In a REALationSHIT (Trese Ser...

By chiXnita

7.9M 231K 35.7K

[ #TRESEseries No. 1 ] All I want is a REALationship not a relationSHIT. -- Book cover by @ArkiSTEPH More

In a REALationSHIT
IAR [1]
IAR [2]
IAR [2.5]
IAR [3]
IAR [4]
IAR [4.5]
IAR [5]
IAR [6]
IAR [7]
IAR [8]
IAR [9]
IAR [9.5]
IAR [10]
IAR [10.5]
IAR [11]
IAR [12]
IAR [13]
IAR [13.5]
IAR [14]
IAR [14.5] - Silver
IAR [15]
IAR [16]
IAR [17]
IAR [17.5]
IAR [18]
IAR [19]
IAR [19.5]
IAR [20]
IAR [20.5]
IAR [20.75]
IAR [21]
IAR [22]
IAR [22.25]
IAR [22.5]
IAR [22.75]
IAR [23]
IAR [23.5]
IAR [24]
IAR [25]
IAR [25.5]
IAR [26]
IAR [27]
IAR [27.5]
IAR [28]- Green Ryder Loriete
IAR [29]
IAR [29.5]
IAR [30] - Silver
IAR [31]
IAR [32]
IAR [33] - Grant Turner Loriete
IAR [33.5] - Grant Turner Loriete
IAR [34]
IAR [35]
IAR [36]
IAR [37]
IAR [38]
IAR [39]
IAR [40]
IAR [41]
IAR [41.5]
IAR [42]
IAR [43]
IAR [43.5]
IAR [44]
IAR [45] - Brix Vincent Flores (Part 1)
IAR [45.5] - Brix Vincent Flores (Part 2)
IAR [46]
IAR [47]
IAR [48]
IAR [49]
IAR [49.5] - Original Plan
IAR [50]
IAR [50.5] - A Blessing or A Lesson
IAR [51]
IAR [51.5] - GRAB-X Plan
IAR [52]
IAR [53]
IAR [54]
Final Chapter - IAR
Epilogue
BONUS Chapter
Bonus Chapter - Self-reflection
SOON TO BE PUBLISHED (PSICOM)

IAR [37.5]

63.4K 2.2K 289
By chiXnita

Copyright © chiXnita

MATAPOS UMALIS nina Kuya Xyrus at Angel ay napagdesisyunan ko nang magbihis dahil nawalan na ako ng ganang magsaya. Umahon na rin sila at nagpasya na lang na ubusin ang mga pagkain at mag-usap-susap.

"Can we talk?" Muntik na akong mapabalik sa loob ng kwarto nang mabungaran si Vlaire na nakatayo sa harapan ko, nakayuko at hindi ako magawang tingnan. "Please...?"

Napasulyap ako sa likuran niya, kung saan ang pool. Nag-uusap pa rin ang iilan doon. Si Zyle ang kanina pa nagpapagaan sa tensiyon. Leader na leader talaga ang dating niya. Sinabi niya na 'wag nang isipin ang nangyari sa pagitan ni Kuya Xyrus at Angel. Na kailangan namin silang bigyan ng privacy. Na sila ang mag-ayos kung ano man ang problema nila.

Si Keziah, na nakalimutan kong leader naman ng SC, ay hindi nagpatalo. Ayun sa kanya, hindi lang 'yun basta problema, sa halip ay malaking problema.

Blood. Wounds. Iyon ang mga tumatak nang husto sa isip ko sa mga sinabi niya.

Hanggang sa magtalo na silang dalawa sa harap mismo ng pool, at kami nakatunganga lang sa kanila. Pakiramdam ko bumalik kami sa High School, noong sila pa.

"All they need is some privacy, Ms. Moravia. Let them settle it on their own!" mariin na bigkas ni Zyle na nakaboxers pa rin. Tumutulo ang tubig mula sa kanyang buhok papuntang dibdib... pababa.

Ipinaikot ni Kez ang mga mata at inilagay ang isang kamay sa baywang. Hindi nakatakas sa paningin ko ang paggalaw ng mga mata ni Zyle para pasadahan ang kanyang katawan. Sabagay, nakared two-piece kasi siya. Kami lang yata nina Denice at Irish ang naka-one piece.

