MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2...

By mic_pagayunan

10K 167 3

Si Kami ay ampon ng isang mayaman na haciendero na si Don Gabriel El Farma, sa Canada sya nito pinalaki. Sa p... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45

CHAPTER 38

190 4 0
By mic_pagayunan

DINNER WITH HER

Pagkatapos kong magbihis ay binihisan ko na rin si Ella para hindi lang ako ang maganda diba? Pati rin ang anak syempre.

Ipinasuot ko sa kanya ang binili ko na dress na kulay pink, ang cute kase at may terno na cycling short at tinanggal ko sa box ang ang maliit nya na pink sandals din para magterno sa damit nya.

Nilagyan ko sya ng baby powder at baby cologne, mas mabango pa yata sa akin ang anak ko kesa sa akin. Tumayo ako habang karga si Ella, kinuha ko ang hikaw ko na maliit heart shaped yon. Sabi ni Karen ay mabuti daw hindi natanggal sa tenga ko nang makita ako ni Tatay Mario. Hindi ko na isinusuot ang hikaw na iyon pero ngayon ay ipamana ko na sya kay Ella sya na ang pasusuotin ko since sobrang liit lang naman ng hikaw at after ng seremonyas naming dalawa ay lumabas na kami.

Nakarating na kami sa bahay ni Kammee, nakita kaagad kami ni Karen at sinalubong kami sa gate nila.

"Good evening Karen" bati ko sa kanya.

"Good evening din engineer" sagot nya at mas binuksan ng malaki ang gate para makapasok kaming tatlo.

"Magandang gabi mahal kong binibini" si mark sabay kuha ng kamay ni Karen at hahalikan nya pa sana nang biglang hinawi ni James ang kamay ni Karen.

"Tsk, panira ka talaga James, hindi mo ba alam na tanda ng paggalang sa isang binibini ang paghalik sa kanyang kamay?" maktol ni Mark na nagboses makalumang Filipino.

"Kung hindi kita kilala kuya Mark, maaaring napakagalang mo nga pero kase hindi e. Kilala ko ligaw ng bituka mo" sabay tawa ng malakas.

"Tama na yan magsipasok na kayo" natatawa nalang si Karen sa dalawa.

Mula sa labas ay kita ko si Kami na nakaupo hawak si Ella at nilalaro nya ito, humahagikgik ang bata kapag hinahalikan nya ito sa leeg at nakikiliti sa ginagawa nya. Hay, ang sarap nilang pagmasdan na dalawa. Siguro mas masaya kung kasama na ako dyan na para na kaming buong pamilya.

"Sige pasok na kayo at tawagin ko muna sina tatay" anyaya sa amin ni Karen.

Nakita naman kaagad kami ni Kami at mabilis sya na tumayo. Ang ganda nya talaga simple lang ang suot nya, good thing ay hindi nya pinaiksian ang buhok nya na itim na itim at tuwid na tuwid. Nag clip lang sya ng buhok na lagi nyang ginagawa noon pa man, nagmumukha tuloy syang bata.

"Hello" tipid nyang bati sa amin na parang nahihiya.

"Good evening miss Cameia" bati ng dalawa sa kanya at itinuro nya ang upuan sa amin.

Cute lang ang bahay nya, tama lang sa kanila ng anak nya pero mukha naman itong kumportable. Bungalow style na may dalawang kwarto na paglabas mo ay sala na kaagad at ang mini store nya ay connected sa bahay nya. Tapos sa dulo ng sala ay kusina at banyo na.

Tumayo kaagad kami ng dumating na ang parents ni Karen para magbigay galang sa kanila, pero syempre ang bida-bida ay si Mark. Nagpapalakas yata.

"Karen, anak halika muna dito" tawag ng tatay ni Karen sa kanya na nasa kusina bitbit si Ella. "Pakainin nyo na ang mga bisita natin" sabi nya kay Karen.

Habang abala sila sa kusina ay nag-uusap kami ng tungkol sa ibang bagay at hindi namin na pag-usapan ang tungkol kay Cameia. Parang nirerespect talaga nila ang situation namin ni Kami at hinahayaan lang muna ang mga bagay-bagay.

Inilagay ni Karen ang tatlong maliliit na mesa sa harap namin kaya nagmukha syang mahaba at doon inilagay ang mga pagkain.

"Pasensya na kayo sa bahay namin kase ang liit ng mga bagay-bagay" paumanhin ng nanay ni Karen.

"Naku po, wala po iyon. Sanay po kami" sagot ni James na ikinatuwa ng dalawang matanda at nakangiting pinapanood kami habang kumakain.

Nakita kong pumasok si Kami sa loob ng isang kwarto bitbit si Ella, mula sa kinauupuan ko ay kita ko sya. Nakaligtaan nya na isara ang pinto pagpasok nya. Inihiga nya si Ella sa kama at humiga rin sya ng pa slant, bale ang posisyon nila ay nakahiga sa gitna ng kama at ang mga paa ay nakalawit.

