MISSION 4: Pleasing You

By AleezaMireya

10.6K 619 307

The last thing Elamarie Calma wanted was a controlling freak of a boyfriend. She's a strong, independent, car... More

Author's Note
Teaser
Prologue
Chapter 1 - Déjà Vu
Chapter 2 - Mistaken Identity
Chapter 3 - Encounter
Chapter 4 - Blown away
Chapter 5 - Caught
Chapter 6 - Her Infuriating Prize
Chapter 7 - Unfazed
Chapter 8 - Distracted
Chapter 9 - Compatibility
Chapter 10 - Army Motto
Chapter 11 - Biggest Takeaway
Chapter 13 - Melted
Chapter 14 - Trauma
Chapter 15 - Helping Hand
Chapter 16 - Bring Home
Chapter 17 - Drunk Dial

Chapter 12 - Eyes On

319 27 9
By AleezaMireya

"Would you like me to carry your handbag, baby?" alok ni Ace nang ilipat ni El sa kabilang kamay ang hawak na bag habang pinag-aaralan ang blueprint na hawak. Kanina ay ang contractor na kausap nito ang may hawak niyon, pero kinuha ni El ang isang kopya, masusing pinag-aralan habang nakikinig din sa sinasabi at tinitingnan ang itinuturong lugar ng arkitektong kausap.

Nasa loob na sila ng commercial space, kasalukuyang itinuturo ng contractor kung saan eksaktong lugar iko-construct ang mga nakalagay sa drawing. Hindi rin naman sila nagtagal sa labas. Sa tantiya nila ay wala pang sampong minuto, dumating na rin ang arkitektong siyang orihinal na kausap ni El, si Architect Caesar De Leon. Matapos ang customary introduction ay nagyaya na rin si El na tingnan ang loob ng commercial space. Dahil hindi naman siya parte ng meeting ay nanatili lang siyang tahimik, nag-oobserba at nakikinig sa usapan ng mga kaharap. Kanina'y ang area na nakalaan sa dining, counter, kitchen, at wash room ang pinag-usapan ng mga ito.

"Thank you." Itinaas lang nito ang kamay na may hawak na bag sa gawi niya, hindi inalis ang paningin sa papel na hawak.

Hindi napigilan ni Ace ang ngiting gumuhit sa labi nang abutin ang bag na walang pag-aalinlangang iniabot ng babae sa kanya. Sa peripheral vision ay kita niya ang pagsasalubong ng kilay ng inhinyerong kasama nila. Sa halip na tingnan ito ay inilagay niya sa braso ang bag ni El saka humalikipkip, nanatiling sa babae ang focus niya habang hindi pa rin nabubura ang nasisiyahang ngiti sa labi.

Eyes on. Bilang sniper, trained siya ro'n. Laging nakatutok sa target ang mga mata niya kahit ano pang distraction sa paligid. Ang disiplina, pasensiya, at tiyaga ay hindi nawawala sa linya ng trabaho niya. Alam niyang isang segundong kawalan ng focus ay maaaring mawawala ang target niya.

Eyes on El.

Besides, keeping his eyes on his target is such a treat. He's mesmerized by her beauty. The light coming from the sun was filtered by the tarpaulin that covered the glass walls, but the soft light did not hinder the glow of her creamy, smooth skin. Her chocolate-colored curls seemed a bit darker as it gently bounced with her every move. Looking at her now, Ace questioned himself about how he'd ever mistook this captivating beauty for someone else before.

It must be his desperation to see her again.

Pasimpleng pumuwesto ang inhinyero sa pagitan nila ni El, hinawakan nito ang corner ng blueprint at kunwa'y nakitingin din sa papel na tinitingan ang dalaga.

Eyes on target, but at the same time, may situational awareness. Alam niya ang taktikang ginagawa ng inhinyero, pero walang-wala ito kumpara sa dinaranas siya kapag nasa mission. Naranasan niya noon ang literal na papakin ng langgam pero hindi niya inalis ang paningin sa target.

"This part right here will be the office area you requested. Katabi lang mismo ng stockroom," aning inhinyero na may itinuro sa papel na hawak ni El.

Tumango si El, walang salitang tiningnan ang actual na lugar kung saan itatayo ang office area at stockroom. Matapos ang ilang saglit na muling pagtitig sa papel ay walang imik na iniabot iyon sa inhinyerong katabi saka bumaling kay Architect De Leon. "Can I see din po 'yong floor plan sa taas?"

