rebound..." -suwahara

" You control the game." Sagot Naman nito kaagad... At nag apir pa ni Mith pagkatapos.

" The more you jump higher..." -suwahara

" The more you make strongengs.." -sakuragi

" Mali, stronger dapat."

" Ay, oo nga Pala sorri may pols." Wika Naman kaagad ni hanamitchi rito Saka sabay pang natampal sa noo. Matapos mg seryeng iyon ay si Rukawa na Ang binalingan Niya.

" Kaede, Isang bagay lang Ang sasabihin ko. Humanda ka para sa opensa, sayo Ako aasa." Wika Niya, tumango lang ito bilang Tugon. Matapos Ang diskasyon na iyon ay sabay-sabay na tumayo Ang lahat....

" Ok team, Tayo Ang mananalo Hanggang finals! " Sigaw ni Kogure.

" Naku! Sigurado Yan." Ito Naman Ang pasang ayon na Saad ni ayako rito, na animo'y kumindat pa.

" ABA SHEMPRE NAMAN LABO! SIGURADO AKONG MANANALOW TAYOW! " malakas pa sa kidlat na Saad ni hanamitchi habang nakaturo pa sa kalaban... Sa ganitong paraan mas gumagaan Ang loob Ng team Ng Shohoku. Ang kabang nararamdaman nila ay bigla bigla nalang napapalitan Ng kakaibang saya. Kakaibang excitement. Yung tipong kahit Hindi pa maglalaro pero atat Ng matapos kaagad Ang laban.

' Shohoku fight! ' bulong na wika ni Suwahara habang mataimtim na pinagmamasdan Ang bawat player Ng shohoku team.



























































..............

A/N : PSSSTTTT! Mag ingay Naman diyan! Please Vote, Comment & Share para Naman ganahan akong mag sulat. Sa mga silent readers diyan beke nemen..... Desperada na author niyo kaya Naman pagbigyan. And pa Follow guys para lagi kayong updated sa mga new stories na eh re release ko as soon as matapos ko tong The last Chapter.

So what's next?

Don't say so much, just Follow me guys...

Continue Reading

You'll Also Like

924K 21.3K 49
In wich a one night stand turns out to be a lot more than that.
267K 7.8K 87
Daphne Bridgerton might have been the 1813 debutant diamond, but she wasn't the only miss to stand out that season. Behind her was a close second, he...
52.7K 529 100
A Story where I judge girls where I would probably Smash or Pass on! I will do Girls and Genderbent Guy's but no actual Guys! also you Can Place your...
394K 13.9K 60
π—œπ—‘ π—ͺπ—›π—œπ—–π—› noura denoire is the first female f1 driver in π——π—˜π—–π—”π——π—˜π—¦ OR π—œπ—‘ π—ͺπ—›π—œπ—–π—› noura denoire and charle...