In a REALationSHIT (Trese Ser...

By chiXnita

7.9M 231K 35.7K

[ #TRESEseries No. 1 ] All I want is a REALationship not a relationSHIT. -- Book cover by @ArkiSTEPH More

In a REALationSHIT
IAR [1]
IAR [2]
IAR [2.5]
IAR [3]
IAR [4]
IAR [4.5]
IAR [5]
IAR [6]
IAR [7]
IAR [8]
IAR [9]
IAR [9.5]
IAR [10]
IAR [10.5]
IAR [11]
IAR [12]
IAR [13]
IAR [13.5]
IAR [14]
IAR [14.5] - Silver
IAR [15]
IAR [16]
IAR [17]
IAR [17.5]
IAR [18]
IAR [19]
IAR [19.5]
IAR [20]
IAR [20.5]
IAR [20.75]
IAR [21]
IAR [22]
IAR [22.25]
IAR [22.5]
IAR [22.75]
IAR [23]
IAR [23.5]
IAR [24]
IAR [25]
IAR [25.5]
IAR [26]
IAR [27]
IAR [27.5]
IAR [28]- Green Ryder Loriete
IAR [29]
IAR [29.5]
IAR [30] - Silver
IAR [31]
IAR [32]
IAR [33] - Grant Turner Loriete
IAR [33.5] - Grant Turner Loriete
IAR [34]
IAR [35]
IAR [36]
IAR [37.5]
IAR [38]
IAR [39]
IAR [40]
IAR [41]
IAR [41.5]
IAR [42]
IAR [43]
IAR [43.5]
IAR [44]
IAR [45] - Brix Vincent Flores (Part 1)
IAR [45.5] - Brix Vincent Flores (Part 2)
IAR [46]
IAR [47]
IAR [48]
IAR [49]
IAR [49.5] - Original Plan
IAR [50]
IAR [50.5] - A Blessing or A Lesson
IAR [51]
IAR [51.5] - GRAB-X Plan
IAR [52]
IAR [53]
IAR [54]
Final Chapter - IAR
Epilogue
BONUS Chapter
Bonus Chapter - Self-reflection
SOON TO BE PUBLISHED (PSICOM)

IAR [37]

66.4K 2.3K 545
By chiXnita

Copyright © chiXnita

APAT NA buwan at limang araw na magmula nang tumira ako rito kay na Brix. Hindi ko namalayan ang pagdaan ng mga araw dahil sadyang mabilis. Isang buwan na lang, makakalabas na rin ako.

Ang daming nangyari.

Maraming mga activities na pinapagawa sa 'kin si Tita Brenda. Marami na rin yatang nagbago sa'kin. Hindi ko naman matukoy kung ano-ano ang mga iyon.

Ang alam ko lang masaya ako.

Pumupunta rin kami ng mga bahay-ampunan. Ang dami kong natutunan sa kanila. Kung tutuusin, ang lahat ng mga pinagdaanan ko'y walang-wala kumpara sa mga buhay ng mga batang iyon. Marami akong narealize. Akala ko ako na ang pinakamalas na tao sa mundo.

Maswerte pa pala ako.

Dumaan na ang kaarawan ni Cyclone n'ong April 3. Kay Dew n'ong May 5. Gano'n din ang kay Brix nung nakaraang buwan lang... June 8, na nagkaroon ng konting pagsasalo para sa'min lang.

Ngayon naman, August 10 na at ang may kaarawan ay ang pinakamayaman sa'ming magkakaibigan, si Zyle.

Mamayang gabi pupunta rito ang Hot Dogs at Sexy Chicks. P'wede naman silang magpaparty sa ibang lugar. Pero ayun sa kanila gusto nila akong makasama.

Natuwa naman ako. Pakiramdam ko tuloy ako ang may birthday. Loko talaga si Zyle, ang bait-bait. Deserve na deserve talaga niya'ng maging leader ng HD.

Hindi ko alam kung sasama rin si Grant, pero sana pumunta siya kahit hindi ko alam kung paano haharap sa kanya. Nasasanay na ako na hindi siya nakakasama o kahit na ang makita, pero namimiss ko na talaga siya.

Ngumiti ako sa camera ng laptop ko bago pinatay ang video. Walang internet connection dahil hindi ako pinapayagan ni tita na maglog-in sa mga social networking sites.