Iniba ko ang direksyon ng mga mata ko nang itinaas nya ang suot nya na blouse at ipinatagilid nya ang baby para makadede ito sa kanya. Hay, dati ako lang ang dumedede dyan pero ngayon ay baby na. Nakaramdam ako ng init ng katawan ng maalala ko ang iksena na iyon. Ipinukos ko nalang ang atensyon ko sa kinakain ko.

Pero hindi ko talaga maiwasan na hindi mapatingin sa kanya, ngayon ay nakatukod na ang isang braso sa ulo nya habang mahinang tinatapik-tapik ang baby ng palad nya. Nagulat sya ng mahuli akong nakatingin sa kanya kaya mabilis nya na ibinaba ang damit nya. Nabitin yata sa pagdede ang bata kaya umiyak. Para hindi sya mailang ay tumayo ako at ako na ang nagsara ng pinto, nakatingin lang sa akin ang mga magulang ni Karen na nakangiti kaya nginitian ko rin sila.

May sayawan ngayon sa Plaza bakit hindi kayo pumunta doon? sabi ni Tatay Mario.

"Parang maganda pong ideya yan Tay, at ng makasayaw naman kami ng magaganda doon" sabi ni Mark sabay tingin kay Karen.

"O sya pagkatapos nyong kumain, Anak. Karen samahan nyo sila sa Plaza at isama nyo na rin si Cameia at hindi lumalabas ng bahay ang batang iyan " mungkahi ng Nanay ni Karen.

Nakita kong pumasok ng Kusina si Kami at mabilis ako na tumayo bitbit ang pinggan na pinagkainan ko.

Nagulat pa sya nang makita ako na nakatayo sa sink at kalalabas nya lang ng banyo.

"Sorry kung nagulat kita" sabi ko sa kanya.

"Wala yon, kunin ko nalang ang pagkakataon na ito para magpasalamat sayo dahil ikaw daw ang nagbayad ng hospital bills ko" ngiti lang ang itinugon ko sa kanya.

Kumuha sya ng plato, kakain yata sya.

"Tara kain tayo" aya nya sa akin, kaya kahit tapos na akong kumain ay hindi ko sinayang ang pagkakataon na hindi nya ako makasabay ulit sa pagkain.

Kumuha sya ng dalawang plato at ibinigay sa akin ang isa.

"Maupo ka na" sabi ko sa kanya sabay hila ng upuan para sa kanya, nag-aatubili man ay umupo naman sya. Katulad ng ginagawa ko sa kanya dati ay nilagyan ko ang plato nya ng pagkain, nakita ko ang pagpikit ng mga mata nya na parang may nakikita sa pamamagitan ng alaala nya.

Sige Kami, alalahanin mo, pilitin mong maalala ako. Sabi ko na ako lang ang nakakarinig. Nagmulat sya ng mga mata.

"Sorry ha, medyo may naalala kase ako pero hindi malinaw" napangiti ako, atleast may chance na bumalik ang ala-ala nya. Kailangan lang siguro ay gawin ko ang mga bagay na ginagawa ko sa kanya dati.

Nilagyan ko ng kunti ang pinggan ko at tumabi sa kanya, bahagya naman sya umusog para bigyan ako ng space. Nakahawak ang isang kamay ko sa upuan nya habang nakaharap ako sa kanya. Basically nakatagilid ako paharap sa kanya.

"Sasama ka ba mamaya papuntang sayawan?" tanong ko sa kanya habang kumakain sya.

"Parang hindi siguro, alam mo naman breastfeeding ako kay Gabriyela at baka mahamugan ako magkasipon pa ang bata" tugon nya at napatango ako kase tama naman sya sa sinabi nya.

"Andun naman si Karen na sasama sa inyo, at isa pa ay mababait naman ang mga tao dito sa Panguiranan"

"Dito nalang ako habang hinihintay ang dalawa, excited ang dalawang yan na makipagsayawan"

"Hi-hindi ka pupunta?" utal na ulit nya sa sinabi ko pero patanong na ang sa kanya.

Nginitian ko sya. "Hindi, baka kase may magselos once na malaman nya na pumunta ako sa mga ganyan. Grabe pa naman magselos yon" natatawang sabi ko habang pinapanuod sya na kumakain.

Tumayo ako at nagsalin ng tubig para ibigay sa kanya. Kakatapos nya lang din kumain, nauna na akong pumunta sa sala. Pagdating ko doon ay umuwi na pala ang magulang ni Karen sa bahay nila at mangingisda pa daw ang tatay nya sa madaling araw kaya kailangan na nitong magpahinga.

"Ano girl, sasama ka sa amin sa plaza? Iiwan natin si Ella kay Nanay para may magbantay sa kanya" tanong ni Karen kay Kami na kakaupo lang sa sala.