"Could you please stop checking me out, Mr. de Carpio?"

"You were the one who was checking me out," apila ni Zyle.

"Stop shifting the subject."

"You've changed the topic."

Napatingin ako sa may sound system nang marinig ang lyrics na: [Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig. Muling pagbigyan ang pusong nagmamahal.]

Napailing na ako nang magpatay-malisya sina Denice at Irish.

Sina Shantal, Caleigh at Vlaire ay kumakain sa may table, patay-malisya rin ang drama. Ang gaganda ng mga katawan nila, pero hindi takot tumaba.

Si Cyclone naman ay may kinuhang mga supot sa mesa, na hindi ko alam kung ano, at tumakbo palapit sa 'min. Ihinagis niya ang mga 'to, na napag-alaman kong popcorn.

Kanina pa ba may popcorn?

Tatlong balot iyon na sinalo nina Dew, Brix at Green na nakaboxers pa rin. Napaawang ang bibig ko.

Ba't nandito ako katabi ng mga lalaking 'to?

Tatayo na ako nang hawakan ni Cyclone ang balikat ko kaya muli akong napaupo. "Let's enjoy the show, Xhai!" turo niya kay Zyle at Kez na nasa ibang mundo na yata ang mga isip.

Feeling ko hindi nila kami napapansin. Baka nga naalis na kami sa planeta nila. Wala na silang pakialam sa paligid, eh.

Umupo si Cy sa tabi ni Serg.

Napaubo ako nang sabay na maglahad ng supot ng popcorn sina Brix at Green. Katabi ko nga pala ang mga adik na 'to, na naman.

Si Brix nasa kaliwa, samantalang si Green nasa kanan.

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanila, pero nakatitig sila sa isa't isa. Konti na lang talaga at malapit na akong makakita ng electricity na nagmumula sa kanilang mga mata.

Pag-umpugin ko mga 'to, eh.

Itinuon ko ang titig kay Dew na kakabukas pa lang ng popcorn na hawak. Katabi niya si Jerson, na kanina pa kinukulikat ang cellphone pero ayaw bumukas. Kaya kanina pa rin 'yan aburido, nasa ibang planeta na rin yata. Hindi kasi kami pinapansin kahit katabi lang namin.

At himala na ngayon lang siya walang pakialam kay Zyle at Kez, samantalang trip niya si Keziah, noon pa.

Akala niya walang nakakaalam? Sus! Observant kaya ako pagdating sa ganyan. Pero marunong naman akong magtago ng sekreto kaya sinasarili ko na lang mga napapansin ko.

"Penge, Dew!" Kumuha ako ng popcorn sa hawak niya.

"Xhaiden!" apila niya. Napanguso ako. Kadamutan ng lalaking 'to!

"Ang damot mo, Aiken." Pinandilatan niya ako. Umiwas ako ng tingin at sinubo ang popcorn. Pigil na pigil ang tawanin. Ba't ba ayaw niya ng Aiken? Ang cute kaya ng second name niya.

"Xhai..." sabay rin na sambit nina Brix at Green. Hindi ko sila pinansin. Muli akong sumubo ng popcorn.

"Shit!" Nagulantang ako nang bigla na lang hinagis ni Jerson 'yung kanyang cellphone. Nawalan na yata ng pag-asa na maaayos pa iyon. Dumaan 'yun sa pagitan nina Zyle at Kez, bago bumagsak sa gitna ng pool, pero hindi yata nila napansin dahil nagdedebate pa rin sila.

"We need to help them. It isn't just a problem, Zyle. C'mon, we saw their wounds. Those fresh blood and—"

"Do you think their problems will disappear if we help them, Kez? Nothing will change. I know Xyrus too well. You know Angel damn well. They don't need our help—"

"Hindi naman kasi iyon gano'n! Kailangan nila tayo dahil kaibigan nila tayo—"

"Oo, kaibigan nila tayo, alam ko, kaya nga hinahayaan ko si Xyrus dahil kaibigan niya ako. Ayokong makialam sa mga desisyon niya kasi kahit ako ayokong pinapakialaman ang mga desisyon ko lalo na pagdating sa babaeng mahal ko..."

Natameme si Kez. Pati kami ay muling natahimik. Sa lahat ng HD, si Zyle ang pinakamalapit kay Kuya Xyrus.