Baka maisipan ko raw na halungkatin sa net ang mga nangyayari kay Grant. Kaya naman naisipan ko na lang na gumawa ng video para sa kanya. Araw-araw ko 'to ginagawa.

Alam 'to ni tita at wala akong ideya kung ba't hindi niya ako pinipigilan gawin ito.

Sinasabi ko ang lahat ng gusto kong sabihin. Gumagaan kasi ang pakiramdam ko kapag ginagawa 'to. May mga kaengotan din akong ginawa. Ibibigay ko 'to sa kanya 'pag nagkita kami, kung magagawa ko nga. Nakakahiya kasi mga pinaggagawa ko.

Tumayo na ako mula sa kama at shinut-down ang laptop. Nakaligo na ako at nakapag-ayos ng sarili. Pambahay lang din ang suot ko. Mamaya pa naman ang party at night swimming lang naman 'yun dito sa pool nina Brix. Isa pa, kami-kami lang ngunit hindi ako mapakali.

Paano nga kung pumunta si Grant? Hindi pa yata ako ready.

Bumuntong-hininga ako at nagpalakad-lakad sa loob ng silid. Panay rin ang laro ko sa mga daliri. Marami na akong natutunan at kaya ko na rin i-handle ang sarili 'pag nasa harapan ng ibang lalaki.

Kaso, sadyang nababahala pa rin ako sa tuwing naiisip na si Grant na 'yong nasa tabi ko.

Paano kung bumuhos na naman ang aking nararamdaman sa oras na siya ay masilayan?

Paano kung sa sobrang pagkamiss ko sa kanya ay agad akong tumakbo palapit sa kanya, para salubungin siya ng yakap at halik?

Paano kung hindi ko napigilan ang umiyak?

Paniguradong uulitin ni tita ang therapy. Ayoko na!

Tama na ang isa. Ayoko nang dagdagan ng limang buwan pa. Kaso, malalaman ko lang kung may nagbago nga sa'kin sa oras na magkita ulit kami ni Grant.

Napasulyap ako sa wall clock at 12:03 PM na. Binuksan ko ang pinto at tumambad sa'kin sina Brix at Green.

Nakapamulsa si Brix at nginitian ako, kakatapos lang yata niyang maligo dahil medyo basa pa ang buhok. Hindi naman mahilig sa mga kung ano-anong nilalagay sa buhok ang lalakeng 'to. As usual, nakaputing T-shirt siya.

Samantalang si Green ay nakasandal sa pader malapit sa may pinto. Nakapink naman siya. Ang hilig ng ipis 'to sa random colors. Kung ano lang siguro ang mahablot sa cabinet ay 'yun ang susuotin.

"Where's Gel?" takang tanong ko dahil kanina pa yata sila nandito sa labas. Sinipat ko ang paligid pero walang aura ni Gel.

Nasaan ang babaeng 'yon?

"She's not-"

"Wala!" aburidong sagot ni Green, nakisingit kay Brix. Bastusan!

Problema na naman ng ugok na 'to? At ba't magkasama sila? May himala?

Sina Brix at Grant magkaibigan dahil sila talaga ang malapit sa isa't isa sa buong HD. Pero 'tong dalawang 'to, bata pa lang hindi na nagkakasundo. Nagtataka nga ako kung bakit ang tibay pa rin ng samahan ng HD, eh.

Tinampal ko ang noo ni Green. Napapiksi siya at tiningnan ako nang masama. Inayos niya pa ang kanyang buhok na hindi ko naman nahawakan. Ang arte!

"Umayos ka!" Pinandilatan ko siya. Nagagawa ko nang saktan ang tukmol na 'to, simula nung nagkalapit kami. Natutuwa nga ako, kasi kung siya 'yong mang-asar walang patawad, pero napakapikon naman.

Napangiwi ako nang pitikin niya ang noo ko. Aba! Gaganti na ako kaso bigla siyang nagsalita, "Nang sumama ka kay Angel naging mapanakit ka. Nang sumama ka kay Brix naging slow ka! Subukan mo naman kayang sumama sa'kin, nang maging akin ka!" walang prenong usal niya, seryoso pa ang mukha.

Nalaglag naman ang panga ko, pero agad din namang nakabawi dahil nasanay na ako. At hanggang ngayon hindi pa rin siya tumitigil sa kakabanat na wala namang kakwenta-kwenta.