"Hindi daw sya sasama at baka mahamugan sya" mabilis ko na sagot.

Nagets naman kaagad ako ni Karen kaya hindi na sya nagpumilit pa na isama si Kami.

"Ok sige, kaming tatlo nalang. Let's go boys! at least may body guard ako" natatawang sabi ni Karen at umalis na silang tatlo.
Nagkatinginan kami ni Kami nang kami nalang dalawa.

"Sana sumama ka na sa kanila at ok lang naman ako dito at sanay na ako na kami lang ni Ella ang tao sa bahay" nag-aalalang sabi nya.

"Don't worry, pasalamat ko nga na hindi ka pumayag para may reason ako na hindi pumunta kase pipilitin ako ng dalawa na sumama. Hindi naman ako mahilig sa ganon" sabi ko sa kanya na may katotohanan.

"Kung ganon ay doon ka muna magpahinga sa isang kwarto habang hinihintay mo sila" suggestion nya.

"Hindi na dito nalang ako sa sala nyo" tanggi ko sa offer nya.

"Si-sige, pero iligpit ko muna ang mga pinagkainan" tinanguan ko sya.

Sinundan ko sya sa kusina. "I'll help you" nagulat sya at napalingon sa akin.

"No, kaya ko na 'to magpahinga ka nalang sa sala o buksan mo ang tv para may mapanuod ka habang hinihintay mo ang mga kasama mo" taboy nya sa akin. Pero hindi ako umalis nakatayo lang ako sa pinto na kumukunekta sa sala at kusina.

Maya-maya lang ay umiyak ang bata. "Ako na ang pupunta sa anak mo" presenta ko sa kanya at tumalikod na.

Pagdating ko sa kwarto ay gising na ang baby at umiiyak, binuhat ko sya at inilagay sa balikat ko at marahan kong hinihimas ang likod nya. Ang kanyang maliit na braso ay nakayakap sa leeg ko. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag karga mo ang isang anghel. Paano pa kaya kung anak ko ito? Pero wala naman sa dugo para matawag mo sya na anak diba?

Maya-maya lang ay narinig ko ang mumunti nyang hilik tanda na tulog na sya. Maingat ko sya na inihiga sa kama at pinagmasdan ng mabuti, napansin ko ang hikaw na suot nya. Napangiti ako dahil ito ang hikaw na binili ko noon kay Kami. Mabuti at hindi nawala at nasa kanya pa rin. Hinalikan ko sa noo si Ella, sobrang gaan ng loob ko sa batang ito. Kunsabagay ay mahilig talaga ako sa mga bata.

Medyo dinalaw ako ng antok, dala na rin siguro sa pagod sa maghapon sa dami ng trabaho sa site. May mga iniba ako na drafts. Halimbawa nalang ay kailangan ko palitan ang wall na nasa harap ng dagat ng glass wall para ma-capture ang sunset na hindi mo kailangan lumabas pa. Doon palang sa mga kwarto ng hotel ay pwede mo na makita at makuhaan ng litrato. Nang ipinadala kase sa akin noon ang mga pictures ng site ay hindi nakuhaan ang paglubog at pagsikat ng araw.

Bilang engineer ay mahalaga sa akin ang Natural Scenica, para mafeel ng mga tao na nakakakita na above all, nature is for all to see na iba ang naibibigay na ganda ng Kalikasan.

Continue Reading

You'll Also Like

506K 1.5K 11
Fun wlw sex. Different kinks and stuff, all about trying things. May even include potential plot lines and will definitely include some form after ca...
1.6M 138K 46
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐀 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 π‘πšπ­π‘π¨π«πž π†πžπ§'𝐬 π‹π¨π―πž π’πšπ πš π’πžπ«π’πžπ¬ ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
602K 49.7K 24
Indian Chronicles Book III My Husband, My Tyrant. When Peace Becomes Suffocation. Jahnvi Khanna has everything in her life, a supporting family, a hi...
316K 18.4K 19
"α€˜α€±α€Έα€α€Όα€Άα€€α€œα€¬α€•α€Όα€±α€¬α€α€šα€Ί α€„α€œα€»α€Ύα€„α€Ία€œα€Ύα€―α€•α€Ία€žα€½α€¬α€Έα€œα€­α€―α€·α€α€²α€·.... α€™α€Ÿα€―α€α€Ία€›α€•α€«α€˜α€°α€Έα€—α€»α€¬...... ကျွန်တော် α€”α€Ύα€œα€―α€Άα€Έα€žα€¬α€Έα€€ α€žα€°α€·α€”α€¬α€™α€Šα€Ία€œα€±α€Έα€€α€Όα€½α€±α€€α€»α€α€¬α€•α€«.... α€€α€»α€½α€”α€Ία€α€±α€¬α€Ία€›α€„α€Ία€α€―α€”α€Ία€žα€Άα€α€½α€±α€€...