Sa tingin ko nga mas marami siyang alam kay kuya kaysa sa'kin, eh.

"Ba't ganyan kayong mga babae? Pinipilit n'yong isiksik ang sarili sa mga problema? Pinipilit niyong alamin at lutasin ang mga 'to, kaya madalas napapahamak kayo!"

"Eh, ba't ganyan kayong mga lalaki?" ani naman ni Kez.

Napakuha tuloy ako ng popcorn sa hawak na supot ng aking mga katabi. Para akong nanunuod ng pelikula, 'yun nga lang live 'to.

"Palagi n'yong sinosolo ang problema, na kahit ano pa man ito ay kayang-kaya n'yong lutasin. Kaya nga namin inaalam kasi ayaw n'yong sabihin. Pakiramdam n'yo kasi, ang gagaling n'yo, ang tatalino n'yo, ang tatapang at ang lalakas n'yo, na kaya n'yo lahat. You're not God! Tao lang din naman kayo. Ba't hindi niyo magawa ang humingi ng tulong sa ibang tao?"

"Dahil nga lalaki kami. Obligasyon namin na 'wag kayong madamay sa mga problema namin. 'Di ba 'yon naman ang gusto n'yo? 'Yung maging hero kami ng buhay n'yo—"

"No... Hindi n'yo ba naiisip na hindi lahat ng babae ay 'yon ang gusto? At hindi lahat ay padamsel-in-distress para ipakita n'yo ang pagiging knight-in-shining-armor n'yo kuno. Hindi n'yo ba naiisip na nag-aalala rin kami 'pag nagpapakabayani kayo? Hindi n'yo ba naiisip na nasasaktan kami sa tuwing nanghihimasok kayo sa problema namin para lutasin lang 'to, pero kami hindi pwedeng malaman kahit na problema n'yo? Ang unfair-unfair n'yo!"

Ang dapat na isusubo kong popcorn ay nabitiwan ko dahil nakatunganga na lang ako sa kanila.

Mukhang nagkakapersonalan na yata.

Based on experience na ba ang mga sinasabi nila? Ba't humuhugot na sila? Ang lalalim, eh.

Humakbang si Zyle palapit, umatras naman si Keziah.

Ngumiti si Zyle at bumuntong-hininga. "You're wrong, Kez..." mababang sambit niya. Pinipilit niyang itago sa himig niya na nasasaktan siya. "You'll never understand how Xyrus really feels. You'll never understand 'coz you're not the one who's chasing the person you love yet you can't get the love you wanna have. You'll never understand 'coz you're not the one who's setting aside your pride just to make that word love to work, yet you always failed 'coz that person keeps running away from you. 'Tapos sasabihin mo na palagi kaming nanghihimasok sa mga problema n'yo? Hindi n'yo rin ba naiisip na pinaghirapan namin iyon bago kami makarating doon dahil sa kakatakbo n'yo? Hindi naman kami ang madalas na tumatakas sa problema, pati rin naman kayo. Hindi lang naman kayo ang nasasaktan dito, nasasaktan din kami... katulad n'yo."

Nagvivideo si Dew at nakatutok ito sa kanila. Adik talaga siya sa camera. Suportado naman siya ni Serg at Cyclone sa ginagawa. May balak yata silang pagtripan si Zyle pagkatapos ng gabing 'to.

"You'll never understand how Angel feels too," ani naman ni Kez. Kaya muling nabalik sa kanila ang atensiyon ko. Magsasalita pa sana siya nang itaas ni Zyle ang kanang kamay.

"Yes. I'll never understand her. Hinding-hindi ko talaga maiintindahan kung bakit inilalayo niya ang sarili sa taong nagmamahal sa kanya nang sobra. Hindi ko talaga maiintindihan kung bakit ang unfair niya, na kahit isang dahilan wala siyang masabi kay Xyrus kung ba't niya iyon ginagawa—"

"Dahil may mga bagay na mahirap ipaintindi, lalo na sa taong kahit ano'ng pigil mo at sabi na hindi pwede ay patuloy pa ring lumalapit sa'yo. May mga bagay na dapat itago na lang na sekreto lalo na kung alam mong makakasakit lang 'to ng ibang tao—"

"You're not pertaining to them, aren't you? You're now... talking about us—"