Kasalanan talaga 'to nung dalawang estudyante, eh.

Grabe! Dalawang buwan na ang nakalipas... bumabanat pa rin siya?

Sasagot na ako nang unahan ako ni Brix. Binatukan niya pa si Green, kulang na lang tumilapon 'yong ulo ni Green dahil narinig ko talagang tumunog ang leeg niya. Hindi ko napigilan ang humalakhak. Napasambit naman si Green nang malutong na 'Fuck'.

"Gago! Hindi ako slow, sadyang gwapo lang," ani Brix. Tumawa lalo ako nang napanganga si Green. Kumindat naman sa 'kin si Brix.

Hindi na ulit kami awkward sa isa't isa. Nakakatuwa na bumalik na kami sa dati. Best buddies.

'Yan naman talaga ang totoong Brix, tatahimik-tahimik lang, pero sa loob-loob ay may tinatagong kalokohan.

Kaya nga nagkakasundo kaming tatlo ni Gel, eh. Magkakaiba ugali namin, pero hindi kami kumpleto 'pag wala ang isa.

Naku Green! May diaper pa 'ko, close ko na ang lalaking 'to.

Mas kilala ko siya kaysa sa 'yo.

Mas kilala ko siya kaysa sa inaakala mo.

He's my best friend and he'll forever be my guy best friend.

Kahit nandiyan si Grant, si Brix pa rin ang pipiliin ko para maging matalik na kaibigan. May pagkakataon kasi na siya lang ang nakakaintindi sa 'kin na hindi maintindihan ng ibang tao kahit ng aking mga magulang.

"Gagohin mo si Pinocchio, mas gwapo ako sa 'yo," hindi naman nagpatalo si Green.

Kailan nga ba nagpatalo ang ipis na 'yan? Sasabog na yata siya sa sobrang pamumula ng mukha, pati gilid ng tainga.

Pasimpleng siniko ko si Brix dahil may naiisip akong kalokohan. Gusto ko talagang pinipikon 'tong si Green. Pambawi lang doon sa mga pang-aasar niya sa 'kin.

Uso kaya ngayon ang salitang - revenge!

Lumapit naman si Brix at inakbayan ako. Kinabig niya pa ako palapit sa kanya at ipinatong ang baba sa balikat ko.

Ngumiti ako kay Green kahit nakatitig siya nang matalim sa 'kin. "Naman, Green, mas gwapo si Brix sa'yo kahit saang anggulo," pang-aalaska ko.

Sinipat ko pa ang mukha niya at umiling. Dumilim lalo ang aura niya. Pigil na pigil ko naman ang tawanin. Nasiko ko tuloy ulit si Brix dahil bigla siyang tumawa.

"Pero gwapo ka naman, eh." Inilagay ko sa tapat ng bibig ang aking hintuturo at tinap ito ng ilang beses. Pinasadahan ko ang kanyang buong kabuoan. "Gwapo!" Ang hirap magtago ng sarcastic tone.

"Talaga?" bahagyang umaliwalas ang mukha niya, pero naroroon pa rin ang pagdududa sa kanyang mga mata. Panandalian lang iyon dahil mas lalo pa itong dumilim matapos ng sinabi ko.

"Oo naman! Ang gwapo mo, 'yun nga lang parang password ang iyong kagwapuhan dahil ikaw lang ang nakakaalam." Wala na yatang ibubuka ang bunganga niya.

Si Brix naman ang lakas ng tawa. Itinaas niya ang kanang kamay at nakipag-highfive ako sa kanya. Si Green? Ayan oh! Mukhang ililibing na bukas sa sobrang pamumula at pagkatulala.

"Don't laugh, idiot!" asik niya kay Brix nang makabawi. "Paano ka magiging g'wapo kung kahit isang punch line wala kang alam?"

Nanlaki ang mga mata ko at napaangat ng tingin kay Brix. Unti-unting gumagalaw ang labi niya pataas hanggang sa mapangisi siya. Napasapo ako sa noo at minasahe ang gilid ng ulo. Patay ka talaga Green!

Si Brix pa talaga ang hinamon mo sa "punch lines"? Gusto mo yata talaga'ng napapahiya.

"Did you know, Xhai?" baling ni Brix sa'kin.