"Sure," anito na iniabot ang isa pang malapad na papel kay El.

Imbes na tingnan iyon ay humakbang si El patungo sa hagdan. Mabilis namang umagapay ang nakababatang De Leon, kasunod ang ama nito. Ace kept his distance. Ni Hindi siya natitigatig sa ginagawa ng arkitektong batid niya'y naakit din kay El. Mula pa kanina'y nanatiling propesyonal ang pakikipag-usap dito ni El. Kahit na anong tamis ng ngiti ng lalaki ay nanatiling cordial ang reaksiyon ang dalaga.

Susunod sana siya pataas sa ikalawang palapag nang tumunog ang cellphone.

"Alam kong gagambalain mo 'ko dito sa shop. Magdala ka ng makakain, or else, sisipain kita palabas," bungad ni Danie. Kapag bakasyon niya'y ang tattoo shop na pag-aari ng kaibigan ang isa sa mga lugar na tinatambayan niya para makaiwas sa ina.

Napatawa si Ace. "Don't worry, hindi kita gagambalain ngayong araw."

"Hind ka dito pupunta? Kina Mommy ako natulog kagabi. Nagkasabay kami ng alis ni Tita Alice sa subdivision. Nang batiin ko'y nagtaka siya. Ang paalam mo raw ay pa-Alabang ka, e naro'n naman daw pala ako."

"May ibang lakad ako."

"Tsk! Hindi ka na talaga nagbago. Ginamit mo na naman akong palusot sa mommy mo."

"Hindi ko ginamit ang pangalan mo, Danie. Ang sabi ko kay Mommy, may sasadyain ako sa Alabang. Depende sa mangyayari, pwedeng umuwi ako sa bahay, pero mas malamang na dumeretso ako sa Siniloan."

"Nasa farm ka? Gago 'to! Wala kang pasabi! 'Di ba't sabi ko'y gusto ko ulit sumama d'yan? Presko. Ganda ng view sa ibabaw ng bundok. Kita pa 'yong windmill sa Pililia. The best ang sunset."

Napangiti si Ace nang luminga si El pagdating sa ikalawang palapag ng commercial space. Nang magsalubong ang paningin niya ay itinuro niya ang cellphone sa tenga. Tumango si El saka muling ibinalik ang atensiyon sa dalawang lalaking kasunod nitong umakyat.

"Hindi pa sigurado kung matutuloy ang plano kong pagpasyal do'n. Pero kung sakali mang matuloy, 'wag ka nang umasa. Hindi na kita isasama ulit. Ayaw kong marindi sa walang katapusang reklamo mo."

"Ipaayos mo na kasi 'yong yumuyugyog na tulay do'n. Tagal ko nang sinabi 'yon, hanggang ngayon, 'di pa ayos."

Napailing si Ace. May ilog sa bandang dulo ng property niya. Madamo iyon noong nabili niya. Ipinalinis at ipinaayos niya ang ilang bahagi niyon. Isa na iyon sa mga ipinagmamalaki niyang spot at madalas din na tambayan basta't nasa farm. Para mabilis makatawid sa ilog, nagpalagay siya ng hanging bridge na siyang inirereklamo ng kababata.

"Part ng charm ng farm ko ang hanging bridge na 'yon, Danie."

"Charm? Nasa'n ang charm do'n sa tuwing humahakbang ka'y yumuyugyog ang inaapakan mo? Buti't hindi nagrereklamo sina Tita Alice na gano'n ang tulay do'n. Napakadelikado."

"Hindi. Nag-eenjoy sila ro'n. Ikaw pa lang ang nakasama kong nagreklamo do'n. Mamaton-maton, hangin bridge lang naman ang katapat mo," tudyo ni Ace. Pero tingin niya'y kakailanganin na talaga niyang ire-enforce ang tulay na iyon. Tiyak na mas madalas na itong mangagamit ngayon, lalo na't iyon ang pinakamabilis na access papunta sa tatlong ektaryang lupang kabibili lang niya limang buwan na ang nakararaan.

"'Tang 'nang 'to. Yabang mo, ah. Oras na magkaharap ulit tayo'y patitikimin kita ng kamao at talampakan ko."

"Pass, Danie. Hindi ako ubrang sparring partner ngayon. May ibang priority akong ma-accomplish bago matapos ang bakasyon ko." Liban sa tattoo shop ni Danie ay gym ang isa pang madalas na pagpalipasan nila ng oras.