"There's no us,"

"O-Okay... I get it now, so I don't wanna talk to you... anymore." Nanlaki ang mga mata ni Kez nang umatras si Zyle. Kahit ako ay nagulat. "You already put yourself in Angel's shoe, so maybe now you know that you don't want any of your friends to help you. But, I don't care if you help them. Go! You've never changed at all, Kez. Ikaw pa rin 'yong Keziah na nakilala ko na palaging inuuna ang ibang tao. 'Yon 'yung isa sa mga minahal ko sa'yo pero, pwede ba, isipin mo naman ang sarili mo." Napayuko si Kez, alam kong wala na siyang maisip na sasabihin.

Sa lahat ng itinuro sa 'kin ni Tita Brenda, ang dami kong natutunan. Pakiramdam ko nga ang mature ko nang mag-isip.

Pero pagdating sa salitang pag-ibig na 'yan, hindi ko pa rin alam.

Kaso, sa mga oras na 'to, may napagtanto ako, na iisa lang ang konsepto ng pag-ibig. Ang kaibahan lang ay kung paano natin ihahandle ang konseptong ito.

Nang dahil sa nangyari kay Kuya Xyrus at Angel kanina, at kay na Zyle at Keziah ngayon, sa tingin ko, magagawa ko nang harapin si Grant.

"I loved you... and I still do, but you never believed me. I ain't Xyrus. I don't wanna be like him, and you already moved on, so what's the point of fighting?" Tipid na ngumiti si Zyle, pero pilit na pilit iyon.

Nanatili namang nakayuko si Kez at nilalaro ang mga daliri.

"Ala-una na kaya hindi ko na kaarawan. Ba't ko ba inaantay na batiin mo ako, eh hindi na rin naman tayo. Iba ang noon sa ngayon. So, I guess, I'll just greet myself... "Happy Birthday, Zyle." Heck! Just forget it." Inilagay niya ang mga daliri sa pagitan ng kanyang mga mata. "Forget all of these. Forget us."

Tatalikod na siya, kaso bigla na lang sumulpot sa likod niya si Cyclone. Gano'n din si Serg sa likod ni Kez at itinulak ang mga 'to palapit sa isa't isa.

Nagulat sila at nagkabungguan. Aalalayan pa sana ni Zyle si Kez, ngunit na-out of balance sila at sabay na nahulog sa pool.

Akala ko magmumura si Zyle at pagagalitan sina Cy at Serg, sa halip napamaang na lang ako sa namutawi sa bibig niya.

"Are you okay?" Hinawakan niya ang mukha ni Kez at marahang hinaplos. Hinawi niya pa ang iilang hibla ng buhok nito.

Tinabig ni Kez ang kamay niya. "Do I look... I'm okay?"

Tinitigan niya ito nang matagal at nagkibit-balikat. "Sorry... I cared." Tumalikod siya, ngunit hinila siya nito pabalik at niyakap nang mahigpit.

Hindi ko napigilan ang mapangiti. High school pa lang kasi kinikilig na ako sa kanila. 'Yong ibang kasama ko naman panay ang kantiyaw ng... "Kiss!"

May sumigaw pa ng... "Pucha! Momol na. Ang dami n'yong arte!"

"Ang dadrama n'yo. Ba't ba nagbreak pa kayo?"

Hindi ko na alam kung sino ang nagsabi nun kasi napuno na ng kantiyawan ang pool.

Doon na ako napatayo para magpalit ng damit. Tinawagan ko sina Kuya Xyrus at Angel, kaso parehas silang unattended.

"Xhai?" Napakurap ako. Saka ko lang napagtuonan ng pansin si Vlaire na nagtatakang nakatitig sa 'kin. Nawala ako sa sarili saglit. 'Di ko siya napansin. Nakatwo-piece pa rin siya na napapatungan ng robe.

Niluwagan ko ang pagkakaawang ng pinto. Sumilip ako sa kinaroroonan ng pool at nandoon pa rin sila. Sina Shantal at Cylone naman ang napagdiskitahan para tuksuhin. Mga loko-loko talaga.

"Upo ka," suhestiyon ko kay Vlaire dahil nanatili siyang nakatayo.

Umupo siya katapat ng mesa at umupo ako kasalungat niya. Hindi ko alam kung matutuwa ako na nandito siya.