Nagniningning ang mga mata niya sa pagpipigil ng tawa. Malapad ang ngisi niya habang panay ang taas-baba ng mga kilay niya. Ang sarap tuloy pisilin sa pisngi. Nanggigigil ako. Mas lalo talaga siyang gumagwapo 'pag inilalabas niya 'yong ganitong side niya.

"What, B...?" nakisama naman ako. Pinisil ko ang kanyang pisngi, kumurap-kurap at pinagpout ang mga labi. Nakikita ko sa sulok ng mata si Green na halos umusok ang bunbunan sa pagkairita. Nakakatuwa talaga ang mga reaksiyon niya, panalong-panalo sa 'min... lalo na sa 'kin.

"I know that I'm not A not even C or rather G, because all I know is that we're meant to B."

"Boom!" sigaw ko, may kasama pang kumpas sa ere, pagkasambit ni Brix. Tumawa siya. Hindi naman maipinta ang mukha nung isa.

Oh, ano? Kakasa pa?

Hinila ko na si Brix palayo. Malapit na kasing bumuga ng apoy si Green. Ang sama talaga ng titig niya sa 'min. Nakalayo na kami, pero nakatayo pa rin siya sa tapat ng pinto, kuyom ang mga kamao.

Malapit na rin siyang maging boksingero. Siya na lang kaya ilaban kay Mayweather, baka sakaling manalo?

Napakamot na lang ako sa ulo. Muli ko siyang nilapitan at hinila palapit kay Brix. "Magpakabait ka na, ha?" sita ko sa kanya na parang ina, pero kinakagat pa rin ang ibabang labi para pigilan ang matawa. "Isa pa, 'wag na nga kayong mag-away, birthday ni Zyle."

Sinimangutan ako ni Green. "Ba't may nakasabit diyan sa buhok mo? Ang pangit. 'Di bagay sa 'yo."

Napahawak ako sa buhok ko. "Hairclip? Ikaw pa nga nagbigay nito sa 'kin nung birthday ko, 'di ba?"

"Ako nagbigay?" Nagsalubong ang mga kilay niya.

Kumunot naman noo ko. "Oo. 'Di ba, si Silver?"

Natigilan siya. "A-Ahh... oo."

Inakbayan kaming dawala ni Brix. "Sino ba'ng Silver na 'yan? Ilang buwan na... pero wala pa rin akong maintindihan. May tinatago ka ba sa 'kin, Xhai?" Nagtatampo ang boses ni Brix.

Kinurot ko siya't nginitian. Pero hindi mawala sa isip ko ang naging reaksiyon ni Green.

*.*.*.*.*.*

UNANG DUMATING ang magkapatid na sina Cyclone at Irish, kasama si Denice, pero wala ang kuya nito at birthday celebrant na si Zyle, baka mamaya pa. Inatupag ni Cyclone ang mga alak, as usual, tumulong naman kaming lahat sa pag-asikaso ng sound system at mga pagkain na homemade.

Hindi na umalis si Green at Brix sa tabi ko, kahit panay pa rin ang pagtatapunan nila ng matatalim na tingin sa isa't isa. Hindi na ako magtataka kung magkadevelopan ang dalawang 'to. Magulat na lang kami, sa sunod na buwan, nakahanda na ang diamond wedding rings. Kaso, hindi ko sila gaanong mapagtuonan ng pansin dahil panay ang tanong ko sa isip kung pupunta ba si Grant. Hindi ako mapakali.

Umupo si Brix sa tabi ko, sa bench, sa tapat ng pool. Hinihintay lang namin 'yong iba na dumating. Hindi talaga maiwasan ang mga late. Eight-thirty ang usapan, pero lagpas nine o' clock na, wala pa rin sila. Pinisil niya ang pisngi ko. "Relax!" Ngumiti lang ako at ginantihan siya ng pisil sa ilong nang mas malakas, hanggang sa mamula ang tuktok nito. Napapitlag siya. Tumawa lang ako.

"Good evening, Gals and Fellas! Where is the ugly celebrant?" Sumulpot si Jerson sa harapan namin. Nakataas ang isang kamay na nakakuyom habang iginagala ang paningin sa paligid. Nasa likuran niya ang nakangising si Dew at seryosong si Serg na maya-maya ay nagkatitigan at nagsinyasan. Kararating lang nila. Palagi talagang magkasama ang tatlong 'to.