"Kung tapos na 'yong ipinapagawa mo sa farm, siguradong babae ang tinutukoy mo." Hindi man kita ay nai-imagine niya ang mukha ng kaibigan.

Ace grinned. Mula sa kinatatayuan ay tanaw pa rin naman niya ang lugar kung saan nag-uusap ang mga kasama niya. Hawak pa rin ni El ang blueprint, pero ang atensiyon nito ay nakapako sa nakatatandang De Leon.

"Tsk. Ihahanda ko na ba ulit ang sarili ko na pagkalipas ng ilang buwan, kakailanganin mo na naman ang tulong ko para idispatsa ang babaeng kinakalantari mo?"

"Nah. She's different, Danie," Ace uttered, never letting his sight wander from the lady who'd been a constant part of his dreams, even when he's awake.

"Different, my ass! Ilang beses ko nang narinig ang salitang 'yan sa 'yo, Ace," sarcastic na sagot ni Danielle.

"Not this time. She's really special, Danie," he solemnly uttered.

"Hmmm. Special. First time kong narinig na tinawag mong espesyal ang isang babae."

Napangiti siya nang lumingon sa gawi niya si El. Itinuro ang cellphone nang muling magtama ang mga mata nila. Tumango ito bago muling binalingan ang mga kausap.

"Tanda mo ba 'yong babaeng nanghalik sa 'kin nong birthday ni Van? I finally found her, Danie," ani Ace, hindi pa rin ihinihiwalay ang paningin kay El.

"Really?" hindi makapaniwalang tanong nito. Batid ng kaibigan niya ang pangyayaring iyon pitong taon na ang nakararaan. Tulad ni Van, madalas din siya nitong asarin at sabihang malala na ang lagay niya basta't nalaman nito na may nililigawan siyang babae na kulot ang buhok. "Bring her here. Gusto kong makilala 'yang mystery girl mo!"

"Yeah. Pass," mabilis na tanggi ni Ace. "Kilala kita. Imbes na i-build-up mo 'ko'y malamang na siraan mo pa 'ko sa kanya."

Danielle snorted. "Kasalanan mo 'yon, Ace. Ipinakikilala mo lang ako sa mga babaeng gusto mong idispatsa!"

Napatawa siya. May punto ang kaibigan. "Saka na kapag napasagot ko na."

"Hindi mo na papasagot? That's new." Sumipol si Danielle. "Lalo tuloy akong na-curious at naging eager na makilala siya. Introduce mo 'ko bago ka bumalik sa lungga mo."

"Sure. Ipapakilala kita sa kanya, basta ba ipapakilala mo rin ako sa nililigawan mo," tugon ni Ace habang humahanap ng panibagong pwesto kung saan tanaw pa rin niya ang mga kasama sa ikalawang palapag. Katulad kanina'y nasa nakatatandang De Leon pa rin ang atensiyon ni El kahit na ang kabilang dulo ng blueprint na hawak ng dalaga ay ang inhinyero ang may hawak.

"Ayon! Lumabas din ang tunay! Gago ka talaga, Ace! Hanggang ngayon ba nama'y gusto mo pa rin akong taluhin?" bulalas ng kaibigan niya.

Kumunot ang noo ni Ace. Hindi niya kinailangang itanong kung ano ang ibig nitong sabihin dahil nagpatuloy rin kaagad sa pagra-rant si Danielle.

"Nagkunwari ka pang nakita mo na ang babaeng nanghalik sa 'yo several years ago para lang mapapayag mo 'kong ipakilala ka sa babaeng napupusuan ko!" akusa nito. Rinig niya ang pag-ismid ni Danie sa kabilang linya. "S'abi ko naman sa 'yo, espesyal siya at wala akong planong gawin din sa kanya ang mga test na ginawa natin sa ibang girlfriends ko dati."

Napatawa si Ace. "Hey! Hindi 'yon ang agenda ko, Danie. Gusto ko lang na patas ang playing field. Kilala mo 'ko, kilala rin kita. Kung ako lang ang magsasama ng babaeng espesyal sa 'kin, for sure na sisiraan mo 'ko. At least kung kasama mo rin 'yong babaeng gusto mo, makakaganti kaagad ako. Harap-harapan, magsiraan tayo."

Danie snorted, clearly not believing him. "Ipakikilala lang kita sa kanya kapag naipakilala mo na sa 'kin ang imaginary na babaeng sinasabi mo. Unlike you, may isang salita ako. Kung sakali mang iadya ng tadhana at magkita kayo ng babaeng matagal mo nang hinahanap, makakaasa kang wala akong sasabihing kahit na anong kasiraan mo. Besides, sigurado namang hindi mo kakailanganin ang tulong ko para siraan ka. Knowing you, ikaw mismo ang gagawa no'n sa sarili mo."