Pumikit siya, humugot ng hininga, bago tumingin sa'kin. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy, Xhai, gusto ko lang na humingi ng paumanhin."

Tumaas ang isang kilay ko at napansin niya iyon.

"I mean it, I'm so sorry for everything..." Hinawakan niya ang kanang kamay ko na nakapatong sa mesa. "Alam ko na hindi mo ako mapapatawad sa ngayon. Hindi nga ako sigurado kung mapapatawad mo pa ako. Hindi naman kasi iyon gano'n kadali, lalo na sa mga nagawa ko sa inyo ni Grant." Muli siyang yumuko para itago ang mukha sa'kin.

Napabuga ako ng hangin. Nandito siya para humingi ng tawad, pero sa kanya na rin mismo nanggaling na hindi iyon gano'n kadali. Nakikita ko naman na sinsero siya at pinagsisisihan niya ang nagawa.

Last December pa iyon at August na ngayon. Matagal na, pero kasi sariwa pa. Kahit naman siguro sino ay masasaktan 'pag nalaman mo na may nagtangka sa buhay ng taong mahal mo, at ang masaklap pa nito ay kakilala mo.

Ni wala kang kaide-ideya kung ba't niya iyon ginawa. 'Tapos bigla na lang siyang lalapit sa'yo para humingi ng tawad?

"I'm so sorry..." Napasubsob siya sa mesa, nanginginig ang balikat. Napatayo ako nang marinig ang kanyang pag-iyak. "H-Hindi ko kasi alam kung paano ako hihingi ng tawad sa'yo, Xhai. Kung ano ba dapat ang sabihin ko para mapatawad mo ako, pero kung hindi mo man ako mapapatawad sa ngayon, sana sa takdang panahon."

Tumabi ako sa kanya at niyakap siya. Mahirap kalimutan ang ginawa niya. Hindi naman iyon mawawala at mananatili na lang na isang memorya. Pero, alam ko na mapapatawad ko rin siya.

Humihingi na siya ng tawad ngayon, kaya bakit hindi pa rin ngayon?

"It's okay, Vlaire."

Mas lalo siyang naiyak sa sinabi ko. Hinimas ko ang kanyang likod. Nobody knows what will happen in the future. Just do it today if you have plans to do it someday.

"You know what, kinaiinggitan kita kasi ang swerte-swerte mo. Maraming nagmamahal sa'yo, kahit 'yong taong pinapangarap kong maging akin ay iyong-iyo. Hindi na ako nagtataka ngayon, kasi... ang bait-bait mo."

Hindi ko nagawa ang sumagot. Ako maswerteng tao? Maswerte ba talaga ako?

No... I'm not.

"N-Naalala mo ba 'yong matandang babae na nakausap mo n'ong nasa Trese kayo? 'Yung bago mangyari ang insidenteng iyon sa Isla de Carpio?" naguluhan na lang ako kung ba't niya biglang natanong ang bagay na iyon. Naaalala ko ang matandang iyon. Sino ba ang makakalimutan doon? Nakakatakot. Nakakakilabot. "Uhm... kasi... I hired her to--"

"Vlaire..." Napalakas ang boses ko. Napapiksi naman siya nang bigla kong ibinagsak ang mga palad sa mesa at tumayo.

"I know... I know, Xhai. I'm so sorry but... believe me, it was just a prank—"

"Prank?"

Napabuga siya ng hangin. "Uhm... forget it. You'll never believe it, anyway." Nilaro niya ang dulo ng buhok sa kanyang mga daliri. "Okay lang sa'kin kung hindi mo ako mapapatawad. I know, I don't deserve it. Lalo na sa mga nagawa kong kabaliwan sa'yo noon pa man. But, please, just this time, believe me that I'm really sorry."

Muli akong napaupo. Palagi nga siyang gumagawa ng kung ano-ano para saktan ako. Hindi ko naman iyon pinapansin kasi hindi ko alam kung ba't niya iyon ginagawa. Nasanay lang siguro ako. Pero hindi ko akalain na aabot sa ganito.

Bumalot ang mahabang katahimikan sa'min. Wala akong masabi. Nakatitig ako sa kanya. Nakayuko lang siya.