Maya-maya lang ay pasimpleng lumapit si Serg at Dew kay Jerson. Sabay nilang ipinulupot ang mga braso sa magkabilang binti nito, at walang pasabing binuhat. Napamura si Jerson nang kung ano-anong malulutong na English words. Nagpupumiglas siya at binabatukan 'yong dalawa, kaso wala ring epekto ang mga 'yun. Kailan ba nanalo ang isa laban sa dalawa? Maliban na lang kung kasing lakas ni Jerson si Samson.

Binalot ng halakhakan ang buong hardin nang ihagis nila si Jerson sa pool, na may pitong talampakan ang pinakamalalim at 'yung sa bandang pinagbagsakan nito ay limang talampakan lamang. Siguradong masakit ang paa nito ngayon dahil matangkad ito.

'Yong dalawang loko-loko ay nagfist-bump at pinagbump din ang mga puwet. Napatakip ako sa mukha dahil sa kakatawa. Mga adik! Itong si Serg may pagkabaliw din minsan, eh; minsan nga lang.

Nakakamiss 'yung ganitong tagpo. Huling swimming namin na magkakasama ay may katagalan na. Sa Boracay pa yata 'yun o 'yung nasa Trese kami. Hindi ko na maalala.

"Damn you, assholes! I'll fuckin' kill you!" Lumangoy si Jerson para umahon. Ipinangtukod niya ang dalawang kamay sa magaspang na sahig at binuhat ang sarili. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa, wala pa ring tigil sa kakamura. "Shit! Georgie's number is here, Serg! Dew!" gigil na gigil niyang hinabol ang mga ito. Hindi naman magkandaugaga 'yong mga adik sa pagtakbo.

Natigilan naman ako. "Who's Georgie?" sabay na tanong namin ni Brix. Nagkatitigan kami at kalaunan ay nagkibit-balikat dahil hindi talaga namin iyon kilala.

"You have Eona's number?" maang na tanong ni Dew. Panay pa rin ang habulan nila paikot sa pool. Naka-ilang round na sila. Hindi yata swimming ang pinunta nila rito, kung hindi fun run o baka temple run. Kaso, 'di naman bagay na maging gorilla si Jerson. Napangiti ako sa naisip.

"I thought you don't like her? So, what's the big deal?" ani naman ni Serg, pasimpleng lumayo sa dalawa dahil si Dew na lang ang hinahabol ni Jerson. Ito yata ang mastermind.

"Of course, I don't like her. I just wanna fück her, so I need her number!" madiin na tanggi ni Jerson.

"'Di nga...?" sabay na pang-aalaska nung dalawa.

Kasabay rin nila ang pagsambit ni Irish at Denice, sa kabilang panig ng pool, ng, "Jerk-son!" Nakapameywang sila. Katabi si Cyclone na tinitikman ang ginagawang cocktail. Walang pakialam sa paligid. Wala yatang sa mood. Kanina pa 'yan walang kibo, eh.

"By the way, who's Georgie? I didn't hear anything about her or even her name before," dagdag pa ni Irish.

"And who's Yonna?" Nanlalaki ang matang singit ni Denice. "Jeez! You want to fück a Girls Generation member? My God!" Tinutop niya ang bibig at tumili. Natampal tuloy siya ni Irish.

"Girls Generation?" naguguluhang tanong ni Cyclone sa dalawa, sa wakas nagsalita rin siya.

Napailing na lang ako dahil wala na akong maintindihan sa pinag-uusapan. Nakakabangag talagang kasama ang mga 'to. Dinaig ko pa ang nakahithit. Tapos wala pa 'yong iba.

Naglakbay ang aking paningin at dumapo sa nakaupo at hubad barong si Green sa tapat ng mahabang mesa na may nakalagay na iba't ibang putahe ng pagkain. Katabi ang speaker at sound system na kasalukuyang "No Love" ni Lil Wayne ang pinapatugtog. May kagat-kagat siyang friend chicken at hawak na tempura. Masama rin ang tingin niya sa'kin. Kanina pa yata siya nakatitig nang ganyan. Inirapan ko siya, pero pasimpleng tumawa. Siguradong gutom na gutom na ang mukong. Inubusan kasi namin ni Brix kaninang pananghalian, ang sarap kasing pagtripan.

"Doon ka nga!" Nagulat ako nang bahagyang itinulak ni Brix si Serg palayo nang tumabi ito sa'min.