Ace laughed as he shook his head. "Ouch! Naturingang kababata kita, wala kang kabilib-bilib sa 'kin?"

"Huh! Wala talaga! Alam na alam ko ang likaw ng bituka mo, Ace. Kahit anino mo, kilala ko."

Hindi napigilan ni Ace ang paghalakhak.

"Hindi ko na matandaan kung ilang beses na muntik tayong mag-FO dahil sa mga kagaguhan mo. Pinapatawad lang kita dahil sa mga mamahaling peace offering mo. Pero dito, sinasabi ko, Ace, tantanan mo. Kung hindi, ipapuputol ko lahat ng puno sa farm mo!"

Muling tumawa si Ace. "Makakaasa kang hindi ko gagawin ang kinatatakutan mo, Danie."

"Makakaasa? Sa 'yo? Talaga ba?" Danielle snorted, clearly disbelieving him.

"I'm not bluffing, Danielle!" ani Ace sa boses na pilit pinipigil ang pagtawa. The disgruntled sound from the other line made Ace snicker. Humakbang siyang palapit sa hagdan nang makitang pababa na ang mga nasa ikalawang palabag ng commercial space.

"Sige, tawa pa!" bakas ang inis na salita ni Danie. "Saka ka na pumunta dito sa shop kapag kasama mo na 'yong imaginary special girl mo."

Nang maputol ang tawag ay mabilis niyang ibinalik sa bulsa ang cellphone. Umagapay siya kay El na nagpaunang palabas.

The moment they stepped outside, Ace suddenly sucked his breath. Kanina'y nabatubalani na siya sa ganda ni El kahit na malamlam ang liwanag sa loob ng commercial space. Ngayong direkta na itong nasisinagan ng panghapong araw ay higit na umangat ang angking ganda ng dalaga. The bright afternoon sun bounced off her shiny, chocolate hair. Her creamy skin glowed under the sun's rays. Elamarie looked like a dream, a mirage.

"Hopefully, sa susunod na meeting, kasama ko na si Mama. Isasama ko rin ang kaibigan kong interior designer." Ini-offer nito ang kamay kay Architect De Leon. Tumango ang arkitekto bilang tugon. Ang nakababatang De Leon naman ay busy sa pagbibilot ng blueprint na tinginan ng mga ito kanina. Binuksan nito ang drawing tube at ibinalik sa loob niyon ang blueprint.

Matapos makipagkamay sa nakatatandang De Leon ay sa inhinyero naman in-offer ni El ang kamay. "Thank you, Engineer Seb."

"You are very much welcome, El."

Ang babae na rin mismo ang humigit ng kamay nito sa pagkakahawak ng lalaki. Muli itong bumaling kay Architect De Leon. "Let us know po kapag lumabas na ang permit sa munisipyo, Architect. Salamat po."

Nang humakbang si El ay kaagad siyang umagapay sa dalaga. Sa direksiyong tinatahak nito ay patungo sila sa parking area. "Where to, baby?"

"You can drop me off at Ella's Place, then you can go on your way."

"How about we have our first dinner date tonight? We can walk around to kill some time, then I will drop you off to your place after dinner."

Kunot-noong tumingin ang babae sa kanya. "'Di ba't pinag-usapan niyo ni Mama last night na pupunta ka sa farm mo bago matapos ang bakasyon mo?"

"Mas pipiliin kong maubos ang natitirang tatlong araw na bakasyon ko na ikaw ang kasama ko, baby."

Elle rolled her eyes. She shook her head while suppressing her smile. Nagpauna na itong maglakad patungo sa parking lot.

Mabilis namang umagapay si Ace. Ngumiti siya nang maalala ang isa sa naging topic ng usapan nila ng ina nito kagabi. "Kung gusto mo naman, p'wedeng do'n tayo sa farm ko pumunta." Tumingin si Ace sa relong suot. "May sapat na oras pa. Aabutin pa natin ang sunset. We can have our first dinner date under the stars and the moon, baby."

Tumigil sa paglalakad si Elle. Humalukipkip. Nakataas ang kanang kilay nang tumingin sa kanya. "Sinong nagsabi sa 'yong gusto kong pumunta ro'n?"

