CHAPTER 19

56 8 2
                                    

Halos Hindi makapaniwala Ang lahat sa ginawang pagdakdak ni Rukawa gamit Ang Isang kamay, at ang mas nakakamangha pa patalikod Niya itong ginawa na siyang ikinabigla Nang nakararami. Kung titingnan Ang laro nito noon at Ngayon, masasabing Malaki na nga ang naiunlad nito pagdating sa paglalaro. 2nd year na ito Ngayon at mas gagaling pa ito sa hinaharap.

" Practice game lang ito Rukawa, pero sa pinapakita mo parang Nasa tournament kana." Patawang sambit ni Mitsui rito na sininghalan lamang ni Rukawa...

" Sus! Yumayabang nanaman Ang hambog nayan, para ganun lang Akala mo na kung sino." Ang asar Namang bungad ni Hanamitchi rito. Na tinawanan lamang ni Miyagi.

" Bat di mo nalang Kasi aminin hanamitchi na magaling talaga si Rukawa kesa sayo." Banat Naman agad ni Miyagi sakaniya.

" Pati banaman Ikaw kulot humahanga sa mayabang nayan? Tsk... Palibhasa natalbugan Karin dahil Laos kana Miyagi." Singhal Naman agad na ganti ni hanamitchi rito na dahilan bat maasar ito.

" Anong Sabi mo? Hoy hanamitchi! Binabalaan kita sa mga pinagsasabi mo... Anong Laos? " Asar na Saad nito... Na para bang ano Mang Oras aambangan Nang suntok Ngayon si hanamitchi habang nakatayo.

" Hay naku, ano ba kayong dalawa ha.... " Pagsingit ni Kogure sa mga ito nasabay pumagitna pa... Sa kasalukuyan 58 to 56 na Ang score Ngayon at lamang, lamang Nang dalawa Ang team nila Mitsui laban sa team Nang mga second year.

Nabaling lamang Ang lahat Nang bumukas Ang bukana Nang gym at iniluwal nun si Coach Anzai Kasama Ang may bahay nito pati narin Ang Isang lalaking Nasa mid 40's palamang Ang edad.

" Coach! " Ang sigaw Nang lahat at sabay pumatungo sa kinaroroonan nang matanda Ngayon.

" Magaling na ho ba kayo coach? " Ang tanong Naman ni Miyagi rito.

" Ho! Ho! Ho! " Ang tanging sagot lamang nito sakanila... Nakasakay ito Ngayon sa Isang Wheelchair habang tulak-tulak Nang asawa nito.

" Maayos ho Ang lahat coach, Wala ho kaming tigil sa kaka praktis para sa paparating na winter tournament." Ang bungad ni Akagi sa matanda...

" Alam ko Akagi, subalit sa kalagayan ko Ngayon ay malabo ko kayong masamahan sa laban niyo kontra Miyaka high. Hindi paako masiyadong magaling gaya Nang inaasahan ninyo. Nag punta lamang Ako rito para kumustahin kayong lahat at masigurado Ang panalo ninyo sa paparating na laban." Ang mahabang salaysay nito sakanila...

" Coach...." Ang mahinang pasambit ni Mitsui rito...

" Batid Kong Hindi ninyo Ako naiintindihan, subalit kapalit ko pansamantala ay may gusto akong ipakilala sainyo... " Ang dugtong pa nito sa sinabi... Nagkatinginan Ang lahat Nang sabihin iyon ni coach Anzai....

" Kapalit ninyo? " Miyagi

" Pansamantala? " Rukawa

" Hindi kita maintindihan Tatang, ano bang sinasabi mo riyan? " Ani Hanamitchi rito.

" Sakuragi, alam Kong malayo pa Ang mararating mo pagdating sa paglalaro.... Nakakalungkot lamang isipin na Hindi ko na makikita Ang mga bagay nayon pagdating Nang Araw, pero lagi ko kayong babantayan." Ang wika nito sakanila...

" Deretchuhin niyo na ho kami, ano ho ba Ang Ibig sabihin nito? " Singit narin ni Ayako sa usapan...

" Ito si Mith suwahara, alam Kong walang Hindi nakakakilala sakaniya... " Tugon ni coach Anzai... Halos Hindi makapaniwala Ang lahat sa nadinig nila...

THE LAST CHAPTER ( Slam Dunk)Место, где живут истории. Откройте их для себя