"Hindi ko aagawin si Xhai, dude. Kalma!" Kibit-balikat lang ni Serg.

"Will you please mind your own fuckin' business?" Muli kaming napabaling kay Jerson na tumigil na sa paghabol kay Dew. Umupo naman si Dew sa may stairs ng pool, hinihingal. Hindi pa pala tumitigil sina Irish at Denice sa kakatanong, natameme lang nung sumigaw si Jerson.

"Jerk-son!" Napairap na lang 'yong dalawa, tumalikod at kinulit si Cyclone.

"What is happening here?" Sumulpot sa tabi nila, mula sa isang pinto na konektado sa bahay nina Brix, si Caleigh, nagtatanong ang mga mata sa naabutang eksena. Kasabay niyang dumating ang nakakatandang kapatid na si Shantal at matalik na kaibigan na si Vlaire. Sakto namang pumalit ang tugtog sa kantang "Heart Attack" ni Demi Lovato.

Lumayo si Shantal sa kanila nang mapansin na nasa malapit lang si Cyclone. Hindi pa rin sila nagpapansinan? Si Vlaire naman ay ipinagsasawa ang mga mata sa buong paligid. Nakagat ko ang labi, hindi ko namalayan. Nakakaramdam pa rin ako ng inis at tampo sa kanyang ginawa. Wala pa rin akong maintindan. Puro katanungan pa rin ang aking isipan. Paano niya nagawa iyon para saktan si Grant?

Natuon bigla ang kanyang paningin sa'kin, pero hindi ko matukoy kung sa'kin ba talaga dahil mukhang sa katabi ko siya nakatingin. Umiwas naman agad siya ng tingin at tumabi kay Dew.

Napalingon naman ako kay Brix. "What can you say about Vlaire?" bulalas ko. Gusto kong malaman. Alam ko, halos naming lahat, na may gusto si Vlaire kay Brix. Itong lalake na 'to lang yata ang walang alam.

"Vlaire?" nagsalubong ang mga kilay na bumaling siya sa'kin.

"Yeah? Do you like her? I mean... not as a friend..." Napakamot ako sa ulo dahil sa mataman na titig niya. "Uhm-"

"You already knew the answer, Xhai," he interrupted me. Napalunok ako nang wala sa oras. Awkward! 'Yan lang ang naiisip kong salita na bagay sa atmosphere namin ngayon. Sana pala hindi na lang ako nagtanong. Napahimas siya sa batok at tipid na ngumiti. "Wait..." maya-maya ay usal niya, "Pupuntahan ko lang 'yong walang-hiya na umuubos ng pagkain." Hindi na ako nakasagot nang maglakad siya palapit kay Green.

Mga ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na rin si Zyle, hila-hila si Keziah na nakabusangot. Natigil kami sa mga ginagawa at itinuon ang buong atensiyon sa kanila. Babatiin na sana namin si Zyle, kaso naunahan niya kaming lahat na magsalita, "Let's get the party started!" matikas na anas niya at binuksan ang dalang champagne. Naghiyawan naman ang ibang kasama namin. Nakisigaw na rin ako. Pumailanlang sa paligid ang kantang "Dirty Dancer."

Naghubaran ng mga damit ang HD, boxers lang ang naiwan. Halos kumawala ang aking mga mata at malagutan ng hininga sa mga magagandang tanawin na nasisilayan. Ang mga loko! Mukhang nagpapaligsahan ng kanilang kakisigan. Damn, is all I can say in my dumbstruck mind! Literally, I'm speechless... and breathless. Their group name suited them, pretty well.

Hot Dogs, one word... Hot! Two words... Irrefutably hot!

Ipinilig ko ang ulo. Muntik ko na ngang mapukpok dahil mukha akong timang. Tumawa tuloy si Serg, na katabi ko. Siya lang ang hindi pa naghuhubad. Hindi na nga kami nakapagkanta ng 'Happy Birthday' dahil abala na sila sa paglangoy at asaran sa pool.

Si Jerson at Dew, naghuhubaran ng boxers. Oh shit! Napatakip ako sa mga mata kahit hindi naman natuloy sapagkat inawat sila nina Green, Cyclone, Brix at Zyle habang nagtatawanan. Napahawak ako sa ulo. Nakakabaliw sila. Sobra.