"Si Tita Joyce." Nakangiting sagot niya. "Hindi ba't mahilig kang mag-nature trip to destress? You'll definitely love the place, baby. Off the grid. Peaceful and scenic. Sabi nga ni Tita Joyce, the view of the sunset from my hilltop can rival the view at some of the glamping sites you and your friends visited. Pakita ko sa 'yo 'yong video na pinanood ni Tita Joyce kagabi."

"Sino naman ang nagbigay sa 'yo ng ideya na sasama ako sa 'yo ro'n?"

"Ikaw," nakangiti pa ring sagot niya. "Magkasama tayo ngayon, baby."

Lalong umangat ang kilay ni Elle. "Ipapaalala ko lang na nag-volunteer kang maging driver ko, Ace. You charmed your way to my mother kaya nawalan ako ng choice kahit na sinasabi kong kaya ko namang mag-drive mag-isa papunta rito. And let me be clear that technically, you're still a stranger to me."

Nagkibit-balikat si Ace. "For sure, hindi ka ipagkakatiwala ng mama mo sa 'kin kung hindi ako katiwa-tiwala, baby. Lampas na rin tayo sa stranger phase. In fact, we're more than friends. We are dating."

"Say's who?"

"Aren't we? Sinabi ko kanina do'n sa inhinyerong ka-meeting mo. Hindi mo naman kinontra. Meaning, sumasang-ayon ka."

Inirapan siya nito, na ginantihan niya ng ngiti.

"At ang pinakamatinding patunay na higit pa sa pagkakaibigan ang relasyon natin ay ito." Itinaas ni Ace ang handbag ni El.

"Hindi dahil ipinagkatiwala ko sa 'yo ang handbag ko, ibig sabihin wala na 'kong reservations sa 'yo, Ace."

"Still, nagtitiwala ka pa rin sa 'kin to some degree, baby."

Imbes na pasubalian ang sinabi niya ay itinuloy na lang ni El ang paglalakad. He'll take her silence as an admission that she really trusts him. A full-blown smile curved Ace's lips as he caught up with her stride. "Mas maganda na sa farm ko ngayon, baby. 'Yong video na pinanood ni Tita Joyce kagabi ay noong huling bisita ko ro'n. Masukal pa sa hilltop. Pero ngayon, may cabin na ro'n. Walang kuryente, pero may solar lights. Hindi rin naman kailangan ng aircon dahil malamig. Maraming puno."

"Mahilig akong mag-nature trip, alright, pero sa mga taong lubos na pinagkakatiwalaan ko lang ako sumasama." Sumulyap ito sa kanya saka siya inirapan. "Hindi ka pa kasama ro'n."

Ace grinned, please. Ang sinabi ni El ay patunay lang na nagtitiwala na ang dalaga sa kanya. Yeah, sure, hindi pa siya lubos na pinagkakatiwalaan ni Elle, pero napako ang isip niya sa huling pangungusap na sinabi nito-lalo na sa salitang 'pa.' That two-letter word denotes that he could be included in her inner, most trusted circle. He'll do everything to make that happen sooner rather than later. But for now, he better not push it. But if he can prolong this special moment here, he'll definitely make it happen.

"How about we go grab some dessert, baby? I know an ice cream place nearby. Favourite spot namin 'yon ni Max."

Ilang segundo siyang tinitigan ni El bago ito marahang tumango. "Only if you'll let me pay this time."

Ace smiled. "Ako ang nag-invite, baby. Besides, hindi 'to dinner date."

Napangiti rin si El, marahang umiling. "Pakiramdam ko'y kahit na umabot tayo sa dinner date, gagawa ka ng paraan para ikaw pa rin ang magbayad, Ace."

Ace just grinned. He motioned his hand for her to continue walking. Nang humakbang ito'y kaagad siyang umagapay. Bago pa man nito mabuksan ang pinto ng kotse ay ginawa na kaagad niya. Umusal nang pasasalamat si El bago lumulan sa sasakyan. Muling gumuhit ang nasisiyahang ngiti sa mga labi ni Ace.

A step closer inside her inner circle.

Bago pa man niya paandarin ang sasakyan ay iniabot niya kay El ang handbag nito. "You might want to check your cellphone, baby. Ilang beses 'yang tumunog kanina."

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 19K 41
Dice and Madisson
19.4K 2K 11
Pangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italy...
3M 119K 54
Gabbana; the spoiled, self-centered, self-indulgent little brat. She who knows little about living, have bought so much in life. And when she thought...
172K 676 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.