"You know that I love Brix." I know that. Pero nanatili akong tahimik. "But, he loves you... so much." I know that too. "Caleigh loves Ryder."

Nagpanting ang tainga ko at hindi napigilan ang panlalaki ng mga mata. "W-What...? R-Really?"

Mukhang nagulat din siya sa nasabi. Napapunas siya sa mukha at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"No! Don't tell me, I just blurted it out? Xhai, please... no one knows Caleigh's secret except me. Pwede bang sa'tin na lang 'to? Siguradong papatayin ako ni Leigh 'pag—"

Bigla akong napangisi kaya natigilan siya. Naningkit ang mga matang tumitig siya sa 'kin. Nagtataka siguro kung bakit ako nakangiti. "At walang alam si Green?"

Napatayo siya, nagtataka pa rin sa inaakto ko. Itong si Vlaire mararamdaman mo talagang may gusto kay Brix.

Si Caleigh, hindi mo talaga mahahalata. Iniisip ko noon pa kung sino ang gusto niya. Masyado kasing malihim at hindi nagpapaligaw.

As in never! 'Tapos si Green lang pala ang gusto niya? 'Langya! Si Green? I can't believe it.

Yari ka ngayon sa 'kin, green-minded jerk!

"You're not gonna tell anyone." Hindi ako nagsalita. "Xhai, please...?"

Ngumiti ako. "I won't!" but I can't promise that.

Bigla niya akong niyakap. "Thank you... thank you, kahit alam kong hindi mo pa ako napapatawad nang buong-buo, pero salamat talaga kasi hindi mo isinasara ang puso mo."

Paano ba isarado ang puso? Gusto ko sanang magbiro, kaso baka 'di siya matawa. Nakakahiya!

Gumanti ako ng yakap at hinimas ang kanyang likod. Alam ko na marami akong problema at hangga't nabubuhay ako ay may darating pa. Pero ang gaan ng pakiramdam ko ngayon.

Masarap pala sa pakiramdam 'yung nagpapatawad ka. 'Yung okay na kayo ng taong gusto mong makalapit noon pa.

Hinalikan ako ni Vlaire sa magkabilang pisngi. Pinunasan niya ang mukha at inayos ang sarili. Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko.

Ilalakad ko talaga ang babaeng 'to sa best friend ko.

"You're a strong woman, Xhai. Kaya alam ko na kahit ano man ang problema mo, kakayanin mo. Aja! At kung ano pa man ang darating, sipain at suntukin mo. Fight! Fight! Fight!" Itinaas niya ang kanang kamao hanggang tapat ng dibdib at tumalon. Umikot pa siya at itinaas naman ang kaliwang kamao. "Fight! Kapag nakauwi ka na, usap tayo, ha?" Natawa na lang ako bigla.

Ngayon ko lang nalaman. Baliwag din pala ang isang 'to.

Umayos siya ng tayo at nagseryoso. "Alam ko rin na gusto mong malaman kung bakit nagawa ko 'yun sa inyo. Honestly, Xhai, I wanted to tell you but it was all about selfishness. I'm a self-centered bitch. Hindi ko pa malalaman na sobra na pala akong makasarili kung hindi pa ako kinausap ni Grant para ipamukha sa 'kin iyon."

Hindi ako sigurado pero mukhang ang dami pa niyang gustong sabihin sa'kin. Mahahalata sa aura niya na may kulang pa sa mga sinasabi niya. May mali. Pero baka guni-guni ko lang.

Ang dami kong gustong itanong, kaso ginulo niya ulit ang buhok ko at bahagyang ngumiti. "I don't wanna talk about it anymore, Xhai." Marahan akong tumango. Mahirap din para sa kanya 'to.

Regrets. Shame. Guilt.

Naranasan ko na rin ang mga 'yun at hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin sa oras na naiisip si Xyrene. Lalo na ang nagawa ko kay Lexy. Mahirap harapin ang gano'ng emosyon.

"All I can say is: Grant loves you. He really does."

*.*.*.*.*.*

KINABUKASAN AY maaga akong bumangon kahit na wala pa talaga akong tulog dahil sa madramang birthday party ni Zyle. Isa pa, hindi nawala sa isip ko ang huling sinabi ni Vlaire.

Is it true?

Mahal ako ni Grant?