Ang mga babae naman ay nagtakbuhan sa comfort room. Malamang para magpalit ng swimsuits. Nang lumabas sila ay napasipol 'yong mga kalalakihan. Wala nang ibubuka ang bunganga ko. Oh God!

Sexy Chicks, one word... Sexy! Two words... Indubitably sexy!

Hindi ko maiwasan ang pamulahan ng mukha. Nahihiya tuloy akong sumali sa kanila. May maipagmamalaki rin naman ako, pero kung ikukumpara sa kanila. Walang-wala.

Nagtangka rin na maghubad si Serg ng damit kaya agad kong hinawakan ang kamay niya. Tiningnan niya ako nang nagtataka. Umiling ako at inalis ang kamay. "M-Mamaya ka na sumali sa kanila." Naku naman! Pinagpapawisan na ako sa sobrang init, ayoko nang dagdagan pa.

Nagkibit-balikat lang siya, pero pinagbigyan din naman ako. Hindi ko na inaksaya ang pagkakataon para itanong ang kanina pang bumabagabag sa'kin. "Where's Grant? Pupunta ba siya?" Binasa ko ang labi.

Hinawakan niya ang tuktok ng ulo ko at ginulo ang aking buhok. "I'm sorry to say this, Xhai, but... I think he's not coming," mahina ang boses niya.

Pilit ko siyang nginitian. "O-Of course, he's not... coming." Bahagya ko siyang siniko. "C'mon, let's swim."

Marami ng nangyari. Kulitan. Asaran. Kainan. Naglaro na rin kami ng kung ano-anong pakulo. Mafia and dare game. Habulan sa tubig. Patagalan ng hininga at kung ano-ano pa. Mag-aalas dose na, pero wala pa si Kuya Xyrus at Angel.

Tumigil na muna ako sa kakakain at lumapit sa maliit na mesa kung saan nakalagay ang mga cellphone at iba't ibang gadgets namin. Nababahala na ako. Magkasama ba sila? Kinuha ko ang aparato. Tatawagan ko na si Kuya Xyrus nang makita ko si Gel na pumasok sa pinto sa may gilid ng pool. Nakasunod si kuya sa kanya. Magkasama nga sila.

Wala sa sariling nailapag ko muli ang phone at tumakbo palapit sa kanila. Kaso, natigilan ako pati na rin ang mga kasama namin. Lahat ng atensiyon ay napunta na sa kanila, tulala at nanlalaki ang mga mata. Pagkabigla at pag-aalala ang makikita sa'ming mga mukha.

Nilagpasan lang ako ni Angel, pero hindi iyon ang inaalala ko. Tinakasan na yata ako ng lahat ng dugo sa sobrang pamumutla. Si Kuya Xyrus ay tumigil sa gilid ko, hindi man lang ako tinapunan ng kahit sulyap. Nakakuyom ang kanyang mga kamaong nakatitig kay Gel. Hindi ko mailarawan ang aura niya. Ang nakikita ko ay pinaghalong pag-aalala, takot, galit, pagsisisi at kung ano pa. Tumutugtog ang kanta ni Beyonce na "Love on Top", pero kabaliktaran ng kanta ang aming nararamdaman. Lahat kami ay naistatwa, hindi makapagsalita, at nakatitig lang sa kanila.

Kay Kuya Xyrus na may mga galos sa mukha at braso. Maraming dugo sa damit at sariwa pa ang mga ito. Sobrang dami na hindi ko matukoy kung sa kanya ba ang mga 'to o sa ibang tao.

Kay Angel na nakatalikod sa'kin. Tumigil siya sa tapat ng pool, nakatungkay sa kanya ang lahat, at hinihintay lang kung ano ang kanyang gagawin. Wala na rin akong pakialam sa'king nararamdaman. Nanginginig ang aking buong katawan.

Bigla siyang naghubad ng damit, pang-itaas at pang-ibaba, at iniwan ang kanyang swimwear. Natutop ko ang bibig sa nakita. Hindi dahil sa maganda niyang katawan. Naihilamos ni kuya ang mga palad at napamura. Damn! Pati na ako. She has cut, no... cuts on her shoulders. I think it was from a knife or something sharp object. May mga galos din siya. Hindi ko nakikita ang kanyang mukha, pero nakakasiguro akong meron din doon.

Hindi lang 'yun, kung maraming dugo si kuya sa damit lalo na siya. Hindi ko 'yun napansin kanina dahil pula ang damit niya, pero ang suot niyang swimsuit ay hindi na kulay asul kung'di pula na rin.

They're both soaking wet not with water, but rather with blood. Freaking blood! What happened to them?

Tumalon si Angel. Pipigilan pa sana siya ni kuya, kaso nasa pool na siya. Napangiwi ako. Maraming chlorine ang pool at siguradong mahapdi iyon sa mga sugat niya. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Gusto kong umiyak, pero alam kung hindi iyon gusto ni Gel.

Lumangoy siya palapit kay Zyle. "Happy Birthday," malapad ang ngiti niya. Hindi nakaimik si Zyle. Wala pa rin ang nagawang makapagsalita sa'min. "Pumunta ako. Binati na kita. Naligo na rin ako. Uuwi na ako." Umahon siya.

Sinalubong siya ni Kuya Xyrus para alalayan. Kaso malakas na sumigaw si Angel, "Don't you dare to touch me! Don't you dare... don't you even dare to come near me! How many times should I tell you to stay away from me? To stop loving me? I don't need it. I don't need you... anything from you-"

"T-That hurts-"

"I don't care! Wala akong pakialam. Wala! Naiintindihan mo? Wala! Pwede ba umalis ka na-"

"I-Im sorry-"

"Tangina! You're sorry? Oh hell, you're not! Gano'n naman palagi, sorry... sorry, pero gagawin ulit. Niloloko mo ako? Ginagago mo ako? Eh, tarantado ka pala talaga, ano? Hindi tayo at kailanman hindi magiging tayo. 'Wag kang assumero!"

"Dammit, Gel! S-Stop it," napalakas na rin ang boses ni Kuya Xyrus, pero mababakas sa tono niya na nasasaktan talaga siya. "Tama na... sobra na... ang sakit-sakit na... I already said sorry, what else do I need to do?" Humakbang siya palapit kay Angel. Gulat na gulat na nga kaming lahat sa mga nakikita mas nawindang pa kami nang sampalin ni Gel si kuya.

"Sinabi nang... 'wag mo akong hahawakan!" Humakbang si Gel patalikod, umiiling. Hindi yata nila pansin na maraming tao rito na nakakakita sa kanila, tulala pa rin. "At pwede ba, 'wag kang magdrama! 'Wag kang umiyak! Nagmumukha kang tanga!" Pagkasabi niyon ay nilagpasan niya lang si Kuya Xyrus at lumabas na ng garden, na hindi man lang nagpapaalam sa'min.

Shit... Angel! You're heartless! Alex's gone. Stop hurting my brother!

Susunod sana ako, kaso may humawak sa braso ko. Paglingon ko si Brix ang nakita ko. Seryoso ang aura ng mukha, gulat din sa mga nangyari, pero wala kaming magawa.

"Alam natin na ayaw ni Gel na pinapakialaman siya. Gano'n din ang kuya mo. Sanay na tayong nakikita si Angel nang ganyan. At sa tuwing nangingialam tayo mas lumalala ang sitwasyon. Nag-aalala tayo, pero hayaan natin na sila ang mag-ayos kung ano man ito." Wala akong ibang nagawa kung'di ang tumango. Paglingon ko kay kuya, wala na rin siya. Sinundan niya nanaman si Angel. Nagpakawala na lang ako ng buntong-hininga. I know they're not okay, but I hope they'll be okay.

*.*.*.*.*

Matapos umalis ni Kuya Xyrus at Angel ay napagdesisyunan ko nang magbihis dahil nawalan na ako ng ganang magsaya. Umahon na rin sila at nagpasya na lang na ubusin ang mga pagkain at mag-usap-usap.

"Can we talk?" Muntik na akong mapabalik sa loob ng kwarto nang mabungaran si Vlaire na nakatayo sa harapan ko, nakayuko at hindi ako magawang tingnan. "Please...?"
--

#IAR #InaREALationSHIT

Click the ☆ button.

Continue Reading

You'll Also Like

19.6K 559 17
If the magic fades away, will you still believe?
5.1M 45.5K 40
My name is Jared, and this is the story on how I fell in love with a stranger, which started with A KISS IN THE RAIN..
11.7K 305 8
What's meant to be will always find a way
24.3M 710K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...