Maaga rin dumating si Tita Brenda para kausapin ako. Ni hindi pa nga ako nakakapaghilamos. Naconscious tuloy ako bigla sa itsura ko.

Kaharap ko siya ngayon dito sa loob ng kwarto, kung saan palagi niya naman talaga akong kinakausap. Ngayon lang napaaga nang husto. Wala pa yatang alas siyete at umiikot pa ang paningin ko.

Wala nga sina Green at Brix, malamang na tulog na tulog ang mga iyon ngayon. Nagsleep-over naman ang iba dahil mga nakainom at tinatamad nang umuwi.

Si Angel, matapos ang nangyari, hindi talaga niya magagawa ang pumunta rito. Nababahala pa rin ako kung ano ng nangyayari sa kanila ni Kuya Xyrus.

"Xhai, I have a news for you," excited na usal ni Tita Brenda, hawak-hawak ang kamay ko at malapad ang ngiti niya.

Hindi ko tuloy alam kung ngingiti rin ba ako kasi bigla na lang bumilis ang tahip ng dibdib ko. Hindi naman siguro bad news dahil nakangiti siya, 'di ba?

"You're going out!"

"P-Po?" Wala na yatang ididilat ang mga mata ko. Halos mabingi ako sa sinabi niya.

"This time, I'm not kidding; you're going out... today!"

*.*.*.*.*.*

PAPAIDLIP PA lang ako sa loob ng sasakyan ni Tita Brenda. Pinahatid niya ako sa kanilang driver, si Mang Lito, dahil natutulog pa 'yong mga tao sa bahay nila. Ayaw ko namang mang-istorbo na at gustong-gusto ko nang umuwi.

Bigla na lang kaming huminto, 'yung full-break, kaya nawala ang antok ko dahil halos tumilapon ang kaluluwa ko. Mabuti na lang nakaseatbelt ako.

"M-Ma'am, sorry ho, ayos lang ba kayo?" Wala sa sariling napatango ako kay Mang Lito. Namumutla siya. Wala naman akong kaalam-alam kung ano'ng nangyari.

Napansin ko ang pulang sasakyan sa aming harapan. Saka lang pumasok sa isip ko na may kamuntik na kaming makabanggaan. Kakalabas ko pa nga lang, mapupunta na yata agad ako sa huling hantungan.

Wala namang gaanong sasakyan sa paligid. Hindi naman kasi main road itong dinaanan namin. Nasa intersection kami ng dalawang kanto, makitid ang kalsada, at may mga building sa magkabilaang gilid. Delikado talaga ang mga ganito.

Hindi ko matukoy kung kami ba ang may kasalanan o 'yong nagmamaneho sa kabilang sasakyan.

Napahawak ako sa ulo dahil nahihilo talaga ako. Naalog yata ang aking utak at wala pa ako sa sariling katinuan.

Bumukas ang pinto sa driver's seat, kakausapin siguro ni manong 'yong driver ng pulang kotse. Tinted ang salamin nito, gano'n din ang sa 'min.

Maya-maya ay nagpasya rin akong lumabas para makasagap ng sariwang hangin. Ngayon lang nagsink-in sa utak ko na muntik na talaga akong mamatay. Napasandal ako sa may pinto at bumuntong-hininga. May kalakasan ang ihip ng hangin at nililipad nito ang buhok ko.

"Heather...?"

Napatuwid ako ng tayo nang marinig ang boses na iyon. Hindi ko nabilang kung ilang beses akong lumunok. Napahawak ako sa dibdib, ramdam ko ang agarang pagbilis na tibok na puso ko. Hindi ko mawari kung nililinlang lang ba ako ng pandinig ko.

Unti-unti akong pumihit paharap hanggang... sa makita ko – siya!

Grant!

--

Tweet me on twitter --> @chiXnita

#IAR #InaREALationSHIT

Click the ☆ button.

Continue Reading

You'll Also Like

36.5K 342 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
25.6M 304K 72
Now a published book under Summit Media. Php 195.00. English. Available in all bookstores nationwide. :) 3W8L Book 2 is divided into two parts, so th...
8.1M 523K 59
Cardinal Series 1 Soul Trilogy (Book 1) *** "Whatever it takes..." I was as good as dead that night. But strangely, I woke up the next day without an...
11.7K 305 8
What's meant to be will always find a way